Vous êtes sur la page 1sur 6

ALAALA

Sa Mga Paring G. MARIANO GOMEZ (85 taon)


JOSE BURGOZ (30 taon)
at JACINTO ZAMORA (35 taon)

na binitay sa Bagumbayan ng ika-28 ng


Febrero ng taong 1872

Ang Relihiyon, sa pagtanggi na paknitan kayo ng


dangal, ay nagbigay alinlangan sa krimen na ibinibintang
sa inyo1; Ang gobierno, sa pagbabalot ng misteryo at

MGA PALIWANAG

 May ilang dapat na pagtutuwid sa mga datos pangkasaysayan na


binanggit si Rizal sa bahaging ito.

Ang pagbitay sa GOMBURZA ay nangyari noong umaga ng


Pebrero 17, 1872. Sa panahon ng pagbitay sa kanila si Padre Gomez
ay 73 taon; Padre Burgos ay 35 taon, at si Padre Zamora ay 37 taon.
Ang mapapansin rito ay ang paniniwala ni Rizal na si Padre
Burgos ay namatay sa napakabatang edad na 30 taon. Ang edad ni
Burgos ay waring inaakala rin ni Rizal magiging edad ng kaniyang
kamatayan. Maging si Rizal sa kaniyang pagtatapat kay Marcelo H.
Del Pilar ay nasabi niya na ang kaniyang inaasahang edad lamang ay
30 taon.
Noong ng umuwi si Rizal sa Pilipinas mula sa Hongkong noong
1892, si Rizal ay 30 at nag-iwan na ng mga sulat habilin sa kaniyang
kaibigang si Dr. Marguez para sa kaniyang mga pamilya at sa
bansang Pilipinas na bubuksan lamang kung siya ay mamamatay.
Hindi namatay si Rizal sa edad na 30, subalit tugma pa rin ang
kaniyang hinala na mamamatay siya na ka-edad ni Burgos, sapagkat
si Rizal ay binitay sa kaparehong edad ni Burgos na 35 taon, sa
iisang lugar (Luneta), at inilibing halos sa iisang libingan.

1
DEGRADASYON 0 PAGPAKNIT SA KASUOTANG PAGKAPARI NG
TATLO. Pagkatapos na pagkatapos ngang mailagda ang naging hatol
ng Sangguniang Digma ay ipi. natalastas kaagad ng Gobernador
Heneral, sa Arsobispado ang nasabing kahatulan upan-ding karakang
magawa ang "degradacion eclesiastica" o ang pagpapaknit o
paghuhubad ng abito sa tatlong paring bibitayin. Ang Arsobispo noon
na si P. Meliton Martinez ay nagutos kapagdaka na niyon din ay
gawin ang paglilitis sa kasalanang ibinuhat Dagliang binuo nga nang
ika 27,(sic) at nang nasa sa kapilya ang mga bilanggo, ay ilinagda ng
Arsobispo ang kanyang kahatulan na anito ay hindi maaaring gawin
ang "degradasyon eklesyastika" pagka't isa man anya sa mga
paratang ay walang napatunayan upang gayon nga ang gawin.
Venago, Martin F. 1929. Ang mga paring Pilipino sa kasaysayan ng
Inang bayan (Maynila).
anino sa inyong usapin, upang paniwalaan na ito ay
nagkaroon ng mga pagkakamali, na nagawa sa mga
nakamamatay na sandali, at ang buong Pilipinas, sa
pagpipitagan sa inyog alaala at pagtawag na kayong mga
martir, ay hindi kinikilala sa anumang paraan ang inyong
pagkakasala.2

