Vous êtes sur la page 1sur 3

ANG BATANG NAKAPULA (Little Red Riding Hood) TAGAPAGSALAYSAY: Mayroong isang maliit na bahay na may bubong na pula.

Dito nakatira ang batang babae na mayroong pulang talukbong. Kaya t ang tawag sa kanya ng lahat ay Little Red Riding Hood. Isang araw, ang sabi ng kanyang ina. INA: Red Riding Hood, making ka. Ang lola mo na nakatira sa gitna ng gubat ay may sakit. Naririto ang basket ng itlog, mantekilya at keyk para sa kanya. Dalhin mo ito agad sa bahay niya at bumalik ka agad. TAGAPAGSALAYSAY: Mabilis na na nagpunta si Red Riding Hood papunta sa bahay ng kanyang lola ngunit marami siyang nakitang bulaklak sa daan.. RED RIDING HOOD: Naku! Magdadala ako ng bulaklak para kay Lola. TAGAPAGSALAYSAY: Ibinaba niya ang basket at namitas ng bulaklak. Lakad siya ng lakad nang bigla siyang nakarinig ng yabag at isang lobo ang palapit sa kanya. LOBO: (Malaki at mababang boses) Halo, Red Riding Hood. Saan ka pupunta? RED RIDING HOOD: Sa aking Lola, doon siya nakatira sa gitna ng gubat. LOBO: A, ganoon ba, pero ano iyang nasa basket mo? RRH: Mga itlog, mantekilya at mga kukies LOBO: Kung ganoon, sige, punta ka na kay Lola TAGAPAGSALAYSAY: Pero ang lobo ay hindi tunay na mabait gaya ng akala ni Red Riding Hood. Ang lobo ay nagapauna sa bahay ng Lola at kumatok sa pinto. TOK TOK TOK LOLA: Sino iyan? TAGAPAGSALAYSAY: Ginaya ni Lobo ang maliit na boses ni Red Riding Hood LOBO: Ako, Lola, si Red Riding Hood. LOLA: Naku! Ang aking maliit na apo. Hindi ako makatayo, kayat buksan mo na ang pinto. Halika. TAGAPAGSALAYSAY: Nang mabuksan ng lobo ang pinto, mabilis niyang nilapitan ang Lola. Nilulon niya ng buo ang kawawang Lola. Pagkatapos ay madali niyang isinuot ang damit ng Lola at nahiga na siyang tuluyan sa kama. Hinintay niya si Red Riding Hood, pero wala pa ito. Tumayo muna siya.

LOBO: Mmmm. Anong sarap kumain ng isang maliit na batang babae. TAGAPAGSALAYSAY: Sinuot niya ang salamin ng Lola at naghintay. Hindi nagtagal at may kumatok sa pinto. TOKTOKTOK LOBO: (boses lola) Sino iyan? RRH: Ako si Red Riding Hood, Lola. May dala akong basket ng pagkain para sa inyo. LOBO: Buksan mo na ang pinto at pumasok ka. TAGAPAGSALAYSAY: Tuluyang pumasok si Red Riding Hood. Gulat na tumingin si Red Riding Hood sakama ng kanyang Lola. Hindi mainam ang mukha ng Lola. Marahil ay mabigat ang kanyang sakit. RRH: Lola, anong laki ng iyong mga mata? LOBO: Para makita kitang mabuti, apo RRH: Pero lola, bakit ang laki ng iyong mga tainga? LOBO: Para madali kitang marinig, apo ko. RRH: Pero Lola, bakit ang lalaki at ang tulis ng iyong mga ngipin? LOBO: (malaking boses) Upang madali kitang makain. Rarr! TAGAPAGSALAYSAY: Biglang lumundag ang lobo mula sa kama at nilulon ng buo si Red Riding Hood. LOBO: Wow, antok na antok na ako (hikab) pagkatapos mabusog. Matutulog muna ako sandali. (Hilik ng malakas) TAGAPAGSALAYSAY: Nagkumot ang Lobo at madaling nakatulog. Habang natutulog si Lobo dumaan ang isang mamamaril ng mga kuneho. MAMAMARIL: Ano kaya iyong aking naririnig? Bakit napakalakas maghilik ni Lola? TAGAPAGSALAYSAY: Pumasok siya sa loob ng bahay at lumapit sa kama. Laking gulat niya nang makita niya si Lobo. MAMAMARIL: Ah, mabagsik na hayop. Ngayon ay nahuli rin kita. TAGAPAGSALAYSAY: Biglang nagising ang lobo at nilundag niya ang mamamaril. Linabas ng mamamaril ang kanyang shotgun at binaril ang lobo. BANG! MAMAMARIL: Pero nasaan ang Lola? Siguro kinain ng Lobo.

TAGAPAGSALAYSAY: Kikuha niya ang patalinm at biniyak ag tiyan ng Lobo. At sino ang nakita niya? Ang Lola at si Red Riding Hood. Parehong takot na takot ang dalawa. Nagpasalamat sila sa mamamaril. RRH: Mula ngayon susundin ko na lagi si Nanay.

Vous aimerez peut-être aussi