Vous êtes sur la page 1sur 2

Wastong pangangaIaga sa ngIpIn (Unang bahagI)

'4908
'Ang tigre ba nagsisipilyo? Ito ang pabirong sagot ni Mao Tse Tung nang tanungin siya ng mga kritiko kung bakit hindi
siya nagsisipilyo. Imbes na gumamit ng toothbrush, nagmumumog siya ng tsaa at ngumunguya ng dahon. Di naglaon,
nabulok ang mga ngipin niya.
Paano nga ba alagaan ang ngipin? Nakakatulong ang wastong pagsisipilyo, paggamit ng dental floss, at regular na dental
chek-up, para maiwasan ang tooth decay at gum disease. Pero kung wala sa badyet ang pagpapatingin sa dentista, mainam
na gumawa na agad ng paraan bago pa magsimulang magkaroon ng mga cavity ang ngipin.
Pagtanggal sa5,6:0
Para maiwasan ang mga cavity kailangang tanggalin ang plaque, isang transparent na bacteria na kumakapit sa ngipin.
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsisipiliyo nang dalawang beses sa isang araw, at ng paggamit ng dental
floss matapos kumain. Mahalaga ang pagsisipilyo at paggamit ng dental floss sa pagpapanatiling malusog ang mga ngipin
at gilagid.
May lamang abrasives, detergents, at foaming agents ang sipilyo. Flouride ang pinakaaktibong sangkap ng toothpaste na
lumalaban sa cavity. Dapat siguraduhing may fluoride ang toothpaste na ginagamit.
Isa sa sampung tao ang may tendensiyang magkaroon agad ngtartar. Ang tartar ay nanigas na plaque na mas mapanira sa
ngipin, at mas mahirap tanggalin. Nakakatulong sa ang paggamit ng anti-tartar na sipilyo at mouthwash, at ang mas
matagal na pagsisipilyo sa mga ngipin malapit sa salivary glands (sa loob ng lower front teeth at sa labas ng upper back
teeth) para magpapabagal ang pagkakaroon ng panibagong tartar.
%5s sa 5agss5lyo
Sinasabi ng mga dentista na dalawang beses sa isang araw, at may tagal na dalawang minuto, ang panahong dapat inilalaan
sa pagsisipilyo. Ito ang ilang tips kung paano magsipilyo:
- Hawakan ang sipilyo sa 45-degree angle. Marahang magsipilyo mula sa bahaging nagtatagpo ang gilagid at ngipin
hanggang sachewing surface. Maaaring magdulot ng receding na gilagid, pagkasensitibo ng ngipin, at pagkabungi sa
hinaharap ang masyadong mariing pagsisipilyo.
- Ulitin ang parehong proseso sa pagsisipilyo ng panloob at panlabas na surface ng ngipin.
- Para linisin ang mga chewing surface, gumamit ng mga short sweeping stroke, at padaanin ang bristles sa mga lubog at
uka ng ngipin.
- Para linisin ang mga inside surface ng top at bottom front teethat ng gilagid, hawakan nang pahalang ang sipilyo. Gamit
ang back-and-forth motion, padaanin ang harap ng brush sa ibabaw ng ngipin at gilagid.
- Gumamit ng forward-sweeping motion, marahang sipilyuhin ang dila, at ang ngala-ngala para matanggal ang mga decay-
causing bacteria na matatagpuan dito.
-Siguraduhing aabot sa dalawa hanggang tatlong minuto ang pagsisipilyo.
(May karugtong)(PinoyWeekly)

Vous aimerez peut-être aussi