Samantalang hindi naipapakitang maliwanag ang


inyong partisipasyon sa pagkakagulong Kabitenyo, naging
patriota man kayo o hindi, nagkaroon man kayo o ng hilig
sa pagtatanggol sa katarungan, nagkaroon ng hilig sa
kalayaan,3 ay may karapatan akong ihandog sa inyo ang
aking gawa bilang mga biktima ng kasamaang aking
kinakalaban,4 At
samantalang
hinihintay namin
na kilalanin ng
Espanya balang
araw ang inyong
kabutihan at
hindi kapanagot
sa inyong
kamatayan, ang
mga pahina nito
ay magsilbing
nabalam na korona5 sa inyong mga hindi kilalang
2
Sa kabila ng pagkakabitay ng GOMBURZA ay hindi pinaniwalaan ng
nakakaraming mga Pilipino ang bintang sa tatlo. Ang katotohanan,
ang kanilang kamatayan ay panimula ng panibagong kilusan mula sa
Kilusang Reporma ng 1860s tungo sa Kilusang Propaganda ng 1880s.
3
May pagtatanong si Rizal sa tunay na papel ng GOMBURZA sa
pagsulong ng kalayaan ng Pilipinas. Kung ang kanilang pagkilos
noong mga huling bahagai ng 1860”s sa ilalim ng Kilusang
Repormadores ay para lamang sa pagsusulong ng karapatan ng mga
kapariang secular o may dimensiyon na pangbayan.
4
Sa kabila ng mga naunang pag-aalinlangan na naipahayag, ang
paghahandog ni Rizal sa El Filibusterismo ay dahilan sa ang mga ito
ay biktima ng kasamaan na kaniyang nilalabanan. Iisa ang
pinagbibintingan sa kamatayan ng GOMBURZA at ito ay ang mga
prayle.
5
Tardia corona/late wreath – nabalam na korona paara sa
GOMBURZA ang akdang El Fibusterismo. Ang katotohanan, taong
1891, nang ang akda ay malimbag at halos tila ihabol ni Rizal sa ika-
20 taon ng pagkamartir ng tatlong dakilang paring Pilipino.
Bakit 1891 at hindi 1892, ipinalimbag ang El Filibusterismo.
Tandaan sana na inaakala ni Rizal na siya ay mamatay sa edad na 30
na katulad ni Burgos na maaring maganap sa taong 1892.
ibingan,6 at sila na walang malinaw na ebidensiya na
uupasala sa inyong alaala, ang inyong dugo sana ay
magmantsa sa kanilang mga kamay.

PAUNANG SALITA

SA SAMBAYANANG PILIPINO
AT SA KANILANG PAMAHALAAN

Malimit na tayo ay tinatakot sa multo ng


pilibusterismo na mula sa pagkukuwento lamang ng
ating mga tagapag-alaga ay nagiging positibo at
makatotohanan, na sa katawagan lamang (sa pag-aalis sa
atin ng katahimikan) ay nakakagawa na sa atin ng
malaking pagkakamali.7 Sa pagsasantabi sa mga lumang
paraan ng paggalang sa mga matatandang alamat, upang
6
Isang pagbibiro na tadhana na sa bahaging ito ay binanggit ni hindi
kilalang libingan. Ito ay sapagkat si Rizal at ang GOMBURZA ay
ililibing sa halos iisang bisinidad sa Sementeryo ng Paco. Ang larawan
ay kinuha ng nasasaliksik sa url na:
http://www.flickr.com/photos/20119750@N00/2333611669
Maraming salamat po.

 Ang bahaging ito ay kasama sa manuskrito ng El Filibusterismo,
subalit hindi nakasama sa paglalathala. Sinasapantaha na ang
dahilan sa hindi pagsasama nito ay upang makabawas sa gastusin sa
pagpapalimbag.
Dahilan sa hindi ito naisama sa nalimbag na bahagi, ito ay
naging isang pribadong kaisipan na kababakasan natin ng balangkas
ng kaisipan ni Rizal sa panahon na kaniyang sinusulat ang El
Filibusterismo.
7

Ang pagkakamali na nangangahulugan ng mga gawang kuwento ukol


sa takot ng salitang pilibusterismo ay natalakay ni Rizal sa Kabanata
35 ng Noli Me Tangere.

