Vous êtes sur la page 1sur 5

AKDA/TAGUMPAY NI RIZAL Mga Akdang Sinulat: 4 y/o - Dulang itinanghal sa pista ng bayan na binili ng gobernadorcilio sa halagang 2 piso Sa Aking

Mga Kabata sinulat noong ika-8 taong gulang Mi Primera Inspiracion / Ang Una Kong Salamisim unang tulang sinulat sa Ateneo na inihandog sa kaarawan ng ina La Tragedia de San Eustaquio (Ang Kasawian ni Sa Eustaquio) dula-tulang nakasulat sa Italyano na isinatuluyang Kastila. Ito ang pinakamahabang tulang sinulat ni Rizal (2, 414 berso) Memorias De Un Estudiante de Manila (1878) aklat kung saan tinipon ni Rizal ang alaala ng kanyang pinagdaanang buhay gamit ang sagisag na P. Jacinto A La Juventud Filipino (Sa Kabataang Pilipino) nagpapahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino at humihiling sa mga kabataan na tumuklas ng kabantugan para sa bayan. Inilahok sa timpalak-pampanitikan ng Liceo Artistico Literario de Manila, kapisanan ng magiliwin sa sining. Nagwagi ng unang gantimpala at tumanggap ng pluming pilak Abdel Azis Mahona (1879) tulang binigkas ni Manuel Fernandez (Atenista) noong bisperas ng taunang pagdiriwang ng Araw ng Imaculada Concepcion patron ng Ateneo A Filipinas (Sa Pilipinas -1880) tulang inihandog sa samahan ng mga eskultor Junto Al Pasig (Sa Baybay ng Pasig Dis. 1880) dulang itinanghal ng Academy of Spanigh Literature bilang handog sa taunang selebrason ng patrona ng Ateneo Concejo delos Dioses (Ang Konseho ng mga Diyos) sulang inilahok at nagwagi sa timpalak ng Artistic Literary Lyceum bilang paggunita sa ika-264 anibersaryo ng pagkamatay ni Cervantes (sumulat ng Don Quixote) Al MRP Pablo Roman, Rector del Ateneo en sur Dias tulang naglalaman ng malabis niyang paggalang at paghanga sa pari na naging napakabuti sa kanya El Amor Patrio - tulang sinulat sa 2 wika sa Barcelona upang bigyang-daan ang kanyang kasabikan sa sariling bayan gamit ang ngalang Laong-Laan Me Piden Versos (Pinatutula Ako) tulang nagpapahayag ng masidhing pananabik ni Rizal sa kanyang bayan. Nalathala sa La Solidaridad sa Barcelona noong Mar. 31, 1889 A Los Flores de Heidelberg tulang nagpapahiwatig ng pananabik sa sariling bayan

William Tell (Frederick Von Schiller) isinalin sa Tagalog upang malaman ng Pilipino ang kasaysayan ng kampyon ng kalayaan ng Swisa na nagpapakita ng pagtutol sa paniniil, panatismo at pang-aapi La Vision del Fray Rodriguez (Ang Pangitain ni Pari Rodriguez) sinulat bilang sagot sa sinulat ni P. Rodriguez na nilimbag sa isang maliit na librito gamit ang ngalang Dimasalang Specimens of Tagal Folklore artikulong ipinagkaloob kay Dr. Rost, patnugot ng Trubners Record kung saan ito nalathala Sa Mga Kababaihang Taga-Malolos sinulat bilang tugon sa kahilingan ni M.H. Del Pilar na sulatan niya ang mga kababaihan ng Malolos dahil sa kanilang mahigpit na pagnanasang makapagpatayo ng isang paaralang magtuturo sa kanila ng wikang Kastila sa kabila ng pagtutol ni P. Felipe Garcia Noli Me Tangere at El Filibusterismo nobelang naglantad ng tunay na kalagayan ng Pilipino noong panahon ng Kastila, nagmulat sa mata ng Pilipino at humawan sa landas para sa himagsikang Pilipino na nagbibigay-daan upang mawakasan ang mapaniil na paghahari sa Kastila sa Pilipinas. IBA PANG GAWAIN: Sumapi sa Masonerya samahang ipinagbabawal ng simbahang Katoliko na naglalayong palawakin ang pandaigdigang kapatiran ng tao sa ilalim ng pagkaama ng Diyos fahil sa pagtitiwala niya sa layunin ng samahan at paniniwalang makakuha ng kasama sa pakikipaglaban sa masamang pari sa Pilipinas. Naging Master Mason ng Lohiya Solidaridad at sumapi sa Le Grand Orient France Tinistis ang mata ng ina (sa loob ng 1 buwan, nagbalik ang paningin ng ina) unang pagtiistis na ginanap sa Pilipinas at nagbigay ng pangalan at katanyagan kay Rizal bilang manggagamot Itinatag ang Samahang Internasyunal ng mga Pilipino na nagpasyang magdaos ng panimulang kongreso sa Paris kasabay ng International Exposition sa paniniwalang itoy magiging daan upang matawag ang pansin ng ibang tao sa daigdig anuman ang kanilang kulay, pananampalataya at paniniwala sa mga bagay na may kinalaman sa Pilipinas at maiwasto ng mga tagatalang Kastila ang mga pagkakamali tungkol sa mga ulat kasaysayan ng Pilipinas upang mangibabaw ang katotohanan sa kasinungalingan Samahang Kidlat tatagal lamang habang may eksposison sa layunin buklurin ang lahat ng Pilipino sa ibayong dagat Indios Bravos (itinulad sa Indios Bravos ni Buffalo Bill) binuo upang ipagmalaki ng

