Vous êtes sur la page 1sur 9

c

c c
c  c
c c

 c c   c

Mananaliksik:

Chad Jozar Elayba

Maria Lope Elayba

Guro sa Filipino:

    cc

c
  c

c  cc   c

c ›arami ng parami ang bilang ng mga taong gumagamit ng kompyuter lalung-lalo na

ang mga kabataan. Saan mang panig ng mundo, maraming bilang na ng kabataan ang

patuloy na gumagamit ng kompyuter. Tunay nga na ang paggamit ng ganitong teknolohiya

ay hindi lamang pang matanda. Kahit saan ka magpunta, marami ka nang makikitang

kabataan na gumagamit ng kompyuter.

Sa Australia, ginagamit ng mga estudyanteng kabataan doon ang kompyuter upang

mag-aral sa kolehiyo. Sa pamamagitan ng ³online chatting´, nagkakaroon ng komunikasyon

sa pagitan ng mga mag-aaral. Magkakalayo man ang kanilang lugar, kaya nilang makipag-

usap sa isa¶t isa sa pamamagitan ng paggamit ng kompyuter.

Sa Amerika, nasa limampu¶t isang milyong kabataan ang gumagamit ng kompyuter

at ang ilan sa bilang na ito na tinatayang apatnapung milyon ay mga estudyante. Malaking

tulong para sa mga kabataan ang paggamit ng kompyuter.

Dito sa ›ilipinas, maraming kabataan din ang gumagamit ng kompyuter. Ilan sa

kanila ay ginagamit sa pag-aaral, pagkuha ng mga impormasyon, at ang iba naman ay

ginagamit sa paglalaro. Tulad din sa ibang bansa, ginagamit din ng mga mag-aaral dito ang

kompyuter sa kanilang pag-aaral upang gumawa ng mga takda at proyekto. Maraming

³computer shop´ ang nagkalat ngayon sa ating bansa kaya¶t ang mga kabataan ay

malayang nakakapunta sa mga ito upang gumamit ng kompyuter. Kasabay ng paggamit ng

kompyuter, ang ³internet´ ay nauuso na rin. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng

pagkakataon ang mga kabataan na makahanap ng mga ³web-site´ kung saan maaari silang

kumuha ng impormasyon. Ang mga kabataan na ginagamit ang kompyuter sa kanilang

paglalaro ay nakakatulong upang magkaroon sila ng maraming kaibigan. Ngunit,


pinangangambahan na ang labis na paggamit ng kompyuter ng mga kabataan ay maging

dahilan upang sila ay maging ³computer addicts.´

Isa pang pinangangambahang masamang epekto ng paggamit ng kompyuter ay ang

pagkasira o paglabo ng mata ng mga kabataan dulot ng matagal na pagtitig sa harap ng

kompyuter. Ang ³monitor´ ay naglalabas ng ³radiation´ na maaaring makasira sa mata ng

tao lalung-lalo na ang mga kabataang nahihilig sa paglalaro ng kompyuter. Ang madalas na

paggamit ng kompyuter ay maaari rin magdulot sa kawalan ng pagkatuto ng mga kabataan

lalung-lalo na ang mga hindi nag-aaral.

Maraming kabataan ang gumagamit ng kompyuter ngunit wala silang kamalay-malay

sa mga mabuti at masamang maaaring maging epekto nito sa kanila. Dahil dito, nagkaroon

ang mananaliksik ng dahilan upang gawin ang pag-aaral. Ilan sa mga dahilan ng pag-aaral

na ito ay bigyan ng kaalaman ang mga kabataan sa mga maaaring maging epekto ng

madalas nilang paggamit ng kompyuter. Bukod dito, nais din alamin ng mananaliksik kung

anu-ano ang dahilan ng mga kabataan kung bakit sila gumagamit ng kompyuter, gaano

kadalas gumamit ng kompyuter ang mga kabataan, at paano nakakaapekto ang paggamit

ng kompyuter sa mga kabataan. At panghula, nais din ng mananaliksik na masolusyonan

ang mga epektong dulot ng paggamit ng kompyuter.

