Vous êtes sur la page 1sur 153

ANG HULING PINTIG

By Gilda Olvidado
KABANATA 1
BAGONG GRADUATE ng business course sa UP si Melanie at excited siyang pinanonood nang
paulit-ulit sa DVD ang video ng graduation rites.
Katabi niya ang best friend niyang bading, si Generoso a.k..a. Gen, habang walang tigil sa
pagnguya ng popcorn at shrimp chicharon.
Melanie, dahling, pangsampu na yang rewind. Hindi ka pa ba nagsasawa?
Gen, napansin mo naman siguro kung kanino ako masyadong interesado. Hindi po sa aking mga
eksena sa video

Oo na, dahlingnakatutok lang ang pansin at hininga mo sa para sa iyo ay pinakadakilang tao
sa mundo!
A honcho specifically sino pa nga ba kundi ang idol mong tycoon none other than Ibinitin pa
ng bading. Nag-fanfare pa nga. Tan-tara-raaann!
Ladies and gentlemen, presenting Melanies idol par excellance Don Pedro Marquez de Golfo!
Napabungisngis si Melanie. Ang OA mo talaga, Gen!
Kasi namay OA ka na yata sa paghanga kay Lolo Peter!
Nakangiting sumalag si Melanie. Generoso, paano ba naman ako hindi hahanga nang husto kay
Don Pedro ay siya talaga ang dapat huwaran ng kalalakihan? Para namang hindi mo alam na siya
ay
Alam ko na, day! Si Don Pedro ay napakabait na business tycoon, sangkatutak ang
natutulungang mahihirap, pawang customer-friendly ang mga negosyo, kabikabila ang civic
projects murang pabahay, tumutulong sa mga OFWs, sa farmers, sa mga mangingisda, sa
students etsetera!
In short, ang idol mong tycoon na si Lolo Perer ay
Ay ano, Generoso?
Isang living saint! Walang butas ang puwet!
Kaylakas ng tawa ni Melanie, aliw na aliw sa huling sinabi ng kaibigang bading.
Inulit ni Melanie sa video ang portion ng talumpati ni Don Pedro Marquez de Golfo. Walang
imposible sa taong determinadong magtagumpay. Only quitters fail! Success belongs to the
insistent achievers!
Yes! Yesss! pumapalakpak pang sabi ni Melanie, patungkol sa speech ng idolo.
Tumaas ang kilay ni Generoso. With all due respect, Melanie, palagay koy tabingi ang huling
sentence ni Lolo Peter.
Yung Success belongs to the insistent achievers. Ang tagumpay daw ay para sa mga taong
makukulit na maraming nagagawa, E paano kung malas?

Nasa ibang lupalop ang isip ni Melanie. Pupunta sa Payatas si Don Pedro bukas. Kailangan ko
siyang makilala nang personal.
ANG isipan ni Melanie ay nasa idolong business tycoon, wala sa sinasabi ng bading na kaibigan.
Pupunta bukas sa Payatas si Don Pedro, pagkakataon ko nang makilala siya nang personal Ito
ang nasa isip ng magandang dalagang bagong graduate ng business course sa UP.
Hoy, Melanie, para akong tangang pumupuna sa idol mo e nasa ibang daigdig ka pala! mataray
na sabi ng bading na gaya ni Melanie ay anak-maykaya, middle-class.
Ha? Ano ka mo, Generoso?
Gen. Call me Gen.
Oo na, Gen kung Gen. What is it?
Never mind. Basta OA na ang paghanga mo sa Don Pedro na yan, ha? Naiimbiyerna na ako,
promise. Umingos ang bading.
Pero bakit nga kaya hindi siya nag-asawa? Puwede pa naman siya at his age ngayon, di ba,
Gen?
Kinilabutan ang bading. Naku, ha, Melaniekung pinapangarap mong mapangasawa si Don
Pedro Marquez de Golfo na 55-year old, dont even think about it! Lolo mo na yon, no?
Tatay, hindi lolo. Kaedad lang siya ng mommy ko
Tatay, lolo, whats the difference? Melanie, ikaw ay 22 years old lang, maghanap ka ng kaedad
mo.
Hindi ko naman sinabing nais kong mapangasawa si Don Pedro, Gen. Mas tamang sabihin na
gusto ko siyang maging ama daddy, papa, itay, tatay
Gaga, hindi ideal father yon dahil hindi naranasang maging ama, walang alam sa fatherhood,
walang anak. Kita mot nagpakatandang binata.
Napatingin sa orasang-pambisig si Melanie, biglang nataranta. Oh my gulay, late na ako sa date
namin ni Mommy! Naghihintay na yon sa meeting place namin sa Eastwood!
NAGHIHINTAY na nga kay Melanie ang mommy niya si Candida na principal sa public elementary
school. Sa gulang na 55 ay maganda pa rin si Candida, mahinhin, kagalang-galang.
Biyuda na siya sa nagdaang pitong taon.
Alberto, wala pa ang anak natin as usual. Hindi talaga marunong sumunod sa oras si Melanie,
ano ba yan? Kinakausap ni Candida ang yumaong mister. Mahal na mahal pa rin niya si Alberto
na ama ni Melanie.
Napabuntunghininga ang magandang biyuda. Sa totoo lang ay nami-miss niya ang mister na
yumao. You are irreplaceable, Albertosana ay hindi ka pa kinuha ni Lord. Kahit mahal na mahal
ko ang anak nating si Melanie, may bahagi ng puso ko na naghahanap sa iyo
Di-sinasadyang napatanaw siya sa bagong kabit na billboard sa di-kalayuan. Nakita at nabasa
niya ang nakalagay. Don Pedro Marquez de Golfo Man Of The Year.
KABANATA 2
NAAALIW na nakatingin si Candida sa malaking billboard ni Don Pedro Marquez de Golfo, Man Of
The Year. Ang biyudang magandang principal sa public elementary school ay maganda pa sa
edad na 55; may katas pa sabi nga.

And Candida is thinking aloud, nakatuon pa rin ang tingin sa larawan ng business tycoon na
kilalang pilantropo.
Alam mo, Don Pedro good-looking ka gaya ng mister kong si Alberto, sumalangit nawa ang
kanyang kaluluwa. Pero lamang ka ng isang paligo kay Alberto ko, mas pogi ka nang konti.
Saka mas maraming-marami kang pera kay Alberto ko, siyempre. Middle-class lang kami, e Pero
we where happy laluna kung kasama namin ang unica hija naming si Melanie..
Mommy?
Melanie! Ginulat mo naman ako! Nandiyan ka na pala!
Naaliw na nagtataka si Melanie sa ina. You are talking to the billboard of my idol, Mommy?
Ha? Naku, hindi, a! deny to death agad ni Caridad. Akala mo lang iyon, anak!
Umiling ang dalagang fresh graduate from UP; nagtapos ng business course But I heard you,
narinig pa po kita, Mom. Mas guwapo kay Daddy si Don Pedro, sabi mo!
Nag-blush ang magandang biyuda, nabuking. Ewala lang, wala akong magawa while waiting
for you, e. Bakit ba an tagal-tagal mo?
Nagkuwentuhan po kami ni Generoso a.k.a. Gen. Hayun, nalimutan ko tuloy ang oras.
Apologetic naman si Melanie.
KUMAIN ang mag-ina matapos mag-shopping. Tuloy ang kuwentuhan. Mommy, alam mo bang
magka-age kayo ni Don Pedro?
Really? May ningning sa mga mata ni Candida.
Pareho rin po kayong available.
Excuse me? hindi na-gets ng biyuda.
Ikaw ay widow, si Don Pedro ay old bachelor. Well, not-so-old bachelor. Bagay kayo.
Nasamid si Candida.
Pinainom agad ito ng isang basong tubig ni Melanie. Mommy talagaanong nakasasamid?
Langit at Lupa. Black and White. Kapet Gatas. Ganoon kami ni Don Pedro, napapailing na salag
ni Candida. East is East and West is West and never shall the twain meet. Melanie naman
KINABUKASAN ay nagtungo sa pook ng mahihirap si Melanie, nais makita sa personal ang idol
niyang si Don Pedro Marquez de Golfo
Sinamahan siya ni Candida.
THERE they are ang mag-inang Melanie at Candida, parehong maganda, kapwa nasa hanay ng
mga taong sasalubong sa Man Of The Year na si Don Pedro Marquez de Golfo.
Pero sila ay lutang sa hitsura sa mga katabing tao na walang ayos at siguroy kulang sa paligo.
Mahirap ang buhay sa lugar na dadalawin ni Don Pedro.

Bukod sa nakapayong, sina Melanie at Candida ay nakasuot ng sunglasses; pareho ding nakalong sleeve shirts bilang proteksiyon sa init ng araw. Halatang naligaw lang sa bahaging iyon ng
mundo ang mag-inang sosyal ang dating.
Si Melanie ay puno ng excitement. Unang pagkakataon na makikita niya sa malapitan ang
iniidolong business tycoon na isa ring pilantropo.
Kailangan ko talagang makamayan siya at makausap man lang, sabi ni Melanie sa isipan, sa
sarili lamang.
Iba naman ang nasa isip ni Candida. Ang magandang biyudang ito na kaedad ni Don Pedro at
iginagalang na principal sa elementarya ay lihim na naiinis kay Melanie. Ano ba ang akala ng
anak kong to, si Don Pedro ay diyos na dapat sambahin? Tingnan mot nakangiti pa kahit bilad
na kami sa araw. An sarap dukdukin
Mommy, huwag kang sisimangot kahit pawisan na tayo rito, ha? Darating na si Don Pedro,
promise.
Hindi ako sisimangot anak, okay lang. Sa kabila ng inis ay nakikibagay naman si Candida kay
Melanie; dakilang ina kasi, hindi basta mahindian sa ilang kapritso ang nag-iisang anak.
HINDI naman nagtagal at dumating na ang sikat na negosyanteng pilantropo. Nagbunyi ang mga
nag-aabang na mahihirap, nagsigawan sa tuwa. Nagpalakpakan pa nga.
Nakasakay sa executive car si Don Pedro, katabi ang dalawang security men. Kumaway ito sa
mga taong nasa gilid ng maalikabok na daan.
Saglit pay nakalabas na ito ng sasakyan, protektado sa mga tao ng mga alalay. Kumamay ito sa
mga tao habang patungo na sa barangay hall.
Kabilang sa makikikamay sa business tycoon si Melanie. Ilang dipa pa ang layo ni Don Pedro ay
nakalahad na ang kamay ng dalaga.
Si Candida ay cool lang, tagahawak ng payong nilang mag-ina. Kinukumbinsi ng magandang
biyuda ang sarili na huwag maging excited sa presencia ng kaedad na Man Of The Year.
Nang makamayan na ni Don Pedro si Melanie, ang dalaga ay nais na yatang himatayin sa galak.
Ipinakilala agad ang sarili. My name is Melanie, sir, and I want to be part of your business
concerns in whatever capacity.
Parang walang narinig si Don Pedro. Nakatutok ang mga mata nito sa katabi ni Melanie kay
Candidang biyuda.
Nagkatitigan ang dalawang 55-year old.
KABANATA 3
KUMUSTA po kayo, madam? Nagpapainit din kayo? nakangiting bati ni Don Pedro Marquez de
Golfo sa magandang biyudang si Candida. Nag-handshake ang dalawang kapwa 55-year old.
Pinigil ni Candida ang pagba-blush. Hindi malalaman ng sikat na business tycoon/philanthropist
na siya ay kinikilig sa excitement, sa presencia nito. Actually sinamahan ko lang po ang aking
daughter na UP graduate sa business course. Idol niya kayo, Don Pedro.
Naaliw ang bilyonaryo. Oh, mag-ina pala kayo ng magandang dalagang ito. Of course,
magkahawig nga kayo. And I thought mag-ate lang kayo or magkaibigan.

Si Melanie na halos hindi napansin kanina ng don ay nabuhayan ng loob. Sabi ko ho, sir, my
name is Melanie and
And you just graduated from UP and you want to be a part of my business concerns in whatever
capacity possible, tama? Si Don Pedro na ang nagtuloy sa dapat sabihin ni Melanie; namemorize
pala agad nito ang lahat ng ihinayag ng dalaga.
Sakto pong tama, sir! Magiging asset po ako ng corporation ninyo kapag akoy inyong na-hire!
Binulungan ng sekretarya ang don. Sir, dapat na po kayong nasa barangay hall for the turn-over
ceremony.
Oh yes, of course. Tara na. Lumakad nang mabilis ang don.
Napatanga si Melanie. Hindi pala siya papansinin nito sa kanyang wish? Hindi man lang siya
inanyayahang mag-apply ng trabaho?
Sandali pala, Melay, may nalimutan ako, biglang sabi ng don sa kalihim na may smiling face at
bilugang katawan, misis na.
Babalikan pala si Candida. Puwede bang malaman ang landline mo at address, Candida? A
calling card will do.
Napatanga si Candida. Si Melanie ay hindi makapaniwala.
Para namang namadyik si Candida, tila robot na dumukot sa handbag ng calling card.
Awtomatikong ibinigay iyon sa bilyonaryong pilantropo.
Lalong namangha ang mag-ina dahil nagbigay din ng business card ang don. Pinirmahan pa.
Show it to the guard and he will let you in, Candida. Nice meeting you.
Thank you po, nagba-blush na sabi ni Candida.
God bless you, sir, pahabol ni Melanie, kinalimutan na ang hinanakit sa idolong tycoon.
Tinanaw niya ito habang papasok na sa barangay hall. Doon pormal na mamimigay ng biyaya sa
mahihirap ang bilyonaryo.
SAKAY ng kanilang kotse at pauwi na ang mag-ina ay hindi pa rin matapus-tapos ang usapan
tungkol sa nangyari.
Nagka-crush sa iyo si Don Pedro, Mommy! Wow!
Melanie, nais lang sigurong makipagkaibigan ni Don Pedro sa isang simpleng tao. Nakita
sigurong no-nonsense woman ako:
HINDI pa rin makapaniwala si Melanie na nagbigay ng calling card sa mommy niyang si Candida
ang business tycoon na si Don Pedro Marquez de Golfo. Imagine, Mommy, ikaw ang pinansin sa
halip na ako! May crush talaga sa iyo ang idol ko!
Nakangiting nagkibit-balikat ang magandang biyuda. Maniwala ka, anaksa dami ng kanyang
pinagkakaabalahan, ni hindi na niya maaalalang may mag-inang kumamay sa kanya kanina.
Wala siyang nakilalang Candida at Melanie.
Mommy, huwag ka bang nega, dapat lagi tayong positive sa ating pananaw. Para malapit ang
suwerte
Whatever, anak. Pero alam mo, mga katipo ng daddy mong si Alberto ang naa-attract sa akin.
Do you agree?

Siguro po, whatever din. I agree na magkatulad ng personalidad si Dad at si Don Pedro Marquez.
Pero come to think of it, ikaw pala ang naa-attract sa mga katipo ng daddy ko.
Excuse me, hindi po ako attracted sa idol mong tycoon, deny-to-death agad ni Candida.
Sa isip na lang hinimay ang katotohanan. Konting attraction lang naman. I must admit that I like
hima little.
SA ISA pang panig ng mundo, ang binatang si Enrico ay buhay na buhay sa kanyang passion.
Fast cars. Lulan siya ng bagumbago niyang sports car at humaharurot sa kahabaan ng highway
somewhere in Batangas. Pauwi na si Enrico sa Manila kung saan sila nakabase ng mommy niya.
Bruuuummmm. Mayabang ang ingay ng tambutso ng kanyang kotse.
Napapatingin sa kanya ang mga tao; ang ilan ay humahanga, naiinggit. Mas marami ang
nayayabangan, habol siya ng matalim na tingin.
May muntik na siyang masagasaan sa isang blind corner, patawid na kalabaw na lulan ang
pastol.
Tuloy-tuloy lang ang binata habang putlang-putla ang pastol.
SA MANILA, si Melanie ay hiniram ang kotse ng ina. Mommy, magwa-WiFi po ako sa mall. Hapon
na ang balik ko.
Okay, anak. Ingat sa driving, ha? Lalamigan ang ulo, magpapasensiya, paalala ni Candida,
alam na mainitin ang ulo ng dalaga kapag may mga tarantado sa daan.
Suwabe nang nag-drive si Melanie. Cool na cool habang patungo na sa mall with her laptop.
Mula sa Batangas, nasa Manila na rin si Enrico. Tuloy pa rin sa mayabang na pagpapatakbo ng
sports car.
Walang kaalam-alam sina Melanie at Enrico na ang kanilang mga landas ay magtatagpo. They
will meet by accident, literally.
KABANATA 4
TAKDANG magkatagpo ang landas nina Melanie at Enrico. They will meet by accident, literally.
Si Melanie habang nagda-drive ay nakikinig sa mellow music over her car radio. Paborito niya
ang awitin kaya sumasabay pa.
Its still the same old storya fight for love and glorya case of do or diethe world will always
welcome loversas time goes by
Sumasalit din sa diwa ni Melanie ang posibilidad na magkakakilala nang husto ang idol niyang
business tycoon at ang magandang mommy niyang biyuda.
At akoy biglang magiging malapit na rin kay Don Pedro Marquez de Golfo! Wow! She is
thinking aloud now.

Sa oras na ito, nasa kahabaan na ng Edsa si Enrico mula sa Batangas. Kaydami nitong nilusutang
sasakyan sakay ng sports car.
Andap kay Enrico ang ilang traffic enforcers, nagbubulag-bulagan na lang sa minor violations
nito; alam na ang ganitong klase ng tao ay mayaman at maimpluwensiya.

Si Melanie ay biglang nagmenor dahil naalalang kailangan niyang kumanan patungong mall.
Braaanngg. Ingay-tunog ito ng hulihan ng kotse na nabundol ng kasunod na kotse. Si Melanie
ang nabundol at si Enrico ang nakabundol
Namula sa galit si Melanie, ihininto agad ang sasakyan. Gigil namang nakatigil si Enrico sa
hulihan.
Sabay pa silang lumabas para tingnan ang damage, parehong hindi maipinta ang mukha.
Naninghal agad si Enrico, nakapamaywang. Shit, lady! Look what youve done to my car!
Gago! Ako ang dapat magdayalog niyan! Na-damage mo ang kotse ng mommy ko! taray ni
Melanie, gigil na gigil sa aroganteng binata.
Honk-honk-honk. Pid-pid-piiiddd. Nagbubusinahan ang mga kasunod na motorists. Nakaharang
kasi sa daan ang dalawang nagkabundulan.
Kumbakit nagkataong walang traffic enforcers sa gawing iyon.
Iiling-iling si Enrico. Hindi ka dapat nagda-drive sa highway, miss! Mali na bigla ka na lang liliko,
wala pang signal!
Tse! Hintayin natin ang imbestigador para malaman mong hindi ka dapat nagte-tail gate! Dikit
kang masyado kaya mo ako nabunggo! salag ni Melanie. At hindi puwede sa akin ang
arrogance mo!
Tumingin sa orasan si Enrico, may dinukot sa bulsa. Shit, Im gonna miss my date because of
your incompetent driving! Heto ang card ko, magreklamo ka kung gusto mo!
Bruuummm. Hindi na nahintay ni Enrico ang enforcer, humagibis na itong palayo. Naiwan si
Melanie na hawak ang calling card ng binata, namumula pa rin sa galit.
WALA na ang binatang nakabunggo sa hulihan ng kotse ni Melanie nang dumating ang traffic
officer.
Nabundol ka sa likuran at binayaan mong makaalis ang nakabundol sa kotse mo, miss?
napapailing na tanong ng alagad ng batas.
Hindi ko pinaalis, umalis basta, officer! Napakabastos at arogante ng taong yon! High blood
ang dalaga, nais na yatang pumatay sa galit.
Cool lang ang traffic enforcer. Nakuha mo ang plate number, miss?
Hindi po, na-consume ako ng galit.
Anak ng tokneneng, paano natin hahabulin ang taong yon?
Nag-iwan ng calling card, kung gusto ko raw magreklamo
Tiningnan ng enforcer ang mukha ni Melanie, tila pinag-aaralan ang kalooban ng dalaga.
Magrereklamo ka ba?
Siyempre, officer, magrereklamo ako! Tanong ba naman yan?
Tinaliman siya ng tingin ng enforcer. Stick to the issue at hand, miss. No negative side remarks.
Madali akong mapikon.
Napabuntunghininga si Melanie. Sorry po, boss.

Anong boss? Mukha ba akong lider ng mga sanggano at bino-boss mo ako? Da politically
correct word is officer.
Tumahimik na lang si Melanie. This is not her day, naunawaan niya.
Ganito ang magagawa mo, miss, base dito sa card ng umatraso sa kotse mo. Susugurin mo ito
sa address, magreklamo ka na bayaran ka ng damages. That is kung hindi peke ang ngalan at
address na ibinigay niya sa iyo. Good luck and more power! Now go-go-go at nakaaabala ka na
ng trapiko! napakahabang sabi ng enforcer na kagalang-galang naman kahit malaki ang tiyan at
may bigote.
HINDI makapaniwala si Candida sa report ng dalagang anak. N-nabangga sa hulihan ang kotse
ko at tinakbuhan ka ng nakabangga?
Yes, Mommy sagot ni Melanie, pagkabait-bait ng anyo, hindi masabi sa ina na siya ay biglang
lumiko nang walang signal kaya nabundol sa hulihan.
At ang hawak mo ay isang calling card ng supposedly ay naka-damage sa kotse ko, tama?
Yes, Mommy. Pero susugurin ko po itong bastos na aroganteng lalaking to, promise!
Paano kung mapikon at reypin ka, Melanie? May lason pa naman ang bibig mo kapag galit ka.
SI ENRICO, ang lalaking nakabundol sa kotse ni Candida, ay umabot naman sa important
appointment kuno.
Sandra, you are the best bulong ni Enrico.
Nasa malapad na kama si Enrico at ang magandang babaing Sandra ang ngalan. Gumagawa sila
ng kasalanang mortal. Just like that. Nalimutan na yata ang Diyos.
KABANATA 5
ANG binatang nakabundol sa kotse ng mommy ni Melanie, si Enrico, ay abala sa piling ni Sandra.
Parehong 20s sina Sandra at Enrico at pareho ring ultra modern pagdating sa moralidad.
Wala silang pakialam makagawa ng kasalanang mortal; bawal na pagtatalik sa pribadong silid
ang ginagawa.
Nang makatapos ay hindi man lang na-guilty sina Enrico at Sandra. Wala lang, tila kinalimutan na
nga ang Diyos.

Nakabunggo ako ng hulihan ng kotse ng tangang lady driver.


Really? Pero hindi ka naman nadugasan sa damages? kaswal na tanong ng dalaga habang
nagbibihis na.
Nope. Bahala siyang maghabol. I just gave her my card. I dont wanna miss being with you,
babe.
Wow! Mahal mo pala ako! Para pang hindi makapaniwala si Sandra. Kilala nitong playboy si
Enrico.
Marami kayo sa buhay ko, Sandra, dont you ever think na ikaw lang.
I know. Ako rin, hindi ikaw lang, nakangising sagot ng makabagong dalaga.

Tinawanan lang naman ni Enrico. They deserve each other.


Lady driver na tanga ba ka mo?
Super-tanga, babe. Bigla ba namang lumiko nang walang signal. Ako nga ang dapat bayaran ng
gagang yon, e. Si Melanie ang tinutukoy ni Enrico bilang gaga at tangang driver.
Got to go, lover boy. Sabay na tayo.
Hindi nagtagal at magkasunod nang paalis sa malaking compound ang mga kotse nina Enrico at
Sandra.
SAMANTALAY titiyakin ng mag-inang Candida at Melanie kung tunay nga ang nasa calling card
ng nakabundol sa kotse nila.
Paano kung peke, ha, Melanie? Pahinog na lang ang kotse ko? Hindi pa naman nakacomprehensive insurance yon, nagtitipid ako kaya TPL lang
Mommy, huwag mo na po bang idiin ang aking kamalasan sa araw na to. Hanapin muna natin
itong Enrico Soler na to. Kapag napeke ako, then put the total blame on me ho.
Napabuntunghininga si Candida, alam na malapit nang mapikon ang anak. Okay, Melaniejust
do it right. Drive carefully, wala pa akong pambili ng brand-new.
Kahit nga po a better second-hand car, wala tayong pambili, Mom. Were broke.
Pansamantala lang. Humina ang sideline kong tutorials. Pero makababawi rin ako. Mahal yata
ako ng Diyos.
Hustong sinapit nila ang address ay natiyempuhan nilang papasok ang kotse ni Enrico Soler.
Thats the bad guy, Mom!
NATITIYAK mo, anak? Iyon mismong nasa manibela ang nakabundol sa kotse natin? paniniguro
ni Candida.
Positive, Mommy! Siya nga! paniniyak ni Melanie.
Hopefully ay siya rin ang Enrico Soler na nasa calling card.
Mommy, think positive. Binusinahan ni Melanie ang papasok nang kotse ng lalaki. Honk.
Honkk.
Napatingin sa bumusina si Enrico Soler. Pero bahagya nang pinansin ito. Tuluy-tuloy pa rin sa
driveway.
Isinara agad ng sekyu ang gate na bakal ng malaking bahay.
Nainsulto sina Melanie at Candida.
Mommy, arogante talaga yon, e! Tara ho, sugod!
Itinutok ni Melanie ang kanilang sasakyan sa mismong sarado nang gate. Saka muling bumusina
nang sunud-sunod. Honk. Honnk. Honkk.
Sumilip ang security guard..Sino po sila at ano ang kailangan?
Ipinakita ni Melanie ang calling card ni Enrico saka pormal na nagsalita. Nabundol ng amo mo
ang kotse ng mommy ko, guard. We need to talk to your boss.
Sumenyas ang guard, maghintay daw sila at itse-check sa amo. Inilapat nito ang gate mula sa
loob.

Grabe tong mayayaman na to, ha, Mommy? Sila na nga ang nakaatraso sa atin, sila pa ang
akala mo kung sinong magpapasya kung kakausapin tayo o hindi.
Relax ka lang, anak. Papangit ka kapag nadadala ng galit. Kukunin natin sa paupo, bilang guro
at principal, alam ni Candida ang salitang pasensiya o patience.
Sumilip ang guard. Madam, matutulog na daw ang aking boss. Saka na lang daw kayo bumalik.
Doon lalong namula si Melanie sa galit; si Candida ay napabuntunghininga, pinapanaig pa rin ang
hinahon.
Ito ang bumaba at nakipag-usap sa guard. Pakisabi sa amo mo na kapag hindi niya kami
hinarap ngayundin, may ikakalat akong drawing sa neighborhood
May idinrowing sa papel si Candida. Sa loob ng 30 seconds ay tapos; ibinigay iyon sa guard, kita
sa mukha ang tatag.
Mangha ang guard sa nakadrowing. S-Sandali lang po, madam. Ipapakita ko agad kay Sir
Enrico!
Wala pang tatlong minuto ay nagkaresulta agad ang ginawa ni Candida. Nagbukas ng gate ang
guard, pinatuloy sila sa driveway.
Pakihintay daw si Sir Enrico sa salas, mga madam.
Mangha si Melanie sa strategy ng ina. Ano ba ang nakadrowing at halatang nataranta,
Mommy?
Secret, nakangiting sabi ni Candida.
KABANATA 6
EFFECTIVE ang gimmick ni Candida na mapalabas si Enrico Soler para harapin silang mag-ina.
Anumang sandali ay makakausap na nila ito sa malaking salas ng mansiyon.
Kakatkatan ko talaga siya ng mura, Mommy! Hindi ako nayayanig sa yaman niya!
Melanie, anakwell do it, right. Ako ang bahala. Huwag kang magtaray. Mga edukada tayong
tao.
Bilang guro at principal ay lagi pa ring pinapanaig ni Candida ang hinahon.
Nakita agad ni Melanie ang pakay na palapit na. Nakakunot-noo ito, aroganteng-arogante ang
anyo. Hindi nayanig ang mag-ina.

Anong kailangan? tanong ni Enrico Soler, taas-noo, mayabang.


Nasalpok mo ang likuran ng kotse namin, ginoo. Dapat kang magbayad ng damages.
At ngayon na, huwag mo kaming pabalik-balikin at busy kaming tao, susog ni Melanie sa sabi
ng ina.
Kumunot-noo si Enrico. Tinitigan ang mag-ina, mula ulo hanggang paa. Who did the drawing?
Ako, sagot agad ni Candida.
Itago mo dahil hindi totoo. Ayoko lang ng iskandalo.
Mamupo ka sa Mommy ko. Hindi siya kung sino lang, gigil na harang ni Melanie.
Magkano?

Excuse me? Hindi na-gets ni Melanie. Hindi rin alam ni Candida.


Ang damages, you moron!
Gago! Hindi ako moron! sigaw-salag ni Melanie.
Para namang walang narinig si Enrico Soler. Magkano?
10 thousand pesos! Cash! sigaw ni Melanie.
Nag-issue ng tseke ang binata. Here, pay to cash ngayundin. Dinoble ko, 20 thousand pesos.
Napanganga ang mag-ina. Gaano ba kayaman ng lalaking ito at napakaluwag maglabas ng pera?
At dinoble pa!
Nais ko nang matulog. May kailangan pa ba?
Wala na. Salamat, sagot agad ni Candida, hawak na ang tseke.
Sandali, pahabol ni Melanie.
What is it? pasupladong tanong ni Enrico sa dalaga.
May pondo ba ito?
Natawa ang binata. Ill give you a million kapag walang pondo. Good day, ladies!
Ihinatid na sila ng security guard hanggang sa kotse nila. Hindi nagtagal ay paalis na sila sa
mansiyon ni Enrico.
Natitigilan si Candida. What is it, Mommy?
Melanie, tingin koy kahawig siya ni Don Pedro Marquez de Golfo. Laluna sa mata.
HO? Kamukha ni Don Pedro sa mata ang arogante-mayabang na si Enrico Soler? ulit ni Melanie
sa sabi ng inang si Candida.
Thats right, anak. Pati sa tindig at porma, younger version lang si Enrico
Biglang naipreno ni Melanie ang kotse. Screeechhh.
Ano ka ba, nauntog tuloy ako!
Sorry po, Mommy. Kasiy na-realize ko na tama kayoKaya pala pamilyar sa akin ang anyo ng
Enricong yonKahawig nga siya ng paborito kong business tycoon!
Sabagay maraming tao ang magkakahawig kahit hindi magkakadugo. Siguroy napaglihihan ng
mother ni Enrico si Don Pedro Marquez de Golfo, pasubali ni Candida.
Nagkibit-balikat si Melanie. Ang malas naman ng idol kong don, isang walang kuwentang tao pa
ang nakahawig.
Drive carefully, anak. Huwag kang magpipreno nang pabigla. Pinatuloy na ni Candida ang
pagmamaneho ni Melanie.
Pero in fairness, ha, hindi tayo pinahirapan ng Enricong yon. Nagbayad agad ng damages ng
kotse ko. Nakangiti si Candida.
At dinoble pa ang claim natin, Mommy. Sa halip 10 thou lang, binigyan agad tayo ng 20 thou!
Nagkatinginan ang mag-ina, pareho yata ng naisip.
Paano kung bouncing check? sabay pa nilang tanong.
Diretso pala tayo sa bangko, dali, anak!

Yes, Mommy! The moment of truth ito kung may pondo o wala ang tsekeng bigay ni Enrico
Soler!
SA BANGKO, maganda ang ngiti sa kanila ng babaing teller. Halatang excited habang hawak ang
tseke ni Enrico Soler. Binayaran agad ang dapat bayaran.
Naintriga si Candida. Excuse me, ganito ba talaga rito? I mean that very sweet smile
Madam, mabibilang po sa daliri ang mga taong iniisyuhan ni Sir Enrico ng personal check. You
must be a good friend of his. Lalong gumanda ang ngiti ng teller.
Umiling si Candida. Hindi ko kaibigan ang aroganteng yon, iha. Sige, good day.
Habang pabalik sa kotse ay si Enrico pa rin ang topic ng mag-ina.
Obvious na good client ng bangko ang mayabang na yon.
Ano kaya ang racket at napakayaman, ha, Mommy?
Sa Pilipinas, anak, apat lang ang main source ng pagyaman showbiz, pulitika, lotto at illegal na
gawain. Exception to the rule ang tulad ni Don Pedro at iba pang magnate na yumaman dahil sa
sipag at tiyaga.
Agree ako sa sabi mo kay Don Pedro, Mom. From rags to riches talaga ang idol kong tycoon!
KABANATA 7
NAIPAGAWA agad ang bangga sa kotse ni Candida at nakuha sa talyer sa araw ding iyon.
Malaki ang nalabi sa perang bigay ni Enrico Soler para sa damages, kaya naman ang mag-inang
Melanie at Candida ay magse-celebrate na ang gagastusin ay ang sobrang cash na iyon.
Ganito naman ang life-style ng mag-ina. Todo trabaho sa araw pero may mga gabing nag-uunwind laluna at may hindi inaasahang pera.

Bilang middle-class ay tini-treasure nila ang bihirang pagpunta sa expensive restaurants.