mga indio (tawag ng Kastila sa Pilipino) ang kanilang lahi nang walang pasubali Samahang RDLM (Redencion delos Malayos) lihim na samahang itinatag ni rizal na may lihim na kontrasenyas dahil sa pag-aalala sa magiging kapalaran ng kanyang mga kababayan sa Pilipinas. Ang samahan ang binabalak ni Rizal na magtatag ng mga kolonya ng Pilipino sa Borneo Nagbukas ng klinika sa HK Dumating ang kanyang ama, si Paciano at Silvestre Ubaldo. Sumunod ng kanyang iina (halos di na makakita), Lucia Josefa at Trinidad. Tinistis ang mata ng ina sa ika-2 pagkakataon. Itinatag ang La Liga Filipina (Hulyo 3, 1892) sa bahay ni Doroteo Ongjunco sa Ilaya, Tondo, samahang magbubuklod sa lahat. Kabilang sa dumalo sina Apolinario Mabini at Andres Bonifacio Sa Dapitan: Inukol ang oras sa pagsasaka. Sa loob ng apat na taon, nakabili ng 79 na ektaryang lupang sakahan na tinamnam ng 6000 abaka at daan-daang ibat ibang punungkahoy Nanggamot nang libre sa mahirap na pasyente, muling inoperahan ang mata ng ina Nilagyan ng ilaw at patubig ang Dapitan. Pinaayos at pinaganda ang liwasang bayan sa tulong ni P. Francisco Sanchez Nakipagsosyo sa isang Kastilang mangangalakal sa negosyo ng isda Bumili at nagbili ng abaca Itinatag ang Abaca Planters Cooperative Association upang maiwasan ang masamang paraan ng kumpitensya at maitakda ang halaga ng abaca Nagtayo ng paaralan at nagturo sa 16 na mag-aaral Nagpatayo ng ospital Sumulat ng Balarilang Tagalog Natuto ng 22 wika Kastila, Pranses, Ingles, Aleman, Latin, Griyego, Hebrew, Sanskrit, Catalan, Italyano, Ulandes, Portuges, Swedish, Russian, Tsino, Nihonggo, Malayo, Tagalog, Ilocano, Bisaya at Subanon

Iba Pang Akda:

Ang Mga Magsasakang Pilipino bumabatikos sa pamahalaang kolonyan sa kanilang mga patakarang mapaniil laban sa magsasakang Pilipino La Verdad Para Todos (Katotohanan Para sa Lahat) nalathala noong Mayo 31, 1889 ipinasa ni Rizal sa maykapangyarihan ang tungkuling pabulaanan ang kanyang sinabi. Verdades Nuevas (mga Bagong Katotohanan) nalathala noong Hulyo 31, 1889 sumalungat sa paniniwala ni G. belloc na ang repormang sinimulan sa Pilipinas ay magpapahina sa kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas Una Profanacion (Isang Kalapastanganan) nalathala noong Hulyo 31, 1889 nagsasakdal sa mga prayle sa pagtangging bigyan ng Kristyanong libing si Mariano Herbosa dahil siyay bayaw ni Rizal Diferencias (Mga Pagkakaiba) nalathala noong Set. 15, 1889 Filipinas Dentro de Cien Anos (Ang Pilipinas Makalipas ang Isang Siglo) nalathala baha-bahagi noong Set. 30, Okt. 30, Dis. 15, 1889 at Peb. 1, 1890 tumalakay sa pagkakaroon ng kalayaan ng Pilipinas sa hinaharap Ingratitudes (Kawalang-Utang-na-Loob) nalathala noong Enero 15, 1890 sagot sa mga pasaring ni Gob. Hen. Weyler samantalang itoy nasa Calamba ng ang mga bayan ay hindi dapat pahintulutang silay malinlang ng pangako ng mga walang utang-na-loob na mga anak. Sin Nombre (Walang Pangalan) nalathala noong Peb. 28, 1890 iniisa-isa ni Rizal ang mga kasamaan at kawalang-katarungang pinaiiral ng mga maykapangyarihan sa Calamba Sobra La Nueva Ortografia de la Lengua Tagala (Tungkol sa mga Bagong Ortograpiya ng Wikang Tagalog) nalathala noong Abril 15, 1890 isang siyentipikong pagsusuri ng ortograpiyang Tagalog na ayon kay Rizal ay makatutulong sa mga mag-aaral ng wika upang maiwasan ang pagkalito at nang itoy magamit nang maginhawa. Cosas de Filipinas (Mga Bagay Tungkol sa Pilipinas) nalathala noong Abril 30, 1890 Sobre la Indolencia de los Filipinos (Tungkol sa Kawalang-Sipag ng mga Pilipino) nalathalang baha-bahagi mula Hulyo 15 Set. 15, 1890 niliwanag na ang katamaran ng Pilipino ay hindi bunga ng klima o kawalang hilig sa trabaho kundi bunga ng mga hirap at balakid na dala ng sistemang pulitikal at sosyal sa kanilang kinaroroonan Mas Sobre el Asunto de Negros (Tungkol sa Usapin ng Negros) nalathala noong Mayo 15, 1890 Una Esperanza (Pag-asa) nalathala noong Hulyo 15, 1890 Mayo 6, 1890 hiningan ng tulong si Rizal ni Ventura na sulatan ang kanyang mga

kababayan sa Madrid na tigilan ang pagsusugal at gugulin ang panahon sa makabuluhang bagay. Binanggit ni Rizal na magbigay tayo ng katibayan na tayoy superior at hindi tayo maaaring pagmalupitan at hindi makikitil ang ating dakilang damdamin sa pamamagitan ng pagwasak sa ating kaugalian. Hunyo 27, 1892 dumalaw sa Gitnang Luzon (Malolos, Bulacan, Tarlac at San Fernando, Pampanga) upang makiramdam sa naging bunga ng kanyang mga sinulat at pagkakataong magtagumpay ang isang himagsikan - Nakipagkita sa Gob. Hen. At nagpasalamat sa pagbawi sa deportasyion ng kanyang kapatid at sinabing darating ang kanyang amat kapatid Hulyo 3, 1892 pormal na naitatag ang La Liga Filipina sa bahay ng Doroteo Ongjunco sa Ilaya, Tundo. Nahalal sa pamunuan ang sumusunod: Pangulo- Ambrosio Salvador, Kalihim- Deodato Arellano, Ingat-Yaman- Bonifacio Arevalo at Piskal- Agustin dela Rosa Hulyo 6, 1892 ipinatawag si Rizal ni Gob. Despajol, ipinakita ang mga pamaskil na may pamagat na Pobres Frailes (Kaawa-awang Mga Prayle) na sinulat ni P. Jacinto at nalimbag ng Imprenta delos Amigos na sinasabing natuklasan sa higaan ni Lucia - Dinakip si Rizal ni Gob. Hen. Despujol, dinala ng pamangking si Ramon Despujol sa Fort Santiago at ipinagkatiwala kay Enrique Villamore (Kumander ng kuta) - Nanatili sa bilangguan ng walong araw, hindi bingyan ng pagkakataong sumulat o makipag-usap kaninuman - Ipinalathala ni Gob. Hen. Despujol sa Official Gazette ng Utos ng Deportasyon ni Rizal sa Dapitan dahil sa: o Paglalathala ng aklat at proklamasyong laban sa Katolisismo at mga prayle o Nakuhanan ng mga subersibong dokumento o Paghahandog ng El Filibusterismo sa GOMBURZA o Ibig iwalay sa mga Pilipino ang yaman ng banal na relihiyong Katoliko

Vous aimerez peut-être aussi