Vous êtes sur la page 1sur 36

EL FILIBUSTERIS MO

ni JOSE RIZAL

Bench Christian Wico L. Mendoza

III OTM

SA KUBYERTA
KABANATA I. MGA TAUHAN Doa Victorina Don Custodio Padre Irene pagtatatag ng Simoun na kanyang mga Paulita Gomez Don Tiburcio Ben Zayb Padre Camorra Padre Salvi bayan Padre Sibyla II. MGA TAGPUAN Sa Bapor na Tabo Sa Ilog Pasig Sa Kubyerta III. BUOD Isang umaga sa buwan ng Disyembre, naglalakabay ang Bapor Tabo sa Ilog Pasig papuntang Laguna. Ang bapor na ito ay tinawag na Tbao dahil ito ay may hugis na parang isang Tabo. Lulan nito ang mga pasaherong Kastila, mga pari, at mga Indio. Napagusapan ang suliranin ukol sa mabagal na pag-usad ng bapor dahil sa mabagal na pag-usad ng bapor dahil sa putik na taglay ng ilog na nagging dahilan ng pagbabaw nito. Nagbigay ng ibat-ibang mungkahi ang mga ito kung paano mapapalalim ang ilog tulad nag paggawa ng tuwid na kanal na ang gagawa ay ang mga bata, matanda, babae, at lalaki nang walang bayad at ang pag-aalaga ng itik. Dahil ditto ay nagkaroon ng pagtatalo sina Don Custodio, Simoun, at ilang pari ukol sa mga panukala kung paano mapapalalim ang ilog. ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. ang kilala sa tawag na Buena Tinta. ang kaanib ng mga kabataan sa Akademya ng Wikang Kastila. ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra nagbalik upang maghiganti sa kaaway. kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. asawa ni Donya Victorina. ang mamamahayag sa pahayagan. ang mukhang artilyerong pari. ang paring Franciscanong dating kura ng ng San Diego. isang paring Dominikano.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Sadyang mahirap humusga sa pagkatao mg mga nilalang sa mundo. Hindi natin makikilala ang isang tao tao kung hindi natin ito lubusang kilala o hindi kayay nakakauspa ng madalas. Ganyan kahirap makilala ang ugali ng isang tao. Minsan kasi tayoy tumitingin sa panlabas na kaanyuan nito. Kaya nasasabi natin na kapag ito ay maganda o gwapo iyo ay mabait na. Kaya nga minsan ay nakakamanghang malaman na ang hindi natin inaasahang mabait ay siya pa ang may mabuting kalooban. Ang kabanatang ito nagbibigay paalala sa atin na tayong nilikha ng Diyos ay walang karpatang humusga ng ating kapwa. Mas nanaisin siguro ng ating Poong Maykapal na lubusan muna kilalal\nin ang isnag tao bago tayo magsalita.

SA ILALIM NG KUBYERTA
KABANATA I. MGA TAUHAN Basilio Huli. Isagani ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino. isa sa kapitan sa bayan ng San Diego. mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. isang paring Dominikano. ang kaanib ng mga kabataan sa Akademya ng Wikang Kastila. pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; na maalisan ng pagkaSimoun. ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit nawala sa oras ng kagipitan. kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra nagbalik upang maghiganti sa kaaway. ang mukhang artilyerong pari. siya ang amain ni isagani, marangal at na paring Pilipino.

Kapitan Basilio Kapitan Tiago Padre Sibyla Padre Irene pagtatatag ng Kapitan Heneral lumakad ekskomunyon si Ibarra / Macaraig biglang Paulita Gomez

Doa Victorina Simoun -

na kanyang mga Padre Camorra Padre Florentino mabait II. MGA TAGPUAN Sa Bapor na Tabo Sa Ilog Pasig Sa Ilalim ng Kubyerta

III. BUOD Pinag-uusapan nina Basilio, Kapitan Basilio, at Isagani ang ukol sa kalagayn ni kapitan Tiyago at ng Akademya ng Wikang Kastila. Hindi nila nahimok si Kapitan Basilio na maitatag ang Akademya ng Wikang Kastila.

Hinamak ni Simoun ang mga kababayan ni Isgani na ikinagalit ng huli nang sabihing naghihirap ang bayan nito. Hinangaan naman ni Simoun ang dalawang binata sa kanilang pangangatwiran. Samantala isinalaysay ni Padre Florentino ang kasaysayan ng pagpapari ni Padre Florention at ang pangangalaga nito sa kanyang karangalan. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Wala ni sinuman ang gusting maliitin ng kanyang kapwa. Ito ay lubhang napakasakit sa pagkatao ng isnag nilalang na tinatapakan ng ibang tao ang kanyang dignidad. Ang bawat tao ay may damdamin na dapat ingatan na huwag masakatan. Lalo na sa mga napagkaitan ng ginhawa sa buhay, masakit sa kanila ipamukha ang kanilang katayuan sa buhay. Kaya nmana ang pangungutay ay hindi kailanman nakakabuti.

MGA ALAMAT
KABANATA

I. MGA TAUHAN Padre Florentino mabait Padre Sibyla Padre Irene pagtatatag ng Padre Camorra Padre Salvi Simoun -

na kanyang mga Don Custodio Ben Zayb Doa Victorina Kapitan Basilio -

siya ang amain ni isagani, marangal at na paring Pilipino. isang paring Dominikano. ang kaanib ng mga kabataan sa Akademya ng Wikang Kastila. ang mukhang artilyerong pari. ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego. ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra nagbalik upang maghiganti sa kaaway. ang kilala sa tawag na Buena Tinta. ang mamamahayag sa pahayagan. ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. isa sa kapitan sa bayan ng San Diego.