Gaya sa gabing iyon, sa bagong bukas na expensive restaurant sila pumasok. Wala lang, gustong
maranasang makahalubilo ang rich and famous.Simple pero sosyal ang suot ng mag-ina; casual
elegance kung kanilang tawagin.
Para lang magkapatid sina Melanie at Candida sa biglang tingin, parehong looker. Mommy,
pinagtitinginan yata tayo ng mga tao.
Akala mo lang yon, anak. Anyway, may karapatan naman ang beauty natin. Talyada, Melanie,
talyada ang tindig. At huwag kang madadapa, bulong ni Candida sa dalaga.
Mommy, sa atin pong dalawa ay ikaw ang clumsy. Kaya ingat, ganting bulong ni Melanie
habang patungo na sila sa table for 2, nakasunod sa head-waiter.
Nakaupo na silang mag-ina, nagkukuwentuhan habang naghihintay ng inorder. Napansin ni
Melanie na nagbibilang sa daliri ang ina sa pagitan ng kanilang usapan.
Mommy, what are you doing?
Nagbibilang ako ng arawnaka-6 days na pala
6 Days pong ano, Mom? Naiintriga si Melanie, walang maalalang okasyon o anupamang dapat
bilangan.
Anim na araw na mulang ma-meet natin si Don Pedro

Yes, I remember that. What about po, Mommy? Bakit bigla mong naalala ang aking idol?
Kasi, anakdi ba hinulaan kong hindi na niya tayo maaalala? E di tama ako, hindi na nga tayo
naalala
Kayo po ang hindi naalala, Mom. Ako naman ay naging saling-pusa lamang. Kayo ang pinansin
niya nang araw na iyon sa initan. He even gave you his personal card at hiningi pa ang calling
card ninyo
Pero mula non, anak, ni paramdam mula sa don wala. Zero as in wala talaga. Mabuti na lang
ka mo hindi ako umasa.
Pero kinilig ba kayo nang lihim, ha, Mommy?
Naku, hindi, a! Walang makapapalit sa ama mong si Alberto sa puso ko, deny agad ng
magandang biyuda.
Si Melanie ay masaya sa piling ng ina, walang kaalam-alam na malapit na siyang lumuha nang
husto dahil sa pag-ibig.
MELANIE, anak? Napansin ni Candida ang biglang pananahimik ng dalaga. Are you with
me?
H-Ho? O-opo naman, Mommy. Medyo saglit na nawala ako sa sarili, parang nagulat na sagot ni
Melanie. Wala lang, I feel so sad bigla. Mood swing.
Bakit ka biglang nalungkot, Melanie? Kanina nga naman ay maligayang-maligaya si Melanie sa
piling ng ina.
Kasi po, Mommy naka-graduate na ako a month ago mula sa pinakamagaling na universidad
sa bansa, and yet hindi ko pa malaman kung saan talaga magwo-work
Nalilito ka, ganon?
Opo. Nasabayan pa ng matinding depression ko tungkol sa Hindi naituloy ng dalaga ang nais
sabihin.
Sa love-life mo, ha, Melanie?
Zero love-life, Mom. Im 22 and still loveless, walang boyfriend. Pakiramdam ko ho e aabutin ako
ng 30s na walang nobyo maluha-luhang sabi ni Melanie. Whats wrong with me?
Pinalakas ni Candida ang loob ng kaisa-isang anak. Melanie, babyyou are still too young to
worry about being a matandang dalaga.
Sa buong Manila siguro ay ako na lang ang still a virgin at 22.
Nagpapakahinahon si Candida. You know hindi totoo yan. Marami pa ring virgin sa Manila and
elsewhere even beyond 22, Melanie.
Mommy, alam mo bang Ive never been kissed? Halik sa mga labi ang ibig sabihin ni Melanie.
Napalunok ang magandang biyuda. Baby, thats because sa mga naging admirer mo in the past
ay walang pumasa sa iyong pamantayan. Kaya hindi ka nagka-boyfriend. Kaya rinhindi ka pa
nahahalikan
Napaluha ang dalaga, masama talaga ang mood swing. The bottom line pa rin holugi ako. My
life is boring.
Napabuntunghininga si Candida. Baby namanmasarap ang pagkain, o. Saka nasa paligid natin
ang mayayaman at kagalang-galang na mga tao. Gawin natin silang inspirasyong yumaman
din

Mommy, Im lovelessnaiintindihan nyo po ba?


Melanie, babyalangan namang basta ka na lang magbo-boyfriend ng kahit sino na lang para
maranasan mo ang first kiss and othersDisente ka, alam mo yan.
Ano ho kaya kung akitin ko na lang ang isang guwapo at mag-dinner date kami? Then probably
well end up kissing
Napaantanda si Candida. Ano ka ba? Dont even say that kahit biro! Masagwa sa matinong
dalaga, Melanie!
Parang walang narinig si Melanie. Hindi na mabilang ang mga valentines day na wala man lang
akong datewala ring flowers na natatanggap
KABANATA 8
PATULOY sa pagse-self pity si Melanie sa harap ng biyudang ina.
Alam mo ba kung gaano kasakit sa ego ko na I am being left behind by my friends, ha, Mom?
Alam ko pa namang ako ay hindi mahuhuli sa kanila pagdating sa ganda at talino, and yet sila ay
nakailang boyfriends na at lagi pa ring laman ng mga parties,
Nag-e-enjoy nang husto sa kanilang pagdadalaga ang friends ko but not me, Mommy. Wala pa
nga rin akong boyfriend and I hate it.

Nagpakahinahon na naman si Candida, alam kung gaano kasensitibo ang anak. Melanie, ilang
beses ko bang ipaaalala na ikaw ang dapat mag-adjust sa mga kaedad mo, laluna sa guys.
Masyado ka kasing mapili kaya naiilang na halos sila sa iyo
Gusto ka man nilang ligawan ay natatakot silang ilaglag mo agad. Kasi nga ay hindi mo ma-take
ang mga suitors na hindi mo type.
Type ko po si John noon, Mommyand he loved me so much
Tumango si Candida. Tama, John loved you so much. Past tense. Sinagot mo siya dahil siya ang
the best guy in your class, not necessarily because you love him
Ano tuloy ang nangyari, dahil hindi mo naman siya talaga love, you dropped John like a hot
potato. Nasaktan nang husto yung tao kaya halos isumpang kalilimutan ka na forever.
Ngayong si John ay boyfriend na ng iba mong friend, lalong hindi mo mapatawad si John at ang
friend mo
Mommy, may unwrittern rule kaming magkakaibigan na ang aming ex-bf ay hindi nila dapat
gawing boyfriend! Lumitaw ang bitterness ni Melanie. Anyway, ayoko na pong pag-usapan ang
aking lovelife. Kung walang magkagusto sa akin, e di wala. Magpapayaman na lang ako
I think thats a good move, Melanie, baby. Gaya nga ng sabi ko, you are only 22, hindi ka
mamamatay kung wala ka pang boyfriend and you have never been kissed and
Stop it, Mom, please! Luhaang sinaway ni Melanie ang ina.
Saka nila naunawaang nakakatawag na pala sila ng pansin ng iba pang diner ng expensive
restaurant na iyon.

Okay na po ako. Bukas po pala ay pupunta na ako sa malaking kumpanya sa Makati. Doon ko na
po gustong magtrabaho.
Very well, iha. Doon ka mag-focus muna. Be good in your career and happiness will follow
maniwala ka.
Nakangiti nang tumango si Melanie. I love you, Mom.
Biglang may nag-text kay Candida. Binasa niya agad kahit hindi kilala ang sender; cell number
lang kasi ang nag-register. Dear Candida, its been 6-7 days ago, right? Anyway, Ill be seeing
you tonight.
Nakibasa si Melanie at sila ng ina ay nagtaka. Sino na siya, Mommy? Para namang
napakaromantiko
Alangan namang siDon Pedro Marquez de Golfo na idol mong tycoon, anak
NABUHAY na naman ang inggit sa puso ni Melanie dahil sa texter ng ina na napakaromantiko ng
dating. Mommy, bakit naman ikaw pa ang may admirer sa halip na ako? Ibig bang sabihin ay
kulang na ako sa appeal at ikaw ang umaarangkada?
Sinuyo agad ni Candida ang dalagang loveless at 22 and never been kissed. Melanie, baby,
malakas ang sex appeal mo. Kaso lang ay natatakot nga ang guys na biguin mo. You know, alam
nilang ikaw ay napakamapili bukod sa napakatalino.
Ewan, Buwisit talaga ang boys, e. Hindi ba nila alam na Im longing for a good relationship? Na
Im ready for love na dahil akoy tapos na ng kurso?
Gusto pa ba nilang ianunsiyo ko sa radyo, telebisyon at diyaryo na akoy naghahanap ng lalaking
mamahalin until my dying day? mahabang sabi ni Melanie habang tuloy sa pagda-drive ng
kotse.
Huwag naman until your dying day, anak. Ayoko ng morbid, you know that.
Mommy, ang ibig ko lang namang sabihin to the boys out there kapag akoy nagmahal, iyon ay
tatagal hanggang sa huling pintig ng aking puso seryosong sabi ng dalagang lately ay laging
nahahabag sa sarili, dahil nga walang love life.
Oo na, anak. Teka, balik tayo sa aking mystery texter. Palagay mo rin ba si Don Pedro?
Opo. Who else could it be? May iba pa ba kayong admirer na very vocal sa paghanga?
Napabuntunghininga si Candida. Well, pagdating niya sa ating bahay ay malalaman natin kung
sino talaga siya. Malay naman natin, babae pala na friend ko at gusto akong makita. Probably
nais makipagbalitaan
Inimagine ni Melanie sakalit ang don nga ang bibisita sa ina. Bigla pala ay may paparada sa
harapan ng bahay nila na isang white Cadillac?
Yung tipong limosina, mahabang puting kotse na mga multimilyonaryo lamang ang mayroon.
Ang suwerte naman ng mommy niya. Siya ay hindi, zero nga pagdating sa love life.
.PERO hindi White Cadillac ang dumating saktong handa na silang magpahinga for the night.
Isang lumang kotse na alam ni Melanie na higit nang 15 years old ang modelo.
Nag-door bell ang lalaking sakay nito na hindi naman nila makita ang mukha dahil madilim.
Ding-Dong.

Sino yan? sigaw na tanong ni Melanie sa taong nasa labas ng gate.


Ako! Gusto kong dalawin si Candida! My name is Pete! sagot nito.
Sinong Pete? tanong ni Candida sabay bukas sa ilaw sa gate.
Nakilala nila agad. namangha ang mag-ina. Mommy, si Don Pedro Marquez de Golfo nga! My
idol!
KABANATA 9
NASURPRESA talaga ang mag-inang Candida at Melanie sa walang babalang pagdalaw ni Don
Pedro Marquez de Golfo, ang business tycoon na idol ng dalaga.
Nataranta sila, nakapantulog pa naman sila dahil halos 11 PM na. Mommy, magbihis ka muna
nang maayos, Ill get my robe and open the gate po!

Okay, anak. Pero weird siya, di ba? Bukod sa walang bodyguard ay sa lumang kotse pa sumakay.
Saka halos hatinggabi dadalaw?
Mom, he is a tycoon, hindi tambay sa kanto. Give him the privilege of being eccentric or weird.
Kakanyahan iyon ng mga taong matagumpay.
Naka-robe na si Melanie nang buksan ang gate para sa panauhin ng ina. Good evening po,
tuloy, Sir Pedro.
Pete, iha. Call me Pete. Nakangiti ang don.
Ayy, opo, Sir Pete! Please come in! Nagbibihis po ang mommy ko!
Nagbibihis? Walang suot nadamit?
Po?
Biro lang, iha. Of course ang babae ay nais nakabihis nang maayos kapag binibisita ng guy.
Panay ang lihim na buntunghininga ni Melanie, hangang-hanga sa porma ng don na kahit mayedad ay cool na cool. Avid fan nyo po ako, Sir Pete. Bukod sa matulungin sa kapwa, kayo ay
matalino at guwapo at hindi mayabang and a great bachelor.
Mas tamang sabihing akoy old bachelor, matandang binata.
For me ho, kayo ay debonair pa rin, parang sina Harrison Ford at Richard Gere na very attractive
pa rin.
Thank you, iha. But dont patronize me, malakas akong maghilik saka nagkakamot ako ng kilikili
kahit nasa public place.
Natawa ang dalagang fresh graduate ng UP.
Sa salas itinuloy ni Melanie ang panauhin, pinaupo sa kumportableng sofa. My Mom will see you
in a few minutes, Sir Pete.
Kung gayoy magkuwentuhan muna tayo, iha. Marami akong mapupulot sa iyo, Im sure.
Ang humble nyo naman, sir. Ako po ang maraming mapupulot.
Pero bago pa man sila nagkakuwentuhan ay nakalabas na si Candida, handa nang saludarin ang
espesyal na panauhin. Hi, Don Pedro!
Pete, just call me Pete, Candida.
You may call me Candid, Pete.

Naaliw ang don. You Candid, Me Pete!


Nagkatawanan ang dalawang 50-year old na kapwa good-looking.
Nanaghili si Melanie. Sir Pete, baka naman meron kayong young version sasagutin ko agad!
Nadulas ang bibig ng don, nasabi ang dapat ilihim.. Meron nga, iha. Kaedad mo carbon copy
ko.
HINDI alam ni Melanie na nabigla lang si Don Pedro nang aminin sa kanya na may young version
ito na kaedad lang niya halos.
Excited na nagtanong pa si Melanie sa iniidolong business tycoon.
Sir Pete, lalake po at hindi babae ang ating pinag-uusapang young version ninyo, tama?
O-Oo naman, iha.
Wow! Baka po puwedeng makilala?
Si Candida ay pangiti-ngiti lamang habang nakikinig sa dalawa. Ang magandang biyuda ay hindi
pa rin makapaniwala na may admirer na super-yaman na tao.
Si Don Pedro ay nakabitiw lamang sa sinabi; ayaw nitong napapag-usapan ang pribadong buhay
na nais nang burahin sa alaala.
Sir Pete?
Ohano nga ang tanong mo, iha?
Kung puwede pong makilala yung young version ninyo...
Uhurrmm, kuwan kasi Naghahagilap ng safe na sagot ang don.
Naghihintay ang mag-ina, naaaliw na nakatitig sa don na cute kahit may-edad. Bahagya na
nilang napansin na ayaw na sanang i-pursue nito ang tungkol sa young version.
Biglang may naisip si Don Pedro. Wait, ihaikaw bay gustong makinig ng magandang kuwento
tungkol sa angel?
Angel as in Anghel po? Yes, sir! I love angels!
Kay-ganda ng ngiti ng may-edad na lalake. Noong bago isilang ang isang sanggol, kausap na ito
ni Lord Sabi ng sanggol Panginoon, baka po hindi ako mabuhay nang maayos sa mundo. Balita
pong marahas doon.
Sumagot si Lord. Merong mangangalaga agad sa iyo doonsiya bale ang iyong guardian
angel.
Paano po kung napapunta ako sa mahirap na nanay at tatay, baka wala akong makain?
tanong ng sanggol.
Sabi naman ni Lord Hindi ka magugutom, bahala sa iyo ang iyong guardian angel.
Pero tiyak na marami kaming magkakapatid, dahil mahilig mag-anak ng marami ang
mahihirap. Hindi po ako maaasikaso ng parents ko.
Your guardian angel will take care of you all the way, my child, sagot ng Panginoon. Hindi ka
niya iiwan hanggang sa huling pintig ng kanyang puso.
Sa puntong ito, ang mag-inang Melanie at Candida ay sabik nang malaman ang ending ng
kuwento ng don.

Nagpatuloy si Don Pedro. Nagtanong ang sanggol Ano po ba ang ngalan ng aking guardian
angel?
Malinaw ang sagot ni Lord My child, tatawagin mo siyang Mommy, pagwawakas ng don.
Napalunok ang mag-ina, kapwa na-touch sa kuwento.
KABANATA 10
NAANTIG nga ng kuwento ni Don Pedro tungkol sa guardian angle ang mag-inang Melanie at
Candida. Akalain ba nilang ang tinutukoy na anghel ng isang bata ay ang mismo nitong ina?
Wow naman, Sir Pete, nakakapangilid ng luha. Original nyo po ba yan? naaaliw na tanong ni
Melanie sa idolong business tycoon.

Iling agad ang may-edad na multi-milyonaryo. Hindi, iha. Nabasa ko yan sa isang e-mail sa akin
sa internet. Mabuti naman at naaliw ka.
Pati rin po si Mommy, nalugod. Di ba, Mommy?
Oo! Oo naman! Imagine, kami palang mga ina ang bida, ang guardian angel! Feeling great tuloy
ako!
Nakahinga nang lihim si Don Pedro. Iniba naman talaga niya ang topic, para hindi na mapagusapan ang kanyang young version; ang taong nais niyang burahin sa kanyang alaala.
Maling akala, hindi pala nalimutan ni Melanie ang nais itanong. Sir Pete, please, ipakilala nyo
nga po ako sa inyong carbon copy na ka-age ko. Para naman po magkakulay ang aking mundo
gaya ni Mommy.
Umiling ang don. No, iha. Hindi ko irerekomenda ang taong kamukha ko. Hindi siya husband
material at hindi rin nararapat maging boyfriend, believe me.
Nanlumo agad ang dalagang loveless at 22. Ganon? And yet you consider him as a young
version?
Napabuntunghininga ang don. Hindi ko naman kasi siya clone sa ugali at diskarte sa buhay, iha.
Magkahawig lang kami
Sumali sa usapan si Candida. Ano mo naman po ang taong ito, sir?
Umiwas agad ang don, ikinaila ang katotohanan. Kuwanisang kakilala. No blood relations
whatsoever.
Nanghinayang si Melanie. Akala ko pa naman, magkaka-love interest na ako. Mailap talaga sa
akin ang pag-ibig, promise.
Bahagya nang narinig ng don ang himutok ni Melanie. Nakatutok na kasi ang atensiyon nito kay
Candida. May surprise ako sa iyo, Candid.
Flowers and chocolates pala ang surpresa. Kinikilig ang puso ng mommy niya, alam ni Melanie.
Siya ay lalo lamang nade-depress; hindi matanggap na walang lalaking nahuhumaling sa kanya.
I dont deserve this, bulong niya sa sarili.
NAGREBELDE na si Melanie. Nang tulog na ang ina ay lihim siyang umalis ng bahay. Nagtaksi.
Nagpunta sa isang expensive bar sa Global City.

Umorder siya ng hard drinks at isang boteng Coke. Ang softdrink ang ininom niya; nagsilbing
prop lang ang alak.
May lumapit sa kanya. Hi, lady! Remember me?
Kumabog ang puso ni Melanie. Akalain ba niyang mami-meet muli ang binatang arogante pero
mayaman? Enrico Soler?
Ya! Small world, ha?
SA BAR, hindi inaasahan ni Melanie ang muling pagkukrus ng landas nila ni Enrico Soler. This
time ay mukhang intresado sa kanya ang aroganteng binatang mayaman. Hindi malaman ng
dalaga kung ngingitian ito. Ganitong masama ang loob niya sa mundo.
Kumusta ang kotse mo, miss?
Hindi nakaila kay Melanie na genuine ang ngiti at bati sa kanya ni Enrico Soler; walang kaibahan
sa lalaking nais pumorma sa tipong babae.
She decided to smile back at him. Okay na ang kotse ng mommy ko. Yung perang sumobra,
ipinam-blow out ng nanay ko sa aming dalawa. We ate at a very expensive restaurant
Thats great. May I join you? May pakiusap ang tanong ni Enrico.
Ganitong kailangang-kailangan ni Melanie ang atensiyon ng mga lalake, pinakahuling gagawin
niya ang tumanggi kay Enrico.
After all hindi kung sino lang ito. Ito ay mayaman base sa malaking bahay nito sa isang village.
Guwapo pa.
Nginitian ni Melanie ang binata, pinaupo.
Amoy-chico ka, bro. halata ni Melanie na nakainom na ito.
Oo, konti lang naman. Nag-iisa ako, just like you.
Nainip ako sa bahay, first time kong naligaw dito.
May pangalan ka?
Napangiti ang dalaga. Melanie Martinez. UP graduate. Single. 22. Goal oriented. Nansasapak ng
lalake kung kailangan.
Napatanga si Enrico. Wow. Kumpleto except for your status.
Status? Single ako, I told that already.
Status of the heart. Your love life, Melanie.
Nag-blush ang dalaga. Ano ba ang sasabihin niya na siya ay sagana sa admirers? Na siya ay may
boyfriend? Na siya ay maligaya sa kanyang personal affairs?
She opted to tell the truth. Zero love life. Wala ring social life. Mahirap kasi daw akong
pakibagayan, sabi ng mommy ko.
Naaliw ang binatang mayaman. Sa huli mong sinabi, maniniwala ako. Na ikaw ay mahirap
pakibagayan base na rin sa una nating encounter sa minor traffic accident natin.
Pero yung sabi mong zero love life ka? Paanong mangyayari iyon e kayganda-ganda mo? Lahat
ng normal na lalake ay gugustuhin kang ma--
Gugustuhin akong ma--? Puwede ba huwag mong ibitin, Enrico Soler? Anong gugustuhin akong
ma-ano?

Mai-date, maging kaibigan or maging syota


Napalunok ang dalaga. Nakita niya ang sensual lips ni Enrico nangangako ng napakasarap na
halik; pati na ang matipuno nitong katawan na tiyak na magdadala sa katalik sa pinakamataas
na antas ng luwalhati.
Bigla ay parang nilagnat si Melanie, nakadama ng kakaibang klase ng pagkauhaw.
KABANATA 11
HELLO? Napansin ni Enrico Soler na nawala sa sarili si Melanie.
H-ha? Napaigtad ang dalaga.
Naglakbay ka. Whats on your mind?
Masasabi ba naman ni Melanie na siya ay nangangarap mahalikan at mayakap ng guwapong
lalaking ito? Na si Enrico Soler ang pantasya niya sa mga sandaling ito?
Never mind his arrogance, mapapatawad na ito ni Melanie. Sa diwa ng dalaga ay ituturing niyang
magandang produkto si Enrico na kanais-nais subukan kahit pa walang money-back guarantee.
N-Nothing, sagot niya. Kuwan, n-nasaan na nga tayo?
Natawa si Enrico.

Mayamayay bumulong, kita ang kapilyuhan sa guwapong anyo. . I know whats on your mind,
Melanie. Pamilyar na ako sa ganyang actuations ng mga babae
W-whaaat? Alam ni Enrico Soler na siya ay walang kaibahan sa isang female dog na
naghahanap ng makakatalik sa unang pagkakataon?
Siya mismo ay nasagwaan sa comparison. Bakit naman ang tulad niyang matinong dalaga ay
ihinalintulad niya sa naghi-heat na virgin dog?
Melanie, its all right. Tara, mahinahong bulong ni Enrico Soler.
Para namang na-magic ang dalaga; walang anumang pagtutol.
SA kanikanyang bahay, sina Don Pedro at Candida ay sabay pang nagising sa hatinggabi.
Naalala agad ng don ang magandang biyudang principal sa public elementary school. Nakadama
ang puso niya ng kagalakan. Kaya kong mahalin si Candida, hanggang sa aking katandaan.
Si Don Pedro naman ang nasa kamalayan ni Candida. Bakit halos tiyak kong siya ang bago kong
nais mahalin? Nagtataksil ba ako kay Albertosa yumao kong mister?
Patuloy ang takbo ng utak ni Don Pedro. Nagsalitang mag-isa, excited na parang teenager.
Hinalikan ni Candida ang mga bulaklak na bigay ko. And she appreciates the chocolate bars.
Kaysarap sa feeling
Tiningnan ni Candida sa salamin ang anyo. Kinumbinsi ang sarili na she is still very good-looking;
attractive pa rin at 50.
Naalala namang bigla ng don ang kahawig na binata, his carbon copy na hindi naman niya nais
ang katauhan. Umasim ang mukha ng don.
Si Candida ay naalalang bigla si Melanie. Maging handa kaya ang unica hija kapag sinabi niya
ritong siya ay naa-attract kay Don Pedro?

Nakangiting tinungo niya ang silid ni Melanie. Saka lang nalamang wala pala ito; umalis nang
hindi nagpaalam.
Iniwan ang kotse sa garahe; ibig sabihin ay ayaw magparamdam sa ina, alam na magigising ito
ng rebolusyon ng makina.
SA isang pribadong silid, narating nina Melanie at Enrico ang sukdulan ng luwalhati.
KASABAY ng pagtatapos ng makasalang pagtatalik ay saka natauhan si Melanie. Bumangon ito
agad, tila nandidiri sa katabing binata.
Pinigilan siya ni Enrico Soler. Babe, magpahinga ka muna. You know, dapat ay nasa tinatawag
pa tayongthe afterglow
Napailing si Melanie. How can I have that comfortable feeling? Bigla akong sinundot ng
kunsensiya, Enrico. Mali na nagpaangkin ako sa iyo. You are not even my boyfriend.
Natawa ang mayamang binata. Ang corny mo naman.
Nagbihis na ang dalaga. Hindi tayo nagkita, hindi tayo nakarating sa bawal na silid na ito. Hindi
naganap angang imoralidad na ito
Imoralidad? My eye! Lady, sumunod lang naman tayo sa takbo ng panahon. This is 2010, huwag
kang manatili sa panahon ng lola mo.
Tinaliman ng tingin ni Melanie ang binata. This is my biggest mistake. Kalilimutan ko ang
sandaling ito.
In fairness, ako pala anguna. You were a virgin, Melanie.
Ang I gave it away to a total stranger! sigaw ni Melanie.
Bago pa nakasagot si Enrico ay nakalabas na ng silid na iyon ang dalaga. Nagpapakatatag,
kinakalaban ang pagdaloy ng luha.
Blag. She slammed the door.
Sa loob, napailing si Enrico. Nagkibit-balikat. At saka natulog.
SA BAHAY nina Melanie, si Candida ay hindi mapakali. Ayaw sagutin ng anak na dalaga ang
cellphone nito.
Ano na ba ang nangyari sa kanyang kaisa-isang anak?
Kaylakas ng pintig ng puso ni Candida. Mamatay-matay siya sa pag-aalala kay Melanie.
Bigla niyang naalala ang Diyos. Huwag Mo pong pabayaan ang aking anak, Lord. Ibalik Mo po
siya sa akin nang buhay at walang pinsala
May taxi na pumarada, nakahinga nang maluwag si Candida nang makitang bumaba si Melanie.
Nagpakahinahon siya sa harap ng anak. I was worried sick, saan ka ba galing?
S-Sa Malate po, Mommy. Wala langnalungkot po ako, naghanap ng sarili Ikinaila ni Melanie
ang naganap sa kanila ni Enrico Soler.
Niyakap ni Candida ang anak. Sa susunod naman ay magpapaalam ka. O kaya ay mag-iwan ka
naman ng note

Yumakap din sa ina si Melanie. Lihim siyang nangangamba sa nagawa. Kung ano ang maaring
ibunga nito.
Hindi na siya virgin at sa isang walang kuwentang lalake niya ito ipinagkaloob. Nandidiri siya sa
sarili. Bakit siya nagpakababa?
Siya nga ba ang disenteng dalagang nagwala sa gabing ito? Nakatikim nga siya ng halik at yakap
atkaganapan bilang babae. Pero sa paraang imoral.
KABANATA 12
LABIS na nababagabag si Melanie sa sitwasyong pinasok. Matapos humalik sa ina ay nagkulong
na sa kanyang silid. Past 3 na ng madaling-araw. Mga tatlong oras din pala niyang nakapiling ang
lalaking pinagkalooban niya ng virginity; ng pagkabirheng kaytagal iningatan.
Galit na galit si Melanie sa nagawa, pinagagalitan ang sarili. Tanga, tanga, tanga! Basta mo
isinuko ang iyong dangal at pagkababae sa lalaking arogante at hindi mo alam ang likaw ng
bituka? Ikaw na pinalaki sa pangaral ng mommy mo, parang pasaway na teener na biglang
nagwala?

Hoy, Melanie, paano na ngayon? Nakita na ni Enrico Soler ang lahat-lahat sa iyo! At hindi lang
nakita, naangkin pa! Ipinagkaloob mo nang buong puso!
Napatuwid ng upo sa ibabaw ng kama si Melanie. Natigilan siya sa huling sabi ng sariling isip
yung ipinagkaloob mo nang buong puso.
Tama, involved ang kanyang puso nang siya ay nagpaangkin kay Enrico Soler. Hindi niya
matututulan na ang kanyang puso ay kinilig at na-excite sa presencia ng guwapong mayaman.
Kung gayoy she did it forlove?
Gustong isipin ni Melanie na ganoon nga she did it for love. Na hindi lang pala siya aware ay
mahal na niya si Enrico Soler.
Pero ayaw namang makumbinsi ang kanyang sarili; alam na bago ma-in love ay kailangang may
ka-in love in love sa taong nais mahalin
Ano ba ang nagustuhan niya sa aroganteng binatang mayaman na halatang playboy at
iresponsable?
Obvious na ito ay hindi nagtatrabaho, pasarap lang sa buhay.
Napalunok siya. Nagbalik ang diwa sa problema. Sa loob-loob siguro ng Enricong yon, ako ay
kabilang sa mga tangang dalagang kaydaling nagsuko sa kanya ng pagkababae; yayabang lalo
ang taong iyon.
Dapat niyang isiksik sa utak niya ang huli kong sinabi na walang namagitan sa amin, na hindi
kami nagkita, na dapat ibaon sa limot ang imoral naming ginawa
Hindi na siya gagawi sa Malate, laluna sa bar na hang-out din pala ni Enrico Soler. Hindi na rin
siya magkakamaling maghanap ng halik at yakap at iba pa. Tama na ang isang pagkakamali.
Napalunok si Melanie, naunawaan ang bago niyang estado bilang babae. Hindi na pala ako
virginnaging total woman na ako, hindi na inosente sa mundo

Naalala niya ang unang halik sa mga labi. Tama siya, kaysarap at kaytamis nga ng halik na iyon
mula kay Enrico. Hindi rin niya ikakaila na napakatamis din ng yakap nito.
Ang tamis ng una at tanging lovemaking ay iti-treasure din niya sa alaala. Pero hindi niya
kailanman hahangarin na muling magtagpo ang landas nila ni Enrico Soler. Ipo-focus niya ang
lahat ng oras sa pagpapayaman. Inspirasyon nga kasi ni Melanie ang business tycoon na si Don
Pedro Marquez de Golfo.
ITINUON nga ni Melanie ang sarili sa pagpapayaman; kalilimutan ang immoral na naganap sa
kanila ni Enrico Soler. Isang gabi iyon ng kabaliwan na hindi na mauulit, deklara niya sa sarili.
Sa malaking multi-national company sa pusod ng Makati siya nagtungo. Tinanggap niya ang
standing offer na maging junior executive. Maipagmamalaki ang matatanggap niyang suweldo
na madadagdagan pa sa bawat taon.
Naalala niya ang idol na business tycoon, si Don Pedro, na nang-snob lang sa kanyang offer na
magtrabaho sa mga korporasyon nito; sa halip ay ang mommy niya ang napansin.
May lihim pala siyang sama ng loob kay Don Pedro, naunawaan ni Melanie. Idol pa rin niya ito
pero ayaw na niyang magtrabaho sa alinmang business establishments nito.
Marunong din naman akong magmalaki, okay? sabi niya sa sarili habang paalis na sa malaking
building na pagtatrabahuhan.
Kumpleto na ang lahat na requirements, magsisimula siya agad sa susunod na linggo.
Itinuturing niyang ang pagiging UP graduate niya ang naging susi ng madali niyang pagpasok sa
corporate world.
Of course, nakatulong ang pagiging magna cum laude niya at ang ismarteng pagpasa niya sa
interview with flying colors.
Surprisingly ay Enrico ang first name ng interviewer; naalala tuloy ni Melanie ang taong nais
nang kalimutan sa habampanahon.
Bale ba ay halatang nagka-crush sa kanya ang Enricong interviewer. Naisip tuloy ni Melanie
nakaka-attract ba siya talaga ng mga Enrico?
Huwag naman sana. Paano ba siya makakalimot at
nakakasalamuha niya ang mga kapangalan ni Enrico Soler?

makaka-move

on

kung

laging

Anyway, nakarating siya sa bahay nang maluwalhati. Wala pa ang mommy niya, pauwi na raw
mula sa pinamamahalaang elementarya.
Gayunmay hindi na nakapaghintay sa pagbabalita si Melanie; itinext na sa ina ang magandang
balita na siya ay magtatrabaho na sa malaking kumpanya sa Makati.
Pero hindi natuwa si Candida. Nang nasa bahay na ay nagpahayag ng pag-aalangan sa ginawa
ng anak. Sana ay binigyan mo uli ng chance si Sir Pete. Mas napapabuti ka sa kumpanya niya.
You know that, iha.
Mommy, pumayag ka namang sa iba na ako magtrabaho. Nalimutan mo ba?
Oo, alam ko yon. Nanghihinayang lang naman ako sa better benefits and probably higher
position para sa iyo, anak. Ganitong magkaibigan na kami ni Sir Pete

Pero hindi ko po alam na kailangan ko pa palang halos magmakaawa kay Sir Pete. Mommy, kung
ayaw sa akin, ayoko na rin po sa kanya. Para naman pong siya lang ang pag-asa ko.
KABANATA 13
MAY misgivings nga si Candida kay Melanie; masama ang loob sa anak dahil tinanggap na pala
nito ang offer ng isang malaking kumpanya sa Makati. Doon na pala magtatrabaho ang dalaga
bilang junior executive.
Pangarap pa naman ni Candida ay sa mga kumpanya lamang ni Don Pedro Marquez de Golfo
magtatrabaho ang dalagang UP graduate. Tiyak na mas magandang sahod at posisyon ang
matatanggap ni Melanie kung sa poder ni Don Pedro magtatrabaho si Melanie.

Napabuntunghininga na lang si Candida. Sige na, ituloy mo na. Alangan namang bigla kang
magba-back out sa kumpanya sa Makati. Basta pangatawanan mo lang ang tinanggap mong
work.
Opo. Talaga namang todo ang gagawin kong sikap para umasenso agad at yumaman. Resulta
po ang kailangan ko, hindi rason.
Excuse me? Hindi naunawaan ni Candida ang huling sinabi ng anak na dalaga.
I mean hindi po ako maghahagilap ng reasons kung bakit ako nabigo. Kaya nga ang resultang
kailangan ko ay ang...huwag mabigo. Magandang resulta lang ang tunay na basihan ng
achievement ng tao.
Napatanga sa paghanga si Candida. Wow! Alam kong matalino ka pero hindi ko alam na
ganyang katalino; malalim ka pa sa akin, anak.
Makikita ng idol ko, Mommy, siya ang nawalan sa pagtanggi niyang magtrabaho ako sa kanyang
kumpanya.
Melanie, hindi pa naman tumanggi sa iyo si Don Pedro, eheste si Sir Pete. Hindi ka nga lang
napansin
Nagkibit-balikat ang dalaga. Ganon na rin po iyon. Taken for granted niya ako dahil fresh
graduate, wala pang experience. Nabasa ko ang interview sa kanya ng Newsweek, sabi niyay
walang hihigit sa experience bilang gabay sa pagtatagumpay
Pinayapa ni Candida ang anak na halatang pikon na pikon kay Don Pedro Marquez de Golfo.
Pagod tayo pareho, we better eat na. Kapag daw busog ay gumaganda ang mood ng tao
ANG NAPANSIN ni Melanie sa pagdaraan ng mga araw, may kakaibang sigla ang kanyang ina;
madalas din niyang nahuhuling natitigilan, malayo ang takbo ng isip.
Mommymay nais ba kayong sabihin sa akin? Isang araw ng Linggo ay kinausap na niya ang
ina, inusisa.
Ngumiti ito sa kanya, tila nabunutan ng tinik. Mabuti at ikaw na ang nagtanong, Melanie. Hindi
ko kasi alam kung paano sasabihin sa iyo
Kinabahan si Melanie. May mabigat bang karamdaman ang ina? Kaya madalas na natitigilan?
Pero madalas din itong excited, naalala niya.

Mag-aasawa na ako. Sa susunod nang linggo, anak


Mangha sa narinig sa ina si Melanie. Pinakaayaw niya ay ang mag-asawa pa ang kanyang
mommy. Ni hindi niya itinanong sa ina kung kanino magpapakasal.

