Vous êtes sur la page 1sur 6

John N. Abletis Prof. Laura L.

Samson
MA Sociology Student Popular Culture (Socio 243)
2009-79293 UPD-CSSP-Dep’t. of Sociology
January 26, 2011
Sa TV5

Sa mga unang araw ng klase sa Pop Culture, nabanggit ng aming guro na kailangan naming
bumisita sa Showtime o Willing-Willie para obserbahan ang mga gawi at kilos ng mga taong
nanunood sa mga nasabing palabas. Mukha ngang magiging enteresante ang gagawin, sabi ko sa
sarili ko, dahil makikita ko ng live ang mga hinahangaan kong artista. Nagtanung-tanong ako sa
mga kakilala kung papano pumunta sa mga nasabing palabas. Ang sabi ng ilan reservation daw,
ang sabi naman ng iba basta pumunta nalang ako. Naging busy na ang mga sumunod kong araw,
bunga ng accreditation sa PUP na kung hindi namin mapapasahan ay tatanggalin ang
departamento namin (Sociology), sa pagbabasa at pagpreprepare ng report kay Sir Randy
(Elementary Forms of the Religious Life, hindi ko akalaing ganun pala kakapal ang “the best
book” ni Durkheim), at sa sangkatutak na reading materials sa Political Socio na bawat linggo ay
required kang gumawa ng comment at tanong (kahit wala ka nang maitanong). Sa mga panahon
ding ito nagsimula akong magsisi kung bakit pa kasi ako kumuha ng nine units. Dumaan ang
pasko at bagong taon na hindi ako nakapunta sa ABS-
CBN o sa TV5, hanggang sumapit na nga ang linggo
kung kailan required na talaga akong bumisita. Buti
nalang at bago sumapit ang linggong yun ay sinabi sa
amin na kahit sa audience holding area nalang kami
makapunta.
Una kong binisita ang ABS noong Sabado
pagkatapos kong umattend ng isang seminar ng NYC
at Rotary Club para sa mga Koreano. Nagtanong ako
Audience Entrance ng ABS-CBN
sa gwardiya kung papaano manood sa Showtime,
sinabi nya sa akin na may mga nakareserved na para
manood, subukan ko raw na pumila ng magaalaskwatro ng umaga next week para kung sakaling
kulang ang audience ay baka papasukin pa ako, swertihan lang daw. Bumalik ako noong
sumunod na Lunes para magbakasakali, pero hindi ko naabutan, alasais y media na ako
nakarating, akala ko walang pila yun pala nakapasok na ang unang singkwenta kataong
matyagang gumising ng maaga, at mga performer nalang ang naabutan kong pumapasok sa
audience entrance. Sayang! Malaking panghihinayang ko. Sa audience antrance may mga railing,
pangkontrol sa mga tao para pumila, at may mga
masusungit na gwardiya para sa mga makukulit na
tagahanga na nagpupumilit pumasok. Marahil, natuto
nalang silang magmasungit para makatagal sa trabaho.
Natawa rin ako sa nakita ko, pano ba naman kasi,
kaharap ng audience entrance ng ABS ay isang
napakalaking tarpulin ni Willie at ni Shallani na
nagpropromote ng early night show na Willing-Willie
sa TV5, tila nagmamayabang na oh, eto ang alaga nyo Tarpulin ng Willing-Willie sa harapang
dati, akala nyo babagsak ako, haha. Doon ipinapatayo ng Audience Entrance ng ABS-CBN
ang isang tower-condominium na pagmamay-ari ni

1
Willie. Noong huli kong bisita sa lugar (May, 2009), maraming nakatambay para magmasid
kung sisilipin ba sila ni Willie, maraming nasa gilid at nagaabang na makapasok kahit alam
nilang hindi na pwede dahil puno na sa loob, maraming nagbebenta ng mga pakete ng Vaseline
at iba pang mga produkto na kailangan para maging studio contestant, maraming nagbebenta ng
mani, chichiria, mga kakanin at mineral water, buhay na buhay ang lugar, kahit may mga
nagrarally tungkol sa pasweldo at benepisyo ng ABS sa mga kawani nito (harap ng parking lot
ng ABS malapit sa communication tower na siguradong makikita ng sino mang pupunta at
magaaudience kung manggagaling sa Quezon Ave; nagbabarikada pa rin sila hanggang ngayon).
