Vous êtes sur la page 1sur 4

Aralin 13 Nasalag ang Dagok Ang araling ito ay tungkol sa ipinalabas na trahedya nina Florante.

Si Florante ay gaganap bilang si Etyokles ang magiging kapatid ni Polinese at anak nina Edipo at Yokasta at si Adolfo naman ay gaganap bilang si Polinese ang anak nina Edipo at Yokasta at kapatid ni Etyokles. Nang isinasadula na nila ang kwento, iba ang mga pinagsasabi ni Adolfo sa kanya ay wala ito sa orihinal. Sinabihan siya ni Adolfo na inagaw raw niya ang kapurihan na dapat ay nasa kanya at sinabi rin niya na dapat lng mamatay si Florante kaya inilabas ni Adolfo ang knyang dalang patalim at balak saksakin si Florante, sa kanyang kakailag iya y natumba buti nalang t nailigts siya ni Menandro, ang kanyang kaibigan. Pagkatapos ng pangyayaring ito hindi na nila nakita si Adolfo. Naging Isang taon pa ang pamamalagi niya sa Atenas at pinadalhan siya ng sulat ng kanyang ama upang ipaalam na namatay ang kanyang ina. Labis ang sakit na naramdaman ni Florante, dalawang oras siyang nawalan ng malay ng mabasa niya ang liham na ipinadala ng kanyang ama. Nang siya y magkamalay naisip niya agad ang sakit at ang kanyang dalawang mata y hindi mapigil sa pag-iyak at sabi pa niya na noong malaman niya na namatay ang kanyang ina ay pakiramdam niya pasan niya ang buong sandaigdigan at nag-iisa lamang siya sa gitna ng lumbay kaya naman ang ginawa ng kanyang maestroy inaliw siya nito. Aralin 14 Ang mga Habilin ni Antenor kay Florante Ang araling ito ay tungkol sa mga habilin ni Anteno kay Florante papunta sa Albanya. Dalawang buwang hindi nakatikim ng ligaya t aliw si Florante sa Atenas simula ng malaman niyang namatay ang kanyang ina. Dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama at ng sabi rito ay pauuwiin na siya sa Albanya at nagpaalam siya sa kanyang maestrong si Antenor. May hinabilin sa kanya si Antenor bago siya umalis. Dapat raw siyang mag-ingat sa handa na patibong ni Adolfo at kung ang isalubong raw kay florante ay masayang mukha , mas lalo raw siyang mag-ingat at wag magpapahalata na alam ang nasa ni Adolfo upang makapaghanda siya sa araw ng digma. Hindi niya napigilan ang umiyak ay niyakap siya nito ng mahigpit at ang huling tagubilin ng kayang maestro sa kanya ay dapat raw niyang tiisin ang mga problemang naghihintay sa kanyang pagdating sa Albanya. Naghiwalay sila ng kaniyang mga kaklase at si Menandro ay labis ang pagdaralita kaya naman ng magyakapann ang dalawang magkaibigan ay hindi na nila binitawan ang isa t isa kaya tinulutan na lamang ni Antenor na sumama si Menandro kay Florante patungo sa Albanya at silay umalis na. Nang makaraling na sila sa Albanya sinalubong siya ng kanyang ama at nagbatian silang dalawa, nadagdagan ang sakit na naramdaman ni Florante dahil sa kalagayan ng kanyang ama. Aralin 15 Ang Heneral ng Hukbo Nagpadala ng sulat ang lolo ni Florante na ang Krotona ay kinubkob ng mga Moro na pinamumunuan ni Heneral Osmalik ng Persya, ayon sa balita ay pangalawa ito ng prinsipeng kilala sa buong mundo. Si Aladin na hinahangaang kababayan ni Florante. Napangiti si Aladin at sinabi niya na bihira lang raw ang totoong pagbaybay ng balita at kung magkatotoo raw ito ay marami ang dagdag, madalas raw kilala ang isang tao na matapang kung ang kalaban ay takot sa kanya at sinabi rin ni Aladin na katulad lang sila ng nararamdaman ni Florante ng sakit tungkol sa kanilang pag-ibig. Singot siya ni Florante na hindi nararapat matulad ang isnag gerero sa tulad niyang api at sa kaaway may hindi niya raw ito ninanais sa laki raw ng dusa na kanyang natatamasa.

