Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna
ng taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-
ari ng taniman at sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang aking maisan!
Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa
aking pag-ani bukas!"
"Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung
mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi aged magsisipag-kilos ang
mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito."
"Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-
anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani
bukas!"
Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-
anak na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa
maisan.
Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at
iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.