Vous êtes sur la page 1sur 6

Ano Nga Bang Halaga ng Isang

Boboto?
Caloy Dio, General Secretary, Votenet Philippines

May Halaga Ba and Isang Boto?


May nakausap ako na ilang kabataan na halos walang interest sa pag-boto sa
susunod na eleksyon. Wala naman daw halaga ito.
Kung isa ka nga lang naman sa 50 million registered voters ng Pilipinas, ano nga ba
ang halaga ng isang boto? Kaya ba nitong baguhin ang resulta ng eleksyon?
Magbabago ba ang takbo ng bansang Pilipinas kung boboto ka man o hindi?
Naiintindihan ko bakit parang wala silang paki-alam sa pulitika at sa sistema ng
eleksyon. Totoo naman na maraming problema ang democratic processes ng bansa.
Sabi ng iba, messy daw ang demokrasya. Hindi daw mai-represent ng election
system ang tunay na boses ng mamamayan.
Kaya sa isang banda, para ngang walang halaga ang isang boto. Kung rule of the
majority ang pinaguusapan, ano nga ba ang laban ng isang boto sa 25,000,001 na
boto laban sa iyo?
Pero subukan mong alisin ang karapatang bumoto, subukan mong alisin ang
karapatan mong mag-express ng pananaw tungkol sa mga isyu na mahalaga sa iyo,
sigurado ako aalma ka.
Sabi nga ng isang awit si John Lennon noong 1970s, "You don't know what you got
until you lose it." (Lennon 1974) Hindi mo alam ang halaga ng isang bagay hangga't
hindi ito nawawala sa iyo. Kapag nawala ang karapatang bumoto, doon mo lang
mauunawaan ang halaga nito.
At hindi natin kailangang mag-imagine kung kung ano ang mangyayari kung
mawala ito. Nangyari na ito sa kasaysayan ng Pilipinas. Habang kinakanta ni John
Lennon ang awit nya, kasalukuyan namang patay ang demokrasya sa Pilipinas at
nawala ang karapatang bumoto ng mga Pilipino.

Martial Law
Mahigit apat na dekada na ang nakakaraan, Setyembre 21, 1972, nang ginulat ni
dating Pangulong Ferdinand Marcos ang sambayanang Pilipino.
Pitong taon lang ako noon, at naaalala ko na bigla na lang walang pasok sa eskwela.
Wala ring mapanood sa TV. Tinanong ko sa nanay ko kung bakit. Sabi niya, Martial
Law daw.

