Vous êtes sur la page 1sur 15

National Achievement Test Reviewer for HEKASI VI

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang Pilipinas ay isang tropical na bansa na nakakaranas ng dalawang uri ng panahon ang tag-ulan at tagaraw. Saang latitude ito matatagpuan?
A. Gitnang Latitud
B. Mababang Latitud
C. Mataas na Latitud
D. Wala sa Latitud
2. Pinilit ng mga Espanyol ang mga Pilipino na sumampalataya sa kristiyanismo. Paano ang ginagawang
pakikibagay ng mga Pilipino sa pananampalatayang ito upang hindi nila maranasan ang pagmamalupit sa
kanila ng mga prayle?
A. Umalis ang mga katutubo at nanirahan sa mga liblib na lugar.
B. Pinalayas nila ang mga misyonerong nangaral ng kristiyanismo.
C. Sinunog nila ang mga imahen ng santo at sinira ang mga simbahan.
D. Ang mga anito na sinasamba nila dati ay pinalitan ng imahen ng simbahan.
3. Ang Saligang Batas ng 1987 ay nagbibigay kalayaan sa lahat ng tao na pumili ng kanilang pinuno. Alin sa mga
ito ang hindi maaaring gawin ng isang botante?
A. Manggulo sa oras ng halalan.
B. Gumastos ng sariling pera sa halalan.
C. Pumili ng mga kandidatong gusting suportahan.
D. Nangangampanya para sa nagustuhang kandidato.
4. Sa mga lugar na mataas, ang temperatura ay malamig. Malamig din ang klima sa mga lugar na maulan. Ang
mahanging lugar ay malamig. Ano ang pinatutunayan nito?
A. Mahalaga ang ulan.
B. Kailangan ang temperatura sa magandang klima.
C. Nakabubuti ang malakas na hangin sa ganda ng klima.
D. May epekto ang ulan, hangin, at temperature sa klima ng bansa.
5. Noon ang mga kababaihan ay nasa bahay lamang at gawaing pansimbahan ang ginagampanan. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapatunay na ang mga kababaihan ay gumaganap ng tradisyunal na bahagi sa lipunan
noong panahon ng Espanyol?
A. Hindi pwedeng mamuno sa lipunan ang kababaihan.
B. Malayang nakikihalubilo sa mga kalalakihan tulad ngayon.
C. Mahaba ang kanilang pananamit at payak lamang ang kanilang pag-aayos sa sarili.
D. Ang katayuan sa lipunan ng mga kababaihan ay kapantay sa mga kalalakihan tulad ng pagboto.
6. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng pamahalaan upang maiangat ang pamumuhay ng mga
mamamayan?
A. Bigyan ng buwanang panustos ang mga mamamayan.
B. Bigyan ng karagdagang sweldo ang mga manggagawa.
C. Bigyan ng kasanayang pangkabuhayan ang mga mamamayan.
D. Bigyan ng pagkakataong mangibang bansa ang mga mamamayan.

7. Matatagpuan malapit sa Tropiko ng Kanser at Tropiko ng Kaprikornyo ang mga bansang tulad ng Arabia,
Iran, at Chile. Ano sa mga sumusunod na klima ang nag-uugnay dito sa mga bansang nabanggit?
A. Mayelo
B. Lubhang napakalamig

C. Tuyo at mainit na klima


D. Mahaba ang taglamig kaysa tag-init

8. Mabilis na nakakaangkop ang Pilipino sa kulturang ipinakilala ng mga Espanyol. Aling pangungusap ang
nagpapatunay dito?
A.
B.
C.
D.

Nagbago ang pananamit ng mga katutubong Pilipino.


Napalaganap ng mga misyonero ang kristiyanismo sa bansa.
Natanto ang mga katutubo ang kahalagahan ng kasal sa pag-aasawa.
Magdaraos ng kapistahan ng ibat-ibang santo, kapaskuhan at iba pang pagdiriwang.

9. Ilan sa mga patunay ng mahusay na paglilingkod ng pamahalaan ay ang pagkakaroon ng mga gusali at
kalsada at pinabuting serbisyo sa kuryente. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng mamamayan
upang mas lalong mapabuti ang paglilingkod ng pamahalaan.
A.
B.
C.
D.

Maging tapat at responsible sa gawain.


Maging mahusay at mabilis sa trabaho.
Maging mahusay at mabilis sa trabaho.
Maging maagap at matapat sa pagbabayad ng buwis.

10. Galing Baguio si Jim. Binigyan siya ng tanim na halamang rosas ng kanyang lola. Malalaki at pulang-pula
ang mga bulaklak nito. Pagdating sa Maynila ibinigy niya ito sa pinsang taga-Tagaytay. Bakit?
A.
B.
C.
D.

Mahal niya ang kanyang pinsan.


Hindi kaya ni Jim na mag-alaga ng tanim.
Walang lupang pagtataniman ng halaman.
Alam ni Jim na hindi lalaking maganda ang tanim sa lugar ng kanyang pinsan.

11. Malaki ang nagging impluwensiya ng kristiyanismo sa mga Pilipinong manunulat ang mga babasahing
isinulat ng mga Pilipinong naglalayon _________.
A.
B.
C.
D.

Alin sa mga Pilipino ang Diwang Makabansa.


Lituhin ang mga mambabasang Pilipino at Espanyol.
Turuan ang mga Pilipino na sumampalataya sa Islam.
Itanim sa isip ng mga Pilipino ang aral ng Kristiyanismo.