PARANG natuklaw ng ahas si Melanie, hindi makapagtanong man lang sa ina tungkol sa
mapapangasawa nito sa susunod nang linggo.
Melanie, I know its hard for you. Alam ko namang mas gusto mong tumanda akong walang
kapalit ang yumao mong ama
Humihingi po ba kayo ng aking permiso?
Umiling si Candida. No, ihaipinababatid ko lang sa iyo. Malaki ka na, young adult. Soonvery
soon, hindi mo na kailangan ang mommy.
Napapikit si Melanie. Ganito siya kapag hindi gusto ang balita.
Hindi mo ba nais malaman kung sino?
Will it change your decision, Mommy? balik-tanong ni Melanie.
Umiling ang ina. No. Buo na ang pasya ko. I love this man.
Fine. At paano na ang undying love mo kuno sa daddy ko? Gone with the wind? sarkastikong
sumbat ng dalaga.
Nagpakahinahon ang ina. Nakipag-usap na ako sa kaluluwa ng daddy mo. Mahal ko pa rin si
Alberto, hindi mababago iyon
Kinausap mo ang kaluluwa ni Dad? As if makasasagot yung yumao. Mommy, dont be
ridiculous. Get married, I dont care. Muli ay ang sarkastikong tono ni Melanie ang lumutang.
Pero sanay nang makibagay sa tanging anak si Candida. Alam niyang may sarili itong isip at
katwiran na kayhirap arukin.
And I dont even want to know his name, take note, Mom. Basta akoy mananatili dito sa bahay
ng daddy ko.
Bahay namin ng dad mo, Melanie. Mga pera namin ang ipinagpagawa sa bungalow na ito. And
you are allowed to stay here for as long as you wish. Bahay mo na rin ito.
NAGSUMBONGagad sa kaibigang bading si Melanie. Napakasama ng loob ko, Generoso. Binigla
nga kasi ako ni Mommy
At hindi mo alam kung sino ang honchong mapapangasawa? Kung ang multi-milyonaryong
pilantropo-industrialist na si Don Pedro Marquez de Golfo or isang lalaking kukulu-kulo ang
tiyan?
Hindi papatol si Mommy sa lalaking walang achievement, Gen.
Kung gayoy magtiwala ka na lang na matinong lalaki ang magiging stepfather mo, dahling. Ang
bet ko ay ang don! Most likely ay matutupad ang pangarap mong maging ama ang idol mo!
Sumimangot si Melanie. Hindi ko na siya masyadong idol.
At dinitalye ni Melanie ang sama ng loob sa don; ang hindi nito pagpansin sa pag-o-offer niyang
magtrabaho sa alinmang kumpanya nito.

Nababawan naman ang bading. Para yun lang, binawasan mo na ang paghanga sa kanya?
Grow up, girl!
Iba na ang isyung nais i-share ni Melanie sa bading. May isang mayamang Enrico Soler na
niyaya sa motel ang dalagang virgin pa. Nagpaubaya ang dalagang ito, isinuko ang dangal sa
binatang hindi man lang boyfriend. Pero ngayoy nalilito ang puso
KABANATA 14
Inulit ni Melanie ang mga huling pangungusap. Narinig mo ba, Generoso? Nagpaubaya ng
dangal sa binatang hindi man lang boyfriend ang dalagang virgin. Ngayon ngay nalilito ang
puso
Nalito ang bading. Kaninong puso ang nalilito, Melanie sa binatang hindi boyfriend o sa
dalagang virgin?
Sa dalagang virginpero hindi na siya virgin dahil nagpaubaya na nga dun sa binata
Aba, walang katulad sa katangahan ang babaing yon! Mabuti ngang malito ang puso niya!
Gaga siya, e!
Napalunok si Melanie.
At sabihin mo nga sa babaing yon, hindi maganda sa image ng dalagang Pilipina ang kanyang
ginawa.
Wala na ka mong pinakarerespeto ang mga lalaki kundi ang babaing disente; never yung mga
nagwawala, hirit pa ni Generoso.
Parang pinitpit na luya na sa kahihiyan at pandidiri sa sarili si Melanie. Wala talagang
makikisimpatiya sa ginawa niya.
And may I add pa, Melanie sabihin mo rin sa babaing yon na itago na lang niya habambuhay
ang kabulukan niyang iyon, para hindi siya isumpa ng kanyang angkan. Napakaimoral niya ka
mo.
Generosoako ang imoral na babaing yon luhaang pag-amin ni Melanie sa kaibigang
bading.
Napataas ang kilay at nanlaki ang mga mata ni Generoso.
Hindi malaman ang sasabihin sa dalaga.
N-naumid ang aking dila, walang mahagilap na kataga ang aking katauhan, Melay
Gennandidiri nga rin ako sa sarili ko kapag naaalala ko ang katangahan ko. Gumawa pa ako ng
mortal na kasalananpara lang malunasan ang frustrations ko sa aking lovelife
Alam ba ng mommy mo?
Umiling ang dalaga. Ayokong ipagtapat. Bababa nang husto ang pagtingin niya sa akin.
Napabuntunghininga ang bading. Alam mo bang particular ang angkan namin sa imoralidad, ha,
Melay? Itatakwil ang sinuman sa amin kapag nagkaanak sa labas; o kaya ay nakipag-sex nang
wala sa panahon
Morally upright kami ng mommy ko, ayoko rin ng premarital sexkaso ay namadyik yata ako ng
Enrico Soler na yon?
Tumangu-tango ang bading. Kilala ko siya sa Facebook, Melay. Puro magaganda at class ang
lady friends niya. Hindi ka kasali

Umiling si Melanie. Hindi ko naman nanaising maging lady friend ni Enrico Soler, Generoso. Siya
na yata ang pinakairesponsableng mayaman na nakilala ko. Puro pasarap sa buhay ang alam.
Pero nalilito ang iyong puso sa lalaking iyon. Youre in big trouble, my friend seryosong sabi
ng bading.
NAPAIGTAD si Melanie sa komento ni Generoso. Hindi ako nagbibiro, Melanieang puso mo ay
naliligalig ni Enrico Soler. You really are in big trouble, sistah!
Huwag mo naman akong takutin, bakla. Ayokong umibig sa ganoong lalaking superirresponsible. Baka ako pa ang parang nanay na magdadala sa kanya sa tamang landas, I dont
like that
Lalo namang napataas ang kilay ni Gen a.k.a. Generoso. Melanie kadalasan talaga ay bulag at
baliw ang pag-ibig. Tanggapin mo na lang ang papel mo sa mundo and be happy
Tulad ko, tinanggap kong akoy bading. Maligaya naman ako kahit wala akong matris at wala
ring pag-asang sumali sa Miss Philippines
Bahagya nang napangiti si Melanie sa sabi ng bakla. Ayaw niyang tanggaping siya ay napapaibig
kay Enrico Soler kahit walang dahilan.
E kaya nga siya wala pang boyfriend hanggang sa edad na 22 ay dahil mapili siya sa karapatdapat na mahalin.
Naghahanap talaga siya ng binatang puwedeng ibigin habambuhay.
Huwag na nga nating pag-usapan ang lalaking yon. Natitiyak kong hindi ako magpapakagaga
pang lalo. First and last lang ang nangyari sa amin sasa motel.
Ayy, saang motel pala kayo nakarating? May bathtub ba? May loveseat? May ceiling mirror?
Generoso, ano ba? Ayoko na ngang alalahanin ang episode na iyon ng aking buhay.
Hopefully ay hindi ka naman nai-video habang kayoyyou know Pinagdikit ni Generoso ang
dalawang hintuturo, maliciously.
Nag-blush si Melanie. Gawin niya yon at papatayin ko siya. Ano kami, Hayden-Katrina?
Hoy, pass na yon. May iba namang pareha
Hush, Generoso, hindi ako intresado kung sino man sila. Nasabi ko na bang kalilimutan ko ang
pag-ibig at magpapayaman na lang ako?
Nabanggit mo sa Facebook pero hindi ako naniniwala, sis. Pangit kasi na isa-substitute mo sa
love ang money. Hindi mo mayayakap ang pera. Puwede mong halikan ang cash pero it wont
kiss you back.
TATLONG araw nang nagtatrabaho sa Makati si Melanie nang ikasal naman ang mommy niya sa
napusuan nito.
Ang kasal ay napakapribado, ginawa sa isang lumang simbahan sa Tagaytay, dinaluhan lamang
ng sampung pinakamalalapit na kaibigan.
They have their reasons for having such a simple wedding na walang fanfare. Ang mahalaga
lamang ay they have each other.

Si Melanie ay hindi napilit na sumaksi sa wedding. Hindi pa rin alam ng dalaga kung sino ang
napangasawa ng ina.
Ang honeymoon ay sa Tagaytay din ginanap. Tatlong araw-tatlong gabi roon si Candida at ang
napangasawa. Pero lumagutok ang buto sa likod ng brand-new husband, napangiwi. Matanda na
yata ako, Candid!
Natawa si Candida.
KABANATA 15
LUMAGUTOK ang buto sa likod ng napangasawa ni Candida, natawa ang mommy ni Melanie. Hihi-hi-hi! Matanda ka na nga, aminin!
Hoy, Candid, magkaedad lang tayo! Aruy ko, nabalian yata ako!

Hinaplos agad ni Candida ng linimento ang likod ng brand-new husband, buong pagmamahal.
Napag-usapan nila si Melanie. Really, Candid, hindi niya alam na I am the lucky guy?
Ganoon nga. Nothing personal naman. Basta ayaw niya akong magmahal ng iba, maka-daddy
niya si Melanie. Kaya wala siyang pakialam sa bago kong mahal.
Dont worry, dahlingmagaling akong makibagay sa young people. Im sure magkakahulihan
agad kami ng loob ng dalaga mo.
Dapat lang, dearkasambahay natin ang anak ko, kailangang kayoy nagkakasundo,
mahinahong sabi ni Candida.
SA LUNSOD, pilit nagko-cope up sa bagong sitwasyon si Melanie. Hindi na siya free as a bird sa
nagdaang dalawang araw. Kasabay ng pagpapakasal ng mommy niya sa aywan niya kung
kaninong lalake ay nagsimula naman siya bilang junior executive sa malaking kumpanya sa
Makati business district.
Kung kailan kailangan pa naman niya ang assistance at assurance ng mommy niya sa mga
unang araw sa first job niya ay saka naman wala ito, abala na sa bagong buhay.
Siya ang namlantsa at naghanda ng mga isusuot niya; siya ang nagluto ng kanyang almusal.
Feeling stressed agad siya.
Nasabayan pa ng depression dahil naalala na naman ang pagkakaloob niya ng pagkababae, her
virginity no less, sa isang lalaking hindi karapat-dapat, walang values.
Ah she really feels rotten inside.
Kung puwede lang ay nais niyang mawala sa Kamaynilaan si Enrico Soler, para wala nang chance
na magkikita pa sila nito.
There she is, mag-isang nag-aalmusal habang bihis na, papasok na sa opisina. Sumasalit sa isip
niya ang kanyang mommy na maligaya sa honeymoon nito.
Hindi na pala siya ang baby ng kanyang mommy, kanyang na-realize. Malaking baby na pala ang
pet nito ngayon.

Nag-ring ang landline. Parang ayaw niyang sagutin. Paano kung si Enrico Soler pala? For
whatever reason ay na-trace pala ang landline nila at nais siyang makausap?
Hello? Sinagot din niya after a few seconds of hesitation.
Baby, ang mommy ito. Kumusta ka na, anak? Wala bang hassle sa trabaho mo? Kaylambing ng
tinig ng kanyang ina.
Naghimagsik si Melanie. Im fine and I dont need you, Mom. Mag-enjoy ka na lang sa
honeymoon mo. I simply dont care.
PINATATAG ni Melanie ang sarili. Babalik na ang mommy niya mula sa honeymoon. Hindi na niya
maiiwasang makaharap ang bagong asawa nito; ang magiging stepfather niya.
Si Don Pedro Marquez de Golfo nga kaya ito? Baka iba pala isang kung sinong lalake na
magdudulot lang sa kanilang mag-ina ng bangungot? Puro problema ang dala?
Nagkibit-balikat ang dalaga. Que sera, sera. Whatever will be will be. Kung ano man ang takdang
maganap ay magaganap. Hindi niya mapipigilan dahil nakatakda.
Basta siya ay magpapakahusay sa kanyang bagong trabaho sa corporate world. Bilang junior
executive ay pahahangain niya sa kanyang performance ang mga boss sa korporasyon.
Eat your heart out, Don Pedro. Ikaw ang nawalan sa pagtanggi mong magtrabaho ako sa mga
negosyo mo. It is your loss, not mine, ulit ni Melanie sa sarili. Patungo na siya sa conference
room kung saan makakamiting niya ang mga big bosses ng kanilang korporasyon.
SA ISA pang panig ng Metro Manila, si Enrico Soler, ang lalaking naka-one-night stand ni Melanie,
ay naghahanap ng mapagbubuntunan ng galit. Todo ang pagpapatakbo niya sa dalang sports
car, napakabilis na parang walang kamatayan. Bruuummm.
May isang pangyayari na nais niyang pigilin pero naganap pa rin.
Damn! I hate that old man! Kung kailan tumanda ay saka pa kumuha ng mga sampid!
Ang kanyang ama ang minumura ni Enrico. Kapag nalaman ni Mommy ito ay tiyak na
magwawala. Insulto sa aming mag-ina ang ginawa ng walanghiya kong ama!
Bruuuumm. Lalo pang pinaharurot ni Enrico ang sports car, akala mo nga nasa karerahan ng
kotse.
Muntik-muntikan niyang mahagip ang mga nilampasang sasakyan, pati na ang ilang pedestrians.
Wang-wang-waaaanngg. Nakahabol na sa kanya ang hagad, pinatatabi siya.
Kumunot ang noo ni Enrico. Paaabala ba siya sa motorcycle cop?
Mayabang na ihininto niya sa tabi ang sports car.
Mawalang-galang na po, sirmaaari po bang makita ang lisensiya?
Hindi, aroganteng tugon ni Enrico.
Ang violation po ninyo, sir reckless driving, over-speeding at ang pinakahuli refusal to show
license to an officer of the law, matatag na sabi ng hagad. Tipong hindi ito nasindak ni Enrico.
Mayabang na ipinakita ni Enrico ang lisensiya. Here.
Namutla ang hagad, nakilala agad si Enrico. K-kayo po pala, sirS-Sige po, heto na ang
lisensiya. Ingat po
KABANATA 16

PASUPLADONG kinuha ni Enrico ang lisensiya mula sa namumutlang hagad. Kasunod ay


pinaharurot na ang sports car, nag-iwan pa ng dirty finger sign sa alagad ng batas.
Ang hagad ay napailing at napabuntunghininga. Kung puwede lang ay binaril na niya ang
abusadong motorista. Nagkasala na nga ito sa batas-trapiko ay masyado pa siyang inaglahi.
Pelaez, anong nangyari? Bakit mo pinawalan? Nakasunod pala ang isa pang hagad, nagtaka.
Santos, pader ang taong yon. Kung babanggain ko ay ako ang kawawa. Ayokong magutom ang
pamilya ko.

Bakit, sino ba yon?


Si Enrico Soler, anak ni Mrs. Soler na misis ng namatay na senador.
Wow, mabigat nga. Kahit patay na si Senador ay buhay na buhay pa ang impluwensiya sa high
places. Naiintindihan kita, Pelaez. Pader nga yung nakabangga mo.
Napabuntunghininga ang mabuting alagad ng batas. Nais kong manindigan, magpakabayani
hulihin ang abusadong yonkaso ay magiging miserable naman ang mag-iina koako lang ang
breadwinner sa amin, Santos.
SA BAHAY, nadatnan na ni Melanie ang inang galing sa honeymoon, kauuwi lang. Matamlay na
nagbigay-galang ang dalaga. Mano po, Mommy.
Niyakap ni Caridad ang tanging anak. Melanie, babehuwag ka na bang magtampo. I married a
very good man.
Nasaan na ho ang bago ninyong asawa?
Nasa bedroom, nagpapahinga. Lumagutok ang buto sa likod pero makukuha raw sa kaunting
pahinga.
Lumagutok ang backbone? Sakit ng matanda?
Nais kong magkakilala na kayo, Melanie. Tekat palalabasin ko.
Bumuntunghininga si Melanie pero hindi na tumutol. Okay. Dapat lang, magiging kasambahay
ko na siya, e.
Alam kong galit kang nag-asawa ako pero nakikiusap akong bigyan mo ng kahit konting
paggalang ang bago mong stepfather. Puwede ba?
Para naman hong napakabastos ko. Ill be civil to him, dont worry. Siguro naman e hindi kung
sino lang walang sinabi ang ipinalit ninyo sa daddy ko.
Nakangiting pinaghintay siya ni Caridad sa kinatatayuan. Babalik daw agad with the new
husband.
Saglit pay kaharap na nga ni Melanie ang bagong lalaki sa buhay ng ina. Oh my gosh! K-kayo?
N-nagkatuluyan kayo ng mommy ko?
Melanie, why not? Your mom is a wonderful woman, I love her so much. Im sure magiging
maligaya kamitayong tatlo. Kayganda ngbgiti ni Don Pedro Marquez de Golfo.
HINDI pa rin makapaniwala si Melanie na ang napangasawa nga ng mommy niya ay si Don Pedro
Marquez de Golfo, ang business tycoon-philanthropist na idol pa niya.

Im not dreaming, totoo ngang nagkatuluyan kayo ni Mommy, Sir Pete! manghang bulalas na
naman ni Melanie. Jeez, my mom was too secretive, akala koy iba ang bigla niyang
pinakasalan!
Natawa ang dalawang 50s na nasa honeymoon stage.
Hindi nga rin ako makapaniwala, anak. Sa gulang pala namin ni Pete ay magaganap pa ang
biglaang pag-ibig, yung tinatawag na whirlwind romance. Naggu-glow ang mommy niya, hindi
nakaila kay Melanie.
Ayaw naman ng mommy mo ng bonggang kasal, matatanda na raw kami and she wants it
private; biglaan tuloy ang kasal namin sa Tagaytay with just a handful of friends, iha.
Natataranta si Melanie, biglang na-conscious sa presencia ng napaka-importanteng tao. My
gosh, wala pa naman kaming maid ni Mommy! Hindi ko masyadong nawalisan ang buong
bahay.
Malinis naman, iha, okay lang. May ipapakiusap pala ako sa inyong mag-ina nakangiti pa ring
sabi ni Don Pedro a.k.a. Sir Pete.
Naaaliw na hinintay ni Candida ang sasabihin ng brand-new husband; si Melanie ay hindi na yata
humihinga sa suspense.
Kaya ba nila ang ipakikiusap ng multi-milyonaryo na sanay sa state-of-the-art na kaalwanan sa
buhay? Hindi kasing-ganda ng 5-star hotel ang bahay nilang mag-ina. Hindi sila mayaman,
middle-class na nagsisikap pa lang yumaman.
Pete, what is it? magiliw na tanong ng mommy ni Melanie.
Candid, Melanie puwede ba akong magpalit ng suot? Mas masarap ang pakiramdam ko kung
nakapambahay ng butas-butas na t-shirt at lumang puruntong shorts.
Nagkatinginan ang mag-ina, halos hindi makapaniwala.
Akalain ba nilang iba pala ang kawirduhan ng multi-milyonaryong biglang naging kapamilya nila?
Kaylakas ng tawa nina Melanie at Candida. Naaaliw namang napatingin sa kanila ang don.
By all means, Pete! Magsuot ka ng anumang gusto mong pambahay! Ganyan din naman kasi
kaming mag-ina kapag oras na ng pagtulog! Yung pinakaluma na masarap sa katawan ang
gustong isuot, natatawang sabi ni Candida.Magkakasundo tayo!
KAHARAP na ni Enrico Soler ang inang napakasosyal at napakataray. Ano uli ang sabi mo, anak?
Nag-asawa na si Daddy.
What? Hindi makapaniwala si Simeona Santos-Soler, biyuda ni ex-Senator Lorenzo Soler.
Hindi ko pa alam kung kanino nagpakasal, Mommy. Biyuda raw na may anak na dalaga, ayon sa
source ko.
KABANATA 17
HINDI ako naniniwala, Enrico! Nangako sa akin ang daddy mo na pag-aaralan na akong mahalin!
Baka nagkamali lang ang source mo, anak! Imposibleng mag-asawa pa ng iba ang ama mo!
natatarantang sabi ni Mrs. Simeona Santos-Soler, biyuda ng yumaong senador.
Napabuntunghininga si Enrico. Ikukumpirma ko, Mommy. Pero hindi pa nagkamali ang aking
source; halos tiyak nang nag-asawa sa iba si Daddy. Obvious na hindi ka niya type makasama
araw-araw sa iisang bubong. Malaki na kasi ang bewang mo at puson.

Natitiyak kong mas may porma sa iyo ang biyuda rin na ngayoy misis na ni Dad.
Huwag mo nang i-amplify, Enrico, ano ka ba? Kapag naman tama ang damit ko ay naitatago ko
pa ang imperfections ng katawan ko.
Ayoko nang paretoke sa mga cosmetic surgeons na yan! Pinayayaman ko lang sila! Paulit-ulit
naman ang retoke, kolekta sila nang kolekta! Mainit na mainit na ang ulo ng ina ni Enrico.
Kakausapin ko agad siya, Mommy.
Ang cosmetic surgeon ko?
Ang magaling kong daddy na tago nang tago. Magliwanagan na kami, I dont want to be shortchanged ng bagong pamilya niya. Kita sa mukha ni Enrico ang pagtitimpi ng galit.
Basta siguraduhin mo muna saka ko siya susugurin, giit ng ina.
SI DON Pedro ay kasama sa hardin ang mag-inang Melanie at Candida. Nakapambahay nang
butas-butas na lumang t-shirt ang wirdong multi-milyonaryo, hawak ang garden hose na
nagdidilig ng halaman.
Aliw na aliw ang mag-ina sa bagong miyembro ng pamilya. Akalain ba nilang napaka-down-toearth pala ng taong kahanga-hanga sa lipunan?
Pete, pahinga muna! Here is your juice! Mukha namang dignified rich matron si Candida; akala
mo tuloy boy lang niya ang kaedad na 50-year old brand-new husband.
Thank you, Candid, sweetie! Napakaganda
bagumbagong misis si Don Pedro.

mo

lalo

ngayong

umaga!

Nakangiti

sa

Halos hindi nito pansin ang presencia ng isa pang magandang babae si Melanie na may dala
namang sandwich and salad para sa iniidolong stepfather. Meryenda ka muna, Tito Pete.
Salamat, my dear! Pero puwede ba, sa inyo na lang ng mommy mo yan? Sawang-sawa na ako
sa sandwiches and salads. Ang gusto ko namang makain ay yung taho na inilalako ng vendor;
saka sana mga tinapay na murang-mura, sa munting bakery sa kanto. Monay-Pasig, kababayan,
Hopia-Tipas, pandinyog, biskotso, galyetas
Napabuntunghininga sa paghanga sina Melanie at Candida. Nasa piling nila ang lalaking tunay
na kahanga-hanga; na bukod sa super-yaman ay alam nilang napakalinis pa ng pagkatao.
Maling akala. May napakabahong lihim ang don!
MAY MABAHONG nakaraan si Don Pedro Marquez de Golfo pero walang kaalam-alam ang maginang Melanie at Candida. Buong akala nila ay walang dungis ang dangal ng sikat na business
tycoon na ngayoy kasambahay na nila sa simpleng bungalow.
Pero talaga namang kahanga-hanga sa kasimplehan ang multi-milyonaryo. Bukod sa nagsusuot
ng luma at butas na t-shirt na pambahay, ang gusto nitong kainin ay mga ordinaryong tinapay sa
munting bakery sa kanto, yung pangmasa.
Hopia-Tipas saka kababayan, miss tindera. Samahan mo rin ng pandinyog saka biskotso at
galyetas. Mismong ang don na nakasuot lang ng kupas na polo at maong pants ang bumili sa
bakery.

Hindi siya kilala sa hitsura ng mga simpleng tao, sa ordinaryong lugar ng hindi mayayaman.
Akala ay kung sino lang cute na may-edad ang lalaking bumibili ng tinapay.
Sina Melanie at Candida ay naghihintay sa di-kalayuan, naaaliw na nakatanaw sa don. Bilin sa
kanila ni Don Pedro na huwag na itong samahan; ayaw may makaalam sa tunay nitong katauhan.
Lumilipad ang isip ni Melanie. Bukas ay papasok na naman siya sa bagong trabaho sa Makati
business district at siya ay excited. Tantiya niya ay kayang-kaya niyang umasenso agad; lalong
lalaki ang kanyang sahod, mapapadali ang kanyang pagyaman.
Pero tuksong sumasalit sa kanyang diwa ang binatang pinagkalooban ng pagkabirhen si Enrico
Soler. Hindi niya talaga malimutan ang lalaking tanging nakatalik.
Gusto niyang isiping bulag nga ang pag-ibig; na kahit iresponsableng gaya ni Enrico ay kayang
mahalin.
Ngayoy halos wala na sa kanya ang mga negatibong ugali ni Enrico; kaya na niya itong unawain,
bigyan ng katwiran ang anumang kalabisan o kakulangan nito.
Natatandaan niya ang mga papuri nito sa kanya noong sila ay nasa bawal na silid sa loob ng
motel.
Namemorize na niya ang kanilang dialogues sa mga sandaling iyon ng kanilang kahinaansa
tukso.
Nakababaliw ang ganda mo, Melanie
D-dahilkaniig mo ako?
Dahil hindi ka palasakisang napakaespesyal na hiyas
Bolero.
May nahagip ang kanyang mga mata. Oh my gulay! Siya nga! He looked at me, Mom!
Sino? Nasaan? magkasunod na tanong ni Candida.
Si Enrico Soler! Pero mabilis na siyang nakalayo sakay ng kotse niya! excited na sabi ni
Melanie.
KABANATA 18
BAKIT mapupunta rito ang Enricong yon, Melanie? Baka naman nagkataon lang dito sa area
natin napadaan. Namukhaan ka siguro dahil nagkatarayan kayo noon sa traffic incident,
mahabang sabi ni Candida.
Walang kaalam-alam ang ina ni Melanie na ang dalaga ay naibigay na kay Enrico ang
pagkababae, kahit pa ang dalawa ay hindi man lang magnobyo.

G-Ganoon nga po siguro, Mommyhindi niya ako sinundan or something, sabi ni Melanie,
walang planong sabihin sa ina ang imoral na namagitan sa kanila ng aroganteng binata.
Palapit na sa kanila si Don Pedro mula sa tindahan ng tinapay sa kanto. Bumili na rin ako ng hot
pandesal!
NAGPATULOY ang takbo ng kanilang buhay. Si Candida ay maligaya sa piling ni Don Pedro; si
Melanie ay inspiradong nagtatrabaho sa Makati; ang don ay enjoy sa bagong buhay sa simpleng
kapaligiran.

At dahil naniniwala pa rin sa goodness of men, sa kabutihan ng mga tao sa paligid, hindi pa rin
siya nag-hire ng mga bodyguards; nanatiling low-profile, nakapisan pa rin sa bungalow ng magina.
Melanie, ihakung gusto mong tumira sa isa sa mga condo buildings ko, you are very welcome.
Libre. Saka kung gusto mo nang magtrabaho sa business corporations ko, anytime puwede.
Genuine, mula sa puso ang offer ni Don Pedro sa stepdaughter.
Pero ma-pride si Melanie, ayaw na ayaw masabihang nagsasamantala sa yaman ng business
tycoon.
Okay lang po, Tito Pete. Mas gusto ko dito sa aming bahay ni Mommy.
Thank you na lang po. Yun namang pagtatrabaho ko sa inyo, huwag muna ho. Pinatutunayan ko
pa ang kakayahan ko sa corporate world. I intend to get rich, Tito.
Good! Very good, Melanie! Just do it! Halatang impressed ang don sa dalagang very
independent. Kapag may tiyaga, may nilaga!
Tito Pete, pass na yan. Ang usong kasabihan Kapag masipag, puro kabag!
Nagkatawanan sila.
PERO isang gabi, habang palabas na sa pinagtatrabahuhang building, nagulat talaga si Melanie.
Akalain ba niyang inaabangan siya ni Enrico Soler! At makahulugan ang tingin nito sa kanya.
We need to talk, Melanie, walang babalang bulong nito.
Ang puso ni Melanie ay kinilig nang lihim. Alam ba ng binatang ito na pinananabikan niya ang
muli nilang pagkikita?
Napaigtad siya nang siyay hawakan ni Enrico sa kamay, so tenderly. And she didnt resist. Gusto
niyang hinahawakan siya sa kamay ni Enrico.
There she is, larawan ng babaing labis na umiibig.
ANG DALAGANG datiy suklam na suklam sa arogante at iresponsableng binatang nakakuha sa
kanyang virginity ay larawan ng kaligayahan. Kita sa mukha ni Melanie ang labis na pananabik
kay Enrico Soler; gustung-gusto na siya ay hawak nito sa kamay habang palabas ng building,
patungo na sa parking area.
S-Saan ba tayo pupunta, Enrico?
Ngiting misteryoso ang naging tugon ng mayamang binata.
Enrico, isasakay mo ako sa kotse mo? tanong ni Melanie habang palapit na sila sa sports car.
Oo, mamamasyal muna tayo. Alangan namang ako ang sasakay sa kotse mong bulok.
Kung si Melanie ay hindi labis na umiibig, tiyak na nag-alsa na siya sa klase ng pananalita ni
Enrico.
Kaso ay bulag na nga sa pag-ibig si Melanie; hindi na nakikita ang kapintasan ng binata. Walang
kaalam-alam ang dalagang ito na ito ay biktima na ng maling pagmamahal.
Oo na, Enrico, sa kotse mo na tayo sasakay. Huwag ka na bang mainis, buong pakumbaba
pang sabi ng dalaga.

Ah, kung maririnig lang niya ang kanyang mga salita ay siya mismo ang mahihiya. Nasaan na
ang dating sensible girl na buong talinong naka-graduate sa UP?
Sa pag-ibig pala siya sirang-sira?
Enrico, saan tayo p-pupunta? A-ayoko diyanusapan natin ay first and last ang n-nangyari
Paliko na sa motel ang kotse.
Gaga, paduding ka pa. Siempre ay hinahanap-hanap mo na ang ginawa natin. Aint it, baby?
Namula ang mukha ni Melanie, nag-blush. Masasabi ba naman niyang tama ang binata? Na siya
ay lihim na nananabik sa piling ni Enrico? Na kahit tutol ang isip niya ay gustung-gusto naman ng
kanyang puso na magbigay nang magbigay kay Enrico?
Hinipo-hipo siya ni Enrico habang sila ay papasok na sa compound ng motel, palapit na sa
naghihintay na garage room.
Ang pintig ng puso ni Melanie ay naghahabulan na yata. Hindi niya kayang tutulan ang anumang
nanaisin ng lalaking ito.
Melanie, babegusto kita, e. Ayaw mo na ba sa akin? Biglang bumait ang tinig ni Enrico, hindi
na arogante.
Bawal kasi itonggagawin natin, Enrico paiwas na sagot ng dalaga. T-this isimmoral,
dont you think?
NASA loob na sila ng motel room. Halik at yakap at mga haplos ang naging tugon ni Enrico sa
huling tanong ng dalaga.
Pero kung susuriin ang mga mata ni Enrico, makikita ang matindi niyang galit kay Melanie.
KABANATA 19
THERE she is, si Melanie na nagpapaubaya na naman ng pagkababae kay Enrico; kinalimutang
muli ang dangal sa ngalan ng bulag na pag-ibig. Wala siyang pakialam kung si Enrico man ay
hindi dapat mahalin; ang mahalaga lamang ay pinaliligaya niya ito.
Siya man sa mga sandaling ito ng pagtatalik ay labis na naliligayahan; saka na siya mag-iisip
kung ano ang tama; bahala na ang bukas.
Hindi napapansin ni Melanie na habang siya ay inaangkin ni Melanie sa pangalawang
pagkakataon, ang mga mata ng lalaking ito ay punumpuno ng poot at suklam.
May kakaibang motibo si Enrico na ito lamang ang nakakaalam.
Gaya ng dati ay nahimasmasan si Melanie nang tapos na ang luwalhati. Nagbalik ang isip niya sa
katinuan.
Lumuha na naman siya. Bakit muli akong nagpakagaga sa iyo?
Naghikab si Enrico. Nakokornihan siya sa dalaga, sa totoo lang.
Enrico, bakit mo pa ako dinala uli sa pagkakasala? Matino akong babae, hindi pumapatol kung
kanikanino Naghahanap ng kaliwanagan sa binata si Melanie.
Hindi ka pumapatol kung kanikanino, I believe you. Pero yung tungkol sa sabi mong matino ka
that is hard to believe. Isang kalabit ko lang sa iyo ay payag ka na agadI am not even your
boyfriend, babe. Nakakaloko ang ngiti ni Enrico.

Hindi pa ba obvious nana nakuha mo ang loob ko? Ikaw ang unagusto kong isa lang ang
aking
Ang iyong? Bakit hindi mo kumpletohin? Huwag mo ngang ibitin, Melanie. Lumilitaw na
naman ang kaarogantehan ni Enrico.
W-Wala, wala. Gusto ko nang umuwi.
Masaya ka ba sa bagong estado ng buhay mo? walang babalang tanong ni Enrico.
Napantastikuhan sa tanong na iyon si Melanie. Anong bagong estado ng aking buhay?
Oh, come on, alam mo ang ibig kong sabihin. How is it being the stepdaughter of The Tycoon,
ha?
P-paano mo nalaman? It was a very private thing
Hindi maikakaila ang pinakabagong pangyayari sa Tycoon, you moron! Ang mommy mo ba o
ikaw ang tunay na target ng matandang yonor both? buong pagkasarkastikong sabi ni Enrico.
Tinawag siyang moron! Pinaghinalaan pang sila ng mommy niya ay nais tuhugin ni Don Pedro
Marquez de Golfo.
Napakawalanghiya ng takbo ng isip ng lalaking ilang beses na niyang pinagkalooban ng dangal
at kapurihan. Paano niya ito nasisikmura?
Ang pintig ng kanyang puso ay nagsasabing mamahalin pa rin niya si Enrico, sa kabila ng lahat.
KAHIT tangang umiibig kay Enrico, nakuha pa ring magtanong ni Melanie tungkol sa
kontrobersiyal na sabi ng binata. Bakit mo naman inakalang kaming dalawa ng mommy ko ang
target ni Don Pedro? Napakahalay, Enrico.
Mahalay din itong ginagawa nating pagtatalik kung tutuusin, Melanie. The thing ishindi
malayo ang sinabi ko. Two-in-One pala kayong mag-ina sa agenda ng walanghiyang tycoon, diin
ni Enrico habang nagbibihis na.
Tatlong ulit niyang nagalaw sa buong magdamag na ito si Melanie. Bale apat na beses nang
naisuko sa kanya ni Melanie ang dangal at pagkababae nito.
Bakit ba kung magsalita ka e parang kilalang-kilala mo si Don Pedro, Enrico? Ganoon nga ba,
you know him very well?
Natawa ang binatang makasalanan. You have no idea, babe. Pati likaw ng bituka ng taong yon
ay memoryado ko!
Nagbihis na rin si Melanie, labis siyang naguguluhan sa mga pahiwatig ni Enrico.
Kilalang-kilala raw ang likaw ng bituka ng don. Ayaw isipin ni Melanie ang napakasagwang ideya.
May sexual relation ba si Don Pedro sa iba at alam na alam ito ni Enrico?
Sa babae ba o sa kapwa lalaki nakipagrelasyon, kung meron man?
Pero ayaw nang tuklasin ni Melanie ang anumang tungkol sa don; alam na ang kanya mismong
love life ay nasa krisis.
Enricoayoko nang pag-usapan ang don. Gusto kong malaman angtungkol sa atin
Kung tayo ba ay magsyota na, ha, Melanie? Nanghula si Enrico
Tumango ang dalaga. Pagkatapos mo akong paulit-ulit na naangkinI need to know.
Malalakas na tawa na naman ang narinig kay Enrico.

