Vous êtes sur la page 1sur 4

Ang lipunan noon

Ang pamahalaang Barangay -Pamahalaang barangay ay binubuo ng 30 mag-anak o mahigit pa. Pamahalaang barangay ang tawag dito. Ang salitang Balangay ay hango sa salitang balangay, isang uri ng sasakyang pandagat na ginamit ng ating mga ninuno. May mga pinuno at mga tagasunod sa bawat barangay. Ang barangay ay maihahalintulad sa isang munting kaharian na pinamumunuan ng datu, raha, gat, o lakan. Maraming barangay ang naitatag sa buong kapuluan n gating lupaing noon. Sanguduan- Isang ugali n mga Pilipino noon na nagpapakita ng kanilang pakikipagkaibigan.

Kapangyarihan at tungkulin ng Pinuno Mga tungkulin ng datu Mangasiwa Panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa kanyang pamayanan Kumalinga at mangalaga sa bawat mamamayan Tumulong sa mga maysakit o nangangailangan Gumawa ng mga kautusan o batas Magtanggol sa nasasakupan laban sa mga kaaway Magbigay ng payo sa mga humihingi nito Humatol at mamuno sa mga mandirigma ng barangay Mamuno nang makatarungan at naaayon sa matandang kaugalian at mga batas

Mga batas sa barangay Mga kauna-unahang batas ng ating mga ninuno ay pasalita at hindi nakasulat. Ito ay nagpasalin-salin sa mga henerasyon. Ito ay binubuo ng kanilang mga tradisyon at mga kaugalian. Maraming batasang ang nagawa noon. Ang mga halimbawa a ng nasulat na batas ay:

1. 2. 3. 4.

Igalang ang pinuno ng barangay. Ang may utang ay dapat magbayad sa takdang araw. Kailangang maging masipag at matiyaga. Dalawa lamang ang dapat na maging anak upang matustusang mabuti ang kanilang mga pangangailangan. 5. Ang pagpaslang o pagpatay ay gagawaran ng parusang kamatayan. 6. Ang taong nahuling nagnanakaw ay puputulang daliri.

Ang Paglilitis - Hayag ang paglilitis noon katulad din sa ngayon. Ang datu rin ang tumatayong hukom. Ang mga taong may alitan ay pinaghaharap at pinagpapaliwanag sa mga nangyari. Ang ibang paraan naman ng pagsubok ay ang pagsisid sa dagat o ilog ng mga napagbintangang nagkasala. Ang Sultanato - Ang Sultanato ay isa ring uri ng pamahalaan. Ito ay ipinakilala ng mga muslim. Ito ay binubuo ng 10 hanggang 12 nayon na ang bawat isa ay may pinuno. Di tulad ng sa barangay na magkakamag-anak ang miyembro, ang mga kasapi sa isang sultanato ay maaaring walang relasyon sa isat- isa. Itinatag ni Sayyid Abubakr ang Sultanato sa Sulu noong 1450. Ang sumunod na naitatag ay ang Sultanato ng Maguindanao. Ito ay itinatag ni Sharif Muhammad Kabungsuwan. Ang mga lalawigan napailalim sa Sultanato ay ang buong kapuluan ng Sulu, ibabang bahagi ng ng Zamboanga Del Sur at Zamboanga Del Norte, Timog Palawan, Lanao Del Sur at Lanao Del Norte, Cotabato, Pulo ng Basilan, Davao Del Sur at Davao.

