Vous êtes sur la page 1sur 12

PANITIKAN NG REHIYON V Bikol Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes at Masbate Ang rehiyon V o ng Biko ay matatagpuan

sa timog silangan ng Luzon, Binubuo ito ng mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes at Masbate. Ang mga mamamayan dito ay nagsasalita ng Bikol, pero iba-ba ang uri ng Bikol nila. Biko na may halong Tagalog ay sinasalita sa Camarines Sur dahil malapit sa Quezon. Ang Bikol na hawig sa Cebuano ay sinasalita sa Masbate at iyong lalawigang malapit sa Kanlurang Bisaya ay may halong Hiligaynon. Iba rin ang Biko ng Sorsogon, Catanduanes at Albay bagamat ang Bikol Naga ang ginamit sa kanilang panulatan. Sa kabila ng maraming wikang ginagamit dito marami sa kanila ay bihasa sa Ingles a Filipino na siyang ginamit nila sa pagsulat ng tula, dula, maikling kwento at nobela. Kakaunti ang nalalaman sa Panitikang Bikol na nasusulat sa katutubong wika maliban sa Daragang Magayon at Sarong Banggi. Karamihan sa mga akdang nasusulat sa wikang Bikol ay hindi nailimbag at kalat-kalat pa, bagamat mayaman ito sa bugtong, salawikain, awiting-bayan at kwentong-bayan. Ang mga ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao. Marami ring mito at alamat ang matatagpuan kaugnay ng mga magagandang lugar, lawa at bulkan. Halimbawa nito ay ang Alamat ng Bulkang Mayon. Ang mga matatanda ng lugar ay patuloy na ginagamit ang Ariwaga o sasabihon (kasabihan) para bigyang diin ang kahalagahan ng katapatan, kasipagan, pagtitiyaga at iba pang magandang ugali sa mga kabataan. Isang misyonerong Kastila ang humanga sa kakayahan ng mga Bikolano sa pagsulat ng tula at musika. Uri ng Panitikan 1. Ariwaga o Sasabihon (Kasabihan) binubuo ng 2-4 taludtod na may sukat at tugma. Naglalayon itong ipaalala sa mga kabataan ang magagandang ugali. a. Ang takot sa tipaklong Di aani ng anuman Satahaw nin dagat Kadakul an naghahanap Sa gitna ng dagat Marami ang naghahanap Isa lang ang pinalad. DALAGA

MGA SALAWIKAIN Ang salawikain o kasabihan ay malaking ginagampanan sa buhay ng mga Bicolano noon. Ang mga ito ay nagiging batayan na ginagamit kadalasan lalo na sa pagpapaalala sa mga tao ng maaaring kalabasan ng maling gawa. Ang mga

salawikain ay karaniwang tumatalakay sa moral, kabutihang loob at nagpapahiwatig ng pawang katotohanan tungkol sa buhay. Narito ang ilan sa mga halimbawa:
Ang masinaginsagin maanghit pa sa kanding. Ang nagkukunwari ay maanghit pa sa kambing. Ang natotohanan guro uwak na dai ikatago. Ang katotohanan ay tulad ng uwak na hindi naitatago. Ang ngusong marnotabrutal siring sa ganong makinuto. Ang ngusong maingay ay tulad ng sa manok na pumuputak. Kun minasimbag na dae pinaghahapot tanda na may gibong maraot. To answer without being asked is a sign of guilt. Dai mo ikasopog an dai mo pakapag-adal kundi pagka-dai nin ugale. Do not be ashamed of your illiteracy but of your discourtesy. An maraot saindo dai na guibohan sa ibang tao. Ang masama sa iyo huwag mong gawin sa iba. Marhay pa an magsolo-solo can magiba ica con maraot na tao. Mabuti pang nag-iisa kaysa may masamang kasama. Marhay pa man waraan ca nin respeto nin magna tao. Better to lose money than to lose the respect of others. Ang maraot na pinaghalian maraot man an sabtan. Ang isang bhay na galing sa masama, sa masama rin mauuwi. Ang katotohanan garo uwak na daik ikatago. Truth is like a crow that cannot be hidden.

