Vous êtes sur la page 1sur 2

IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO III I. Panuto: Isulat ang titik ng angkop na kasagutan sa sagutang papel.

Ang Guryon Saka pag sumimoy ang hanging itaas At sa papawiriy bayaang lumipad Datapwat ang pisiy tibayan mo, anak, At baka lagutin ng hanging malakas.

Saan inihambing ang guryon? a. kabataan b. buhay c. pag-ibig d. pagsubok Ano ang kahulugan ng pisi batay sa gamit nito sa akda? a. kalooban b. desisyon c. pasensya d. katatagan 3. Alin sa mga sumusunod na matulaing imahe ang nangangahulugang pagsubok? a. hangin b. pisi c. papawirin d. wala sa nabanggit 4. Alin sa mga nakatala sa ibaba ang hindi naging katangian ng lipunan at kapaligiran sa panahon ng Dekada 70? a. mayroong curfew b. tahimik at may kaayusan c. takot sa mga militar d. walang kalayaan 5. Ang nobelang Dekadang 70 ay katha ni_________________. a. Lualhati Bautista b. Aurelio Tolentino c. Rogelio Sikat d. Efren Reyes Abueg 6. Ang bantas na hindi ginagamit sa wastong pormat at kaayusan ng bibliografi ay____________. a. tutuldok b. tuldok-kuwit c. kuwit d. tuldok 7. Sa dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ipinakita ang pagiging marangal ng mga tauhang katulad nila_______. a. Dilat-na-bulag at Dahumpalay b. Inangbayan at Tagailog c. Asalhayop at Haringbata d. Masunurin at Walangtutol 8. Si Cleofe at Ariel ay magkaibigan sa kanilang kamusmusan na bumuo ng kanilang dating paraiso sa dalampasigan at looban kung saan sila naninirahan. Ngunit nang silay magbinata at magdalaga nagsimula ang pag-iibigan at nagawa nilang sumuway sa kanilang mga magulang. Ito ay mula sa akdang___________. a. Sa Tabi ng Dagat b. Bagong Paraiso c. Saan Patungo ang Langay-Langayan? d. Dekada 70 9. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi maituturing na masining? a. payapang-payapa b. daliring garing c. binalat-sibuyas d. kinuyom na rosas 10. Ang akdang Saan Patungo ang Langay-Langayan? ay isinulat ni Bienvenido S. Medina. Ito ay isang halimbawa ng teoryang______________. a. humanismo b. klasismo c. naturalismo d. imahismo 11. Sa larangan ng pagsulat ng tula, ang malayang pagpapahayag ng ideya at damdamin, at hindi nangangailangan ng tugma ay tinatawag na ____________________. a. malayang taludturan b. Tradisyunal na tula c. Blangko berso 12. Ang makulay na pagpapahayag na ginagamitan ng mga salitang nagmumungkahi o mga talinghaga ay tinatawag na_____________. a. sanaysay b. tula c. tayutay d. nobela 13. Sa elemento ng tula, ito ang paraan ng makata na manawagan sa pandama ng mambabasa upang gisingin ang kanilang damdamin. a. sukat b. tugma c. aliw-iw d. damdamin 14. Sa pagsulat ng tula ang bilang ng pantig sa bawat taludtod o hanay ay tinatawag na__________. a. tugma b. taludtod c. sukat d. damdamin 15. Nagbigay-kahulugan sa sining ng pagsasalaysay na siyang itinumbas sa essay sa wikang Ingles. a. Aurelio Tolentino b. Emilio Abadilla c. Alejandro Abadilla d. Ildefonso Santos 16. Akdang pampanitikan na naglalaman ng matalinong kuro at makatwirang paghahanay ng mga kaisipan. a. tula b. dula c. sanaysay d. maikling kwento 17. Isang uri ng sanaysay na naglalahad gamit ang mga piling-piling salita, parirala o pangungusap. a. formal na sanaysay b. di-formal na sanaysay c. mataas na uri ng sanaysay d. mababang uri ng sanaysay 18. Isang uri ng panitikan na taga-paglarawan o umaanyong salamin ng tunay na buhay at damdamin ng tao. a. balagtasan b. tula c. dula d. sanaysay 19. Ang may-akda ng dulang Kahapon, Ngayon at Bukas______________. a. Ildefonso Santos b. Aurelio Tolentino c. Rogelio Sikat d. Lualhati Bautista 20. Sa isang dula, ang pagpapahayag ng tauhan ng kanyang saloobin o damdamin habang nagsasalita nang nag-iisa ay tinatawag na______________. a. dayalog b. soliloquy c. monolog d. aside 21. Ang ____________ ay isang kasaysayan sapagkat tumatalakay ito sa tao bilang bahagi ng lipunan, kultura, gawi at paniniwala ng bawat isa na bumubuo sa pagkamakabansa. a. nobela b. sanaysay c. dula d. tula