Iba na ngayon. Pagkatapos ng pasukan ng mga napiling audience, marami nang umaalis para
magbakasakali nalang kinabukasan o sa ibang araw. Ang dapat sana’y isang malaking studio at
commercial complex kung saan magtatanghal ang Wowowee ay ikinonvert na para maging
condominium (kasalukuyang itinatayo sa tapat ng audience entrance). Ang dating masigla na
audience entrance ay naging ghost town na. May mga mangilan-ngilan akong nakita na
nakatambay, nagbabakasakali rin na makapasok. Isa na rito si Aling Lita, tiga Valenzuela, avid
fan sya ni Vhong Navarro, nasa edad kwarenta, walang anak, at walang trabaho. Nang tinanong
ko kung bakit nya gustong manood ng showtime, sinabi nya na gusto nyang ma-aliw; at
pumupunta lamang sya sa estasyon kapag wala syang magawa (kapag “free time” raw nya).
Pumupunta rin sya sa Eat Bulaga at sa iba pang shows ng GMA para manood, ganun din sa
Willing-Willie; sya nga ang nagsabi sa akin na meroon
ding scheduling sa TV5, mga stub kung kailan ka
manunood. Kwenento rin nya na noong umiere pa ang
Wowowee ay madalas din syang nasa tapat ng
audience entrance at nagbabakasakaling makapanood.
Ilang beses na rin daw syang nakapasok sa nasabing
palabas. Nang tinanong ko kung sumasali ba sya sa
mga games ng Wowowee, sinabi nyang hindi,
nakakahiya raw. Dahil sa wala kaming magawa ay
Set ng Umagang Kay Ganda isinama nya ako sa loob ng ABS para manood ng
Umagang Kay Ganda. Nagdaan kami sa main entrance
ng Channel 2, sa ELJ Tower. Habang papunta ng
studio ay nadaanan ko ang isang bangko (BPI ata) at
ilan pang mga saradong boutique, may Ministop, at
may iba’t-iba pang mga tindahan sa loob. Wow!
Minamaximize nga ng ABS ang space para kumita.
Naalala ko rin pala, noong huli kong pasok sa tower na
ito (November, 2010) may Fitness First at Call Center
ito sa loob. Balik tayo sa pagauaudience. Hanggang
Reservation area ng ABS-CBN labas lang kami ng studio, hindi pwedeng pumasok
dahil may mga nauna nang mga estudyante,
inimbitahan sila, gayon pa man ay malapit kami sa set ng mga panindang iniendorse ng
programa. Itinuro nya ako sa isang reservation area kung saan magbabayad ka ng P 150 per head
para sa mga studio tours, napagisip-isip ko na aba, pinagkakakitaan na pala ngayon ng mismong
management ang paghanga ng mga fans na gustong makapanood ng personal, direktang
paghuthot ng pera (exploytasyon) hindi katulad ng mga commercials at iba pang adverstisment
sa kalsada na indirect ang panghahalina para sa kita: at nagpauto naman ang mga tao, para
mapagbigyan ang kagustuhang makapanood ng personal sa mismong set sa Channel 2. Nagtagal

2
pa ako sa lugar hanggang alasyete y media para magobserba. Napansin kong pinaghahandaan
nga ng mga staff sa likod ng camera ang bawat set, pero hindi sila recognized kapag gumugulong
na ang film ng camera, bawal silang makita, mga artista lang at tv news anchor ang pwede.
Nagpaalam ako kay Aling Lita at nagsabing susubukan ko kinabukasan na makapunta ng alas-
tres ng madaling araw.
