Vous êtes sur la page 1sur 3

Ang Pagbibinyag ng mga Muslim

(Sanaysay/Muslim)
Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo

Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang
kasalanan kaya di kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man,
mayroon silang ilang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na
pagislam. Pinaniniwalaang ito ay ang pagbibiyag ng mga Muslim.
Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na
napapaloob sa pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng
isang sanggol.
Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita ang
babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Itoy ginagawa upang ditoy
ikintal na siyay ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang
pangalan ni Allah.
Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad.
Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng
kanduli, isang salu-salo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Ditoy
inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at pandita.
Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan.
Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na itoy tinatawag
na aqiqa, na ang ibig sabihiy paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.
Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng
isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol.
Inilalagay sa isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang
Maguindanao, pag lumutang ang buhok magiging maginhawa at matagumpay ang
tatahaking buhay ng bata ngunit kapag itoy lumubog, siyay magdaranas ng
paghihikakos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam
ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang
Maguindanawon. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremonya ay ang
paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang
nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin.
Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw.
Inihahanda ito ng isang matandang babaeng tinatawag nilang walian, isang
katutubong hilot na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa
kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa
seremonya ang buaya.
Ang ikatlo at huling seremonya ayang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa
pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa
seremonyang ito ang pagtutuli. Tinatawag na pagislam para sa mga batang lalaki at
sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang
pag-aari. Ang pagislam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang
matandang babae na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay
karaniwang ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na
araw ng mga Muslim.

Romantisismo
Naniniwala ang mga romantisist na ang tao ay may kapasidad na bumuo ng sarili
nilang daigdig. Sa panahon ng mga suliranin makakalikha ang tao ng mga gawaing
maaring makaaliw sa kanya upang sandaling lumipas ang dinadala na naghahari sa
kabuuan ng akda. Ang mga ito ay maaring madama sa tulong ng mga salitang
ginagamit sa akda. Sa pamamagitan nito, makikilala ng nangingibabaw na
damdaming napulutan sa kabuuan ng akda. Ito'y namayagpag sa panahon ng
Amerikano (mula 1990 - 1940).
Humanismo
Binibigyang pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang
akdang pampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagandang damdaming
taglay ng isang tao.Itinataas din ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda.
Ipinakikita ang magagandang saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na
pahayag sa akda. Maari ring idagdag ang magagandang damdaming taglay ng
tauhan. Ito'y namayagpag sa makabagong panahon.
Eksistensyalismo
Binibigyan-diin ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos
at gawi ng tauhan. Gumagawa siya ng pagpapasya na kailangan niyang harapin
anuman ang magiging kahinatnan nito. Mahalagang makita ang kalakasan ng
paninindigan ng tauhan. Malaya siya sa kanyang pagbuo ng desisyon at kung paano
niya ito harapin. Ito'y namayagpag sa panahon ng Kastila at hanggang sa
kasalukuyan.
Naturalismo
Ang pagsusuri ng akda batay sa damdamin ng namayani sa tauhan, nagbigay-puri
at naglalahad ng kagalingan ng tauhan ay teoryang naturalismo.
Pormalismo
Pinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ay ang mga istruktura o pagkabuo nito. Isa
sa mga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag.
Kabilang din dito ang sukat sa tula na nagpapakita ng bilang ng pantig sa bawat
taludtod. Maaring itong lalabindalawahin, lalabing-anim at iba pa. Ang tugmaan
naman ay ang pagkakahawig ng mga tunog ng mga huling salita sa bawat taludtod.
Kariktan naman kapag gumagamit ng maririkit na salita upang mapukaw ang
damdamin at kawilihan ng mambabasa dahil may adhikaing gawing obhektibo ang
pagsusuri , wala rin lugar ang opinyon at interpretasyon ng mambabasa. Ito'y
namayani sa panahon ng amerikano at kasalukuyan.
FORMALISMO
Ang formalismo ay tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa forma
ng isang texto at hindi sa nilalaman nito. Binibigyan nito ng markadong atensyon ang
kaayusan, istilo o paraang artistiko ng texto. Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga
elementong labas sa texto mismo, tulad ng histori, pulitika, at talambuhay.
Imahismo
Nakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa
ikagaganda ng akda. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay
nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas
ito sa pandama ng mga mamababsa. Ito'y naghari sa panahon ng amerikano.
Peminismo
Sa teoryang ito, maaring tignan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain
ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga
imahen ng mga babae sa akda. Ito'y maaring komokompows ng mga panlipunan,
kultural, pulitikang pamamalakad, teorya, at moral na pilosopiya na isyu na may
kinalaman sa di pantay o pantay na kalagayan ng kasarian.