Pagtatag ng kolonyang Espanya


Mga Layunin sa pagpunta sa Silangan - Pagpapanibago na tinawag nilng Reinassance o Muling Pagsilang, nagkaroon ng mahahalagang pangyayaring political at pangkabuhayan sa Europa. Kagamitang pangheograpiya na nakatulong sa paglalayag ang nagpalakas ng loob ng mga tagaEuropa na maglakbay sa ibat ibang bahagi ng mundo. Noong ika- 15 siglo, naging matindi ang pagnanasa ng mga Europeo na makarating sa Silangan nang mabalitaan nilang mayaman ang maraming lugar dito. May tatlong (3) layunin ng mga taga Europa sa palalayag ppunta sa silangan. Ito ay sinasagisag ng 3 G na ang kahulugan sa Ingles ay God, Gold, and Glory o Diyos, Kayamanan, at karangalan. Pagtakda ng Demarcation Line - Mga bansang Portugal at Esanya sa paglalayag. Upang matigil ang paligsahan ng dalawang bansa, nagpalathala ng kautusan si Papa Alejandro Borja VI noong Mayo 3, 1493 na kumilala sa karapatan ng Espanya sa lahat ng mga sa Amerika. Naglatha uli ang Papa ng kautusang nagtakda ng demarcation line na naghati sa daigdig mula North Pole hanggang South Pole. Dumaan sa Karagatang Atlantic mga 100 liga pakanluran ng Azores at sa Isla ng Cape Verde. Naglathalang muli ng isang kautusan ang Papa noong Setymbre 26, 1493 na nagpahilot sa Espanya. Binago rito ang Demarcation line at naging 370 liga pakanluran ng mga isla ng Cape Verde. Ang Paglalayag ni Magellan - Si Ferdinand Magellan (Fernando de Magallanes sa Espanyol o ferno de Magalhes sa Portuges) ay isang eksplorador na Portuges na nagbalak maglayag sa silangan sa pamamagitan ng pag-gamit ng ruta sa kanluran. Napilitan siyang ilahad ang kanyang plano sa hari ng Espanya na si Haring Carlos l nang hindi niya nahikayat si Haring Emmanuel l ng Portugal. Tumulak ang ekspedisyon ni Magellan noong taong 1519 na binubuo ng 5 sasakyang dagat. Ito ay ang mga barkong Victoria, Concepcion, Santiago, Trinidad at San Antonio. Mga Ekspedisyon ni Magellan Agosto 10, 1519 - Lunes ng umaga nagimula ng paglalayag mula Espanyal. Marso 17, 1521- Napadpad sila sa pulo ng Humonhon sa bukana ng Golpo ng Leyte, nagpahinga at nangalap ng mga pagkain. Marso 31, 1521- Nagdaos ng kauna-unahang misa ang mga Espanyol sa Tabingdagat at nagtirik ng malaking krus san g isang gulod na malapit sa dagat. Abril 8, 1521- Nakarating sila sa Cebu sa tulong ni Raha Kulambu.

Abril 15, 1521- Nagdaos sila ng misa at nagtirik ng krus sa Cebu.

Paglaban sa Pananakop Kasama ang isang hukbo ng 60 mandirigmang Europeo na pawang ballot na bakal ang katawan at lulan ng 3 barko at 1,000 katutubong mandirigmang sakay ng 80 bangka, dumaong sila sa dalampasigan ng Mactan noong bukang-liwayway ng Abril 27, 1521. Tumanggi si Lapu-lapu at sinabing handa sila sa anumang mangyayari. Nag-alok si Raha Humabon na tumiong ngunit ito ay tinanggihan ni Magellan. Ang bapor na Victoria na lamang ang nakabalik sa Espanyal noong Setyembre 6, 1522. Mga nabigong Ekspedisyon ng Espanya sa Silangan Si Magellan ang nag-udyok na magpadalang muli si Haring Carlos l ng Espanya ng ekspedisyon sa silangan. Ang mga ito ay pinamunuan nina Juan Garcia Jofre de Loaisa noong 1525, Sebastian Cabot noong 1526, Alvaro de Saavedra noong 1527 at Ruy Lopez de Villalobos noong 1542. Napilitan si Haring Carlos l ng Espanya na ipatigil ang mga ekspedisyon sa silangan. Si Haring Felipe ll, ang sumunod na hari ng Espanya.

Ang Ekspedisyon ni Legazpi 2 Taon ang nakalipas bago nakapagpadalang muli ang Espanya ng Ekspedisyon mula sa Mexico. Binubuo ito ng 4 na barko at 380 na katao kasama si Padre Andres de Urdaneta at 5 paring Agustino. Nakarating sina Legazpi sa Cebu noong Pebrero 13, 1565. Napilitang silang pumunta sa Samat at Leyte. Narating nila ang Bohol noong Marso 16, 1565. Nakipagkaibigan si Legazpi kay Raja Sikatuna at nakipagsanduduan. Pananakop sa Cebu Nakabalik sila sa Cebu sa Cebu noong Abril 27, 1565. Sinalakay ng mga Espanyol ang Cebu ngunit nanlaban ang mga katutubo sa pangunguna ni Raha Tupaz.

Vous aimerez peut-être aussi