Vous êtes sur la page 1sur 10

VILLALUZ, Heartee V.

BS-HOTEL AND RESTAURANT MANAGEMENT

“ANG MUNDONG ITO AY LUPA” ni Edgardo M. Reyes

Kabanata 1

Si Zenaida Nazareno o si Ned ay bunsong anak ng kagalang-galang na


pamilyang Nazareno sa San Fermin. Siya ay ipinag-aaral ng mga kanyang
nakatatandang kapatid sa UST sa Maynila sa kursong Medical para maging Doctor
ngunit labag naman sa kanyang kinahahalingan, ang pagsusulat. Dito niya napagtanto
na madami pa nga siyang hindi alam sa tunay na itsura ng mundo sa ngayon nang
makilala niya nang bahagya ang mga babaeng kakuwarto niya sa dormitoryo.

Kabanata 2

Nakilala ni Ned si Gilbert Rubio, o kilala sa tawag na Bobet. Ayon sa kanya, isa
itong preskong lalaki nang bigla itong lumapit at magpakilala sa kanya sa isang
bookstore; at maging sa kanyang inuuwian, ito ay bumisita na may dala pang
tsokolateng kisses kahit na sinupladahan niya na ito. Naisip niya na siguro nga lang ay
sadyang manhid ang taong ito. Para sa kanya, hindi dapat ganoon ang panliligaw, dahil
alam niyang taliwas ito sa kanyang prinsipyong kinagisnan.

Kabanata 3

Dito ay nabuo ang bagong pagtingin ni Ned kay Bobet nang sagipin at tulungan
nito ang isang batang nahulog sa manhole dahil sa rumaragasang baha sa siyudad.
Noong araw pa man ding iyon ay Signal. No 3 kaya sila walang pasok at sinamantala
nila ang pagkakataong iyon, kabilang ang 3 babaeng kakuwarto ni Ned, upang
makapaggala sa palibot ng siyudad gamit ang dalang sasakyan ni Bobet na Land
Cruiser. Nilibre din sila ni Bobet ng makakain sa isang fastfood at napag-usapan ang
pagpapalakas ni Bobet kay Ned kahit na hindi siya nito pinapansin at ni hindi man lang
nagsasalita.

Kabanata 4

Sa kabanatang ito naging idolo ni Ned si Reggie Yumang bilang isang playwright
nang mapanood nito sa teatro ang dalawa sa mga isinulat nito sa ilalim ng direksyon ni
Dick Almeda. Nakilala at nakausap niya din dito si Dick Almeda at humingi siya ng
permiso kung maaaring makahingi siya ng kopya ng script ng isa sa naging palabas nito
upang pag-aralan niya. Pumayag si Dick Almeda at kasama nito ang pag-alok sa
kanyang magsulat ng mga iilang artikulo at ipasa sa kanya bilang pagsasanay.
Kabanata 5

Sa kabanatang ito unang beses na nagpasa ng artikulong babasahin si Ned sa


editor ng magasing KONTAK. Inilabas na ang magasin kasama ang sinulat ni Ned na
lubos na ikinagulat at ikinasaya niya. Siya’y tuwang-tuwa ngunit dahil sa tungkol ang
artikulong ito sa Buhay Dormitoryo, siya ay pinalayas ng landlady ng dormirtoryo nang
mabasa ang artikulo, wari’y tinamaan ng mga isinulat ni Ned kahit na wala naman itong
binanggit na pangalan ng dormitoryo. Sasama sa kanya ang natatangi niyang kaibigang
si Fe sa dahilang hindi niya daw matitiis ang higpit ng landlady at ang ugali ng dalawang
kakuwarto nila.

Kabanata 6

Tinulungan sila ni Bobet na makahanap ng matitirhan. Nakakuha sila ng isang


kuwarto na sapat na sa kanilang dalawa. Mag-asawang matanda ang may-ari nito.
Nagsulat siya sa kanyang Ate Consing na lumipat siya ng matitirhan at saka niya na
daw sasabihin ang dahilan.