12. Nagtatrabaho si Isagani sa Hong Kong. Makalipas ang ilang taon ay tumaas ang kanyang kakulangan sa
kumpanyang pinagtatrabahuhan. Makatapos ito, inilipat niya ang kanyang pamilya sa bansang
pinagtatrabahuhan. Ano ang implikasyon nito?
A. Bubuti ang kalagayan ng pamilya ni Isagani.
B. Makatutulong si Isagani sa pag-unlad ng Pilipinas.
C. Magiging hadlang ang pamilya ni Isagani sa kanyang trabaho.

D. Mahihirapan ang kumpanya sa pagtustos sa pamilya ni Isagani.


13. Nakatapos nang kolehiyo sa probinsya ang dalawa sa tatlong anak ni Mang Andoy, subalit nais pa ng mga
ito na magpakadalubhasa pa sa kursong pinag-aaralan kayat nagpasya si Mang Andoy na lumipat ng
tirahan sa Maynila upang matupad ang pangarap ng kanyang anak. Sa ganitong sitwasyon, masasabi na
ang dahilan ng pandarayuhan ay ________.
A.
B.
C.
D.

Mamasyal sa ibang lugar.


Magkakaroon ng bagong kakilala.
Mapalawak pa ang kaalamang taglay.
Humanap ng mas malaking mapagkakakitaan.

14. Nakikipag-ugnayan ang mga unang Pilipino sa ibang barangay. Kaugnay nito, nagdaraos sila ng seremonya
na tinatawag na sanduguan. Ano ang ibig sabihin ng sanduguan?
A. Pagtaglay ng kapangyarihan
B. Pagbubungkal at pagtatanim

C. Pakikipagsundo at pakikipagkaibigan
D. Pakikipagkalakalan at pakikipagugnayan

15. Si Apolinario Mabini ay tinaguriang Dakilang Lumpo. Ano ang naging pangunahing bahagi niya sa
pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan?
A. Nag-udyok ng paghihimagsik.
C. Nagdibuho ng watawat ng Pilipinas.
B. Lumikha ng pambansang awit.
D. Nagsilbing tagapayo kay Emilio Aguinaldo.
16. Ang mga pangkat-etniko ay pangkat ng mga katutubong Pilipino na may magkakatulad sa pananalita,
paniniwala, hanapbuhay, at iba pang paraan na pamumuhay. Sino sa mga sumusunod na pangkat etniko
ang kilalang magaling sumisisid ng perlas at gumagawa rin ng vinta?
A. Badjao
B. Ifugao
C. Mangyan
D. Waray
17. Bago dumating ang mga mananakop ang mga sinaunang Pilipino ay mayroon ng pakikiapg-ugnayan sa
pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Alin ang higit na naglalarawan ng kalakalan ng mga unang Pilipino?
A. Pagluwas ng mga kalakal sa karatig bansa.
B. Pag-angkat ng mga paninda mula sa mga dayuhan.
C. Pagpapagawa ng mga mahalagang kalakal sa mga lokal na negosyante.
D. Pakikipagpalitan ng mga paninda sa kababayan at dayuhang nangangalakal.
18. Ang paraang ginamit ng mga repormista tulad ni Rizal, Jaena, at Del Pilar sa pakikipaglaban sa mga
Espanyol ay _________.
A. Paghingi ng usaping pangkapayapaan sa Hari ng Espanya.
B. Pagpapadala ng mga baril sa mga Pilipinong rebolusyonaryo.
C. Paghingi ng tulong sa mga bansang makapangyarihang tulad ng Amerika.
D. Pagpapalabas ng mga sulating tumutuligsa sa pamamahala ng mga Kastila.
19. Mamaya na, Bukas na. Anong tradisyunal na pagpapahalaga ang taglay ng taong gumagamit ng
ganitong sambitla?
A. Amor Propio
B. Bahala na
. Ma ana abit
D. Ningas-Kugon

20. Naniniwala ang mga sinaunang Pilipino na sagrado ang kanilang kapaligiran at may mga elementong dapat
nilang sambahin at igalang. Paano nila ito isinasagawa?
A. Tahimik silang namumuhay sa kanilang barangay.
B. Nagsasagawa sila ng ritwal sa pamamagitan ng pag-aalay.
C. Ipinagbabawal ang paghuli sa mga hayop upang hindi ito maubos.
D. Nagtatanim sila ng ibat - ibang pananim upang lumago ang kapaligiran.
21. Anong tulong ang naibahagi ng dakilang Pilipino na si Graciano Lopez Jaena sa pagkakaroon ng kalayaan ng
bansa?
A. Nagtatag ng kilusang himagsikan.
B. Nag-aayos ng usaping pangkarapatan.
C. Tumangging tangkilikin ang produktong Kastila.
D. Humingi ng reporma sa pamamagitan ng pamamahayag.
22. Laging magulo ang lugar nina Mang Lino sa isang panig ng Mindanao. Laganap sa lugar nila ang kidnapping
at terorismo, kayat minabuti niyang ilikas ang kanyang pamilya sa isang ligtas na lugar. Sa ganitong
pagkakataon, ano ang dahilan ng pandarayuhan?
A. Magkaroon ng bagong kaibigan.
B. Mamasyal sa magagandang lugar.
C. Maghanap ng malaking pagkakakitaan.
D. Makaranas ng mapayapang kapaligiran.
23. Isa ring mahalaga sa pamayanan ng mga ninuno ang kagubatan. Aling pahayag ang HINDI kabilang sa
kahalagahan ng kagubatan?
A. Naging kaingero sila sa kagubatan.
B. Naging magaling sa pangangaso ang mga ninuno natin.
C. Naging mahusay silang maghabi ng tela dahil sa pagbabago ng industriya.
D. Natuto silang manggamot ng mga sakit sa tulong ng ibat-ibang uri ng halaman.
24. Mahalaga ang ginagampanang papel ng mga kababaihan sa katipunan. Isa na rito si Melchora Aquino na
tinaguriang Ina ng Katipunan. Ano ang naging ambag niya sa pagkakamit ng kalayaan ng bansa?
A. Tumulong sa pagsulat ng kartilya.
C. Nag-aalaga sa mga sugatang katipunero.
B. Tumahi ng pambansang watawat.
D. Nanguna sa digmaan laban sa mga Kastila.
25. Kapag produktibo ang mga mamamayan ay nakakatulong sila sa pagtamo ng kaunlaran ng bansa. Alina ng
hindi saklaw ng salitang produktibo? Ang tao ay ____________.
A. Nakalilikha ng produkto kapag may pinuno ng nakabantay.
B. Palaging nagmamadali dahil kaya niya ang lahat ng gawain.
C. Nakagagawa ng may kalidad at sapat na dami ng produkto.
D. Mahilig mag-imbento ng produkto para sa sariling kapakanan.