II. MGA TAGPUAN Sa Itaas ng Bapor (Sa Kubyerta) III. BUOD Nang dumating na si Padre Florentino sa pangkat na nasa itaas, napawi na ang pagtatalo dahil naakit sila sa tahanan sa bayan ng Pasig at sa mga kopa ng alak. Ilang sandal sa kabila ng kanilang pagtatawanan at pagbibiruan, Sumungaw ang ulo ni Simoun. Sinadyang dalhin ni Simoun ang uspan ukol sa alamat sapagkat mayroon siyang gustong patamaan. Nagsalaysay sina Padre Florentino, Padre Salvi, at ang kapitan ng Bapor Tabo ng mga alamat na kanilang alam bilang pagpapatunay na maalamat ang ilog. Hiningan ng opinion ni Simoun si Padre Salvi kunag saan mas makakabuti ilagay sin Doa Geronima. Lahat ay namangha sa kaaya-ayang paligid at mga tanawin na nakikita nila. Biglang naitanong ni Ben Zayb kung saang dako ng ilog napatay ang nagngangalang Guevarra, Navarra, o Ibarra na labintlong taon na ang nakakaraan

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Maging matimpihin sa lahat ng oras, iyan ang sinasabing ng kabanatang ito. Sa pagiging matimpiin nakukuha nating pigilin ang isang bagay na ating ikakasama. Minsan sa tuwing may kumakalaban sa atin hindi natin napipigilan

na manlaban na siya naming isang malaking pagkakamali. Siguro kung ating iisipin o magawang magtimpi, marahil wala kaguluhang mangyayari sa ating mundo.

KABESANG TALES
KABANATA I. MGA TAUHAN

Tata Selo Kabesang Tales inaangkin Tano Kabesang Hermana Bali Huli Basilio Huli.

ang ama ni Kabesang Tales at lolo ni Huli ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na ng mga prayle. anak na lagging kasama sa bahay ni Tales na isa ng Guwardiya Sibil. naghimok kay Huli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra. anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio. ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni

II. MGA TAGPUAN Sa Baryo ng Sagpang (Bayan ng Tiani) III. BUOD Si Kabesang Tales at ang kanyang ama ay nagkaingin sa isnag kagubatan sa pag-aakala nilang walang nagmamay-ari nito. Sa pagkakaingin, nagkasakit ng malaria ang buong pamilya na ikinamatay ng kanyang asawa at panganay na anak. Inangkin ng isang korporasyon ng mga pari ang kanilang lupain nang ito ay umaani nang husto at sila ay umuunlad. Sa simula ay nagpapasensiya si Kabesang Tales hanggang sa hindi na siya nakatagl ay lumaban ito sa husgado. Ang kanyang anak na si Tano ay ginawang guwardiya sibil. Natalo siya sa usapin ngunit patuloy na lumalaban hanggang sa kanyang makakaya at dukutin siya ng tulisan. Ipingabili lahat ni Huli ang kanyang mga alahas maliban sa laket na bigay sa kanya ni Basilio. Namasukan si Huli upang makakuha ng salaping pantubos kay Kabesang Tales. Napipi si Tata Selo dahil sa hindi niya nakayanan ang mabigat na problema ng kanyang pamilya. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Ang bawat tao ay dumadaan sa pagsubokng buhay, at sa kabila nito ang pinakamahirap na gawin ay ang pagiging matatag. Kailanman ay hindi nagbigay ang Dioys ng suliranin na alam niyang hindi natin ito kakayanin. Ang tanging paraan upang malagpasan ang ganitong dagok ng buhay ay ang pagharap sa mga ito. Dahil kung ito ay tatakasan mo lamang, ito ay magdudulot na hindi hindi kanais-nais o humantong sa paglala lalo ng problema. Tandaan natin na sa pagharap ng problema at sa pagsisikap na malutas ito hindi magtatagal ito ay malalagpasan mo rin.

ANG NOCHE BUENA NG


KABANATA

ISANG KUTSERO

I. MGA TAUHAN Basilio Huli. Sinong Civil.

ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni kaawaa-awang kutsero na nakaranas ng matinding pangaalipusta sa mga Guardia miyembro ng kapatiriang itinatag ni San Francisco. isa sa kapitan sa bayan ng San Diego. anak ni Kapitan Basilio. ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra nagbalik upang maghiganti sa kaaway. mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Hermana Tersero Kapitan Basilio Sinang Alperes Simoun na kanyang mga Kapitan Tiago

II. MGA TAGPUAN Sa Bayan ng San Diego Sa Tahanan ni Kapitan Tiago III. BUOD Nahuli ang kutserong na sinasakyan ni Basilio na nagngangalang Sinong ng dalawang beses ng mga Guardia Civil sa kadahilanang wala itong sedula at namatay ang kanyang karomata. Dahil ayaw ni Basilio ng gulo ito ay bumaba at ngalakad na lamang. Sa paglalakad ni Basilio nakita nito ang bahay ni Kapitan Basilio. Ito ay namangha sapagkat nakikipagusap ito sa kura, sa alperes at kay Simoun. Ang kura ay nagpapabili ng pares ng hikaw, samantala ang alperes naman ay isang kairel ng relos sa nasabing Kapitan. Tumungo na sa kanilang tahanan o kayay sa bahay ni Kapitan Tiago. Nayayamot si Basilio dahil sa mga di magagandang balita. Tuluyan itong nawalan ng ganang kumain nang ibalita sa kanya na dinakip ng mga tulisan si Kabesang Tales. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Ang bawat tao ay dapat binibigyan ng pantay-pantay na karapatan sa mundong ito, Ang karapatang pantaoy dapat na igalang kahit na ano pa man ang kalagayan natin sa lipunanang ito. Diba masakit sa atin na hindi man lamang maipaglaban an gating karapatan. Siguro mas Masaya maranasan na ang bawat isa sa ating ay nabibigyan ng pagkakataong mailahad ang gusto nating sabihin at maipagtanggol ang sarili. Ang kalayaanay napakahirapmakuha noong panahon ngunit sa kasalkuyan tayo ay dapat matutong manindigan at ipaglaban ang karapatan natin.

