Vous êtes sur la page 1sur 3

ANG UPO

Unang Tagpo: Tagapagsalaysay: Si Mang Estong ay simpleng mamamayan. Mahilig syang mag-alaga ng hayop at magtanim sa kanyang bakuran. Sari-saring gulay at hardin ang itinatanim niya. (Makikitang nagdidilig sa bakuran si Mang Estong). Mang Estong: Aba! Ang lulusog na pala ng mga tanim ko. Siguradong mamumunga ang mga ito ng malalaki. Kumpare: (Napadaan sa bakuran) Ang dami mo palang tanim ditong gulay kumpare. Akala ko ay mga punong mangga lang ang nasa bakuran mo. Ang tagal ko na kaseng hindi nakakadaan dito sa inyo. Mang Estong: Oo nga Kumpare. Sayang naman kase ang espasyong lupa. Ngayon ay mas napapakinabangan ko na ang aking bakuran. Kumpare: Mainam ang naisip mo. Teka, ang tanim mong upo ay nagsisimula nang gumapang. Mang Estong: Tama ka Kumpare. Mabuti pa ay gawaan ko na ito ng magagapangang balag. Tagapagsalaysay: Gumawa nga ng balag si Mang Estong para kay Upo upang makagapang ito ng mabuti paakyat ng balag. Maya-maya pay bumalik na sa loob ng bahay si Mang Estong. Lingid sa kaalaman ng matanda, hindi nagustuhan ni Upo ang kanyang ginawa. Kamatis: Bakit ba parang kanina ka pa hindi mapakali aking kaibigang Upo? Upo: Nayayamot kase ako aking kaibigan. Hindi ko nagugustuhan ang ginawa sa akin ni Mang Estong. Kamatis: Ang alin? Upo: Heto, tingnan mo ako. Nakapulupot ang aking mga bagin sa balag. Ayoko ng ganito. Dapat sana ay malaya akong nakalatag sa lupa.(Nakasimangot nyang himutok) Kamatis: Hindi ba dapat ay magsaya ka kase mayroon kang magagapangang ligtas? Upo: Basta ayoko! Mas makakapaglaro ako nang malaya kung akoy nasa lupa. Teka. (panandaliang tumigil at waring nag-iisip) Bakit nga ba hindi? Kamatis: Ano iyon kaibigan? Upo: (Sumigaw ng ubod lakas) Hangin!!!!! Hangin!!!! Aking kaibigang Hangin!!! Akoy may isang hiling. Sanay iyong tupdin. Ikawy umihip. Pakiusap koy dinggin. (ang pagsusumamo ni Upo) Kamatis: (Pabulong) Bakit kaya ganoon si Upo. Paano na lamang ako kapag umihip ng malakas si hangin.

Pangalawang Tagpo: Tagapagsalaysay: Isang makulimlim na panahon ang bumungad nang sumunod na araw. Umihip ng malakas ang hangin. Umulan ngunit hindi naman kalakasan. Mang Estong: Naku! Salamat. Hindi naman umulan ng malakas. Nag-aalala ako sa aking mga pananim lalo na sa kalilipat kong upo sa balag. Nakakapag-alala lalo na at wala ako ngayon sa bahay. Tagapagsalaysay: Nang panahong iyoy nasa bayan si Mang Estong. Samantala sa kanyang bakuran, makikitang masayang masaya si Upo. Upo: (Tumatawa) Ha!Ha!Ha! Magsaya tayo mga kaibigan. Ngayoy akoy malaya nang nakakapaglaro dito sa lupa. Kamatis: Masayang-masaya ka nga kaibigan. Samantalang akoy nalagutan ng mga dahon kanina (nakahikbi) Upo: Tutubo din naman yan. Huwag ka nang mag-alala. Tagapagsalaysay: Sandali pay may dumaang isang bata malapit sa bakuran ni Mang-Estong. Kasama nito ang alagang aso. Masaya ang dalawa at naglalaro. Hinahagis ng bata ang laruan nito sa di kalayuan at kinukuha ito pabalik ng aso. Sa sumunod nitong paghagis, nalaglag ang bola malapit sa kinatataniman nina Upo at Kamatis. Bata: Nasaan na ang laruan ko. Hanapin mo Buddy. Aso (Buddy): Aw! Aw! Aw! (sabay takbo patungo kina Upo) Tagapagsalaysay: Makikitang naghahanap ang aso sa ilalim ng mga bagin ni Upo. Masyadong makapal ang mga dahon nito kaya kinailangang magkahig ng aso. Matapos matagpuan, bumalik na ang aso tangay ang laruan. Naiwang umiiyak si upo dahil ngkaputol putol ang kanyang mga bagin at dahon. Upo: (umiiyak) Aray ko! Huhuhu. Ang sakit ng katawan ko. Naputol pa ang aking mga dahon. Ayoko na dito sa lupa. Nagsisisi na ako. Kamatis: Wala na tayong magagawa. Mas pinili mong malaglag diyan sa lupa. Tagapagsalaysay: Ilang sandal pay, dumating si Mang Estong. Nang Makita ang nangyari kay Upo ay agad niya itong nilapitan at ibinalik sa balag ang mga bagin nito. Mang Estong: Hay! Kaawa naman ang aking pananim na gulay. Sanay hindi na muli lumakas ang hangin upang hindi na muli itong malaglag. Boses ng Asawa: Estong!!! Mabuti pa ay pumasok ka na. Nakahain na ang pagkain. Mang Estong: Nandiyan na ako Lita. (nagdudumaling pumasok ng bahay) Upo: Maraming salamat po Mang Estong. Ngayon ay hindi ko na muli hihilingin kay hangin na umhip ng malakas.

Kamatis: Ngayon ay naiintindihan mo na kung bakit ka nilagay sa balag, aking kaibigan. Upo: Oo kaibigan. Pasensya ka na din. Dahil sa akin ay naputol din ang iyong mga dahon. Kaya Kaibigang hangin, huwag ka na ulit hihihip ng malakas. Upang hindi na ako bumagsak sa lupa. Boses ni Hangin: Oo kaibigan. Sinunod ko lang ang iyong hiling noon at masaya akong nauwaan mo na rin ang pagpapahalaga sayo ni Mang Estong. Upo: Maraming salamat sa inyo kaibigang hangin at kamatis. Marami akong natutunang aral.

-----WAKAS----

Vous aimerez peut-être aussi