Vous êtes sur la page 1sur 28

MARSO 2014

Paculan, Ronalou P.
Castro
BSME-1A

Prof. F. P.

I.

PANIMULA
Mapapansin na nag-iba na nga talaga ang larawan ng kabataan noon sa larawan

ng kabataan ngayon. Sa pagdaan ng panahon at sa patuloy na pag-unlad ng


teknolohiya, ang mga hilig ng kabataan ay nag-iiba na rin. Lalo na nang umusbong ang
panahon ng kompyuter. Alam nating lahat na ang kompyuter kasama ang internet nito
na nagsisilbing tsanel sa pakikipagkomunikasyon sa ibat ibang tao saan man sa mundo
ay nagkaroon ng malaking impluwensya sa ating buhay, lalo na sa mga kabataan. Nang
dahil rito ay nabuksan ang isipan ng mga kabataan sa mga maaari pang paggagamitan
nito. Isa nga sa nakapukaw ng atensyon ng kabataan ay ang social networking site na
Facebook.

Ang Facebook ay isang social networking service. Ang website na ito ay itinatag
noong Pebrero, 2004 at pribadong pagmamay-ari ng Facebook, Inc. Ang nagtatag nito
ay si Mark Zuckerberg kasama ang kanyang mga kaibigan at kaklase sa computer
science na sina Eduardo Saverin, Dustin Moskovitz at Chris Hughes. Sa umpisa ang
mga lihitimong miyembro nito ay limitado lamang sa mga mag-aaral sa Unibersidad ng
Harvard, subalit sa paglipas ng panahon, ito nga ay lumaganap na ng tuluyan.
Tumutukoy ang pangalan ng website na ito sa kolokyal na pangalan ng aklat at sa mga
mukhang nnakalimbag rito, na sya namang binibigay ng ilang kolehiyo at
preliminaryong paaaralan sa Estados Unidos sa mga papasok na mga mag-aaral, guro
o propesor, at mga trabahador bilang isang paraan na makilala ang ibang tao sa
kampus. Sinumang nasa 13 taong gulang o pataas ay maaring maging miyembro at
gumamit ng Facebook.

Ang gumagamit nito ay makakagawa ng kanyang personal profile o account na


may larawan, listahan ng mga personal na interes, at numerong makokontak. Maari din
itong gamitin upang makadaragdag at makakaanyaya ng ibang gumagamit bilang

II. PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN

Naghanda ng ilang mga katanungang sisikaping sagutan ng mananaliksik para sa


lalong ikagaganda ng kanyang pag-aaral at ikasisiya ng mga mambabasa.

1. Ano nga ba itong social networking site na Facebook?


2. Anu-ano ang mga salik o gamit ng Facebook?
3. Bakit maraming mga kabataan at estudyante ang nahuhumaling sa paggamit
nito?
4. Anu-ano nga ba ang positibo at negatibong epekto ng Facebook sa mga
kabataan at estudyante?
5. Paano maiiwasan o malilimitahan ang kabataan at estudyante sa paggamit nito?

III. MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ipaalam sa mambabasa kung ano nga ba


talaga ang Facebook, at makapagbigay ng impormasyon ukol dito. Ang isa pang layunin
ng pananaliksik na ito ay upang malaman ng mga kabataan at estudyanteng sobrang
nahuhumaling sa paggamit ng Facebook ang mga positibo at negatibong epekto ng
social networking site na ito. Nais din ng mananaliksik na matulungan sila kung paano
maiiwasan ang mga negatibong epekto nito at malimitahan ang paggamit nila ng
Facebook.

IV. METODOLOHIYA

Ang mananaliksik ay gumamit ng ibat ibang mga kagamitan para sa ikalalawak ng


kanyang pananaliksik. Ang mga pinagkahuaan ng mananaliksik ng mga impormasyon ay mga
aklat, magasin, dyaryo, internet at sa telebisyon. Sa aklat, ang lubos na nakatulong sa
mananaliksik ay ang ensaylopediya dahil sa lawak ng mga impormasyon na nakatala doon.
May mangilan-ngilan din namang nakuhang datos sa mga article na kanyang nabasa sa mga
magasin at dyaryo.

Gumamit rin ang mananaliksik ng internet upang mahanap ang mga lubos pang
detalyeng kailangan nya at upang lalong mapahaba ang kanyang pananaliksik. Sa panonood ay
nakakuha rin ang mananaliksik ng impormasyon, dahil sa ipinalabas sa telebisyon na isang
forum sa myx channel ukol sa paggamit ng mga social networking sites. Sa pakikipanayam
naman ay pinalad rin ang mananaliksik na makahanap ng mga ilang respondents na maaaring
sagutin ang mga ilang katanungang kanyang inihanda. Ito ay mula sa klase ng IV-CC1 ng
Mataas na Paaralang Tondo, sa Tondo, Maynila. Ang mga nasabing respondents ay lubos
naman nakikoopera sa ginawang pagtatanong ng mananaliksik.