Sa bata kong isip hindi ko pa maintindihan ang mga nangyayari. Basta nung
bumalik kami sa school at meron ulit TV, paulit-ulit naming nadidinig na meron nang
Bagong Lipunan. "Para sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan."
Wala akong malay na sa utos ni Marcos ay nag-takeover na ang military, pinasara
ang Kongreso, hinuli ang lahat ng opposition leaders, at shutdown ang lahat ng
media.
Sa simula ay mukhang may bentahe ang Martial Law. Wala na daw komunista na
gustong pabagsakin ang bansa. Wala na daw gulo. Nabawasan ang krimen. Uunlad
na daw ang bansa.
Simple na nga lang naman ang sistema. May isang grupo na namumuno, and the
rest ay ang pinamumunuan. Wala nang eleksyon. Kontrolado ni Marcos ang
pamahalaan. Kuntento naman ang marami. May peace and order. Walang istorbo sa
negosyo.
May nagsasabi noon na sa tigas ng ulo ng mga Pilipino, kailangan talaga ang kamay
na bakal. Hindi baleng wala nang eleksyon. Di baleng nang inalis ang karapatang
magpahayag ng sarili. Basta tahimik at walang gulo.
Pero maraming bawal. Bawal ang mag-pagabi dahil curfew. Bawal ang mga rally at
demonstrasyon. Kung mag usap ang mga tao noon, para bang bawal magsalita ng
hindi maganda laban sa gobyerno, at lalo nang bawal maging kritiko sa mga
Marcos.
Hindi mo na rin alam kung totoo o hindi ang mga sinasabi sa radio, TV at dyaryo.
Kontrolado kasi ng gobyerno ang lahat ng media. Puro lang magaganda ang
pinapahayag. The true, the good and the beautiful daw sabi ni Madame Imelda.
Pero alam ng lahat na sa likod ng magandang balita ay maraming hindi magandang
nangyayari. Alam mo na maraming mali.
Hindi naman nakapagtataka na inabuso ng mga nasa pamahalaan ang
kapangyarihan nila. "Power tends to corrupt, and absolute power corrupts
absolutely," sabi nga ni Lord Acton ng Inglatera.
Mahigpit ang hawak ni Marcos at ng kanyang mga crony sa ekonomiya ng bansa.
May mga bulong-bulungan na kung paano ginagatasan ang ekonomiya para sa
personal na interes nila. May mga balitang kumakalat tungkol sa magarbo at
extrabaganteng junket at shopping-spree sa ibang bansa ng mga makapangyarihan,
lalo na ni First Lady.
Dahil walang nagche-check sa kanilang abuse of power, lumala lang ng lumala ang
situwasyon.
May grupo na nagbubuklod para tumutol sa mga nangyayari. Nag-mamartsa sila sa
kalye. Sinisigaw ang hinaing. Pero pagsalubong sa kanila ng pulis, firehose, tear-gas
at truncheon and inaabot nila. Hinuhuli ang iba. Kinukulong. May mga babae na
binabastos. May ilang ni-rape. May ibang hindi na nakauwi. May mga estudyanteng

bigla na lang nawawala. May mga bangkay na matatagpuan na lang sa damuhan sa


tabi ng highway.
Hindi ka malaya magreklamo tungkol sa gobyerno. Wala kang magawa dahil
kontrolado ni Marcos ang militar at ang buong makinarya ng pamahalaan. Walang
proseso para baguhin ang sistema. Walang proseso para magpalit ng lider. Walang
paraan para ipahayag ang pagtutol ng mga tao sa mga nangyayari. Walang
eleksyon at botohan.
Kaya't ang iba, dahil sa kawalan ng pag-asa, ay umakyat na ng bundok at humawak
ng baril. Para sa kanila, wala nang ibang paraan sa pagbabago kundi ang
rebolusyon. Noong panahon na yun, pag nais mong baguhin ang sistema ng
pamahalaan, dapat matapang ka. Dapat handa kang mag-buwis ng buhay.

TeleNovelang Eleksyon
May panahon naman na binalik ang eleksyon. Bumoto ulit ang mga Pilipino para sa
mga representante ng Batasang Pambansa noong 1978 at 1984.
Pero hindi ibig sabihin nito na bumalik ang demokrasya. Kasi parang telenovela ang
eleksyon noon. Sumusunod lang ang resulta ng eleksyon sa Golden Rule: whoever
has the gold, rules. Eh hindi lang gold ang ginamit, kundi 3G: guns, goons and
gold.
So totoong may campaign period, yun ay kung buhay pa ang kandidato at hindi
sinawing-palad na mapatay ng mga goons. May totoong botohan, pero depende sa
binayad sa botante. Mayroon pa ngang botanteng pang-kalawakan, o flying voters
na kung saan-saan at ilang beses kung bumoto. At pag-dating sa bilangan ng boto,
telenovela na. Work of fiction ang result. Isang malaking palabas.
Nagkaroon din ng Presidential elections noong 1981. Nakakatawa lang dahil wala
halos kalaban si Marcos. Para kunyaring may kalaban, may sumulpot na oposisyon
from nowhere at nilabanan si Marcos sa pagka Presidente. Wala namang nagulat sa
resulta, landslide para Marcos. Wala pang 10% ang boto ng second-placer. Kasi
naman, tapos na ang eleksyon bago pa man nagsimula.
Hindi nag-participate and totoong oposisyon dahil alam nila na ginagamit lang ni
Marcos ang eleksyon para i-legitimize ang pamahalaan sa mata ng ibang bansa.