Humarap si Duke Briseo kay Haring Linseo upang ipakilala ang kanyang anak na si Florante at ng makilala niya ito namangha ang hari at niyakap niya si Florante. Ginawa siyang heneral sa isang hukbo na dadalo sa bayan ng Krotona na sinakop ng mga Moro. Kahit labag sa kalooban ng kanyang ama ay pumayag na lamang ito at siya y walang sagot na naisabi kundi yakapin na lamang ang kanyang magiging kapalaran sa bayan ng Albanya. Aralin 16 Patay o Himala Isinalaysay ni Florante kay Aladin kung paano sila nagkakilala ni Laura. Nagkakilala sila ni Laura ng siya y inimbitahan ni Haring Linseo sa palasyo tungkol sa hukbo na kanyang pamumunuan. Nakilala niya ang isang napakagandang dilag roon at nagkwentuhan sila sa kanilang mga buhay. Sinabi ni Florante na kung hindi siya inimbitahan ni Haring Linseo na pumunta sa palasyo hindi niya makikilala si Laura at hindi siya masasaktan. Hindi niya akalain na pagtataksilan siya ni Laura at naisip niya na kung gaano ka kataas ang pagkadakila ito rin ang paglagapak kung mararapa, sinabi rin niya na inagaw raw ni Aladin ang isang gawain na nararapat ang ina niya ang gumawa ngunit sa kadahilanang sawi siya sa lahat ng bagay. Namatay ang kanyang ina na sa kaunting panahon lamang niya ito nakapiling at pinagtaksilan siya ng kanyang pinakamamahal na babaeng si Laura. Tatlong araw na pinigingan ng hari ng palasyo real si Florante. Aralin 17 Perlas sa Mata y Nunukal Sa araling ito natikman ni Florante ang lalong dalamhati at ito y higit pa raw sa naunang dalitang tiniis at pinasinungalingan niya ng lahat ng sakit dahilan lamang sa pag-ibig. Kinabukasan bago umalis ang hukbo ni Florante papuntang Krotona nakausap niya si Laura at sinabihan niya ito ng mga matatamis na salita nag buntong-hininga, luha at himutok ang matinding naramdaman ni Florante. Kahit hindi siya sinagot ni Laura ng matamis na oo may mababaon parin siya sa kanyang pakikipaglaban ang hiyang perlas na sa mata y tumulo. Dumating na ang araw ng pag-alis ni Florante papuntang Krotona at maraming tanong ang nais ni Florante na masagot bago siya umalis tungkol kay Laura. Dumating na ang hukbo ni Florante sa bayan ng Krotona at doon naglaban ang dalawang kampo at ito y umabot ng limang oras hanggang sa mapagod si Heneral Osmalik at ng mapatay ni Florante si Heneral Osmalik ay parang nagluksa ang langit. Aralin 18 Krotona y Nagdiwang Nang matalo ni Florante si Heneral Osmalik pumunta sila sa palsyo real at doon sinalubong sila ng kanyang lolo at mga mamamayan ng Krotona. Malaki ang pasasalamat ng mga mamamayan kay Florante dahil ang bayan raw nila ngayon ay muling nabuksan at ballot na balot ito ng kaligayahan. Nagsiakyat sila Florante sa palasyo real upang magpahinga.

Tatlong araw na hindi natulog ang mga tao sa Krotona dahil sa kanilang hindi mapantayang ligaya. Sa ligaya raw nila ng kanyang nunong hari nakipagitan roon ang pagkamatay ng kanyang ina ay naungkat muli, kaya dn naniwala ang batang loob ni Florante na sa mundo y walang lubos na katuwaan dahil sa minsang ligayang nararamdaman may mga problema parin ang mapagdadaanan. Limang buwang nanatili si Florante sa Krotona at nagpilit bumalik sa Albanya. Sa kanilang paglalakad parang hindi siya mapalagay, parang nais na niyang makarating agad sa Albanya. Aralin 19 O, Sintang Florante Nang dumating ang hukbo ni Florante sa bayan ng Albanya, nakita nila ang pulutong ng mga Moro. May nakita siyang isang binibini na nasa kamay ng mga Moro at ito y nakagapos at pakiramdam nila ito y pupugutan ng ulo. Ang puso ni Florante ay lalung naipit ng lumbay dahil nangangamba siya na ito y si Laura. Hindi niya napigilan ang kanyang galit na nararamdaman at agad nilang nilusob ang mga Moro ang ibang Moro ay tumakbo kaya ng wala na siyang mapagbubuntungang galit inalis niya ang takip sa mukha ng isang binibini at tama nga ang kanyang hinala na ito y si Laura. Kaya raw ito pupugutan ng ulo dahil hindi tinanggap ni Laura ang pag-ibig na alay ni Emir, kaya ng magtangkang gahasain ni Emir si Laura ay sinampal niya ito. Kinalag niya ang gapos na lubid sa kamay ni Laura at nahihiya pa siyang madampian ang magandang balat nito. Dito nakatanggap ng lunas ng pag-ibig si Florante ng titigan siya ni Laura at banggitin ang kanyang pangalan. Nang malaman niyang ang Haring Linseo at ang kanyang ama ay nasa kulungan agad siyang pumunta sa bilangguan ng reyno at nakita niya roon si Haring Linseo, ang kanyang ama at si Adolfo. Hindi masukat ang kaligayahan ng Hari at ng kanyang ama sa kanyang natamong tagumpay habang si Adolfo naman ay nagdadalamhati sa tagumpay na nakamit ni Florante. Ang pangimbulo ni Adolfo kay Florante ay lalung lumala ng tawagin si Floranteng tagapagligtas ng siyudad ng Krotona at ipinagdiwang pa ito ng matataas na hari sa palasyo real. Aralin 20 Silu-Silong Sakit Hindi dumating ng ilang buwan ang kasiyahan na natatamasa ng Albanya dahil may isang dumating na isang hukbong maninira na taga-Turkiya. Ang panganib at pag-iiyakan ay bumalik sa bayan ng Albanya lalung-lalo na kay Laura na natatakot na baka mapahamak si Florante. Sa kadahilanang inutusan siya ni Haring Linseo at siya ang napiling maging pinuno ng hukbo, hindi niya ito dapat suwayin. Natalo ni Florante ang hukbo ni Miramolin sa Etolya at nakatanggap ng sulat si Aldin na galling sa kanyang ama na siya y pinapabalik kaagad sa ALbanya. Gabi na ng dumating si Florante sa Albanya at pumasok kaagad siya sa Reyno at nahulog siya sa patibong na inihanda ni Adolfo. Nalaman rin ni Florante na pinatay ni Adolfo si haring Linseo at ang kanyang ama at ang pinakamasakit pa nito ay ikakasal na si Laura kay Adolfo. Sa pagkabilanggo niya ng labingwalong araw naiinip si Florante sa kanyang kamatayan at gabi na noong dinala siya sa gubat at iginapos siya sa isang napakalaking puno upang doon ay makagat ng mga gumagalang hayop.