b. Ang sinuman lalapit sa kalan Ay tiyak na mauulingan 2. Tigsik (toast) binubuo ng pagbigkas ng maikling tulang bilang parangal o papuri sa isang tao o bagay. Ginaganap sa isang tigsikan (drinking party). a. Itinotoast ko ang payapang gabing ito na siyang dahilan ng ating pagdiriwang dahil ang minimithi nating bulaklak ay naririto. b. Itinotoast ko ang lahat ng nilalang ng Diyos maliit man o malaki walang pagkakaiba malaki man o maliit, pare-parehong may silbi. 3. Patodan o Paukod (Bugtong)

a. Isda ko sa Mariveles Nasa loob ang kaliskis b. Pag busog nakatayo Pag gutom nakaupo c. Payong ng ita Di nababasa 4. Awiting-bayan Sarong Banggi

(sili)

(sako)

(dahon ng saging)

Sarong banggi sa higdaan Nakadangog ako hinuni rin sarong gamgam Sa loba ko katorogan Bako kundi simong boses iyo palan Dagos akon bangon si saykuyang matas iminukat Duman sa kadikloman ako nangalagkalag Aso ituon ko si sakuyang mata paitaas Simong lawog nahiling ko maliwanag Poon kaidtong banggi na mahiling taka An sakuyang puso pirmeng nagdudusa Lawag mong magayon an sakong giromdom Di malilingawan sagkod noarin pa man. An dangog siring kan niyog na kon mapisay dai na mabibilog. Reputation is like a coconut which is hard to put back together once it is destroyed. AWITING BAYAN O KANTANG SUANOY Tinatawag na Suanoy ang mga awiting bayan sa Bicol. Ang mga awiting bayan sa Bikol ay mga pagpapahayag ng nararamdaman at paniniwala ng mga tao na nilikha sa paraang paawit. Ang mga awiting bayan din sa Bikol ay nagpapakita ng pagkakaiba lalo na sa paksa, paghahandog, melodiya at paraan ng pagkanta. Ito ay tumatalakay sa unang dalawang aspeto, ang paksa at paghahandog. Ang paksa ay tungkol sa pamagat ng kanta, at ang paghahandog ay ang paraan ng pagpapalawak sa paksa ng mga kanta. Ang lahat ng talaan ng mga taong Ita sa Bundok Iriga ay may mga kanta tungkol sa pagibig na tinatawag na dinusa, ang mga awitin na kinakanta sa pista ay tinatawag na

tolbon at ang awitin sa kalungkutan at sa kapighatian dahil sa pagkamatay ng isang kamag-anak ay tinatawag na diwata. Ngunit mga Agta ay hindi kinakanta sa kasalukuyan, maging ang mga Agta ay hindi na naalala pa ang mga ito. Sa mababang lugar naman ay maraming mga awiting bayan na umusbong tulad ng: awit, kundiman, tagulaylay at hoarasa. Ang mga uri ng awit ay mga kwentong awitin tulad ng mga awiting pandulaan, awit sa mga inuman, awit sa mga paggawa at oyayi, o kantang panyoknok. Ang awiting pangritwal ay tinatawag na sagaue mga awiting para sa namatay na ninuno ay dumago, awitin sa burol ay tinatawag na angoy, tagulaylay o mga awiting panggera ang hoarasa, inaawit matapos ang isang kalamidad tulad ng pagsabog ng mga bulkan, matinding bagyo at lindol. Marami sa mga awit kundiman ang maririnig sa kasalukuyan ngunit ang kumakanta ay pawang mga matatanda. Halimbawa ay ang maikling kwentong awiting ito na nagpapakita ng pagkahilig ng mga tao sa tula sa pinakaordinaryong pagkakataon: Kaya ako habo na magsolosodo Sa pamapang nin salog taigwang engkanto Ta mala pa ngani kaso sonong odto Yaon si labahan dai na si tawo. Kaya ayaw kong magsarili Sa pampang ng ilog na may engkanto Dahil alam mo noong isang tanghali Na naroon ang labahan ngunit walang naglalaba. Patunay ng engkantong nasa itaas ay sinunuportahan ng banog, isang ibon sa gabi sa oyaying nasa ibaba: Katorog, katorog Sakloton nin barog Ipaglayolayog Sa poon manuyog Ipaglakawlahaw Sa poon makakaw Ipagduyanduyan Sa poon kawayan. Matulog, matulog Kukunin ka ng baong At dadalhin ka Sa puno ng niyog O, dadalhin ka Sa puno ng hakaw O, ipagduduyan