“Ako! Tinawag na plibustiero na kagaya ni


Ginoong Crisostomo ng mga paring puti. Wala ng
paaralan.”
Ang lahat ay nagtanungan sa tingin. Ang salitang iyon
ay bago para sa kanila.
“At masama ba ang pangalang iyan?” ang sa
huli ay mapangahas na tanong ng isang hangal na
taga-bukid.
“Ang pinakamasamang masasabi ng isang
Kristiyano sa kapwa!”
“ Masama pa kaysa tarantado at saragate?”
“Kung iyan na nga ba lamang! Makailan na
akong tinawag nang ganyan ay hindi man lamang
sumakit ang aking tiyan.”.
hindi makaharap ang kinatakutang relidad, 8 imbis na
takasan ay kailangan na harapin natin ang multo
(pilibusterismo) na may determinasyon kung hindi man
may kasanayan,9 itataas ng ating mga kamay ang velo
upang malantad sa madla, ang mekanismo ng kaniyang
mga kalansay.10

Sakaling makita ito at pag-iisipan ng ating bansa at


pamahalaan,11 maari nating maituring ang ating mga
sarili na maligaya, pigilan man nila ang ating
kapangahasan, pagbayaran man natin ito na katulad ng
estudyante ng Sais na nagnanais na malaman ang lihim

8
Ang mga Pilipino ay umiiwas sa mga nakakatakot na realidad sa
pamamagitan ng pagyakap sa mga mitolohiya na pinaniniwalaan
niyang makapag-sasanggalang sa kaniya.
9

Determinasyon kung hindi man kasanayan – isang pagtuturo ni Rizal


sa maaring paraan ng pakikibaka ng sambayanan sa multo ng
pilibustersmo na tumatakot sa kanilang kapanahunan.
10

Muli na namang ginamit ni Rizal ang salitang velo na katulad sa


kaniyang ginawang dedikasyon sa Noli Me Tangere. Sa bahaging ito ay
ipinapakita ni Rizal na ang kinatatakutan ng mga Pilipinong “multo”
ay isa lamang kalansay.

Mekanismo ng kalansay – sa nobelang Noli Me Tangere ay ipinakita


niya ang lipunang Pilipino sa perspektibo na ang gamit ay ang mga
karaniwang tao sa isang liblib na bayan. Sa nobelang El
Filibusterismo ay ipapakita naman niya lipunang Pilipino mula sa
perspektibo na ang kaniyang pagagalawin ay ang mga naghaharing
uri sa lipunan na nasa sentro ng pamahalaan (Kamaynilaan).
11

Ang katuturan ng El Filibusterismo mula sa pahayag na ito ni Rizal


ay upang pag-isipan ng Pilipinas at ng kaniyang pamahalaan
mga ng makapariang panlinlang.12 (Sa kabilang dako, sa
harap ng katotohanan, imbes na maging mahinahon ay
maragdagan pa ang takot at pangamba ng isa ay lalo
pang umigting, sa ganoon ay hayaan silang maiwan sa
mga kamay ng panahon na nagtuturo na mabuhay, sa
kamay ng kamatayan na humahabi ng tadhana ng
sambayanan at ng ng kanilang mga pamahalaan, sa
pamamagitan ng mga kasalanan at pagkakamali na
nagagawa nila araw-araw.)

12

Upang maunawaan ang ibig sabihin ni Rizal ay basahin natin ang


isang pag-aaral ukol sa Estudyante ng Sais.

