Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
TANGERE
Aug 29th, 2010
by Cathy.
This is the summary of Chapter 32 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL.
Kabanata XXXII
Ang Panghugos
Buod
Sa lugar kung saan gaganapin ang paglagay ng panulukang bato ng paaralan, si Nor Juan ang
magpapagalaw ng kalong itinayo ng lalaking madilaw. Itinuro ng huli kung paano ito
pagagalawin.
Ang sukat nito ay walong metro ang taas. Nakabaon sa lupa ang apat na haligi kung saan may
nakasabit na lubid bawa’t haligi. Sa tingin ay napakatibay nito.
May mga iba’t ibang kulay na banderitas na nagwagayway sa itaas nito. lupa ang apat na haligi
Isang tao lamang ang kailangan para itaas at ibaba ang malaking bato a siyang magsisilbing
panulukang bato ng paaralan. Humanga si Nor Juan sa madilaw na tao habang ang mga
nakakararami naman ay nagbulungan sa pagpuri.
Pinuri ng taong madilaw si Don Saturnino. Ito raw at marunong magparusa sa kaniyang mga
tauhan.
Malaki ang handa ni Crisostomo Ibarra para sa pagdiriwang ng pagbaon ng panulukang baton g
paaralan.
Maraming inumin at pagkain na inihanda ng mga guro at mag-aaral. Ang mga panauhin ay
sinundo pa ng banda at doon na nag-almusal.
Ang magbabasbas ay si Pari Salvi . Ang mga mahahahalagang kasulatan, mga medalya. Salaping
pilak at relikya ay inilagay sa isang kahong bakal na ipinasok naman sa isang bumbong yari sa
tingga.
Si Elias ay nagbabantay at nakatingin sa madilaw na tao na may hawak ng lubid. Ang lubid ang
siyang magtataas at magbababa sa batong ilalapat sa nakatayong bato sa ibaba. May uka ang bato
kung saan ilalagay naman ang bumbong tingga na kinalalamnan ng kahang bakal na may mga
mahahalagang kasulatan.
Nagtalumpati ang alkalde sa wikang Kastila. Sinundan ito ng pagpalitada at pagbaba ng mga
kura, mga prayle, mga kawani, mga mamamayang panauhin ni Kapitan Tiyago.
Nang mapawi ang alikabok, nakita si Ibarra na nakatayo malapit sa kinabagsakan ng bato.
Ang taong madilaw ay patay na. Nadaganan ito ng bato at natabunan sa paanan ni Ibarra.
Ipinapahuli ng alkalde si Nor Juan pero nakiusap si Ibarra na siya na ang bahala doon.
Kay Pilosopo Tasyo, ang naganap na nasaksihan niya ay hindi magandang pangitain.