Vous êtes sur la page 1sur 2

Ang Katusuhan ni Jose Isang malamig at maaliwalas na hapon, si Ana ay nakaupo sa maliit na balkonahe sa harapan ng kanilang bahay.

Doon ay kanyang hinihintay ang bago nilang kapitbahay na batang lalaki upang makipaglaro. Hawak niya ang isang supot na papel na may lamang ilang paborito niyang tinapay na ibinigay sa kanya ng kanyang ina. Kumusta ka, Ana! sigaw ni Jose habang tumatakbong palabas sa pinto ng kanilang bahay. Agad agad siyang pumunta sa bahay ng kaibigang si Ana. Mabuti naman, Jose. Ikaw, kumusta ka? sagot naman ni Ana habang nakangiti. Halikat kainin natin itong mga tinapay na ibinigay sa akin ni nanay. Dagdag pa niya. O sige! Anong klaseng tinapay ba iyan? ang sabi ni Jose habang siya ay lumalapit. Kinuha niya ang supot na papel sa kamay ni Ana at sinilip ang mga laman noon. Ang mga iyan ay tinapay na may niyog. Nilagyan din yan ng nanay ko ng ilang pasas. Ang tawag ko diyan ay puffballs dahil ang mga iyan ay maalsa at malambot. Ang sagot naman ni Ana. Bayaan mong hatiin ko ang mga ito. pakiusap ni Jose. Sige. ang sagot muli ni Ana sa kalaro. Pagkalapag ng kanyang mga kamay sa kanyang kandungan, hinintay niyang ilabas ni Jose ang mga tinapay mula sa supot. Narito ang isa para sa akin, at isa para kay Jose, ang kanyang bilang. ang isang ito ay para naman sayo, isa uli para sa akin, at isa pa para kay Jose. At ang huling tinapay ay para uli sayo. Pagkasabi nito ay itinapon na ni Jose ang supot na papel na kanyang hawak. Hindi patas ang paraan mo ng pagbilang na iyan, Jose! Mayroon ka nang apat na tinapay samantalang dalawa lamang ang sa akin. Dapat ay meron tayong tig-tatlo. Gusto ko ang paraang ito ng pagbilang! ang sabi ni Jose. Tumayo siya at tumakbo sa daan habang kinakain ang mga tinapay. Halika Ana, laro tayo. Habulin mo ako. Hindi na sana gusto ni Ana na makipaglaro pa sa kanya, pero nakipaglaro pa rin siya kay Jose, na pinipilit malimutan ang ginawa ng kalaro. Nang sumunod na hapon ay nagdala si Jose ng kaunting lansones nang pinuntahan niya si Ana para makipaglaro. Hinati muli iyon ni Jose para sa kanilang dalawa. Nagkaroon siya ng walo samantalang si Ana ay mayroon lamang apat. Hindi na lamang

kumibo si Ana dahil ang mga iyon ay dala naman ni Jose upang hatiin. Siya ay nag-isip ng malalim.. Mabuti sanang kalaro si Jose kung hindi lamang siya sakim. ang bulong ni Ana sa kanyang sarili, Sanay makaisip ako ng paraan para mabago ang ugali niyang iyon. Nang lumabas si Ana upang makipaglaro nang sumunod na hapon, siya ay nagdala ng dalawang mansanas. Tignan mo kung gaano kaganda ang mga dala kong mansanas, Jose! ang kanyang sabi habang itinataas ang kanyang hawak para Makita ng kalaro. Bayaan mong ako muli ang maghati ng mga iyan, Ana. Iniabot ni Ana ang mga mansanas kay Jose. Narito ang para sa akin, at ang isa ay para naman kay Jose. Ang kanyang bilang habang nakangisi kay Ana. Wala nang natira para sa iyo Ana. Wala na nga. Kailangang magtiis ako na walang mansanas. malungkot na sagot ni Ana. Kinabukasan, si Ivan at Carla, mga batang kapitbahay din, ay pumunta para makipaglaro kay Ana. Nagpunta din si Jose doon nang marinig niya ang kanilang katuwaan sa bakuran. Hindi nagtagal ay umalis si Ana, at nang siya ay bumalik, may dala siyang apat na pirasong hinog na chico. Ako ang maghahati ng mga ito. ang sabi ni Ana bago pa makapagsalita si Jose. At sinimulan na niya ang paghati ng mga chico. Narito ang isa para sa akin, at ang isa naman ay para kay Ana. Ang isa pa ay para kay Carla at ang huli ay para kay Ivan. Tinignan ni Ana si Jose at sinabi, Kailangang magtiis ka munang hindi magkaroon ngayon sapagkat walang sapat para sa ating lahat. Bakit ganoon, Ana! sabi ni Carla. Iyan ay maramutan. Hindi ko alam na ganyan ka pala! Oo nga naman Ana. Bakit hindi mo man lang binigyan si Jose? ang sabi naman ni Ivan sa kanya. Hindi naman talaga ako maramot nung una, matamis na sagot ni Ana, hanggang sa tinuruan ako ni Jose na bumilang sa ganitong paraan. Kahapon ay binilang niya ang mansanas at hindi ako binigyan. Ngayon naman ay magtiis siyang walang chico. Napatingin si Jose kay Ana at nagsalita, Hindi na uli ako bibilang sa ganoong paraan. Nakita ko na ngayon kung gaano ako karamot, na kumukuha ng doble ng lahat ng bagay. Hindi ko malalaman kung gaano kasama iyon kung hindi mo ginawa sa akin. ang paliwanag niya. Iyon ang nagtuwid sa lahat ng bagay. Hindi na muling naulit pa iyon. At mula noon ay nagging mabuting magkaibigan na sina Ana at Jose.

Vous aimerez peut-être aussi