Kabanata 7

Nagkasundo din naman ang matandang mag-asawa at sila Ned. Ang ayaw lang
ni Ned kay Mang Apen ay malisosyo ito dahil minsan ay binobosohon niya si Fe sa
tuwing hindi ito nakaayos ng upo at nakabuka ang mga hita. Naisip niya tuloy ang
iginagalang niyang ama na hinding-hindi gagawin ang mga ganitong bagay. Valentines
na at niyaya siya ni Bobet na lumabas at dahil wala si Fe na nakipagkita sa kinabit
niyang si Belo ay wala siyang magawa kundi mag-isang sumama kay Bobet. Dinala
siya nito sa isang de-klaseng restawran. Binigyan siya nito ng boquet ng American
Roses na may kasamang sulat. Tinanong siya ni Bobet kung on na daw ba sila nito
pero sinagot siya ni Ned nang pabalang.

Kabanata 8

Sa kabanatang ito unang naramdaman ni Ned ang pagiging mapusok ng


damdamin pag umiibig na. Naramdaman niya ito nang muli silang magsama ni Bobet
dahil sa walang pasok nung araw na iyon sanhi ng bagyo at dinala siya nito sa isang
restawran upang mananghalian. Doon nagsimula na maging sila, at mula noon ay
napansin ni Ned na hinahanap-hanap niya na si Bobet. Humingi siya ng advice kay Fe
at nabanggit nito ang tungkol sa pangrereyp ng boyfriend niya sa kanya kaya ito
nagsawa sa boyfriend nyang si Greg at sumama sa may asawang si Belo kapalit ang
pangakong papag-aralin siya nito sa Maynila.

Kabanata 9

Nakatanggap ng unang misyon si Ned mula kay Dick Almeda. Iinterbyuhin nila
ang isang pick-up girl na kilala sa pangalang Sharon Cubeta.dito ay maraming napag-
alaman si Ned sa buhay ng mga babaeng wala nang dangal. Nang itanong niya kay
Sharon ang tungkol sa dangal nito, sinagot siya kung makakain daw ba iyon.

Kabanata 10

Matapos ang unang misyon nito, muli ay sinamahan siya ng kanyang editor na
pumunta sa isang gay club ng isa nitong kaibigang bakla, upang mag-obserba si Ned
ng mga karaniwang kaganapan sa isang klab na tulad nito. Gagawan niya ng artikulo
ang lahat ng tungkol dito. Napanood niya ang sunud-sunod na sayawan at hubaran ng
mga macho dancers kasabay ng pagtitilian ng mga nanonood na kalimitan ay mga
bakla. Unit-unti na ngang nabubuksan ang pag-iisip ni Ned sa maraming bagay na
ipinagbabawal sa kanya ng kanyang respetadong pamilya.

Kabanata 11

Nag-alok ng cool-off si Ned kay Bobet dahil sa tingin niya, sanhi ng palagian
nilang pagasasama ay napansin niyang higit na natutukso sa kanya si Bobet tulad nang
siya ay pumayag na halikan siya nito, humirit pa ito ng isa at naisip ni Ned na baka kung
saan pa umuwi ang mga bagay na iyon. Maging siya din ay parang gusto nang
magpatukso kaya sa tingin niya na hanggang maaga pa lang ay huwag muna maging
sila, para kung sakali man ay hindi masira ang kinabukasan nilang dalawa dahil lamang
sa tuksong hindi nila napigilan. Ayaw din ni Ned na magkasawaan sila ni Bobet kaya
napagdesisyunan ni Ned na gawin ito. Naintindihan naman siya ni Bobet at ang
singsing na ibinigay nito kay Ned ay hindi na ipinabalik dahil magcool-off lang naman
sila hindi tulad ng talagang wala na.

Kabanata 12

Nalaman ng Ate Consing at Ate Gloria niya ang kanyang pagsusulat sa


magasing KONTAK. Dahil sa puro malalaswa ang mga nakapaloob dito ayon sa kanila,
binalaan siya ng mga ito na ihihinto nila ang pagsusustento nito sa kanyang pag-aaral
kapag siya ay hindi pa tumigil. Pinangatawanan ni Ned ang kanyang kahiligang
magsulat at isang buong semestral siyang hindi na nakabalik pa sa Maynila.
Nakatanggap siya ng sulat kay Bobet at nagsulat din siya dito pati na rin kay Dick
Almeda na nagsasabi ng mga pangyayari sa kanya. Sa sulat ni Dick ay sinabi nito na
may sweldo siyang nakuha mula sa kanyang mga artikulo at inaalok siya nito na
magtrabaho na lang sakanya dahil aalis na ang kanilang proofreader na si Jess
papuntang Saudi. Sa huli ay umalis si Ned sa kanilang tahanan na dala ang kaisipang
baka ito na ang huling beses niya sa tahanang iyon.