Habang naglalakad papuntang sakayan sa Quezon Ave at ngumangata ng chichiria na binili
sa Hi-Top Supermarket, naalala ko yung karanasan naming magkakaklase noong inimbitahan
kami (Star Section ng Batasan Hills National HS) ng ABC5 (ngayon ay TV5) na manood ng
Diretchahan (ngayon ay Face to Face) ni Amy Perez noong 2005. Ang inaakala ko kasing isang
lively na debatihan at sagutan ng mga participants, audience, at ni Amy ay scripted pala, pero
meron ding element ng contingency depende sa kung papaano dadalhin ni Amy ang talakayan.
Gayu pa man, sa likod nito, kinontrata na kami na kailangang “ito” “ito” at “ito” ang mga dapat
na lumabas na tanong habang nagtetaping, at ang mga kaklase kong nagtanong ay binigyan ng
pera. Pinameryenda rin kami, gaya ng sa mga estudyante sa Umagang Kay Ganda noong
pagdalaw ko noong lunes.
Hindi ako nagising ng maaga. Kaya ang sumunod kong pinuntahan ay ang TV5.
Matatagpuan sa Novaliches, Quezon City, malapit sa SM City Novaliches. Pagbaba ko ng jeep,
sumambulat sa akin ang marami-raming tao na naghihintay na makapasok sa set ng Willing-
Willie. Tinanong ko si Mang Orario, isa sa mga
“Yellow Boys” (Taffic Enforcer ng QC) na nadatnan
ko, kung parati bang ganon sa lugar. Sabi nya “Oo”, na
nagsimulang magkaganon sa lugar noong umere ang
Willing-Willie sa TV5. Nang nagpakilala akong tiga
UP na magoobserve ng lugar at magiinterview para sa
assignment, sinabi nila sa akin na dapat sana ay
kahapon pa ako nagpunta para nakita ko kung gaano
kagulo sa harapan ng estasyon. Nagkaroon ng maliit na
kaso ng stampede (kung ihahalintulad sa nangyari sa
TV5 Station
Ultra sa Pasig noong February 4, 2006) dahil nag-
agawan ang mga tao ng mga stubs para magpaschedule. Maraming nahimatay sa initan at sa
kapal ng tao, maraming ambulansya na rumisponde, nagkabuhol-buhol ang traffic sa parteng yon
ng Quirino Ave., maraming pulis na nagdesperse sa crowd at mga traffic enforcers na
nagsumikap ayusin ang trapiko. Tansya ni Mang Heron
(isang BSPO), mga limang libo ang nasa harapan ng
TV5 noong lunes, na nagsimulang kumapal mga ala-
sais palang ng umaga. Bagamat wala na ang mga ito
noong bumisita ako sa lugar, siguro’y mga kulang-
kulang isang daang katao nalang (sinabi kasi ni Willie
sa programa nya na walang pila para sa araw ng
Martes), kapansin pasin pa rin ang bilang nga mga
Yellow Boys at mga BSPO (mga tanod) sa lugar,
nagmamatyag sa ano mang kaguluhan na pwedeng
Mga fans ni Willie sa tabi ng TV5
sumiklab kung magkagulo man ang mga tagahanga.