Sa puno ng kawayan Ang engkanto ay maaaring maging anumang uri ng hayop, ibon, isda o tao. Naniniwala ang mga taga-Bikol na ang banong ay isang uri ng engkanto, na lumalabas sa oras ng gabi para manguha ng mga bata at ihuhulog mula sa puno ng niyog, kakaw o kawayan hanggang sa mamatay ito. Isa pang kanta na nagpapakita ng paniniwala ng mga ito sa masasamang espiritu; sa ngayon ito ay tinatawag na aswang, na nagpapaiba-iba ng hitsura at porma tulad ng taong lumilipad sa gabi at kumakain ng ibang nilalang. Dumaan sa samuya Islang rapurapu An ang tawo diya Anas milyonaryo Mayo man nin landing May bitbit na tawo Igwang eroplano Na layong kun banggi Sa aming bayan Isla ng Rapu-rapu Ang lahat ng tao Aay milyunaryo Wala namang lalandingan Pero mayroong eroplano Na lumilipad kung gabi May bitbit na tao. Tunay ngang ang paniniwala sa mga espiritu ay may kaugnay sa pamumuhay at paniniwala ng mga taga-Bikol. Halimbawa nito ay ang Panyong Binurdahan, na kung saan ang isang babaeng nagngangalang Lulay ay inutusang paikut-ikutin ang ulo ni Juat at isang mahabang kantang pinamagatang Papel de Canton, ito ay isang sulat na ipinadala ng isang lalaki bilang pagsuyo sa kanyang minamahal. Ang tula at awit ay minana pa ng mga sinaunang tao sa Bicol, maraming mga awitin ang biglaang komposisyon na sadyang ginawa sa ilalim ng liwanag ng buwan. Iyon ang karaniwang pampalipas oras at ginagawa pa rin ito sa mga rural areas hanggang sa kasalukuyan Nagtitipun-tipon ang mg tao sa isang tindahan, nauupo sila sa mga upuang gawa sa katawan ng puno ng niyog at naguusap tungkol sa mga pangyayari sa kanlang lugar at kasabay nito ang kantaan. Ang mga kumakanta nang solo ay lubusang pinapalakpakan, ngunit ang pag-awit ng paglisan ng bawat grupo ay mas masaya. Tuwing may mga kasayahan ay hindi nawawala ang mga paligsahan, at mga sorompongaon o dugsungan (paligsahan sa pag-awit) ay ginanap.

Ang kapitan ng baryo ay siyang namumuno sa mga paligsahan. Magbibigay siya ng isang sitwasyon at ang mga kalahok ay gagawan ito ng awitin. Ang pinakamahusay na mang-aawit na mas mapalungkot ang malungkot na istorya mas mapasaya ang masayang sitwasyon, mas mapatawa ang nakakatawang sitwasyon o kayay mas malaswa ang malaswang insedente. Sa ganitong paraan, ang mga paligsahan ng pagawit ay isinilang tulad ng: Isang katawa-tawang sitwasyon na ginawang mas katawa-tawa: UNANG MANG-AAWIT Tilibong, tilibong, tilibong Nadasmay si Ramon Nahulog sa babon, Nagkaborolokan. Gumulong, gulong, gulong Nahuli si Ramon Nahulog sa sapa Nagkabuhol-buhol. IKALAWANG MANG-AAWIT Tilibong, tilibong, tilibong May gandang sa ibon Dai kinalabong Ta muklit sa ibong Gumulong, gulong, gulong May patay sa banda roon Hindi mailibing Dahil muklat isang mata Sinuman ang makapagpapasagot sa isang dalaga: UNANG MANG-AAWIT Iniho si Neneng Marhay na babae Maphay na sumayaw Nin sinalampati Isadsad an bitis An kamot ilyari Arin bagang puso An dai mawili. Itong si Neneng Magandang babae

