Vous êtes sur la page 1sur 7

Ika- 9 ng Hunyo, 2013 (Lunes)

Plano sa Pagkatuto sa Filipino


Grade 7
UNANG ARAW
I. Mga Tunguhin
1. Nasasagot nang wasto ang mga tanong tungkol sa akdang narinig
2. Naipaliliwanag ang mensahe ng awit
3. Naitatala ang mahahalagang impormasyon na narinig sa akda
II. Paksang-aralin
Paksa
Batang-bata ka pa - APO Hiking Society
Yeso
Kagamitan
Kopya ng awiting Batang-batang ka pa
Speaker
III. Pamamaraan
A. Panimulang gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagpuna sa kaayusan ng silid-aralan
4. Pagtala ng liban
5. Salamat ( Ibat ibang dialekto)
6. Gintong Muni
B. Panimulang Pagtaya
Magpapakita ang guro ng isang concept map na ang salita ay pagkabata
. Maglalarawan at magbabahagi ang mga mag-aaral sa kanilang pagkabata.

PAGKABA
TA

C. Talasalitaan
Panuto: Bilugan sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit.
1. Tunay na ang bata ay marami pang dapat malaman at maintindihan sa
mundo.
2. Ang buhay ay hindi paraiso na punung-puno ng kasiyahan.
3. Ang bata ay musmos na wala pang alam.
4. Ang bata ay laging nasasabihan sapagkat kailangan niya ng payo at
parangal.
5. Dapat na maipamulat sa mga bata ang tama at malaman ang dapat na
gawin.
D. Presentasyon ( Grade 7- 5 )
1. Pagpapaawit ng guro sa awiting Batang-bata ka pa.
Pangkatang Pag-awit
Pangkat 1: Unangbahagi ng awit ( I )
Pangkat 2: Ikalawang bahagi ng Awit ( II )
Pangkat 3: Korus 1 & 2
Pangkat 4: Ikatlong bahagi ng awit ( III )
Pangkat 5: Ikaapat na bahagi ng awit ( IV )
2. Sabay-sabay sa pag-awit
E. Pagpapayaman
Mga Tanong:
1. Ano ang mensahe ng awit?
2. Paano inilalarawan ng awit na ito ang pagkabata?
3. Ano-ano ba ang nalalaman mong karapatan ng mga bata?
4. Naniniwala ka bas a sinabi ng awit na may mali sa katotohanan? Ipaliwanag.
5. Ipaliwanag
Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay ay isang mumunting paraiso
lamang.
6. Matapos marinig at mabasa ang awit na ito, may nabago ba sa pagtingin mo sa
pagkabata? Ibahagi kung mayroon.

F. Pagpapalawig
Bawat mag-aaral ay gagawa ng Venn Diagram tungkol sa mga katangian nila
noong sila ay bata pa at ngayong nasa hayskul na sila. Ibabahagi ng ilang magaaral ang kanilang ginawang Venn Diagram.
Mga
Katangian

Katangian nila
noong bata pa
sila

Katangian nila
ngayong nasa
hayskul na sila

G. Sintesis
Sa kabuuan ng ating talakayan,
Dugtungan ang pahayag.
Sa pahayag na batang-bata ka pa at marami ka
pang kailangang malaman, naniniwala ako na
______________________________________________________

o.
IV. Kasunduan:
Humanda sa pangkatang gawain
Magdala ng kagamitang biswal at panulat

Ika- 10 ng Hunyo, 2013 ( Martes)