Ikaw ang tatanungin ko, MelanieAno ba sa palagay mo?


Umiling ang dalaga. Masasabi ba niya sa lalaking ito na siya ay parang namadyik ni Enrico ang
puso? Na she is very much in love with him? Na wala siyang pakialam sa mga kapintasan ng
ugali ni Enrico?
Na bawat pintig ng kanyang puso ay si Enrico na ang pinag-uukulan?
Wala kang ideya kung ano na tayo,ha, Melanie? Ikaw na nagtapos sa UP at matalinong babae
walang alam sa namamagitan sa atin?
Bilang matinong babaeayokong ako ang magsabi ng anumang relasyon meron tayo. Ikaw
dapat ang magdeklara, Enrico.
Idinedeklara kong YOU are my lover, Melanie!
Napalunok si Melanie, may pagtutol. Bakit hindi man lang sinabi ng binata na silang dalawa ang
lovers? Lumilitaw namang siya lang ang umiibig sa lalaking ito.
KABANATA 20
I AM YOUR lover, Enrico? Hindi ba dapat ay WE are lovers? Nagawa naman itong itanong ni
Melanie. Palayo na ang kotse nila sa makasalanang motel.
Halakhak na malutong ang naging tugon ni Enrico. Ha-ha-haa!
May kasama pang insulto. No, Melanie. Sa ating dalawa ay ikaw lang ang baliw na sumasamba
sa akin! Not me, baby!
Napaigtad ang dalaga, napalunok. Tinalampak na siya ng lalaking pinakamamahal kahit hindi
dapat. Hindi naman pala ito nagmamahal.

Nais mo lang ang akingkatawan? paniniyak niya, naluluiha na sa habag sa sarili.


Sure, babe. Champion ang katawan mo, pang-mens magazine! Gago ako kapag hindi kita
pinatulan sa kama!
Bumalong na naman ang masaganang luha ni Melanie. Ngayoy klaro nang siya ay laruan
lamang ng lalaking ito.
Mate-take ba niya? Kaya pa ba niya ang kaapihang ito?
Well? buong yabang pang sabi ni Enrico.
Aping-api naman ako
Karangalan mong mahalin ako, Melanie. Im your prince. No, Im your king. Itinigil ni Enrico ang
kotse. Masuyong hinawakan siya sa baba, nakatitig ito sa kanyang mga labi.
At tinanggap niya ang maapoy nitong halik; iyon man lang ay konsuwelo niya. Hindi niya
kalilimutan ang ganitong mga sandali.
Nang bitiwan siya ni Enrico ay habol niya ang kanyang hininga. Kung puwede lang ay ayaw na
niyang matapos ang halik na iyon.
May dapat kang tandaan, Melanieakin ka lamang, ako ang boss mo, bawal kang humanga sa
ibang lalake. Hindi nagbibiro si Enrico, nakita ni Melanie ang apoy ng pagbabanta sa mga mata
nito.
M-masusunod, Enrico

Hindi ka na rin hahanga sa Tycoon sa inyong pamamahay.


Napalunok ang dalaga. K-kay Don Pedro? I mean kayTito Pete?
Oo, galit na galit ako sa taong iyon! Huwag kang payayakap o pahahalik sa kanya kahit sa
pisngi! Kahit pa walang malisya kuno!
I can do it. Hindi naman talaga ako malapit sa ibang lalakesa iyo lang, Enrico.
Good. Tara na. Ibabalik kita sa kotse mo.
SA BAHAY, nag-aalala na si Candida sa hindi pa pag-uwi ng anak. I-text ko na kaya, Pete?
Umiling si Don Pedro sa katabing asawa. Candid, huwag mo nang i-beybi ang dalaga mo. Give
her some space. Walang masamang nangyari sa kanya, trust me.
Alam mo bang kahawig ka ni Enrico Soler? walang babalang komento ni Candida.
Nasamid ang don, pinamulahan ng mukha.
EXCUSE ME, ano ka mo, Candid? tanong ni Don Pedro sa misis. Bago ito ay nasamid at
pinamulahan ng mukha ang don sa sabi ni Candida.
Sabi ko, Pete, kahawig na kahawig mo si Enrico Soler, nakangiting ulit ni Candida sa brand new
husband.
Hindi ko kilala yon, kaswal na sabi ni Don Pedro. Kaedad ko ba?
Umiling ang misis. Nope. Para lang si Melanie kopuwede na nating maging anak si Enrico.
Hindi na nag-pursue ang don; aywan kung napansin ni Candida na umiiwas sa topic na iyon ang
bagong mister.
Nagbalik naman ang pag-aalala ni Candida kay Melanie. Mag-a-alas-dose na ng hatinggabi,
Pete. Bakit naman hindi nakaalalang tumawag man lang si Melanie? Tumatawag yon kapag
gagabihin
Uuwi din yon. Siguroy nayaya sa gimik ng mga kaopisina. Stop worrying, Candid.
Baka kasi nabanggao kaya ay nasiraan sa madilim na highway
Hey, masamang ugali yan. Lahat ay wino-worry mo. Hindi ka liligaya niyan
SI MELANIE ay ihinatid naman ni Enrico sa kinaroroonan ng kotse ng dalaga. Gabing-gabi na,
tiyak na mamatay-matay na sa pag-aalala ang mommy ko.
I dont think so, babe. Nasa honeymoon stage pa ang nanay mo at ang walanghiyang tycoon,
hindi ka niya maaalala.
Tatawagan ko sana, naubusan naman ako ng load. Anyway, magmamadali na lang ako
Mapipilitan akong sundan ka ng kotse ko, Melanie. Convoy tayo hanggang sa inyo. Wala lang,
ayokong mawalan agad ng tagasamba, mayabang na sabi ni Enrico.
Kasunod ay niyakap nito at hinagkan si Melanie; halik sa mga labi, maapoy na naman.
May kasama pang haplos sa pang-upo ng dalaga.
Napasinghap si Melanie nang lubayan ni Enrico; pinamulahan ng mukha ang dalaga. Enrico
namanb-baka public scandal na tayo?

Wala akong pakialam sa sasabihin ng publiko. Hindi ako gaya ng mga ordinaryong tao na
nakakulong sa box, limitado ng kung anu-anong rules and regulations.
Nais na namang mapantastikuhan ni Melanie sa sinabi ni Enrico. Siya na disiplinado at
masunurin, a stickler for rules, ay kabaligtaran pala ng binatang mayaman.
Nakasunod si Enrico hanggang sa gate ng bahay nina Melanie. Pero hindi ito nagpakita sa
mommy ng dalaga.
Hindi na nakita ni Melanie na nagbabaga na yata sa galit ang mga mata ni Enrico, nakatitig sa
bahay ng mag-ina.
KABANATA 21
MELANIE, anakginabi ka buong pag-aalalang sabi ni Candida habang pinagbubuksanng
gater ng driveway ang dalaga.
Sabihin pa ay nagkaila si Melanie, hindi kayang sabihin na may relasyon na sila ng lalaking
arogante at iresponsable. Walang kaalam-alam ang ina na sila ni Enrico Soler ay ilang beses
nang tumikim ng bawal; na ang kanyang virginity ay naisuko na niya sa binata at nasundan pang
muli sa gabing ito.
Limang ulit na pala siyang naangkin ni Enrico, naunawaan ni Melanie; dalawang ulit noong
ipagkaloob niya ang pagkabirhen; tatlong beses naman sa gabing ito.

Kuwan po, Mommy. Nagkayayaan ng mga officemates ko. Clean fun naman ho
Labis lang naman akong nag-alala, naliumutan mo kasing tumawag o mag-text man lang.
Sorry po. Labis na nakukunsensiya si Melanie. Nagagawa nga ba niyang magsinungaling sa
ina?
At siya nga ba ang babaing ngayoy baliw na baliw sa pag-ibig?
Sa salas na siya sinalubong ni Don Pedro. Nakabutas na pantulog na t-shirt ang sikat na business
tycoon; pati pinutiang shorts na de-sintas ay kumupas na sa kalumaan.
Hello, hija! Mukhang nag-enjoy ka nang husto, a!
Pinamulahan ng mukha si Melanie. May ideya ba ang don kung saan siya galing? Na siya ay
nakipagtalik nang buong kaimoralan?
Lalong walang ideya si Don Pedro na si Enrico ay labis na nasusuklam sa matandang multimilyonaryo; kung ano ang tunay na dahilan ni Enrico ay hindi niya alam.
O-Opo, Tito Pete. Mga kaopisina ho
Work for me, iha. Doble ang suweldo kaysa present salary mo, mas maganda ang puwesto. May
service pang brand new car of your choice.
Nais malula ni Melanie. Yayaman pala siya agad kapag lumipat na sa anumang kumpanya ng
kanyang stepfather.
Im flattered po, Tito Pete. Pero gaya ho ng sabi ko, marami pa akong dapat patunayan sa
present employment ko. Makapaghihintay po bakayo ng ilang panahon?

Tumango ang don, ngiting-ngiti. Kahit forever, Melanie, my company will be waiting for you
Pero huwag naman sanang masyadong matagal baka wala na ako sa mundo; you know, napakaunpredictable ng buhay ng tao ngayon.
Tama si Tito Pete mo, Melanie. Maaring malusog at okay ngayon; bukas-makalawa e may
malubhang sakit na pala. Worse, na-heart attact na pala at natuluyan.
Kinilabutan si Melanie para kay Enrico. Hindi niya matatanggap na mabalda ito o mamatay nang
maaga.
NAPAG-USAPAN ang posibilidad ng biglang kamatayan ng sinumang tao, biglang naalala ni
Melanie si Enrico; hindi niya matatanggap kung ang binatang ito ay mawawala agad sa mundo.
Melanie?
P-Po?
Bigla ka kasing natigilan. May problema ba? tanong ni Candida, worried. Something
wrong?
Nagkaila siyempre si Melanie. Masa-shock ang mommy niya kapag nalamang ang lalaking
arogante ay labis na siyang bihag.
Hindi lang pala bihag, alipin na rin ang puso at katawan.
No, mom. Okay lang po ako.
Baka may masakit sa iyo, ha, babe? Narito lang si Mommy.
Matamlay na ngiti ang naging tugon ni Melanie sa ina.
At iniwasan na niyang sulyapan o ngitian
man lang ang nakikinig na si Don Pedro. Naalalang ibinawal na nga pala ni Enrico na maging
malapit sa hinahangaang tycoon na ngayoy step dad na niya.
Ako ang boss mo, bawal kang humanga sa ibang lalaki laluna sa business tycoon na
kasambahay mo Namemorize na pala niya ang utos ng binata.
SI ENRICO ay nagdidiwang habang mag-isang naglalaro ng bilyar sa basement ng bahay nilang
mag-ina.
Tok. Tok-tok. Tunog ito ng tatlong bola ng billiards na matagumpay niyang pinagkarambola.
Sa diwa niya ay ganito ang gagawin niya sa lalaking labis na kinaiinisan at sa mag-inang sumabit
sa buhay nito.
Guguluhin niya ang katahimikan ng tatlong ito. Si Melanie ang kanyang pamato ang ina nito at si
Don Pedro ang aaringking sa sakit.
At simula pa lamang ito. Nakatulong ang paglalaro ng tadhana sa kanila ni Melanie. Akalain ba
niyang ang dalagang nakaengkuwentro niya sa isang traffic altercation ay siya rin palang daan
niya sa pagganti sa kinasusuklamang don?
Malas mo, Melanieumiibig ka sa akin nang buong kabaliwan. Kayo tuloy ng nanay mo ang
magiging collateral damage ng poot ko
Enrico, ano na ang balita? tanong ng mommy niyang sosyal, bagong dating mula sa casino.
Nagkausap na ba kayo ng ama mo?
Malapit na, Mommy. Pero siya ang makikipag-usap sa akin, hindi ako, makahulugang sagot ni
Enrico.
Maligoy kang magsalita, hindi ko gets, anak.

Basta maghintay ka na lang ng mga bonggang eksena, Mommy. Cool ka lang, okay?
Umismid ang inang sosyal. Tiyakin mo lang na hindi tayo madedehado sa kayamanan ng ama
mo, Enrico. Kung kailangang ipapatay ko ang mag-ina, sabihin mo lang!
KABANATA 22
HINDI ako nagbibiro, iho. Just say the word at ipapapatay ko agad ang mag-inang sampid,:
matatag na sabi ni Mrs. Soler sa anak na si Enrico. Hindi ako papayag na may kaagaw sa daddy
mong tago nang tago.
Umiling ang binata. Hindi pa kailangan, Mommy. Planado ko na ang lahat. So far, nag-e-enjoy
ako at natitiyak kong mayayanig ang ama kong duwag pati na ang brand-new family niya.
Baka nais mong idetalye sa akin ang plano mo, Enrico?

Nope. Baka mahilaw pa ang niluluto ko. Siguroy kapag tapos na


Napabuntunghininga si Mrs. Soler. Welltiyakin mo lang na hindi ka papalpak, mahirap nang
tayo pa ang malagay sa alanganin. You know how clever your dad is. Kaya nga super-yaman
Panahon na para malaman ng buong mundo ang baho ni Daddy. Aminin niya ang dapat aminin.
PILIT ginagawang normal ni Melanie ang abnormal niyang sitwasyon. Gusto niyang isipin na
walang mali at walang immoral sa relasyon nila ni Enrico Soler.
Na hindi isolated case na siya ang labis na nagmamahal sa isang lalaking ang gusto lang sa
kanya ay sex. Na okay lang na gawin siyang alipin ni Enrico; ito ang kanyang boss.
Melanie, ihatanong ko lang bakit hindi mo na ako madalas kausapin? walang babalang sabi
ni Don Pedro sa anak ng bagong misis.
Nasamid si Melanie, hindi inasahan ang tanong.
Maging si Candida na kasalo sa almusal ay natigilan. Very vocal pala ang kanyang mister,
sinasabi agad ang bagay na hindi kanais-nais.
Naghagilap ng sagot ang dalaga. Ewala lang ho, Tito Pete. Kuwan, wala lang po akong maisip
na topicpasensiya na ho.
Balitang impressive ang record mo sa inyong kumpanya. You know kasi, may mole ako sa
inyong admin; magaling na spy.
Napalunok si Melanie. Akalain ba niyang hanggang sa kanilang opisina ay may galamay ang sikat
na tycoon?
At tama ang report ng spy very impressive na nga ang kanyang performance; binigyan na nga
siya ng special citation ng kumpanya sa anniversary celebration nito.
What can I say, Tito Pete? Alam nyo na pala. I guess mas effective po iyon na sa reliable source
ninyo nalaman kaysa sa aking bibig mismo At least po ay hindi ako parang nagyayabang
nakangiting sabi ni Melanie.
Kaya nga, work with me na. Ako muna ang bigyan mo ng pabor bago ang mga kalaban ko, hija.
Tama ang Tito Pete mo, anak. Charity begins at home, remember, segunda ni Candida.

Umiling ang dalaga. Tiyak na magagalit si Enrico kapag tinanggap niya ang alok ng stepfather,
alam na alam ni Melanie.
NAIS na yatang magdamdam ni Candida sa anak na dalaga. Masyado naman ang loyalty mo sa
iyong kumpanya, Melanie. Ilang buwan ka pa lang naman doon, at hindi ka nakakontrata.
Ayaw kasing lumipat ni Melanie sa business corporations ng stepfather nitong si Don Pedro,
bagumbagong mister ni Candida.
Hindi kasi alam nina Candida at Don Pedro na si Melanie ay nag-aalalang magagalit si Enrico, ang
boyfriend nito.
Tahasang ibinawal ni Enrico kay Melanie na maging malapit man lang sa stepfather; e di lalong
bawal kung ang dalaga ay kay Don Pedro magtatrabaho.
Salag agad si Melanie, this time ay iba na ang tono. Hindi na lang dahil nais patunayan ang sarili
sa ibang kumpanya na hindi pag-aari ng don.
Kasi po, Mommy, Tito Petegusto ko munang marating ang pinakamataas na puwestong kaya
kong makuha sa kumpanyang kinabibilangan ko ngayon mahabang sabi ni Melanie.
Napabuntunghininga ang don; si Candida ay napailing-iling. Nagmana si Melanie sa yumao
nitong ama sa pagiging stubborn; matigas ang ulo.
Iisa kasi ang ibig sabihin ni Melanie na marami pang taon itong mananatili sa kasalukuyang
pinagtatrabahuhan.
MAY LIHIM na buhay si Don Pedro na ayaw ipaalam kaninuman kahit sa asawang si Candida.
Nakipagkita ito nang patago sa isang aroganteng binata, sa loob ng isang low-profile na cafteria
sa QC.
Naka-disguise ang don, nag-iisa. Ang binatang kausap niya ay halatang mainit ang ulo.
Thats bullshit, sabi nito sa don.
Lower your voice, hindi ka nakikipag-usap sa ke-level mo lang, gigil na sabi ng don.
Bahagya nang pinansin ito ng kausap. May iginiit. Basta dapat nang masunod ang demands ko.
Pinag-aaralan ko. The bottom line is hindi ako nagkukulang sa dapat mong matanggap.
Umaabuso ka na.
Look whos talking! Ang palpak mong ginawa lately ang abuso! Kumuha ka ng mga taong alam
mong hahati sa iyong yaman!
Napapiksi ang don, nairita. Wala kang pakialam sa personal kong buhay. Dapat din akong
lumigaya.
Lalo namang nagalit ang binatang kausap. Bahala ka. Tingnan lang natin kung sino ang
mapapahiya nang husto! You will regret the very day you were born, Don Pedro!
Bago pa nakasagot ang don ay iniwan na siya ng napakayaban/g na binata. Na nagbitiw pa sa
kanya ng insulto. Ulul.
KABANATA 23
SI DON PEDRO, sa kanyang lihim na buhay, ay nagdurusa. Mas tamang sabihing siya ay labis na
nagngingitngit. Kasiy pini-pressure siya ng isang taong kung puwede lang ay itakwil na niya.
Sinundan niya ng tanaw ang mayabang na binatang kanikanina lang ay nakasagutan sa loob ng
simpleng caf .

Napapailing ang don. Hindi malaman kung saan siya nagkamali; kumbakit nagiging karma niya
ang anino ng lumipas.
I am being hunted by the shadows of the past, naisaloob ng don, sa isipan lamang.
Pasakay na sa magandang sports car ang taong nagpaparusa sa kanya ngayon. Hindi niya
maikailang makisig at guwapo ang binatang ito.
Nagbalik sa kanyang diwa ang binitiwan nitong salita: Tingnan lang natin kung sino ang
mapapahiya nang husto. You will regret the very day you were born, old man!
Galit pa naman si Don Pedro na tinatawag na old man. Para sa kanya, mas tamang sabihan
siyang ageless man. Di ba nga at kahit siya ay 50s na ay maganda pa rin ang kanyang
pangangatawan?
At makapal pa ang kanyang buhok, his crowning glory.
Kaya nga siya attractive pa sa kababaihan ay dahil hindi siya lumapad; hindi tumaba, hindi
lumaki ang tiyan.
Maa-attract ba naman sa kanya ang magandang biyudang si Candida kung siya ay mukha nang
tatang?
Tipong Christopher De Leon siya, hindi lolo ang dating.
Lalo lang siyang nainis sa binatang tumawag sa kanya ng old man. Gago ka, malabo ang mata.
Mana ka sa nanay mong may lason ang bibig.
SI MELANIE ay ilang araw nang kinakabahan. Tantiya niyay may nangyayari sa kanyang katawan
na hindi dapat.
Panay na ang tingin niya sa kalendaryo. Panay na rin ang lunok at buntunghininga.
Hindi naman niya masabi sa ina ang agam-agam. Kasiy wala pa naman, alanganin pa ang
pinuproblema.
Ang kanyang isipan ay hindi nakakahiwalay kay Enrico. Hindi lumilipas ang mga oras na ang
binatang nakaangkin na sa kanya nang limang beses, at nagdeklarang boss niya, ay sumasagi sa
kanyang diwa.
Kung ang mga lalaking normal ay 60 times nag-iisip ng sex sa buong maghapon, siya naman ay
nag-iisip kay Enrico nang ganito ring kadalas.
Pero siya ba ay madalas ding maalala ni Enrico? She doubts. Ang kanyang mahal na binata ay
alam niyang self-centered, hindi ang ideal boyfriend na labis ding nagmamahal sa girlfriend.
Enricohindi ako dapat nagpaangkin sa iyoIm a fool to love youhindi ka talaga dapat
mahalin
MELANIE? Are you okay? nananantiyang tanong kay Melanie ng kapwa young executive si
Adrian. Nakapasok pala ito sa opisina ng dalaga nang hindi namalayan ni Melanie.
Nakatutok kasi ang tingin at diwa ng dalaga sa kalendaryong nasa dingding, halatang may
pinuproblema.

Adrian, nariyan ka na pala. Y-Yes, Im okay, pagkakaila ni Melanie, nakangiti sa guwapong


binata.
Coffee break na kasi, baka gusto mong sabay na tayo Sa class na canteen ng kumpanya, ibig
sabihin ni Adrian. Doon sila magkakape.
Sure, sabi agad ni Melanie. Sa panahong ito ay nais niyang laging abala ang isip sa ibang
bagay hindi lang kay Enrico at sa nagbabantang problema sa sarili.
Masayahin si Adrian, gentleman kung kumilos. May nabasa akong corny joke. Gusto mong
marinig, Mel?
Tumango ang dalaga matapos hagurin nang lihim ang puson.
Actually, political joke ito. Sabi ng isang kampo Kapag May Erap, May Ginhawa. Sabi naman ng
isa pang kampo Kapag May Manny, May Money, masiglang kuwento ni Adrian.
Thats it? taas-kilay na tanong ni Melanie. Iyon na ba raw ang joke?
May dagdag pa, the clincher ng corny joke Kapag May Penoy, May Abnoy. Sinundan ito ng
tawa ni Adrian.
Napatanga si Melanie, pilit ang ngiti. Corny nga, Adrian. Hindi brilliant. Nakaka-offend pa. Dapat
ibasura.
Sino pala ang manok mo sa Presidentiables? tanong ni Adrian.
Its actually a battle between bad and lesser evil. Doon ako siyempre sa lesser evil.
Nag-thumbs up si Adrian. Agree ako diyan, Mel!
Mel. Kaysarap pakinggan ng term of endearment sa kanya ni Adrian. Musika ito sa kanyang
pandinig.
Naalala na naman niya si Enrico. Minsan man ay hindi siya tinawag nito nang malambing.
Melanie ang matigas na tawag sa kanya.
Meron palang malambing na tawag sa kanyakapag sila ay nagtatalik. Babe...Sweetie
Si Enrico ay gusto niyang tawagin nang buong lambing. EnricEnric baby
Pero nauunahan siya ng hiya at pagkailang kay Enrico Masyadong suplado ang mamang ito.
NANG magkita si Melanie at isa pang close friend, lalong kinabahan si Melanie.
Melay, tumataba ka ba?
Napalunok ang dalaga. Sobra ka naman, Generoso. Bakit ako tataba e conscious ako sa kinakain
ko?
Pero alam ni Melanie, nagkakalaman ang mid-section niya. And she doesnt like it.
KABANATA 24
PAGDATING sa bahay ay nagtuloy agad si Melanie sa banyo ng sariling silid-tulugan. Naghubad
siya ng damit, inilabi lamang ang mga huling saplot.
Sa salamin doon ay minasdan niya ang kanyang katawan, lalong higit sa may baywang.
Natiyak niyang lumalaki ang kanyang waistline; siguroy 2-3 inches na ang nadagdag sa dating
sukat.

Para na naman siyang sirang plakang tumingin sa kalendaryo. Gaya sa opisina ay nagkuwenta
siya ng petsa. Lumalaki na ang bilang ng mga araw na ang buwanang dalaw niya ay nade-delay.

NASA Tagaytay si Enrico Soler, sa isa sa mga bahay-bakasyunan ng pamilya. Sa araw na ito ay
dinidetalye na niya ang dapat gawin sa taong labis na kinasusuklaman.
Ang kanyang ama.
Bilang na ang maliligayang araw mo, Dad. Everything will happen as scheduled. Gugulantangin
ka na lang ng mga pangyayari! He is thinking aloud. Nag-iisa siya sa glass-covered balcony ng
3-storey house.
Muli niyang ni-review ang mga detalye ng napalaking plano.
Nasiyahan naman siya, walang nakitang loop hole. Perfect.
NASA BAHAY sina Candida at Don Pedro, ang huli ay hindi maitago ang agam-agam. Kita sa
mukha ng don ang ligalig.
Petewhats up?
W-Wala, Candidhuwag mo akong intindihin.
May problema ba sa mga corporations mo?
Umiling ang don. Magagaling ang aking mga executives, everythings under control. Lalo pa
ngang lumalago.
Hinagod ni Candida ang likod at ulo ng asawang don. Gusto mong i-share sa akin ang anumang
nagba-bother sa iyo, Pete?
Muling umiling ang napakayamang tycoon. May mga bagay na para sa akin lamang, Candida
salamat na lang sa intensiyon mong makatulong.
Lalo namang naghirap ang kalooban ni Candida. Health problem ba? Pete, kapag buhay mo na
ang nakasalalaykailangan ko nang malaman
Wala akong kanser o lupus. Hindi ako high-blood at wala ring sakit sa puso, Candid. Mabubuhay
ako nang hanggang nubenta anios and I dont know if its a blessing or a curse.
Nakahinga kahit paano ang bagumbagong ginang. At least ay walang malubhang sakit ang
minamahal na mister.
Yun tungkol sa blessing or curse kung ituturing na sumpa o biyaya na itoy mabubuhay
hanggang 90 ay hindi na mahalaga.
May nagbabantang malakas na bagyo sa aking buhay, Candid, walang babalang nasabi ng
don.
MAY nagbabantang malakas na bagyo sa iyong bahay, Pete? Saang bahay? kinakabahang
tanong ni Candida sa asawang don.
No, hindi bahay. Sa aking buhaymay nagbabantang malakas na bagyoMeaning nakaharap
ako sa pinakamalaking hampas sa aking katauhan, Candid
Share it with me, Pete. Liwanagin mo pakiusap ng ginang, labis nang naguguluhan..
Saka naman parang muling natauhan ang napakayamang lalake. Minsan pang umiling. II can
manage, pasensiya na uli kung nabibigyan kita ng agam-agam.
Putang ama, Pete! Asawa mo ako, huwag kang maglihim sa akin!
Napaigtad ang don; noon lang nakatikim ng mura at sigaw sa loob ng napakahabang panahon.
Ang huling nanigaw sa kanya ay ang Tiyo Nonong niya.

Noong nagkamali siya ng pagpiprito ng itlog. Ang Tiyo Nonong niya ang nagpapalamon sa kanya
nang mga panahong iyon, teenager pa siya.
Alam mo bang ako ay may mga kahinaan din bilang tao, Candida? Maraming mali sa mga
lathalaing pawang papuri sa akin. Na akala mo hindi na ako nagkamali sa buong buhay ko
The shadow of the past is catching up on meAt natatakot akong aabutan na nila anumang
oras
Sinong nila, Pete?
Napalunok si Don Pedro. Kailangan bang ipaalam niya sa bagumbagong misis ang kanyang
nakahihiyang nakaraan?
Damn it, Pete! Im your wife! Muling naninghal si Candida.
Pero hindi talaga kaya ng don na ibilad ang sariling baho. No, Candida. I invoke my right to
privacy. Hindi sa akin manggagaling ang kasiraan ko.
Natigilan si Candida, naunawaang malaki, napakalaki, ang kung anumang pilit pa ring itinatago
ng don.
Bumuntunghininga siya. Suit your self, Pete. Bakit ko nga ba kakalkalin ang ayaw mong
pakalkal? Ako nga, may lihim din
Napalunok ang don. Ayaw niyang may sikreto si Candida. K-Kahit gustung-gusto kong alamin,
alam kong itatago mo gaganti ka siyempre sa akinsa paglilihim ko
On the contrary, Pete ibubulgar ko sa iyo ang malaki kong sikreto.
Napaunat nang upo ang don, hinintay ang ipagtatapat ng asawa.
Pete, noong wala pa akong goal sa buhay nagdadalaga pa ako akoy nagka-boyfriend ng
siyam
S-Seryosong involvement ba?
Tumango si Candida. Lahat sila, nadala ako sa bawal na silid.
Napabuntunghininga si Don Pedro. Sisiw ang kasalanan ng ginang kumpara sa nagawa niyang
atraso.
KABANATA 25
NARINIG mo ba ako, Pete? Siyam ang naging boyfriend ko when I was a teenager and each of
them took me to a private room ulit ni Candida sa asawang business tycoon.
N-narinig kita, Candid. Sa ganda mo naman, hindi nakapagtatakang nagbilang ka ng
boyfriend mahinahong sabi ni Don Pedro.
For Petes sake, itanong mo kung ano ang nangyari! inis na sabi ni Candida. Gigil pa siya sa inis
sa napakalihim na mister.
A-anong nangyari? Siyempre ay ang dapatmangyari, mahinahong sagot ng don.
:Mali, Pete! Sa siyam ay walo ang hindi ko pinagbigyan. Sa last minute ay nanaig lagi ang
katinuan ko.
Parang may nahugot na tinik sa lalamunan ni Don Pedro. He believes her, kaya niyang
paniwalaan si Candida. T-Thats good to hear.
Sa pang-siyam lang ako nasirabumigaysa ama ni Melanie si Alberto dugtong ni Candida.
Niyakap ni Don Pedro ang nagtatampong misis. I admire you, matino kang babae, Candid. I love
you

May tulo ka ba? STD? Nakuha mo sa pambababae in the past? walang babalang tanong ni
Candida.
Umiling nang umiling ang don. No. Never akong nagkaroon ng sakit sa babae, I swear.
Matulog na tayo. Kung patay, patay, gigil na sabi ni Candida. Ngayon nalaman ng don na
masamang magalit ang bagong misis. Matagal bago lumamig ang ulo.
Kung patay, patay. Sumiksik ito sa isip ni Don Pedro. Oo nga naman, ganoon lang ang buhay,
laging karugtong ang kamatayan.
Kung sa pagdating ng malakas na bagyo sa kanyang buhay ay tuluyan siyang nawasakso be it.
Mangyari ang dapat mangyari ayon sa kagustuhan ng Diyos.
NASA loob ng Baclaran Church si Melanie. Taimtim na taimtim ang kanyang pagdarasal.
Lord, huwag Mo pong itulot na mangyari ang kinatatakutan ko.nagkasala po ako nang limang
beses pero malaking disaster kapag ngayon ako makakarma. Masasayang po naman ang
maganda kong trabaho; hindi po nila matatanggap ang babaing immoral
Baka po puwedeng i-delay na lang ang parusa sa akinkung puwede po ay kapag matanda na
ako
Naalala niya si Enrico. At si Enrico po, Lordbaka puwedeng huwag Mo pong idamay sa karma.
Sa aming dalawa, akong babae ang mas dapat sisihin. Kasi po e ako angnagpaubaya. Dapat po
e tumanggi akohindi naging mapagbigay
Gaga talaga sa pag-ibig si Melanie.
HINDI inaasahan ni Melanie ang pagdating ni Enrico sa opisina niya. E-Enricon-naligaw ka lang
ba? Please sit down.
Halatang problemado ang binatang mayaman. No, hindi ako naligaw. Ikaw talaga ang nais kong
makitasa workplace mo.
Umupo si Enrico. Lihim na namang hinaplos ang puso ng dalaga. Pawang pag-ibig lamang ang
kaya niyang ibigay sa lalaking ito.
Nais daw siyang makita habang nasa trabaho, nagbigay ligaya ito sa damdamin ni Melanie. Untiunti na bang nai-in love na rin sa kanya ang kanyang boss? Ang lalaking nagsabing siya, si
Melanie, ay slave nito sa pag-ibig? Na siya ay lover nito?
Thats nice to hear, Enrico. At least ay nag-abala kang bisitahin ako.
Ano ang gagawin mo kung ang tatay mo ay itinatago ka sa mundo? walang babalang sabi ni
Enrico.
Excuse me? Naguluhan ang dalaga sa tanong na iyon.
Melanie, sabi ko sakaling itinago ka ng tatay mo sa publiko, ayaw kang kilalaning anak, what will
you do?
Ewan koako naman kasi ay may happy memories ng father kong patay naIkaw ba ay
neglected ng father mo?
Natigilan ang binata.
Iba ang lumabas sa bibig. Pilit ang ngiti. Its almost 5, Melanie. Hihintayin na lang kita, okay?
Hindi masabi ni Melanie kay Enrico na ayaw na niyang magpaangkin dito; na right now ay
namumrublema siya sa kanyang delayed menstruation; natatakot siyang baka nabuntis na ng
binata.

Okay, pero inuuna ko na hindi na tayo puwede s-sa


Hindi tayo magmo-motel, Melanie. Wala ako sa mood, iba ang problema ko and I need some
opinions.
Nakahinga kahit paano ang dalaga. Okay, hintayin mo ako sa lobby in 20 minutes.
No, hihintayin kita sa kotse ko in 20 minutes, hanapin mo sa car park ninyo. Be there. Umiral
na naman ang kaarogantehan ni Enrico. Lumabas na ito ng opisina nang pormal ang mukha.
Para na namang maamong tupa ang dalagang umiibig. Okay, Enrico darating ako.
HINDI nga siya dinala ni Enrico sa motel; sa halip ay sa romantikong tabing dagat sila nagtuloy.
Nakatanaw sila sa dagat, masuyong hawak ni Enrico sa kamay si Melanie. At ang sandaling ito ay
nais nang magpalaglag sa luha ni Melanie, sa kaligayahan.
Tama siya, may tender gestures din ang lalaking nais niyang mahalin, hanggang sa huling pintig
ng kanyang puso.
KABANATA 26
BUMULONG si Melanie kay Enrico. Puwedeng magsalita, Boss?
Napangiti ang binatang arogante-mayaman. Sinusunod ni Melanie ang utos na sa kanilang
dalawa ay siya ang boss.
What is it, Slave? Nakisakay si Enrico, masuyong hawak pa rin sa kamay ang dalaga.
Gusto ko lang namang magkakilala tayo nang husto anyway, marami nang naganap
Limang beses na pagtatalikpero hindi kasama ang puso ko pagkaklaro ni Enrico.
Tumango ang dalaga. Alam koako nga ang gaganglabis na nagmamahal
Kahit hindi ako dapat mahalin?