22. Isa sa mga tauhan ng dulang Kahapon, Ngayon at Bukas na kumakatawan sa mapaglilong tagalog ay si____________. a. Asalhayop b. Malaynatin c. Tagailog d. Dilat-na-Bulag 23. Ang salitang may pinakamalapit na kahulugan sa salitang umiinog ay______________. a. lumilibot b. gumagalaw c. umiikot 24. Ang salitang dumaranas ay nangangahulugan na______________. a. karanasan b. nagaganap c. sumasapit 25. Gumaganda ang isang akdang pampanitikan sa paggamit ng_____________. a. simbolismo at tayutay b. mamahaling papel c. pangkulay d. drawing at larawan 26. Ang kulay puti sa loob ng isang tayutay ay nagsasaad o nagmumungkahi ng____________. a. kasipagan b. kaguluhan c. kalinisan o kawagasan 27. Isang uri ng tayutay na nagbibigay-katauhan sa isang bagay na walang buhay. a. hayperbole b. personifikasyon c. metapora d. simili 28. Paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga pantulad na salita o parirala. a. simili b. personifikasyon c. metapora d. hayperbole 29. Ito ay isang uri ng tayutay na tuwirang naghahambing ng dalawang magkaibang bagay. a. personifikasyon b. simili c. metapora d. hayperbole 30. Ang eksaherasyon ay isang uri ng tayutay na tinatawag na______________. a. personifikasyon b. simili c. apostrope d. hayperbole

II. Tukuyin ang sumusunod na kakanyahan kung saan ito kabilang na teoryang pampanitikan. Isulat
sa sagutang papel kung ito ay humanismo, naturalismo, romantisismo, klasismo, at imahismo. 31. Ang tao ang kawili-wiling paksain at wala nang iba pa.la 32. Pangalawa lamang ang aral at pagpapahalagang panlipunan sapagkat ang pagsulat ay ginagawa alang-alang sa sining. 33. Binibigyang pansin dito ang pagtakas sa katotohanan at heroismo. 34. Ang akda ay nagpapakita ng buhay na marumi, mabangis, at walang awang kagubatan. 35. Binibigyang halaga rito ang katotohanan, kagandahan, at kabutihan ng tao. 36. Ipinapakita sa akda na ang tao ay pesimista. 37. Sinusuring mabuti ang katauhan ng tao. 38. Ipinapakita sa akda ang mataas na uri ng lipunan na nasa itaas, mababang lipunan naman ng nasa ibaba. 39. Ang paniniwala sa kalikasan ng pag-ibig ay pag-ibig sa Diyos sapagkat ang kalikasan ay gawa ng Diyos. 40. Binibigyang diin sa akda ang pagkakahati ng lipunan ng mayayaman at mahihirap. III. Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa pangungusap. Piliin sa kahon ang angkop na kasagutan. simili metapora personifikasyon hayperbole

41. Ako ay nagugutom; kaya kong ubusin ang sampung baka. 42. Mata mo ay maningning tulad ng mga bituin. 43. Ang mga paalala ng magulang ay maliwanag na sulong tumatanglaw sa madilim na buhay. 44. Nakalulusaw ang tingin ng masungit na babae. 45. Bukas na bukas din sisiguraduhin kong luluhod ang mga tala. IV. Isulat sa patlang ang mga kulang na impormasyon sa pagbuo ng bibliografi. Piliin sa ibaba ang kasagutan. 46-47 Cruz, Isagani.________________________._____________: De La Salle University Press, 1995. 48-50 Ramirez, James Reiner.________________. Ang Bagong Silang ______(Marso 16, 2000):_______ Panitikan ng Pilipinas XII Maynila 11-12 Ang Wikang Pambansa

Vous aimerez peut-être aussi