Paying the Price


Hindi kayang ma-imagine ng kabataan ngayon kung anong klaseng buhay mayroon
ang mga Pilipino noon. Sinumang mahuli na laban sa gobyerno, maaaring hulihin at
ikulong. Mayroon kang dossier na hawak ng pulis at militar. Babantayan ka na.
Huwag kang magkamali ng galaw o sasabihin at bigla ka na lang dudukutin, biglang
maglalaho at maaaring hindi na makakabalik.
Totoo ang lahat ng ito. May personal ako na kilala na na-torture ng military. Yung iba
kong kilala, ang kapatid nilang babae ay na-rape habang nasa detention. May ilan
akong kilala na nagbuwis ng buhay para sa prinsipyong pinaglalaban nila.

At ano ang dahilan? Gusto lang nilang sabihin ang totoo, at ipahayag ang pananaw.
At bakit kailangan gawin yun? Dahil walang paraan para ipahayag ang tinig nila sa
harap ng mga may kapangyarihan. Walang avenue para magkaroon ng pagbabago.
Bilib ako sa kanila. Ang lakas ng loob nila na magsalita. Nangahas silang sabihin ang
totoo. Alam nila na malaki ng risk sa buhay nila sa ginagawa nila. Kahit nga pamilya
nila at risk. Handa nilang tanggapin ang consequences ng kanilang paninindigan.
Alam lang nila na hindi pwedeng wala silang ginagawa habang diretsohang niloloko
sila ng gobyerno. Kahit hindi nila alam kung hanggang kailan magpapatuloy ang
ganoong situwasyon.
Buti na nga lamang at natapos din ang bangungot.

EDSA 1986
Noong August 21, 1983 ay pinatay si Ninoy Aquino papauwi ng Pilipinas galling US.
Isang napakalaking tactical blunder. Dahil doon, marami sa mga dating walang
pakialam, yung mga nagkikibit-balikat at mga nagtutulog-tulugan ay nagising.
Sabi nga ni Abraham Lincoln, You can fool some of the people all of the time, and
all of the people some of the time, but you can't fool ALL of the people ALL of the
time. Nalinlang ang mga Pilipino sa simula ng Martial Law. Pero hindi patuloy na
nagpaloko. Napuno na ang mga tao at hindi na mapigilan ang pagnanasa para sa
pagbabago.
Dumating ang oportunidad noong nagdeklara si Marcos ng snap elections noong
1986. Lumaban ang biyuda ni Ninoy Aquino na si Cory Aquino kay Marcos sa pagkaPresidente. Sinubukan pa rin ni Marcos na nakawin ang resulta ng eleksyon. Pero
sobra nang galit ang tao. Sobra na! Tama na! Palitan na! Yan ang sigaw ng mga tao.
Ang ibat-ibang sector ng bansa ay puno na rin.
At parang tugon ng Diyos sa panalangin at matagal na hinaing ng mga Pilipino, nagclimax ang lahat sa mala-himalang People Power Revolution noong February 1986.
Napilitang mag-alsa-balutan ang mga Marcos. Nagkaroon ng mapayapang
pagbabago sa ating bansa.
At sa wakas, may boses na ulit ang mga Pilipino.
Pero hanggang kailan?

Condemned to Repeat History?


Minsang nang nawala ang karapatang bumoto. Kung hindi tayo magbabantay,
maaari itong mawalang muli. Sabi ng American philosopher na si George Santayana
"Those who cannot remember the past are condemned to repeat it." (Santayana
1905)
Nakababahala ang mga balita na hanggang ngayon ay mayroon pa ring dayaan na
nangyayari sa eleksyon natin ngayon. At lalong nakababahala na sa gitna ng lahat

ng ito, maraming kabataan ang nagkikibit-balikat lang. Hindi pinahahalagahan ang


kanilang boto.