26. Ang bansang may maunlad na pulitiko ay nagtatamasa ng ibat-ibang magagandang palatandaan. Alin sa
mga ito ang hindi kabilang sa kaunlarang pampulitika.
A. Ang mga mamamayan ay may karapatang tinatamasa.
B. Ang mga nahalal na pinuno ay nagiging makapangyarihan.
C. Ang mga mamamayan ay namumuhay nang payapa at tahimik.
D. Ang mga tao ay kumikilos nang naaayon sa itinatadhana ng batas.
27. Makikilala nang husto ang Pilipinas sa buong daigdig at uunlad ito kung ang mga Pilipino ay nagkakaisa sa
pagpapalaganap ng sariling produkto. Ano ang ipinahayag nito?
A. Pagiging masipag ng mga Pilipino.
C. Mahusay na paggaw ng maraming produkto.
B. Pagkakaroon ng mga manggagawa.
D. Pagtangkilik ng mga Pilipino sa sariling produkto.
28. Madalas na may nangyayaring kaguluhan sa inyong lugar. Kalimitan ay mga kabataan ang sangkot. Ano ang
maaari mong maitulong upang mapanatili ang katahimikan dito?
A. Manatili sa tahanan upang maiwas sa gulo.
B. Sundin ang batas kapag ang nakaharap ay pulis o tanod.
C. Makiisa sa mga pangyayaring ito dahil kabilang ang kaibigan ko.
D. Ipagkibit balikat ang mga paalala dahil hindi ka naman kasali sa kanila.
29. Nais ni Nita na makatulong sa pag-unlad ng bansa. Ginagawa niya ang mabuti at maayos ang mga gawaing
iniatas sa kanya, kaya malaki rin ang kanyang kita. Anong ugali ang ipinakita niya?
A. Pagiging maagap at masayahin
C. Pagiging mapagkumbaba at masinop
B. Pagiging masipag at matulungin
D. Pagpapahalaga sa may-ari ng kompanya
30. Sa panahon ngayon, hindi lamang bagyo ang nagdulot ng pagkawala ng mga ari-arian, mga tirahan, at
buhay ng mga tao. Ang simpleng habagat at patuloy na pag-ulan ay nagdulot na rin ng malawakang
pagbaha at pagguho ng mga lupa. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pangyayura baaring ito maliban
sa ____________.
A. Pagkakalbo ng kagubatan.
B. Pagbabara ng mga basura sa mga estero at kanal.
C. Pagtira na ng mga iskwater sa mga daanan ng tubig.
D. Paglipat ng tirahan sa mga nakatira sa tabing-ilog sa ibang lugar.

31. Isa sa malaking suliranin ng pamahalaan sa kasulukuyan ay ang isyu na hangganan at teritoryo ng Pilipinas
na nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga bansa. Kung ikaw ay nakakita ng dayuhang
mangingisda na patungo sa karagatang alam mo na sakop ng Pilipinas at pinagsabihan kang tumahimik na
lamang. Ano ang iyong gagawin?
A. Makipaglaban sa mga dayuhan.
B. Sumunod at magsawalang-kibo na lamang.
C. Pabayaan ang mga dayuhan upang makaiwas sa gulo.