Plano sa Pagkatuto sa Filipino


Grade 7
IKALAWANG ARAW
I.Mga Tunguhin
1. Nababatid ang kahulugan ng awit
2. Nakapagbibigay ng opinyon batay sa aralin.
3. Nakalalahok sa malayang talakayan.
A. Introduksyon
Pagbibigay ng katanungan ng guro.
1. Ano ang paborito mong awi? Bakit?
B. Presentasyon
Basahin at unawain ang talataan.
Sinasabing ang tugtugin o musika ay isang sining. Sa iba, ito ay isang libangan at
mayroon namang mga taong naipapahayag ang kanilang damdamin. Sa
pamamagitan ng musika, nasasabi nila ang kanilang saloobin, ang lungkot, saya,
tagumpay at kabiguang naranasan.
Likas na mahilig sa musika ang mga Pilipino. Sa katunayan, ang kultura ng
panghaharana ay laganap noong unang panahon bilang panunuyo sa dalagang
nililigawan. Mayroon ding mga awit sa tuwing may mga pagdiriwang tulad ng pista,
kasalan, lamayan at iba pa. Kung susuriin wala itong ipinagkaiba sa tula, tulad sa
awit, ang katotohanan, isang paraan ito ng masining na pagppadama ng emosyon,
kaisipan at mensahe.
May mga tula na may sukat, may tugma na tinatawag na tradisyunal na tula.
Yaong iba ay blangko berso o may sukat ngunit walang tugma at mayroon ding
tinatawag na malayang taludturan ang anyo o walang sukat at tugma.Alin man dito
ang anyo, ang ikinaiba lamang, ang awit ay may tono, may himig at nilalapatan ng
musika ayon sa mensaheng nakapaloob dito at nais iparating sa nakikinig.
C. Pagpapayaman
1. Patunayan na ang mga Pilipino ay mahilig sa musika.
2. Ayon sa awit, may mga bagay pang hindi nalalaman ang mga bata,
isa-isahin ang mga ito sa
pamamagitan ng ladder.

D. Pagpapalawig
Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Ilahad at ipaliwanag ang uri ng taludturang ginamit sa akda.
Pangkat 2
Sa tulong ng Venn Diagram, ano ang kaibahan ng mga awit sa ibang
akdang pampanitikan?

Awit Ib

ibang akdang pampanitikan

Pangkat 3
Suriin ang awit batay sa paksa at mensahe ng awiting
Batang-bata ka pa

Paksa

Mensahe

Pangkat 4
Maglahad ng mga karanasan sa buhay noong kayoy bata pa. Kung
kayoy bibigyan ng pagkakkataong maging bata ulit? Papayag ba kayo? Bakit?
Pangkat 5
Ibahagi ang pagbabagong naganap sa iyong sarili dulot ng isang
awit na napapakinggan sa pamamagitan ng pagbuo ng malinaw na
pangungusap.

E. Sintesis
K-W-L Chart
Dugtungan Mo..
Alam ko.
Nagtataka ako
Natutuhan kong

II. Takdang Aralin


Mga Tanong:
1. Ano ang talata?
2. Ibigay ang mga bahagi ng talata at ang mga hakbang sa pagsulat ng talata.
Magbigay ng halimbawa ng talata Magdala ng papel, bond paper at panulat.

Ika- 11 ng Hunyo, 2013 ( Miyerkules)

