Vous êtes sur la page 1sur 2

Buhay ni Rizal Mula Pagkabata

Sinasabing si Rizal ay may tatlong mukha o katauhan. Si Rizal para sa masa dahil ang buong bayan ay itinuring siyang isang huwaran at tunay na bayani dahil sa kanyang pagtatanggol dito. Si Rizal para sa Academia dahil sa pagiging isa niyang henyo sa larangan ng pag-aaral. At ang huli ay Rizal na binaril at pinatay sa Bagumbayan dahil sa kanyang mga prinsipyo at layunin. Si Dr. Jose Rizal ay ipinanganak sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861 at namatay noona Disyembre 30, 1896. ang kanyang ama ay si Don Francisco Mercado Rizal na isinilang sa Bian ,Laguna noong Abril 18, 1818 at namatay noong Enero 5, 1898. Ayon kay Rizal isang ulirang ama ito at galing sa nakaririwasang angkan ng mga magsasaka. Ang kanya namang ina ay si Donya Teodora Alonzo y Quintos Realonda na isinilang sa Sibacon (ngayoy Ongpin) Santa Cruz, Maynila noong Nobyembre 14, 1827 at namatay noong Agosto 16, 1911. Ang magulang ni Jose Rizal ay pinag-isang dibdib noong Hunyo 28, 1848 Ang kanyang mga kapatid ay sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad. Ang buong pangalan ng bayani ay Dr. Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Realonda. Tinawag siyang Doktor sapagkat naipasa niya ang lahat ng asignatura sa panggagamot sa Unibersidad Central de Madrid. Ngunit hindi siya nagkaroon ng diploma dahil sa hindi niya naibigay ang tesis at ang kaukulang kabayaran. Jose ang ipinangalan sa kanya dahil sa siya ay ipinanganak sa araw ng kapistahan ni San Jose. Ang pangalang Protacio ay buhat sa kalendaryo. Ang Mercado ay ginamit ng kanyang nuno na si Domingo Lam-ko. Ito ay pinili niya sapagkat siyay mangangalakal at ang Mercado ay nangangahulugang pamilihan o palengke. Ang Rizal ay pinili ng kanyang ama nagpatupad si Gob. Hen. Narciso Claveria na ang mga pilipino ay magbago ng apelyido. Ang Rizal ay buhat sa kastilang Ricial na ang kahulugan ay Luntiang kabukiran, pinili ito sapagkat ang kanyang hanapbuhay ay pagsasaka. Ang Realonda ay buhat sa apelyido ng kanyang ina at ang Alonzo ay sa matandang apelyido ng kanyang ina. Si Rizal ay ipinanganak sa tahimik at magandang bayan ng Calamba, Laguna. Sa pagitan ng 11:00 at 12:00 ng gabi ng Hunyo 19, 1916, at naghirap ang ina ni Jose sa panganganak sa kanya sapagkat ang kanyang ulo ay malaki kaysa sa karaniwan. Ang hilot na nagpaanak sa kanyang ina ay nagngangalang Celedonia. Bininyagan siya noong Hunyo 22, 1861 ni Pari Rufino Collantes. Ang kanyang ina, ama o ninong ay si Pedro Casaas. Ang kanyang unang guro ay ang kanyang ina. Sa edad na tatlong taong gulang ay tinuruan na siyang bumasa at magbasa ng kanyang ina. Siya ay labis na naakit sa kuwento ng kanyang ina tungkol sa batang gamu-gamo. Kahit na binalaan siya ng kanyang ina na huwag tutulad sa batang gamu-gamo ay binigyan nito ng katuwiran ang ginawa ng batang gamu-gamo. Sinabi niya na ito ay kahanga-hanga ang pagkamatay dahil sa paghahanap ng liwanag. Nasabi niya na kung siya ang mamamatay ay gusto niyang maging katulad ng batang gamu-gamo. Gusto niyang mamatay dahil sa isang kapaki-pakinabang na bagay na kung saan ay naaalala ng kanyang mga kababayan. Sa tulong ni Saturnina ay natutunan niya ang abakada. Sa gulang na