D. Magsumbong sa kinauukulan kasama ang kapitan ng barangay.


32. Ang mga likas na yaman ay maaaring mapangkat sa yamang napapalitan at di-napapalitan kaya kinailangan
ng malaman ng mga tao ang kahalagahan nito. Ang ibayong pagtitipid ay mahalaga sa mga yamang hindi
napapalitan. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng likas na yaman ang hindi napapalitan?
A. Langis
B. Isda
C. Halaman
D. Hayop
33. Kailangan ang matalinong paggamit ng likas na yaman lalo na sa kabundukan upang lalong maging sagana
ang yaman dito. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng wastong pangangalaga sa kagubatan?
A. Hayaang maubos ang mga puno upang ang mga hayop ay mawala na.
B. Pagsusunog sa gubat o kaingin system upang magtanim ng ibang puno.
C. Pagpuputol ng puno o pagtotroso upang magamit sa paggawa ng muwebles.
D. Pakikipagtulungan sa pamahalaan upang maiwasan ang mga illegal na Gawain.
34. Maraming programa ang inilunsad ng pamahalaan kabilang na ang paggawa ng palaisdaan mula sa
kakahuyan ng bakawan. Ano ang naitutulong ng mga ito sa pangisdaan?
A. Mapabuti ang produksyon ng talaba, tahong, at sugpo.
B. Mapalakas ang samahan ng mga mangingisda sa ibat-ibang lugar sa bansa.
C. Napaparami ang huli ng mga mangingisda dahil marami silang lambat na gamit.
D. Layuning maparami ang isda dahil ginagawang kublihan, pangitlugan at tahanan ng mga isda.
35. Binigyan niya ng amnestiya ang mga gerilya. Pinatawad ang mga HUKBALAHAP sa mga kasalanang
rebelyon, sedisyon, at illegal na samahan. Sinong pangulo ang nagbigay ng amnestiya at pinatawad ang
mga HUKBALAHAP sa mga kasalanang rebelyon at illegal na samahan?
A. Elpidio Quirino
B. Jose P. Laurel
C. Manuel L. Roxas
D. Ramon Magsaysay
36. Siya ang pangulo na nagpalit ng Pamahalaang Parliamentaryo sa pampanguluhan. Programa niya ang
pagpapasagana sa ani ng palay at pagpalawak ng reporma sa lupa. Sino ang pangulo ang nagpalit na
pampanguluhan na may programang pagpapasagana sa ani ng palay at reporma sa lupa.
A. Corazon C. Aquino
C. Ferdinand E. Marcos
B. Diosdado Macapagal
D. Fidel V. Ramos
37. Pangunahing layunin niya ay ang mabigyan ng sariling lupa ang mga magsasaka at kasanayang walang
lupang sakahan. Nilagdaan niya ang Batas sa Reporma sa Lupa o Agricultural Land Reform Code. Sino ang
tinutukoy dito?
A. Carlos P. Garcia
C. Elpidio Quirino
B. Diosdado Macapagal
D. Manuel L. Roxas
38. Pinagtuunan niya ng pansin ang ekonomiya ng bansa ang pagiging matalinong mamamayan at may
damdaming nasyonalismo. Ang pangunahing programa ng kanyang rehimen ay ang Pilipino Muna?
A. Carlos P. Garcia
C. Elpidio Quirino
B. Corazon C. Aquino
D. Jose P. Laurel

39. Siya ang kilalang pinakamahusay na makata pagkatapos ng digmaan. Isa sa kanyang naging koleksyon ng
tula ay pinamagatang Isang Dipang Langit. Sino ang kilalang pinakamahusay na makata pagkatapos ng
Digmaan?
A. Amado V. Hernandez
C. Gregorio Aglipay
B. Esteban Javellana
D. Lope K. Santos
40. Hangad ni Roxas na mapadali ang rehabilitasyon at industriyalisasyon ng bansa sa tulong ng Estados
Unidos. Nais nitong mabigyan ang mga Amerikano ng pantay na karapatan tulad ng mga Pilipino sa
paglinang at paggamit sa likas na yaman ng bansa at pangangasiwa sa sasakyang pampubliko. Ano ang
tawag sa programang ito?
A. ACCFA
B. PACSA
C. Parity Rights
D. Pilipino Muna
41. Si Heneral Gregorio del Pilar ay tinaguriang bayani ng Pasong Tirad. Paano niya ipinagtanggol ang bansa?
A. Hinabol niya ang mga kawal na Amerikano sa Tirad Pass.
B. Pinasunog niya ang mga kagamitan ng mga sundalong Amerikano.
C. Pinagpatuloy ang laban sa Pasong Tirad hanggang napasuko ang mga sundalong Amerikano.
D. Pinangalagaan niya ang pagtakas ni Emilio Aguinaldo sa pamamagitan ng pagharang sa mga sundalong
Amerikano.
. Paano ipinamalas ni Lapu-Lapu ang kanyang kagitingan laban sa mga mapang-abusong spa ol?
A. Sa pamamagitan ng pakikipagdigmaan.
B. Sa pamamagitan ng pakikipagsanduguan.
C. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanilang kaugalian.
D. Sa pamamagitan ng pangangalaga sa kanilang interes.
43. Ano ang ginampanan ni Gregoria de Jesus bukod sa pagiging Lakambini ng Katipunan?
A. Nag-alaga ng mga katipunerong sugatan.
B. Tumulong sa pagsulat ng Kartilya ng Katipunan.
C. Nag-ingat ng mga lihim na kasulatan, armas, selyo, at iba pang dokumento ng Katipunan.
D. Nagpasa sa mga katipunero ng mahahalagang impormasyon ukol sa Gawain ng mga Kastila.
44. Bakit maraming nabubuhay na mga hayop sa kalupaan at katubigan ng Pilipinas?
A. May mainit na klima ito na higit na kinakailangan ng mga hayop.
B. May malawak at magandang lugar ito na matitirhan ng mga hayop.
C. May katamtamang lagay ng panahon ito na angkop para sa mga hayop.
D. May sapat na bilang ng populasyon ito para pangalagaan ang mga hayop.

45. Madalang ang ulan at di-gaanong matindi ang sikat ng araw sa bahagi ng Ilocos. Dahil dito, tanyag ang
lugar na ito sa mga aning bawang, bulak, at tabako. Ano ang nararapat na konklusyon ukol dito?
A. Mataba ang mga lupain sa Ilocos.
B. Angkop ang uri ng lupa sa Ilocos para sa mga ito.
C. Angkop ang klima sa Ilocos para sa mga pananim na ito.