Para makalikom ng ibat ibang datos, ang mananaliksik ay gumamit ng deskribtibong


pamamaraan. Sa paraan na ito ay mas maraming nakuhang impormasyon at mga datos ang
mananaliksik.

V. PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang mga social networking sites ay naglalarawan ng isang malaking indikasyon


na iba na nga ang henerasyon ng mga kabataan ngayon. Kung noon ay, makikita mo
pa ang mga kabataan na naglalaro sa labas ng patintero at langit lupa, ngayon ay kahit
saan ka mapatingin ay mayroon ng piso net o yung kompyuter na maaaring hulugan ng
piso para sa limang minutong paggamit ng internet. Ang Facebook, ang pinakapopular
na dinadayo ng mga kabataang ito sa internet ngayon dahil sa napakaraming gamit
nito. Maaaring magamit ito sa trabaho, sa pag-aaral, sa paghahanap ng kaibigan, sa
paglalaro, at maging sa pakikipagrelasyon ay bukas na rin ito.

Sa Facebook, maaari kang gumawa ng iyong sariling profile o personal timeline.


Ang isang user ay maaaring mag-upload ng mga litrato, ilagay rito ang kanyang
personal na impormasyon, interes at maging ang kanyang mga hindi makakalimutang
pangyayari sa kanyang buhay ay mailalagay rito. Ang isa ring gumagamit nito ay
maaaring makipagkomunikasyon sa kanyang mga kaibigan mapa-pribado man o
publikong mensahe.

Nitong 2007 naman, ay inilunsad rin ng Facebook ang mga Facebook Pages,
para magamit ng mga negosyante at ilang organisasyon upang mapadali ang
pakikipagtransaksyon nila sa kanilang mga miyembro. At nitong ika-14 ng Pebrero,
2014, sa selebrasyon ng sampung taong pagkakatatag ng Facebook ay nadagdagan na
rin ang mga pagpipilian sa kasarian. Maaari na ngayong ilagay sa iyong profile kung
ikaw man ay, bisexual, transgender at iba pa. Nauso na rin sa Facebook ang video
calling, o ang pagtawag sa iyong malapit na kamag-anak o kaibigan saan man sa
mundo sa pamamagitan ng kamerang nakakonekta sa iyong kompyuter. Tila
napakarami na ngang paggagamitan ng Facebook sa ating araw araw na pamumuhay.
Sa pinakahuling ulat ng socialbakers.com, ang Pilipinas ay mayroon ng humigit
kumulang (30) tatlumpung bilyong users na, kaya naman tayo ay nasa ikawalong
pwesto sa pinakamaraming gumagamit nito. Ang pinakamaraming gumagamit nito ay
yung mga nasa edad 18-24 taong gulang na may (39%) tatlumput siyam na porsyento,

sumunod naman ay yung mga nasa edad 25-34 taong gulang, na may (24%)
dalawamput walong porsyento, 16-17 taong gulang naman na may (11%) labing-isang
porsyento, mga nasa gulang 35-44 ay may (10%) sampung porsyento, mga kabataang
may edad 13-15 taong gulang na may (8%) walong porsyento, at maging ang mga may
edad na nasa 45-60 taong gulang na may (8%) walong porsyento din.

Pagdating naman sa kasarian, may (48%) walumput walong porsyento naman


ang mga kalalakihan sa Pilipinas ang gumagamit ng Facebook, at (52%) limamput
dalawa ang mga kababaihang users. Mapapansin sa dalawang pie graph na mas
maraming kabataang babae sa Pinas ang interesadong gumamit ng social networking
sites na ito.

Masasabing napakalaki na ang nagawang pangalan ng Facebook sa mga Pinoy


lalong higit sa mga estudyante. Napakalaki na rin ng naging epekto sa mga tao kahit na
sumikat lamang ito sa Pilipinas noong simula ng taong 2011. Ito na ngayon ag
nangungunang social network site pagdating sa mga pinakamaraming active users.

Mula sa status message na nabasa ng mananaliksik sa kanyang Facebook


account, ay nakaagaw ng atensyon nya ang isang Facebook user na aminadong
madalas na gumagamit nito. Siya ay si Ciara Gayle Mendoza, 19 taong gulang. Nagaaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, at kumukuha ng kursong BSBA Major in
Finance and Treasury Management. Siya ngayon ay nasa ikatlong taon sa kolehiyo.

Si Chiara Ghayle Mendoza o mas kilala sa tawag na Cia, ay matangkad,


balingkinitan, mahaba ang buhok at napakaganda. Matalino rin siya sa agham at lalong
lalo na sa kanyang paboritong asignatura na matematika. Ngunit siya ay isang mahiyain
at tahimik na tao. Magsasalita lamang siya kung kailangan at kung siyay iyong
kakausapin.