Kabanata 13

Pagdating ni Ned sa dati niyang tinutuluyan ay wala na roon si Fe. Naisip niyang
tawagan si Bobet sa unang pagkakataon at tulad ng karaniwang Bobet, hindi ito nag-
atubiling tulungan siya na makahanap ng matitirhan na kaya niyang bayaran buwanan.
Tinulungan din siya nito sa paglilipat hanggang sa pagbili ng mga kagamitan na
kakailanganin niya sa bahay.

Kabanata 14

Sa bago niyang tirahan, si Mrs. Coromina ang kanyang landlady na may isang
binatang anak, guwapo at lalaking-lalaki ngunit may sayad sa ulo—isip bata, siya ay si
Henry. Siya ay nagtatrabaho na din kay Dick Almeda bilang bagong proofreader.
Samantalang si Bobet ay kadalasan siyang binibisita nito na karaniwang may dalang
mga gamit pambahay. Upang hindi makakuha ng atensyon at tsismis ay palaging
iniiwang bukas ni Ned ang pinto ng kanyang bahay sa tuwing dadalaw si Bobet. Si
Estela na kanyang kapwa nangungupahan sa kabilang bahagi ng bahay ay tinanong
siya isang beses kung ito ba ay kanyang nobyo at siyempre pa ay itinanggi niya iyon.
Sabi naman ni Estela ay ano naman ba ang masama sa magnobyo.

Kabanata 15

Matapos ang kanyang bagong artikulo tungkol sa hirap ng babaeng komyuter,


muli ay may misyon siya mula sa kanyang editor. Iinterbyuhin nila si Raf Salvador,
isang pangunahing macho dancer sa gay club na pinuntahan nila noon. Pinatuloy sila
nito sa inuupahang apartment—maganda at maayos ito. Si Raf Salvador ay dating
weyter noon na naimbitahang magmacho dancer na mula noon ay hindi na bumalik pa
man sa dating mas marangal na trabaho puwera na lang kung bibigyan siya ng
marangal na trabaho pero malaki ang suweldo. Ayon pa sa kanya, ano ba naman daw
ang masama sa pagpapasaya sa mga taong naghahanap ng kasiyahan sa laman sa
halip ay proud pa siya sa kanyang trabaho ngayon. Sa huli ay bigla na lamang nawalan
ng malay-tao si Ned dahil sa tinamaan na ito ng iniinom na Russian Vodka na ibinigay
ni Raf at dahil na rin sa nainom niyang bote ng beer kangina.

Kabanata 16

Nagising si Ned sa ibang kuwarto na ang tanging suot ay isang malaking polo
shirt at panty. Ang kanyang bra, damit at pantalon ay nakasampay at mukhang basa ito.
Lumabas siya ng kuwarto at nakita niya si Dick Almeda, ang kanyang editor, kasama
ang sangkaterbang mga alagang pusa nito. Sinabi ni Dick na matapos siyang mawalan
ng malay-tao ay iniuwi niya na lang ito dahil sa malakas ang ulan at nabasa na nga sila.
Hindi naman daw niya maiwang basa si Ned habang natutulog kaya pinalitan niya ang
damit nito. Sa loob-loob ni Ned, sa kabila ng pag-aalala ng kanyang editor ay hindi niya
maiwasang magngingit nang walang atubiling sinabi ng kanyang editor na siya’y
binihisan nito.

