Vous êtes sur la page 1sur 4

Ang wika ay pantao

Ang wika ay pantao dahil ito and makataong pamamaraan ng pagpapahayag


ng ating mga kaisipan,saloobin o damdamin.Ito rin and pinakakasangkapan ng
pagpapalitan ng ideya,kuro-kuro, atbp.Ang tao ay may kakayahang gumamit ng
wika dahil napapaunlad niya ito.Nakabubuo siya ng mga tunog na may kahulugan
at hindi gaya-gaya lamang.
Ang wika ay arbitrary
Ang wika ay arbitraryo sa dahilan na ito yong mga salitang pinagkasunduan
ng mga tao para gamitin nila sa pang araw-araw na pamumuhay.Dahil sa
arbitraryo, nakakabuo ang mga tao ng ibat ibang salita na sila lamang ang
nagkakaunawaan.Isang halimbawa nito ang salitang tsibog na ang ibig sabihin ay
kakain na.
Ang wika ay natatangi
Ang wika ay natatangi sa dahilan na ito ang ating pinakainstrumento sa
komunikasyon.Dahil itoy natatangi ikanga,tayoy pinagbubuklod-buklod at pinagiisa para lalo pang paunlarin ang wikang mayroon tayo ngayon.Ito rin ang dahilan
kung bakit napapanatili ng bawat isa ang magandang pag sasamahan o
pagkakaibigan.Ito rin and dahilan kung bakit tayoy nakabubuo ng mga ideyang
kaakit-akit para mapakinabangan ng ibang taong lubos pang nangangailangan ng
kaalaman.
Ang wika ay nagbubuklod ng bansa
Kung walang wika,wala tayong matatag na bansa.Ang wika ay nagbubuklod
ng bansa dahil ( halimbawa) alam natin na noong unang panahon ay sobra ang
kalupitan ng mga dayuhan partikular na and mga Kastila.Dahil sa wikang
Filipino,binuklod nito ang ating mga ninuno/bayani na isulong ang pag-aalsa sa
pamamagitan ng pagsulat ng mg a kwento at ibat ibang babasahin na parang silasila lang ang nagkakaunawaan.Dahil sa walang kamalay-malay ang mga Kastila
kung ano ang mga yon,nakamit ng ating mga kababayan ang kanilang inaasam.
Ikanga ang wika at kultura ay di mapaghihiwalay
Tama! Sa dahilan na ang bawat wika ng mga tao saan mang panig ng mundo
ay nakabatay sa kung anong kultura mayroon sila.Dahil din sa kulturang angkin ng
kanilang bansa,lubos nila itong napapaunlad dahil pinagbubuklod sila ng kanilang
wikang ginagamit.Ano mang kultura mayroon tayo, itong wika ang syang
kumukuntrol

Ang wika ay may iba't ibang katangian. Ito ay isa sa mga mahahalagang bagay na ibinigay
ng Diyos sa tao upang mabuhay nang may kabuluhan at makamit niya ang kanyang mga
pangarap at mithiin sa buhay.
1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig
ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.
Halimbawa:
nag-aaral

Sarah

mabuti

makapasa

eksamin

Mapapansing batay sa mga salitang nakalahad sa itaas, tayo ay makabubuo ng isang


pangungusap tulad ng:
Si Sarah ay nag-aaral nang mabuti upang makapasa sa eksamin.
2. Ang wikang ay sinasalitang tunog. Makabuluhan ang wika sapagkat ito ay nagtataglay
ng tunog. Subalit hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may
kahulugan. Sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang
pinakamakabuluhang tunog na nilikha natin ay ang tunog na salita. Ito rin ang kasangkapan
ng komunikasyon sa halos lahat ng pagkakataon. Tanging sinasalitang tunog lamang na
nagmumula sa tao ang maituturing na wika. Nilikha ito ng ating aparato sa pagsasalita na
nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga ng nagdaraan sa pumapalag na bagay na
siyang lumilikha ng tunog (artikulador) at minomodipika ng ilong at bibig (resonador).
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na piliing
mabuti at isaayos ang mga salitang gagamitin upang makapagbigay ito ng malinaw na
mensahe sa kausap. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin.
4. Ang wika ay arbitraryo. Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi
matututong magsalita kung papaanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay
nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan.
Halimbawa:
Kung ikaw ay nasa Pangasinan, kailangan ang wikang iyong sinasalita ay ang wikang
gamitin sa Pangasinan upang magkaroon ka ng direktang ugnayan sa lipunang iyong
ginagalawan.
Ang pagiging "arbitrary" ng wika ay maari ring maiayon sa konbensyunal na