Aralin 21 Kawawang Aladin Pagkatapos magsalaysay ni Florante, si Aladin naman ang nagkuwento tungkol sa kanyang buhay. Sinabi niyang ang kanyang sariling ama ang nakaagaw niya sa pag-ibig kay Flerida. Binalak siyang papugutan ng ulo ng kanyang ama dahil sa pag-iwan sa hukbo habang nakikipagdigma sa Albanya. Pumayag si Flerida na pakasal kay Sultan Ali-Adab upang hindi mapatay si Aladin kung kaya t pinaalis na lamang siya ng kaharian at hindi na maaaring bumalik sa Persya. Aralin 22 Hatinggabing Kadiliman Habang nag-uusap sina Florante at Aladin ay may narinig silang dalawang babaing nag-uusap. Nakita nilang sina Laura at Flerida pala ang naririnig nilang nag-uusap. Nalaman nilang si Flerida ay tumakas sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit gerero dahil hindi niya maatim na pakasalan ang ama ng kanyang tunay na iniibig. Samantalang si Laura naman ay hindi tinanggap ang alok na pagmamahal ni Adolfo kaya t dinala siya nito sa gubat upang pagsamantalahan subalit dumating si Flerida at siya y iniligtas. Naging maligaya ang apat lalo na si Florante dahil napag-alaman nitong hindi nagtaksil sa kanya si Laura. Lalo silang natuwa nang dumating si Menandro at ibinalita na nabawi na nila ang Albanya. Umuwi ang apat sa Albanya na maligayang-maligaya. Nagpabinyag sina Aladin at Flerida sa Kristiyanismo at nagpakasal. Maging sina Florante at laura ay pinag-isang dibdib at sila y naging hari at reyna ng Albanya. Muling nagbalik sina Aladin at Flerida sa Persya at namuno sa kanilang kaharian. http://fallenrichel.multiply.com/journal/item/7?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem TALASALITAAN: Aralin 13 NASALAG ANG DAGOK NAG IWI -Ano ang ibig sabihin ng iwi? Kilala natin ang kahulugan ng salitang iwi sa mga halimbawa sa ibaba: 1. Ang kandidata ay may iwing likas na kagandahan. 2. Nag-iiwi siya ng biik para sa kapitbahay. 3. May iwing sanggol ang mga ina na dumalo sa pulong. Ano ang karaniwang kahulugan ng iwi sa mga halimbawang pangungusap sa itaas? Di ba taglay o iniingatan ? Ngunit kapag ang panlapi ay an, baligtad ang kahulugan ng nabuong salita. Kapag iniwan ang isang tao o bagay, hindi na ito nangangahulugang taglay o iniingatan kundi nilayuan. MAGKAKABAKA - will be opposed to each other MAAPULA- verb - to stop- "Bilisin mo para maapula agad ang apoy." "Hurry up to stop the flame

immediately."
HINANDULONG- attacked furiously LIKSI - liksi maliksi (ma-) adj. fast, ac- tive

Vous aimerez peut-être aussi