Vous êtes sur la page 1sur 2

Unit II: Aralin 3 Epekto ng pakikibahagi sa paggawa ng masama (Cooperation in evil)

Pagninilay-nilay: Nakikipagsabwatan ka ba sa iyong kaklase na mangudigo sa eksamen o sa pag cutting class? Bakit masarap ang bawal?

Sa moralidad ng kristiyano ay pinipilit natin na maging mabuti, na puno ng kabutihan sa buhay. Simula umpisa pa sa kasalanan ng tao, sa tulong ng ating kalayaang loob, ay tinutulak tayo nito tungo sa kakayahan ng tao na gumawa ng kasalanan at maging masama. Ang antas kung saan tayo ay nakikibahagi sa kasamaan ay maaaring bigyang kahulugan sa pamamagitan ng mga prinsipyong moral sa pakikibahagi sa paggawa ng masama na bibigyang diin at ipaliliwanag sa mga sumusunod na konteksto. Sa pangkalahatan ang pakikibahagi sa paggawa ng masama ay nahahati o maaaring aktibo / pasibong pormal na pakikibahagi, o aktibo /pasibong materyal na pakikibahagi; materyal na pakikibahagi tungo sa immediate at mediate; at mediate material cooperation tungo naman sa proximate at remote. Ang pinakamataas na antas ng pakikibahagi sa kasamaan ay maaring mangyari sa aktibong pormal na pakikibahagi sa paggawa ng masama at ang pinakamababang antas naman ay sa mediate remote passive material cooperation. Higit sa lahat ang pinakamagandang kilos na maaring gawin ay huwag makibahagi sa paggawa ng masama.

Kahulugan ng moral na konsepto sa pakikibahagi sa paggawa ng masama. (Pagpapalaglag ng sanggol bilang halimbawa.) 2 Pangunahing uri: PORMAL AT MATERYAL 1. Pormal na pakikibahagi: Nangyayari kung ang isa ay tumutulong at nakikipagsabwatan sa immoral na kilos / may masamang intensyon para sa iba. Kapag ang isang tao ay nagpapayo para sa isang kasunduan/kilos na gagawin, kahit na wala pa siya mismo doon ay masasabing ito ay pormal na pakikibahagi. Hal. Tinulungan niyang magpunta sa isang doctor na abortionist ang kaibigan niyang humingi sa kanya ng tulong dahil ito ay nabuntis at mapapagalitan ng kanyang mga magulang. Aktibo: Ang totoong sumusuportang positibong pagkilos na pakikibahagi sa paggawa ng masama. Hal. Mismong abortionist. Pasibo: Paggawa ng kasamaan na tumutulong lamang ayon sa napagkasunduan. Hal. Helper/Assistant ng abortionist (hindi sya mismo ang naglalaglag ng sanggol.) 2. Materyal na pakikibahagi: Kapag ang isang tao ay tumutulong sa immoral na pagkilos ng iba subalit walang intension na makibahagi sa gagawin. Hal. Alam ng iyong ina na masasamang babae ang mangungupahan sa inyong bahay ngunit hindi siya kumikibo dahil maayos naman ang pagbabayad nila ng upa sa inyong bahay. Ito ay material na pakikibahagi sa kasamaan.

Aktibo: Sumusuportang kilos para sa isang masamang gagawin, subalit walang kasunduan. Pasibo: Isang pagkilos na hindi kapansin-pansin sa paggawa ng masama. Walang kasunduan sa paggawa ng masamang pagkilos subalit hindi rin sya gumagawa ng hakbang upang pigilin ito. Immediate: Paggawa ng isang bagay na kinakailangan para sa siguradong kalalabasan ng paggawa ng masama, direktang pakikibahagi. Ang immediate na pagkilos ay parating kaalapit lang (proximate).

Hal. Pagiging sekretarya sa abortion clinic subalit walang usapan kung ano man ang magiging pagkilos nito. Ang immediate na pagkilos ay parating kaalapit lang (proximate). Mediate: Paggawa ng isang bagay na hindi naman kadalasan kailangan para sa isang kasamaan, subalit tumutulong lamang sa pamamagitan ng hindi direktang pakikibahagi.

Hal. Pag-supply ng mga instrumento sa abortion clinic. o Proximate: Ang nurse na naghanda ng mga instrumentong gagamitin sa aborsyon. o Remote: Ang janitor na tagalinis ng klinika. Ang dignidad ng tao ang nakataya sa pakikibahagi sa paggawa ng masama. Madalas na ang mga taong nakagawa ng masama ay sadyang wala sa wastong pag-iisip. Kung ikaw ay isa ring wala sa matinong pagiisip na gagabay sa taong walang matinong pag-iisip, pareho ninyong hindi matututuhan ang tamang daan at tuluyang mapupunta sa masamang daan. Kung kaya ikaw na nakaaalam sa masamang gawain ang nararapat na gumabay sa iyong kasama o kaibigang gumagawa ng masama.

Gawain: A. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, isulat ang iyong dapat gawin sa iyong notbuk. 1. Kasapi ka ng isang samahan sa inyong paaralan. Napagkasunduan ng inyong samahan na tumulong sa mga mag-aaral na mahinang bumasa. Subalit nagmungkahi ang karamihan na maningil ng bayad sa bawat magaaral na inyong tuturuan. Hindi ka umayon dahil alam mong mahihirap ang mga mag-aaral na ito. Ano ang iyong gagawin? 2. Patapos na ang taon kaya halos lahat ng mga mag-aaral ay tinatamad nang pumasok. Isang umaga, nasalubong mo ang iyong mga kamag-aral. Ang sabi nila, napagpasyahan ng buong klase na huwag pumasok. Ikaw ay papasok na ng paaralan at pinigil ka nila. Ano ang iyong gagawin? 3. Malaki ang utang ng iyong mga magulang sa inyong kapitbahay. Isang araw, sinabi ng iyong mga magulang na pupunta sila sa probinsya at doon na maninirahan. Tatapusin mo lang ang klase at susunod ka na rin. Ibinilin nila na kung tatanungin kung nasaan sila, sabihin mong nagpunta sila sa ibang bansa upang magtrabaho. Magpapadala na lamang ng perang pambayad sa kanila. Susundin mo ba sila? Bakit? Bakit masarap ang bawal? Bakit mahirap gawin ang tama sa binanggit na mga sitwasyon? Inihanda ni Ginoong JR Ramos

Vous aimerez peut-être aussi