SI BASILIO
KABANATA I. MGA TAUHAN

Basilio Huli. Dominiko Kapitan Tiago

ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni sumusuri sa pamantayan ng paaralan. mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

II. MGA TAGPUAN Sa Kagubatan ng mga Ibarra Sa Maynila III. BUOD Palihim na pumunta si Basilio sa kagubatan ng mga Ibarra na ngayon ay pag-aari na ni Kapitan Tiago. Doon ay naaalala niya ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay. Ulila ng lubos si Basilio at takot na takot sa makapangyarihan. Nilisan nya ang San Diego at pumunta ng Maynila. Sa Maynila ay hinanap niya si Kapitan Tiago upang mamasuykan bilang isang katulong. Pinyagan siyang makapag-aral bilang kapalit ng kanyang pamamasukan kay Kapitan Tiago. Nagsikap siya ng pag-aaral at nang siya ay nasa ikatlong taon na ay nagsikap na siyang manggamot at nagsimulang magipon ng pera. Sa kanilang pagtatapos, Si Basilio ay nahirang na magbibigay ng talumpati. Ang mga bagay na itoy siyang nasa isip ni Basilio sa pagdalaw niya sa libingan ng kanyang ina. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN May kasabihan Kapag may tiyaga may nilaga. Ito ang kasabihan na ating pinaghahawakan upang tayo ay magsikap. Sa pagsisiskap ng isang tao mas masisiguro nito na may magandang bukas na naghihintay sa kanya. Ang sipag at tiyaga ay susi upang marating natin ang inaasam-asam na tagumpay. Napakasarap siguro sabihin sa ating pinagdaanan, sa ating pagsisikap ay tayo ay may narrating na sa buhay at unti-unti pagkamit ng ating mga pangarap.

SI SIMOUN
KABANATA I. MGA TAUHAN

Basilio Huli. Simoun na kanyang mga II. MGA TAGPUAN Sa Tabi ng Balite

ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra nagbalik upang maghiganti sa kaaway.

III. BUOD Pabalik na si Basilio ng makakita ito liwanag sa gitna ng kakahuyan. Likas kay Basilio ang pagkamatakutin. Satabi ng balite tumigil ang anino ng binata. Ang magaalahas ay naghuhukay. Kinilabutan ito, iyon ang ttaong tmulong sa kanya labingtatlong taon na ang nakaklipas. Nagpakilala si Basilio kay Simoun sa takot na matuklasan siya na naroroon sa gubat. Napagusapan nila paraho ang kanilang palno para sa bayan at nalaman nilang magkasulangat ang kanilang mga katwiran. Sa kdahilanang iyon nahikayat ni Simoun si Basilio na sumama sa kanayang paghihiganti sa mga Kastila. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Lahat ng tao ay naghahangad ng mabuti para sa kanyang bayan o bansa. Sino ba nmana ang ayaw na maging malaya at makamit ang minimithi ng lahat. Nakakatuwa ding isipin na may mga taong handing ipagtanggol ang kanyang bayan muila sa pangaalipin. Gaya ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay walang hinagad kundi ang ipagtanggol ang sariling bansa. Walang takot na hinarap ang bulok na sistema ng pamahalaan at pangtatanggol sa mga mapagsamantala at sa mga sakim sa kapangyarihan. Gaya nga ng sinasabi ng na nakakarami Walang maapi kung walang magpapaapi. ANg katarungan ay makakamit lamang ng mga taong nagnanais nito.

MALIGAYANG PASKO
KABANATA I. MGA TAUHAN

Huli Tata Selo -

anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio. ang ama ni Kabesang Tales at lolo ni Huli.

II. MGA TAGPUAN Sa Baryo ng Sagpang (Bayan ng Tiani) III. BUOD Madilim pa ang paligid nang magising si Huli at agad tinungo ang imahen ng Birhen sa pag-aakalang may naganap na himala. Nabigo si Huli kayat naghanda na lamang ng salabat para sa almusal ng kanyang ingkong na natutulog pa at inayos ang dadalhing gamit sa kanyang papasukang trabaho. Sa araw ng Pasko, maraming nagsimba kasama ang mga anak o bata sapagkat ayon sa matatanda, ito ay araw ng mga bata subalit para naman sa mga bata, ayaw nila ang Pasko. Dinalaw ni Tandang Selo ng mga kamag-anak. Nais magsalita ng matanda subalit nagulat ang lahat nang walang lumabas na isang salita sa paos na tinig niya at Ito ay napipi na. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Ang pagsubok ay dadaan at dadaan sa pag-ikot ng mundo. Ibinibigay ng Diyos ang pagsubok dahil alam niya na kaya natin ito. Ang mapagmahal at mapagmalasakit na anak na handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Gaya ni Huli na nagpapakatapang upang malagpasan ang mga problema na kanilang hinaharap.

MGA PILATO
KABANATA I. MGA TAUHAN Tata Selo Padre Clemente ang ama ni Kabesang Tales at lolo ni Huli isa sa kura na uldog.

ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle. Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Huli. Huli anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio. II. MGA TAGPUAN Bayan ng Tiani III. BUOD Kumalat ang balita sa buong nayon na si Tandang Selo ay napipi na. Sinamsam ng tinyente ng guwardiya sibil ang lahat ng sandata at mga magsasakang walang kasalanan ay pinagdadakip nang hindi Makita si Kabesang Tales. Nag-huags-kamay ang tatlong pilato sa katauhan nina Hermana Penchang, tinyente ng guwardiya sibil at ang uldog na si Padre Clemente smantalang ang mga sanhi kung bakit si Kabesang tales ay nahuli. Ipingpasalamat ni Hermana Penchang ang pagkakahuli kay Kabesang Tales sapagkat may magdarasal sa kanya. Ipinagdiwang ng mga praylke ang desisyong ibigay ang saka ni kabesang Tales sa isang humingi noon a walang karangalan at kahihiyan. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Ang katarungan ay mahirap makuha lalo na sa taong mahihirap. Dahil ang paghuhusga ay minsan dinadaan natin sa antas ng buhay, hindi ba maari na gawing makatarungan ang paghatol sa tao? Siguro mas mainam na bigyan muna ito ng paliwanag kung ano ang tunay na nangyari. Hanggang ngayon ay likas sa tao ang manghusga. Kung ating iisipan ni isa man sa ating ay walang karapatan manghusga hanggat hindi natin natin sila nakikilala ng mabuti. Siguro kung iispin natin na kilalanin muna ang isang tao na walang panghuhusga wala siguro tayong masasaktan na damdamin.