1. Ano ang nais ipabatid ng pahayag na? naniniwala ang mga Muslim na ang isang
sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan. Na ang mga sanggol ay:
a. katulad ng mga anghel
b. di na kailangang binyagan
c. sumailalim sa babasa ng adzan
d. magkaroon pa ng seremonya
2. Sa pagbabasa ng Kang sa kanang tainga ng sanggol na Muslim kailangang:
a. sabihin Muslim ka
b. iparinig, binyagan ka na
c. unang marinig ang pangalan ni Allah
d. ibulong ang salitang pandita
3. Ang paghahanda ng Pagislam ng naaayon sa antas ng kabuhayan. Ang ibig
sabihin:
a. ang maykaya lang ang dapat maghanda nang maringal
b. maghanda ang may ihahanda
c. mayaman lamang ang may karapatang maghanda
d. maghanda ang ibig maghandog ng pasasalamat sa abot ng makakaya
4. Sa simula pa lamang ay nababakas na ang istilo sa pagsulat ng may-akda
hanggang sa
pagsunud-sunurin ang tatlong hanay ng kanilang seremonya. Malinaw na
kinababakasan ito ng:
a. simula
b. impresyon
c. anyo at forms
d. wakas
5. May ilang taon ang batang Muslim bago isagawa ang ikatlong seremonya.
Ginagawa
ito kung ang bata ay nasa
a. tatlo at apat na taon
b. ikapitong taon
c. pagsapit ng sampung taon
d. pagitan ng pito hanggang sampung taon
6. Tampok na gawain sa huling seremonya ang:
a. pagbasa ng adzan
b. pagbibigay pangalan
c. paghahandog kay Allah
d. seremonya ng pagtutuli
7. Sa idinaraos na seremonya, inilalagay ang pinutol na buhok sa isang mangkok na
tubig. Itoy isang:
a. paniniwala
b. tradisyon
c. kasabihan
d. kausuhan
8. Naghahanda ang mga Muslim ng kakaning korteng buaya, ito raw ay para sa
kaligtasan ng bata sa paglalakbay sa tubig. Sa katoliko ang ibay naniniwala pa sa
pakikipag-uanahan sa paglabas ng simbahan. Ang bata na mauna sa paglabas ay
magiging matalino sa pag-aaral at di patatalo sa labanan. Ito ay isang:
a. katotohanan
b. palagay
c. kasabihan
d. haka-haka
9-10. Ang aral na inihahatid sa atin ng akda ay:
a. Pagkakaroon ng tiwala sa kapwa
b. Pagkakaroon ng pananampalataya
c. Matutong magmahal at magpasalamat
d. Pagkilala sa may mataas na antas ng buhay

___________ 11. Pagislam A. Isang salu-salo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak
___________12. Pandita B. Ang pangalawang seremonya sa pagbibinyag ng mga Muslim
___________13. Walian C. Seremonya sa pagbibinyag ng mga Muslim
___________14. Maulidin Nabi D. Nagbibigay ng pangalan sa bibinyagan
___________15. Penggunting E. Isang panalangin na binibigkas sa unang seremonya sa
pagbibinyag
___________16. Sunnah F. Isang katutubong hilot
___________ 17. Adzan G. Seremonya sa pagbibinyag sa batang babae
___________18. Aqiqa H. Gawa ito sa kanin, itlog at niyog
___________19. Kanduli I. Isang mahalagang banal na araw sa mga Muslim
___________20. Buaya J. Hayop na pinapatay bilang alay

