Vous êtes sur la page 1sur 28

ISLAM AT LIPUNANG MUSLIM SA PANAHON NG MGA ESPANYOL

1380 CE - unang pinakilala sa bansa ang relihiyon Islam  Shariff Makhdum nagdala ng relihiyon Islam sa Pilipinas at nagpatayo nang unang Masjid o Mosque.


Tuan Sharif Aulia o Shariff Awliya

 

1390 CE si Rajah Baginda ay dumating sa Buansa at ipinagpatuloy niya ang gawain ni Shariff Makhdum 1450 CE dumating si Abu Bakr sa Pilipinas Napangasawa ni Abu Bakr ang anak ni Rajah Baginda na si Putri Paramisuli. Si Abu Bakr ang nagtatag ng Sulatanato kaya sila ang unang Sultan at Sultana sa Sulu.

1475 CE - pagkatapos na maitatag sa Sulu ang Islam ay sila ay nagtungo nang Maguindanaw (dating Cotabato). Si Shariff Kabungsuan ang namuno rito. Dito niya nakilala si Putri Tunina. Sila ang unang Sultan at Sultana sa Maguindanaw.

Magmula sa Borneo ay dumating ang sampung Datu na lumapag sa Iloilo

 Datu Puti Datu Sumakwel Datu Bangkaya Datu Dumalogdog Datu Paiburong

Datu Paduhinog Datu Lubay Datu Dumangsil Datu Kalantiaw Datu Balensula

Ika -16 ng Marso, 1521 lumapag si Magellan sa Limasawa

Pagsakop ng Kastila


Sa panahon nang lumunsad si Magallanes sa Limasawa noong Marso 16, 1521 CE, ang Pilipinas ay isa nang ganap na bansang Muslim sapagkat ang karamihan ng kanyang mamamayan ay mga Muslim. Itoy isang katotohanan sa kasaysayan nang si Legaspi (ang humalili kay Magallanes) ay dumating sa Pilipinas, ang mga kahariang Muslim ay matatag nang nakatindig sa Batangas, Pampanga, Mindoro, Panay, Catanduanes,Cebu, Bohol, Samar, Manila, Palawan bukod pa sa buong Mindanao at mga pulo ng Sulu.

Pampanga

Manila
Batangas Catanduanes Mindoro Samar Cebu Bohol Palawan Mindanao

Rajah Humabon unang Pilipinong Kristiyano

Hunyo 13, 1571 CE - ang mga Kastila ay naglungsad ng malaking digmaan sa mga Muslim sa Manila na pinangungunahan ni Rajah Solaiman, ang pinuno ng mga Sultan sa Luzon. Si Rajah Solaiman ay buong katapangan na nagtanggol sa kanyang kaharian hanggang sa huling patak ng kanyang dugo sa Bangkusay (baybay dagat ng Tondo). Pagkaraang malupig si Solaiman, ang mga Kastila ay nanalanta sa Luzon at pumatay ng mga kalalakihan, kababaihan at mga bata, bata at matanda man. Sa isang banda, ang mga Muslim ay nakipaglaban hanggang sa huling hibla ng kanilang hininga, na gamit ang mga bolo at sibat laban sa mga baril at kanyon.

Ang mga Kastila ay nagtatag ng kanilang kabisera sa Manila at nagbalak na sakupin ang Visayas. Sa maigsing panahon, sila ay nagtagumpay sa Visayas. Ang mga Muslim na hindi namatay sa digmaan ay napilitang talikuran ang kanyang pananampalataya at tanggapin ang Kristiyanismo. Datapuwat ang mga magigiting na Muslim ay nagnais na piliin ang libingan kaysa ang lumapastangan ng laban sa Allah. Sa ibang banda, ang mga katutubo na mahina sa kanilang pananampalataya ay tumanggap sa relihiyon ng Kastila.