Tinanong ko kina Mang Heron at Mang Orario kung may mga kaso ba ng nakawan sa lugar,
sinabi nila na wala naman. Dahil sa parating nakaassign sa lugar, kwenento rin nila sa akin na
tuwing gabi maraming mga tao ang natutulog sa tabi ng kalsada para mag-abang ng biyaya,

3
karamihan pa nga ay mga tiga probinsya na walang pamasahe pauwi, sabay turo sa akin sa isang
gusali na ginagawa ng ilan bilang tulugan (maya-maya ay binisita ko sila). Lumapit ako sa isang
MIB (Malaking Ibong Bughaw, bawal daw malaman ang pangalan nila) para magtanong tungkol
sa mga karanasan nya sa tao. Pinagkamalan akong tiga “Telecommunications” pero napawi rin
ang hinala nya noong nagkahamunan nang maglabasan ng ID at ipinakita kong estudyante ako
ng UP at guro sa PUP, natawa ang mga kasamahan nya. Sinagot rin nya ang mga tanong ko. Sabi
nya, “walang kaguluhang nangyari dito kahapon”, halatang pinangangalagaan ang imahe ng
estasyon sa mga threat gaya ko. Inilahad nya sa akin ang mga bawal sa loob ng set, gaya ng mga
bata edad anim pababa, mga nakawheel-chair, at mga buntis. Pwede raw ang mga matatanda
basta kaya ang sarili. May isang matandang lumapit sa kanya para magtanong kung pwede pa
bang pumasok, sinagot nya ito sa isang matipuno pero magalang na “hindi po lola” sabay bilin
na tapos na ang sheduling at iaanounce nalang ni Willie sa show nya kung kailan ulit pwede
pumila. Sa paguusap nila narining kong ililipat ang Willing-Willie sa isang mas malaking venue
para mas marami pang maaccomodate na mga tao, pero iaanounce pa lang daw ito sa programa.
Sumunod naman akong nagpunta sa mga tigahanga ni Willie. May dala-dala silang mga banner
at placards. May mga magkakabarangay, may mga magiina, mara-raming pumunta ng nagiisa
pero nakakikita ng mga kawentuhan, karamihan ay mga babae,
mga nasa edad trenta hanggang saisyenta, kung titignan sa balat
at ayos ng pananamit ay mahihinuhang nasa class D, matyagang
naghihintay na baka labasin sila ni Willie at papasukin. Ilan na
rito sina Aling Puring, Divina, at Elizabeth. Si Aling Puring ay
tiga Antipolo, nasa edad ochenta y nueve, magisang pumunta.
Isang syang tigahanga ni Willie simula pa noong panahon ng
MTB (Magandang Tanghali Bayan ng Channel 2 noon pang
1998). Si Aling Divina ay saisyenta y uno, tiga Valenzuela, at
nagsimulang humanga sa host noong kasagsagan ng kasikatan ng
Wowowee. Samantalang si Aling Elizabeth naman, nasa edad
singkwenta at tiga Alabang, ay sinusubay-bayan na si Willie
noong paextra-extra palang ito sa Channel 7 (ininsist nya sa amin
Sina Aling Puring, Divina, at Elizabeth na nagkaroon ng show doon si Willie). Tinanong ko sila kung
bakit sila nasa harapan ng TV5 at nagbabakasakaling makapasok
sa set ng Willing-Willie. Si Aling Divina, gusto talagang makita si Willie ng personal, sina Aling
Puring at Elizabeth naman gustong “makisahod ng biyaya.” Habang pinaguumpukan kami ng
mga tao dala marahil ng pagkamausisa at pagbabakasakali na baka isa ako sa mga staff ng TV5
na may kakayahang magpapasok ng mga tao sa estasyon (nilinaw ko sa kanila na tiga UP ako at
nagiinterview ako para sa assignment), tinanong ko sila kung ano ang meron kay Willie at sa
Willing-Willie na wala sa ibang shows. At dito ako inulan ng mga sagot. Ayon sa kanila, si
Willie raw ay “matulugin”, “maraming pinaligayang pamilya”, “honest”, “maawain”, “walang
pinipili at pantay-pantay kung tumingin”, “totoong tao”, at “tumutulong sa matatanda.” Mga avid
fan sila, ani pa nga ni Aling Elizabeth, “nagaaway kami ng anak ko kapag nililipat nya sa ibang
channel kapag Willing-Willie na.” Karamihan sa kanila ay naguusap-usap tungkol sa mga
papremyo ng programa. Mahigpit na inaantabayanan ang isang engrandeng selebrasyon sa
kaarawan ni Willie sa January 27. Dito pumasok sa isip ko ang nangyari sa Ultra. Naitanong ko,
hindi po ba kayo natatakot na baka maulit ang naganap na stampede sa Ultra noong unang
anibersaryo ng Wowowee? Mga ngiti at tawanan ang bungad na sagot sa akin, kaya nakitawa na
rin ako. Ang sabi ni Aling Divina, “bahala na si Lord kung anong mangyayari sa atin”, sabi

4
naman ni Aling Puring “kung wala sa tadhana mo na mamamatay ka hindi ka mamamatay.”