Magandang sumaya Ng sinalampat Dumulas ang paa Ikinukumpas ang kamay Kaninong puso Ang di maaakit. IKALAWANG MANG-AAWIT Susay daw dai mabihag Ay Neneng, nan saimong piad Maski gadanang dumulag, lalay, Masuhat ta manonoag. Sino ang di mabihag Ay Neneng, sa iyong balakang Maski patay na kalabaw Tatayo para iakay ipaglaban. May mga awiting bayan din sa Bicol na pumapatungkol sa relihiyon. Basahin at unawain ang nakakagulat na huling linyang nakapaloob sa awiting ito. Arin an makulog? An matatagalan Arin an may sakit An di nagaagrangay Kon si Oloperes Bantog kaisugan Por dahil ki Jodit Buay dinanay. Isang araw, kasalukuyang bumabaha, nagtungo si Bantog kasama ang kanyang mga tauhan sa yungib at sinalakay si Rabot samantalang itoy natutulog. Tinaga ni Bantong ang tulog na dambuhala. Si Rabot ay namilipit sa sakit at umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong bayan. Dinala ni Bantong ang bangkay ni Rabot sa Libmanan. Ipinakita niya kay Handyong na indi makapaniwala sa kapangitan ni Rabot. Dito nagwakas ang salin ni Fr. Jose Castano. Nangako si Kadugnung na ipagpapatuloy niya ang kwento sa ibang araw. Subalit maaaring hindi na narinig ng pari ang iba pang bahagi ng epiko kayay kung narinig man ay hindi na naisalin kung kayat nananatilling walang karugtong ang epiko. MGA MANUNULAT NG REHIYON V Aguilar Celedonio V Camalig, Albay; Marso 6, 1923

Isang manunulat ng tula sa Weekly Womens Magazine noong 1950 Shaken Shadows noong 1966 at This Season and Night

Alejandra, Clemente Bulocon canaman, Camarines Sur; Nob. 23, 1985 - Isa siyang poet at playwright - Isa rin siyang manunulat ng Samahang Bikol - Darorroaggoyog (Just Hum to Yourself) 1927 - Madaling Isip (In Short) - siya rin ang sumulat ng dulang Prinsipe Lizardo at Prinsipe Fernando - panalo noong 1926 sa pagsasalit ng Mi Ultimo Adios ni Rizal Arrieta, Nicolas Serrano Camagong, Oas, Albay; Disyembre 6, 1862 - dalawa sa kanyang nobela ay ang An Dahas ni Pagcamoot o Duang Puso (The Power of Love in Two Hearts) at ang An Agos na Magtood (Go W ith the Flow) - sumulat din siya ng mga dula tulad ng Zarzuela Bicolana (Bicol Sarswela), An Marhan na Sorsogon (The Good Sorsogon), Pantinople y Adriana (Pantinople and Adriana), at Orontis (Orientas) Bobis, Merlinda Carullo Tabacco, Albay; Nobyembre 25, 1959 - Kantada ng Babaeng Mandirigma (daragang Magayon) isang epiko (Cantata of the Warrior Woman) 1993 Fuentabella, Manuel Tria Sangay, Camarines Sur; Oktubre 11, 1889 - manunulat sa Bicol at Spanish - Maski Nanok ang Pagtorog Ko (Though Fast Asleep) - Mayda Baya Ranga (Come, Oh Comfort), An Pana (The Arrow) - O Obispong Namomotan (O Beloved Bishop), An Santong Kundiman (Our Song), - Luhang Mapait (Bitter Tears) Perfecto, Mariano Ligao, Albay; 1850; Naga, Camarines Sur - An Parabareta (Newspaper) - Almanaque Bikolnon (Bicol Alamanac) - An Pagguiao can mga Pastores can Pagcamondag ni Jesu Duman sa Protal sa Belen (The awakening of the Shepherds during the Birth of Jesus in the Manger) Salazar, Antonio Bufete Malinao, Albay; - ang kanyang mga isinulat na tula ay An Pagtubod (By Belief) - Tota Pulchra (Absolutely Beautiful), Sa Bicolandia (In Bicolandia) - Tonog na Gikan sa Langit (Voice from Heaven) - Nagsalin din siya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo at ilang tula ni Jose Rizal sa Bicolano Manalang-Gloria, Angela