Ang mga impormasyon na makukuha ay maaaring magamit upang mabigyan ng

kaalaman ang mga kabataan sa mabuting dulot ng paggamit ng kompyuter at bigyan sila

ng babala sa mga masasamang epektong labis nilang paggamit ng kompyuter.

Äc    cc  c c

c ›agkatapos alamin ang mga dahilan n pag-aaral, nais ng mananaliksik na sagutin

ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang epekto ng madalas na paggamit ng kompyuter sa mga kabataan?

2. Anu-ano ang mga ginagawa ng kabataan sa paggamit nila ng kompyuter?

3. Bakit kinakailangan pang gumamit ng kompyuter ang mga kabataan?

4. Gaano kadalas gumamit ng kompyuter ang mga kabataan?

5. ›aano nakakaapekto ang paggamit ng kompyuter sa buhay ng mga kabataan?

6. ›aano masosolusyonan ang mga masasamang epektong dulot ng paggamit ng

kompyuter?

c     cc   c

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para sa mga sumusunod:

Kabataan, upang maibahagi sa kanila ang mga mabuting epekto ng paggamit ng

kompyuter at para na rin mabigyan sila ng babala sa mga masasamang epektong hatid ng

labis na paggamit ng kompyuter. Nararapat lamang na maging handa ang mga kabataan sa

mga masasamang epekto upang hindi ito magdulot sa kanila ng paglabo ng mata at upang

maiwasan na rin ang iba pang maaaring makasam sa kanyang kalusugan.

Magulang ng mga kabataan,upang mabigyan ila ng sapat na atensyon ang kanilang

anak sa paggamit ng kompyuter. Mas mabuting alam ng magulang kung ano ang ginagawa

ng kanilang anak sa paggamit ng kompyuter.

c  c c   cc   c


c Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay para sa mga kabataang marunong gumamit ng

kompyuter. Lahat ng kabataan (nag-aaral man o hindi) ay sakop ng pag-aaral na ito. Ang

pag-aaral na ito ay saklaw ang mga kabataang may edad na labing pito (17) o pababa.

Ang delimitasyon ng pa-aaral na ito ay ang mga mataandang may edad na labing

walo (18) o pataas dahil hindi na natin sila maituturing na kabataan. Hindi rin saklaw nito

ang mga kabataan na hindi marunong gumamit ng kompyuter dahil ang pag-aaral na ito ay

para lamang sa mga marunong gumamit ng kompyuter.

c  cc  c     c

c Ang mga terminolohiyang ginamit sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:


c! Ito ang tawag sa mga taong labis na gumagamit ng kompyuter.


c   Ito ang tawag sa lugar kung saan maaari kang gumamit ng

kompyuter ngunit may bayad.

 Ito ang tawag sa nagdudugtong ng isang kompyuter papunta sa iba¶t

ibangsalik ng impormasyon.

    Ito ang mga taong ginamit bilang respondents.

  Makinang pinaaandar ng kuryente na ginagamit sa iba¶t ibang bagay.

    c     Ito ang tawag sa teknolohiyang umiiral sa makabagong

panahon.

   Ito ay isang bahagi ng kompyuter kung saan dito mo tinitignan ang ginawa

mo sa kompyuter.
Öc
  Ito ang tawag sa pag-uusap ng dalawa o higit pang tao gamit ang

internet.

"    Ito ang tawag sa inilalabas na ilaw ng monitor na nakasisira sa mata ng

isang tao.

# Ito ang tawag sa lugar na hinahanap ng tao gamit ang internet.

    cc

cc$  c c   c

Ang pagsusuri ng literature at pag-aaral na ginawa ng mananaliksik ay kaugnay ng

mga sumusunod:

Ä    Ayon sa World Health Organization, gumawa sila ng isang pag-aaral

noong 2002 ang nagpapakita na ang 20% ng batang lalaking taga-Finland sa pagitan ng

labingtatlo hanggang labinglima ay gumagamit ng kompyuter ng higit sa tatlong oras kada

araw. Sa kabilang banda, ang mga batang babae naman sa parehong edad ay nasa 2%

hanggang 3% lamang.

