Vous êtes sur la page 1sur 6

Buod ng Noli 31-45

Kabanata 31
Ang Sermon

Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang kastila at Tagalog.


Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng
laway dahil sa alam niyang higit na maagaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling
sermon.
Kabanata 32
Ang Panghugos

Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos ng
kalong ang kanyang itinayo.
Sabi nito ay mayroong walang metro ang taas , nakabaon sa lupa ang apat na haligi. Sa haligi
nakasabit ang malalaking lubid kayaq tila napakatibay ng pagkayari at napakalaki. Ang bandang
itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay.
Kabanata 33
Malayang Kaisipan

Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng
babala sa kanya. Isa pa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag
din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako ito ay mayroong kaaway.
Kabanata 34
Ang Pananghalian

Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay
Ibarra. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin
nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero,
nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang
pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin
nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria.
Kabanata 35
Mga Usap-usapan

Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong
San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Handa ang
binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang ama.
Kabanata 36
Ang Unang Suliranin

Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng
Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang
ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra
habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.
Kabanata 37
Ang Kapitan-Heneral

Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna


niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre
Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig ang
buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito,
nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral. Mayroon siyang panahon
basta sa katarungan.
Kabanata 38
Ang Prusisyon

Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang

inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol.
Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang
alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan.
Kabanata 39
Si Donya Consolacion

Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni Donya Consolacion ay pinid na pinid. Nang
umagang iyon, ang asawa ng alperes at paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi
nakapagsimba. Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa. Ikinahihiya ng alperes
ang katawa-tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga
guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa
kay Maria Clara.
Kabanata 40
Ang Karapatan at Lakas

Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw ay parang
bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng luces de Bengala na siyang nagsisilbing ilaw sa
mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan. Tapos na ang unang bahagi ng dula nang
pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na binati
niya ang kasintahan at ang mga kasama nito.
Kabanata 41
Dalawang Dalawa

Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa kanyang
laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing
taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang kanyang panauhin ay si
Elias. Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o
may sakit si Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang
magtungo sa Batangas at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya.
Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.
Kabanata 42
Ang Mag-asawang De Espadaa

Dumating sa bahay ni Kapitan Tiago sina Dr. Tiburcio de Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni
Pari Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya at ang kanyang asawa na si
Donya Victorina na sa biglang tingin ay napapagkamalang isang Orofea.
Kabanata 43
Mga Balak o Panukala

Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay anaanak ng bayaw ni


Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si
Linares ay nangangailangan ng trabho at mapapangasawa. Ayon kay Damaso madali niyang
maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central.
Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakauapin nila si Tiyago.
Kabanata 44
Pagsusuri sa Budhi

Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang pagkahibang walang sinasabing


pangalan kundi ang pangalan ng kanyang inang hindi man lamang nakikilala.Siya ay
binabantayang mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay nagpamisa at
nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Unti-unti namang bumaba
ang lagnat ni Maria.
Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta niya sa dalaga. Sa
kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng asawa.
Kabanata 45
Ang mga Pinag-uusig

Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad na makilala at makatulong sa


isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong
marangal na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang KapitanHeneral. Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang binatang
ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan.
Kabanata 46
Ang Sabungan

Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa San Diego. Nasa loob ng
sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas. Habang hindi magkamayaw sa pagpusta
ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang magkapatid na sina
Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta.
Kabanata 47
Ang Dalawang Senyora

Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay naman na namamasyal sina
Donya Victorina at Don Tiburcio upang malasin ang bahay ng mga Indio. Nang mapadaan ang
Donya sa tapat ng bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga paningin. Parehong matalim.
Tiningnan ng alperes ang Donya mula ulo hanngang paa, ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod
ng Donya ang alperes at nagkaroon ng mainitang pagtatalo Binanggit ng Donya ang pagiging
labandera ng alperesa samantalang pinagdidikdikan naman ng huli ang pagiging pilay at
mapagpanggap na asawa ng Donya. Puyos sa galit, Habang hawak na mahigpit ang latigo ng
alperes na nanaog si Donya Consolacion, upang daluhugin si Donia Victorina. Pero, Bago magpang-abot ang dalawa, dumating ang alperes. Umawat si Don Tiburcio. Ang pangyayari ay
sinaksihan ng maraming tao na nakatawag pansin ng kanilang pagtatalakan.
Kabanata 48
Ang Talinhaga

Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang hindi pinasabing pagdalaw. Nakatingin
lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi.
Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya dadalaw.Tumango ang
dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang
kanyang isip.
Kabanata 49
Ang Tinig ng mga Pinag-uusig

Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na
humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Hindi na nag-aksaya ng
panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad.
Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na
binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala.
Kabanata 50
Ang mga Kaanak ni Elias

Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang
din sa mga sawimpalad. May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor
de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki,
ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya.
Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad
sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at
pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng
pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang
gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang

babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping
pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang
bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang
paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon.
Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.
Kabanata 51
Mga Pagbabago

Hindi nakaimik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya Victorina. Alam
ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino
naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago.
Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na
makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.
Kabanata 52
Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino

Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng
makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng
pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero
siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang
unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang
kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa
kura.
Kabanata 53
Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga

Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng
nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San Francisco, may 20 ang
nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at paghikbi naman ang narinig ni Ermana sipa
kahit na malayo ang kanyang bahay sa libingan. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa
kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.
Kabanata 54
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa

Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang
tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa
kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang
nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto
ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay.
Kabanata 55
Ang Pagkakagulo

Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Nakatakdang
dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa
kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari
samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana,
silang lahat ay tumindig upang magdasal.
Kabanata 56
Ang mga Sabi at Kuro-kuro

Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa mang
tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid.
Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin.
Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbukas ng bintana. Ang mga

magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong
mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay.
Kabanata 57
Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig

Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra
sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang
ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos
ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang
kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali
pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong
sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa
magdugo ang buong katawan nito.
Kabanata 58
Ang Sinumpa

Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang
mga babae ay ayaw umalis. Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang
isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na
humihila sa kariton. Pero pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila
iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo. Pagkakita kay Ibarra ng mga
tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali.
Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko.
Kabanata 59
Pag-ibig sa Bayan

Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga


diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iba-iba ang estilo ng mga
balitang lumaganap. Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral
daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa kabilang dako sa isang
pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani ang
tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking
komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata.
Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga indio kayat di dapat
silang ituring na mga tunay na tao.
Kabanata 60
Ikakasal na si Maria Clara

Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaa na kapwa itinuring na


pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si
Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagamat namumutla at mahina si
Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina
Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na
kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari,
desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siyay maglalabas-masok
sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan
Heneral, kayat inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
Kabanata 61
Ang Barilan sa Lawa

Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang
kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan
ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang

bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa
Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na
lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero,
tumanggi si Elias.
Kabanata 62
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso

Hindi napansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata
niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero,
hindi naman binabasa ni Maria ang dyaryo. Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na hinilingan
kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang
kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking
kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o
ang kumbento.
Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng
tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang
kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa
kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan.
Kabanata 63
Ang Noche Buena

Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng hanging
amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mga tao.
Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wala man lamang nakasabit na mga parol
sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng
kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila si
Sisa na isa ng palaboy pero hindi naman nananakit ng kapwa.
Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang
tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng
walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit
nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero
binato siya ng alilang babaing nasa daan.
Kabanata 64
Katapusan

Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. Namatay


si Padre Damaso sa sama ng loob. Sa kabilang dako, si Padre Salvi habang hinihintay niya ang
pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clara na pinasukan ni Maria
Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila. Ilang linggo
naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping
paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga
kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa
Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa.

Vous aimerez peut-être aussi