Kabesang Tales

KAYAMANAN KARALITAANKABANATA
I. Tauhan Kabesang Tales inaangkin Simoun -

AT

ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na ang mayamang mag-aalahas, na

nakasalaming may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway. Kapitan Basilio isa sa kapitan sa bayan ng San Diego. Sinang anak ni kapitan Basilio Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Huli. Kapitana Tika asawa ni Kapitan Basilio, ina ni Sinang. Quiroga isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Tata Selo ang ama ni Kabesang Tales at lolo ni Huli ng mga prayle. Isagani ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino. II.Tagpuan Sa bahay ni Kabesang Tales III.Buod Nagtungo at nakituloy si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales upang magtinda ng kanyang mga alahas. Dumating ang mag-anak ni Kabesang tales at ang mag-anak ni Kapitan Basilio kasama si Hermana Penchang upang mamili ng mga alahas ni Simoun. Ipinakita ni Simoun ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales at binibili niya ang laket ni Huli sa halagang P500.00. Ipinagpalit ni Kabesang Tales amg laket ni Huli sa rebolber ni Simoun. Natagapuang patay ang paring tangapangasiwa at ang asawang lalaki ng may pasak na lupa ang bibig at sa tabi ay may nakasulat na dugo na TALES. Kasabay nito ang pagkawala ng rebolber ni Simoun at kapalit na laket na binibili nito. IV.Kahalagahan Sadyang nakakalungkot isipin na madami ang nagsasamantala sa kahinaan ng isang tao. At meron din namang sadyang nag papaapi na hindi man lamang naaawa sa kanilang sarili. Mas maganda siguro na tulungan silang paunlarin ang kabuhayan nila. May kasabihan tayo na Sa halip na bigyan natin sila ng isda ay turuan natin sila mangisda. Ang panlalamang sa isang tao ay walang idinudulot na maganda lalo na kung ito ay pansariling interes. At kung minsan kung tayo ay nakakaangat talagang hindi maiiwasan na mas manlamang sa iba sa kabila ng tinatamasang kaginhawaan na kailanman ay di magtatagumpay

SA LOS BAOS
KABANATA I. Tauhan Kapitan Heneral lumakad ekskomunyon si Ibarra / Padre Irene pagtatatag ng Padre Sibyla pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; na maalisan ng pagkaSimoun. ang kaanib ng mga kabataan sa Akademya ng Wikang Kastila. isang paring Dominikano.

Padre Camorra Don Custodio Padre Fernandez ng Simoun na kanyang mga Ben Zayb -

ang mukhang artilyerong pari. ang kilala sa tawag na Buena Tinta. ang paring dominikano na naiiba sa lahat pari dahil malaya ang kanyang kaisipan at tumatanggap ng pagkakamali. ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra nagbalik upang maghiganti sa kaaway. ang mamamahayag sa pahayagan.

II.Tagpuan Sa Busubuso Sa Los Baos Sa Sala ng Kapitan Heneral Sa Balkon ng Bahay Sa Silid Bilyaran III.Buod Nagpunta sa Busubuso ang Kapitan Heneral kasama ang mga prayle, kawal, kawani, Don Csutosio, Ben Zayb at Simoun upang mangaso. Noong ding araw na iyon ng Disyembreang kapitan ay matatagpuang naglalaro ng baraha. Sa pagitan ng kanyang paglalaro ay tinapos niya ang mga panukalang dapat pagpasiyahan tulad ng pagpapalaya kay Tandang Selo, maayos na paaralan, mahinang kalibre ng baril, Akademiya ng Wikang Kastila at iba pa. Pumayag si Simoun na makipaglaro ng braha ngunit ang kapalit ng pantayang brilyante ay ang pangakong tatanggihan ang kahirapan, pagkamababang -loob at pagkamasunurin at ang kapitan naman ay isasagaw ang paguutos na pagpapakulong, pagpapatapon at ang pagpapapatay sa loob ng limang buwan. Sa mga panukala, ang pagpapalaya kay Tata Selo at ang kalibre ng baril lamang ang inaprubahan, ang Akademiya ng Wikang Kastila at ang kahilingang maayos na paaralan ay pag-aaralan pa ng Kapitan Heneral. Ang mungkahing gawing paaralan ang sabungan ay tinutulan dahil ito ay nagbabayad ng malaking buwis sa pamahalaan. IV.Kahalagahan Sa isang bayan o bansa, mabuting pamumuno ang ating ninanais. Tapat sa tungkulin, walang kinikilingan at gagampanan nito nang buong husay. Ngunit, sa kasalukuyang panahon ay mahirap hanapin ang ganitong uri ng pamumuno. Gayun pa man sa kabanatang ito ipinakita ng Kapitan Heneral ang taong may dignidad sa lahat ng dako ay iganagalang. Dahil sa kanya maganda ang pamamalakad niya sa kanyang bayan. Tandaan na sa namumuno ang ikinabubuti ng bayang kanyang pinapatakbo.

PLACIDO PENITENTE
KABANATA I. MGA TAUHAN Placido Penitente magJuanito Pelaez may Isagani Paulita Gomez ang mag-aaral na nawalan ng ganang aral sanhi ng suliraning pampaaralan. ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang dugong Kastila ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino. kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. kamag-aral ni Macaraig.

Doa Victorina Tadeo -

II. MGA TAGPUAN Sa Tanauan, Batangas Sa Escolta Sa Pamantasan ng Santo Tomas Sa Tulay ng Espaa Sa Daang Magallanes III. BUOD Nais nang tumigil sa pagaaral ni Placido ngunit hindi siya pinapayagan ng kanyang ina. Naikwento ni Juanito Pelaez ang kanyang pagbabakasyon sa Tiani at siya ay nangolekta ng ambag nang sila ay magkita ni Placido. Ilang sandali pa ay pinagkaguluhan si Paulita Gomez nang bumaba ito mula sa kanyang karwahe. Kahit na huli na sa klase ay pumapasok pa rin si Placido sa kanyang klase dahil malapit na ang kanilang pagsusulit at hindi pa siya natwag ng kanyang guro. Pagkaladkad siyang pumasok sa silid-aralan upang mapansin siya ng kanyang guro. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Ang bawat oras ay napakahalaga sa isang tao. Kailanman ang panahon lumipas ay hindi na maibabalik pa. Sa sobrang kahalagahan ng oras ginugugol natin ito sa makabuluhang bagay. Ngunit may iilan na walang pakialam sa mga oras na lumilipas. Siguro kung ating iisipin na an oras ay dapat pinapahalgahan at ginawa itong makabuluhan ito ay mas makakabuti sa atin.

ANG KLASE SA PISIKA


KABANATA I. MGA TAUHAN Padre Millon Letran. Juanito Pelaez may Placido Penitente magisang batang Dominikong napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang dugong Kastila ang mag-aaral na nawalan ng ganang aral sanhi ng suliraning pampaaralan.