Kabanata 17
Nakita at nakilala niya na rin sa wakas si Regidor Yumang. Nagustuhan nito ang
kanyang mga isinulat liban kung saan ito patungkol dahil ayon sa kanya, puro
malalaswa nga ito at alam naman niyang si Dick Almeda ang may pakana nito. Inalok
siya nito na magsideline. Marami din silang napag-usapan nito na kadalasan ay
paninira kay Dick Almeda. Sa kabilang panig naman ay matapos malasing ni Dick isang
beses na inaya si Ned nito sa isang restobar ay siniraan din nito si Regidor Yumang.
Ang inakala ni Ned ay lubos na nagkakasundo ang dalawa dahil na rin sa mga palabas
na kanyang kinahalingang panoorin na nagpapakitang palagi silang nagkakasama.
Hindi sumagi sa kanyang isipan na ito pala ay kabaligtaran sa kanyang inisip.

Kabanata 18

Nagpainom si Dick sa kanyang bahay, imbitado ang mga kaibigan nitong


nagsusulat ng mga artikulong nilalagay niya sa kanyang magasin. Marami silang
napag-usapan na may kahalong mga kalokohan at pinakikinggan lamang sila ni Ned.
Tungkol ito sa pulitika, ekonomiya, korapsyon, rebolusyon sa EDSA at ang mga loyalist
at Corista. Maya-maya ay dumating si Reggie kahit na hindi naman siya inimbitahan na
ikinatahimik na lang ni Dick. Dumating din si Gerry Sanciangco, isang kaibigang pulis ni
Dick na ayon dito ay tutulong kay Ned na makapag-interbyu ng mga child prosties. Sa
huli ay hinatid si Ned ni Reggie sa bahay nito at nakita ni Ned ang nakaparadang Land
Cruiser at sa tabi ay si Bobet. Hindi pinansin ni Ned si Bobet sa dahilang ayaw niyang
magtanong pa si Reggie tungkol dito. Ngunit matapos makaalis ni Reggie, lalabasin
niya na sana si Bobet nang Makita ni Ned na ito ay paalis na.

Kabanata 19

Nakipagkita siya kay Gerry Sanciangco upang ipatulong siya sa isa pa nitong
kaibigang pulis para sa kanyang misyon. Nakilala niya si Bert at dinala siya nito sa
isang lugar kung saan nainterbyu niya ang tatlong child prosties. Naimbitahan pa siya ni
Gerry sa kagustuhan ni Mr. Cheng—kaibigang intsik ni Gerry, na magCasino sila.
Gastos lahat ni Mr. Cheng. Nataypan siya ni Mr. Cheng at inalok si Ned na bilhin siya
na nito sa halagang isang milyon. Dahil dito, nalaman ni Ned ang di inaasahang presyo
ng tulad niyang inosente at sariwa pa.

Kabanata 20

Pinakinggan ni Ned at ni Dick ang interbyu nito sa tatlong bata gamit ang
cassette tape. Dalawang lalaki, isang 11 anyos at 14 anyos. Ang isa ay wala nang mga
magulang. Nanirahan sa Luneta upang manglimos at magnakaw hanggang sa inampon
ng tinatawag niyang Mommy Ruby para ibugaw. Ang 14 anyos naman ay naglayas sa
kanila dahil sa hindi raw masaya sa kanyang haybol. Nanirahan din sa Luneta at
sumasama sama sa mga baklang may kotse para magkapera. Ang huli ay isang 12
anyos na babae. Siya naman ay ibinubugaw ng sariling ina para magkapera pero
tanging pagkuha lamang ng litrato ng kanyang hubad na katawan ang pinapayagan nito
ngunit sa ngayon ay pwede na ding hawakan ang mga ito.

Kabanata 21

Muli silang nakapag-usap ni Reggie. Sinabi nitong palugi na ang kanilang


magasin. Nalaman ni Ned na si Chito Vergara ang tunay na may ari ng magasing
KONTAK sa halip na si Butch Serrano. Sinabi ni Reggie ang mga lihim na intensyon ni
Chito Vergara sa pagpapalabas ng magasin at ito ay upang unti-unting masira ang
gobyerno sa mata ng tao. Nalaman din ni Ned na ang unang inalok ng pagiging editor
nito ay si Reggie ngunit tinanggihan niya iyon sa dahilang ayaw niyang magpaggamit at
sa halip ay inirekomenda nito si Dick dahil sa wala itong trabaho noon. Nabanggit din ni
Reggie ang ilan sa mga bagay na nakasira sa pagiging magkaibigan nito kay Dick.

