Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na
pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga
pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa. Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas lamang. Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon, magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o paniniwala. Maaari din namang magbigay papuri ang isang talumpati. Maaaring pagpasyahan ang layunin ng anumang uri ng talumpati ayon sa pagkakataon, aksiyon ng pagdiriwang o okasyon. Nahahati sa tatlong bahagi ang talumpati: Pambungad - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensiyon ng madla. Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati. Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati. *** Ang debate ay ang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang pananaw o opinyon sa isang paksa. Masasabi din natin na ito ay isang uri ng pahigitan sa bawat kampo.Karamihan sa mga debate ay nagaganap sa pagitan ng mga
pulitiko dahil hindi sila nagkakasundo-sundo sa isang bagay.
ang layunin ng debate ay upang mabigyan ng pagkakataon ang dalawang kampo na maipahayag ang kanilang panig ukol sa tinatalakay na isyu. Kailanagang may sapat na kaalaman ang magdedebate! PARANG ISANG BALAGTASAN PERO ANG PAG KAKAIBA AY MERONG NANANALO DITO.ITO AY PAG BIBIGAYAN NG MGA IDEYA O OPINYON UKOL SA ISANG PAKSA NA PINAG TATALUNAN. an pormal na debate ay ang pag dedebate sa korte lamang. Maingat at maayos na isunusulat ng mayakda. Nagtataglay ito ng mabisang paraan ng paglalahad. Ang sanaysay na ito ay may himig na nakikipagusp lamang. Maaaring paksain dito ang kahit anung bagay, personal, sosyal, emosyonal, moral, at marami pang iba. Ang layunin nito ay makapagbigay aliw sa mambabasa. *** ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuro-kuro ng may akda. Sinasabing ang sanaysay ay isang tangka sa paglalarawan at pagbibigay kahulugan sa buhay at iba't ibang sangay nito. Naiiba sa makata ang manunulat ng sanaysay sa dahilang hindi siya nakatali sa mga pamantayan ng porma, sukat, tugma o talinghaga. Malaya siyang lumilikha ng kahit anong paksang nais niyang ipahayag na bunga ng kanyang pagmamasid, pag-iisip at pagkakasangkot sa halos lahat ng mga bagay sa kanyang kapaligiran. May layunin itong maglahad ng pansariling damdamin at kurokuro ng kumatha sa makatwirang paghahanay ng kaisipan. Nagpapaliwanag din ito ng mga pansariling pananaw ng manunulat tungkol sa isang paksa. At kung minsan, may layunin itong makapagpaabot ng pagbabago, makalibang at makahikayat ng mambabasa (mula sa Timbulan II nina C. Javier, N. Dillague, S. Marquez Jr. at L. dela Cruz Jr.) Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng matatalinong pagkukuro. Ito'y makatwirang paghahanay ng mga kaisipan at ng damdamin ng sumusulat ayon sa kanyang karanasan, kaalaman at haka-haka. (mula sa Gintong Pamana - Wika at Panitikan nina L. Nakpil at L. Dominguez)