II. MGA TAGPUAN Sa Silid-Aralan (San Juan de Letran)

III. BUOD Pakutyang tinawag ni Padre Millon ang estudyanteng mataba upang sagutin ang kanyang katanungang may kinalaman sa leksyong salamin. Tinulungan ni Juanito ang kamag-aral at binulungan nya ito. Dahil sa kanyang pagmamarunong tinwag ito ng kanilang propesor at ngatanong ng isang nakakalitong katanungan. Hinila ni Juanito Pelaez ang damit ni Palcido upang tulungan itong sumagot kay Padre Millon. Tinapakan ni Juanito Pelaez ang paa ni Placido nang hindi ito tulungan sa pagsagot sa nakakalitong tanong kaya ito ay napasigaw ng malakas. Narinig ng propesor binata. Labis na panlalait ang narinig ni Placid okay Padre Millon nang hindi ito nakasagot sa kanyang mga katanungan. Lalong lumala ang sitwasyon nang lumabis ang bilang ng pagliban sa kanyang ginawa. Padabog na umalis si Placido dahil sa panlalait na kanyang narinig. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Ang paggalang o ang pagrespeto ay isa sa pinakamahalagang kaugalian ng isang Pilipino. Kaya nga sa ating kaugalian na ito tayo ay nagsasabi ng po at opo na isang simbolo sa paggalang sa mga nakatatanda. Ngunit ang paggalang ay hindi lamang sa mga matatanda, bagkus sa lahat ng tao, bata man o hindi ay kailangan ng respeto. Ang pagrespeto ay umaani din ng respeto. Kung ikaw ay gumagalang, ikaw din ay gagalangin. Kaya nga may respeto upang wala tayong masaktan na damdamin.

SA BAHAY NG MGA ESTUDYANTE


I. MGA TAUHAN Macaraig biglang Sandoval Pecson ng Juanito Pelaez may Don Custodio ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit nawala sa oras ng kagipitan. ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral. isang matabang estudyante, at madalas tumanggi sa lahat na pinagsasangayunan lahat. ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang dugong Kastila ang kilala sa tawag na Buena Tinta. KABANATA

II. MGA TAGPUAN Sa Bahay ni Macaraig III. BUOD Nagpalitan ng kuru-kuro at haka-haka ang mga kaspi sa samahang lumalakad para sa Akademya ng Wikang Kastila. Ibinlaita din ni Macariag na nakipagkita siya kay Padre Irene at sinabi ang kanilang kahilingan ay nasa kamay ni Don Custodio at Ginoong Pasta. Upang mapakiling ang Kapitan Heneral sa itinatatag na akademya, iminungkahi nilang lapitan sina Quiroga at Pepay. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Nakakatuwang isipin na ang bawat isa sa atin ay nakikiisa upang ipaglaban ang kapakanan ng bayan. Lalo pat madami sa ngayon ang mga aktibong kabataan na lumalahok sa mga proyektong pang bayan. Ipinapakita lamang nito na na ang pakikiisa ay ang susi upang matupad ang nais na matamo at dahil dito unti unti natin malalabanan ang suliraning kinakaharap ng ating bansa.

SI GINOONG PASTA
KABANATA I. MGA TAUHAN Ginoong Pasta ng mga Isagani isang abogadong sanggunian ng mga prayle kung may suliranin, pinagsanggunian din estudyante tungkol sa pagpapatayo ng akademya. ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.

II. MGA TAGPUAN Sa Tanggapan si Ginoong Pasta III. BUOD Nilapitan ni Isagani si Ginoong Pasta upang humingi ng tulong upang kausapin ang nakatataas sa kanilang pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila. Nagkaroon ng pag-uusap at palitan ng kuru-kuro sa pagitan nina Ginoong Pasta at Isagani ukol sa dapat na mabatid ng pamahalaan para sa

kanyang mamamayan. Pinayuhan ni Ginoong Pasta si Isigani na mag-aral ng medisina, pag-aralan ang panggamot, maningil ng mataas sa kanilang pasyente at kalimutan ang nauukol sa bayan. Kinaawaan ni Ginoong Pasta si Isigani at sia Padre Florentino sa maaaring mangyari sa kanila kung sakaling ipagpatuloy ang isinusulong ng mga kabataan ukol sa Akademya ng Wikang Kastila. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Hindi maaalis sa isang tao ang pagiging makasarili nito. Ito ay likas lamang dahil para dito ay mas kailangan nito na umunlad muna bago unahin ang iba. Ngunit diba hindi rin naman masama ang isipin din natin ang kapakanan ng iba o kaya sa isang bayan. Mas maigi siguro na dapat din natin isipin ang kapakanan ng bayan kaysa sa pansariling kapakanan. Dahil kung maunlad ang bayan. Uunlad din ang mga mamamayan nito.

ANG MGA KAPIGHATIAN NG ISANG INTSIK


I. MGA TAUHAN Quiroga Ginoong Gonzales pahayagan. Don Timoteo Pelaez ni

KABANATA

isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.


tumutuligsa sa mga Instik sa editorial ng amain ni Juanito Pelaez na nakabili sa bahay Kapitan Tiyago.

Simoun

na kanyang mga Ben Zayb Padre Camorra Padre Irene pagtatatag ng

ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra nagbalik upang maghiganti sa kaaway. ang mamamahayag sa pahayagan. ang mukhang artilyerong pari. ang kaanib ng mga kabataan sa Akademya ng Wikang Kastila.

Padre Salvi bayan


Mr. Leeds

ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.

ang paring Franciscanong dating kura ng ng San Diego.

