Vous êtes sur la page 1sur 8

Lohikal at

Mapanghikayat na
Pagsulat
Hindi na bago sa ating pandinig ang lohikal at ilohikal na salita. Sa
katanuyan, na gagamit natin ito sa ating pang araw-araw na gawain, tulad
na lang sa pag dedesisyon o di kaya sa pagsagot sa klasi. Sa kontekstong
ito, ang lohikal ay nangangahulugang naayon sa mga risonableng
inaasahan kaugnay sa mga espesipikong sitwasyon o kaganapan.
Samakatuwid, ang lohikal na palaisip ay isang tao na may pag-iisip na
maayos at konsistent. Ang kapaliktaran naman nito ay ang ilohikal na
nagsasabi hindi naayon sa isang sitwasyon o kaganapan, isang tao na
ang pag-iisip ay hindi maayos at hindi rin konsistent o di kayay isang
argumentong hindi naayon sa kongkluson, irelebant o kontradiktori.

Ang ating kritikal at lohikal na pag-iisip ay isa sa mga susi upang tayo ay
maging matagumpay sa ating tinatahak na daan patungo sa ating
kinabukasan.

ANG LOHIKA AT PAGSUSULAT

Ang lohika ay nagsasaad ito sa agham at sining sa ating pag-iisip.


Sa larangan ng pagsulat, ang lohika ay isang pangangailangan. Ang
lohika ay tumutulong sa atin, upang mas maunawaan na ating isang
argumento at makikita natin ang kaibahan ng isang paksa o argumento sa
iba pang paksa..
Kailangan na ang isusulat sa teksto ay may malinaw na kaisipang ibig
iparating o ipabatid.
Kung kayat ang akademikong pagsusulat ay kailanagan laging maging
lohikal upang ito ay mapang hikayat at kapani-paniwala. Sa kabilang
dako, kung ang pangangatwiran ay hindi lohikal at hindi ka pani-paniwala,
walang mambabasa na maniniwala sa iyo.

Hakbang Upang Maging Lohikal ang Pagsulat

Dalaowa
UnaTatl
Ganunpaman, kailangan din ng ebidensya upang lumakas ang
isang argumento ngunit kailangan ito ay matibay at nauugnay sa
argumento
a)
b)
c)
d)

Kaganapan na nauugnay sa argument


Obserbasyon sa sarili o di kaya sa ibang tao
Mga saksi
Mga maawtoridad na makapagbibigay ng mga pahayag
upang ilalaboreyt o magkokolaboreyt sa isang argument

LOHIKAL NA PANGANGATWIRAN

Ang lohikal na pangangatwiran ay isang uri na pangangatwiran na


ginagamitan ng mapanuring pag-iisip. Ang bawat proposisyon o isyu
pinag-uusapan ay kailangan mayroong tiyak na ebidensya o patunay na
ito ay makatotohanan.

Sa katunayan may dalawang kategorya ang lohikal na pangangatwiran:


ang a) pangangatwiran pabuod o indaktib at ang b) panangatwiran
pasaklaw o dedaktib.
Ang Pangangatwiran Pabuod o Indaktib ay nagsisimula sa maliit na
katotohanan tungo sa panlahat na simulain, tuntunin, kaisipan o konsepto.
Samantala, ang Pangangatwiran Pasaklaw o Dedaktib ay nagsisimula
naman sa panlahat na tuntunin, konseptoo ideya na sinusundan ng mga
partikular na bagay na sumusuporta o nagpapatotoo sa inilahad sa una.

Mga dahilan ng Lohikal na Pangangatwiran upang mabigyan linaw ang


isang mahalagang usapin o isyu, makapagbahahi ng kaalaman sa ibang
tao, at makapagpahayag ng saloobin.