Pagtitiwala sa Diyos at sa tadhana o kapalaran ang naging sandigan ng mga tao kung bakit
patuloy pa rin silang pumupunta sa Willing-Willie para magbakasakali, kahit may nakaambang
kapahamakan ng Stampede. Si Aling Divina nasa Ultra nang mangyari ang Stampede, laking
pasalamat nya at hindi sya namatay, pero heto sya, nagaabang nanaman kay Willie. Nasaksihan
rin nya ang stampede noong Lunes sa harapan ng TV5,
pero nandito at nagbabakasakali nanaman. Ayon sa
kanila, ibang-iba ang show ni Willie, mas masaya, mas
maraming premyo, puno ng pagasa. Habang
nagiinterview ako, napansin ko rin ang marami-raming
bilang ng mga naglalako ng kakanin, candy, mani, at
mga inumin, bagamat ang mga fans ay nasa tabi na ng
isang Ministop (maliit na grocery) ay tinatangkilik pa
rin nila ang mga panindang inilalako, kabilang ang
mga memorabilia tulad ng mga badge/pin at mga
Si Aling Loline at ako
picture ni Willie at ng programa. May mga kalapit na
karinderya na kumikita tuwing dinudumog ng fans ni
Willie ang harapan ng TV5, balita pa nga sa akin ay
meron ding nagpapagamit ng banyo sa mga kalapit na
bahay sa halagang kayang-kaya sa bulsa (P 10 para sa
pagligo at pagdumi, at P3 para sa pag-ihi). Buhay na
buhay ang lugar, hindi na ghost town, di tulad dati
nang wala pa rito si Willie at ang show nyang Willing-
Willie (Wowowee). Ang mga ganitong eksena ay
Isang pamilya sa ilalim ng
isang abandonadong building lumipat na sa TV5, wala na sa audience entrance ng
ABS-CBN. Pagkatapos ng konting kodakan at
pasalamatan na ikinatuwa naman ng mga tao roon,
lumipat ako ng venue ng pagiinterviewhan. Isinunod
ko ang building na itinuro sa akin ni Mang Orario. Mga
kulang-kulang trenta katao ang nakita ko sa ground
floor ng abandonadong building. Karamihan sa kanila
ay nagpapahinga gamit-gamit ang mga karton bilang
mat para tulugan. May mga mag-isa, meroon ding
buong pamilya, ang mga magkakaibigan ay dito na
nagkakila-kilala. Dito ko nakilala si Aling Loline,
Abandonadong building sa tabi ng TV5
singkwenta y tress, tiga Oriental Mindoro, at nagiisa.
Wala syang kamaganak dito sa Maynila. Dinescribe
nya ang sarili bilang isang “nakikipagsapalaran” at matagal nang sumusubay-bay kay Willie
noon pang panahon ng Wowowee. Dahil sa walang kamag-anak ay napilitan si Aling Loline na
humanap ng paraan para kumita. Sya ay nangangalakal ng mga plastic na bote at ibinebenta sa
isang kalapit na junk shop. Ang mga kartong nakalap ay nililinis at pinauupahan sa halagang
sampung piso (kung hindi ako nagkakamali ng pagkakatanda) para sa mga gustong matulog sa
silong ng nasabing building. Ginagalugad ni Aling Loline ang mga kalapit na karinderya para
manghingi ng mga tira-tira upang makakain. Walang ligo-ligo at laba-laba ng damit, sapagkat
walang kalapit na poso na pwedeng pagkuhaaan ng libreng tubig (hindi raw gaya sa ABS na
meroong mga karapit na squatters). Samantalang ang SM Novaliches ang nagsisilbing palikuran

5
ng mga tiga roon, kasama si Aling Loline. Naniniwala si Aling Loline sa Diyos at sa swerte,
gaya ng mga nauna kong nakapanayam, aniya “marunong si Lord.” Ayon sa kanya, kaya nya
gustong-gusto si Willie ay dahil sa marami na itong natulungang mahihirap, ang gusto pa nya,
“kapag naespotan ka ng camera, siguradong may pera ka na.” Sa pagkakadescribde nya kay
Willie, hindi ito madamot, hindi katulad nila Vic at Joey noong magpunta sya sa Eat Bulaga.