II. MGA TAGPUAN Sa bahay ni Quiroga (Escolta) Sa Liwasan sa Quiapo III. BUOD Naghanda ng isnag salusalo si Quiroga sa mga prayle, kawani at mangangalakal upang mapadali ang pagkakaroon ng consulado sa Pilipinas. Idinaing ni Quiroga ang pagkalugi ng kanyang negosyo dahil di siya naksisingil sa kanyang mga pautang kasama na ang pulseras na galling kay Simoun. Pinangakuan ni Simoun na tutulungan niyang makpaningil si Quiroga sa mga nagkakautang sa kanya kung papayag siyang maitago sa kanyang tindahan ang ilang kahon ng armas at bilang kapalit ay babawasan sa utang niyang siyam na libong piso. Napag-usapan ang mga bagong negosyo tulad ng hierrong galvanizado ni Don Timoteo Pelaez para sa mga bahay na pawid na ipinagiba ng Kapitan Heneral na maaaring pagkakitaan nang malaki. Nagkaroon din ng pagtatalo ukol sa pagpapadala ng komisyon sa India upang pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga Indio na tinutulan ng ilan dahil ang ipinadala ay malapit na kamag-anak ng Kapitan Heneral na walang kaalam-alam sa paggaw ng sapatos. Nagkayayaan ang grupo ni Padre Slavi na panoorin sa Quiapo ang palabas ni Mr. Leeds na nagpapakita ng salamangkla sa pagtatanghal ng putol na ulo na maaaring ginamitan raw ng espiritismo. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Ang kusang pagtulong sa kapwa ay hindi kailanman nangangailangan ng kapalit. Masama din na sinasamantala ang mga pagkakataong gipit na gipit ang isang tao. Katulad ng naganap sa kabanatang ito na sinamantala ni Simoun ang pagkakataon kung saan si Quiroga ay napilitan itago ang mga armas. Isipin natin na kung gusto mong tumulong, ito ay dapat bukal sa iyong kalooban at hindi dahil sa may masama kang balak. Ang mabuting layunin ay laging pinagpapala a kung hindi, ito ay masama ito ay hindi magtatagumpay.

ANG PERYA SA QUIAPO


KABANATA I. MGA TAUHAN Padre Camorra Ben Zayb Paulita Gomez Isagani Juanito Pelaez may Doa Victorina Mr. Leeds -

ang mukhang artilyerong pari. ang mamamahayag sa pahayagan. kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino. ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang dugong Kastila ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.

II. MGA TAGPUAN Sa Perya ng Quiapo III. BUOD

Sa Tindahan ng mga Iginuguhit at Nililok na Larawan

Sa perya ng Quiapo ay libang na liabang si Padre Camorra sa pagtingin sa magagandang dalagang nakakasalubong. Napalundag si Ben Zayb nang siya ay kurutin ni Padre Camorra nang mapalapit sa kanila si Paulita Gomez na kasama si Doa Victorina at si Isagani. Sa tindahan ng mga iginuguhit at nililok na larawan ay pinintasan nila ang bawat isa at pinagtalunan pa ang kakayahan ng mga Pilipino pagdating sa sining. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Panig sa bayan, panig sa katotohanan, iyan ang madalas sabihin sa telebisyon kung ang pinapaniid ay ang programang pambalita sa istasyon ng ABS CBN. Tunay sa larangan ng pamamahayag dapat lang naman na ito ay purong katotohanan lamang. Sa pamamahayag, nararapat na maging responsible ang manunulat sa nagsasaad ng integridad sa balita upang ito ay paniwalaan. Sabi nga nila kaakibat ng mabuting pamamahayag ang pagtataguyod ng katotohanan. At yan ang ating pakatandaan.

ANG KADAYAAN
KABANATA I. MGA TAUHAN
Mr. Leeds ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.

Ben Zayb Padre Salvi bayan Don Custodio Padre Camorra Imuthis II. MGA TAGPUAN

ang mamamahayag sa pahayagan. ang paring Franciscanong dating kura ng ng San Diego. ang kilala sa tawag na Buena Tinta. ang mukhang artilyerong pari. ang mahiwagang ulo sa palabas ni Mr. Leeds

Sa Loob ng Tanghalan

III. BUOD Magiliw nna sinalubong ni Mr. Leeds ang pangkat ni Padre Camorra, Ben Zayb, Padre Slavi, at ang ilang napasamang babae. Pinayagan ni Mr. Leeds si Ben Zayb na tingnan ang mesang natatakpan ng itim na tela kung may nakatagong salamin. Inilahad ni Mr. Leeds na nakuha niya ang kahong may lamang abo at piraso ng papel sa piramide ni Khufu. Sa salitang Deremof na binigaks ni Mr. Leeds ay nabuhay ang pugot na ulo na buhat sa abo. Nagsalaysay ang espingheng si Imuthis kung paano siya nakaranas ng mga kasawian sa kamay ng mga saserdoteng taga-Ehipto hanggang sa siya ay

mapatay sa ilog ng Moeris. Takot na takot si Padre Salvi dahil sa kanya nakatingin si Imithus habang ito ay nagsasalaysay hanngang tuluan na siyang hinimatay. Pinag-utos ng Gobernador Eklesyastiko na ipatigil ang palabas ngunit kinabukasan si Mr. Leeds ay nagpunta na ng Hong-Kong. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Sa kasalukuyang panahon bibihira na lamang ang may katangiang pagiging matapat sa sarili at sa kapwa. Ang pagiging matapat na tao ay napakahalaga sapagkat ito ay isang sandata na mahirap ng hanapin sa ngayon, na siyang magiging gantimpala ng tiwala sa iyo ng kapwa mo. Napakasarap isipin na kung ikaw ay nagsasabi ng pawang katotohanan ay panatag ka dahil alam mong wala kang tinatapakang tao. Tandaan natin na sa bandang huli ang mangingibabaw ang katotohanan.

ANG MITSA
KABANATA I. MGA TAUHAN Placido Penitente magPadre Sibyla Don Custodio Kabesang AndangSimoun na kanyang mga Paulita Gomez ang mag-aaral na nawalan ng ganang aral sanhi ng suliraning pampaaralan. isang paring Dominikano. ang kilala sa tawag na Buena Tinta. ina ni Placido Penitente. ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra nagbalik upang maghiganti sa kaaway. kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang dugong Kastila

