Vous êtes sur la page 1sur 3

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na “Pakikisalamuhang

Sosyal at Motibasyon ng mga Mag-aaral sa Filipino.” Ang mga mag-

aaral sa Filipino na tinutukoy dito ay ang mga estudyante na nasa

ikatlong taon at kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Filipino.

Ito ay may layuning mabatid ang antas ng pakikisalamuhang

sosyal at motibasyon ng mga mag-aaral kung sila ay papangkatin

batay sa kurso at batay sa kasarian. Kung sila ba ay hindi,

bihira, minsan, at madalas nakikisalamuha sa loob at labas ng

Unibersidad na ito o hindi, bihira, minsan, at madalas sila

nagkakaroon ng motibasyon upang gampanan ang mga nakalaang gawain

sa loob ng klase nakikisalamuha sa loob at labas ng Unibersidad

na ito o hindi, bihira, minsan, at madalas sila nagkakaroon ng

motibasyon upang gampanan ang mga nakalaang gawain sa loob ng

klase. Kung may pagkakaiba ang pakikisalamuhang sosyal at

motibasyon ng mga BEED sa mga BSED at ng mga babae sa mga lalaki.

Maraming mga bagay ang nagtulak sa amin upang isakatuparan

ang pag-aaral na ito: una ay pagnanais na lubos na makilala ang

mga estudyante dito sa Kolehiyo ng Pagtuturo sa Pamantasan ng San

Agustin; pangalawa ay upang malaman kung gaano na kalalim ang

kahandaan ng isang estudyanteng napabilang sa ikatlong taon sa

pakikiharap sa iba’t ibang tao sa kanyang paligid at kung gaano

katatag ang kanyang pundasyon upang ipagpatuloy ang nasimulan at

napiling kurso; at panghuli ay upang makabuo kami ng konklusyon


na siyang aming magagamit upang makapagbigay ng suhestiyon sa

aming mga kapwa mag-aaral upang matulungan ang kanilang mga

sarili at seyempre ay para din sa mga tagapamahala ng paaralang

ito at sa mga guro upang patuloy na maintindihan at magabayan ang

kanilang mga estudyante.

Upang maisakatuparan ang reserts na ito ay gumawa kami ng

mga katanungan na nahati sa dalawang bahagi: ang una ay ang

pakikisalamuhang sosyal kung saan ay kailangang pumili sa apat na

mapagpipilian, 4-madalas, 3-minsan, 2-bihira at 1-hindi; ang

ikalawa ay ang motibasyon kung saan ay kailangang bilugan ang isa

sa mga numero, 4 para sa madalas,3 sa minsan, 2 kung bihira, at 1

kapag hindi.

Ang mga ito ay aming pinavalidate kina Dr. Renato Torreres

ng University of Iloilo at Gng. Marynell L. Oclares ng Iloilo

City National High School. Bago nito ay gumawa muna kami ng sulat

sa aming kagalang-galang na Dekano na si Dr. Alex B. Facinabao

upang kami ay payagang maisagawa ang reserts. Ang sulat sa mga

validator ay aming pinapirmahan kay Dr. Belinda R. Valaquio aming

propesor sa reserts at kay Dr. Facinabao.

Ang aming mga inihandang mga katanungan ay aming pinasagot

sa 60 mga estudyante. Ito ay binubuo ng 31 na BSED at 29 na mga

BEED na may 49 na babae at 11 na lalaki. Matapos na mapasagot sa


kanila ay isa-isa naming itong kinuha at itinally ang kanilang

mga kasagutan gamit ang SPSS upang aming mabuo at maanalisa.

Vous aimerez peut-être aussi