Nagkaroon din sya ng pagkakataon na makapasok sa mismong show at makapaglaro, pero hindi
nanalo, bagkus nagkamit ng mga gift packages gaya ng Mang Tomas at Belo na ibinenta rin
naman nya para pagkakitaan. Nasaksihan nya ang mga pangyayari noong Lunes at may hinanakit
sa mga pulis. Para sa kanya, hindi nila (mga fans) kasalanan na magkanda trapik-trapik sa lugar,
“si Willie ang talagang pinupuntahan ng mga tao”, dapat daw ay binigyan ang show at sila ng
isang malaking lugar para doon magdaos ang nauna at magabang sila. Hindi nya gusto ang
paraan ng pagdedesperse sa kanila ng mga pulis, gamit-gamit ang mga shield na pangrally.
Aniya, wala silang kasalanan, kasalanan ng estasyon. Umaasa sya na baka lumabas si Willie
papasukin sila, o di kaya ay bigyan sila ng biyaya. Para sa kanya, katulad ng ilan pang mga
nakaabang sa harapan ng TV5, “may pagasa kay Willie.”
Naalala ko tuloy noong pinilit akong isama ng Nanay ko sa Wowowee para maglaro sa
Bigat10. May 6 noon, hindi pa ako gumagraduate (sa May 8 pa), ang category kasi yung mga
magulang ng mga anak na gagraduate o grumaduate ng may “laude.” May pangtuition naman
ang kapatid ko, pero dahilan nya para daw sa tuition ng kapatid ko, kung alam ko lang... gusto
lang nyang makita si Willie. Nakapasok kami sa show. Naaalala ko pa ang mga naglalakasang
hiyawan ng mga tao, ang malakas na sounds na nagpapaenganyong maging enthusiastic at
jubilant ang mga tao. NaoO-Ayan ako sa Wowowee, pero ng pagkakataong iyon, dala siguro ng
sounds at setting ng lugar, naging masaya ako, hanggang ngayon natatawa pa rin ako kapag
naaalala ko. Nakapaguwi kami ng P 15,000, dala-dala ang samut-saring gift-packs na kung
titignan mo sa TV ay aakalain mong maraming laman sa laki ng paper bag pero kung titignan sa
loob ay isang bote lang ng Belo, isang maliit na bote ng Pau linament, at isang banig ng 4G.
Pangpromotion lang talaga para kumita ang nasabing produkto. Pagkalabas namin ng ABS, aba
ang dami ng pumansin sa akin (sabi ko sa sarili, friends tayo?), kaya medyo nahiya ako, pero buti
nalang ay lumipas din. Masasabi kong lively ang show, masaya lalo na kapag nasa loob ka (o
naging masaya ako dahil contestant ang nanay ko?).
Pero hindi pa rin natin maiwawaglit ang
Mga taong nagiintay sa harapan ng TV5 karugtong na katotohanan na pinagkakakitaan
tayo, para tumangkilik ng produkto at tangkilikin
ng mga naunood ang programang
Wowowee/Willing-Willie. Maraming umasa sa
Wowowee at umaasa sa Willing-Willie, kahit na
hindi sila napipili para maging contestant. Buti
pa ang mga kalapit na karindirya, ang SM
Novaliches, at ang mga naglalako ng kakanin,
mani, candy, at tubig, kumikita sila, bahang ang
mga nagaabang, wala, wala kundi pagasa na
balang araw, magiging milyonaryo sila.

***

Vous aimerez peut-être aussi