D. Sana yang mga Ilocano sa pagtatanim ng mga halamang ito.


46. Bakit maraming hayop at halaman ang nabubuhay sa bansa?
A. Sapagkat walang masyadong polusyon sa bansa.
B. Sapagkat mahilig ang mga tao na mag-alaga ng mga ito.
C. Sapagkat ang bansa ay nagtataglay ng mainam na lagay ng panahon.
D. Sapagkat lubusang pinangangalagaan ng tao ang kapaligiran ng bansa.
47. Sa patakarang polo, maraming mamamayan ang pinagtrabaho sa malalayong pook o pinasama sa mga
ekspedisyon. Ano ang naging reaksiyon dito ng mga Pilipino?
A. Sumunod nang maayos ang mga Pilipino.
B. Natutong maging masipag ang mga Pilipino.
C. Umiwas ang marami sa pamamagitan ng paglikas.
D. Nagprotesta ang maraming tao sa pamamagitan ng paglalakbay.
. Ano ang gina a ng mga Pilipinong nakaranas ng matinding pang-aabuso mula sa mga spa ol?
A. Sumunod sila sa kagustuhan ng mga spa ol.
B. Ipinag alang bahala nila ang pagpapahirap ng mga spa ol.
C. Tinanggap ng mga Pilipino ang mga pang-aabuso ng mga spa ol.
D. Naglunsad ng pag-aalsa ang maraming Pilipino laban sa mga spa ol.
49. Ano ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa patakarang Bandala?
A. Tumutol ang ilan sa mga katutubo.
B. Naging sanhi ito ng rebelyon o pag-aalsa.
C. Lumikas ng tirahan ang maraming Pilipino.
D. Nagsawalang-kibo ang maraming katutubo.
50. Sa tabing-ilog o baybay-dagat karaniwang matatagpuan ang mga pamayanan ng mga unang Pilipino. Bakit
sa lugar na ito nagtayo ng pamayanan ang mga unang Pilipino.
A. Malayo ito sa panganib ng mababangis na hayop.
B. Malapit ito sa pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay.
C. Madalas silang makatakas kapag dumarating ang mga kaaway.
D. Wala sa nabanggit.
51. Pagsasaka o pagtatanim ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa Pilipinas. Saan karaniwang
isinasagawa ng mga Pilipino ang gawaing ito?
A. Sa mga kagubatan
B. Sa mga talampas
C. Sa mga kapatagan
D. Sa mga kabundukan

52. Ang kagubatan ay naging mahalagang bahagi ng buhay ng ating mga ninuno. Alin sa mga sumusunod na
pangyayari ang maituturing na di-kabilang sa kahalagahan nito?
A. Nagtayo ng tirahan sa kagubatan ang ating mga ninuno.
B. Natuto silang maghabi mula sa hibla ng mga halamang matatagpuan dito.
C. Naging mahusay silang mangingisda dahilan sa biyayang dulot ng kagubatan.
D. Naging minero ang ating mga ninuno dahilan sa mayaman sa ibat-ibang metal ang kagubatan.

53. Si Manuel A. Roxas ang nahalal na pangulo ng Republika pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa panahong ito, maraming nawasak na imprastruktura at bagsak ang ekonomiya ng bansa. Ano ang
binigyang pansin ng kanyang administrasyon?
A. Pagtitipid ng mga mamamayan.
B. Reporma sa Lupa para sa mga magsasaka.
C. Katarungang panlipunan para sa mga nakararaming Pilipino.
D. Rekonstruksyon at rehabilitasyon ng Pilipinas para umunlad ito.
54. Ang Pilipinas 2000 ay inilunsad ni Pangulong Fidel V. Ramos. Ano ang hangarin ng programang ito?
A. Paunlarin ang turismo ng bansa.
B. Hulihin ang mga tiwaling opisyal ng bansa.
C. Ayusin ang mga sirang imprastruktura ng bansa.
D. Gawing ganap na newly industrialized country ang Pilipinas.
55. Bakit mahalaga ang patakarang Pilipino Muna ng administrasyon ni Pangulong Carlos P. Garcia?
A. Tinangkilik nito ang mga produktong dayuhan.
B. Itinaguyod nito ang pagtutulungan sa pamayanan.
C. Pinalaganap nito ang nasyonalismo sa mga mamamayan.
D. Pumasok ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan dahilan dito.
56. Nagsilaki na ang mga anak ni Mang Mario. Kailangan niya ang karagdagang kita upang mapag-aral ang mga
anak kung kayat siya ay nagpasyang pumunta sa Saudi Arabia upang humanap ng magandang kapalaran
dito. Ano ang dahilan ng kanyang pandarayuhan?
A. Makapaglakbay sa ibang bansa.
B. Magkaroon ng maraming trabaho.
C. Maghanapbuhay upang kumita nang mas malaki.
D. Mapag-aral ang mga anak sa pribadong paaralan.
57. Maraming bilang ng mag-aaral ang nagsipagtapos ng kolehiyo sa Pilipinas. Subalit kulang ang hanapbuhay
dito. Bunga nito, karamihan sa kanila ay nangingibang-bansa na upang doon na maghanapbuhay. Ano ang
dahilan ng pandarayuhan sa pagkakataong ito?
A. Pangkalakalan.
B. Pangkabuhayan
C. Pangkaligtasan
D. Pangkatanyagan
58. Alin sa mga sumusunod ang di-kabilang sa yamang-tubig?
A. Bakawan
B. Kabibe
C. Ulang

D. Pusit

59. Alin sa mga sumusunod na yamang mineral ang itinuturing na di-metal?


A. Marmol
B. Carbon
C. Chromite
D. Manganese
60. Iba-iba ang mga yamang-likas ng bansa. Alin ang pinakamahalaga nitong yamang-likas?
A. Yamang-tao
B. Yamang-tubig
C. Yamang-gubat
D. Yamang-mineral
61. Ang mga likas na yaman ay mahalaga sa bawat tao. Paano ka makakatulong upang mapanatili at
mapayaman ang mga ito?
A. Suportahan ang mga programa ng pamahalaan.

