Vous êtes sur la page 1sur 1

Ang Lungsod ng Baguio ay matatagpuan sa bulubundukin ng Cordillera Central sa hilagang Luzon.

Ito'y napapaligiran ng probinsiya ng Benguet. Ang kabuuang sukat ng lungsod ay 57.5 kilometro
kwadrado. Ang ayos ng lungsod ay naaayon sa naunang plano ng tanyag na arkitektong si Daniel
Burnham. Ang bahay-pamahalaan ng lungsod ay itinayo sa mismong gitna ng lungsod.
Ang Lungsod ng Baguio ay kilala dahil sa kanyang katamtamang klima. Dahil sa kanyang taas, ang
temperatura ng lungsod ay mas mababa ng 8 sentigrado kumpara sa temperatura sa mga
mabababang lugar. Maburol ang kabuuan ng lungsod at ang kanyang mga lansangan ay ginawa
ayon sa ayos ng lupa.

Vous aimerez peut-être aussi