Vous êtes sur la page 1sur 4

Introduksyon o Panimula

Ano nga ba ang Texting? Ito ay isang uri ng makabagong komunikasyon na kung saan, maaari kang makapagpadala ng minsahe sa kahit: kanino, saan, oras, o pagkakataon. Ang texting ay patok sa ating mga Filipino. Bilang patunay, ayon kay Riza T. Olchondra, manunulat ng pahayagan ng inquirer, Filipino cell phone users sent over 1.39 billion texts in the reference year of 2009. A single subscriber sends an average of 600 text messages per month. No wonder why Philippines have been acknowledged the text messaging capital of the world. At ayon sa statistics na nabasa ko, karamihang nagtetext ay ang mga kabataan. 80% ng kabataan na may edad 15 hanggang 18 taong gulang ang madalas na nagtetext, kahit naglalakad, naka upo, naka tayo, kahit anong oras o lokasyon. Okay lang naman iyon munit sa sobrang busy nila sa pag-tetext hindi napapansin na nakaka epekto na ito sa kanila. Ang sulating ito ay para tukuyin ang mga pisibleng epekto ng texting sa kabataan.

Katawan

Maraming naiidulot na epekto ang texting sa atin, lalong-lalo na sa mga kabataan ngayon, mapa positibo man o negatibo. Unahin natin talakayin ang mga positbong epekto ng pagtetext: Mayroong 2 positibong epekto ang pagtetext. Una, ito ay nakaktulong para makapag-pasa ng impormasyon sa ibang tao sa pinakamabilis na paraan. Bakit? Dahil maaari kang makapag text sa kahit anong oras, lugar, or pagkakataon basta may signal ang cellphone mo at load. Kesa nga naman gumamit ka ng snail mail kung tawagin, or ng landline, problema mo pa kung kelan mo matatangap yung mensahe. Ikalawa at ang huli, maaari mong kamustahin ang iyong mga kaibigan, kamag-anak, o kasintahan sa pamamagitan ng text. Isang text mo lang at siguradong sasagot din yang mga yan, at mas mura pa kesa sa pagtawag. Bukod sa mga positibong epekto, meroon din naman mga negatibong epekto ang pagtetext. Isa na dito ang pagka-adik sa pagtetext. Yan ang isang matinding epekto nito sa kabataan. Napapabayaan na nila ang kanilang mga responsibilidad (edukasyon, gawaing bahay, etc.) dahil nakatuon nalang ang kanilang pansin sa pagtetext. Kaugnay paroon sa nabangit kong epekto, sa sobrang ka-adikan sa text ng kabataan tinatanggal na nila ang mga patinig sa salita kapag para hindi sayang ang space. Tutal maiitndhan nmn dn daw iyon, kht wla yung mga patinig ng slita. At kaugnay pa ulit sa nabangit na epekto, dahil nga ang mga kabataan ay sobrang na adik sa text, nakabuo na sila ng mga panibagong lengwahe na tinatawag nilang Jejemon, Bakemon, etc. pinapahirapan lang nila ang kanilang mga sarili sa pag-intindi sa mga salitang iyon.

Konklusyon

Ang maiipapayo ko yang sa mga kabataan ngayon. Wag masyado ma-adik sa pagtetext. Ok lang naman magtext pero limitahan natin ito, hindi yung buong araw, wala kana inatupag kungdi magtext kahit sa oras ng pagtulog nagtetext parin, at ang masama pa rito nagiging baluktot na ang ilan sa mga kabataan sa pagsusulat ng tama dahil nga sa epekto ng pagtetext. Bukod pa rito, iwasan din nilang gumamit ng mga saliting hindi mo maintindihan kung ano ang sinasabi. Dahil nkakagulo lamang ito sa komunikasyon. Wag nang gamitin ang mga bagay na iyon hindi rin naman makakabuti sa usapan. Makakagulo lamang ito imbis na magkabuti.

Epekto ng Texting sa mga kabataan

Ipinasa ni: Ganal, Allen Marc B. Seksyon: MCSD3 Ipinasa kay: Bb. Manielyn Paragas Petsa ng Pagpasa: Setyembre 13, 2011