Vous êtes sur la page 1sur 2

1. Ano ang kahalagahan ng Panitikan?

sa pamamagitan nito ay malalaman, madarama at masusumpungan natin kung paano nag-ugat at namuhay ang ating mga ninuno. nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng kasalukuyan sa nakaraan upang sa ganoon maharap natin ang darating ng may lakas at talino. mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday ng ating matatayog at mararangal na simulain na naging puhuinan sa pagbuo ng isang lipunan. (mula sa aklat na Salamin ng Lahi)

2. Uri ng Panitikan at halimbawa a. Kathang-isip (fiction) - mga gawa na hindi totoo at gawa-gawa lamang. Halimbawa: o Nobela o Pabula o Parabula b. Di-kathang-isip (non-fiction) - mga gawa ukol sa mga totoong pangyayari, bagay o lugar. o Balita o Talambuhay 3. Anyo ng Panitikan at halimbawa A. Tuluyan o Prosa - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag. Halimbawa: - Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. - Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. - Nobela - isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. - Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan. - Parabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, - Maikling kwento - isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. - Dula - isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. - Sanaysay - sang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. - Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon. - Talumpati - isang uri ng komunikasyong pampubliko kung saan ang isang tao ay umaakyat sa entablado para magsalita ukol sa kanyang mga opinyon at ideya.

- Balita - isang pagpapahayag ng nangyayari sa mundo. - kwentong bayan - alaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan. B. Patula o Panulaan - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong. - Epiko - uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. - Balad - isang uri o tema ng isang tugtugin. - Sawikain - mga kawikaan na ginagamit sa paglalarawan ng isang tao o pangyayari. - Salawikain - kasabihan na nagmula sa mga pahayag at payo ng mga matatanda ayon sa kanilang mga karanasan sa buhay o sa isinalin sa kanila ng kanilang mga ninuno. - Bugtong - Isang karunungang-bayan sa naglalayong palaguhin ang kakayahang pangkaisipan ng mga Pilipino. Gumagamit ito ng mga linyang may tugma. Ito ay matatawag na tunay na tula. - Kantahin - binubuo ng mga payak na salita at sukat. Nahahati ito sa ilang taludturan, maikli at tiyakan. - Tanaga - isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.

Vous aimerez peut-être aussi