Doa Victorina Juanito Pelaez may II. MGA TAGPUAN


Sa Sa Sa Sa Sa

Tulay ng Espaa Bahay ni Placido Penitente Perya Daungan ng Bapor San Fernando

Sa Kalye Iris Sa Arabal ng Trozo Sa Bahay ni Simoun

III. BUOD Nagpasya si Placido na titigil na ito sa pagaaral at maghihiganti siya sa mga prayle. Nalungkot si Kabesang Andang sa pasya ni Placido kayat pinayuhan ang anak na mapagkumbaba at magpatulong sa procurador. Sa perya ay nakita ni Placido si Simoun at pinapakiusapang tulungan siyang makapunta ng Hong-Kong. Subalit siya ay isinama ni Simoun sa Kalye Iris. Nagulo ang isip ni Placido nang makita ang mga taong tutulong kay Simoun upang mailigtas si Maria Clara at ang pagtatatag ng himigsikan. Nagdalawang isip si Simoun kung itutuloy niya o hindi ang kanyang binubuong himigsikan. Nagbago sa kanyang desisyon si Placido at narinig sa kanyang bibig na siya na lamang ang makikipag-usap sa procurador upang siya ay patawarin. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Sadyang napakaikli ng panahon. Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay nararapat lamang. Kahit na ano pa man ang kasalanan ng kapwa mo sayo hindi mainam ang paghihiganti. May kasabihan tayo na kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay, ito ay nagpapakita lamang na anuman ang dahilan ay hindi parin sapat upang tayo sa magkasala. Kaya sa patuloy na pag ikot ng mundo tayoy gumawa ng mabuti sa ating kapwa

ANG NAGPAPALAGAY
KABANATA I. MGA TAUHAN Padre Irene pagtatatag ng Don Custodio Ben Zayb Ginoong Pasta ng mga Pepay kaanib ng mga kabataan sa Akademya ng Wikang Kastila. ang kilala sa tawag na Buena Tinta. ang mamamahayag sa pahayagan. isang abogadong sanggunian ng mga prayle kung may suliranin, pinagsanggunian din estudyante tungkol sa pagpapatayo ng akademya. ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio. ang

II. MGA TAGPUAN Sa Maynila Sa Madrid (Espaa) III. BUOD Hinangaan ni Padre Irene at Ben Zayb si Don Custodio sa kanyang kasipagan sa pagbabasa sa mga kasulatan. Nilapitan ni Don Custodiosi Ginoong Pasta ngunit ang ibinibigay nitong payo ay malabong Mangyari. Nagtanong din siya kay Pepay na mananayaw ngunit sa halip na magbigay ng payo ay siya pa ang hinigan nito ng pera. Tinawag na Buena Tinta si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo dahil hindi ito kumikilos kung hinto ito napapalathala sa mga pahayagan. Naagkaroon ng mabuting hanapbuahy si Don Custodio na nagging daan upang siya ay makapagasawa ng isang maganda at mestisang

mayaman. Lumuwas siya sa baying Espaa upang ipagamot ang kanyang karamdaman sa atay at wala pang isang taon ay nagbalik na siya sa Maynila dahil hindi siya kinilala di tulad ng mataas na pagkilla sa kanya sa Pilipinas. Nabuo ang pasya ni Don Custodio sa Akadmeiya ng Wikang Kastila nang buksan niya ang kahon ng panukala. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Talaga naming napakasarap na purihin ka ng iyong mga kapwa. Ngunit may mga tao na sadyang inaangat ang kanilang sarili. Sabi nga sa bibliya, Ikumbaba ang sarili sa mata ng Diyos, at siya ang mag-aangat sayo. Ito ay nagpapatunay na sa kabila ng biyayang iyong natatamo, hayaan natin na ang ibang tao ang pumuri sayo.

IBAT-IBANG ANYO NG MAYNILA


I. MGA TAUHAN Camaroncocido Tiyo Kiko Ben Zayb Simoun na kanyang mga Tadeo Paulita Gomez isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo. matalik na kaibigan ni Camaroncocido. ang mamamahayag sa pahayagan. ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra nagbalik upang maghiganti sa kaaway. kamag-aral ni Macaraig. kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang dugong Kastila ang kaanib ng mga kabataan sa Akademya ng Wikang Kastila. ang kilala sa tawag na Buena Tinta. ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit nawala sa oras ng kagipitan. KABANATA

Doa Victorina Juanito Pelaez may Padre Irene pagtatatag ng Don Custodio Macaraig biglang -

Pecson ng Sandoval Isagani

isang matabang estudyante, at madalas tumanggi sa lahat na pinagsasangayunan lahat. ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral. ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.

II. MGA TAGPUAN Sa Labas ng Teatro de Variedades

III. BUOD Natuloy ang pagpapalabas ng Les Cloches de Corneville. May isang sundalong lumapit sa isang pulutong ng mga estudyante at pagkaraan ay lumapit sa isang karwahe at kinausap si Simoun na saky nito. Narinig ni Camaroncocido kay Simoun ang Tandaan, ang hudyat ay isang putok! Sa kabila ng pagtutol sa pagpapalabas ng operating Pranses, dumating sin Padre Irene, Don Custodio, Ben Zayb at ilang mga estudyanteng pinangungunahan ni MacaraigSa Teatro de Variedades. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Sa patuloy na pag-ikot ng mundo, tayo ay patuloy sa pakikipagsapalaran sa buhay. Nakakatuwa din naman isipin na may mga bago tayong nakikilala. Hindi man magsalita ang isang tao siya ay medaling makikilala sa kanyang kilos. May mga taong maganda ang panlabas na anyo ngunit bulok ang kalooban at meron din naman na pangit ngunit napakabusilak ng kalooban. Nagpapakita lamang ito na walang taong perpekto. Gayunpaman, siguro ay ganun talaga basta ating pagkatandaan na tayo ay kumilos ng naayon sa mata ng Diyos.

ANG PALABAS
KABANATA I. MGA TAUHAN Kapitan Heneral lumakad ekskomunyon si Ibarra / Pepay Macaraig biglang Don Custodio Sandoval Pecson ng Isagani Paulita Gomez Juanito Pelaez may Gertrude sulyap. Doa Victorina Tadeo pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; na maalisan ng pagkaSimoun. ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio. ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit nawala sa oras ng kagipitan. ang kilala sa tawag na Buena Tinta. ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral. isang matabang estudyante, at madalas tumanggi sa lahat na pinagsasangayunan lahat. ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino. kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang dugong Kastila isang magandang artista na nabibigay kay Kapitan Heneral ng mga makahulugang ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. kamag-aral ni Macaraig.

Serpdette Padre Irene pagtatatag ng Padre Salvi bayan Ben Zayb

isang mang-aawit ang kaanib ng mga kabataan sa Akademya ng Wikang Kastila. ang paring Franciscanong dating kura ng ng San Diego. ang mamamahayag sa pahayagan.

