Vous êtes sur la page 1sur 3

Aralin 5 Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

India: Kabihasnang Nakabatay sa Hinduismo


1. Aryan
a. Unang sumakop sa India
b. Nanirahan sa Ilog Lambak ng Indus kasama ang mga sinaunang nomads
c. Matatangkad at may mapusyaw na balat
d. Nakikipagkalakalan sakay ang mga kabayo
e. Mayroong sariling wika ngunit walang sariling sistema ng pagsulat
f. Nag-aalay ng mga sakripisyo sa kanilang kinikilalang diyos
i. Indra diyos ng kidlat
ii. Agni diyos ng apoy
2. Dravidians
a. Mga taong inabutan ng mga Aryans sa India
b. Sanskrit na salita: maitim
c. Naninirahan sa mga lungsod na nasasanggalang ng mga pader
d. Nananalig sa diyos na nagbibigay liwanag sa mga prinsipyo sa buhay (Shiva, atbp.)
3. Hinduismo
a. Pilosopiyang bunga ng pinagsanib na paniniwala ng mga Aryan at Dravidians
b. Pinagsimulan ng sistemang caste
Ang Sistemang Caste
1. Sistemang Caste
a. Caste = Varna (Rig Veda)
b. Napapangkat ang mga tao sa hindi magkakapantay na katayuan
c. Namamana ang katayuan mula sa nakagisnang pamilya at panghabang buhay
d. Pinaniniwalaan na pinairal ng mga Aryans upang mapanatili ang kanilang mataas na kalagayan
ng kanilang pangkat kaysa sa mga Dravidians
e. Higit na naging mahigpit ng magsimulang mag-aklas ang mga kinikilalang hari ng mga Nomads
sa mga haring Aryan
f. Natatalaga kung ano ang magiging hanapbuhay ng mga tao, kung sino ang kanilang
mapapangasawa, at sino ang maaaring makasama sa pagkain
2. Mga pangkat sa Sistemang Caste
a. Brahmin iskolar at pari
b. Kshatriya mandirigma
c. Vaishya magsasaka at mga mangangalakal
d. Sudra utusan o katulong ng mga manggagawa sa magsasaka
*Mahalaga ang tradisyon ng mga Hindu sa pagkain at kalinisan sa pangangatawan para sa
kanilang espiritwal na kalinisan
***untouchables mga taong hindi kasama sa caste system dahil sila ay binansagan na impure o
marumi; halimbawa: pulubi, basurero, at iba pang taong nabibilang sa pinakamababang uri ng
hanapbuhay
Karma at Reincarnation
1. Nagtatalaga kung ano ang kanilang kakainin, paraan ng paglilinis sa sarili, mga taong kanilang
pakikitunguhan, paraan ng pananamit, at kung anong uri ng buhay ang kanilang tatahakin
2. Reincarnation
a. Samsara o Gulong ng buhay siklo ng pagkapanganak, buhay at kamatayan ng isang tao
b. Tulad ng mga Buddhist, naniniwala ang mga Hindu sa muling pagkabuhay ng isa pang
buhay na ipinanganak sa pagtatapos ng isang pag-ikot ng siklo
3. Karma
a. Sanskrit na salita: kilos o asal
b. Maaaring sadya o bungang-asal matapos ang isang aksiyon
c. Kahawig ang konsepto ng karma sa Buddhist
d. Inihahayag ang kaugnayan ng kilos o asal at ang maaaring bunga nito; Ang mabuting asal
ay nagbubunga ng mabuting kalagayan habang ang d-mabuting asal ay nauuwi sa di-
mabuting kalagayan ng isang indibidwal maging ng isang pangkat
e. Ipinangangaral sa mga Hindu at Buddhist ang pagpapakita ng kabutihan sa anumang
adhikain ng isang nilalang
Ang Imperyong Mauryan
*600 BCE - Ang India ay binubuo ng maliliit at magkakahiwalay na kaharian
*326 BCE Sinakop ni Alexander the Great ang India
*323 BCE
a. Namatay si Alexander the Great
b. Minana ni Seleceus I (heneral ni Alexander the Great) ang silangang bahagi ng imperyo ni
Alexander
c. Napag-isa ang India sa ilalim ng Imperyong Maurya matapos itong agawin ni Chadragupta
Maurya kay Seleceus I

1. Chandragupta Maurya
a. Bumuo ng 30,000 hukbo ng kawal upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan
b. Kautilya
i. paring caste na gumabay at nagpayo kay Chandragupta Maurya
ii. nagsulat ng Arthasastra naglalaman ng mga kaalaman sa pamamalakad at pag-iisa sa
isang imperyo
c. Sa tulong ni Kautilya, nakapagtatag ng isang pamahalaang burukrasya (pinamumunuan ng hari
sa tulong ng ilang opisyal)
i. Opisyal tinalagang prinsipe ng apat na lalawigan
ii. Bawat lalawigan ay nahahati sa mga lokal na distrito
iii. Bawat distrito ay may kanya-kanyang opisyal na siyang nagpapatupad ng batas at
nangongolekta ng buwis
d. Naghari ng 32 na taon hanggang sa pinalitan siya nga kanyang apo na si Asoka
Ang Pamumuno ni Asoka at ang Dhamma
1. Asoka
2.
Ang Imperyong Gupta
Tsina: Kabihasnang Nakabatay sa Sinocentrismo at Propriyedad
Sinocentrism
Panahon ng Nag-aalitang Estado
Amg Imperyo ng Dinastiyang Chin
Ang Pilosopiya ng mga Legalista
Ang Pamahalaang Awtokratiko ng Shih Huang Ti
Ang Imperyong Han
Ang Sentralisadong Pamahalaan ni Liu Pang
Ang Mga Martial Emperor
Japan: Kabihasnang Nakabatay sa Divine Origin
Ang Simula ng Japan
Ang Imperyong Yamato
Ang Kaisipang Devaraja

Vous aimerez peut-être aussi