Napakarami ring pinagkakaabalahan ni Cia. Bukod sa pag-aaral ay mahilig


siyang magbasa ng mga nobela, magsulat ng mga maikling kwento at mga tula,
manuod sa telebisyon, magdisenyo ng mga damit, ngunit ang pinakalamalaking
pinaggagamitan niya ng kanyang oras ay sa Facebook.

Nagsimulang gumamit si Cia ng Facebook noong taong 2009, kaya apat na taon
at limang buwan na siyang user nito sa kasalukuyan. Ayon kay Cia, binubuksan niya
ang kanyang account depende sa kanyang schedule. Tuwing lunes, martes, huwebes
at linggo, gumagamit siya ng FB o Facebook mula ala-una ng hapon hanggang alasonse ng gabi, kumporme kung wala na siyang klase o mahalagang gagawin. Tuwing
miyerkules at biyernes naman ay bukas ang kanyang account mula ala-una hanggang
alas-dos ng hapon lamang dahil may klase pa siya pagdating ng alas-tres ng hapon. At
kung sabado naman ay nakaharap siya sa kanyang kompyuter, gumagamit pa rin ng
Facebook mula alas-siyete hanggang alas-onse ng gabi.

Ang minimum na oras na ginugugol ko sa paggamit ng FB tuwing wala akong


klase ay sampung oras, at ang pinakamatagal ay labing-pitong oras. Minsan pa ngay
umaabot ako ng alas-dos ng madaling araw sa paggamit nito. Ang pahayag ni Cia.

Si Ciara Gayle Mendoza ay isang estudyante sa kolehiyong hilig gamitin ang


kanyang mga libreng oras sa paggamit ng kanyang Facebook account simula nang
mauso ito. Marami na kasing naitulong ito sa kanya at nakasanayan niya na talaga na
walang araw na hindi siya nagbubukas nito. Isa na siyang masugid na user mula 2009,
ngunit wala pa naman daw malaking epekto ito sa kanyang pag-aaral. Maliban na
lamang sa kanyang social life dahil siya nga ay isang mahiyaing tao.

Minsan, ang Facebook lamang ang nakakapagpasaya at napaglalabasan ko na


aking mga nararamdaman. Hindi ko rin ito masasabing sagabal sa aking pag-aaral dahil
ginagamit ko naman ito nang may disiplina. At habang bukas naman ang aking account,
ay gumagawa ako ng aking mga takda, proyekto, at maging makapag-aral ay
nagagawa ko pa rin naman.

Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang 578 na kaibigan sa kanyang account.


Hindi siya nagdadagdag ng kaibigan kung hindi naman niya kilala. Ang mga kamaganak, malalapit na kaibigan at kaklase lamang niya ang kanyang mga kaibigan sa FB.
At dahil nga medyo tikom si Cia sa personal, ay mas madalas siyang makausap ng
kanyang mga kaibigan sa chat sa Facebook kaysa sa makipaghalubilo ng personal.
Kung magtatanong man siya ng mga takda sa paaralan, ay chat sa FB ang kanyang
ginagamit upang makipag-usap sa mga kaklase.

Ngunit madalas pa rin namang makasalamuha ni Cia ang kanyang pamilya.


Nakakaalis at nakakapagsaya pa rin sila kahit na sabihing siya ay aktib sa Facebook.
Hindi niya pa ring hinahayaang makasagabal ang kahit na ano, pagdating sa relasyon
niya sa kanyang pamilya.

Sa kanyang FB profile, ang madalas na makikitang mga pino-post niya ay


tungkol sa pangangalaga sa balat, sa katawan, sa buhok o kahit na anong mga gabay
tungkol sa pangangalaga sa kalusugan at kalinisan ng isang tao. Ginagamit niya rin ito
upang magbenta ng kanyang mga pinaglumaang gamit tulad ng mga nabasa na niyang
libro, mga bag at maging mga damit. Naging kaakibat niya na nga rin daw ang
Facebook maging sa negosyo. Madalas rin siyang mag-post ng mga sarili niyang
opinyon at suhestiyon tungkol sa mga usong damit, mga pagkain na makatutulong sa
kalusugan ng katawan at pag-iisip, mga opinyon kung paano mapapangalagaan ang
pakikipagrelasyon sa Panginoon at sa pamilya at bukod sa lahat ay sa kanyang pagaaral o mga nalalaman sa paaralan. Nais niyang ang bawat post niya ay kapakipakinabang sa mga makababasa at makakakita rito.

Candy Crush at Triviador ang mga application o laro na madalas niyang nilalaro
kapag siyay walang ginagawa. Kapag siyay nababagot at nais ng mapaglilibangan,
Candy Crush ang kanyang nilalaro. Kung gusto niya naman matuto ng ilang mga
kaalaman ay Triviador ang kanyang pinagkakaabalahan. Nalilibang na syay natututo pa
sa larong ito.

