Vous êtes sur la page 1sur 1

LAYUNIN:

1). Makapagbibigay ng kahulogan ng Social Network at Lipunan.

• Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian sa


mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang
naiibang kultura at/o mga institusyon. Mas malawak, isang ekonomika,
panlipunan at imprastrakturang industriyal ang lipunan, na binubuo ng
isang magkakaibang maramaing tao. Maaaring magkakaiba ang mga
kasapi ng isang lipunan mula sa iba't ibang mga pangkat etniko. Maaaring
isang partikular na pangkat etniko ang isang lipunan, katulad ng
mga Saxon, isang estadong bansa, katulad ng Bhutan, o sa mas pinalawak
pang grupo, katulad ng Kanlurang lipunan.
Maaaring tumukoy din ang salitang lipunan sa
mga organisadong boluntaryong asosayon ng mga tao para sa mga
layuning relihiyoso, kultural, mala-agham, pang-politika, patriyotiko, o
ibang pang dahilan. Sosyolohiya ang siyentipikong, o akademikong, pag-
aaral ng lipunan at kaugalian ng mga tao.

• Ang social network ay ang pangkat o groupo ng mga tao na may


kaugnayan sa isat-isa. Halimbawa nito ay isang komunidad, pamilya, mga
university o paaralan, at kahit sa opisina. At dahil sa internet mas lalo
itong napalawak, dahil halos lahat ng tao sa buong mundo ay gumagamit
ng internet, at silang lahat ay naghahanap ng mga bagong kaibigan at
makikilala. Dahil dito nabuo ang isang online social community sa
pamamagitan ng social websites.

2). Matutukoy ang kahalagahan ng Social Network sa Lipuna.

• Ang Social network ay makatutulong sa iyong negosyo, tulad ng paghanap


ng mga cliente at mga contact para sa ikalalago ng iyong negosyo,
magagawa rin nitong ipatalastas ang iyong negosyo sa pamamagitan ng
blogs para maipaalam mo sa lahat ng mga taong meymbro nito.

• Magagawa mong makipag salamuha sa ibat-ibang tao sa buong mundo,


maipapahayag mo ang mga idea mo sa ibang tao. Pwede kang magkaroon
ng mga bagong kaibigan at kakilala sa pamamagitan nito.

• Magagawa mo ring ipaalam sa mga kamag-anak mo na nasa abroad ang


mga balita sa inyong lugar. At kumostahin ang mga kaibigan mo na nasa
malalayong lugar. Dahil sa social network kaya mong maging malapit sa
mga taong nasa malayo.

Vous aimerez peut-être aussi