Vous êtes sur la page 1sur 4

Ang Hula kay Haring Leon

I. TAUHAN

Haring Leon – hambog


Usa – mapagkumbabang manghuhula
Manggagamot – tagasunod s autos ni Haring Leon
- tagapagbigay payo sa hari

II. TAGPUAN
Kagubatan

III. SIMULA
Napanaginipan ni Haring Leon na nalagas ang
kanyang ngipin, naubos ang balahibo at nangatal ang
buo niyang katawan. Nagpatawag siya kaagad ng
mahuhusay na manghuhula. Ibig niyang malaman ang
kahulugan ng panaginip niyang iyon.

IV. TUNGGALIAN
Isang manghuhulang kambing ang ipinatawag at
sinabing magkakasakit daw nang malubha at
ikakamatay niya ito. Nagalit si Haring Leon at pinatay
ang kambing.
Muling nagpatawag ng manghuhula ang leon.
Ang usa at sinabi rin na mamamatay siya dahil
mapababayaan nito ang kanyang kalusugan at nagalit
muli ang leon. Pinatay niya rin ang usa.

V. KASUKDULAN
Wala nang ibig pumuntang manghuhula kay
Haring Leon dahil nabalitaan nila ang ginagawa nito
sa mga manghuhula.

VI. KAKALASAN
Labis na dinamdam ni Haring Leon ang kanyang
panaginip. Hindi siya nakakain at nakakatulog.
Napabayaan niya ang kanyang sarili hanggang siya ay
magkasakit at mamatay.

VII.WAKAS
Ang nangyari kay Haring Leon ay nagkatotoo.
Pinanghina siya ng kanyang kaiisip sa masama niyang
panaginip. Napabayaan niya tuloy ang kanyang
kalusugan kaya siya namatay. Nagkatotoo tuloy ang
sinabi ng mga manghuhulang kanyang ipinatawag.

VIII. LEKSYONG ARAL


Laging magtiwala sa sarili at hindi sa hula ng
ibang tao dahil tanging ang Diyos lamang ang
nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari sa ating
buhay.
Ang Lobo at ang Kambing
I. TAUHAN

Lobo – mapagkunwari / mapagsamantala sa


kapwa
Kambing – mabait at mapagbigay sa kapwa

II. TAGPUAN
Kagubatan

III.SIMULA
Naghahanap ng makakain ang lobo,
nahulog siya sa isang tuyong balon.
Nagsikap siyang umakyat subalit wala
siyang magawa.

IV.TUNGGALIAN
Nakita ng lobo ang kambing at
sinabing may nakawalang mabangis na leon
sa kagubatan. Kaya siya nagtago sa loob ng
balon.

V. KASUKDULAN
Pagkarinig bilang tumalon ang
kambing sa loob ng balon.

VI.KAKALASAN
Mabilis na sumampa ang lobo sa likod
ng kambing at tumalon sa loob ng balon.
Nakalabas siya sa loob ng balon ng walang
kahirap-hirap.

VII. WAKAS
Naiwan sa loob ng balon ang kambing
at nagsusumaya naman ang lobo dahil sa
wakes ay malaya na siya.

VIII. LEKSYONG ARAL


Huwag basta-bastang maniwala sa sabi-
sabi.

Vous aimerez peut-être aussi