Masasabing isang masugid na user nga si Ciara Gayle Mendoza, ngunit


nakakahangang hindi niya naman hinahayaan na makasagabal ito sa kanyang pagaaral, at sa relasyon sa kanyang pamilya. Alam niya kung paano ang pagbalanse ng
oras sa mga mahahalagang bagay. Ang Facebook ay isa lamang sa kanyang mga
libangan kung siyay bagot at wala namang masyadong ginagawa.

Isa lamang social network site ang Facebook, tao pa rin ako na nagsasalita.
Maski wala ang FB ay makakaya ko pa rin namang mabuhay! Pangwakas na pahayag
ni Cia bago matapos ang pakikipagpanayam niya sa mananaliksik.

Sa isang forum naman na napanuod ng mananaliksik ay nakakalap din siya ng


mga impormasyon ukol sa mga social networking sites, lalong higit na sa Facebook.

Ang nasabing forum ay ipinalabas sa MYX Channel noong Pebrero 6, 2014


ganap na alas-tres ng hapon. Ang forum ay isinagawa sa Central Colleges of the
Philippines. Itoy pinangunahan ng mga host na sina Chino Lui Pio at Bianca Gonzales,
at ang mga kasamang panelist na sina Divine Lee, Wendell Garcia ng bandang Pupil, at
ang asawa ng sikat na mang-aawit na Gary Valenciano na si Angeli-Pangilinan
Valenciano upang magbahagi ng mga kaalaman nila sa paksang Social Media: Bad or
Good for the Students

Sinabi ni Divine Lee, na para sa mga user na estudyante, hindi naman


nakakasama ang paggamit ng mga social networking sites tulad ng Facebook.
Nakakasama lamang ito kung ginagamit sa mga pananamantalat panloloko.

Sa opinyon naman ng may-bahay ni Gary Valenciano na si Angeli-Pangilinan


Valenciano, sinasabi niyang nakakasama ang mga social networking sites. Sa kanilang
bahay daw kasi, halos buong pamilya nila ay may kanya-kanyang gadget o mga gamit
panteknolohiya tulad ng cellphone, iPhone, iPad, at laptop. Kaya ang lahat ay madalas
na nakatutok sa mga bagay na ito. Tulad na lamang ng kanyang anak na isa ring artista
na si Gab Valenciano, hindi na rin daw niya ito makausap kapag humarap sa kanyang

iPhone at nag-Facebook. Sa mga post din daw sa FB ni Gab Valenciano ay nahuhuli


niya kung ito man ay nag-aaral talaga o nagbubulakbol.

Ayon naman kay Wendell Garcia ng bandang Pupil, ay hindi naman masamang
magkaroon ng mga account sa internet ang mga kabataan ngayon lalo pat sumasabay
lang sila sa uso. Siya mismo, na isa ring sikat na personalidad ay ipinagmamalaking
wala maski anong account sa internet, maging Facebook ay wala rin siya.

Isa naman sa mga estudyante ng CCP rin na si Monica Anne Del Pilar,
kumukuha ng kursong Mass Com ang nagsabing, Facebook simply offers what you
need. Maaari kang mag-message, at mag-attach na rin ng files. Ang Facebook para sa
kanya ay isa ring instrument sa pag-aaral. Sa pamamagitan kasi nito ay maaari kang
makapagtanong sa iyong mga kaklase ng mga takda o kayay makapagbahagi pa ng
mga mahahalagang dokumento sa pamamagitang lamang ng pag-aattach files mula sa
chat.

Ngunit para naman Ian Alberto na isang estudyanteng kumukuha ng Electronics


and Communications Engineering sa CCP rin, ang nagsabing naging bukas ang mga
social network sites tulad ng Facebook para sa cyberbullying. Sa Facebook kasi maaari
kang makapagkomento sa kahit na kaninong post nang hindi ka nila nakikilala. Maaari
kang siraan o makapanira nang dahil sa simpleng komento lang.

Ayon sa bagong pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik na estudyante ng


University of New Hampshire, walang kaugnayan sa isat isa ang pagkonsumo ng mga
estudyante ng kanilang oras sa paggamit ng social media at ang resulta ng kanilang
grado. Sa kabila ng patuloy na paglala ng Facebook addiction, ay hindi lumabas na
nagkaroon ito ng negatibong epekto sa mga mag-aaral.

