Vous êtes sur la page 1sur 2

Filipino: Wika na ating kinagisnan, tinatangkilik at iniingatan

ng ating mga
ninuno. Regalo sa kasalukuyan. Ngunit mga kababayan.. Mahalaga pa ba ito sa
kasalukuyan?
May pinag-aralan, mayaman,sosyal, hinahangaan. Ito ang palagay ng karamihan
kapag nagsasalita ng Ingles. Kahit nahihirapan at hindi na tama ang gramatika at
namimilipit ang ating dila pagbigkas natin nito. kahit na nagmukha nang katawa tawa at
hindi na lubosang nauunawaan pilit pa rin ginagamit ang wikang ingles sa pagsasalita.
Kadalasang sinasabi nating nagiging Nose Bleed tayo kapag gumagamit ng Wikang
Filipino. Gaano nga ba tayo ka galling sa Wikang Engles? Ikinahihiya na ba natin ang
ating Wikang Pambansa ? Dumarami na ba si Donya victorina o Donya Consolacion sa
ating lipunan?
Magaling tayo sa pagsasalita ng Ingles. Sa katunayan, dinadayo tayo ng tagaibang bayan upang magpaturo ng wikang Ingles. Hindi na man masama ang gumamit ng
wikang banyaga lalong lalo na nang mabilis na pagsulong ng teknolohiya sa ating
bansa . Kahit man si Dr. Jose Rizal na nagwikang Ang hindi marunong magmahal sa
sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda ay maraming wikang nalalaman.
Kailangan nating makisalamuha sa mga dayuhan para sa ating kaunlaran. Dahil sa ating
kakayahan sa pagsasalita ng linguaheng itinuturing lingua franca ng buong mundo,
kumikita naman tayo. Kagaya ng BPO , pagtuturo ng ingles sa mga banyaga at marami
pang iba. Wikang Ingles ang ginagamit natin sa matimatika at siyensya upang
maunawaan natin ito nang lubusan . Sa panglakalan at kahit na sa pagpupulong ng mga
lider ng ibat ibang bansa para pag-usapan ang mga pandaigdigang suliranin tulad ng
pangkapayapaan, ekonomiya, pangkalikasan, relihiyon at ibang pang paksa, wikang
ingles ang ginagamit.
Sa kabila ng galing natin sa paggamit nga wikang Ingles hindi rin maaring isantabi
ang ating wikang pambansa sa ating modernong pamumuhay.
Bakit karamihan sa Teleserye o pelikulang Pilipino ay gumagamit ng wikang Filipino?
Bakit ang mga dayuhan g pelikula ay isinasalin pa sa wikang Filipino? Bakit hindi Engles?
Hindi natin maipagkaila na mas komportable tayo sa ating sariling wika. Sa
pakikisalamuha, pakikipagtalastasan, pagbabahagian ng makabagong ideya o kaalaman
at kaunlaran ng ating bayan, mahalaga pa rin ang wikang Pilipino. Sapagkat hindi lahat
sa atin ay nakakaunawa ng wikang Ingles. Mas nakakatawa ang ating biro kapag
gumamit tayo ng ating sariling wika. Sa paglinang nang mga kakayahan ng ating kapwa
kababayan para
sa
kaunlaran ng ating pangkabuhayan tulad pagsasagawa ng
pananaliksik, pagpupulong o talakayan hinggil sa pagsasaka, pangingisda, istruktura
,paglikha ng mahahalagang produktong gawa sa kamay at iba pa, mahalaga pa rin ang
papel ng ating Wikang Pambansa.
Masasalamin ang mga kayamanan ng ating bayan sa ating wikang kinagisnan.
Bukod sa likas na yaman, mayaman tayo sa mga panitikan. Mga panitikang Pilipino tulad
ng maikling kuwento, alamat parabola, epiko, salaysay, tula at iba pa nagtuturo sa atin
ng mga mabubuting asal. Sa mga panitikang Pilipino naibahagi natin ang kasaysayan
ng ating bayan , kaugalian, sining at kultura. Kahit man mga banyaga ay nabighani sa
ating galing. Sinong mag-aakala na ang awit ni Fredie Aguilar na pinamagatang Anak
ay tanyag sa buong mundo. Panoorin niyo sa youtube ang mga dayuhan sa youtube na
umaawit ng awiting Pilipino.

Mga kapwa ko mag-aaral at galang galang na guro, sa kabila ng mga ibat ibang
lenguaheng na lumalabas sating mga bibig , mahalaga pa rin ang papel ang ating
Wikang bambansa. Filipino: Wika ng karunungan. Wika ng nagbubuklod sa atin para sa
ating kaunlaran, kapayapaan, at sa Masaya , masagana at magandang buhay.

Vous aimerez peut-être aussi