Vous êtes sur la page 1sur 1

Ama ng aming buhay, narito kami ngayon ng mga anak mo na muling sumasamo sa Iyong pangalan.

Pangalagaan Ninyo po ang bawat isa sa amin, na natitipon ngayon upang magpamalas ng kanyakanyang galing sa larangan ng pangpalakasan. Tunay nga po na wala kaming lakas kung wala ka sa aming buhay sa araw-araw. Ama na puno ng kabutihan, pinasasalamatan ka namin sa pagbubuklod naming ito kung saan maibabahagi namin ang aming mga lakas na nagmumula sa Iyo. Tulungan mo ang bawat isa sa amin na matugunan ang tunay na adhikain ng palarong ito at gayun din ang hamon sa bawat isa sa pagtataguyod ng sportmanship, sa pamamagitan ni jesuskristo aming panginoon. Amen

Vous aimerez peut-être aussi