B. Makiisa sa mga paradang pansibiko sa barangay.


C. Magbigay ng suporta sa mga proyekto ng kabataan.
D. Isumbong sa kinauukulan ang mga taong naninira sa kalikasan.
62. Alin sa mga sumusunod ang dalawang paraan ng wastong paggamit ng mga yamang-likas?
1. Pangangaso sa panahon ng close season.
2. Paglalagay ng patabang organiko sa lupa.
3. Panghuhuli ng mga isda sa pamamagitan ng dinamita.
4. Pagmumuling-gubat sa mga apektadong lugar.
A. 1 at 2
B. 1 at 3
C. 3 at 4
D. 2 at 4
63. Nagkaroon ng malawakang pagguho ng lupa sa Barangay Pinyahan dahil naubos na ang mga puno sa
paligid. Ano ang maaaring gawin ng mga tao upang hindi na maulit pa ang mga pangyayaring ito?
A. Magsagawa ng malawakang pagtatanim ng puno sa barangay.
B. Magkaisa ang mga tao sa pagtulong sa mga biktima ng pagguho.
C. Magtulungan ang mga tao sa paglilinis ng mga apektadong lugar.
D. Maglunsad ng kampanya laban sa mga minerong naghuhukay sa ilalim ng lupa.
64.
1.
2.
3.
4.
A.

Ano ang dalawang dahilan kung bakit itinuring na isang demokratikong bansa ang Pilipinas?
Itinalaga ng Kongreso ang Pangulo ng Pilipinas.
Ginagawa ng mga miyembro ng Korte Suprema ang mga batas sa bansa.
Pinipili ang mga opisyal ng bansa sa pamamagitan ng halalan.
Ibat ibang partido pulitikal ang sumasali sa eleksyon.
1 at 2
B. 1 at 3
C. 2 at 4
D. 2 at 3

65.
1.
2.
3.
4.
A.

Ang Pilipinas ay kabilang sa mga demokratikong bansa. Anu-ano ang nagpapatunay sa pahayag na ito?
Inihahalal ang mga pinuno ng bansa.
Hinihirang ng Korte Suprema ang pangulo ng bansa.
Itinatalaga ng Kongreso ang pinakamataas na pinuno ng bansa.
Pinakikinggan ang boses ng nakararami.
1 at 4
B. 1 at 3
C. 2 at 4
D. 2 at 3

66. Ano ang katangian ng Pilipinas bilang isang bansang demokratiko?


A. May malayang halalan
C. May produktibong mga mamamayan
B. May matatag na pamahalaan
D. May matapat na pinunong naglilingkod

67. Karapatan ng isang taong ipaglihim ang anumang korespondensiya at komunikasyon na pag-aari niya.
Paano ito mapangangalagaan?
A. Ipabasa lamang ang mga ito sa magulang.
B. Ibalik sa koreo ang sulat kapag wala ang pinagdalhan nito.
C. Basahin lamang ang sulat kapag kilala ang pinanggalingan nito.
D. Pagbawalan ang sinuman na basahin o pakialaman ang sulat ng iba.

68. Si Rico ay pinagsususpetsahang isang holdaper. Paano mapangangalagaan ng pamahalaan ang karapatang
pantao ni Rico?
A. Ipawalang saysay ang kaso.
B. Ibalik si Rico sa pangangalaga ng magulang.
C. Ipag-utos na dagliang dinggin ang kaso sa korte.
D. Tulungan ng pamahalaan si Rico upang makapagpiyansa.
69. Paano makatutulong ang pamahalaan sa sinumang walang kakayahang kumuha ng abogado para
ipagtanggol siya?
A. Garantiyahan ang pag-utang niya ng pangpiyansa.
B. Tulungan siyang mainterbyu sa radio o telebisyon.
C. Tulungang maisulat ang kanyang kaso sa mga pahayagan.
D. Bigyan siya ng pampublikong abogado na magtanggol sa kanya.
70.
A.
B.
C.
D.

Alin ang nagsasaad ng kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa?


Makilala ang mga Pilipino na marunong makipagkaibigan.
Makararating ang mga Pilipino sa ibang bansa upang mamuhunan.
Magiging madali ang pagpunta ng mga Pilipinong nais manirahan sa ibang bansa.
Mapabubuti ang ekonomiya ng Pilipinas at magkakaroon ito ng relasyong diplomatiko sa ibang bansa.

71.
A.
B.
C.
D.

Paano nakatutulong ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa mga panahon ng kalamidad?
Nagbibigay ng libreng pag-aaral para sa mga batang nakaligtas sa kalamidad.
Nakkikipag-ugnayan nang tuwiran ang mga dayuhan sa mga Pilipinong naging biktima ng kalamidad.
Nagbibigay ng ponding salapi ang mga dayuhang bansa upang ipagawa muli ang mga nasirang gusali.
Nagpapadala ang dayuhang bansa ng tulong pinansyal, pagkain, damit, gamot, at iba pang
pangangailangan na kaya nilang ibigay.

72.
A.
B.
C.
D.

Ano ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang maunlad at papaunlad?


Nabibigyang-halaga ang kultura ng ibang bansa.
Nagiging tanyag na ang mga Pilipinong OFW sa ibang bansa.
Nagkakaroon ang mga bansa ng palitan ng makabagong kaalaman tungo sa pag-unlad.
Nakakapulot ng ideya ang pamahalaan kung paano mapapalakas nito ang pamumuno sa bansa.