Plano sa Pagkatuto sa Filipino


Grade 7
IKATLONG ARAW
I.Mga Tunguhin
1. Natutukoy ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng mabisang talata ( Mekaniks
at kayarian ng talata ).
2. Nakasusulat ng isang maayos na talata.
A. Presentasyon
Tatalakayin ng guro ang mga tuntunin at kayarian ng talata.
1. Ipabasa ang mga talata sa mag-aaral.
Sumapit ang pagbubukas ng klase. Muling nagkakatipun-tipon ang
magkakaibigan at magkakamag-aral sa harapan ng dating paaralan. Halos hindi
magkarinigan ang mga ito dahil sa ingay ng paligid. May nagbibiruan,
nagtatawanan at nagkukuwentuhan. Walang kasing saya ang kanilang pagkikita.
Ikaw, Masaya ka rin bas a pagbabalik eskwela?
Isang ugaling malagananap sa mga tahanang Pilipino ang pagdarasal at
tugtog sa orasyon. Ang lahat ng tao sa loob ng isang bahayan, pati ang mga
katulong, ay tumutungo sa luagar na may dambana at doon sila nagdarasal. Ang
tunog ng kampana sa orasyon ay isang hudyat upang tumigil sa paggawa o pagaaliw at sila ay magdarasal. Ang ugaling ito ay nagpapatibay sa pamamahalang
bumubuklod
sa isang pamilya.
Tanong:
1. Ano ang napansin mo sa talata?
Tuntunin:
Paggamit ng palugit sa unang linya ng talata
Paggamit ng wastong bantas
Pagbabaybay nang wasto
Kayarian:
Simula
Gitna
Wakas
B. Pagpapayaman
Sa pamamagitan ng Venn Diagram, susulat ng dalawa hanggang tatlong
talata ang mga mag-aaral tungkol sa mga nabago sa kanila mula noong sila ay
bata pa na sumusunod sa napag-aralang tuntunin at kaayusan ng talata.
Rubrics
Nagagamit ng wasto ang mga tuntunin at kayarian ng pagsulat ng talata
5
Di gaanong nagamit ang mga tuntunin at kayarian ng
talata
3
Hindi maayos ang paggamit ng mga tuntunin at kayarian ng talata
2
10
Pagbabahagi ng mga mag-aaral ng kanilang ginawang talata
Feedback ng guro/ maag-aaral
C. Pangwakas na Pagtataya
Ang ilan sa mga mag-aaral ay magbabahagi sa klase ng kanilang isinulat.
D. Sintesis
Bumuo ng konsepto batay sa salitang nasa loob ng bilog
Talata

Uri at tuntunin
ng talata

IV. Kasunduan:
Magdala ng bond paper, lapis, at pangkulay, makukulay na papel, gunting, pandikit

Ika- 13 ng Hunyo, 2013 ( Biyernes)

Plano sa Pagkatuto sa Filipino


Grade 7
IKAAPAT NA ARAW
I. Mga Tunguhin
1. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa sariling buhay.
2. Naipapakita sa pamamagitan ng pagguhit o paglikha ng larawan o representasyon ng
buhay hayskul.
II. Paksang-aralin
Paksa
Batang-bata ka pa - APO Hiking Society
Kagamitan
Papel ,pangkulay, lapis, yeso,
III. Pamamaraan
A. Panimulang gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagpuna sa kaayusan ng silid-aralan
4. Pagtala ng liban
5. Ibat ibang dialekto
B. Pagganyak
Pagkatapos, magkakaroon ng maikling talakayan tungkol sa mga payong
ibinibigay sa kanila ng mga magulang nila.
Mga tanong:
1. Ano ang mga payong ibinibigay sa inyo ng mga magulang ninyo?
2. Nasusunod niyo ba ito? Bakit o bakit hindi?
3. Pareho ba ang mga payo nila noong kayo ay bata pa at ngayong hayskul
na? Kung hindi , paano ito nagkakaiba?
C. Sintesis
Magkakaroon ng diskusyon tungkol sa kanilang buhay hayskul.
Tanong:
1. Ano ang mga inaasahan mong pagbabago ngayong hayskul ka na?
2. Ano ang mga bagay na hahanap-hanapin mo mula sa iyong pagkabata o
noong nasa elementary ka pa?
3. Ano ang mga plano mong gawin upang makasabay sa mga pagbabagong
ito?
D. Pangwakas na pagtataya
Bawat mag-aaral ay guguhit ng larawan o representasyon ng isang bagay na
maaaring sumimbolo sa buhay hayskul. Ipapakita nila sa klase ang kanilang
ginawa at ipapaliwanag nila kung bakit ito ang kanilang napili.
IV. Takdang Aralin:
Pamagat: ANG SUNDALONG PATPAT ni Rio Alma
Basahin at unawain Ang Sundalong Patpat ni Rio Alma
Tanong:
Ibuod ang Sundalong Patpat
Talasalitaan:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod at gamitin sa makabuluhang
pangungusap.
a. Umimbulog
b. Nakatinghas
c. Tinigpas
d. Sumibad
e. Ipinukol
Sanggunian: Learning Package sa Filipino 7

Vous aimerez peut-être aussi