Sovereign Filipino People


Bilang mga Kristiyano, alam natin na ang ultimate authority ng ating bansa ay si
Jesus. Ito ang kapahayagan ng Gospel, ang Mabuting Balita: Jesus the Messiah is
Lord! Siya ang ultimate sovereign, Panginoon at Hari ng sanlibutan, hindi lang ng
Pilipinas
Pero naniniwala din tayo na Diyos ang nagbibigay ng kapangyarihan sa mga
namumuno ng isang bansa. Sa tuwing pinag-uusapan ang ating relasyon sa mga
may kapangyarihan, lagi nating kino-quote and Romans 13:1:
Let every person be subject to the governing authorities. For there is no
authority except from God, and those that exist have been instituted by God.
Pero ang tanong, sino ba talaga ang may kapangyarihan sa bansang Pilipinas?
Lagi nating nalilimutan, sa isang constitutional democracy, ang ultimate authority
ay inilagak sa mamamayan. Balikan natin ang preamble ng 1987 Constitution:
We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in
order to build a just and humane society, and establish a Government that shall
embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and
develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity, the blessings
of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth,
justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this
Constitution.
Tayo daw, ang Filipino people ang sovereign o ang may hawak ng pinaka-mataas
na kapangyarihan.
At ang authority na yan ay ine-exercise natin sa pamamagitan ng pag-pili ng mga
lingkod bayan na manunungkulan in our behalf. Ine-exercise natin ang ating
sovereign authority sa pagpili ng Pangulo, Senador, Kongresman, Gobernador,
Mayor, at maging Kapitang Barangay sa demokratikong pamamaraan. Ito ay isang
napaka-laking biyaya ng Diyos sa atin.
Marami pa ring bansa sa mundo na hindi demokratiko, at walang boses ang
mamamayan. Marami pa ring bansa ang dumadaan ang situwasyon na dinaanan na
nating noong panahon ng Martial Law, at walang karapatang bumoto.
Hindi aksidente na dito tayo pinanganak sa Pilipinas sa panahong ito. Diyos ang
naglagay sa atin dito. Ito and sabi sa Acts 17:26-27:
And [God] made from one man every nation of mankind to live on all the face of
the earth, having determined allotted periods and the boundaries of their
dwelling place, that they should seek God, and perhaps feel their way toward
him and find him. Yet he is actually not far from each one of us,

Niloob ng Diyos na tayo may maging mamamayan ng isang bansa na bagamat


hindi perpekto ay pinipilit na maging tunay na demokrasya.

Ano ang Halaga ng Isang Boto?


Ayon sa mga eksperto sa pulitika, ang halaga ng isang boto sa isang demokrasya ay
ang equal na karapatan na ipahayag ang boses sa larangan ng pulitika. Ang boto
ng isang mamamayan ay kapantay ng bawa't isa.
Pero higit pa rito ang halaga ng boto para sa ating Kristiyano. Maaari nating tingnan
na ang bawat boto ay instrumento ng Diyos sa pagpili ng mga lider ng ating bansa.
Sa paraang ito, binibigay ng Diyos ang lider na nararapat sa atin. He gives us the
leaders we deserve.
Kung mali ang pagpili natin, binibigay ng Diyos ang palpak na lider. Ngunit kung
pinapanalangin natin at maingat nating sinusuri ang ating iboboto, ibibigay ng Diyos
ang maayos na lider. Nakasalalay sa bawat boto ang kaayusan at kinabukasan n
gating bansa.
Kaya, ano ang halaga ng isang boto? Kasing halaga ng pagpapala ng Diyos. Kaya
huwag nating sayangin ito!

Vous aimerez peut-être aussi