Ang mga resulta ay nagpakita na ang 63 bahagdan ng mga laging Facebook


gumagamit ay nakakuha ng A at B na grado, kumpara sa 65 bahagdan na mga
gumagamit ng paminsan minsan lamang gumagamit ay nakakuha ng katulad ng sa
naunang nabanggit. Katulad din na 37 bahagdan ng mga laging gumagamit ng
Facebook na nakatanggap ng mas mababa kaysa sa B na grado, kumpara sa 35
bahagdan na paminsan-minsan ang paggamit nito ay nakakuha ng mas mababang
grado sa B.

Mula naman sa The Sunday Times ni Jonathan Leake at Georgia Warren noong
Abril 12, 2009, ang Facebook ay nakakasira sa akademikong pagganap ng mga magaaral.

Karamihan sa mga mag-aaral na gumagamit ng Facebook araw-araw ay mas


madalang ang pakikipagsalamuha sa loob ng silid aralan sa loob ng buong semester
kesa sa mga mag-aaral na hindi gumagamit nito.

Natuklasan ng mga mananaliksik kung paano ginagamit ng mga estudyante ang


kanilang oras sa paghahanap ng mga kaibigan, pakikipagkamustahan sa mga ito at
poking o pagtawag sa atensyon ng taong kausap o kaibigan.

Natuklasan din na dahil sa pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagkalap ng


mga kaibigan at pakikipag-chat ay halos isang oras na lamang sa isang linggo ang
nailalaan nila para sa kanilang mga akademikong gawain. Dahil dito nais ng mga
magulang at guro na ipagbawal ang nasabing social networking website kagaya ng
ginagawa sa mga opisina upang hindi masayang ang oras ng mga mag-aaral.

Ang mananaliksik ay gumawa ng isang sarbey upang ilarawan at suriin ay ang


mga sariling karanasan at pananaw ng mga mag-aaral na nasa ikaapat na taon sa high
school hinggil sa mga epektong naidudulot ng Facebook sa pag-aaral ng mga ito.

Ang mananaliksik ay kumuha ng mga piniling respondente mula sa ikaapat na


taon, pangkat CCI sa Mataas na Paaralang Tondo sa taong akademiko 2013 2014.
Dahil sa ang kailangan lamang ay tatlumpung respondente (30), ipinamahagi ang mga
survey questionnaire sa tatlumpung (30) mag-aaral mula sa piling estudyante ng IVCC1, na humantong sa ganitong distribusyon:

DISTRIBUSYON NG MGA RESPONDENTE


Taon at Pangkat

BILANG NG MGA RESPONDENTE

IV-CCI

30

Kabuuang Bilang

30

GRAP 1
Mga naitutulong ng Facebook sa pag-aaral ng isang mag-aaral sa IV-CC1 ng Mataas
na Paaralang Tondo.

Ang unang suliranin ay malaman kung nakatutulong ang Facebook sa pag-aaral ng


isang mag-aaral ng IV-CC1 ng Mataas na Paaralang Tondo. Sa unang barayabol
nakakuha ng labing-isang (37) bahagdan ang kategoryang lubhang nakatutulong (LN),
siyam (30) na bahagdan para sa higit na nakatutulong (HN) gayundin sa nakatutulong
(H), isang (3) bahagdan sa hindi gaanong nakatutulong (HGN) at wala sa hindi
nakatutulong (HDN).

Sa pangalawang baryabol nakakuha ng labing-dalawang (40) bahagdan ang


kategoryang higit na nakatutulong (HN), sampung (33) bahagdan sa nakatutulong (N),
apat (13) na bahagdan sa hindi gaanong nakatutulong (HGN), tatlong (10) bahagdan
sa lubhang nakatutulong at isang (3) bahagdan para sa hindi nakatutulong (HDN).

Sa pangatlong baryabol nakakuha ng labing-apat (47) na bahagdan ang


kategoryang nakatutulong (N), pitong (23) bahagdan sa higit na nakatutulong (HN),

limang (17) bahagdan sa hindi gaanong nakatutulong (HGN), tatlong (10) bahagdan sa
lubhang nakatutulong (LN) at isang (3) bahagdan sa hindi nakatutulong (HDN).

Sa pang-apat na baryabol nakakuha ng labing-limang (50) bahagdan ang


kategoryang higit na nakatutulong (HN), sampung (33) bahagdan sa nakatutulong (N),
limang (17) bahagdan sa lubhang nakatutulong (LN) at wala sa hindi gaanong
nakatutulong (HGN) gayundin sa hindi nakatutulong (HDN).

Sa panghuling baryabol nakakuha ng labing-dalawang (40) bahagdan ang


kategoryang nakatutulong (N), pito (23) bahagdan sa higit na nakatutulong (HN), limang
(17) bahagdan sa lubhang nakatutulong (LN), apat (13) bahagdan sa hindi gaanong
nakatutulong (HGN) at dalawang (7) bahagdan sa hindi nakatutulong (HDN).

GRAP 2
Mga positibing salik ng Facebook sa pag-aaral ng isang mag-aaral ng IV-CC1 sa
Mataas na Paaralang Tondo.