73. Ano ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa mga kompanyang multinational upang magtayo ng negosyo
sa bansa?
A. Makapagtatayo tayo ng malalaking gusali.
B. Magiging kilala ang Pilipinas sa buong mundo.
C. Makabibili tayo ng mga imported na produkto.
D. Makapagbibigay ito ng hanapbuhay sa mga mamamayan ng bansa.

74. Paano napagtagumpayan ng mga makabayang Pilipino na makamit ang kalayaan sa naganap na EDSA
Revolution?
A. Sila ay humingi ng tulong sa pamahalaan ng ibang bansa.
B. Sila ay nagkaisang lumaban sa pamamagitan ng mapayapang paraan.
C. Sila ay nagdesisyon na ipahuli ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
D. Sila ay nagtatag ng malakas na partido pulitikal para labanan ang mga abusadong pinuno ng pamahalaan.
75. Ibat ibang paraan ang ginamit ng ating mga bayani upang makamit ang kalayaan. Si Jose Palma ay isa sa
tumulong sa pagkamit ng kalayaan ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang ipinakita niyang pagtulong sa
bansa?
A. Siya ang lumikha ng isang makabayang talumpati.
B. Siya ang naglapat ng titik ng ating pambansang awit.
C. Siya ang nanguna sa maalab na pakikipaglaban sa mga kaaway.
D. Siya ang nagpahayag ng pagtutol sa pamamagitan ng matalinghagang pagtula.
76. Nagpamalas ng kagitingan ang mga pangkat etniko sa kabundukan ng Hilagang Luzon bagamat wala silang
makabagong armas. Paano nila napaalis ang mga mananakop sa kanilang lugar?
A. Nagpakita sila ng pagkakaisa sa pakikipaglaban.
B. Nagtayo sila ng mga tanggulan at kuta sa bundok.
C. Tinutulungan sila ng mga pangkat-etniko sa kapatagan.
D. Nagpamalas sila ng katapangan lalo pat hindi batid ng mga spa ol ang heograpiya ng kabundukan.
77. Alin sa mga sumusunod ang palatandaan ng isang umuunlad na bansa sa larangan ng kabuhayan?
A. Umaasa sa mga dayuhang mamumuhunan.
B. Hindi makapag-isa nang walang tulong buhat sa ibang bansa.
C. May kakayahang magluwas ng kalakal o produkto sa ibang lugar.
D. Madalad na kulang ang mga kagamitang panangkap sa paggawa ng produkto.
78. Layunin ng bawat bansa na maging maunlad ang kabuhayan nito. Ano ang palatandaan ng isang maunlad
na bansa?
A. Paglaki ng kabuuang populasyon.
B. Pagkakaroon ng pagkain ng bawat pamilya.
C. Pagiging matatag ng katayuang pulitikal ng bansa.
D. Pagkakaroon ng hanapbuhay at sapat na kita ng mga mamamayan.

79. Kailan maituturing na maunlad ang isang bansa?


A. Kung magkakaiba ang pangangailangan ng mga tao.
B. Kung pabagu-bago ang pangangailangan ng mga tao.
C. Kung mayroong sapat na katugunan sa mga pangangailangan ng tao.
D. Kung inirarasyon ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
80. Alin sa mga sumusunod ang karaniwang paraan ng pakikipaglabang ginawa ng mga bayaning Pilipino?

A. Pag-aalsa
B. Pakikipagkasundo

C. Pakikipagkapatiran
D. Pagsasawalang-kibo

81. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ni Lapu-Lapu para sa ating bansa?
A. Siya ay nakipagsanduguan sa mga dayuhan.
B. Siya ang gumawa ng paraan upang makipagkasundo sa mga kaaway.
C. Siya ang unang Pilipino na nagtatag ng samahan para labanan ang mga dayuhan.
D. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nagtanggol sa bansa laban sa mga mananakop.
82. Ano ang nagawa ng mga binigkas na talumpati at marahas na panulat ng mga bayaning tulad nina Rizal,
Jaena, del Pilar, at Mabini?
A. Ginising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.
B. Pinatunayan sa mga Espanyol na ang Pilipino ay lahing marangal.
C. Ipinakita sa ibang bansa na marunong at edukado ang mga Pilipino.
D. Inantig ang kalooban ng mga Espanyol upang bigyan ng kalayaan ang mga Pilipino.
3. Ibat ibang magagandang bulaklak ang matatagpuan sa Baguio. Bakit malalago ang tubo ng ibat ibang
bulaklak dito?
A. Dahil sa malamig na klima
C. Dahil sa maikling tag-ulan
B. Dahil sa malawak na kagubatan
D. Dahil sa magandang uri ng lupa.
84. Bakit mahalaga si Apolinario Mabini sa ating kasaysayan?
A. Siya ang tagapayo ni Emilio Aguinaldo.
B. Siya ang nagmulat sa mga Pilipino na maghimagsik.
C. Siya ang nagtatag ng mga kilusang pangkapayapaan.
D. Siya ang nagpasimula ng himagsikan laban sa mga Espanyol.
85. Sa anong pamamaraan isinagawa ng mga repormista ang pakikipaglaban sa mga Espanyol?
A. Paggamit ng malalakas na armas.
B. Pakikipag-ugnayan sa pamahalaang kolonyal.
C. Pagsagawa ng tahasang pagsuway sa patakarang Espanyol.
D. Pagsiwalat sa mga kaapihang dinanas sa pamamagitan ng panulat at talumpati.
86. Ano ang bahaging ginampanan ni Melchora Aquno bilang pinakamatandang kasapi ng Katipunan?
A. Tagapayo ni Emilio Aguinaldo.
B. Tagahatid ng impormasyon sa mga pinunong katipunero.
C. Tagapamagitan sa alitan ng pangkat ng Magdiwang at Magdalo.
D. Tagagamot sa mga sugatang kawal na mga kawal na katipunero.
87. Bakit mahalaga ang gintong alahas at pilak sa hanapbuhay ng unang Pilipino?
A. Ito lamang ang kanilang ikinabubuhay.
B. Ito ang natutuhan nila sa mga Hapones.
C. Ito ang ipinampalit nila sa ibang kalakal.
D. Ito ang mga nakasanayang gawain ng mga unang Pilipino.