II. MGA TAGPUAN Sa Loob ng Dulaan (Teatro de Variedades). III. BUOD Nilapitan ni Macaraig si Pepay upang kunin ang sulat ni Don Custodio na naglalaman ng desisyon ukol sa Akademiya ng Wikang Kastila. Nalaman ng mga estudyante na sila ay tagasingil lamang ng abuloy sa pagpapatupad ng paaralan ngunit ang pamamahala ay ibinigay sa mga paring Dominiko sa ilalim ng Unibersidad ng Santo Tomas. Hindi tinapos ng mga estudyante ang operetang Pranses. Sila ay sabay-sabay na umalis upang mgdiwang sa pansiterya na ang mga naglilingkod ay mga Instik na hubad. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Napakahalaga ng bawat oras na dumadaan para sa isang tao. Ang pagdating sa tamang oras ay nagpapakita lamang ng pagpapahalaga sa kapwa. Ito ay paraan ng pagkuha ng paggalang sa iyo ng kapwa mo. Likas naman daw talaga ang pagpapahalaga sa oras ng mga Filipino. Ayon kay Tomas Ongoco, ang Filipino time daw ay makikita sa probinsya. Halimbawa, ang isang nagsasaka ay makikita mong nasa bukirin bago pa man sumikat ang araw. Ngunit napakasakit isipin na ang Filipino time ngayon ay isang oras bago ang napagusapang oras darating. Sana isipin natin ang kahalagahan ng ng oras at sana maibalik natin ang dating kultura natin tungkol sa tunay na oras Pilipino.

ISANG BANGKAY
KABANATA I. MGA TAUHAN Simoun na kanyang mga Macaraig ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra nagbalik upang maghiganti sa kaaway. ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit nawala sa oras ng kagipitan. isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo. ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio. mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

biglang Camaroncocido Basilio Huli. Huli Kapitan Tiago -

II. MGA TAGPUAN Sa Kalye Ospital Sa Bayan ng San Diego III. BUOD Dumating si Simoun sa bahay ni kapitan Tiago at muli silang nagharap ni Basilio pagkatapos ng kanilang pagkikita sa bayan ng San Diego. Ibinalita ni Basilio kay Simoun ang pagkamatay ni Maria Clara. Umalis si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago na litong-lito at tial wala sa sarili. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Sadyang napakamakapangyarihan ng pag-ibig. Lahat ay hahamakin nito ano pa man ang mangyari kaya ito ay nagiging dakilang pag-ibig. Katulad

sa kabanatang ito, sa labis na pag-ibig ni Simoun kay Maria Clara ay humantong ito sa pagpapasimuno ng isang himagsikan mabawi lamang muli ang kanyang minamahal sa kumbento. Ngunit sa kasamaang palad ito pala ay nasawi na. makikita talaga natin na hinamak nito ang lahat upang upang masunod lamang ang pusong labis na nagmamahal. Gayunpaman, atin tandaan na kailanman ang paggawa ng masama ay walang naidudulot na mabuti.

ANG MGA PANGARAP


KABANATA I. MGA TAUHAN Isagani Paulita Gomez ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino. kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. ang mamamahayag sa pahayagan. ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang dugong Kastila

Ben Zayb Doa Victorina Juanito Pelaez may -

II. MGA TAGPUAN Sa Paseo de Maria Cristina (Luneta) III. BUOD Sa Paseo de Maria Cristina hinihintay ni Isagni si Paulita bago ang paglubog ng araw. Pag-uusapan nila ang nangyari sa Dulaang Variedades. Habang naglalakad si Isigani nakasalubong niya si Ben Zayb at narinig ang tungkol sa pagkakasakit ni Simoun. Unti-unting lumalalim ang gabi ng duamating na si Paulita na kasama si Doa Victorina at Juanito. Nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap ang dalawa. Doon niya nalaman na si Doa Victosina ang may gusto kay Juanito at hindi siya. Nagtawanan ang dalawa. Napag-usapan nila ang kanik\-kanilang pangarap at nagkapalitan sila ng pagtanaw sa kinabukasan. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Tunay na libre ang mangarap. Hindi masama ang mangarap. Ang pangarap ang siyang inspirasyon sa kabila ng patuloy na paggalaw ng mundo tayo ay mananatiling buhay at nakikipagsapalaran. Ngunit ang pangarap ay mananatiling pangarap kung ang pagsasakatuparan nito ay iaasa mo sa iba.

May kasabihan nga tayo na Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa. Kaya naman para sa ating ikabubuti tayo ay magtiyaga at maging masipag sa buhay. Lumaban para sa ating mga pangarap.

ANG MGA PANGARAP


KABANATA I. MGA TAUHAN Sandoval Tadeo Isagani Don Custodio Macaraig biglang Padre Irene pagtatatag ng Pecson ng ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral. kamag-aral ni Macaraig. ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino. ang kilala sa tawag na Buena Tinta. ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit nawala sa oras ng kagipitan. ang kaanib ng mga kabataan sa Akademya ng Wikang Kastila. isang matabang estudyante, at madalas tumanggi sa lahat na pinagsasangayunan lahat.

II. MGA TAGPUAN Sa Bulwagan ng Pansiterya Macamista de Buen Gusto III. BUOD Nagkaroon ng kasiyahan ang mga estudyanteng kasapi ng akademya sa kabila ng kanilang kabiguan. Naglagay ng paskil ang mga estudyante sa loob ng pansiterya na nagsasabing Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at pansit sa lupa sa mga binatang may magagandang kalooban! Binigyan ng ibang pangalan ng mga estudyante ang mga ulam na kanilang pinili at inihahandog sa mga naging sangkot sa pagpapatupad ng akademya. At bigla nakita ang mga estudyanteng ang aliping ipinadala ni Padre Sibyla na nagmamatyag sa kanila. IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN Wala naman sigurong taong hindi nakaranas ng kahit isang kabiguan sa buhay niya. Gayunpaman, ang kahalagahan nito ay dapat na sa kabila ng

kabiguan ay harapin ito. Ang taong marunong harapin ang hamaon ng buhay ay magtatagumpay sa buhay. Tandaan natin na ang taong masayang hinaharap ang pagsubok at may positibong pananaw sa bawat pagsubok na dumarating sa kanyang buhay ay kahanga-hanga dahil alam natin na panatag ito na malalagpasan.naman para sa ating ikabubuti tayo ay magtiyaga at maging masipag sa buhay. Lumaban para sa ating mga pangarap.

Vous aimerez peut-être aussi