Kabanata 22

Aksidenteng nakita ni Ned si Estela na kasamang hubad si Henry sa kabilang


panig ng pader na pumapagitan sa tinitirhan nilang dalawa ni Estela, mula sa
natuklasan niyang butas sa kanyang cabinet. Napaisip siya nang may marinig siyang
pag-uungol na animo’y binabangungot kaya di niya napigilang silipin ito. Naisip niyang
talagang malandi si Estela, maging isang lalaking may sayad ay pinatos niya. Habang
siya ay naliligo, may narinig siyang katok sa pinto. Si Bobet pala ang bisita ngunit
napansin ni Ned na pulang pula ang mga mata nito. Napansin ni Bobet na nakatapis
lamang ng tuwalya noon si Ned at dahil doon muntik nang pagsamantalahan ni Bobet si
Ned. Kung hindi pa nasampal ni Ned ay hindi ito matatauhan at saka niya ito pinalayas
at siya ay umiyak.

Kabanata 23

Sunod na misyon niya ay interbyuhin ang isa sa mga star ng Glory Theater.
Isang lugar kung saan ang mga palabas ay mga balingkitang babae na nakasuot ng
magaganda at seksing mga damit. Ipinasara ito noon ng gobyerno dahil sa gawain nito
na ikinasisira ng mga kabataan at ng kalalakihan. Nakilala ni Ned ang star nila na si
Tetta Marquez. Dinala siya nito sa isang mamahaling restawran at doon nagpainterbyu.
Nakapagtapos ito ng BSBA, naging isang ramp model, naging 2nd runner up sa isang
beauty contest, naging bold star, nag-japan at ngayon ay sa Glory Theater na,
entertainer. Mayaman na ito at binayaran ang bill nila gamit ang credit card.

Kabanata 24
Muli silang nagkita ni Reggie. Kumain sa isang restawran at napag-usapan si
Tetta Marquez na dati palang kinahibangan at niligawan ni Reggie. Niloko lang siya nito
sa huli. Sinabi ni Reggie na duda daw siya kung bakit kailangang sa Glory Theater ang
sunod na misyon ni Ned. Inisip nito na imposibleng nagkataon lang na nandon si Tetta
Marquez dahil sa tingin niya, sinadya ni Dick iyon upang masira siya kay Ned.

Kabanata 25

Nakatanggap ng sulat si Ned mula kay Bobet na nagsasabi na humihingi siya ng


tawad sa nagawa niya sa kanya at dahil sa hindi niya daw ito kayang mawala kaya siya
nadala sa dare ng tropa niya at nakapagdroga. Naisip ni Ned na siguro nga ay dahil sa
nakita nito si Reggie nung gabing iyon. Magki-Christmas eve nang magkita si Fe at si
Ned sa isang grocery store. Napansin niyang malaki ang pagbabago ni Fe sa ayos pa
lang nito manamit. May kasama itong katulong at binayaran pati ang mga napamili niya
gamit ang credit card tulad ni Tetta Marquez. Hinatid pa siya nito gamit ang bago nitong
sasakyan at inimbitahan siya na dun na lang magpasko sa kanila.

Kabanata 26

Sinundo siya ni Fe sa kanyang bahay. Asensado na nga si Fe; mayroon na itong


sariling bungalow house at sa paningin niya, maganda ito at maayos. Sa mesa ng
bahay nito ay sangkatutak ang handa kahit silang dalawa lamang at ang isang katulong
nito ang kakain. Nagkuwento si Fe na hindi na nga siya pumapasok nang pinatay ni
Greg si Belo. Dahil sa takot na masangkot siya sa kaso, nagtago siya at nakakilala ng
isang mayamang hapon na may asawa na. Kinasama niya ito at bago bumalik nang
Japan ay nag-iwan sa kanya ng malaki-laking pera kaya heto na siya ngayon, asensado
na. Nakakapanigarilyo na din at kahit papano ay nabibili na ang gusto.

