Vous êtes sur la page 1sur 3

ANG AMING AKLAT ni Ella Marie Tejada

Maraming aklat saaming aklatan, Sa isipang pahat,isang kayamanan; Sa malayang oras gawin mong libangan Basahin tuwina aklat sa aklatan. Ugaliing lagi ang pagbabasa Ibat ibang aklat at asignatura; Sa agham,wika,at matematika Sa aming aklatan ito makikita Mga pangyayari sa ating paligid Sa pahayagan doon nakatitik; Sa pangkabuhayan basahin mong saglit Nakauunlad pat pandagdag sa isip. Ibat ibang paksa kung nais malaman, Sa encyclopedia mo matatagpuan; Gamitin mong lagi nang masayahan Itong murat magandang isipan.

ANG TUNAY NA TAGUMPAY Ni Ma.Elaine Dela Cruz Ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos sa daigdig ay may dahilan.Ang liwanag ng sikat ng araw,ang malamig na simoy ng hangin kung dapithapon, ang masukal na kagubatan,ang daloy ng tubig sa dalampasigan,ang huni ng ibong nakalilipad sa papawirin,ang samyo ng mga bulaklak,ang mumunting kulisap at malilikot na paruparo,ang mga yagit sa lansangan at pati na kapangitan ng daigdig,ang lahat ng mga ito ay kaloob ng isang kapangyarihang lumalaganap sa langit at lupa.

May dahilan ang lahat ng mga tao na siyang pinakamahalagang nilikhang nakalarawan ng Diyos.Ano ang dahilan n gating pagsilang sa daigdig?Bakit tayo nilikha ng Diyos? Tayoy nilikha ng Diyos upang kilalanin,paglingkuran,at dakilain Siya. Sa pagtupad natin sa mga tungkuling ito ay binigyan Niya tayo ng sariling papel na gagampanan sa dulaan ng buhay.Ang manggagawa,manananggol,ang mga guro,ang mga bituin sa pelikula at ang mga payaso ng mga dulaan;gayundin ang mga may kapangyarihan at naaapi,ang mga pulubi at maharlika,tayong lahat ay nilikha ng Diyos at may katungkulang tumupad ng papel na dapat gampanan at sa pagluwalhati sa Kanya. Ang tagumpay ay maaari lamang makamit kung ang ginagawa sa araw araw ay dakila at tapat sa mga layunin na mabuksan ang kaisipan na kumilala maglingkod,at dumakila sa Kanya itoy isang katagumpayan na.Sino man sa atin ang may ganitong batayan sa buhay ay magtatagupay kahit mayaman man o maralita,marunong o mangmang.Ito ang katotohanang iginuhit hindi sa buhangin kundi sa langit. Kung ang kalikasang nilikha ng Diyos,ang araw na nagbibigay-buhay sa mga halaman ang paghahalikan ng mga bulaklak at mga paruparo,tayo pa kayang mga tao ang hindi makatutupad na banal na dakilang layunin ng Poon ditto sa lupa?At sa pagsapit ng takdang araw para sa sangkatauhan,ay malugod tayong haharap sa kanya at magsasabing Ama ko,naririto akong iyong anak isang ganap na tagumpay sapagkat akoy tinulungan Mot natutong kumilala,maglingkod,at dumakila sa Iyo.

Vous aimerez peut-être aussi