Nagsimula siyang magsulat ng mga pansanay na sulatin sa silid-aralan. Sa gulang na labinganim, nakapaglathala na siya ng kanyang mga tula sa Womens Outlook. Naimpluwensiyahan siya ng kanyang guro sa Ingles, C.V. Wickers, na siyang pumatnubay sa kanya sa pagiging makataya. nakilala ang pangalan niya sa pagiging makata sa kolehiyo nang magwagi siya sa Literary Contest at nalathala ang kanyang tula sa Sunday Tribune, Philippine Collegian, Literary Apprentice at herald Mid-Week Magazine. PHILIPPINE POETRY YELLOW MOON Angela Manalang Gloria Stand at my window and Listen Only the plaintive murmur of a swarm of decades Stand on the wet ground and ponder And turn to the east and behold you Great yellow moon Why do you frighten me so You captive of the glade? I have seen you before, Have you flinted with you so many night When my heart, ever throbbing ever listless, Had pinned for the moonlight to calm it. But you are a dainty whiteness That kissed my brow then A gentle, pale flutter That touched my aching breast. You are a lonely yellow moon now, You are ghostly, spectral tonight Alone Behind your prison bars of coconut trees, That is why I do not dare you into may hand And press you against my check To feel how cold you are. I am afraid of you, yellow moon. TO A LOST ONE Angela Manalang Gloria I shall haunt you, O lost one, the twilight

Haunts a reed-entangled trail, And your dreams will linger strangely with the music Of a phantom lovers tale. You shall not forget, for I am past forgetting I shall come to you again. With the starlight, and the scent of wild champacas, Window, tragic-eyed and still. And unbidden, startle you into remembrance With its hand upon the still. Lee, Ricky (Ricardo Arriola Lee) Isa siyang scriptwriter ng mga pelikula, mananaysay at kwentista. Nagturo siya ng script writing sa UP matapos niyang makamit ang digring Basilyer ng Artes sa Ingles sa nasabing pamantasan. Ang unang isinulat niyang pampelikula ay Sa Kuko ng Agila na pinangungunahan nina Pres. Estrada at Senador Coseteng na noon ay kapwa na senador. Isa siya sa mga pinagpipitaganan at kinikilalang scriptwriter ng bansa. Ang ilan sa kanyang mga naisulat na script ay ang mga: Brutal Miss X Playgirl Relasyon Cain at Abel Haplos RPX Karnal Baby China Sinner or Saint White Slavery Dyesebel BRUTAL Ricardo Lee CLASSROOM/INTERIOR/HAPON Panay ang bulungan nina Monica at Cynthia sa hulihan pero nagkukunwaring nagtitake notes. Inaantok ang lahat habang binabasa ng teacher si Lady Macbeth. Malapot ang punto niyang Bisaya. 1980 1980 1981 1982 1982 1982 1982 1983 1984 1984 1985 1990