Kabanata 27

Natapos ang pasko, si Dick naman ang nag-imbita sa kanya sa Bagong Taon.
Doon sila sa resto bar na tinatawag na “Old Times”. Uminom sila ng beer, kumaen
hanggang sa mag-alas dose. Ngunit biglang bumagsak si Dick dahil sa ito pala ay
nilalagnat at dinagdagan pa ng pag-inom ng beer. Sa huli ay dinala niya si Dick sa
bahay nito at napagdesisyunan niyang dito na rin magpalipas ng gabi dahil sa walang
mag-aalaga sa kanyang editor.

Kabanata 28

Tatlong gabi-araw na inalagaan ni Ned si Dick. Dahil sa di pa din magaling, sa


bahay na nito pinagawa sa mga empleyado ang kanilang mga trabaho sa opisina para
mabantayan din ni Dick ang kanilang ginagawa. Si Ned ang pansamantalang editor na
tutulungan ni Edison. Nakilala ni Ned si Butch Serrano nang dumating ito na may
dalang isang folder at saka ibinigay kay Dick na parang nangangahulugang dala
lamang nito ay isang mabigat na problema.
Kabanata 29

Nalaman ni Mrs. Coromina ang tungkol sa kanyang anak at kay Estela kaya ito
napalayas. Samantalang isinama naman siya ni Reggie sa isang beach house. Napag-
usapan nila ang tungkol sa nalalapit na pagsasara ng kanilang magasin. Naikuwento
din ni Reggie ang tungkol kay Dick na noon ay may asawa itong magandang artista na
si Evie, may dalawang anak, ngunit umalis at nangibang bansa upang iwanan siya.
Estudyante pa lang daw noon si Evie nang magkita sila ni Dick at tinulungan niya si
Evie na maging artista hanggang sa nawala din ang pagkainosente dahil sa mga
karanasan niya sa pag-aartista.

Kabanata 30

Inimbitahan siya ni Fe na magkita sila nito. Dinala siya sa negosyo nito, isang
lugar ng mga masahista sa mga turista at depende raw sa mga ito kung higit pa sa
masahe ang serbisyo nila. Sabi ni Fe, dati raw siyang naging isang receptionist sa isang
sauna parlor at nakilala niya si Rosie na dating isang DSWD. Lumipat ng trabaho sa
Sauna Parlor nang makilala si Gina, isang babaeng nagbebenta ng laman, para
tulungan niya bilang DSWD. Pero nalaman niya na ito pala ay hindi na
nangangailangan pa ng tulong sapagkat nakatira ito sa isang magandang apartment,
may kotse at mapera kaya doon niya napag-isip-isip na ang tutulungan ang hindi
nangangailangan ng tulong kundi siya, na gustong tumulong sa isang mayaman na.
Inimbitahan siya ni Fe na doon na lang sa kanyang bahay manuluyan dahil malungkot
daw ang nag-iisa ngunit tinanggihan iyon ni Ned pagkat sa tingin niya ay hindi na sila
ang dating magkaibigan.

Kabanata 31

Dinala siya ni Reggie sa bagong bahay nito at hinihingi ang kanyang opinyon.
Wala pa itong mga gamit, tanging bahay pa lang talaga na walang laman. Bigla siya
nitong inalok na magpakasal kaya inaya niya na ihatid na lang siya nito sa kanyang
opisina bilang pagtanggi o pag-iwas sa tanong nito. Kinausap naman siya ni Dick nang
makarating sa opisina. Sinabi nitong may anak na daw si Reggie at ito pala ay sa
asawa niyang si Evie.

Kabanata 32

Kinompronta ni Ned si Reggie tungkol kay Evie. Dito niya na laman ang lahat-
lahat ng katotohanan sa relasyon nila ni Dick. Bakla daw pala si Dick at alam ito ni Evie
kaya nagseselos ito sa kanya nang pansamantalang pinatuloy ni Dick si Reggie sa
kanilang bahay. Ginamit naman siya ni Evie, nilasing at saka pinagsamantalahan.
Nalaman iyon ni Dick kaya bigla itong umiyak at saka sinabing okey lang daw iyon
basta siya daw lamang ang pipiliin ni Reggie sa halip na si Evie pero tinanggihan niya
iyon dahil hinding-hindi daw siya papatol sa bakla.
Kabanata 33

Inimbitahan siya ni Butch Serrano sa Tanay sa kagustuhang Makita siya ni Chito


Vergara. Nang magkaharap ay inalok siya nitong maging editor ng bagong magasin
kapalit ng paluging magasing KONTAK. Siya pala ay inirekomenda ni Reggie sabi nito. Sa
huli, tinanggihan niya ito pati na din ang alok na doon na muna siya magpalipas ng
gabi.

