Vous êtes sur la page 1sur 2

Pandiwa- mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw Uri ng pandiwa: 1. Payak- ito ay ipinalalagay na ang simuno.

Halimbawa: Lubos na mahirapan ang walang tiyaga mag-aral 2. Palipat- ito ay may simuno at tuwirang layon Halimbawa: Naglinis ng hardin si Nena. 3.Katawanin- ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap. Halimbawa: Ang matiyaga nagwawagi Aspekto ng pandiwa: 1. Perpektibo- nagsasaad ng kilos ay natapos na 2.Imperpektibo- nagsasaad ng kilos ay nagaganap 3.Kontemplatibo- nagsasaad na nag kilos ay gagawin pa lamang Pokus ng pandiwa 1. Aktor/Tagaganap-ang gumaganap sa kilos ay ang simuno 2. Layon/Gol- tuwirang layon ang simuno o tagaganap. 3. Benepaktibo/Pinaglalaanan- pinaglalaanan ng kilos ang simuno 4. Ganapan/lokatib- ang pinangyarihan ng kilos ang simuno 5. Instrumental/gamit- gamit ang simuno 6. Kawsatibo- ang sanhi ang simuno 7. Resiprokal- resiprokal ang simuno

Mga uri ng pagbabagong morpoponemiko:

1.asimilasyon = pagbabagong nagaganap sa /n / dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito. a. asimilasyong di ganap = pagbabago sa unang morpema hal: pang + bansa = pambansa sing + bait = simbait mang + batas = mambabatas b. asimilasyong ganap: pagbabago ng kapwa panlapi at salitang-ugat. hal: mang + tahi = manahi pang + palo = pamalo pang + takot = panakot

2.pagpapalit ng ponema = kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito'y pinapalitan ng ponemang r. hal: ma + damot = maramot ma + dunong = marunong 3. metatesis = pagpapalit ng posisiyon ng panlaping /-in / kapag ang kasunod na ponema ay ang mga ponemang (l,y,o) hal: lipadin-nilipad yakapin-niyakap 4. pagkakaltas ng ponema = mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema. hal: takip + an = takpan sara + han= sarhan labahan = labhan dalahin = dalhin 5. paglilipat-diin = kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, ito ay nagbabago kapag ito'y nilalapitan. hal: laro + an= laruan dugo + an = duguan

Vous aimerez peut-être aussi