Vous êtes sur la page 1sur 1

ANG UTOS NG PAG-IBIG Isang gabi sa gitna ng malakas na unos, may isang paslit na kumatok sa bahay ng isang ina.

Mahinang- mahina ang bata. Kayat naghanda ang ina ng isang basong gatas at pinainom ito sa kanya. Nalaman nya na Ronald ang pangalan ng bata. Lumipas ang maraming taon, naging masasakitin ang ina dala ng katandaan. Wala ni isa mang nagaalaga sa kanya. Noong maospital siya, agad siyang nakaramdam ng takot at kaba dahil wala siyang perang pambayad sa ospital. Pagkatapos ng operasyon, may nakita siyang maliit na papel sa ibabaw ng kanyang mesa, alam niya na yon ay ang listahan ng kanyang mga babayaran. Nangangambang binasa niya ang nakasaad dito. Nabayaran na ang iyong utang sa ospital dahil sa isang basong gatas. Dr. Ronald. Pag-ibig ang siyang pinakabuod ng aral ni Jesus. Ito ang nag-udyok sa kanya upang ibigay ang kanyang buhay sa krus. Ito rin ang dahilan kung bakit sa kanyang pagbalik sa Ama nangako siyang magpadala ng Gabay upang hindi tayo mangulila, ito ang Espiritu Santo. Sa tuwing tumatanggap tayo ng Banal na Komunyon, nakakaramdam din tayo ng pag-ibig. Alam natin sa kabila n gating mga kahinaan at pagtataksil sa Diyos, patuloy pa rin niya tayong iniibig. Sa pagtupad sa kanyang mga kautusan, nagkakaroon ng katuparan ang ating pag-ibig sa kanya. Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos, wika ni Jesus. Alam naman natin bago siya umakyat sa langit hinabilin niyang mag-ibigan tayo. Napakadaling sabihin sa Panginoon na iniibig natin siya subalit napahirap isabuhay ang mga katagang ito lalo na sa ating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Ang pag-ibig sa kapwa ay pag-ibig sa Diyos at ang pag-ibig sa Diyos ay pag-big sa kapwa. Kelan ba tayo matututong umibig ng tapat? Kelan ba natin maipadarama sa Diyos na tayoy tunay na sumusunod sa kanyang utos? Tulad ng kwento ng isang ina, pag-ibig ang dahilan kung bakit nakuha niyang magbigay ng isang basong gatas sa nangangailangang paslit. Pag-ibig din ang nagtulak kay Dr. Ronald, na datiy isang paslit, nasuklian ang ginawang pagtulong sa kanya ng ina. Makita nawa natin ang kahalagahan ng pagtulong sa ating kapwa lalot higit sa mga nangangailangan, sa mga kapos-palad. Hindi na tayo kailangang maging halal na opisyal ng bayan upang makatulong sa kapwa. Ni hindi na tayo kailangang magkaroon ng maraming pera upang makapag-kawanggawa. Maraming pagkakataon ang dumarating sa buhay natin na sinusubukan ang ating likas na kakayahang ipamalas ang ibinigay na pagibig ng Diyos sa ating puso. Marapat lang na maipadama natin ito. Ito ang kailangan ng mundo ngayon isang pusong handang mag-alay ng oras at kakayahan lalo na sa mga nangangailangan. Sa katunayan, kahit isang ngiti lang sa taong nalulumbay ay sapat na, isang basong gatas lang sa nauuhaw, tiyak na bayad na ang lahat ng ating utang, ang ating pagkakamali. Isang payak na paraan ito upang mapakita natin ang ninanais ni Jesus na matupad ang kanyang mga utos. Magagawa natin ito kung may pag-ibig sa ating puso, tulad ng ipinakita ng isang ina sa kwento at tulad ng ginawa ni Jesus sa krus.

Vous aimerez peut-être aussi