Kabanata 34

Nagsara na ang kumpanya nila. Sa bahay lang si Ned at inisip lahat ng


mapagpipilian niyang mga daan para mabuhay. Nandyan si Fe, si Reggie na nag-aalok
ng kasal sa kanya at naghihintay ang bagong bahay nito, ang trabaho ni Tetta Marquez,
si Andrew Cheng na gusto siyang bilhin at ang alok na trabaho ni Mr. Vergara. Naalala
niya din si Bobet na hindi niya na alam kung ano na ang nangyari dito. Maya-maya ay
may narinig na naman siyang ungol mula sa kabilang kuwarto. Naalala niya na
magpinsang babae ang lumipat dito matapos mapalayas si Estela. Muli ay hindi niya
inaasahang makikita niyang hubad ang dalawang ito na nasa kama kahit ito pa ay
babae sa babae at naisip niya na sino kaya ang lalaki sa kanila.

Kabanata 35

Dinala siya ulit ni Reggie sa bahay nito. Kumpleto na ang bahay, maayos na at
ayon kay Reggie ay ipinaayos niya ito sa isang Interior Designer batay sa personalidad
ni Ned. Muli ay niyaya siya nitong magpakasal na sinagot naman ni Ned sa
pamamagitan ng pagtango nito.

Kabanata 36

Pumunta sila sa lugar ng tiyuhin ni Reggie upang doon magpakasal. Ang tiyuhin
niyang iyon ay inilakad niya para maging hukom noon. Linggo nang araw na iyon kaya
wala ang kanyang tiyuhin, nasa sabungan kaya napagdesisyunang bukas na lang
ipagpatuloy. Laking gulat ni Ned nang sabihin ni Reggie na patay na si Dick,
nagpakabigti raw ito. Gabi na nang ayain siya ni Reggie na matulog magkatabi tutal
naman daw ay magiging mag-asawa na din sila bukas. Nang gabi ding iyon ay ang
unang pagkakataon na nawala ang pagkavirgin ni Ned at sa huli ay doon niya napag-
isip-isip na hindi niya pala talaga ito gusto. Hindi siya dapat naroon kaya nagpaalam
siya kay Reggie na huwag nang ituloy ang kasal at siya ay uuwi na sa kanyang bahay.

Kabanata 37

Inalam ni Ned mula kay Edison ang buong pangyayari kung paano natuklasang
patay na ang kanilang editor. Bibisitahin lang daw nila dapat ito nang mapansing
walang sumasagot sa pagtatawag nila mula sa gate. Nakita nila sa maliit na bintana ng
kusina ang nakasabit na katawan ni Dick. Pagpasok ay napansin din nila ang malaking
pagkukulang dahil wala roon ang sangkaterbang alagang pusa ni Dick. Marahil ay
lumayas na dahil wala nang nagpapakain.

Kabanata 38

Umuulan noon at nagbabalak dapat na umalis si Ned para ipasa ang isinulat na
artikulo sa opisina na pinapasukan ni Edison. Tinulungan siya nitong makakita man lang
ng sapat na pera para sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay saktong dumating si
Bobet. Wala itong pasok dahil sa bagyo kaya inalok siyang samahan siya nito sa
pupuntahan niya. Doon niya naisip na hindi tulad ni ReggieYumang at Dick Almeda, si
Bobet ay totoo at walang halong lihim na pagnanasa. Si Bobet na dumadating sa oras
ng talagang nangangailangan siya at sa tuwing naulan pa, handang tumulong nang
hindi naghahanap ng kahit anong kapalit, at palaging bukal sa loob ang intensyon ay
hinding-hindi niya nanaising magbago ito.

Vous aimerez peut-être aussi