Isang paglalahad ng mga proseso ng isang seremonya na ginagawa ng mga kapatid
nating mga Muslim. Iniisa-isa dito ang mga hakbang ng pagpapatibay ng
pananampalataya at pagpapanatili ng isang tradisyon na hanggang sa ating
panahon ay patuloy nilang isinasagawa, ipinakikita ang isang sistematikong
paglalakbay ng isang nilalang mula sa kanyang pagkakasilang hanggang sa
pagpapalakas ng kanyang pagkatao at pagkakakilanlan.
Malawak ang mga daloy ng impormasyong ibinahagi sa akda, subalit mayroong ilang
mga salita o kataga na hindi nabigyang linaw ang pagpapaliwag, gaya ng Sunnah,
Pandita, Adzan.
Isang pagpapatunay din marahil na ako ay wala pang sapat na kaalaman tungkol sa
ibang salita na ginagamit ng ating mga kapatid na Muslim.
Isang mungkahi ang nais kong mabigyang pansin na sana ang mga di pamilyar na
salita sa akda ay may mga karagdagang paliwanag upang lubos na maunawaan.
Ayon sa aking pagtatanong ang Sunnah ay pagbubutas ng tenga ng isang babaeng
Muslim,subalit ito ay depende sa kung saang tribe sila kabilang, ito ay isang paglilinis.
At ang pag-islam ay pagtutuli para sa mga lalake.

1. Kilala bilang Diyos ng mga Muslim.(Penggunting/ Adzan/ Ama/ Allah
2. Ang tawag sa seremonya sa pagbibinyag ng isang Muslim.(Sunnah/Pagislam/
Aqiqa/ Walian
3. Kilalang hayop na ang ibig sabihin ay paghahandog ng pagmamahal at
pasasalamat.(buwaya/pegubad/ aqiqa/ adzan
4. Ito ang tawag sa katutubong hilot:( aqiqa/Pagislam/ Walian/Sunnah)
5. Isang uri ng kakaning korteng hayop na gawa sa kanin:( Sunnah/Pagislam/
Buwaya/Aqiqa)
6. Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa forma ng isang texto at
hindi sa nilalaman nito. Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan, istilo o
paraang artistiko ng texto.( Formalismo/Klasisismo)
7. Ano ang nais ipabatid ng pahayag na? naniniwala ang mga Muslim na ang isang
sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan. Na ang mga sanggol ay:( katulad ng
mga anghel/di na kailangang binyagan)
8. Sa pagbabasa ng Kang sa kanang tainga ng sanggol na Muslim kailangang:(
unang marinig ang pangalan ni Allah/ ibulong ang salitang pandita)
8. Ang paghahanda ng Pagislam ng naaayon sa antas ng kabuhayan. Ang ibig
sabihin:( maghanda ang may ihahanda/maghanda ang ibig maghandog ng
pasasalamat sa abot ng makakaya)
9. Sa simula pa lamang ay nababakas na ang istilo sa pagsulat ng may-akda
hanggang sa pagsunud-sunurin ang tatlong hanay ng kanilang seremonya. Malinaw
na kinababakasan ito ng: (simula/ impresyon/anyo at forms/ wakas)
10. May ilang taon ang batang Muslim bago isagawa ang ikatlong seremonya.
Ginagawa ito kung ang bata ay nasa( tatlo at apat na taon/ pagitan ng pito
hanggang sampung taon)
11. Tampok na gawain sa huling seremonya ang: (paghahandog kay Allah/ seremonya
ng pagtutuli)
12. Sa idinaraos na seremonya, inilalagay ang pinutol na buhok sa isang mangkok na
tubig. Itoy isang: ( paniniwala/ tradisyon)
13. Naghahanda ang mga Muslim ng kakaning korteng buaya, ito raw ay para sa
kaligtasan ng bata sa paglalakbay sa tubig. Sa katoliko ang ibay naniniwala pa sa
pakikipag-uanahan sa paglabas ng simbahan. Ang bata na mauna sa paglabas ay
magiging matalino sa pag-aaral at di patatalo sa labanan. Ito ay isang:
(katotohanan/palagay/kasabihan/haka-haka).
14. Ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim (Sunnah /Pagislam/Maulidin
Nabi /Allah)
15.Ginawang pinakamata ng buwaya (Bungang-kahoy/Laman ng Niyog/Nilagang
Itlog/Manok na niluto)
16.Ginawang ngipin ng buaya(Bungang-kahoy/Laman ng Niyog/Nilagang
Itlog/Manok na niluto)
17.Ang huling seremonya ng pagbibinyag ay ng mga muslim ay tinatawag
na(Penggunting/Pagislam)
18.Ang hayo na kinatay bilang paghahandog ng pasasalamat ay___(kanduli/agiga)
19.Ang sanaysay ay ginagamitan ng mga
salitang_(payak/matalinghaga/balbal/pampanitikan).
20.Ang paraan na ginamit ng may-akda ay (Kombensyunal/di-kombensyunal/balik-
tanaw/kakaiba)
21.Ang pangunahing layunin ng may-akda ang (makapagmamalaki ang mga muslim
sa kanilang tradisyon/mabigyang kaalaman ang lahat ng lahi ukol sa tradisyong ito
ng mga Muslim sa mga mmmMaguindanao.)
22.Anong salitang muslim ang tumutukoy sa handaan dahil sa pagkakaroon ng
anak? ( Pagislam/Kanduli).
23. Ang seremonya ng mga muslim na kagaya ng binyag ng mga kristiyano
ay____(Penggunting/Pagislam).
24.Ang akda ay tumutukay sa (seremonya sa panganganak/tradisyon at seremonya
sa pagbibinyag)
25. Ang istilong ginamit ng awtor na nakatutulong para medaling maunawaan ang
akda ay ( simpleng mga salita at maiksing talata/pagsama ng mga salitang muslim).
26. Ang akda ay sinimulan sa ( anekdota/pagtatanong/pagpapahayag)
27.Ang walian sa pagislam ay isang ( doctor//manggagamot/katutubong hilot)
28. Kailan nagaganap ang Maulidin Nabi sa pagislam? ( unang seremonya/ikalawang
seremonya/ikatlong seremonya).
Ayusin ang wastong pagkasunud-sunod