dalawang taon ay nabasa niya ang banal na kasulatan sa kanilang tahanan. Noong apat na taon siya ay namatay ang kanyang kapatid na si Concha at ito ang unang pagdaramdam ni Jose, dinamdam niya ito sapagkat si Concha ang kanyang kalaro. Sa gulang na pitong taon ay nakasulat siya ng isang dulang itinanghal sa pista na bayan. Sa gulang na walong taonay nakasulat siya ng tula na tagalog na nauukol sa kahalagahan at pag-ibig sa wika. Ito ay may pamagat na Sa Aking Mga Kabata. Sa gulang na siyam ay pinag-aral siya sa Bian at dito ay naging guro niya si Justiniano Aquino Cruz. Nag-aral din si Jose kasama ng kamag-aaral na si Jose Guevarra ng pagpipinta sa matandang pintor na si Juancho na biyenan ni Justiniano Cruz. Pinag-aral ng aritmetika si Jose sa Calamba sa paghahanda ng pagsusulit sa Maynila sa ilalim ng gurong si Lucas Padua. Noong Hulyo 10, 1872 kumuha siya ng pagsusulit sa Paralang San Juan de Letran at siya ay nakapasa. Ngunit nagpasiya ang kanyang ama na sa Ateneo siya pag-aralin at dito ay naging unang propesor niya si Jose Bech. Nahilig din siya sa mga nobela at ang unang nobelang nagustuhan niya ay ang Ang Konde ng Monte Cristo ni Alejandro Dumas. Ang unang tulang sinulat niya sa Ateneo ay ang Mi Primera Inspiracion (ang una kong salamisim) at ito ay inihandog niya sa kaarawan ng kanyang ina. Ang kanyang naging guro sa paglililok ay si Romualdo de Jesus at maging sa paglililok ay labis din siyang hinangaan. Ang naging guro niya sa solfeggio, pagguhit at pagpipinta sa Ateneo ay si Don Agustin Saez na isa ring propesor sa Ateneo. Noong siyay labinlimang taong gulang ay sinulat niya ang tulang Un Recuerdo A Mi Pueblo (Isang Alaala sa Aking Bayan) na iniharap niya sa pagpupulong ng Akademya ng Panitikan ng Ateneo Municipal de Manila. Ito ay tungkol sa kanyang pag-ibig at pag-alaala sa kanyang bayan. Noong Marso 23, 1877 sa gulang na labing-anim ay nagtapos siya sa Ateneo at natamo niya ang Batsilyer sa Sining na may mataas na karangalan at may nakamit siyang limang medalya. Ang pag-ibig at kabiguan ni Rizal ay naranasan niya kay Segunda Katigbak. Nabigo si Rizal sapagkat nalaman niyang si Segunda ay ikakasal na sa amain nitong si Manuel Luz. Sa Pamantasan naman ng Santo Tomas ay napagpasiyahan niyang kumuha ng pagkamanggagamot. Sa ikalawang taon niya sa pamantasan ay nakilala niya si Leonor. Ito ay anak ni Kapitan Juan at Kapitana Sanday Valenzuela. Ang kanilang pag-iibigan ay mga dahong itiniklop ng panahon at nagturingan na lamang silang magkaibigan. Noong labingwalong taong gulang siya ay sumali siya sa patimpalak sa pagsulat at isinali niya ang tulang A La Juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino) at dito ay nakamit niya ang unang gantimpala. Noong ikatlong taon ni Rizal sa Santo Tomas ay nangupahan naman siya sa Casa Tomasina na pinamamahalaan ng kanyang tiyo na si Antonio Rivera at ito ay may anak na si Leonor. Naging katipan ni Rizal si Leonor at sa kanilang mga sulat ay gumamit sila ng alias na Pepe at Taimis para kay Leonor. Sa kabila ng tagumpay na natamo ni Rizal sa Santo Tomas ay ipinalagay niyang ang mga propesor na Dominiko ay galit sa kanya; may mababang pagtingin sa mga mag-aaral na Pilipino; at ang pamamaraan ng pagtuturo ay makaluma at masama. Nang matapos niya ang ikaapat na taon sa medisina ay sinunod niya ang payo nina Tiyo Antonio, Paciano at Saturnina na ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina sa ibang bansa.