Ang pangalawang suliranin ay malaman ang mga positibing salik ng Facebook


sa pag-aaral ng isang mag-aaral ng IV-CC1 ng Mataas na Paaralang Tondo. Sa unang
baryabol nakakuha ng labing-tatlong (43) bahagdan ang kategoryang lubhang totoo
(LT), labing-isang (37) bahagdan sa totoo (T), limang (17) bahagdan sa higit na totoo
(HNT), isang (3) bahagdan sa hindi totoo (HT) at wala sa hindi gaanong totoo (HGT).

Sa pangalawang baryabol nakakuha ng labing-apat (47) na bahgdan ang


kategoryang higit na totoo (HNT), sampung (33) bahagdan sa totoo (T), tatlong (10)
bahagdan sa lubhang totoo (LT), dalawang (7) bahagdan sa hindi gaanong totoo (HGT)
at isa (3) bahagdan sa hindit totoo (HT).

Sa pangatlong baryabol nakakuha ng labing-dalawang (40) bahagdan ang


kategoryang totoo (T), pitong (23) bahagdan sa higit na totoo, limang (17) bahagdan sa
lubhang totoo (LT), apat (13) na bahagdan sa hindi gaanong totoo (HGT) at dalawang
(7) bahagdan sa hindi totoo (HT).

Sa pang-apat na baryabol nakakuha ng labing-apat (47) na bahagdan ang


kategoryang higit na totoo (HNT), labing-isang (37) bahagdan sa totoo (T), tatlong (10)
bahagdan sa lubhang totoo (LT), dalawang (7) bahagdan sa hindi gaanong totoo (HGT)
at wala sa hindi totoo (HT).

Sa panghuling baryabol nakakuha ng labing-dalawang (40) bahagdan ang kategoryang


totoo (T), walong (27) bahagdan sa hindi gaanong totoo (HGT), anim (20) na bahagdan
sa higit na totoo (HNT), apat (13) na bahagdan sa lubhang totoo (LT) at wala sa hindi
totoo (HT).

GRAP 3
Mga negatibong salik ng Facebook sa pag-aaral ng isang mag-aaral ng IV-CC1 sa
Mataas na Paaralang Tondo.

Ang panghuling suliranin ay malaman ang mga negatibong salik ng Facebook sa pagaaral ng isang mag-aaral ng IV-CC1 ng Mataas na Paaralang Tondo. Sa unang
baryabol nakakuha ng walong (27) bahagdan ang kategoryang lubhang totoo (LT) na
pinantayan ng hindi totoo (HT), anim (20) na bahagdan sa totoo (T), limang (17)
bahagdan sa hindi gaanong totoo (HGT) at tatlong (10) bahagdan sa higit na totoo
(HNT).

Sa pangalawang baryabol nakakuha ng labing-isang (37) bahagdan ang


kategoryang hindi totoo (HT), pitong (23) bahagdan sa hindi gaanong totoo (HGT),
limang (17) bahagdan sa higit na totoo gayundin ang totoo (T) at dalawang (7)
bahagdan sa lubhang totoo (LT).

Sa pangatlong baryabol nakakuha ng labing-dalawang (40) bahagdan ang


kategoryang totoo (T), sampung (33) bahagdan sa hindi totoo (HT), limang (17)

bahagdan sa higit na totoo (HNT), tatlong (10) bahagdan sa hindi gaanong totoo (HGT)
at wala sa lubhang totoo (LT).

Sa pang-apat na baryabol nakakuha ng sampung (33) bahagdan ang


kategoryang hindi totoo (HT), siyam (30) na bahagdan sa higit na totoo (HNT), limang
(17) bahagdan sa hindi gaanong totoo (HGT), tatlong (10) bahagdan sa lubhang totoo
(LT) na pinantayan din ng totoo (T).

Sa panghuling baryabol nakakuha ng sampung (33) bahagdan puntos ang


kategoryang hindi totoo (HT), walong (27) bahagdan sa totoo (T), limang (17) bahagdan
sa lubhang totoo (LT), apat (13) na bahagdan sa hindi gaanong totoo (HGT) at tatlong
(10) bahagdan sa higit na totoo (HNT).

LAGOM
Sa unang suliranin na naglalayong malaman ang naitutulong ng Facebook sa
mga mag-aaral, ang nakakuha ng pinakamataas na porsyento na limampu (50)
bahagdan ay ang pang-apat na baryabol na nagsasabing nagsisilbi itong lupon ng mga
pahayagan ng mga organisasyon ng paaralan, at ang pinakamababang porsyento na
tatlumput pito (37) bahagdan ay ang pang-unang baryabol na nagsasabing
nakapagbibigay ito ng paalala sa mga gawain sa mga asignatura.