pagpapakahulugan ng salitang ginagamit. Walang kaugnayan ang salitang ginagamit sa


ipinakakahulugan nito. Isang halimbawa ay ang salitang "aso" sa ingles ang gamiting salita
ay "dog", sa Ilokano, ito ay "aso", sa Pangasinan ito ay "aso" maaaring pareho ang mga
salitang ginamit dahil ang mga gumagamit ng wika ay napagkayariang ito ang gamiting
salita kaya't ito ang pangkalahatang gamit sa salitang "aso"
5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba
pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi
ginagamit ay nawawalan ng saysay.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ang
sagot ay makikita sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at pangkat. Ito ang
paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika.
Pansinin natin ang pagkakaiba ng wikang Filipino sa Ingles. Anu-ano ang iba't ibang anyo
ng "ice formations" sa Ingles? Ngunit ano ang katumbas ng mga iyon sa Filipino? Maaring
yelo at niyebe lamang, ngunit ano ang katumbas natin sa iba pa? Wala, dahil hindi naman
bahagi sa ating kultura ang "glacier", "icebergs", "forz", "hailstorm" at iba pa.
7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago.
Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng
pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita.
8. Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang
pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng
pangungusap. Walang pangungusap kung walang salita.
9. Ang wika ay makapangyarihan. Maaaring maging kasangkapan upang labanan ang
bagay na salungat sa wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay
ang wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang walang
kamatayang akdang "Uncle Tom's Cabin" na isinulat ni Stowe. Dahil sa nobelang ito,
nagkaroon ng lakas ang mga aliping itim na ipaglaban ang kanilang mga karapatang pantao
laban sa mga Amerikano. Ang salita, sinulat man o sinabi ay isang lakas na humihigop sa
mundo. Ito ay nagpapatino o nagpapabaliw, bumubuo o nagwawasak, nagpapakilos o
nagpapahinto.
10. Ang wika ay kagila-gilalas. Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham,
kayraming salita pa rin ang kay hirap ipaliwanag. Pansinin ang mga halimbawa:
a. may ham nga ba sa "hamburger"? (beef ang laman nito at hindi hamo)
b. may itlog nga ba sa gulay na "eggplant"?
Ayon muli kay Garcia (2008), mahahati sa tatlong pangkalahatang uri ang mga

kahalagahan ng wika, dito uusbong ang mga detalyadong kahalagahan nito.


1. Kahalagahang PANSARILI. Nakapaloob dito ang individwal na kapakinabangan. Halos
lahat ng teorya ng pinagmulan ng wika ay nag-ugat sa sariling kapakinabangan:
pagpapahayag ng damdamin, iniisip at maging ng mismong pagkatao. Isipin na lamang
kung walang wikang natutuhan ang tao! Ang bunga nito ay kalunos-lunos! Alisin ang wika
sa isang individwal at waring inalis na rin ang pagkatao.
2. Kahalagahang PANLIPUNAN. Walang alinlangang ang tao ay hindi namumuhay ng
mag-isa. Kailangan niya ang kanyang kapwa upang bumuo ng isang lipunang sasagisag sa
kanilang iisang mithiin, sa kanilang natatanging kultura. Ito ang dahilan kung bakit may iba't
ibang lipunan. Wika ang dahilan kung bakit minamahal ng sinumang nilalang ang kanyang
sariling kultura. Ayon kay San Buenaventura (sa aklat nina Resuma at Semorlan, 2002):
Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinulat: isang hulugan, taguan, imbakan, o
deposito ng kaalaman ng isang bansa, isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak
dito. Sa madaling salita, ang wika ang kaisipan ng isang bansa kaya't kailanman, ito'y tapat
sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang mga haka-haka at
katiyakan ng isang bansa". Bawat salitang ipinahahayag sa isang lipunan ay katumbas ng
kanilang mga tanging pakahulugan sa buhay.
3. Kahalagahang Global Interaksyunal. Ang kahalagahang ito ay kailan lamang ganap na
napag-uukulan ng pansin. Naging mainit ang isyung ito nang magkaroon ng 2001 Revisyon
ng Alfabeto. Maraming nagtaas ng kilay sa mga letrang F, J, at Z bilang mga letrang maaari
nang gamiting sa pagbaybay ng mga karaniwang salitang hiram. Malinaw na nakasaad sa
Konstituyon ng 1987 na ang Wikang Filipino ay ang wikang pambansa at ang Ingles ang
wikang internasyunal. Dahil sa nangyaring revision, lumilitaw na "lumalapit" ang baybay ng
maraming salitang Filipino sa mga salitang Ingles at iba pang banyagang wika.

Vous aimerez peut-être aussi