Ang pag-ibig ko ay bulag, I admit that. Therefore, hindi ko nakikita ang kapintasan mo, Enrico.
Brilliant. Maganda ka nay matalino pa. Kaya nga ba hindi kita pawawalan, Slave.
Ang dalaga naman ang naaliw. Humilig siya sa balikat ng lalaking aywan kung puwede man lang
ituring na boyfriend.
Boyfriend na ba kita, Enrico?
No. Hindi ko pala nasabi sa iyo na hindi ako naniniwala sa ordinaryong kalakaran. Hindi uso sa
akin ang boyfriend-girlfriend. Rebelde ako, non-conformist. May relasyon tayo, iyon lang ang
alam ko, Melanie.
Okay lang. Basta right now ay nasa heaven ako. Kasi ay tender ka ngayon sa akinthere is
romance between us
Alam mo ba ang ngalan ng tatay ko sa birth certificate? wala na namang babalang tanong ng
binata.
Siyempre ang father mo si Mr. Soler.
Hindi mo kilala si Mr. Soler? Wala ka bang awareness sa politics?
Kailan lang ako naging voter, Enrico. Kung 10 or more years ago ay hindi nga ako aware sa
pulitika. Teka, politician ba ang dad mo?
No less than the former senator of the republic si Senator Socrates Soler na namatay when I
was 2 years old.

Mangha ang dalaga. Akalain ba niyang anak ng dating senador ang ka-love affair niya? WowI
didnt know that.
Pero sumusumpa ang aking ina na hindi si Senator Soler ang tunay kong ama sa birth
certificate lang patuloy ni Enrico. My mom had an illicit affair with another man na ako ang
naging bunga
Lalong namangha si Melanie. Hindi pa nga pala niya kilala ang lalaking nais nang mahalin
hanggang sa huling pintig ng puso.
Nasa mukha ni Enrico ang magkahalong galit at pagdaramdam. Ang tunay kong ama ay alam na
ako ang anak niya kay Mrs. Soler. Pero hanggang sa lumaki ako at makiusap sa kanya hindi pa rin
niya ako kinilala. Tama ba yon, ha, Melanie?

IBIG mong sabihin, may contact ka sa tunay mong ama at nag-uusap kayo? naiintrigang
tanong ni Melanie sa lalaking pinakamamahal..
Tumango si Enrico. Oo. Pero ayaw nga niya akong kilalanin sa publiko. Inaabutan lang kami ni
Mommy ng sustento, palihim.
May pamilyang iba ang sinasabi mong tunay mong ama?
Napabuntunghininga ang binata. Oo, kaya nga galit na galit kami ni Mommy. Pinaasa niya ang
mommy ko na pakakasalanyun pala ay sa iba magse-settle down.
Hindi matapos-tapos ang pagtatanong ni Melanie; ang puso niya ay nadudurog sa awa kay
Enrico. Takot ba sa asawa ang tunay mong amakaya ka itinatago hanggang ngayon?
Takot siya sa public ridicule, Melanie. Napakalinis kasi ng image niya sa tao. Hindi niya
matatanggap na malaman ng publiko na may isang panahong nangabit siya ng misis ng isang
senador; worst, nagbunga pa ang illicit affair na iyon.
Nakadama ng galit si Melanie sa ama ni Enrico. Mas inuuna niya ang public image kaysa
damdamin ng kanyang anak?
Kaya nga galit na galit ako sa kanya. Hindi sa pera lang kami ng Mommy ko. Kita ang ngitngit
sa mukha ni Enrico.
Walang mang-aapi kung walang napaaapi, Enrico. Dapat sa ganoong tao ay ibinubulgar!
Tumangu-tango ang binata. Ganyan nga ang naisip ko
Yumakap si Melanie sa binata. Nasa likod mo ako, taglay mo ang aking moral support, Enrico.
Tahimik lang si Enrico.
Hindi nagtagal ay hatid na muli ni Enrico si Melanie sa parking area ng pinagtatrabahuhan ng
dalaga. Hinalikan niya ito sa mga labi, may kasama na namang pilyong haplos.
Ngiyawwngiyawww May marungis, payat at gutom na kuting na humahalipuypoy sa binti ni
Enrico.
Oh no, not again! napapailing na sabi ng binata.
Nakakaawa naman, komento ni Melanie. Halatang inabandona ng may-ari, inilayo sa inahing
pusa.
Matapos bumuntunghininga ay walang pagdadalawang-isip na kinuha ni Enrico ang kuting.
Saan mo dadalhin?

Iuuwi ko. Panlima na to sa mga pusang gala na kinukupkop ko. Ito ang weak point ko, kapag
nakakakita ng kuting na abandonadohindi ko talaga matiis.
Nakita pa ni Melanie na ipinasok ni Enrico sa sports car nito ang kuting; hinabol niya ng tanaw
ang palayo nang sasakyan ng binata.
May saving grace ang mahal ko. Napakamaawain pala niya Touched na touched ang puso ni
Melanie.
KABANATA 27
GUSTUNG-gusto nang ipagmalaki ni Melanie sa kanyang mommy na si Enrico Soler ay may
saving grace bilang tao; na ito kahit arogante at happy-go-lucky ay napakamaawain pala sa mga
abandonadong kuting.
Kaso ay hindi niya puwedeng sabihin sa ina ang buong katotohanan na siya ay limang ulit nang
naangkin ni Enrico; na sila ay may sikreto nang relasyon ng binatang ayaw man lang magturing
sa kanya bilang nobya.

Kaya minabuti na lang ni Melanie na huwag magbanggit ng anuman tungkol kay Enrico.
Sasarilinin na rin ng dalaga ang natuklasan sa pagkatao ng binata na ito ay anak ng yumaong
lumang senador ng republika pero sa birth certificate lang; na ang tunay nitong ama ay buhay pa
at kinamumuhian ni Enrico dahil ayaw nitong kilalaning anak si Enrico.
Lalong hindi niya masasabi sa ina na sa mga sandaling ito ay labis na siyang kakabakaba; na
duda niyay buntis siya dahil delayed na ang kanyang menstruation. Halos 3 weeks nang huli
oh my God
MAGING si Melanie ay napansin ang pagiging tigil ng idolong tycoon na step-dad na niya. Lagi
itong nakatanaw sa malayo, halatang malalim ang iniisip.
Mano po, Tito Pete. Wala pa si Mommy?
May meeting pa sa school, iha. Susunduin ko mamaya.
May sakit po ba kayo, Tito?
Buntunghininga ang naging tugon ng napakayamang negosyante. Pero mayamayay sinundan ng
seryosong sagot. The ghost of the past is catching up on me, hija
Naaliw ang dalaga. Tito, parang narinig ko na yan sa isang broadway playI think sa Les
Miserables.
Napikon ang matandang lalake. Get lost, Melanie.
Sorry po. Nakangiting lumayo na ang dalaga, pahiyang-pahiya.
ARAW ng Linggo, sa isang live TV coverage, sasambulat ang balitang gugulat sa lahat, laluna sa
mag-inang Melanie at Candida.
Si Don Pedro ay namutlang parang papel; nais na yatang mamatay sa kinatatayuan. Lihim itong
galit na galit sa napapanood.
Nasa television screen si Enrico Soler at ang mommy nitong si Mrs. Soler. Ang binata ang
nagpapahayag.

Gaya ng sabi ko, ako ay hindi tunay na anak ng yumaong kagalang-galang na Senador Soler;
siya lamang ang father ko sa papeles, sa birth certificate, documents, etsetera! Ang tunay kong
ama ay buhay pa at kilalang-kilala ninyo! Pero ako ay ayaw niyang kilalanin!
Can you tell us, on national television, ang identity ng tunay mong ama, Enrico? pigil ang
hiningang tanong ng isang reporter.
Matatag ang sagot ng binata. Yes, I can tell. Ang aking tunay na ama ay walang iba kundi si Don
Pedro Marquez de Golfo!
YES, People of the Philippines, tama ang narinig ninyo. Ang tunay kong ama ay hindi si Senador
Soler kundi ang business tycoon na si Don Pedro Marquez de Golfo! madiing ulit ni Enrico sa
national television.
Parang binaril si Melanie ng pahayag na iyon ng binatang pinakamamahal. Nanghina ang
kanyang tuhod.
Si Candida naman ay napatayo sa kabiglaan; napatingin sa katabing don, her husband of 3
weeks.
Si Don Pedro ay namumutla, nakalarawan sa mukha ang labis na kalituhan at galit.
Naninikip na ang dibdib ng ginang. Oh my God, Petesabihin mong hindi totoo ang sabi ng
binatang yon! Sabihin mooo!
Walang masabi ang don, hindi na yata ito maka-react.
Si Candida ay parang gusaling unti-unting nagko-collapse, sa mismong kinatatayuan.
Mommyyyy! Kaylakas ng sigaw ni Melanie.
Si Don Pedro ay humangos sa silid, may kinuha agad.
Baril. Isang revolver na kargado ng bala.
Ill kill you! Ill kill youuu! sigaw ng don, galit na galit.
Bang. Bang. Dalawang putok ang tumama kay Enrico Soler sa screen ng telebisyon.
Sabihin pay namatay ang TV, nawasak ang screen.
Help me, pleasedalhin muna natin si Mommy sa ospital humagulhol na pakiusap ni Melanie
sa step father.
Pero parang wala sa sarili ang don, bubulung-bulong habang pumapatak na ang mga luha. Im
ruined. Im ruined
Isa pang putok ang pinawalan nito. Bang.
Dalawang ambulansiya ng city hospital ang magkasunod na dumating sa bahay nina Melanie.
Dalawang pasyente na aywan kung aabot pa sa ospital ang isusugod.
Kay-ingay ng mga sirena ng ambulansiya na sinabayan pa ng mga police escorts. Wang-wangwaannngg.
SA RADYO narinig ni Enrico ang flash report. Nagbaril sa sarili si Don Pedro matapos marinig ang
rebelasyon sa TV ni Enrico Soler. Sa mga sandaling ito ay hindi pa malaman ang kalagayan ng
don.
Ang bagong misis ng don ay isinugod din sa ospital dahil inatake sa puso
Holy shit! Yanig na yanig sa nangyari si Enrico. Hindi ganitong kagrabeng eksena ang kanyang
inaasahan.

Ang hangad lang naman niya ay umamin na rin sa publiko ang ama; kilalanin na siya bilang
tunay na anak.
Alalang-alala si Enrico sa ibubunga nito sa isang dalaga. How will she take these?
Si Melanie. Luhaang nasa labas ito ng ICU, matindi ang lagay ng inang si Candida.
Kinasusuklaman kita, Enrico!
KABANATA 28
SUKLAM na suklam si Melanie kay Enrico. Inatake sa puso ang kanyang inang si Candida at
nagbaril sa sarili ang stepfather na si Don Pedro dahil sa rebelasyon ni Enrico sa national
television.
Gumimbal sa bansa lalo na sa kanilang tatlo ang pagbubulgar ni Enrico ng umanoy katotohanan
na ang binata ay hindi anak ni Senador Soler kundi ng sikat na business tycoon na si Don Pedro.
Ngayoy nasa ICU ang mommy ni Melanie at ayon sa mga doktor ay matindi ang kalagayan. Ang
stepfather naman niyang don ay mabubuhay pero ilang buwan na mananatili sa wheelchair.
Youre cruel, Enrico. Kung totoo mang anak ka ni Don Pedro, bakit mo pa ibinulgar sa publiko?
Kapag namatay ang nanay koy hindi talaga kita mapapatawad.

Naalala niyang si Enrico ay humingi ng kanyang advice tungkol sa amang ayaw kumilala dito;
pinayuhan niya ang binata na ibulgar ang taong ito.
Pero akalain ba naman niyang si Don Pedro ang tinutukoy ni Enrico?
May masamang intensiyon si Enrico, ito ang nagsusumiksik sa isip ni Melanie. All along naman ay
alam nitong si Don Pedro ang stepfather niya, bagong asawa ng mommy niyang dating biyuda.
Kung may malasakit sa kanya si Enrico, sa kanya muna dapat ipinagtapat ang identity ng father
nito; e di sana ay hindi nabigla ang mommy niya, hindi sana inatake sa puso.
Traidor ka, Enrico. Gusto mo talaga kaming wasaking tatlo. You could have told me the truth
bago ka lumantad sa telebisyonNapakawalanghiya mo pala talaga. Makasarili ka! Bumalong
lalo ang masaganang luha ni Melanie, hindi mapigil ang hinanakit at galit sa binatang limang
beses niyang pinagkalooban ng pagkababae.
Naalala pa ni Melanie ang eksena sa telebisyon habang si Enrico ay nagbubulgar sa media, ang
ina nitong sosyal, si Mrs. Soler, ay walang takot na sinesegundahan ang sinabi ni Enrico. Inamin
ng ginang na sila ng don ay nagkaroon ng illicit affair noong buhay pa ang senador.
Tipong nagyayabang pa nga ang mommy ni Enrico; na para bang hindi malaking kasalanan sa
Diyos ang pakikiapid.
Miss. Sumungaw ang doktor mula sa ICU, may nais sabihin kay Melanie. Sandali. iha.
B-Bakit po, doc? Kumusta ang mommy ko? Abut-abot ang kaba ng dalaga. Hindi niya mabasa
ang kalooban ng doktor; poker face ito.
Shes in a coma.
Hindi masabi ng doktor kung kailan magkakamalay-tao si Candida; posible raw bukas o sa isang
linggo o bakahindi na.

Nakagat ni Melanie ang mga labi, kinontrol ang paghagulhol.


NAGTATALO si Enrico at ang ina. Nakuha ko ang latest sa ospital. Mababalda si Daddy dahil sa
tama ng bala. Yun namang wife niya ay naging comatose! Nakukunsensiya ako, Mommy!
No,son. Tama lang magdusa ang walanghiya mong ama pati ang babaing ipinalit niya sa akin!
SUMALIT ang galit sa puso ni Enrico. Sabagay, bakit nga ba ako makukunsensiya sa nangyari sa
tatay ko? Mas inintindi niya ang kahihiyan niya kaysa sa damdamin ko bilang anak, mas pinili
niyang magbaril sa halip aminin sa publiko ang pagkukulang sa akinpara namang
napakawalang-kuwentang tao ko na.
Ayaw niya akong kilalanin, fine! Hindi na ako magpipilit, Mommy! Enough is enough! Ayoko na
rin siyang kilalaning ama!
What? Anong ibig mong sabihin, Enrico?
Itatakwil ko na rin siya. So be it.
Enrico namanpaano ang malaking pera? Ang biyayang nakukuha natin kahit paano sa ama
mo?
Kaya nga basura na ang tingin sa atin ng taong yon, kasiy puro tayo asa sa kanyaakoy
nagpasarap nang husto, hindi nagtrabaho, hindi nagtapos
Sino nga bang sikat na ama ang makakayahang ipagmalaki ako?
Shit, Enricohuwag ka bang ngayon magdramamarami na tayong utang sa bangko, kung
hindi tayo makakakuha ng mas malaki sa ama mo ay maiilit ang mansiyon natin at mga ariarian
Napailing ang iresponsableng binata. Magdusa tayo, Mommy. Ngayon ko na-realize, pareho
tayong naging linta kay Daddy.
To the point na nasuka na siya sa ating kababawan. Kung kailangan tayong lumipat sa maliit na
bahayiyon ang gagawin natin
Lalong na-insecure ang inang sosyal. Putang ama, Enrico, kung kailan nasa golden year na ako
ay saka ako maghihirap? Hindi talaga ako papayag! Never!
PERO si Enrico ang nasunod. Tumawag itong muli ng press con.
Ang lahat niyang pahayag noon tungkol kay Don Pedro ay binawi.
Hindi ako tunay na anak ni Don Pedro Marquez de Golfo. Nanloko lang ako, kinasangkapan ang
malaki naming pagkakahawigeven using my mom in the process
Nasaktan ko si Don Pedro at pamilya niya and I apologize. Mea culpa, my fault. Patawad po.
Pagkasabi nito ay tumayo na si Enrico at iniwan ang press con; hindi inintindi ang maraming
katanungan ng media.
Bakit magbabaril si Don Pedro kung hindi totoo, ha?
Hindi sanay sa iskandalo ang butihing business tycoon, sagot agad ni Enrico habang tuloy sa
paglalakad palayo.
Are you willing to prove this time na hindi mo siya ama by submitting to a DNA test? pahabol
ng babaing reporter.

Mali ang tanong mo, miss. Hindi ko na nga kini-claim na siya ang aking ama, pasupladong
sagot ni Enrico.
KABANATA 29
PARANG isang litong pelikula ang buhay ni Enrico base sa ginawa niya within 72 hours. Una ay
ibinulgar niya sa madla na si Don Pedro ang tunay niyang ama, hindi ang yumaong si Senator
Soler
Kasunod ay binawi rin niya sa media ang naunang pahayag idineny na siya ay anak ni Don Pedro.
At paiwas pa ngayon siya sa mga tanong ng naguguluhang mga mamamahayag.
Just like that, Mr. Enrico Soler? Sinira mo ang reputasyon ng tao at ngayoy ibabalik mo na?
Mas mabuting itama ang mali kaysa hinayaan ko, di ba?

Bakit mo naman naisip wasakin ang dangal ng don? Ano ang motibo mo, sir? Nangulit ang
ilang reporter.
Wala akong motibo kundiang mapansin ako ng tao. Kulang ako sa pansin, inis na sagot ni
Enrico, siyempre pa ay itnatago ang tunay na dahilan; hindi masabing nais nila ng ina na mas
makinabang sa napakalaking yaman ng don kaysa sa bagong misis nito.
Pero muntik ka nang makamatay ng dalawang tao dahil sa ginawa mo, Sir Enrico
Huwag mo akong husgahan, Miss Reporter. I have my reasons, idemanda ako kung kailangan, sa
husgado ako pahahatol,
Bago pa nakapagtanong ang mga mamamahayag ay nakalabas na nang tuluyan si Enrico sa
pinagdausan ng presscon.
NALAMAN ng publiko ang bagong pangyayari. Sarisari na naman ang reaksiyon ng madla; may
walang pakialam sa isyu, merong inis sa pabagu-bagong deklarasyon ni Enrico.
Si Don Pedro na nasa ospital pa at nagpapagaling sa tama ng bala ay nakahinga kahit paano; sa
business tycoon na ito ay napakahalaga talaga ng reputasyon. Ngayong binawi na ni Enrico Soler
ang paratang sa kanya, makahaharap siyang muli sa publiko nang taas ang noo.
Never mind na katotohanan naman talaga ang isiniwalat ni Enrico na itoy tunay niyang anak sa
misis noon ni Senador Soler.
Ang don ay nasa suite ng malaking ospital at binabantayan ng mga personal aide. Kumusta na
ang misis ko, Horacio?
In a coma pa rin ho, Don Pedro. Binabantayan ng anak na dalaga.
Nanlumo na naman ang don. Naging collateral damage pala ng pagbubunyag ni Enrico ang
kalusugan ng minamahal niyang si Candida.
Nabuhay ang galit niya sa anak na ayaw kilalanin.
Lumalaki ang atraso mo sa akin, Enrico! Mana ka sa nanay mong sakim sa pera, sabi ng don sa
sarili, sa isip lamang.
Tiyaking nabibigyan ng tamang medical attention ang misis ko, Horacio. Pakisabi sa step
daughter ko, si Melanie, na dadalaw agad ako sa aking misis kapag pinayagan na ako ng doktor.

SUMAGOT ka, Enrico, paano na tayo? Natitiyak kong galit na galit sa atin ang ama mo, hindi na
tayo mabibigyan ng regular na sustento. Unang mareremata ng bangko ang ating mansiyon!
Saan na tayo titira? Ayaw tantanan ni Mrs. Soler ang binatang anak.
Mommy, alam mo ang gusto kong gawin? Patunayan sa aking ama na sa pagtalikod niya sa
akin, siya ang nawalan. Meron pa naman tayong ibang property. Ibenta at nang magamit ko sa
negosyo.
Nais mapantastikuhan ang sosyal na ina sa plano ng unico hijo. Ikaw, Enrico magnenegosyo? As
in youll be a businessman?
Bakit hindi, Mommy? Nakarating naman ako ng college, may common sense. I could even be
shrewd tusong negosyante.
Inirapan siya ng ina. Ewan! Hindi pa rin nasasagot ang tanong ko paano kapag naremata ng
bangko ang mansiyon?
Then wala tayong choice kundi gawin ang dapat, Mommy.
Which is?
Titira tayo sa mas maliit na bahay na kaya nating bilhin. Babawasin natin ang pambili sa
malilikom kong puhunan sa aking negosyo.
Nangilabot ang matronang sosyal, hindi maimagine na biglang maghihirap; na mawawalan na ng
malaking sustento mula kay Don Pedro..
SI MELANIE ay lalong nasusuklam kay Enrico sa pagdaraan ng mga araw. Ngayon na-realize ng
dalaga na siya ay sadyang isinali ng binatang ito sa paghihiganti sa ama.
Hindi lang pala siya sila ng kanyang nanay na si Candida. At ang kawawa niyang ina ang nasapol
ng paghihiganti ni Enrico.
Bakit hindi na lang niya isinentro sa kanyang amang walanghiya? gigil na sabi ni Melanie sa
isipan. Naunawaang galit na pala siya sa dating iniidolong business tycoon, her step dad no less.
Kahit pa binawi ni Enrico sa media ang akusasyon nito sa tunay na ama, hindi pa rin siya
mapapaniwala na hindi nga mag-ama ang binata at ang don. Gaga lamang ang maniniwala na
hindi magkadugo sina Enrico at Don Pedro.
Melanie! Hoy! biglang tawag sa kanya ng pamilyar na boses habang siya ay nakabantay sa ina,
sa pribadong silid nito sa ospital.
Generoso, ikaw palabakit ngayon ka lang nagpakita? Pilit inayos ni Melanie ang sarili.
Kadarating ko lang mula Singapore, no! sabi ng bading na kaibigan. Ano ba yan, kaydamidami na palang nangyayari sa buhay mo!
Hindi nakaila kay Melanie ang malisyosong pagsulyap ni Generoso sa kanyang baywang. Alam na
kasi ng kaibigan na siya ay natatakot na baka nabuntis ni Enrico.
Wala pa rin angdalaw mo, ha, Melay?
Ewan kung sa labis na tensiyon, may naramdaman sa pagkababae si Melanie. Nagtatakbo agad
siya sa banyo para mag-check

KABANATA 30
MELANIE, something wrong? takang habol ng tanong ni Generoso sa dalagang pahangos sa
banyo ng hospital room.
May kailangan akong tiyakin, Gen, diyan ka lang, sagot agad ni Melanie, kitang natatarantakinakabahan.
Naiwan sa labas ng banyo si Generoso. Tinapunan nito ng tingin ang pasyenteng nasa kama,
mommy ng kaibigan si Candida na ngayoy comatose, gulay na.
Sa loob ng bathroom, sinuri ni Melanie ang mismong pagkababae, tiningnan ang suot na panties.
Nakita niya ang katunayan. Wala na pala siyang dapat katakutan.
Napaluha siya, sa pasasalamat sa Diyos. Thank you po, Lord. Super thanks po talaga.
Luhaan siyang nakangiti nang lumabas ng banyo. Melay, what is that mystic smile?
Hindi ako buntis, Generoso. Binigyan pa ako ni Lord ng chance. Clean slate uli ako.
Wow! Im so happy for you. Magbabait ka na, ha? Huwag basta bibigay sa tukso paalala ng
bading.
Paano kung uutusan siya ng kanyang boss, si Enrico Soler, na maghandog muli ng kanyang
puri? Ang turing sa kanya nito ay slave.
Tumindi na naman ang suklam ni Melanie sa binata. Ah, hindi na siya papayag kay Enrico. Hindi
na niya ito mapapatawad sa nangyaring kapahamakan sa kanyang ina.
Nasulyapan ni Melanie ang ina na wala nang malay sa nagaganap. Mistulang patay na buhay.
Mabuti na ring hindi nalaman ni Mommy ang nangyari sa aking virginity.
Hindi niya matatanggap na akoy nagpakatanga sa isang iresponsableng lalake. Kahit pa nga ito
ay anak ng isang dating senador; tunay na anak ni Don Pedro Marquez de Golfo, mahabang
sabi ni Melanie sa sarili, sa isip lamang.
Muntik na muntik ka nang magkaanak sa walanghiyang lalake, ha, bulong ni Generoso, nawala
sa isip na hindi na nakakaintindi ang pasyenteng nasa kama.
Tumango si Melanie. Iniligtas pa rin ako ni Lord.
Pero nag-retract ang ulul, hindi na raw siya tunay na anak ni Don Pedro; nagpapapansin lang
daw siya. Napakagulo pala ng taong yon.
Tumangong muli si Melanie. Bakit nga ba siya napaibig sa ganoong binata? Siya na dati namang
laging level-headed, nagpatalo sa dikta ng puso? Umibig nang pikit-mata?
Kakalimutan ko na si Enrico.
Gaga. Umibig ka sa iba. Sa matino, payo ng bading.
IDIKDIK mo yan sa iyong kamalayan, ha, Melay? Umibig kang muli pero sa matino nang lalake;
hindi baleng pangit-pangit basta responsible at ikaw ang mahal na mahal, baby, not the other
way around, mahabang sabi ni Generoso kay Melanie.
Oo nga naman, sa relasyon niya kay Enrico, siya, si Melanie, ang labis na nagmamahal. Slave
ang turing sa kanya ni Enrico at ito ang kanyang boss. Hindi siya mahal ni Enrico, gusto lang
magpasasa sa katawan niya.

Nasulyapan na naman niya ang inang comatose. Minura niya si Enrico. Damn you. Mamatay ka
na sana.
Napaigtad ang bading. H-ha? What did I do?
Umiling ang dalaga. Hindi ikaw, Generoso.
Gen. Call me Gen. Si Enrico ba?
Tumango si Melanie. Kasusuklaman ko siya habambuhay.
Habambuhay as inhanggang sa huling pintig ng puso mo?
Luhaang tumango ang dalaga. Siya ang sumira sa buhay ni Mommy. Gulay na si Mommy.
GULAY na po, natitiyak ko, sir. Mismong ang attending physician ni Mrs. Candida ang aking
natanong. Nagpanggap akong personal doctor ng isang pasyente doon, ulat ng maliit-matabang
lalaking inutusan ni Enrico.
Labis na nagi-guilty ang binatang makasalanan. Hindi niya talaga akalain na ibang tao ang
mada-damage ng kanyang paghihiganti sa ama.
Kailan daw magigising?
A-ang attending physician, sir?
Yung pasyenteng in a coma, Fructuoso.
Umiling ang pandak na mataba. Nobody can tell, not even William Tell. Hindi matiyak ng doktor,
sir.
Lalong dumilim ang mukha ni Enrico Soler. Para sa kanya, mas tamang ang walanghiyang ama
ang naging comatose.
And how is the don?
Don Pedro is in the wheelchair, sir. Pero magaling na ang gunshot wound. Nais na ngang
dumalaw kay Mrs. Candida sa ospital ding iyon, sagot ni Fructuoso.
Bumuntunghininga ang binatang galit sa ama. Kung puwede lang ay nais niyang hilingin na kunin
na ito ni Lord.
Pero may isa pang tao na nais niyang alamin ang kalagayan. Para namang hirap na magtanong
ang kanyang dila.
And how is the daughter? Nasabi rin.
Sino pong daughter, sir?
Si MissMelanie. Kumusta siya?
Lagi pong nakabantay sa ina; lumuluha pero galit sa mundo, sir.
Biglay nais puntahan ni Enrico si Melanie. Yakapin ito, halikan nang buong ingat. Sabihin ditong
everything will be alright.
KABANATA 31
LAGI raw umiiyak si Melanie habang nagbabantay sa inang comatose, pero hindi raw maitago
ang galit ng dalaga sa mundo. Labis tuloy nagi-guilty si Enrico, alam na siya ang naging dahilan
ng masamang kalagayan ng ina ng dalaga.

And Enrico really wants to rush to Melanies side, yakapin ito at hagkan, alisin ang lahat ng worry
nito.
Pero matatanggap pa kaya siya ng dalaga? Papayag pa ba itong maging slave niya? Ituturing pa
ba siya ni Melanie bilang boss?
Samantalay nanatiling nakatayo sa harapan niya si Fructuoso, ang mataba-pandak na lalaking
pinasusubaybay niya kay Melanie at sa ina nito, pati na sa kanyang kinasusuklamang ama.
Fructuoso, did you say magaling-galing na ang don at planong dalawin na yung mommy ni
Melanie?
Yes, sir. Tama po kayo.
Sige, mag-off ka na muna. Ipapatawag kita kapag kailangan.
E, siryun pong TF ko
TF? Ano yon?
Talent fee ko po. Suweldo, sahod, bayad, remunerasyon, bread, panggastos, etsetera.
Napailing-napabuntunghininga si Enrico, kinunutan ang matabang pandak. Ako ang napagod sa
haba ng dayalog mo. Aksayado ka.
NANG mapag-isa ay bumalik kay Melanie ang diwa ni Enrico. Limang ulit kaming nagtalik within
3 weeksang motibo ko ay buntisin si Melanie at saka iwan, bilang ganti sa ama kong
walanghiya
Dapat ay nabuntis na niya si Melanie by this time, tantiya ni Enrico. Baka naman wala akong
kaalam-alam e nabuntis ko na pala? Hindi lang maibalita sa akin ni Melanie dahil labis na siyang
nasusuklam sa akin sa nangyari sa mommy niya?
Dapat pala ay inalam din ni Fructuoso ang estado ng sinapupunan ni Melanie, naisip ni Enrico.
Resourceful ang pandak-matabang lalake, kayang malaman kahit pinakamaselang bagay.
On second thought, bakit hindi na lang niya tawagan ngayundin sa cellphone ang dalaga?
Itanong niya dito directly kung ito ba ay nabuntis nga niya. Ganoong kasimple.
Pero on second thought uli, bakit ba siya pa ang magtatanong? Si Melanie ang dapat
magmakaawa sa kanya kung sakali.
Walang kaalam-alam si Enrico na dinatnan na ng buwanang dalaw ang dalaga at labis itong
nasusuklam na sa kanya.
NATATARANTANG nagbalita ang mommy niya. Dumating na ang notice ng bangko, Enrico!
Pinalalayas na tayo sa mansiyon!

DUMATING na ang final notice ng bangko na nag-uutos kay Enrico Soler at sa mommy niya na
ibakante na ang mansiyon; iniilit na ang malaking bahay na ipinundar ng yumaong senador na
asawa ni Mrs. Soler.
Mommy, wala nga tayong choice kundi iwanan itong mansiyon. Lilipat muna tayo sa isang
apartment habang hindi pa nakabibili ng simpleng bahay, mahabang paliwanag ni Enrico.
Luhaang nagpakatanggi-tanggi ang sosyal na biyuda. Ayoko sa apartment, ayoko sa simpleng
bahay. Ano na lang ang sasabihin ng mga amiga ko? Mamamatay ako sa hiya, Enrico.

Napabuntunghininga ang binata. Alangan namang magmakaawa tayo sa gago kong ama. I will
never do that, Mommy.
Hindi gago ang iyong ama. Ikaw ang nagpadalus-dalos sa pagkilos. Dapat ay kinuha mo sa
mabuting usapan ang ama mo. Biglang nanisi ang mommy. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa
atin?
Shut up, Mommy. Wala nang sisihan. Lets just move on, okay?
Pareho ka ng ama mo, walang ibinibigay sa akin kundi sama ng loob, hirit ng sosyal na biyuda.
Ang isip ni Enrico ay lumigwak na naman sa babaing labis ngayong nagpapa-guilty sa kanya.
Kailangang makausap ko siya
Kakausapin mo ang ama mo? Salamat naman. Magmakaawa ka, say youre so sorry
Tumigas ang mukha ng binata, umiling. Hindi si Daddy, ibang mahalagang tao ang kakausapin
ko
And who could that person be? kunot-noong tanong ng ina.
Ang babaing napadamay sa aking paghihiganti, Mommy. I must win her back.
Sino naman kayang babae? Isa sa mga kerengkeng na sumasamba sa iyo, ha, Enrico?
sarkastikong tanong.
Kerengkeng ba si Melanie? Sumasamba sa kanya?
Sana nga ay sumasamba pa sa akin. Parang hindi ko matatanggap na mawawala siya sa akin,
nasabi ni Enrico sa sarili.
Answer me. Sino siya? Bakit biglang ikaw ang manunuyo? She must be something...
Napalunok si Enrico. Mahalaga nga ba sa kanya si Melanie? Bakit nga ba bigla ay siya ang susuyo
sa isang babae?
Pero hindi naman niya alam ang sagot ng puso.
Mommy, mind your own business. In a week ay aalis na tayo dito sa mansiyon. Magbalut-balot
na kayo.
Itinuloy ni Enrico ang planong pakikipagkita kay Melanie.
PERO nang nasa ospital na ay pinanghinaan ng loob ang dati namang aroganteng binata.
Nagkasya na lang sa pagtanaw kay Melanie mula sa di-kalayuan.
KABANATA 32
ANO na ba ang nangyayari sa binatang dati namang super-arogante? Bigla ay nag-alangan si
Enrico na magpakita at lapitan si Melanie; nakatanaw lang siya nang lihim mula sa di-kalayuan.
Nakita niyang hapis ang mukha ni Melanie, matindi ang hinanakit sa mundo. Sino nga ba ang
matutuwa na ang ina ay naging gulay, comatose, dahil sa kanyang malupit na ginawa?
Baka naman may iba pang dahilan ang pagkahapis ng mukha ni Melanie? What if she is
pregnant? Nabuntis ko pala?

Tingin pa naman niya sa baywang ni Melanie ay parang lumapad.