88. Bakit mahalaga ang pinagkukunang-yaman tulad ng ilog sa pamumuhay ng mga unang Pilipino?
A. Ito ang nagpapabilis ng kanilang pag-unlad.
B. Ito ang pinagkukunan nila ng kanilang pangangailangang araw-araw.
C. Ito ang naging daan upang magkaroon sila ng kaalaman sa teknolohiya.
D. Ito ang nagbigay sa kanila ng kasanayan upang maging epektibong manggagawa.
89. Bakit mahalaga ang mga kagubatan sa kabuhayan ng mga unang Pilipino?
A. Ito ang ginawa nilang pahingahan.
B. Ito ang nagsilbing kanlungan ng mga ligaw na hayop.
C. Ito ang naging kublihan ng mga tao kapag may kalamidad.
D. Ito ang pinanggalingan ng mga trosong ginagamit sa paggawa ng bahay at iba pang kasangkapan.
90. Sinong pangulo ng bansa ang may kagagawan sa panunumbalik ng demokrasya matapos ang panahon ng
Batas Militar?
A. Corazon Aquino
B. Ferdinand Marcos
C. Fidel Ramos
D. Joseph Estrada
91. Sinong pangulo ng Pilipinas ang nagbago ng petsa ng paggunita ng araw ng kalayaan mula sa Hulyo 4 ay
naging Hunyo 12?
A. Diosdado Macapagal
B. Ferdinand Marcos
C. Fidel Ramos
D. Joseph Estrada
92. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa patakarang Pilipino Muna ni Pangulong arlos P. Garcia?
A. Paggamit ng wikang Pilipino
C. Pagtangkilik ng sarili nating produkto
B. Pag-awit ng mga awit na sariling atin
D. Di pagluwas ng produktong Pilipino
93. Maraming taon na ang nakalipas, maraming mga kababayan natin mula sa Luzon ang naglakas-loob na
permanenteng manirahan sa Mindanao. Ano ang pangunahing dahilan ng pandarayuhan dito?
A. Makita ang kagandahan ng Mindanao.
B. Makipagsapalaran na magkaroon ng hanapbuhay.
C. Maakit ang mga rebeldeng MILF na sumuko na sa pamahalaan.
D. Makalinga ang mga kapus-palad nating mga kababayan sa Mindanao.
94. Sa mga lugar na may nagaganap na paglalaban sa pagitan ng rebelled at military, karamihan sa mga
naninirahan ay nagsilikas upang manirahan sa ibang lugar. Ano ang dahilan ng pandarayuhan dito?
A. Pangkalusugan
C. Pangkabuhayan
B. Pangkaligtasan
D. Pangkarunungan

95. Lumipat ang pamilya ni G. Cruz sa Taiwan dahil tumaas ang kanyang kalungkutan sa kanyang
pinagtatrabahuhang kompanya. Ano ang dahilan ng pandarayuhan ng pamilyang Cruz?
A. Pagbabago ng katayuan sa trabaho
C. Pagnanais na maiba ang lugar na tinitirhan
B. Pagsunod sa kahilingan sa kompanya
D. Pagkawala ng katahimikan sa sariling bansa
96. Bukod sa kagandahan ng Talon Maria Cristina, ano ang naidudulot nito sa industriya sa buong Mindanao?
A. Nagbibigay ng suplay ng enerhiya.

B. Nagiging dahilan ito sa pagdumi ng paligid.


C. Nagsisilbing tagatustos ng inuming tubig sa karatig lugar.
D. Nadadagdagan ang kita ng pamahalaan sa pamamagitan ng turismo.
97. Taglay ng Gitnang Luzon ang pinakamalawak na kapatagan ng bansa. Ano ang pangunahing produkto sa
lugar na ito?
A. Abaca
B. Gulay
C. Kopra
D. Palay
98. Sa Romblon matatagpuan ang pinakamalaking deposito ng marmol. Sa anong likas na yaman kabilang ito?
A. Yamang-mineral
B. Yamang-lupa
C. Yamang-gubat
D. Yamang-tubig
99. Ano ang gawaing makapipinsala sa ating mga likas na yaman?
A. Pagrerecycle muli ng mga waste material.
B. Paglalagay ng cyanide sa ilog o karagatan.
C. Paglalagay ng mga pataba sa mga taniman.
D. Paghihiwalay ng mga basura o waste segregation.
100. Sagana sa isda ang ating mga ilog at karagatan. Bakit ipinagbawal ng pamahalaan ang paggamit ng
dinamita?
A. Upang di marumihan ang tubig.
B. Upang maiwasan ang dagdag na gastos sa panig ng pangingisda.
C. Upang maiwasan na mapinsala ang mga maliliit na isda at iba pang lamang-tubig.
D. Upang matuon ang pansin ng mangingisda sa makabagong pamamaraan ng pangingisda.

Vous aimerez peut-être aussi