Schiller, in his poem The Vield Image of Sais (1795), tell of a


young man who comes to Sais in Egypt, the old seat of priestly
learning, in search of wisdom. Dissatisfied with truth which
never provide more than fragmentary knowledge, he demands
to understand the meaning of the whole and to know the
truth. Before the image of Isis he told that behind her veil the
truth lies hidden; yet he is warned no to lift it. The meaning of
this warning is not clear to him. He who lifts the "holy and
forebidden" veil, it is said will see the truth; no other
punishment is indicated. But is the vision of the truth to be
feared? It is not this he wants? the warning is rejected. The
next day he os found uncocious at the base of the veiled
image. He never tells what he has seen but warns other not to
let the search for truth lead them into guilt. Unable to
forget the dreadful experience, he soon dies.

Harries, Karsten. The meaning of modern art; a philosophical


interpretation. (Northwestern University Press, 1968) p. 49

Muli na namang sinipi ni Rizal si Schiller sa kaniyang


ikalawang nobela. Sa Noli ay ginamit ni Rizal si Schiller upang
itanong kung hindi kayang makapagtanghal sa ating tanghalan
(kasaysayan) ang isang Caesar at ang mga makapagtatanghal bang
mga bayani rito ay mga talunan.
Sa pagkakataong ito sa Fili na hindi dapat na isipin na
nagkakasala ang sinuman sa paghahanap ng katotohanan. Isang
hindi sinasadyang sagot ni Rizal sa pinalabas na Statement of the
Catholic Heirarchy of the Philippines ukol sa kanilang pagtutol na
basahin ng mga Pilipinong Katoliko ng buo ang Noli at Fili.
Ang maagang kamatayan ng estudyante ng Sais pagkatapos na
malaman ang katotohanan ay maaring nasa loob na ni Rizal sa
kalapitan ng kaniyang kamatayan na inaakala niyang magaganap sa
edad na 30 o sa taong 1892.

 Ang bahaging ito ay nakapaloob sa panaklong at tinarahan ni Rizal


na katulad ng ginawa ng nagsasaliksik, subalit mababasa ang teksto


ng orihinal na manuskrito. Ang kabuuan ng mga sinabing ito ni Rizal
ay kaniyang pananaw sa takbo ng kasayayan. Maging ang simbahan
BABALA
Sasayangin lamang nila ang kanilang mga oras sa
pagtuligsa sa aklat na ito sa pamamagitan ng
panghahawak sa mga bagay na walang halaga, 13 o silang
may ibang kadahilanan, ay magtangkang tuklasin dito
ang mga higit-kumulang ay kilala ng mga tauhan. 14 Totoo
sa kaniyang layunin na ilantad ang karamdaman, ang
may-akda ay hindi na nagsaalang-alang ng mga
nakalipas na hinaing ng maysakit, upang huwag iligaw
ang kaniyang sarili at mga mambabasa, at isalaysay
lamang ang mga tunay na pangyayari, na naganap
lamang kamakailan at mapapatotohanan, ngunit binago
ang ibang katauhan upang huwag lumabas ang mukha
sa mga mambabasa sa unang aklat. Ang tao ay lumisan,
ang kaniyang bisyo ay nananatili, at upang maipakita o
maipamalas ang dulot niyon naghangad ang panitik ng
manunulat.

ay natuto sa bahaging ito, mula sa kaniyang pagiging reaksiyonaryo


sa nakalipas na panahon na ngayon ay nag-aanyo ng progresibo.

 Ang bahaging ito ay kabilang din sa orihinal na manuskrito na


hindi nakasama sa pagpapalimbag.
13

Panghahawak sa mga bagay na walang halaga – Ang higit na


pinatatamaan dito ni Rizal ay ang mga alagad ng simbahan.
Naisulat ni Rizal ang bahaging ito mula sa kaniyang unang
karanasan sa pagkakalimbag ng Noli Me Tangere kung saan ang mga
prayle ay ginamit ang mga aral pang-relihiyon upang huwag itong
mabasa ng mga Pilipino, sapagkat ang relihiyon at ang katotohanan
ay hindi magkatunggali.

Ang bahaging ito naman ay para sa pamahalaan at mga tauhan ng


14

ahensiyang pang-espiya.

Vous aimerez peut-être aussi