Ipapa-imbestiga na ba niya sa private detective? Obvious na hindi niya kayang tanungin tungkol
dito si Melanie.
Pero kapag naalala niya ang malaking singil ng imbestigador na si Fructuoso ay nagdadalawangisip siya.
Ganitong sila ng mommy niya ay nakaharap sa financial crisis, lahat ng pera ay nais na niyang
tipirin.
Naisip din ni Enrico na kung nabuntis niya si Melanie, ito ang dapat maghabol sa kanya; ipaalam
man lang sa kanya.
E wala nga kahit munting tawag or text message man lang. Nananaig kasi ang galit sa puso ni
Melanie, bagay na dapat lang niyang asahan.
Hindi alam ng lalakingito na hindi naman nabuntis si Melanie.
Nakita niyang nagtuloy sa canteen ng ospital si Melanie.
May nagsasabi sa kanyang dapat man lang niyang tingnan ang taong nabiktima niya hindi ang
daddy niya kundi ang mommy ni Melanie. Galit na galit pa rin siya sa amang si Don Pedro;
awang-awa naman sa ina ni Melanie. Sisilipin ko sa ICU, habang wala si Melanie.
Matapang siya, alam kasing comatose ang pasyenteng sisilipin; hindi siya masusumbatan nito.
Pagpasok niya sa ICU ay natukoy agad niya si Candida.
May nurse na nag-a-attend sa pasyente.
Nanlumo ang binata sa lagay ni Candida. Tila tinakasan na ito ng tsansang manumbalik sa
normal.
Hindi niya kayang tagalan ang eksenang iyon. Nais niyang takasan na, tinungo na ang pinto para
lumabas.
Pero may unang nagbukas ng pinto, papasok ang isang taong kilalang-kilala niya. Nagkagulatan
sila nito.
Gumuhit sa dalawang mukha ang hinanakit; mas tamang sabihing galit at pagkasuklam.
Binawi ko na. Dapat ay maligaya ka na, Dad, bulong niya sa lalaking nasa wheelchair, may
benda pa ang balikat. Wala ka nang anak na itatago. Ayoko na ring maging anak mo.
Walang maisagot si Don Pedro, tiim-bagang.
Si Melanie ay pabalik na sa ICU, hindi nag-lunch.
NANUMBAT sa anak sa labas si Don Pedro, pabulong pero matindi. Sinira mo na ako sa publiko.
The harm is done, Enrico.
Kaya nga binawi ko na. Kinain ko ang sinabi ko sa media, absuwelto ka na. At inuulit ko ayoko na
ring maging ama ka. Hindi ko na ipipilit ang aking sarili, ganting sabi ni Enrico.
Hindi sumagot ang don, hinihimay sa isip ang sinabi ng lihim na anak.
Hindi na raw nito ipipilit ang sarili na i-recognize niya bilang anak.
Tinatapos ko na rin ang obligasyon mong sustento sa amin ni Mommy. You are no longer my
father.

Napabuntunghininga ang don na nasa wheelchair. Hindi na raw siya ama ng itinatagong anak? At
inilibre pa siya sa financial obligation.
Dapat na ba siyang magalak?
Hindi nalingid kay Melanie ang argumento ng mag-ama. Nakalapit ang dalaga nang hindi
namamalayan nina Don Pedro at Enrico.
Napaigtad naman si Enrico; siya ang nakakita agad sa presencia ng iniiwasang dalaga.
Nagkatitigan sila nito. Hindi nalingid sa kanya ang napakatalim na tingin ni Melanie, punumpuno
ng suklam at hinanakit.
Nalaman na rin ng don na naroon ang anak ni Candida. Melanie, dinadalaw ko ang aking
asawa.
Tinaliman din ng tingin ni Melanie ang step father. Ito ang punot dulo ng sinapit na trahedya ng
ina.
I dont need your permission, iha. Lumagay ka sa tama, pormal na sabi ng don. Now if youll
excuse me
Nagtuloy na sa tabi ng kama ni Candida si Don Pedro. Naiwan sa may pintuan sina Enrico at
Melanie.
Melanie
Dont say a word, Enrico. Umalis ka na hanggat nakapagtitimpi pa ako babala ni Melanie,
nagpapakatatag ang tinig.
Hindi ko inakalang pati Mommy mo ay madadamay nang husto. Ang walanghiya kong ama ang
gusto kong ibagsak, alam mo yon.
Hindi mo sinabing ama mo si Don Pedro; bakit inilihim mo pati sa akin? Alam mong
nagmamahalan sila ng mommy ko. Dapat ay nababalaan ko si Mommy
Prangka ang binata. I must admit na galit din kami ni Mommy sa inyong mag-ina; kayo ang
makikinabang sa yaman ng aking ama sa halip na kami ng mommy ko, that is not acceptable.
At ginamit mo pa ako, buong pagkatao koy kinuha mo, luhaang sabi ni Melanie. Kami ni
Mommy ang winasak mo.
Hindi makaimik si Enrico. Nagtangka siyang hawakan ang kamay ng dalaga, para payapain ito.
Pero mga sampal ni Melanie ang natanggap niya. Pak.Pak.Pak.
KABANATA 33
HINDI na napigil ni Melanie ang galit, tatlong sampal ang pinadapo niya sa pisngi ni Enrico. Pak.
Pak. Pak.
Napalingon ang nurse na nag-a-attend kay Candida; maging si Don Pedro ay naligalig ng
iskandalosong eksena.

Nasapo ni Enrico ang pisngi. Bumakas sa mukha ang galit. Hindi siya sanay na nasasampal,
laluna sa presencia ng ibang tao.
Bumuntunghininga siya at bumilang ng sampu sa isipan; hindi niya papatulan ang galit ng
babaing ito.
Kasunod ay walang salitang umalis na siya doon, mabilis ang mga hakbang palayo.

Ang nurse ay natetensiyon. Si Don Pedro ay kunot-noo. Si Melanie ay habol ng nasusuklam na


tanaw si Enrico.
Si Candida ay nanatiling walang kamalayan sa takbo ng mundo.
Lumabas ang nurse matapos gawin ang dapat sa pasyente. Naiwan sa ICU sina Melanie, Don
Pedro at Candida.
Si Candida, sabihin pa, ay walang malay sa nagaganap.
Nadamay ang mommy ko sa gulo ninyong mag-ama. Paano na ngayon, ha, Don Pedro?
Im still your legal step father, Melanie. Hindi ako dapat hinuhusgahan agad.
Comatose ang mommy ko dahil sa inyo ng anak mong illegitimate, Don Pedro, thats the point.
Ang anak kong sutil ang sisihin mo, Melanie!
Ngayon ko lang nalamang karelasyon mo ang lalaking yon! Its obvious pati ikaw ay ginamit niya
to get back at me! Hindi ko siya puwedeng ihantad dahil iresponsable siya at walang goal sa
buhay! mahabang salag ng don, nakaupo pa rin sa wheelchair.
Hindi makapa ni Melanie ang isasagot. Nabigla siya sa kawalang-interes ng don sa tunay na
anak.
You believe wala na siyang saving grace?
Sa ngayon, oo. Pero miracles do happen, hanggat wala pang milagro mananatili akong
didistansiya sa kanya. Anyway, hanggang sa edad niya ngayon na 25 na, palihim ko silang
sinustentuhan ng mommy niya. More than enough pa nga kung tutuusin.
Naging gahaman nga lang sila ng mommy niya, gustoy ibigay ko sa kanila ang lahat
Ayaw pa ring makisimpatiya ni Melanie sa don. Para sa kanya ay nagkasalang mortal ang lalaking
ito nakiapid at nagkaanak sa asawa ng senador habang ang huli ay nabubuhay pa.
Lahat ng paghanga niya sa iniidolong business tycoon ay nawala, naglaho dahil sa napakalaki
nitong kasalanang mortal. Kinasusuklaman na niya ito gaya ng pagkasuklam niya kay Enrico.
TATLONG tao ang labis na naliligalig ng mga pangyayari. Si Enrico. Si Don Pedro. At si Melanie.
Si Enrico ay sakay ng kotse, galing sa ospital kung saan hindi sinasadyang nagkita sila ni
Melanie; ang purpose niya ay silipin lang si Candida, ang mommy ng dalaga na nadamay sa
kanyang paghihiganti sa amang si Don Pedro.
Akalain ba niyang abutan siya nito sa ospital habang kausap niya ang isa pang taong nais niyang
iwasan ang mismong ama niya.
Nangyari tuloy na nasumbatan siya at nasisi nang husto ni Melanie.
Nasampal pa siya ni Melanie ng tatlong beses, sa presencia ng nurse at ng kanyang amang nasa
wheelchair.
Bullshit! Ngayoy nagsisiklab siya sa galit, hindi matanggap na ang dalagang dating
sumasamba sa kanya ay nasusuklam na nang sagad.
At ang ama niyang don, sino ba ang natalo sa sagutan nila sa ospital? Siya ba dahil dinedma lang
ng ama ang sabi niyang hindi na niya ipipilit dito ang sarili; na ayaw na rin niya itong ituring na
ama?
Hindi niya makita sa mukha ng ama ang pagsisisi. Hindi siya hinabol, hindi humingi ng tawad sa
kanya. Hindi man lang sinabing Anak, patawarin mo ako for being a coward

ABALA rin ang isip ni Melanie habang nakabantay sa inang comatose. Kulang pa ang tatlong
sampal ko sa iyo, Enrico. Dapat ay binugbog kita,o kayay sinabuyan ng asido sa mukha. Walang
kapatawaran ang ginawa mo kay Mommy
Minasdan niya si Candida. Ang inang comatose ay walang kamalayan sa takbo ng mundo;
nananatiling gulay.
Mommy, pareho po tayong napadikit sa mga maling tao. Kapag nabuhay po kayo nang normal
ay dapat nyo nang itakwil ang inyong asawa; the don doesnt deserve your love.
SI DON Pedro ay kanina pa nakaalis ng hospital room ni Candida; hindi natagalan ang
nakaaawang kalagayan ng misis.
Sabihin pay labis-labis ang paninisi nito kay Enrico. Winasak mo na nga ako ay idinamay mo pa
ang babaing pinakamamahal ko. Paano ba kita matatanggap na anak? You are nothing but a
dismal failure.
Naalala niya ang huling usapan nila ni Melanie sa ospital, bago siya tuluyang umalis.
Bilang anak ng mommy ko, inuutusan kitang umalis sa aming bahay, Don Pedro. Go back to
your own world. Huwag mo na kaming sabugan ng kamalasan ninyo ng anak mong gago!
Napikon siya. Melanie, sagot ko ang gastos ng misis ko, wala ka pang sapat na perang
pampagamot sa kanya kaya huwag kang magmalaki!Aalis ako sa bahay ninyo pero not from my
wife. Lagi kong babalikan dito si Candida, sa ayaw mot gusto!
KABANATA 34
BILANG praktikalidad na rin, pumayag si Melanie sa pasya ni Don Pedro na ilipat sa mas
makabagong ospital si Candida. Nagtalaga rin ang don ng round-the-clock na mga magbabantay
kay Candida kapag ang don at si Melanie ay wala sa tabi ng pasyenteng comatose.
Tanggap na ni Melanie ang katotohanang life, her life, must go on no matter what. Nagbalik siya
sa corporate work niya sa malaking multi-national company sa Makati.
Pero araw-araw pa rin niyang dinadalaw si Candida sa ospital; mahal na mahal niya ang mommy
niya.
Pilit na ring pinapayapa ni Melanie ang sarili; kinakalaban ang bitterness na nagpapahina sa
kanyang kaluluwa.
Lagi siyang nagdarasal sa Diyos, na sana ay gumaling na ang mommy niya; na matagpuan na
niya ang tunay na lakas o strength sa pagsagupa sa mga problema.
Hindi pa rin niya pinapatawad si Don Pedro; civil lang siya dito kapag sila ay nagkikita sa ospital.
Sinunod naman ni Don Pedro ang utos niya na umalis na ito sa bahay nilang mag-ina; nagbalik
ang don sa malaking bahay nito sa Forbes.
Melanie, how are you my dear friend? Isang araw ay dinalaw siya ni Generoso sa mismong
bahay nila. Wala na nga ba rito ang don?
Oo, last week pa. Pinalayas ko. Alangan namang kasambahay ko siya while my mom is suffering
in the hospital.
Napailing ang bading sa panghihinayang. Pero di ba ikaw ang nawalan? Day, hindi lahat ng tao
ay nakakasambahay ang dakilang don!

Umiling din ang dalaga, walang panghihinayang. Para namang nalimutan mong siya ang
nagdala ng kamalasan sa amin ng mommy ko. Kung di niya pinakasalan ang mommy ko, hindi
sana kami nagkatagpo ni Enrico. Hindi sana ako parang binagsakan ng dalawang bomba
atomika.
Melanie, mali. Dumating sa buhay mo si Enrico sa panahong magkakilala na at nag-iibigan ang
mommy mo at si Don Pedro. Therefore, labas si Don Pedro sa nangyaring pagkawasak ng puso
mo kay Enrico
At yung nangyaring na-comatose ang mommy mo, nagkataon lang na ang pagkabulgar ng
sikreto nina Don Pedro at Enrico ang dahilan. I believe ang mommy mo ay nakatakda talagang
magulat at maging comatosenagkataon lang na yung mag-ama ang nag-trigger.
Umiling ang dalaga. Hindi sang-ayon sa obserbasyon ng bading. I beg to disagree, Generoso.
Mas maligaya sana kami ni Mommy kung di kami nasangkot sa mag-amang yon.
Teka, nabalitaan mo na ba? Nasa flash report sa TV na si Enrico Soler at si Mrs Soler na biyuda
ng yumaong senador ay
Ay ano, Generoso, huwag mong ibitin.
Pinalayas na ng bangko sa kanilang mansiyon. Poor na ang lalaking gumamit sa iyo nang limang
beses! Hallelujah!
SAGLIT lang natigilan si Melanie sa ibinalita ni Generoso, Sabi kasi ng bading, si Enrico at ang
mommy nito ay iniulat sa balita na pinalayas na ng bangko sa mansiyon; na mahirap na ang
lalaking nakakuha sa kapurihan ni Melanie.
Nakakarma na ang lalaking yon, Generoso. Mabuti nga sa kanya. Matatag ang bitiw ng salita
ni Melanie.
Pero hindi kumbinsido si Generoso. Nasasaktan ka rin sa sinapit ni Enrico, Melanie. May bahagi
ng puso mong nais dumamay sa kanya.
Masaya ka! Hindi ko na nga kailangan ang taong yon sa aking buhay! At hindi ako nasasaktan;
lalong hindi handang dumamay, tanggi agad ng dalaga.
Kung may katotohanan ang kanyang pahayag ay siya lang ang nakakaalam. At wala siyang balak
isiwalat kahit kanino ang laman ng puso.
Really? Ako pa naman e hindi pa nagkamali ng reading. Nababasa ko po ang damdamin ng mga
tao.
Napabuntunghininga si Melanie. Napasandal sa paboritong sofa. Huwag ka bang makulit,
Generoso. Mabuti pay samahan mo ako mamaya sa ospital, dadalaw ako kay Mommy.
Na-excite ang bading. May possibility bang ma-meet ko si Don Pedro? Dumadalaw iyon regularly
sa misis niyang mommy mo, di ba?
Tumango si Melanie. Sanay na ako sa kanyang presencia. Civil na lang ako sa pakikitungo sa
kanya, para lang wala nang away sa ospital.
Isa pay sagot ng don ang lahat ng gastos kay Mommy. Kapag nasa office ako ay maaasahan
naman ang dalawang babaing bantay

E si Enrico, wala nang tsansang maligaw sa ospital? Sabi pa kasi sa balita, pati sports car ni
Enrico ay naibenta na ng binata. Kumuha na lang ng simpleng kotse, 10-year old, tingin koy
sirain na.
Napalunok si Melanie. Bakit ba ayaw mag-awtomatiko ang kanyang damdamin? Dapat ay
consistently hateful kay Enrico, huwag ganitong siya ay tila nababagabag.
Melanie, sabi ko, posible bang babalik sa ospital si Enrico?
Ang kriminal daw ay laging nagbabalik sa scene of the crime, Generoso matalinghagang
sagot ni Melanie.
SINA Enrico at Mrs. Soler ay sakay ng segunda-manong kotse. Wala silang imikan. Nakasimangot
si Mrs. Soler kahit nakasuot ng sunglasses.
Hindi pa rin matanggap ng ina ni Enrico na sila ay wala na sa mansiyon; na wala na rin silang
maaasahang sustento mula kay Don Pedro.
Sana ay ikaw na lang ang nagmalaki sa ama mo, bakit pati ako ay nadamay? This is so
embarrassing, Enrico.
No, Mommy, this is good for the soul. Matagal na po tayong nawalan ng kaluluwa, bawiin
natin
SAGLIT pay nasa tapat na sila ng lilipatang simpleng apartment. Napahagulhol na ang ina, sa
awa sa sarili.
KABANATA 35
HANGGANG sa loob ng nilipatang simpleng apartment ay humahagulhol si Mrs. Soler; ang
mommy ni Enrico ay hindi pa rin matanggap na silang mag-ina ay mahirap na, wala na sa
mansiyon na tinirahan nang maraming taon.
Hindi rin matanggap ng biyuda ng senador na wala na silang mamahaling kotse, wala nang
malalaking ari-arian.

Hu-hu-hu-huuu. Kung kailan nasa twilight years of my life na ako saka pa tayo napurdoynais
ko na yatang mamatay, palahaw at reklamo ni Mrs. Soler, hindi matapus-tapos ang litanya.
Mommy, may magagamit naman akong pampuhunan sa papasukin kong business, pasalamatan
na natin iyon.
Mula sa pagbebenta ng aking sports car at isang lote sa Cavite, may magagastos tayong pangaraw-araw hanggang sa kumikita na ang negosyo ko mahinahong paliwanag ni Enrico, ayaw
sabayan ang ngitngit ng ina.
Matapos uminom ng isang basong tubig ay kumalma na ang ginang.
Kumusta pala yung babaing sabi mo e dapat mong ma-win back? Na nadamay ka mo sa
paghihiganti mo sa iyong ama?
Hindi ko siya na-win back, Mommy. Mas tumindi ang galit sa akin. Nasampal ako nang tatlong
beses, napapabuntunghiningang sabi ni Enrico.
Napaigtad ang biyudang sosyal. Whaat? Nagpasampal ka? Attatlong beses pa? Abay abusada
naman ang gagang yon!

Mommy, pleaseproblema ko na ho iyon


Tama ba ang balita na yung bagong asawa e in a coma pa rin?
Oho. At labis pa rin akong nagi-guilty.
Ano ka ba? Uulitin ko na naman bang dapat lang makarma pati ang bagong pamilya ng ama
mong taksil?
Nais na namang lumabas ang pagkabarumbado ng binata pero nagtimpi siya. Mulang makaranas
ng matitinding problema ay parang ayaw nang pagapi ni Enrico sa init ng ulo.
Ill just zip my mouth, Mommy. Gawin nating mapayapa ang gabing ito, please lang ho.
Wala man lang tayong aircon! Mamamatay ako sa init ng klima!
Dinedma na lang ni Enrico ang ina. Nagkulong siya sa maliit na silid. Tig-isa sila ng tulugan ng
ina.
Maging ang binata ay labis na naninibago sa napakasimpleng tirahan. Bukod kasi sa walang
aircon ay kapitbahay pa nila ang mahihirap, yung mga nakatira sa squatters area sa kabilang
bakod.
Dinig niya ang ingay ng mga nag-iinuman, pati na ang mga nagkakantahan sa karaoke na
kadalasan ay mga sintunado.
Naalala niyang bigla si Melanie. Ano kaya ang iisipin nito ngayong siya ay mahirap na at
mangangapa pa sa buhay?
INISIP ni Enrico, ngayong mahirap na siya, wala na sa mansiyon at sa financial support ni Don
Pedro, ano kaya ang turing sa kanya ni Melanie?
Mababawasan ba ang galit nito? Posible mabalik na ang pagsamba sa kanya? Ang pag-ibig na
tipong hanggang sa huling pintig ng puso?
Pero siya na rin ang natawa sa sarili. Ano ba namang sterling quality meron siya para ibigin pa
ng nasusuklam nang dalaga?
Matapos madamay sa kanyang paghihiganti ang nanay ni Melanie, huwag na nga siyang
umasam ng anupaman mula sa dalaga.
He must move on, panindigan na ang sitwasyon. Nagbitiw na siya ng salita sa amang don, na
hindi na siya aasa sa palihim nitong sustento sa kanya at sa kanyang mommy.
He even declared to the don that he no longer considers him as his father. Ayaw siyang kilalanin
nito, ayaw na rin niya itong kilalanin.
Nakadungaw pa rin siya sa bintana ng nilipatang apartment. Tanaw niya ang mga bahay ng
squatters sa kabilang bakod.
Tuksong nadinig niya ang kantahan ng mga nag-iinuman. Isa ang bumabanat ng paborito niyang
awitin.
I saw the harbor lightsthey only tell me we were partingthe same old harbor lights that once
brought you to me
Super-sintunado ang pagkanta ng lalaking halatang lasing. Mina-murder ang favorite song niya;
nais niyang umbagin ang kumakanta.

Blag. Inis niyang isinara ang bintana. Naupo siya sa gilid ng kama. Kinakalaban ang ngitngit sa
kinasapitan.
Ganoon lang pala kung magpalit ng eksena ang tadhana, naunawaan niya. In a sudden twist of
fate, natagpuan na lang niya ang sarili na mahirap na, mapipilitang tumayo sa sariling paa.
At kailangang karguhin niya ang sosyal na ina. Siya na ang magme-maintain sa kalusugan nito
na inaambaan ng alta-presyon o high blood pressure at sakit sa puso.
Bigla na naman niyang naalala ang tanong na hindi naitanong kay Melanie sa ospital. Di ba nga
nais niyang malaman kung nabuntis niya ito? Tingin talaga niya ay lumapad nang kaunti ang
baywang ng dalagang limang beses na niyang naangkin sa motel.
Stubborn si Enrico, matigas ang ulo. Walang tiyagang nakabitin sa alanganin ang bagay-bagay.
NAPAIGTAD pa si Melanie nang mabasa ang ngalan ng caller sa kanyang cellphone.
S-si Enricoano pa kaya ang kailangan ng lalaking ito? Tatanggapin ba niya ang tawag o
kanyang idededma?
Hindi niya madedma. Hello
Melanie, listen upgusto ko lang malaman kungmay dapat akong panagutann-nabuntis ba
kita? buong pakumbabang tanong ni Enrico sa cellphone, nasa mukha ang pananabik sa
kausap.
KABANATA 36
MANGHA si Melanie sa tanong ni Enrico sa cellphone. Nais daw malaman ng binata kung
nabuntis siya nito; kung mayroong dapat itong panagutan sa kanya.
Bakit mo naitanong yan? Pinipigil ni Melanie ang bulong ng puso; na siya ay nais suyuin ni
Enrico.
Bago mo ako n-nasampal, napansin kong malapad angbaywang mo. Naalala ko angang
ating pagtatalik nanganim na beses

Anong anim? Limang beses lang, Enrico! Huwag ka ngang eksaherado!


Nagpapakahinahon ang binata. Okay, 5 timeswhatever. N-Nabuntis ba kita?
Hindi. Never, sagot agad ni Melanie.
Are you sure?
Of course, Im sure!
Bakit ka lumalapad kung hindi ka buntis?
Tingin mo lang yon dahil guilty ka. Dinatnan ako ng aking buwanang dalaw kaya imposibleng
nabuntis mo ako.
Natahimik ang nasa kabilang dulo ng linya.
O, anonakahinga ka na ba nang maluwag, Enrico? painsultong tanong ni Melanie.
Alam mo ba ang latest happenings sa buhay ko?

Hindi ako intresado, Enrico. Cut it.


You are supposed to be my slave. Tinatapos mo na ba?
Napantastikuhan ang dalaga. Wow, Enricoang kapal mo! Matapos mong idamay ang mommy
ko sa ganti mo sa iyong ama, umaasa ka pang pauuto pa ako sa iyo?
Hindi ito madaling matanggap ng ego ng binata. Paano na ang obvious na pagsamba mo sa akin
noon, Melanie? Napakababaw pala? Baka nalimutan mong kaya nga maraming beses kang
nagpaangkin sa akindahil pikit-matang iniibig mo ako Yung tipong until your heart stops
beating
Deny-to-death agad si Melanie. Natauhan na ako, nauntogayoko na sa iyo. Ikaw ang lalaking
hindi ko na maaring ibigin kahit kailan!
Muling natahimik ang kausap ni Melanie. Aywan kung dahil masyadong nabigla sa paninindigan
at deklarasyon niya.
By the way, nakakarma na akonarito na kami ni Mommy sa bahagi ng mundo na tahanan ng
mga dukha at api malungkot na sabi ni Enrico. Right now, dinig ko ang pagkanta ng isang
lasing sa karaoke. Gusto ko siyang barilin sa inis
Bahala ka, e di barilin mo. Ayaw paapekto ng dalaga.
Wala akong baril, suwerte ang sintunadong lasing.
Bumubulong ang puso ni Melanie. Gusto niyang buhayin ang alipin-boss relasyon ninyo.
Paunlakan mo. Sakay ka lang, Melanie.
DID you hear my story, ha, Melanie? Sabi ko, nakatira na lang kami ng mommy ko sa tabi ng
squatters area. Wala na kami sa mansiyon; hindi na kami umaasa ng anumang financial support
mula sa don.
At narinig mo ba ang sabi ko sa kanya? I told him wala na siyang anak, ayoko na rin siyang
maging ama, mahabang sabi ni Enrico sa landline, kausap si Melanie sa cellphone nito.
Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat nang ito, Enrico? Nagpapaawa ka ba? prangkang tanong ni
Melanie sa lalaking minahal nang husto.
No! Of course not! Wala lang, siguroy gusto ko lang malaman mong hindi na ako ang dating
rich playboy na parelax-relax lang. Wala na ang sports car kong very expensive; isang segunda
mano ang ipinalit ko
Parang nais mabiyak ang puso ni Melanie sa sitwasyon ng binata.
Pero kapag naaalala niya ang inang comatose, ang pag-ibig ay nahahalinhan ng pagkasuklam.
May sasabihin ka pa ba? singit na tanong ni Melanie.
Paano na anganumang namagitan sa atin? tanong ni Enrico.
Tapos na tayo, Enrico. Ikaw ang sanhi ng trahedyang kinalalagyan ng nanay ko. Hindi na nga
kita puwedengmahalin.
Napapikit sa kabilang dulo ng linya si Enrico. Kayhirap tanggapin ang pasya ng babaing kailan
lang ay sumasamba sa kanya;

Ganoon ba ang epekto sa babae kapag ang lalaking dating super-rich ay isa nang ordinaryong
mortal; mahirap na ang estado?
Nang walang marinig sa kausap, ibinaba na ni Melanie ang telepono.
NAGKAUSAP sa ospital sina Melanie at Don Pedro. Pareho silang dumalaw sa comatose pa ring si
Candida.
Wala pa ring linaw kung kailan matatauhan ang misis ko, Melanie.
Huwag nyo pong kalimutan na ang misis ninyo ay ang mommy ko, pormal na sagot ni Melanie
sa step father na pinalayas na niya sa bahay nilang mag-ina.
Napabuntunghininga ang don. Alam mo bang patung-patong ang aking karma?
Hindi umiimik si Melanie pero bukas ang mga tenga.
Bukod sa napahamak ang pinakamamahal kong misis, nasira ang aking reputasyon kahit paano,
ngayoy naghihirap pa ang aking kalooban bilang tao at bilang ama
Bilang ama ba ni Enrico ang tinutukoy ng don? Hindi matiyak ni Melanie. Baka may iba pang
anak sa labas ang dati niyang iniidolong business tycoon.
Si Enrico ang tinutukoy ko. He is my only son, dugtong ng don, parang nahulaan ang tanong sa
isip ng dalagang anak ni Candida.
Kumabog ang dibdib ni Melanie. Hindi pa talaga niya natatakasan ang alaala ni Enrico; malalim
pa rin sa kanyang puso.
KABANATA 37
NAG-break na ba kayo ng aking anak? I mean, ni Enrico? halos bulong na tanong ni Don Pedro
kay Melanie.
Umiling ang dalaga. Hindi po naman kami nagkaroon ng tunay na relasyon, kaya siguro ang
tama kong sagot ay NA Not Applicable.
Napabuntunghininga ang don. Whatever. As I was saying, naghihirap ang kalooban ko bilang
ama ni Enrico

Amang nakatago, amang ayaw siyang kilalaninwhats the point, Don Pedro? Hindi na talaga
tinawag ni Melanie bilang Tito Pete ang legal na step father.
Tumanaw sa malayo ang multi-milyonaryong mister ni Candida. Illegitimate child si Enrico; I had
an illicit affair with his mom.
Hindi kaya ng aking pagkatao na may maipula ang tao. Ang image ko bilang matinong old
bachelor na nag-asawa ng matinong babae ay nais kong protektahan.
Anyway, hindi kita kinausap para ako ay iyong husgahan. Dont judge so you wont be judged,
Melanie
Hindi umimik si Melanie, nagtatalo na naman ang isip. Bakit ba kailangan niyang makinig ng
tungkol sa binatang nais na nga niyang itakwil sa kanyang puso?
Hindi naman niya masabi sa don na hindi siya intresado sa ikukuwento nito.

As I was saying nga, kung kailan pinakawalan na ako ni Enrico sa lahat ng responsibilidadsaka
naman ako labis na nababagabag
Hindi ko naririnig. Ayokong marinig. Wala akong naririnig. Parang mantra ang nasa isip ni
Melanie, inuulit-ulit.
Ganitong ang misis kong si Candida, your mom, ay gulay, pakiramdam koy sumusumpong
naman ang aking pagkaama. Parang gusto kong puntahan si Enrico at yayain siya sasa dinner.
Napatuwid ang dalaga. What for, Don Pedro?
Nagkibit-balikat ang daon. Wala langits bonding time.
Alam nyo na bang umalis na sila sa mansiyon? Pinaalis na ng bangko ang politically correct
term.
Si Don Pedro naman ang napaunat sa pagkakatayo. Saan na raw napunta a-ang mag-ina?
Sa isang simpleng apartment na katabi ng squatters.
Lalong napaunat ang don. Jesus Christ
Galit ang inyong anak kapag nakakarinig ng taga-squatters na sintunadong kumakanta. Nais
daw niyang mamaril.
Ano pa? Ano pa? naliligalig na tanong ng matandang lalake.
Wala na silang magandang kotse; secondhand na lang ang sasakyan. At ipinagmalaki pang
putol na ang anumang relasyon ninyo, Don Pedro
Nanlumo ang don. Paano kaya mabubuhay ang iresponsableng yon? Magko-call boy?
BUKOD sa iresponsable ay walang alam na trabaho si Enrico! Paano sila mabubuhay ng mommy
niyang sosyal? gigil na pahayag-tanong ni Don Pedro, kausap si Melanie. Saan ba raw lugar
lumipat?
Pinormalan ni Melanie ang step father. Don Pedro, hindi po ako tanungan ng nawawalang
iresponsable.
Napabuntunghininga ang may-edad nang business tycoon. Fine. Ako na lang ang gagawa ng
paraan para siya ma-locate. Have a nice day, iha.
Hindi nyo na babantayan ng kahit ilang minuto ang misis ninyo? may panunumbat na tanong
ni Melanie. Pakiramdam niyay nababale-wala na ng don ang kanyang ina.
Ang importante ay dinalaw ko siya, inalam na kung ano ang kalagayan. Hindi malalaman ni
Candida na ako ay halos araw-araw na narito, na labis na nagi-guilty sa kanyang sinapit.
Magsusulit lang ako sa Diyos, Melanie, hindi sa iyo. Gaya ng sinabi ko na, lumagay ka sa tama.
You are not my boss.
NAIWAN na naman sa tabi ng inang comatose si Melanie. Pinigil niya ang pagtulo ng luha.
Nagagalit siya sa takbo ng kanyang mundo.
Where do we go from here, Mommy? Quo vadis? Mananatili kang gulay, paliit nang paliit ang
katawan, hanggang sa tuluyang mamatay? At ako, pagmamasdan na lang ang unti-unti mong
paglisan sa mundo?

Naisip din niyang bilang tao ay shattered na siya, nawasak na ang morale. Tutoo namang pati
kaluluwa niya ay naapekto ng mga pangyayari.
Bumuntunghininga siya. Tiningnan ang orasang pambisig.
Oras na pala para siya magbalik sa kanyang trabaho, sa corporate world na unti-unti na niyang
naaakyat.
Mommy, hindi mo man lang alam na ang galing-galing ko sa trabaho kona akoy puring-puri
ng mga boss.
They are even thinking of sending me to the States, para alamin ang latest trends doon at
magamit ko sa aming kumpanya. Im good, Mommy! No, Im great pala!
Hinalikan niya si Candida sa noo, hindi na siya umiiyak sa awa sa ina; nasaid na ang kanyang
luha; nagkakalyo na ang kanyang puso.
MANG Tomas, dalian mo ang pagmamaneho. Kailangang makarating agad tayo, utos ng don.
Sir Pete, marami hong bata sa kalye, baby factory po pala itong napasukan nating kalye. Mayedad na rin ang personal driver ni Don Pedro.
Palagay koy nagkamali tayo, naligaw, Mang Tomas. Ang hinahanap natin ay wala mismo sa
squatter area, nasa gilid.
Para namang nagkataon, nakita ni Don Pedro ang sadya sa lugar na iyon. Hayun siya!
Habang nakapara ang kotse, titig na titig si Don Pedro kay Enrico na galit na nakatingin sa flat
tire ng segunda-manong kotse nito.
KABANATA 38
PARANG sinundot ang pusong ama ni Don Pedro nang makita si Enrico sa tabing daan. Ang
binata ay nakakunot-noo, galit na nakatingin sa flat tire ng secondhand car.
Ito na nga ba ang spoiled niyang anak? Ngayoy hindi na napakamamahaling sports car ang
sasakyan kundi isang lumang kotse na halatang sirain na?
Pinahinto niya sa personal driver ang magandang SUV.

Mang Tomas, dito ka lang. Kakausapin ko ang Hindi niya masabi ang katotohanan.
Kakausapon ko lang ang taong yon.
Opo, Sir Pete, tatanawin ko po kayo. Delikado po rito, e. Nasa lugar sila ng mga aburido sa
buhay; mga taong kapos sa lahat ng pangangailangan.
Parang walang narinig si Don Pedro. Suot ang sunglasses at baseball cap, tinungo niya ang
kinaroroonan ni Enrico.
Nakita pa niya ang pagsipa ng binata sa gulong na na-flat.Narinig pati na ang sound effect . Tud.
Gayundin ang pagmumura ni Enrico sa pobreng sasakyan. Gago ka, hindi ako sanay napa-flat
tire! Buwisit kaaa!
Enrico.
Napaigtad si Enrico, nakilala agad ang may-ari ng tinig. Lumarawan ang higit na inis ng binata.
Nagtitimpi si Enrico habang katabi na ang di-inaasahang panauhin.

