Vous êtes sur la page 1sur 1

#11

Ang Magagawa Ko Upang Maging Magandang Halimbawa sa Aming


Baranggay
( ni Narmie P. Maulingan-Asuncion ALS CLC)
Ang baranggay ay ang maliliit na yunit ng pamayanan. Ito ay
pinamumunuan ng kapitan. Lahat tayo nagnanais na maging halimbawa sa
lahat. Ano kaya ang magagawa ko upang maging magandang halimbawa ng
aming baranggay? Ano ba ang maidudulot nito sa lahat ng tao?
Bata palang ako nagnanais na maging halimbawa lalo na sa aming
baranggay. Nagsisikap akong gawin ang mga mabuting bagay. Para sa akin
marami akong magagawa upang maging magandang halimbawa ng aming
baranggay. Tutulong ako sa aking kapwa sa abot ng aking makakaya. Hindi
ako gagawa ng mga bagay na makakasakit sa aking kapwa. Tutulong akong
pangalagaan ang kalinisan ng aming baranggay. Iiwasan kong mag tapon ng
basura kung saan dahil masama ang maidudulot nito sa mga tao. Tutulong
akong pangalagaan ang mga punong kahoy sa kabundukan upang maiwasan
ang mga kalamidad. Makikisali ako sa mga organisasyon lalo na ang laban
sa droga. Tutulong akong ipaliwanag sa lahat ng tao ang kahalagahan ng
malinis at payapang baranggay. Maraming maidudulot na kabutihan ang
lahat ng ito. Magkakaroon ng kapayapaan ang aming baranggay. Magiging
maunlad ito na maging dahilan upang tularan ng kapwa ko baranggay. Lahat
ng ito patuloy kong hinahangad na sana magawa ko ng tama. Gusto kong
tumulong sa aming baranggay upang magkaroon ng kapayapaan at
kaunlaran.
Ang pagiging magandang halimbawa ay isang malaking misyon sa
buhay. Magdasal tayo sa Diyos. Humingi tayo ng lakas upang magawa natin
ng tama ang dapat gawin. Alam natin na Diyos lamang ang pag-asa sa lahat
ng ginagawa natin.

Vous aimerez peut-être aussi