Abril 27, 1521 - Labanan sa Mactan

Ang mga Kastila ay hindi pa tumigil sa Luzon at Visayas. Sila ay buong kasakiman na nangangarap na mapasakanila ang mayamang lupain ng Mindanao. Datapuwat ang mga tribu ng Maranaw, Maguindanaw, Tausog, Yakan, Samal at Sangil ay pumigil sa mga Kastila. Kayat ang bantog na digmaan ng mga Muslim at Kastila ay nagsimula. Mayroong dalawang dahilan ang digmaan: 1. Ang mga Kastila ay nagnais na pamahalaan ang mga Muslim, datapuwat ang mga Muslim ay nagmamahal sa kanilang kalayaan at mamatamisin pa ang mamatay kaysa maging alipin. 2. Ang mga Kastila ay nangangaral ng Kristiyanismo

MGA DATUNG NAGTANGGOL SA KALAYAANG MUSLIM




1.

Sultan Pangiran - Zamboanga at Sulu.

2. Datu Sirungan at Datu Ubal ng Maguindanaw ang siyang nakapatay kay Kapitan Figueroa sa lipon ng sumasalakay na Kastila.

3. Bilang ganti sa paglusob na ginawa ng mga Kastila sa Mindanao, si Datu Sirungan ng Maguindanaw at Datu Buisan ng Sultanata ng Lanao ay naglunsad ng ganting paglusob sa Visayas. Nilusob nila ang Cebu, Negros at Panay at nadakip nila ang maraming Kristiyano na ginawa nilang mga alipin.

4. Datu Tagal ng Cotabato ay nakapatay ng maraming mandirigmang Kastila at nakabihag ng maraming Kristiyanong alipin. 5. Sultan Kudarat ng Cotabato ay nagtanggol sa Lamitan hanggang sa siya ay mapilitan na umurong sa Iligan dahilan sa nakakahigit na mga sandata ng mga Kastila.

6. Si Sultan Bungsu ng Zamboanga ay lumaban ng buong kabagsikan sa mga mananalakay. Nang ang kanyang asawang si Pangian Tuan Baloca ay mabihag ng mga Kastila ay pinag-ibayo niya ang kanyang pinagpakikidigma hanggang sa mapalaya niya ang Jolo noong taong 1645 CE sa mga Kastila at ipinag-utos ipinagniya ang pagwasak sa garison ng Kastila na itinayo sa Zamboanga.

7. Sina Sultan Jamaluddin Al Alam at Sultan Badruddin III ay patuloy na nagtanggol sa Mindanao hanggang sa pagdating ng mga Briton. Sapagkat hindi nagawang lupigin ng Espanya ang mga Muslim, sila ay lumagda sa kasunduan ng kapayapaan at bumayad ng mga buwis kay Jamaluddin at Badruddin.

8. Si Datu Udtog ng Cotabato ang pumatay kay Gobernador Emilio Terrero ng mga Kastila. 9. Si Datu Ali of Balo-i, Lanao ang pumatay sa BaloGobernador ng Misamis na si Valeriano Weyler. 10. Ang matapang na mga Maranaw ang pumatay kay Heneral Ramon Blanco sa panahon ng huling pagtatangka ng mga Kastila na masakop ang Mindanao.

11. Sultan Mawallil Wasit Jolo

Ang pamamahala ng Espanya ay nagwakas noong taong 1898 CE at ang mga Amerikano ang humalili sa pamamahala mula sa mga Kastila. Pagkaraan ng mahigit sa TATLONG DAANG TAON ng pagtatangka na masakop ang mga Muslim, ang Espanya ay nabigo at ang mga Muslim sa Mindanao ay matagumpay na naipagtanggol ang Islam saMindanao at Sulu. Gayundin ang nangyari sa mga Amerikano at mga Hapon na nagtangka rin na sakupin sila.

Hunyo 1578 Esteban de Figueroa ay natalo si Sultan Ilog Pangilan at sinunog ang lugar Pebrero 1602 Juan Xuarez Gallinato, di nakuha ang Sulu. Cristobal de Lugo 1627, Lorenzo de Olaso 1628, Pedro Tousino 1630 Abril 17, 1638 nakuha ni Sultan Bungsu ang Jolo laban kay Gov Gen Hurtado de Corcuera

 

1851 Gov. Gen Antonio de Urbiztondo April 19, 1851 -

Vous aimerez peut-être aussi