Ipinapakita rin sa pag-aaral na ginawa ng World Health Organization na ang mga

kabataang lalake ay ginagamit ang oras nila sa paglalaro ng ³computer games´ o mga laro

sa kompyuter, habang ang mga kabataang babae naman ay kadalasang nakikitang

nakikipag-usap sa mga ³chat rooms´ o di naman kaya¶y nagpapasahan ng mga mensahe sa

kanilang ³e-mail.´

Ayon kay Nicolas Yee, isang ›h.D. ng Communications Department ng Stanford

University, may iba¶t ibang dahilan ang mga kabataan kaya sila naglalaro o gumagamit ng
kompyuter. Nagsimula ang kanyang pangangalap ng impormasyon noong taong 1999 at

inilabas ang resulta sa isang web-site na tinawag niyang The Daedalus Project. Sa resulta

ng kanyang pag-aaral, nagawa niyang i-grupo ang mga dahilang ito sa lima at ito ay ang

mga sumusunod: achievement, socialization, immersion, vent/escape at competition.

Ayon naman kay Mary Schlimme, ilan sa katangian ng isang ³computer addict´ ay

ang hindi mapigilang paglalaro ng kompyuter, hindi makapag-isip ng tama sa paaralan na

nagiging dahilan kaya bumababa ang marka, kakulangang atensyon sa pansariling

kalinisan, at kakulangan sa tulog. Ang mga kabataang lalake at babae ay maaaring

makaranas ng ³withdrawal syndrome´ na kung saan nakakaranas siya ng matinding

panginginig. (Schlimme 2002).

$  cAyon sa isang ulat ni Rafael Cabredo, isang Faculty sa De La Salle University,

nagsisimulang maglaro ang isang bata sa America sa edad na anim (6) at ang average na

edad ng mga naglalaro ay dalawampu¶t - siyam (29). Hindi pa tiyak ang istatistikang ganito

sa ›ilipinas, subalit maaaring pareho ang mga pigura o kung hindi man ay hindi rin

nalalayo.

c Maraming pag-aaral na ang nagsasabing ang labis na paggamit ng

kompyuter ng mga kabataan ay dahilan ng paglabo ng kanilang mga mata dahil sa

³radiation´ na inilalabas sa ³monitor´ ng kompyuter. Kaya, ipinapayo ng mga doctor na

laging ipikit ang mga mata dahil ang labis na pagdilat nito ay maaaring maging sanhi ng

pamumula ng mata. Ayon din sa mga doctor, dapat ding bigyan ng pansin ang kalinisan ng

katawan at maglaan ng sapat na oras sa pagtulog. Ang mga ito ay nakakatulong upang

maiwasan ang mga negatibong epekto ng paggamit ng kompyuter.


    cc

 cc   c

Ang pamamaraan ng pag-aaral na ginamit ng mananaliksik ay deskriptib sapagkat

inilarawan ng mananaliksik kung anu-ano ang mga magaganda at masasamang epekto ng

labis napaggamit ng kompyuter. Inilahad ng mananaliksik ang mga epektong nabanggit

ayon na rin sa sariling karanasan ng mananaliksik.

Isa ring pamamaraan na ginamit ng mananaliksik ay ang sarbey. Gumamit ng sarbey

ang mananalksik sa pamamagitan ng berbal na komunikasyon. Ipinagtanong ng


mananaliksik sa iba¶t ibang kabataan ang mga epektong kanilang nararamdaman. Ang mga

kabataang napili ay siyang naging respondents ng mananaliksik. Dahil dito, inilahad ng

mananaliksik ang mga epektong ito batay na rin sa mga epektong nabanggit ng mga

respondents.

Vous aimerez peut-être aussi