20 bilang akto ng Pagtataksil sa Bansa at hakbang ng
Pagpatay sa Kaluluwa ng mga Mamamayang Pilipino Isinasaad ng nasabing memo na epektibo nang tinatanggal ang asignaturang Filipino sa general education curriculum ng ating sistemang pang-edukasyon sa antas pangpamantasan. Pinanghahawakan kong hindi lamang imoral at labag sa batas ang nasabing memo, sapagkat maliwanag ang probisyon hinggil sa ating Pambansang Wika o Lengguwahe sa Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas, kundi ito rin ay isang akto ng pagtataksil sa Bansa at hakbang na ang tanging layunin ay patayin o dili kaya ay kitilin ang Kaluluwa ng mga mamamayang Pilipino. Palaging sinasabi na ang buwan ng Hunyo ay lubhang makasaysayan para sa ating bansa, sapagkat ito ang buwan kung saan ginugunita natin ang dakilang araw ng ating Kasarinlan (adose) at gayundin ang dakilang araw ng kapanganakan ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal (a-disinueve).