Panay ang sulyap ni Tato kay Monica. May 18 na si Tato pero sinong ina ang maaaring magalit dito? Guwapo ito at charming kumilos. Katabi nito sina Jerry at Ogie, kasing edad at kasing ugali nito. Barkada sila. Lahat ay para sa tatlo. Anumang bagay basta good time papasukan nila. Kanila ang tatlong bangkay na natagpuan sa apartment nina Monica sa simula ng pelikula. Cynthia: (pabulong). Talo pa nitong si Balgos and Tranquilizer. Bumagsak tayo lahat. Monica: Shhhh Cynthia: Anong Shhh? (titingnan si Monica saka bubulong). Alam mong problema sayo? Masyado kang maraming inhibitions. Lagi kang takot (susulyap sa teacher). Sabihin mo nga, putang ina, sir. Monica: Ayoko nga! Cynthia: Kita mo na! Parang putang ina lang! Kalat na kalat sa campus yan e. Ulit-ulitin mo lang di na nakakatakot yan! Monica: (mapapsulyap kay Tato; kikindat ito sa kanya). Basta ayoko (mapapayuko) Cynthia: Sige na. Putang ina. Monica: (babalik s pagkukunwaring nagtitake-notes). Ayoko. Cynthia: (smiling) Wala ka talagang pag-asa. Gaya niyang pangalan mo. Ni wala kang palayaw. Monica. Hind man lang Moonick. O kayay Ikang. O kaya Mona. O baka gusto mo Moninay! Kukurutin ni Monica si Cynthia sa hita. Susulyap ulit kay Tato. Ituturo ni Tato ang puso niya, aarteng mamamatay. Mapapangiti nang lihim si Monica. Cynthia: (lalakas ang boses) Alam ko na! Mickey! (hihinaan ang boses dahil napatingin ang teacher). Mickey Mouse! Bagay sayo dahil para kang dagang laging takot! (nagpipigil matawa). Mickey. Monica: (susulyap ulit kay Tato; may idinodrowing ito) Ayoko nga! Cynthia: Puwede ba yung ayoko! Mickey ha ha! (titingnan ang reaksiyon ni Monica) Tumawa ka naman! Monica: Nakatingin satin si Sir. Dadako sandali ang kamera sa idinudrowing ni Tato. Isa itong babaing hubo. Nilalagyan nia ng buhok ang genitals nito. Babalik ang kamera kina Monica. Cynthia: Napapansin ko, lagi kang malungkot. Di pa kita nakitang tumawa. Subukin mo ngang tumawa. Maski walang sound. Monica: Wala namang dapat pagtawanan e. Cynthia: Titingnan ko lang kung bagay sayo! Dadako uli ang kamera sa drowing ni Tato. May nakasulat nang pangalan sa ibaba ng hubong babae. Babalik ang kamera kina Monica. Cynthia: Sige na. Tumawa ka na. Di ako titingin! Monica: Ayoko sabe eh! Cynthia: Hindi kita titigilan! Monica: (mangingiti na). Para tayong mga luka-luka dito! Cynthia: (matatawa rin). Ayan, lumalabas na! Huwag mong pipigilan! Kakabagan ka!

Tuluyang matatawa si Monica. Tatakpan ng palad ang bibig pero lalakas nang lalakas ang tawa niya. Makikisabay na rin si Cynthia. Sa loob ng ilang saglit ay makikita sa mukha nila ang inosenteng tawa. Malayang tuwa. Teacher: (mapapatingin sa kanila.) Whats going on there? Nagpipigil pa ring yuyuko sa mga notes nila ang dalawa. Gang, 1981, 41-44 Polotan-Tuvera, Kerma aka Catalina Pascual Sumikat siya ng taong 1950 at 1960 bilang isang kinikilalang manunulat na Pilipino sa Ingles. Nakasulat siya ng maraming sanaysay, maikling kwento at mga artikulo sa lahat halos ng pambansang pahayagan. Ilan sa mga napatanyag niyang isinulat ay ang nobelang The Hand of the Enemy (1962); Stories, A Collection, 1968; Imelda Romualdez Marcos; A biography, 1970. Ang mga kuwentong ipinagwagi ng Gantimpalang Palanca: The Virgin unang gantimpala 1952 The Trap unang gantimpala 1956 The Giants pangalawang gantimpala 1959 The Tourist unang gantimpala 1960 The Sounds of Sunday unang gantimpala 1961 A Various Season pangalawang gantimpala 1966 A. Talakayan: 1. Pag-usapan ang mga mahahalagang bagay na may kinalaman sa bawat lalawigang binanggit sa rehiyong ito. 2. Magtalakayan tungkol sa ibat ibang karunungang baya ng Rehiyon V na nasasaad sa kabanatang ito. 3. Talakayin ang bawat akdang nakalahad sa kabanatang ito at sikaping masuri ang mga kahalagahang panlipunan, pangmoral at pangkaisipang ipinahihiwatig ng bawat isang akda. B. Mga Mungkahing Gawain: 1. Awitin ang mga awiting bayan ng Bicolano. 2. Makipanayam sa mga Bicolano tungkol sa mga kaugalian, tradisyon at kultura ng kanilang rehiyon. 3. Mula sa talaan ng mga manunulat ng Rehiyong Bicol, pumili ng dalawa at saliksikin ang alinman sa kanilang mga akda. Humanda sa pag-uulat nito sa klase.

Vous aimerez peut-être aussi