Sa pangalawang suliranin na naglalayong malaman ang mga positibong salik ng


Facebook sa mga mag-aaral, ang nakakuha ng pinakamataas na porsyento na
apatnaput pito (47) bahagdan ay ang pangalawang baryabol na nagsasabing
nakapagbibigay ito ng karagdagang kaalaman sa mga mag-aaral sa mga asignatura na
pinantayan naman ng pang-apat na baryabol na nagsasabing nagsisilbing itong lupon
ng mga pahayagan ng mga organisasyon ng paaralan, at ang pinakamababang

porsyento na apatnapu (40) bahagdan ay ang pangatlong baryabol na nagsasabing


nakapagbibigay ito ng balangkas ng mga paksa na pinantayan din ng panglimang
baryabol na nagsasabing meron itong mga larong pang-akademiko na nagbibigay
motibasyon sa mga mag-aaral.

Sa pangatlong suliranin na naglalayong malaman ang mga negatibong salik ng


Facebook sa mga mag-aaral, ang nakakuha ng pinakamataas na porsyento na
apatnapu (40) bahagdan ay ang pangatlong baryabol na nagsasabing tinatamad silang
pumasok, at ang pinakamababang porsyento na dalawamput pito (27) bahagdan ay
ang unang baryabol na nagsasabing nawawalan sila ng gana sa pag-aaral.

Hindi maitatanggi na binago na nang tuluyan ng Facebook ang ugnayang


panlipunan ng tao sa kasalukuyan. Lalong lalo na sa mga kabataan. Kaya kaming mga
mananaliksik ay nagsisimula pa lamang pag-aaralan ang solid psychology na
nagpapakitang may positibo at negatibong epekto ang Facebook. Ang pahayag ni
Dr.Larry D. Rosen, propesor sa Psychology mula California State University,
Dominguez Hills.

Mula sa isang talk na pinamagatang, Poke Me: How Facebook Can Both Help
and Harm Our Kids dito inisa-isa ni Dr.Rosen ang mga sumusunod na epekto ng
Facebok:
Mga Negatibong Epekto:

Ang mga kabataang mas madalas gumamit ng Facebook ay nagkakaroon


ng narcissistic tendencies o ang sobrang pagkahanga sarili. Maaari rin silang
magkaroon ng ibat ibang pyschological disorders, tulad ng antisocial
behaviors, mania at aggressive tendencies.

Narcissistic tendecies

Pinabababa ng Facebook ang pagtitiwala ng isang kabataan sa kanyang


sarili.

Ang mga social networking sites tulad ng Facebook ay naghahatid rin ng


depresyon sa mga user nito. Halimbawa na lamang sa kanilang Facebook
profile picture. Maaaring may magkomento rito ng hindi magagandang salita.
Isa ito sa nakapaghahatid sa user ng depresyon.

Naging okupado ang pag-iisip ng isang tao kapag gumagamit nito.


Nawawalan sila ng paki-alam at kamalayan sa paligid.

Nababawasan ang pakikipagsalamuha sa paligid. Mas malimit na ang mga


kabataan ngayon na maglaro sa labas at mas pinipiling maglaro na lamang

ng mga laro sa Facebook.


Pag-aaksaya ng pera. Nakakaapekto rin sa pinansyal ang paggamit ng
Facebook, lalong lalo kung ang isang kabataan ay walang sariling kompyuter
sa kanilang bahay. Mapipilitan silang magrenta sa mga internet caf para
lamang makagamit nito.

Nababawasan ang oras sa pag-aaral. Imbes na gugulin ang oras sa pagaaral ay nakaharap sa kompyuter at naglalaro sa Facebook. Mayroon pa
ngang iba, na maski nasa paaralan ay gumagamit pa rin ng Facebook.

Nawawalan ng atensyon sa pamilya. Ang pamilya ang numero unong dapat


na pinagtutuunan ng pansin. Ngunit para sa mga user ng FB, itoy hindi na
nasusunod.

Pagkalat ng mga personal na impormasyon. Maraming kabataan ngayon


ang tiwala sa paglalagay ng mga impormasyon tungkol sa kanilang sarili sa
Facebook. Kaya napakarami rin ngayon nasasamatalat naloloko.

Mga Positibong Epekto:

Ang pinaunang magandang naidudulot nito, ay maaari nang makausap ang


sinumang pamilya o kaibigan na nasa malayong lugar gamit lamang ang chat o
video calling sa Facebook.

Ang mga kabataang mas madalas gumamit ng Facebook, ay nagkakaroon ng


virtual empathy o kamalayan sa nararamdaman ng isang tao.

Virtual empathy

Para naman sa mga mahiyain at tahimik na kabataan, nagagamit nila ito upang
matutunang makipagsalamuha pa sa ibang tao.