______29. Alin ang dapat mauna sa pahayag sa itaas.
______30. Anong pahayag ang pangatlo
______31. Alin sa sitwasyon ang panghuli
_______32. Ano ang pangalawang pahayag
33.Para sa mga muslim ang pinakatampok na seremonya sa buhay ng isang bata
ay:( Penggunting/Pagislam)
34. Sa Pagislam ano ang pinahahalagahan ng mga muslim? (tradisyon/seremonya)
35. Ano ang nais ipaabot ng Pagislam sa mambabasa? ( unawain ang mga
muslim/Igalang ang kanilang tradisyon)
36. Ano ang nais ipinabatid ng may akda sa bumabasa ng akdang Pagislam.(may
binyag din ang mga muslim/Tatlo ang seremonya ng binyag)
37.Paano ginagawa ang unang seremonya ng pagbibinyag?(ginagawa ito ilang oras
pagkapanganak/ginagawa ito 7 araw).
38.Ano ang tampok na gawain sa ikatlo at huling seremonyo ng
pagislam?(patutuli/pasasalamat).
39.Alin sa palagay mo ang mashigit na pinaniniwalan ng mga
kristiyano?(Pagsisimba/Ang pag-alay ng buhay sa diyus-diyosan).
40. Ano kaya ang mangyayari sakaling hindi naihandog sa Diyos ang bata?(lalaki
itong makasalanan/hindi papatnubayan ng Diyos ang bata sa kanyang paglaki)
41. Sino ang nagsalin ng akda? (Elvira B. Estravo/ Santiago Pepito)
a. Seremonyang ang tawag ang penggunting
b. Isinasagawa ang pagtutuli sa araw ng Maulidin Nabi
c. Pagpaparinig ng Pandita ng salitang Allah sa sanggol.
d. Pagpuputol ng buhok ng bata at ipalutang ito sa tubig

Vous aimerez peut-être aussi