Hinanap kita, nagkaligaw-ligaw kami ng driver ko. Bakit mo naatim na lumipat sa abang lugar
na ito? May panunumbat sa tinig ng don.
I dont think its still your business, Don Pedro.
Cut the shit, Enrico. Pasalamat kat handa pa rin kitang bigyan ng perakahit for the last time.
Hindi ako humihingi sa iyo. Itinakwil na kita, nalimutan mo? Kapag nasusuklam ay nawawalan
talaga ng respeto sa ama si Enrico. Kahit nga pamumupo ay kinalimutan.
Dont be a fool, Enrico. Look at you certified loser ka. Mayamang biglang naghirap. At obvious
na hindi ka sanay magpalit ng gulong, what a shame. Walang pakialam ang don; basta
sasabihin niya ang nais sabihin.
Lalo lamang nasuklam sa ama si Enrico. Ano ba talaga ang problema mo? Bakit kung kailan
kinalag ko na ang ating ugnayan ay saka ka parang asong sinundan ako?
Hindi ka naturuan ng mommy mo ng good manners and right conduct, Enrico. Hindi ka
marunong gumalang.
Namimili ako ng taong dapat igalang, Don Pedro. At puwede ba, umalis ka na? Wala akong
panahon sa iyo!
Parang walang narinig ang don. Kumuha ng tseke. Sinulatan agad iyon. Here, ituring mong
tulong ko sa isang desperado. Kapag pinilas mo ay bahala ka sa sarili.
NARINIG mo ang sabi ko, Enrico? Huling tulong ko na sa iyo ang tsekeng ito, para makabangon
ka kahit paano, seryosong sabi ni Don Pedro. Ngayon, kung magdadrama ka at pipilasin ang
tseke, bahala ka na nga sa buhay mo. Piliin mong maging born loser hanggang sa dulo nng
panahon. Its your ballgame.
Ayaw tanggapin ni Enrico ang tseke kaya ihinagis na lang ito ni Don Pedro sa harapan ng binata.
Bago pa nakakilos si Enrico ay nakatalikod na ang don, umalis na.
Nagbabaga sa galit ang mga mata ni Enrico, hinabol ng tanaw ang amang ayaw kumilala sa
kanya sa publiko.
Kasunod ay tinunghayan ni Enrico ang tseke na nasa kanyang paanan. Galit na pinulot ito.
Saka niya nakita ang halagang naroon, pay to the order of Enrico Soler. Holy shitlimang
milyong piso! Binigyan niya ako ng limang milyong piso!
Kaytagal niyang minasdan ang halagang iyon sa tseke. Unang pagkakataon na nakahawak siya
ng ganito kalaking halaga. Kahit palihim na sustentado silang mag-ina noon ni Don Pedro, hindi
kailanman umabot sa milyones. Gayunman ay masagana sila, sagot ng don ang mga luho.
Napalunok at napabuntunghininga si Enrico. Parang nadinig niya ang huling salita ng ama.
Kung pipilasin mo ang tseke, bahala ka sa buhay momaging born loser ka hanggang sa dulo ng
panahon
Great! Ang galing talagang mang-asar ng matandang yon! Parang demonyong nanunukso!
Pipilasin ba niya o itatago muna ang tseke? Aminado siyang nakakahinayang na tanggihan ang
ganitong kalaking grasya.
Pero kapag naaalala niyang galing ito sa kinasusuklaman nang ama, nananaig ang kanyang
pride. Di ba nga nais na niyang magmalaki sa don?
Nais niyang magnegosyo pero sa sariling sikap, sariling pera.

Heto nga at kahit naghihirap na sila ng kanyang mommy ay nais pa rin niyang manindigan. Wala
siyang pakialam kahit nakita ng don na siya ay wala nang kotseng super-expensive; nagtitiyaga
na lang sa siraing secondhand car.
Naalala pa ni Enrico ang pintas sa kanya ng ama na siya raw ay baka ni hindi marunong magpalit
ng flat tire.
Ang yabang mo! gigil na sabi ni Enrico, patungkol sa ama.
Totoo namang hindi pa siya nakapagpalit ng gulong ng kotse. Lagi kasi siyang nagpapa-service,
ayaw madumihan ang kamay.
Bigla niyang naalala si Melanie, ang alam niyay praktikal ito.
Itinago niya ang tseke. Kasunod ay naglilis ng manggas. Magpapalit na siya ng gulong sa unang
pagkakataon.
KABANATA 39
NASA diwa ni Enrico sina Melanie at Don Pedro habang inis na nagpapalit ng gulong ng kotse. Ito
ang unang pagkakataon na siya ay magtatangkang mag-alis at magkabit ng gulong; sanay
siyang laging kumukuha ng service man sa vulcanizing shop.
Ang dalawang tao na laman ng diwa ay tila naghahamon sa kanyang kakayahan. Parehong iniisip
na siyang napakairesponsable sa nagdaang mga panahon ay ni hindi marunong magpalit ng flat
tire.
Kaya naman kahit tagaktak ang pawis sa sobrang init ng araw, tuloy siya sa pakikipagbuno sa
ordinaryong jack, hindi hydraulic, at sa tire wrench na masakit sa kamay.
Dahil walang karanasan at mali ang pihit, tumilapon ang hawak na tire wrench ni Enrico at
tumama sa kanyang noo
Clonkk.
Aww! sigaw niya sa tindi ng sakit; nasugatan at dumugo ang kanyang noo.
Shit! Shit kaaa! galit na galit niyang sigaw sa tire wrench; parang baliw na ang tool na bakal
ang sinisi.
Wala namang pumapansin sa kanya sa gawing iyon; busy sa kanya-kanyang aktibidad ang mga
tao.
Matapos ipahid sa basahan ang maruruming kamay, kinuha niya sa bulsa ang malinis na panyo
at idinampi agad sa dumudugong noo. Dama agad niya ang kirot ng bukas na sugat.
Napapailing na kinuha niya ang cellphone. Ayaw man niya ay kailangan niya ang tulong; hindi
niya puwedeng basta iwan ang kotse.
Nag-compose siya ng text message: Nasugatan ako sa noo. Punta ka agad dito sa Kalyehon
Banal malapit sa Petron. Flat tire, hindi ko maiwan ang kotse. Hurry.
Itinext niya iyon sa kanyang mommy. Tuksong nakita niya sa directory ang ngalan at numero ni
Melanie; katabi pala ito ng mismong cell number ng kanyang mommy.
Naimagine niyang nagtatawa ngayon si Melanie dahil sa kapalpakan niya; ang ama naman
niyang don ay nanunumbat at parang nagsasabing I told you so! Moron!
Pilit pa rin siyang nagpakahinahon. Cool lang.

Nami-miss niya ang dating kaalwanan ng buhay. Ang magarang sports car, ang mansiyon nila.
The easy life of the rich. He feels so miserable and insignificant.
Wala pang 10 minutes ay may pumarang taxi sa likuran ng kanyang kotse. Takang-taka siya dahil
hindi pala ang kanyang mommy ang lulan at ngayoy palapit sa kanya.
M-Melanie? Bakit ka narito?
Nag-text ka sa akin! Akala ko namay grabe kaya napasugod ako! gigil na sabi ni Melanie,
pinalulutang ang suklam sa binata.
Hindi ako nag-text sa iyo, Melanie. There must be a mistake, depensa agad ni Enrico, sapo pa
rin ng panyo ang noong dumudugo.
Gigil namang ipinakita ni Melanie ang text sa cellphone. Ano to, gawa-gawa ko lang? Nahulaan
kong narito ka?
Oh, shit, nagkamali ako ng send! Kay Mommy ako nag-text! N-Nagkamali siguro ako ng pindot
sa directory. Magkatabi kayo ng mommy ko, parehong M napapailing na paliwanag ng dalaga.
Dapat gamutin yang noo mo, baka maimpeksiyon. Napaano ba?
Huwag mo na lang itanong. Sige, uwi ka na. Sorry sa abala.
Pinagod mo na rin lang ako, mabuti pang maging kapakipakinabang. Obvious na kailangan ang
bantay dito sa kotse mo.
Ite-text ko ulit si Mommy. I can manage, Melanie.
No, I insist. May first aid kit ako, gamutin natin.
Nagsukatan sila ng tingin. Hindi na ang dating meek at maamo ang dalaga; ang nakita ni Enrico
ay isang babaing matatag, hindi na slave.
Mismong si Melanie ang nagbukas ng pinto ng lumang kotse, sa backseat. Halika na, huwag
mong sayangin ang aking oras.
Napapabuntunghiningang sumunod si Enrico, nananantiya. Nawala na nga ba ang pagsamba sa
kanya ng dalaga?
May mini first aid kit nga si Melanie bulak, medical scissors, iodine, gasa, medicated plaster.
Nagpapalit ka ba ng tire nang masugatan ang noo mo?
Napaigtad si Enrico. Marunong na rin bang manghula ang babaing pinagkasalahan?
Umigkas sa kamay ko ang tire wrench, tinamaan ako sa noo. Minalas, e.
Nilinis ni Melanie ang sugat sa noo ng binata.
Aray, dahan-dahan.
Malayo sa bituka, minor lang. Tiisin mo ang konting sakit.
Pinagtatawanan mo ba ako, sa katangahan ko? Simpleng pagpapalit ng gulong, nasugatan pa
ako
Ayokong makipag-usap. Ginagawa ko lang ang dapat. Good Samaritan ako.
The devil was here a while ago; we talked.
Devil? Nakipag-usap ka sa demonyo?

Si Don Pedro ang tinutukoy ko. Nadaanan ako rito, nang-insulto at tinangkang bilhin ang
kaluluwa ko.
Stop, ayokong marinig. Wala na akong pakialam sa iyo, Enrico.
Nagkibit-balikat ang binata, ayaw paapekto ng damdamin.
Tinatakpan na ni Melanie ang nasugatang noo. Ang treatment ay tinapos na. Pakiramdam ni
Enrico ay tinapos na rin ng dalaga ang anumang namagitan sa kanila; na hindi na sila magkikita.
KABANATA 40
BAKIT pakiramdam koyhindi na tayo magkikita, Melanie? Isinatinig ni Enrico ang kaba ng
puso.
Talagang hindi na tayo magkikita.
Dahil titiyakin kong hindi na ako maaabot ng anumang problema mong gaya nito, madiing sabi
ni Melanie, ang tinutukoy ay ang bigla niyang pagdating sa kinaroroonan ng binata dahil sa
maling text.
Huwag ka nang magro-wrong send sa akin. Lalong huwag mo na akong ite-text o teteleponohan
o dadalawin! Tapos na tayo as in Wala na, Kaput, Finished!

Parang naputukan ng bomba si Enrico. Datiy masamang panaginip ang turing niya sa
pakikipagkalas ni Melanie.
Ngayoy totohanan na.
Tapos na nga sila ng dalagang ito.
Dahil ba sa akoy biglang naghirap na, ha? madiin niyang tanong sa dating slave.
Walang kinalaman ang pera sa isyung ito, Enrico. Grow up. Alam mo kung bakit naglaho ang
ang anumang pagpapahalaga ko sa iyo. Naroon sa ospital ang dahilan
Mahina ang resistensiya ng mommy mo sa pressure and stress, kaya siya bumigay at naging
comatose. Nagkataon lang na ako ang nag-trigger. It could have been anyone or anything,
Melanie!
Parang walang narinig ang dalaga. Iniwan na si Enrico sa tabi ng kotse. Pero tinapunan pa niya
ng tingin ang flat tire, saka pinukol ng nakaiinsultong tanaw si Enrico.
Nakuha ng binata ang ibig sabihin ni Melanie. Minamaliit siya nito for being so helpless. Na
gulong lang ay hindi pa niya nagawang palitan nang tama; nagkasugat pa sa noo dahil sa
katangahan.
I was born rich, damn it! Hindi ako ipinanganak para magpalit ng gulong; sinanay akong
nagbabayad for these dirty jobs. Sisihin mo ang mommy ko at ang ama kong don na tago nang
tago!
Kung tama ang training nila sa akin, hindi ako lalaking ganito kaignorante sa basic things like
changing car tires!

Napantastikuhan si Melanie. Hindi valid sa kanya ang katwiran ni Enrico. Kung di ka masyadong
naging iresponsable at inutile, ikaw na mismo sa sarili mo ang nagsikap matutunan ang mga
bagay na panlalake. Shame on you!
Namula sa galit ang binatang dating mayaman. Ginamot mo nga ang sugat ko kanina, ngayoy
inilampaso mo ang buong pagkatao ko
Dahil dooy bayad na ako sa utang na loob sa iyo. Ayoko na ring mapaugnay sa iyo, Melanie;
you are NOT my kind of girl.
Nagkibit-balikat ang dalaga, tuluyan nang lumayo.
Ayaw niyang pansinin ang tadyak sa kanyang puso. Hindi na niya sinasamba ang lalaking ito, giit
niya sa sarili.
PAREHONG pinaninindigan nina Melanie at Enrico ang mga huling binitiwang salita sa isat isa,
bago sila tuluyang nagkahiwalay sa kalye, sa tabi ng segunda-manong kotseng may flat tire.
Ikaw ay irresponsible and inutile, Enrico. Shame on you. Nasa diwa ito ni Melanie habang sakay
na ng taxi, tuluyan nang palayo sa kinaroroonan ni Enrico.
Idinidikdik naman ni Enrico sa isip ang sinabi kay Melanie. You are NOT my type of girl.
Kahit may benda sa noo, muling hinarap niya ang pagpapalit ng na-flat na gulong. Gigil siya na
wala pa rin ang mommy niya 30 minutes matapos itong i-text.
Nagpapa-assist lang naman sana siya sa ina; tatawag ng vulcanizing service habang
binabantayan nito ang kotse.
Naalala niya ang tsekeng iniwan ng ama, si Don Pedro. Hindi pa rin makapaniwala ang binata na
meron siyang 5 milyong pisong puwedeng kunin sa bangko.
Natiyak na niyang hindi niya pipilasin o isosoli sa ama ang tseke. Gagamitin ko sa negosyo ang
5-million; titiyakin kong mapapalago ko iyon at ikaw ay mapapahiya sa pagtuturing sa akin bilang
walang silbi sa mundo, a born loser! Ipalalamon ko sa iyo ang mga salita mo, Don Pedro!
Gigil niyang pinihit ang tire wrench para tanggalin ang flat tire. Inuna niya siyempre ang mga
turnilyo.
Nagawa naman niyang maipalit ang reserbang gulong. Medyo nabigla pa nga siya dahil kaya
pala niyang gawin. Pero tagaktak na ang kanyang pawis at bilad na bilad na siya sa araw.
Pati ang jack ng kotse na kulang sa grasa at napakahigpit ay natanggal na rin niya, naibalik na sa
tool box.
Enrico! Hangos na dumating na pala ang mommy niya, sakay ng taxi, nakapayong at nakasunglasses, halatang ayaw makilala ng mga tao.
Mommy, an tagal-tagal mo.
Nag-ATM pa ako. Napaano yang noo mo?
Napabuntunghiningta si Enrico. Niyaya na ang ina sa loob ng kotse. Its a long story. Clumsy
ako, natamaan ng tire wrench. Pero kahit paano ay okay na ang noo ko, naampat ang dugo.
Sino ang gumamot? Nagpunta ka ba sa doktor o klinika?
Iniba ni Enrico ang usapan. Makakabangon na ako, tayo, Mommy. May malaking puhunan na ako
sa aking papasuking negosyo

Posible akong maniwalang may malaki-laki ka nang puhunan, Enrico. Pero doon sa
pagnenegosyo mo, wala akong paniwala. Wala kang alam na trabaho o negosyo, tiyak na
magkakalugi-lugi ka lang.
Hindi naman nangmamaliit ang ina; nagsasabi lang ng totoo base sa karakter ng anak. Pinalaki
kitang spoiled na puro pasarap sa buhay and that is our misfortune, son.
KABANATA 41
ALAM mo ba yon, ha, Enrico? Ngayon ako nagsisisi na pinalaki kita sa layaw, lahat ng luho ay
ibinigay, lahat ng gusto ay sinunod napapailing na patuloy na sabi ni Mrs. Soler. Ganitong
mahirap na tayo, ikaw ay kakapa-kapa sa mundo. Wala kang alam sa kahirapan, anak.
Tumigas ang mukha ng binata. Kaya nga patutunayan ko sa lahat, laluna sa aking amang ayaw
magpakaama, na akoy makakabangon mula sa hirap. Na akoy hindi hopeless
Tahimik lang ang ina. Hindi masabing ito man ay walang tiwala sa kakayahan ng anak.
Nangutang ka ba ng puhunan, ha, Enrico? naalalang itanong ni Mrs. Soler. Ang alam koy higit
isang milyong piso na lang ang hawak nating cash.
Madali lang maubos yon. Doon pa tayo babawas ng panggastos araw-araw, pati na sa pangmonthly rental dito sa apartment, habang wala ka pang trabaho o negosyong kumikita
Mommy, maniwala ka sapat na panimula ang puhunang hawak ko. Saka ko na ipaaalam sa inyo
ang buong detalye kapag kumikita na ang negosyo ko.
E ano ba naman ang negosyong papasukin mo, ha? Baka naman barya-barya at labas nang
labas ang dagdag na puhunan?
Saka nyo na malalaman kung ano, Mommy. Yung tungkol sa barya-barya, ganoon ang ginawa
ng mga unang intsik na nagnegosyo sa Pilipinas noong 1950s. But look at them now.
Hindi kumbinsido ang ina. Ano kaya kung huwag mo munang simulan? Mag-feasibility study ka
muna.
Kaso ay stubborn si Enrico, kung ano ang magustuhan. Lumaki nga kasing spoiled at sobra ang
bilib sa sarili.
Tumahimik na lang ito habang dina-drive ang secondhand car.
Tuksong napadaan sila sa Edsa, sa area kung saan nabangga niya ang kotseng dala noon ni
Melanie.
Melanie Umulit sa kanyang diwa ang ngalan ng dalagang siya ang nakauna sa pagkababae.
Parang kailan lang na nag-meet ang kanilang landas, sa isang aksidenteng pagkikita.
Akalain ba niyang siya pa pala ang magde-devirginize dito?
Oh, shit, Melanie ulit niya sa isip, may kasamang buntunghininga at panghihinayang.
Ang galit niya kanina sa dalaga ay natatakpan ng lihim na pag-asam na sana ay slave pa rin
niya ito, patuloy na sumasamba sa kanya.
Hoy, bakit panay ang buntunghininga mo diyan? Baka nabangga tayo, ha? Lumilipad ang utak
mo, sabi ng inang sosyal.
NANG araw na iyon ay dinala ni Enrico sa bangko ang tsekeng nagkakahalaga ng 5-million pesos.
Ano ang mangyayari?

TINIYAK pa muna ni Enrico na presentable siya bago tuluyang pumasok sa bangko dala ang
tsekeng 5 milyong piso. Bilang dating mayaman ay alam niyang unang tinitingnan ng tao ang
anyo ng kapwa. Meaning kung karesperespeto o hindi.
Good morning, sir. Binati siya nang buong galang ng security guard na nakatalaga sa pinto.
Tinanguan naman niya ito.
Ang hawak niyang tseke ay minasdan niya habang nakapila na siya sa Teller One.
Wala lang, nais lang tiyakin na tama nga ang nakalagay doon. Na iyon ay paid to Enrico Soler,
the sum of Five Million Pesos only etesetera.
Panlima siya sa pila pero okay lang kay Enrico. Handa siyang pumila araw-araw kung ganitong
kalaking tseke ang kanyang ie-encash.
Napabuntunghininga ang binata. Excited na siyang magnegosyo at ito ngang perang kaloob ng
ama ay labis na makatutulong sa kanya. Hindi na barya-barya ang kanyang magiging puhunan;
pam-big time na.
Naglalaro na sa kanyang isip ang papasuking negosyo. Kahit wala pa siyang alam dito sa
aktuwal, nag-observe na siya at nagtanung-tanong.
Katwiran niya kung kaya ni Juan ay kaya rin niya. Umasenso at yumaman si Juan, bakit naman
siya ay hindi?
Mas matalino naman siguro ako kay Juan, naisaloob niya habang nakatingin sa batok ng
malusog na matronang nasa kanyang unahan.
Haayy, nakunapakabagal naman, reklamo nito sa mahinang tinig, tinapunan siya ng tingin,
halatagn nais makipaghuntahan.
Tinanguan niya ang matrona. Meaning sang-ayon siya sa obserbasyon nito. Na mabagal nga sa
kanilang pila. Sa preferred clients ay mabilis.
Number one bank daw sa tatag, an sama naman ng serbisyo. Ni hindi man lang tayo nakaupo.
Nginitian muli ni Enrico ang matrona. Pero hindi na siya nagkomento. Napansin niyang maganda
naman ang babae kahit tabachingching.
You look familiar, sabi nito sa kanya.
I do? Patanong ang kanyang sagot. Pero sana ay tumigil na sa pakikipagdaldalan sa kanya ang
matrona; wala siya sa mood .
Ya. Para bang nakita na kita somewhere. You are not a movie star or something, are you?
Inglesera ang matrona. Tingin niyay nagpapa-cute.
Nakahinga siya nang maluwag dahil tinawag na ito ng teller sa preferred clients. Libre na doon at
ang matrona na ang ia-accommodate.
Sa wakas ay nasa harap na ng Teller One si Enrico. Ibinigay agad niya ang tseke pati kanyang ID.
Nakita niyang nagpunta ang teller sa manager dala ang kanyang tseke. Mayamaya ay nakita
niyang umiiling ang manager. May problema sa tseke, naunawaan ni Enrico. Putang-ama, what
could it be?

KABANATA 42
LALONG kinabahan si Enrico nang lapitan siya ng teller matapos makausap ang manager. Sir
Enrico, kakausapin daw po kayo ni Maam.
Ang maam, sabihin pa, ay ang bank manager mismo. Pigil ang hiningang nilapitan ni Enrico
ang desk nito sa dulong bahagi ng bangko.
Is there any problem with my check? Siya na ang nagtanong habang pinauupo siya ng babaing
manager.
Sir, kuwan pomeron kasing instruction ang nag-issue ng chequenakausap po namin sa
telepono
Anong instruction?
Hinold po muna ang payment. Youve got to talk daw po muna, sa office niya.
Gusto akong makausap ni Don Pedro Marquez de Golfo? Kumunot ang noo ni Enrico. Bago
babayaran ang tseke?
Tumango ang bank manager. Big client po namin ang nag-issue ng cheque, sir. Hope you
understand.
Ibinalik sa kanya ang tseke. Lumabas siya ng bangko nang hindi maipinta ang mukha.
Pagdating sa parking area ay sinipa niya ang gulong ng secondhand car niya. Tud.
Nasaktan ang kanyang paa, napangiwi siya.
Pinaharurot niya ang lumang kotse. Galit na galit siya sa amang ayaw pa rin siyang kilalanin sa
publiko.
Nagtuloy siya sa Morato area, magpapalamig muna sa Starbucks.
Pero huling sandali ay nagbago siya ng isip. Hindi na nga pala siya naka-sports car, halatang
naghihirap na.
Sa iba na lang siya nagtuloy, sa isang fast-food chain na affordable.
SAMANTALAY wala sa hinagap ni Melanie na may magaganap sa araw na iyon kaugnay ang
inang nasa ospital pa rin, still in a coma.
Habang ang dalaga ay nasa spare bed sa tabi ng ina at nagpapahinga, saka naman nangyari ang
hindi na inaasahan.
Nagmulat ng mata ang pasyenteng kaytagal na naging gulay
Si Candida. Hinang-hina siya, hindi maiangat ang katawan..
Iginala niya ang paningin sa loob ng kinaroroonang silid na aircon. Naunawaang siya ay
pasyenteng may mga nakakabit na kung anu-anong gadget sa katawan.
Natanaw ni Candida ang natutulog na si Melanie. Naunawaang bantay niya ito. Hindi naman
maunawaan kung bakit.
Melanie halos bulong iyon.
Pero malinaw na narinig ni Melanie; napaigtad ang dalaga, nagising.

Napaluha si Melanie sa galak. Mommyn-nagising ka na


Niyakap ng dalaga ang ina, pinaghahalikan ito sa noo. Thank God ! Salamat po! Praise You,
Lord!.....

NAGKAMALAY-TAO na nga si Candida matapos maging comatose nang napakaraming araw. Abutabot ang pasasalamat ni Melanie sa Panginoong Diyos sa mahimalang paggising ng ina.
Hinulaan na kasi ng mga doktor na malabo nang magising si Candida; na ito ay malalanta at
tuluyang mamamatay.
Ano ba ang nangyari? Hindi maalala ni Candida ang mga naganap.
Ikinuwento ni Melanie; ipinaalala ang mga detalye tungkol sa iskandalong kinasangkutan ni Don
Pedro kaugnay ang illegimate son na si Enrico Soler.
Maging ang pagtatangka ng don na magbaril sa sarili ay ipinaalala sa ina; gayundin ang pagbawi
ni Enrico, sa national television, ng akusasyon tungkol sa don.
Sinabi ni Enrico sa media na hindi totoo ang kanyang naunang pagbubunyagna si Pete ang
kanyang ama?
Ganoon nga po, Mommy.
At ano ang naging reaksiyon ni Pete?
Si Don Pedro ay hindi na humarap sa media, Mommy. Hindi pa rin niya inamin na siya nga ang
ama ni Enrico Soler.
But the issue died down already. By the way, magaling na siya, dinadalaw ka nga regularly;
gastos niya lahat. Mahal na mahal ka ng asawa mong don.
Nasa bahay ba natin si Pete, anak? Kailangan niyang malaman na natauhan na ako!
Most likely po ay nasa office siya. Pero may nais akong ipaalam sa iyo, Mommydahil nga po
kayo ang malubhang nagkasakit, galit na galit ako kay Tito Pete at sa anak niyang si Enrico.
Wala silang karapatang kayo ang idamay sa gusot nilang mag-ama. Sa inis ko ay pinalayas ko si
Tito Pete sa ating bahay.
Napatanga si Candida, hindi makapaniwala. P-Pinalayas mo ang aking asawa sa pamamahay
natin?
I must, Mommy. Kasi ngay nawalan na ako nang pag-asang magkakamalay-tao ka pa
kasalanan nga nila.
Umiling ang pasyente. Hindi katanggap-tanggap ang ginawa mo, anak. Gayunmay ako na ang
hihingi kay Pete ng paumanhin. Pakikontak mo siya ngayundin, please.
SI DON Pedro ay unreachable sa mga sandaling ito. Kaharap kasi niya ang anak na itinatanggi sa
publiko si Enrico Soler.
Nasa main office sila ng don, sa Marquez de Golfo Building sa lunsod. Close-door conference iyon
ng mag-amang galit sa isat isa.

Inisyuhan mo ako ng tsekeng 5-million pesos, yun naman pala ay babawiin mo! Hindi mo
pinakubra sa akin!
Malay ko kung peke ang nagki-claim sa tseke? Isa pay dapat man lang akong kausapin ng
taong makikinabang sa aking 5-million dole out.
Hindi dole out! Hindi ako tumatanggap ng limos, Don Pedro! Handa kong bayaran ang perang
iyon in the near future , kasama na ang malaking tubo! Hindi ako balasubas!......
KABANATA 43
BABAYARAN mo ang 5 million pesos dahil hindi dole-out ang tingin mo sa perang ibibigay ko
kundi utang. At hindi ka ka mo balasubas, pag-ulit ni Don Pedro sa binitiwang salita ni Enrico,
ang anak niyang ayaw pa ring kilalanin sa publiko.
Thats a good answer. Pero I doubt kung kaya mong panindigan. HULING Isang katotohanan na
ikaw ay lumaking iresponsable, walang ginawa kundi magpasarap. Hindi basta nababago ang
kinasanayang buhay. Baka bago mo malaman ay ubos na ang 5 million mo
Napakayabang mong maghusga, Don Pedro. Magpapautang ka nga ay grabe ka namang
magmaliit sa akin.
Mag-ingat ka ng bitiw ng salita, Enrico. Baka tuluyan ko nang bawiin ang aking kagandahangloob. Im sure without my 5-million peso goodwill, lalo kang mababaon sa kangkungan. Halatang
napikon si Don Pedro sa kaarogantehan ng illegitimate son.
Kinagat ni Enrico ang labi; ayaw nang kontrahin ang ama. Mas kailangan niya ngayon ang 5
million pesos kaysa kanyang pride.
I still maintain that I can repay you in due time at kasama ang malaking tubo, nasabi na lang
niya, hindi tuwirang nag-sorry.
Okay. Magbalik ka sa bangko at i-encash na ang tseke. Personal kong sasabihan ang mga tagabangko na wala nang problema.
Aasahan ko, Don Pedro. At dinedeklara kong babayaran ang utang ko sa loob ng limang taon,
kasama na ang tubo.
Malisyoso ang ngiti at komento ng don. Tama ako, magdadalawang-isip kahindi basta pipilasin
ang tseke. At least ay hindi ka nagdrama.
Muli ay nagtimpi ng galit si Enrico. Hindi sinagot ang ama.
Pero taas-noo na niyang ibinalik sa bulsa ang tseke. At hindi na siya nagpaalam nang tuluyang
lumabas ng upisina ng don.
Napalakas ang pagsasara niya ng pinto. Blag.
Napaigtad ang don. Binastos ba siya ng anak?
Hinabol niya sa labas ng pinto. Gigil na tinawag. Hoy!
Nilingon siya ni Enrico, handa na ang depensa. Hindi intentional, napalakas ang tulak ko. Oldstyle naman kasi ang pinto mo, Don Pedro.
Mag-aral ka ng good manners and right conduct. Kailangan mo sa pag-asenso, sabi ng don,
gigil pa rin.

Matapos tuluyang makaalis si Enrico, inactivate agad ng don ang cellphone. Natanggap niya ang
text message ni Melanie.
Ang good news tungkol sa kanyang asawa. Nagkamalay na si Candida! Hindi na comatose si
Candida!
Napaluha sa galak ang don. Tunay niyang minamahal ang bagong asawa, ang ina ni Melanie.
Tumawag siya agad sa cellphone ng step-daughter. Melanie, Im so glad. Pupunta agad ako
diyan! I love your mom, iha!
Lumambot na ang kalooban ni Melanie. Dalian mo po, Tito Pete. Sabik na sabik na si Mommy.

SA BANGKO, si Enrico ay pumila na naman sa linya ng mga ordinaryong kliyente. Gaya ng dati ay
mas maluwag sa pila para sa mga preferred clients, usually ay may mga dollar accounts.
Nais na namang umiral ang kaarogantehan ni Enrico. Gusto niyang isigaw na siya naman ay
maituturing na espesyal, dapat unahin.
Alam ba ng mga taong ito na siya ay mag-e-encash ng halagang 5 million pesos? Aba hindi arawaraw na may nagpapa-encash ng ganitong kalaking halaga!
Kaso ay alam din naman ni Enrico na mas gusto ng mga tagabangko ang kliyenteng
nagdedeposito kaysa sa nagwi-withdraw.
Siya ay pampito sa pila, sa Teller One gaya ng dati. Sa average na lang na 5 minutes per client,
siya pala ay mahaharap ng teller sa ika-35 minuto, higit na kalahating oras.
Thirty five minutes kung akoy sinusuwerte; kapag minalas na matagal ang bawat transaksiyon
ay baka abutin ako ng isang oras sa loob-loob ni Enrico.
Wala siyang nagawa kundi obserbahan ang mga nasa pila.
Ang nasa harapan ni Enrico ay isang seksing 30-something na tipong sosyal. May appeal ang
mukha nito, makinis ang kutis.
Mahaba ang buhok kaya hindi niya makita ang batok. Mahilig pa naman siyang tumingin sa
batok ng mga babae. Wala lang. Ewan niya kung bakit particular siya sa batok ng kababaihan.
Naalala niya ang batok ni Melanie. Napakakinis at napakabango ng batok niya. At doon siya
may kiliti.
Kapag hinahalikan niya sa batok si Melanie ay napapaigtad ang dalaga, napapabungisngis. Kasi
nga ay kiliting-kiliti.
Naalala na rin niya ang mga dayalog nila ni Melanie habang magkatalik sa bawal na silid, noong
panahong sinasamba pa siya ng dalaga.
Enricos-saan tayo hahantong?
Natural, sa dulo ng luwalhati. Patungo na tayo saclimax
Hindi iyon a-ang ibig kong sabihin Nasa point of no return na sila noon ni Melanie, sakop na
ng napakasarap na pakiramdam.
Ungol niya ang namayani sa sumunod pang mga sandali. Si Melanie naman ay napakagat-labi,
pinigil na mapasigaw during the orgasm.

Excuse me, biglang sabi ng babaing nasa unahan niya, siya ang kinakausap. Naputol ang
daloy ng alaala niya.
Yes, miss?
Bago ako sa city. Can you tell me kung paano pumunta sa Greenhills? Nakangiti sa kanya ang
seksing babae.
Sure. Ibinigay naman niya ang direksiyon. Kung wala siyang malaking transaksiyon, palagay ni
Enrico ay pinormahan na niya ang babae. Lalo pa ngat sabik na sabik na siya sa katawan ni
Melanie.
KABANATA 44
SA WAKAS ay nasa harap na ng Teller One si Enrico. Muli niyang ihinain ang tsekeng
nagkakahalaga ng 5 milyong piso. Nakilala na siya ng magandang teller.
Sa pagkakataong ito ay nginitian na ng magandang teller ang binata. Ngumiti din dito si Enrico,
may pagmamalaki. Sinarili ang nasa isip. Tingnan mo ang gagang teller na to halatang yanig
na sa akin.
Kasiy alam nang good ang aking tseke. Akala siguroy yayayain ko siya ng date.
How very ungentlemanly, how very arrogant. Ganito ba talaga ang tao na biglang kaydaming
pera?
Hindi nga naman barya-barya ang limang milyong piso, sa anumang lengguwahe.
Biglang naalala ni Enrico ang isang babaing nagpapaligalig ngayon sa kanyang pagkalalake.
Kung malalaman ni Melanie na ako ay may malaking pera na, magbabago kaya ang tingin sa
akin ng babaing iyon?
Sasambahin na kaya akong muli, ituturing na boss niya?
Sir, doon po tayo sa conference room, sabi sa kanya ng teller.
Nagtaka ang binatang hindi sanay sa malaking transaksiyon. Magkukumperensiya pa tayo?
Napangiti ang teller, naaliw. Naku, hindi po, sir. Doon po tayo magbabayaran para medyo tago
sa publiko. Security measure po para sa inyo, actually.
Nakaunawa naman ang binata; kahit lumaking mayaman si Enrico, nave siya sa mga ganitong
bagay. Palibhasa nga ay hindi naging responsible sa paghawak ng pera; walang alam kundi
gumasta, magpasarap sa buhay.
Sa tagong bahagi nga ng bangko binayaran ng limang milyong piso si Enrico. Puro one-thousand
denomination ang ibinigay sa kanya, base na rin sa kanyang kahilingan.
Pero naisip na magbukas na ng sariling bank account sa bangko ring ito. Naglagak agad ng
tatlong milyon.
Kung gayoy dalawang milyong piso ang dala niya palabas ng bangko, patungo na sa kotse
niyang segunda-mano.
Nasa brown envelope ang cash, kaswal na bitbit na ng binata. Ilang dipa na lang siya sa lumang
kotse. Bibili pala agad ako ng maayos na sasakyan. Ganitong may pera na akong muli, why
deprive my self?
Na-miss niya ang kayang sports car. Naibenta na niya ito nang ilitin ng bangko ang mansiyon
nilang mag-ina. Sa pinagbentahan siya kumuha ng pangrenta sa nilipatang apartment at
secondhand car, gayundin ang panggastos sa araw-araw. Ang nalalabi ay idadagdag niya sa
puhunan, para sa naisipang negosyo.