Kung sa ibay napapababa ang pagtitiwala nila sa sarili nang dahil sa Facebook,
ayon naman sa mga mananaliksik mula sa Cornell University, napapataas nito
ang self-esteem ng mga estudyante sa kolehiyo.

Natututong maipahayag ng mga kabataan o estudyante ang kanilang mga


opinyon at suhestiyon sa mga napapanahong isyu sa ating bansa.

VI. KONKLUSYON

Matapos ang mga pananaliksik, pagkalap ng mga impormasyon at pag-iinterbyu,


ang mananaliksik ay nakabuo ng mga paglalahat.

Nadiskubre ng mananaliksik na napakarami talagang paggagamitan ng


Facebook ng mga estudyante. Sa paglalaro, sa pakikipag-ugnayan, sa pagpapasa ng
mga files at maging sa mga pagtingin ng mahahalagang impormasyon ukol sa kanilang
pag-aaral at paaralan. Ika nga nila, napasimple na nito ang pakikitungo ng tao ngayon.
Sa pamamagitan lamang ng kompyuter at internet ay isang click mo lang, ang taong
hinahanap o nais mong makausap ay nariyan na agad. Pinadali nito ang komunikasyon
sa kasalukuyan. Sa madaling salita, pinadali at pinasimple nito ang ating pamumuhay.

Nalaman rin ng mananaliksik na may positibo at negatibong epekto talaga ang


Facebook sa mga estudyante. Sa ginawang sarbey, marami ang nagsabi na ang
Facebook ay nakatutulong sa pag-aaral dahil ito ay nakapagbibigay ng mga balangkas
ng mga paksa at ito ay nagsisilbing lupon ng mga pahayagan ng mga organisasyon ng
paaralan, dahil kapag ang mga mag-aaral ay hindi alam ang mga nangyayari sa
kanilang organisasyon, ay sa Facebook nila nilalagay ang mga magaganap. May mga
laro ding pang-akademiko na nagbibigay motibasyon sa mga mag-aaral at
nakapupulutan ng aral. Sa negatibong epekto naman sa mag-aaral, ay ang pagbaba
ng grabo dahil may mga ibang estudyante na mas gusto pang mag-Facebook na
lamang kaysa pumasok at mag-aral. Ang ilan rin ay nakakaranas ng ibat ibang
psychological behaviors sa paggamit nito.

VII. REKOMENDASYON

Time management, pagkakaroon ng komitment at pokus ang mga ugaling


makatutulong sa mga estudyante upang mabawasan ang mga negatibong epekto ng
Facebook sa kanila. Naghanda ang mga mananaliksik ng ilang mga rekomendasyon
kung paano nila maiiwasan o malimitahan man lamang ang paggamit nila ng Facebook.

Maglaan ng mas malaking oras sa pag-aaral kaysa sa paggamit ng Facebook.


Bilang isang mag-aaral, dapat matutong pangasiwaang mabuti ang oras.
Magbasa ng mga nakalipas na aralin, o gumawa ng mga takda.

Disiplina mula sa magulang. Kinakailangan rin ng mga estudyante ng


pagdidisiplina ng kanilang mga magulang. Para sa mga magulang, dapat
kausapin o payuhan nila ang kanilang mga anak ukol sa masamang epekto ng
Facebook sa pag-aaral ng kanilang mga anak. I-monitor rin ng mga magulang
ang paggamit ng kompyuter ng kanilang mga anak.

Maghanap ng ibang mapaglilibangan. Pagbabasa ng mga libro, pag-aalaga ng


mga halaman, at pagsali sa mga ibat ibang organisasyon. Napakarami pang
ibang paglilibangan ng mga estudyante bukod sa paggamit ng Facebook.

Manuod, making at pumunta sa mga forum at panayan na nauukol sa paggamit


ng mga social networking sites. Ang mga aral mula rito ay makatutulong sa mga
estudyante upang malimitahan ang oras ng paggamit nila ng FB.

VIII. BIBLIYOGRAPIYA

Rosen, Larry D. 2012. "Social Networkings Good and Bad Impacts on Kids"
American Psychological Association mula http://drlarryrosen.com/

Facebook Statistics Philippines mula http://www.socialbakers.com/facebookstatistics/philippines

Greenfield, Rebecca. "What Facebook Does to Kids' Brains" August 8, 2011


mula http://www.theatlanticwire.com/technology/2011/08/what-facebook-doeskids-brains/40973/

Leake, Jonathan at Warren, Georgio. Abril 12, 2012. Facebook Fans Do Worse
In Exams. The Sunday Times.

Isang panayam kay Chiara Ghayle Mendoza. Pebrero 27, 2014. Tundo, Maynila

Isang panayam sa IV-CCI ng Tondo High School. Marso 4, 2014. Tundo, Maynila

Isang forum sa Myx Channel. Social Media: Bad or Good for the Students
Pebrero 6, 2014.

Vous aimerez peut-être aussi