URI NG PANGANGATWIRAN
Pangangatwiran Pabuod
Pangangatwirang gumagamit ng Pagtutulad
Inilahad dito ang magkatulad na katangian, sinusuri ang katangian,
at pinalulutang ang katotohanan. Ang nabubuong paglalahat sa ganitong
pangangatwiran ay msasabing pansamantala lamang at maaaring
mapasinungalingan. Maaring maging pareho ang pinaghahambing sa isa
lamang katangian subalit magkaiba naman sa ibang katangian.
Halimbawa:
Si Binibini Cruz ay napakabuting guro sapagkat ang amat ina niya isa ring
mabuting guro.
Pangangatwiran sa pamamagitan ng Pag-uugnay ng Pangyayari sa
Sanhi.
Bawat pangyayari ay may sanhi. Ang pangangatwiran natin ay
nagsisimula sa mga sanhi tungo sa bunga o ang patumbalik nito. Ang
ating konklusyon ay isang pahayag na ang isang pangayayri'y bunga ng
isa pang pangyayari.
Halimabawa:
Ang paglakas ng ulan ay nagdudulot ng baha sa kalsada sapagkat hindi
tayo marunong tumapon ng basura sa tamang lugar.

Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga Katibayan at


Pagpapatunay.
Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensyang higit na
magpapatunay o magpapatutuo sa tinutukoy na paksa o kalagayan.
Halimbawa:
Si Ramon ang salarin sa pagpatay ng isang menorde edad na babae,
sapagkat may nakakita sa kanya na kasama niya ang bata at may nakita
rin tsinelas na pag mamay-ari niya na natagpuan mismo sa lugar ng
krimen.

Pangangatwiran Pasaklaw o Dedaktib


Ang Pasaklaw na pangangatwiran ay kadalasan gugamit ng silohismo.
Ang Silohismo ay isang pagtukoy sa kongklusyon gamit ang
katotohanang tanggap ng karamihan. At ito ay nahahati sa tatlong bahagi:
ang Pangunahing Premis isang pahayag na na may katotohonan na
tanggap ng karamihan. Maari itoy may katotohanang na napatunayan na
ng agham, o ng pananaliksik.Pangalawang Premis ay isang paglalahad
ng sitwasyon na mag-uugnay sa pangunahing premis at kongklusyon.
Kongklusyon ang lohikal na kasagutan na nagtatagni ng pangunahing at
pangalawang premis.

Ibat ibang Uri ng Silohismo


Tiyakang Silohismo - ito ay may direktang pagtukoy sa kongklusyon,
walang pagpilian, at walang mga kondisyon

Pangunahing Premis:

Lahat ng tao ay rasyunal.

Pangalawang Premis:

Si Pedro ay tao.

Konklusyon:

Si Pedro ay rasyunal.

Kondisyonal na Silohismo Isang uri ng silohismo kung saan ang


pangunahing premis ay may kondisyon, habang ang kongklusyon naman
ay nakabatay kung ano ang kondisyon ng pangalawang premis.
Pangunahing Premis:

Kung si Pepe ay isang mabuting Kristyano,


siya pupunta sa langit.

Pangalawang Premis:

Si Pepe ay mabuting Kristyano.

Konkluson:

Si Pepe ay pupunta sa langit.

Pasakaling Silohismo
Pangunahing Premis:

Kung masama kang Kristyano, hindi ka


makakarating sa langit.

Pangalawang Premis:

Si Pepe ay hindi masamang Kristyano.

Konklusyon:

Si Pepe ay makakarating sa langit.

Pamiliang Silohismo Ito ay may dalawang pagpipilian sapangunahing


premis.Anuman ang mapili ng pangalawang
premis

ay

magiging

kabaliktaran

sa

konklusyon.
Pangunahing Premis:

Alin sa dalawa, Si Pepe ay Kristyano o


Buddhist.

Pangalawang Premis:

Si Pepe ay hindi Buddhist.

Konklusyon:

Si Pepe ay Kristyano.

Vous aimerez peut-être aussi