Vous êtes sur la page 1sur 2

ANG PALAKOL NA GINTO

Sa isang liblib na nayon, malapit sa bundok ng Sierra Madre


ay may isang mangangahoy na may ginintuang puso. Siya ang
naghahanap-buhay para sa kanyang inang may-sakit. Hindi niya
alintana ang pagod at hirap sa pagtratrabaho.Sa pag uwi niya sa
hapon ay dala-dala na niya ang mga kahoy niyang naputol upang
ipagbili sa kabayanan. Sa araw-araw ay sa ganito umiikot ang
kanyang buhay.
Isang araw, gumayak na muli ang mangangahoy upang pumulak
ng kahoy sa kagubatan. Madaling araw . pa lang ay nagsimula na
siyang maglakad. May kalayuan din ang kagubatan sa kanilang
tirahan. Sinapit niya ang kagubatan na ganap na ang sikat ng
araw. Nagsimula na siyang pumulak ng kahoy na kanyang dadalhin.
Tanghaling tapat nang matapos siyang pumulak. Dahil sa
katanghalian na ay minabuti muna niyang kumain bago umuwi.
Binuksan niya ang kanyang dala-dalang baong pagkain at sinimulan
na niyang mananghalian. Nakaramdam siya ng pagkauhaw matapos
kumain kaya minarapat niyang magtungo sa kalapit na sapa upang
doon ay uminon.
Sa kanyang pagyuko sa batis ay hindi inaasahang nalaglag
ang kanyang palakol. Malalim ang sapa at hindi siya marunong
lumangoy. Labis na lungkot ang kanyang nadama. ‘Paano ko ito
makukuha, ‘ ang tanong niya sa kanyang sarili .
Sa tindi ng kalungkutan ay napaluha siya. Pangangahoy lamang ang
alam niyang hanapbuhay at nawala pa ang kanyang pinakaiingatang
gamit .Sa tangpo ito ay lumitaw ang isang diwata.Batid ng diwata
ang kabutihang puso ng mangangahoy .
“Bakit ka umiiyak, ginoo?” ang tanong ng diwata.” Nalaglag
pos a sapa ang aking palakol na katulong ko sa paghahanap
buhay,’ang sagot ng mangangahoy.Biglang nawala ang diwata at nang
lumitaw ay may hawak na palakol na ginto.” Ito ba ang nawawala
mong palakol? tanong ng diwata .” Hindi po iyan,” ang magalang na
sagot ng mangangahoy. Nawala ang diwata at nang muling lumitaw ay
may hawak na pilak na palakol.
“Hindi po iyan. Ang sa akin po ay isang luma at
kalawanging palakol, ang matapat na tugon ng mangangahoy. Nawala
uli ang diwata at muling lumitaw. Sa huling pagkakataon ay hawak
niya ang isang lumang palakol.“Ito ba ang nawawala mong palakol?”
ang muling tanong ng diwata.
“Opo, yan nga po ang sagot ng mangangahoy. Ibinigay ng
diwata ang kanyang nawawalang palakol at nagwika, “ikaw ay isang
mabuting tao, masipag, matulungin at higit sa lahat ay matapat.
Dahil sa iyong katapatan ay ibibigay ko na rin sa iyo ang ginto
at pilak na na palako.” Pagkabigay ay nawala nang parang bila ang
mahiwagang diwata.
Umuwing masaya ang mangangahoy na dala ang kanyang
tatlong palakol. Pagdating sa kanila ay ibinalita.ang nangyari sa
kagubatan. Habang siya ay nagbibida sa mga kasamahang nangangahoy
ay mayroon palang isang mangangahoy na nakikinig na maitim na
balak.
Palihim na umalis patungo sa kagubatan ang mangangahoy
na ito.Pagdating sa sapa ay sadya niyang inihulog ang kanyang
palakol at sinimulang umiyak .Sa tagpong ito ay lumitaw ang isang
diwata. Batid ng diwata ang maitim na budhi ng mangangahoy.
“Bakit ka umiiyak, ginoo?” ang tanong ng diwata.
“Nalaglag po sa sapa ang aking palakol na katulong ko sa
paghahanap-buhay,” ang sagot ng manganaghoy.
Biglang nawala ang diwata at nang lumitaw ay may hawak na palakol
na ginto.
“Ito ba ang nawawala mong palakol?” tanong ng diwata.
“Opo, yan nga po,” ang sagot ng ginoo.
“Sinungaling ka ginoo! Hindi busilak ang iyong puso. Bilang
parusa sa iyong kasamaan ay liliit ang iyong mga kamay upang
mawalan ka ng lakas sa pagpulak ng kahoy,” ang sumpa ng diwata.
Biglang naglaho ang diwata at nagkatotoo ang sumpang binitiwan
niya sa kanya.

Vous aimerez peut-être aussi