Pero ganitong biglang may dumating na grasya ang 5 milyong piso tila iba na ang takbo ng isip
ni Enrico.
Pupuntahan ko si Melanie. Yayayain ko siya sa labas. Hindi siya tatanggi sa lalaking may
milyones sa bangko!

DALAWANG dipa na lang ang layo ni Enrico sa lumang sasakyan, dala ang dalawang milyong
pisong cash sa brown envelope. Nasa diwa niya ang pagpunta kay Melanie para yayain ito sa
labas; hindi raw makatatanggi ang dalaga sa lalaking may milyones sa bangko.
Gusto ko lang namang maging slave ka uli, Melanie. Yun bang you are at my beck and call, ako
uli ang boss mo. I miss your body, mayabang na namang deklara ni Enrico sa sarili; hindi
binanggit na mahal niya ang dalaga, ang turing lang kay Melanie ay isang masarap na piraso ng
karne.
Blag. Tunog ito ng pagbagsak bigla ni Enrico sa pavement ng parking area, nakatapak siya ng
balat ng saging.
Aaaah! Kaylakas ng kanyang sigaw, nasaktan ang pang-upo at balakang. Nabitiwan niya ang
brown envelope na may cash.
Dali-dali naman itong kinuha ng binata. Nakabuti na may taling rubber band ang brown
envelope, hindi sumabog ang dalang malaking cash.
Siyet! mura ng binata. Nanaig na naman ang init ng ulo.
Pinagtatadyakan niya ang balat ng saging. Galit na galit siya dito.
Ngiyiww. May kuting pala doon. Nagtataka yata sa kanya, hindi maunawaan kumbakit galit na
galit siya sa pobreng balat ng saging.
Napatingin sa kuting si Enrico. Naalala ang lumipas na eksena nila ni Melanie, sa isa ring parking
lot. May yayat at marungis na kuting na pinagmagandahang-loob niya, isinakay sa kotse para
pagyamanin sa bahay.
Nagtaka sa akin noon si Melanie. Meron daw naman pala akong saving grace. Sa kabila daw
pala ng aking pagkaarogante ay may big heart ako sa mga abandonadong pusa
Muling ngumiyaw ang marungis na kuting. Nakatingin sa kanya.
Bitbit ang cash sa brown envelope, binitbit din ni Enrico ang kuting at isinakay sa kotse, sa back
seat.
Pakakainin niya sa bahay ang kuting at aarugain hanggang sa maging malakas. Saka niya
pakakawalan.
Nang tumatakbo na ang kotse ay saka niya muling naalala si Melanie. We must talk, babe. I
must admit that I miss yourbody. Addict na yata ako sa iyo s-sakama.
MALIGAYANG niyakap ni Don Pedro si Candida sa ospital. Parehong napaluha sa galak ang
bagong mag-asawa na kapwa 50s na.
Thank God ibinalik ka ni Lord sa akin, CandidaI love you so much. Ikaw ang sentro ng mundo
ko.

Petepaglabas ko ay dalhin mo agad ako sa isang magandang lugar sa Tagaytay. Yun tayo lang
dalawa. I-celebrate natin na tayo ay buhay pa Haplos ni Candida ang guwapong mukha ng
don.
SI MELANIE ay nakamasid lang. Naisip niya sila ni Enrico ay imposibleng maging ganito kaligaya
sa piling ng isat isa. Ayaw na niyang umibig sa binatang iresponsable at walang alam sa buhay.
KABANATA 45
MELANIE, anakmalalim ang iniisip mo? nakangiting pansin ni Candida sa dalaga. Kapit-kamay
sila ng asawang si Don Pedro. Nasa loob pa rin ng private hospital room.
Iha, dapat ay masaya dahil nagpangalawang buhay ang mommy mo, sabi ng don, nakangiti.
Mommy, Tito Pete, Im glad naman po talaga, sobra, sa paggaling ni Mommy from being in a
coma, sabi agad ni Melanie, medyo napahiya. Akalain ba niyang naglakbay na pala ang diwa
niya kay Enrico?
May love problem na ba ang aking unica hija, ha?
Wala po, Mommy. Medyo lang may naisip
Lagi kaming narito ng Tito Pete mo, Melanie. We love you.
Thank you po. I love you, too, guys, sinserong sabi ng dalaga.
Si Don Pedro ay biglang natigilan, naunawaan ang sitwasyon. Na walang kaalam-alam si Candida
sa love-life ni Melanie; obvious na hindi alam ni Candida ang namagitan kina Melanie at Enrico.
Ewan pa niya kung magtatapat sa ina si Melanie. Baka sa hinaharap, kapag malakas na malakas
na si Candida?
Pete? Ikaw naman ang natitigilan diyan puna ni Candida; tila tumalas ang pakiramdam. May
dapat ba akong malaman? May malala ba akong sakit?
Naku, wala, Candida! Sabi ni Doc ay youre on your way to recovery. Iingatan mo lang daw ang
puso mo, pati na rin ang blood pressure mo. Everything will be alright, my love.
Nakahinga nang maluwag si Candida, lubos siyang naniniwala kay Don Pedro. Mahal na mahal
niya ang bagong mister.
SA LABAS ng hospital room, palihim na kinausap ni Melanie ang don. Tito Pete, ayoko pong
malaman ni Mommy ang naging relasyon namin ni Enrico. Huwag lang po ninyong sabihiN,
please.
Napabuntunghininga si Don Pedro. Iha, may kahirapan ang hinihiling mo. Mahal ko ang mommy
mo and I dont want to lie to her.
Hindi ka naman po magla-lie kay Mommy, Tito Pete. Hindi mo lang po sasabihins a kanya ang
tungkol sa amin ni Enrico. Magkaiba po iyon.
Sin of omission ang pagtatago ng katotohanan, laluna sa asawa. Kahit saang lengguwahe ay
kasalanan pa rin iyon, Melanie.
Napayuko ang dalaga. Napahiya siya sa paninindigan ng stepfather. Akalain ba niyang masyado
itong tapat sa kanyang mommy? At tama naman ang sinabi nito. Mali sa anumang anggulo na
maglihim sa asawa.
Kung gayoy ako na lang po ang magtatapat kay Mommy. Give me a few days lang, Tito Pete.
Okay. Pero huwag mong patagalin. Baka maunahan ka ng pagtatanong ng mommy mo, I really
must tell her the truth

Naisip ni Melanie, lahat din ba ng tungkol kay Enrico ay kayang sabihin ni Don Pedro sa asawa,
her mom?

MELANIE, iha, wait. Ako naman ang may ipakikiusap sa iyo, mahinahong sabi ni Don Pedro sa
palayo nang step daughter. Inabot niya ito sa corridor.
Napahinto si Melanie. Yes po, Tito Pete?
Doon tayo sa lounge ng ospital. Gusto kong relax tayo.
Ano kaya ang ipakikiusap daw ng mister ng mommy niya? Hindi mahulaan ni Melanie.
Sa clients lounge sila nagtuloy. Fully airconditioned ang place, sabihin pa. Sa pangmayamang
ospital inilipat ng don ang mommy ni Melanie. State-of-the- art ang mga gamit at pasilidad ng
pagamutan.
Actually, ihaitong ipakikiusap ko, para nang replay. I really want you to work with me. Join my
company now; I really need you at this point and time. Bakas sa mukha ng don ang katapatan
ng sinabi.
Napalunok si Melanie. Hanggang ngayon ba naman ay mangungulit ang step dad sa isyung ayaw
na ayaw na niyang talakayin?
Tito Petebukod sa mabuti na ang kalagayan ko sa aming kumponya, may isa pa kasing dahilan
ng aking pagtanggi sa iyong offer
Ano naman kaya iyon, iha?
Hindi po ba nasabi ni Mommy na may bad temper din ako? Grabe po akong magalit. Kahit sa
mga boss ay puwede akong mang-away.. Baka po tayo pa ang magkasira
Natawa ang don. I can handle your worst tantrums, Melanie. Hindi ako magiging napakalaking
negosyante kung hindi ako marunong mag-handle ng mga key people.
Napabuntunghininga ang dalaga. Nagbabasag po ako ng pinggan
Walang pinggan sa conference room namin.
Tito Pete naman
Iba na lang ang kunin mo, nais idugtong ni Melanie. Huwag mong iabandona si Enrico. Take
him.
Gagawin kitang EVP, executive vice president. Ikaw ang magiging tagapamahala at mata ko sa
lahat kong business interests.
Napasinghap si Melanie. Napakataas ng puwestong ino-offer sa kanya ng don! Hindi ba ito
nababaliw?
Magtitiwala ka sa isang relatively new in the corporate world, ha, Tito Pete? Hindi talaga
makapaniwala ang dalaga.
Iga-guide naman kita sa umpisa, Melanie. Pero youll be given all the space you need para
diskartehan ang trabaho mo. Im a very liberal boss. Muli, nakita na naman ni Melanie sa mukha
ng step father ang tindi ng pangangailangan. Nais na yata niyang itanong, gusto bang isalin nito
ang pamamahala dahil itoy malapit nang mamamatay?

Kailangan ko ang fresh approach ng young adult na gaya mo. Tanggapin mo, Melaniealangalang sa libu-libong empleyadong umaasa sa aking mga negosyo.
KABANATA 46
LULANG-LULA pa rin si Melanie sa ino-offer na posisyon ni Don Pedro. Imagine siya raw ang
gagawing EVP, Executive Vice President ng lahat nang business interests nito! At malaya siyang
dumiskarte sa patakbo ng mga negosyo ng don!
Itinanong ni Melanie ang ayaw sanang itanong. Tito Petem-may nararamdaman po ba kayo sa
katawan? I meanmalapit na po ba kayong mamatay?
Kung may terminal illness ba ako? Gaya ng kanser, ha, Melanie?
Yes po, Tito Petekasi naman poy takang-taka ako at ako ang bigla ninyong pagsasalinan ng
pamamahala
Paiwas ang sagot ng don. Im in my 50s, mas madali nang tamaan ng sakit. Mas mapanganib
ang buhay... Posible akong mabangungot, adulas sa banyo, mabangga sa daanmamatay sa
plane crash
Susceptible din ako sa heart attack, hypertension, diabetes etsetera. Kailan ko pa ba ihahanda
ang magpapalago pa sa aking mga negosyo kundi ngayon na?
Napalunok ang dalagang produkto ng UP, na napatunayan nang magaling sa business
administration. Sa kalabang kumpanya nga lamang ng don naglilingkod; sa isang multi-national
company sa Makati.
Bakit po hindi si Enrico?
Jesus Christ, Melaniealam mong napakairesponsable ng taong iyon! Laki sa layaw, walang
alam sa buhay, walang natapos na kurso
Nanlumo si Melanie. Kahit ayaw na niyang ibigin si Enrico ay nahahambal siya sa pananaw ng
ama nitong don. Mismong si Don Pedro pala ang naniniwalang wala nang pag-asa si Enrico.
Anyway, hinamon ko siyang patunayan na hindi siya born loser. Mayabang, tinanggap naman
ang hamon. Ipakakain daw sa akin ang negatibong sinabi koYou know, tipong babangon daw
siya at akoy dudurugin. Napapangiti-napapailing si Don Pedro.
Sumalit ang katahimikan.
Kasunod ay nagpasya na agad si Melanie. Okay, Tito PeteI accept your offer. Ipagawa mo na
ang kontrata, ako na ang EVP mo.
Great, iha! Tiyak na matutuwa nang husto ang mommy mo! Wala nang bawian, ha, Melanie?
Aayusin ko lang po ang pagpapaalam sa aking kumpanya. Maghahain agad ako ng irrevocable
resignation. Deal, Don Pedro?
Deal, iha! Thank you!
SAMANTALAY naiuwi na ni Enrico sa simpleng apartment ang 2 milyong pisong cash. Bukas na
bukas din ay aasikasuhin na niya ang pagtatatag ng sariling negosyo.
Pero isisingit niya ang pagyayaya kay Melanie sa isang mainit na date sa motel. I miss your
body, Mel.

I MISS your body. Ito ang sabi ni Enrico sa sarili, patungkol kay Melanie. Nais niyang dalhin sa
motel ang dalagang dating sumasamba sa kanya, itinuturing siyang boss.
Pero tila pinuna siya ng kanyang sariling isip. You miss her body, ha? Baka naman in love ka na
kay Melanie, aminin mo.
Sinagot niya. Tanga. Hindi kasali ang puso ko sa desire kong ikama uli si Melanie. Ang pag-ibig
koy laan lang sa babaing totohanin ko. Hindi bagay sa akin si Melanie.
Talaga? Baka ibig mong sabihin ikaw ang hindi bagay kay Melanie?
Whatever. The point is, hindi kami magkabagay. Akoy playboy, siya ay seryosong mahinhin.
Puro trabaho siya, goal oriented; akoy nag-e-enjoy sa buhay.
Kung gayoy bakit particular mong gustong ikama si Melanie, Enrico? An dami-daming babae
diyan
Ulul. Iba si Melanie. Kumbaga sa karne ay prime meat, first class, the best quality. Satisfaction
guaranteed. Handa kong gastahan!
Pero suklam na suklam na siya sa iyo, bro. Wala ka raw kasing sinabi. Nakita pang ni hindi ka
sanay magpalit ng gulong ng kotse. Nasugatan ka pa nga sa noo, di ba? Ayaw siyang tantanan
ng sariling isip.
Tigilan mo na nga ako. Basta gusto ko uling gawing slave of love si Melanie! Period!
Hoy, Enrico! Bakit ka nagsasalitang mag-isa?
M-Mommy, n-nandiyan ka pala? Tarantang inipon agad ni Enrico ang sangkaterbang perang
binibilang. Ibinalik sa brown envelope.
Dalawang set ang tanong ko, anak Unang set, saan galing ang limpak-limpak na perang iyan?
Pusher ka na ba?
Kinunutan ni Enrico ang ina. Hindi ako gagong magiging drug pusher, Mommy.
Okay, pangalawang set ng tanong Bakit ka nagsasalitang mag-isa? Napraning ka na? At sino si
Melanie na nais mong ikama na prime meat?
Pinamulahan ng mukha ang binata. Hindi dapat narinig ng nanay niya ang mahalay niyang
dayalog tungkol kay Melanie.
None of your business, Mom. Hindi ako praning. Kinakausap ko lang ang aking sarili. You now,
thinking aloud?
Saan nga galing ang sandamukal na pera?
Secret. Umiwas ang binata.
Okay, malaki ka na. Diskarte mo yan. Pero pahingin mo ako ng kahit sandaang libo, kailangan
ko, anak.
Mommy, pangnegosyo ko to. Hindi puwedeng bawasan.
Pero handa kang gastahan ang Melanieng iyon, makuha mo lang! Nababaliw ka sa Melanieng
iyon, Enrico!
KABANATA 47
NASUMBATAN si Enrico ng mommy niyang sanay sa buhay na mayaman; ngayong naghihirap na
ay nais mangutang ng sandaang libong piso; nakita kasing nagbibilang ang binata ng
napakaraming cash.
Natigilan ka, ha, Enrico? Huwag mong ikaila kaya mong gastahan ang Melanieng iyon, maisama
mo lang sa motel, pero akong mommy mo ay tinitipid mo sa pera!

Nasundot ang pride ni Enrico. Sa inis ay biglang nagbigay ng malaking pera sa ina. Here,
Mommy, 120 Thousand Pesos, pinasobrahan ko pa ng beinte mil! Huwag na huwag mo lang
akong susumbatan!
Tinanggap agad ni Mrs. Soler ang pera pero naiiling ang ginang. Maling attitude ng isang
magnenegosyo kuno, anakdapat ay hindi ka napipikon laluna kapag involved ang pera. Paano
ka kikita e nagpakawala ka agad ng dapat sana e bahagi ng puhunan?
Lalong nais sumambulat ang galit ni Enrico sa sinabi ng ina. Kasi namay totoo ang puna nito it
was the inconvenient truth, na siya ay naging tanga sa paghawak ng pera.
Hindi naman niya mabawi pa sa ina ang 120 thousand pesos; paninindigan na lang niya bilang
lalake.
Pero hinayang na hinayang siya. Biruin nga namang sa isang matinding dayalog lang ng ina ay
nakulangan na siya ng higit sa sandaang libo! Pinakagago ba akong negosyante, ha, Mommy?
Oo, Enrico. Super-gago ka this time. In fact, classic ang kagaguhan mo. But you can learn from
your mistake.
Huwag mo na lang ulitin. Ang matatagumpay na businessmen ay kadalasang shrewd, mga
suwitek, tuso, mapanglamang.
Napabuntunghininga ang binata. Kasiy tama na naman ang sabi ng ina. Kulang na kulang pa
siya sa tamang attitude ng tunay na negosyante.
Diyan ka lang, Enrico. Lock the door dahil marami kang cash. Ako namay magpapasyal muna,
maglilibang. Imposible nang magbalik tayo sa buhay-mayaman kaya sasamantalahin ko na lang
ang anumang kayang ibigay na ligaya ng balato mo sa akin. Maikli na ang kandila ko
Hinabol na lang ni Enrico ng tanaw ang ina, alam na tinatakpan na lang nito ng pansamantalang
pagsasaya ang matinding kabiguan sa buhay; hindi madaling tanggaping sila ay biglang
naghirap.
Natanaw niya ang lumang kotse, naalala ang dating mamahaling sports car. Siya nga rin pala ay
nagdurusa sa bigla nilang paghihirap sa buhay. Ganitong may milyones siya, natutukso na siyang
bumili ng bagong kotse, lumipat sa magandang bahay, magbalik sa dating high life style.
Kaso ay sumalit sa diwa niya ang mukha ni Melanie, tila nanunumbat sa kanyang kahinaan sa
bagay na materyal. Magpapasarap ka uli, Enrico? Saka na ang pagnenegosyo? Born loser ka
talaga!

SUMALIT sa diwa ni Enrico ang nanunumbat na anyo ni Melanie. Uunahin na naman ba daw ng
binata ang mga bagay na materyal bibili ng bagong kotse, titira sa malaking bahay, ibabalik ang
magastos na life-style kaysa planong pagnenegosyo? Born loser ba raw talaga ang binatang ito?
Gigil si Enrico. Shit, Melanie! Ikaw ay dati kong alipin sa pag-ibig, sinamba mo ako. Ngayon bay
ikaw na ang madre superyora at tagasermon sa akin?
Naisip niyang ituloy ang balak kaugnay si Melanie. Matapos itago nang husto sa loob ng bahay
ang dalawang milyong piso ay lumabas na siya ng apartment. Pinaharurot ang lumang kotse.
Bruuummm.

MINSAN pang nagulat si Melanie sa di-inaasahang panauhin. Tiniyempuhan siya nito sa lobby ng
pinapasukang building sa Makati. Narito ka na naman, Enrico?
Huwag kang magtaas ng tinig, Melanie. Ito na ang huli nating pag-uusap, trust me.
Ito na ang huli nating pag-uusap Dumiin sa isip ni Melanie ang mensahe ng binatang ilang
ulit nang pinagsukuan ng pagkababae. Napalunok siya, napahinga nang malalim.
Laging ayaw niya ng paghihiwalay; she hates goodbyes.
Puwede bang mag-usap tayo sa isang tahimik na lugar, Mel?
Dapat ay tinarayan na niya ang lalaking ito, alam ni Melanie. Kaylaki-laki ng kasalanan nito sa
kanilang mag-ina, di ba?
Pero naumid na yata ang kanyang dila. Tumango siya kay Enrico.
Sumakay sila sa lumang kotse nito. Naiwan muna sa parking lot ng kumpanya ang sasakyan ng
dalaga, gaya ng dati.
Pareho yata silang hindi makapaniwala habang tumatakbo na ang kotse, sakay na sila. Saan
tayo mag-uusap, Enrico? Ayoko sa malayo.
Dun. Inginuso ni Enrico ang row of motels sa di-kalayuan. Noong hindi pa sila nagkakasira,
doon nadala ni Enrico ang dalaga; doon din nakuha ang pagkababae nito nang maraming ulit;
kusang ibinigay ng dalagang halos baliw na sumasamba sa kanya noon.
S-sa motel? Are you crazy? Gumuhit ang galit sa mukha ni Melanie. Ayoko!
May tinatawag na breakup sex, Melanie. Tuldukan natin ang ating paghihiwalay sa
pamamagitan nghuling pagtatalik.
Imoral ka talaga! Ayoko! Hindi mo na ako alipin sa pag-ibig! I dont want you anymore, Enrico.
Parang walang narinig ang binata. Lalo pang binilisan ang kotse, iniliko agad sa unang motel sa
kanan. Sa My Desire Drive-In.
Sisigaw ako, Enrico! I swear! banta ni Melanie.
Do it at nang mahuli na talaga ako ng pulis! Ipakulong mo ako, Melanie! Sirain mo na ang buhay
ko!
KABANATA 48
PAPASOK na sa motel compound ang lumang kotse ni Enrico at nagbabantang sisigaw si Melanie,
ayaw nang makipagtalik sa binata. Pero nang sabihin ni Enrico na sige, ipakulong mo na ako sa
pulis, tuluyan mo nang hayaang masira ang buhay ko, ang dalaga ay natameme.
Hindi na lang sumigaw. Hindi niya maimagine na nasa kulungan si Enrico; lalong hindi niya
matatanggap na siya ang tuluyang nagwasak sa kinabukasan nito.
Hanggang sa nakapasok na sa roll-up garage ng motel ay nanatiling hindi sumisigaw ang dalaga.
See? Ayaw mo lang namang aminin na gusto mo rin tong break-up sex. Dapat talagang
tuldukan ang anumang namagitan sa atin, Melanie. This is wrong, very wrong, Enrico
Pumasok na sila sa motel room. Nagsimula siyang halikan nang buong init ni Enrico. Hindi
makatutol ang dalaga.
Hindi mo na ako makikita pagkatapos natin ngayon, pangako. Mawawalan ka na ng sakit ng
ulo.

Dapat lang, Enrico. Baka sakaling magbago na for the better ang buhay mo.
Whatever. Meanwhile ay gawin nating memorable ang ating paghihiwalay nang tuluyan. I must
admit na ibang klase kanapakalakas ng sex appeal mo.
Wala na ba talagang laman ang isip mo kundi sex? Hindi talaga kumatok sa puso mo ang pagibig, ha, Enrico?
Kagaguhan yang pag-ibig na yan. Hindi uso sa akin.
Oo nga, kaya wala kangtenderness Hinuhubaran na siya ni Enrico; kita niya sa mukha ng
lalaking ito ang pananabik.
Mali, Melanie. I could also be very tender
Akalain ba ni Melanie na marunong din palang maging banayad at suwabe ang katalik?
Naging mahinahon ang mga halik nito, sumusuyo, hindi na nagmamalupit sa kanyang mga labi.
Pati na ang mga hipo ay banayad, iginagalang ang bawat bahagi niya.
At si Enrico nga ba ang buong kamaginoohang nagdadayalog? MelanieIm going crazy over
youyou are a goddess
Parang naakyat sa langit si Melanie. Pakiramdam niyay napakahalaga niya sa buhay ni Enrico sa
mga sandaling ito.
Bumigay siyang muli. Wala nang pagtutol, lubusan nang nagpapaubaya. Sa mga sandaling ito ay
kayang ipangako ni Melanie ang pagmamahal na hanggang sa huling pintig ng kanyang puso.
Bakit mahal pa rin kita, Enrico? tanong ni Melanie pero sa isip lamang, hindi alam ng binatang
katalik.

MULING naulit ang katapusan ng panandaliang ligaya. Isa na namang makasalanang pagtatalik
ang namagitan kina Melanie at Enrico.
Ito na ang tuldok sa anumang ugayan natin, Melanie. Nagpapasalamat ako, mahinahong sabi
ni Enrico, iniiwasan ang mga mata ng dalaga.
Napalunok si Melanie. Pinigil ang nais isagot, pinanatili na lang sa isip. Just like that, ha?
Salamat at paalam? Thank you and goodbye?
I promise, hindi mo na ako makikita. Mawawalan ka na ng sakit ng ulo, Melanie.
Ano ba ang isasagot niya sa taong ito? Na siya ay labis na natutuwa at hindi na ito magpapakita?
Na she is happy na ito ay hindi na magpapasakit ng kanyang ulo?
Say something, please. Anything, masama, mabutiwhatever, Melanie. Bihis na si Enrico. Siya
ay nakakumot pa, tinatakpan ang kahubaran.
Goodbye, Enrico.
Goodbye. Nais paniwalaan ni Melanie na ito nga ang nais niyang sabihin sa binata.

Sana nga pala ay mapatawad mo ako s-sa nangyari sasa iyong mommy. Hindi ko ginusto
iyon.
Nais niyang sabihin sa binata na magaling na ang kanyang mommy; na ito ay hindi na in a coma;
na ang mommy niya ay patungo na sa lubusang paggaling, nagpaplano na nga ng bakasyon sa
Tagaytay kasama si Don Pedro-- bilang selebrasyon.
Pero ipinagkait niya ang magandang balita. Hindi pa rin karapat-dapat na maabsuwelto agad sa
kasalanan ang binatang ito.
Pati ang bago niyang posisyon sa mga kumpanya ni Don Pedro, bilang EVP, ay hindi rin ibinalita
ni Melanie. Aywan kung ayaw niyang masaktan ang kalooban ni Enrico.
Alam ni Melanie, hindi madaling matatanggap ni Enrico na ibang tao ang pinagkatiwalaan ng
ama nitong don ng napakalaking puwesto, sa halip na ang binata.
Magbihis ka na. Ihahatid kita sa kotse mo.
Tumango si Melanie, tahimik nang nagbihis sa banyo.
Dinadaan ni Enrico sa pagngiti ang sitwasyon. Ayaw niyang maging sentimental.
Sa banyo pa nagbihis, para namang may itatago pa siya? Nakita ko na ang lahat-lahat sa iyo,
Melanie, sabi ni Enrico, sa isip lamang.
NANG sila ay tuluyang maghiwalay sa parking lot, pinigil ni Melanie ang pagtulo ng mga luha.
Pero namemorize na niya ang lahat ng detalye ng /guwapong anyo ng binata, habang hatid ito
ng tanaw.
KABANATA 49
NANG palaglagin na ni Melanie ang luha habang palayo na si Enrico, sakay ng lumang kotse, ay
saka naman biglang tumigil ang sasakyan nito sa aisle ng parking area.
Sumunod na namalayan ng dalaga ay pababa na ng kotse si Enrico at sa kanya nakatingin. Saglit
pay palapit na ito sa kanya, halos lakad-takbo.
Nataranta si Melanie, pinahid agad ang luha. Ayaw niyang makita ni Enrico na siya ay lumuha
pala.
Melanie, wait!
W-What is it?
This is crazy pero baka maunawaan mo. Sana ay unawain mo, Mel.
Mel. Alam ni Melanie na mami-miss niya ang pagtawag na ito sa kanya ni Enrico. Ito ang term of
endearment na iuugnay niya lamang sa binata, magiging alaala niya sa kanilang paghihiwalay.
Melisa na langI mean, dalawa na lang
A-Ano ba ang pinag-uusapan natin? Anong isa? Anong dalawa?
Huling hirit ko sa iyo. Idadagdag ko lang sa aking imbakan ngmemories
Kinabahan si Melanie, napalunok. Is she thinking what he is thinking? Say it, Enrico.
Ibinulong ng binata. Ang isa sa dalawa aypahalik uli, s-sa lips
Napasinghap ang dalaga. Gusto siyang halikan ni Enrico sa mga labi, sa huli daw pagkakataon.
Kaya ba niyang hindian?

Naramdaman na lang niya ang banayad na halik ng binata, sinakop na naman ang kanyang mga
labi.
Tumagal iyon ng siguro ay tatlumpong segundo. Kalahating minuto palang nagniig ang mga labi
nila.
Sa huling pagkakataon, giit niya sa isip. Tama lang na ipinagkaloob niya iyon sa binatang naging
bahagi na ng buhay, aminin man niya o hindi.
Sa wakas ay naghiwalay ang kanilang mga labi. Nagkatitigan sila.
I-isa na langsana ay huwag mo ring tutulan, Mel.
A-ano pa. Enrico? Pumiyok ang tinig ng dalaga.
Ibinulong sa kanya. Siya ay napaigtad. Nais nang mawirduhan.
Pero nang makita niyang sinsero sa hiling ang binata, hindi na naman siya makatutol, ayaw na
naman niyang tiisin ang binatang dapat nang kasuklaman at huwag mahalin.
Gaya ng sabi kopandagdag sa akingmemories. Hindi na ako pakikita after this, trust me.
Ang bagay na hiniling ni Enrico ay kakatwa pero kaya niyang unawain. May ganitong kaso na rin
kasi na kanya pang napanood sa pelikulang kano, starring Jennifer Aniston.
Pumayag siya. Hinayaang hawakan ni Enrico ang kanyang butt, ang kanyang pang-upo.
Masuyong pinisil ito ng binata.

THERE they are, sina Enrico at Melanie sa aisle ng parking area, maromantikong magkayakap
habang ang isang kamay ng binata ay banayad na nakapisil sa pigi ng dalaga.
Paulit-ulit na marahang pisil iyon na tumagal marahil ng dalawampung segundo, maikli lang
nang kaunti sa kanilang halikan na kalahating minuto naman ang inabot.
Pareho silang napasinghap matapos iyon. Sabay ding napabuntunghininga na akala mo ay kapwa
may panghihinayang.
Dahil ba tapos na ang masasarap na sandali?
Dahil ba natuldukan na nila nang ganap ang kanilang pagbi-break-up?
Nakayukong nagsalita si Enrico, ang kaarogantehan ay hindi lumutang. Tutuparin ko ang sabi
ko, Melanie. Hindi na ako pakikita sa iyo. Magiging payapa na ang buhay mo.
Hindi umiimik ang dalaga. Sa isip lamang sinabi ang hindi kayang sabihin kay Enrico. Gago ka,
hindi mo man lang inalam kung gusto ko nga ito. Paano kung ang puso ko naman pala ang
mahihirapan?

Pakisabi sa tatay ko na stepfather mo, salamat.


Salamat saan? tanong ni Melanie. Hindi alam ng dalaga na si Don Pedro ay nagkaloob kay
Enrico ng limang milyong piso bilang huling bigay sa anak na iresponsable.
Huwag mo nang alamin. Kuwan, ingat sa pagmamaneho. Mukhang uulan, madulas ang
Go, Enrico. Tapos na tayo. Ayaw na ni Melanie na lumigoy pa ang usapan, takot na mahahalata
na ng binata ang tunay niyang damdamin.
Tumalikod na ang binata, bagsak ang mga balikat, yuko ang ulong nagbalik na sa kotse.
Gaya rin ba niya itong tutol sa kanilang tuluyan nang paghihiwalay?
Ikaw diningat, Enrico. Halos bulong lang ito ni Melanie. Tuluyan nang palayo ang binata,
sakay ng lumang kotse.
Hu-hu-hu-huuu. Siya na pala ang humahagulhol, naunawaan ni Melanie. Ngayon pa lang pala
ay nami-miss na niya ang lalaking hindi na dapat mahalin.
HABANG sakay na rin ng kotse, pauwi, ay nagbabalik sa diwa ni Melanie ang mga naganap sa
nagdaang dalawang oras.
Siya nga ba ang babaing nagpakatanga na naman? Sumama siya kay Enrico sa motel,
pagbibigay sa kahilingan nitong mag-break up sex sila. Tuldok daw sa pormal nilang
paghihiwalay.
Alam ba ng lalaking ito na nakapitong ulit na sila ng bawal na pagniniig? At ito ba ay ano ang
damdamin sa kanya?
Bakit kailangan pang mag-imbak ng mga alaala mula sa kanya? Kanina lang ay humirit pa
humingi ng huling halik sa mga labi; humiling din na mapisil siya sa pigi. Minahal mo rin ba ako,
Enrico?
KABANATA 50
NAG-STOP ang traffic lights, ihininto ni Melanie ang kotse. Naglalaro pa sa kanyang diwa ang
katatapos nilang formal break-up ni Enrico.
Itinatanong niya sa isipan kung siya ay minahal din naman ni Enrico.
Ako ba ay naligaw sa puso mo? O hanggang sa puson mo lang?
Puso. Puson. Siya na rin ang napangiti sa hindi sinasadyang play-up of words. Napailing siyang
napapangiti. Enrico, panggulo ka sa isipan ko.
Nagpahid siya ng luha. Iginala ang mga mata sa naglalakihang billboards sa bahaging iyon ng C5.
Napagmasdan niya ang super-laking billboard ni Angel Locsin na nagmomodelo ng isang
swimwear. 2-piece iyon, kita ang cute na belly button o pusod ng dalaga.
Siya ay mahilig magtitingin sa advertising billboards. Pero may napansin siya sa pang-ibabang
saplot ni Angel. Ang bikini nito na may magandang design ay hinaluan ng kulay-pula sa mismong
crotch area, sa tapat halos ng maselang bahagi ng babae.
Is it an oversight sa parte ng mga gumawa ng ad na iyon? Para kay Melanie ay nakasama ang
kapiranggot na kulay-pula biglang tingin kasi ay may tagos ang aktres, nagka-mens.

What could have been a perfect photo para kay Melanie ay naging imperfect dahil sa munting
kulay-pulang iyon.
Pid-pid-piiid. Binubusinahan na pala siya ng mga kasunod na motorista; Go na pala at siya ay
nalibang sa billboard.
Napalakas tuloy ang tapak niya sa silinyador, umarangkadang paigtad ang kayang kotse.
Vrooomm.
NANG sumunod na linggo ay nasa poder na si Melanie ng mga kumpanya ni Don Pedro. Hindi pa
rin makapaniwala ang dalaga na siya na nga ang EVP ng lahat ng business interests ng don.
Naalala niya si Enrico. Paano pala kapag nabalitaan nito ang magandang suwerteng ipinagkaloob
sa kanya ng ama nitong don?
Tatawanan lang ba ito o ikagagalit ni Enrico?
Iiling-iling na iwinaksi niya sa isipan ang binata. Tapos na tapos na nga pala sila. Hindi na niya
dapat maalala si Enrico.
SI MELANIE ay pormal na ipinakilala ni Don Pedro sa business community. Sinadya pa ngang
ipaalam sa business section ng malalaki at maliliit na diyaryosa broadsheets at sa tabloids.
SA ISANG sulok ng metro, sa matatawag na kilikili na ng Pasig, isang lalaki ang hindi maipinta
ang mukha habang nakatunghay sa business page ng pang-umagang pahayagan. Binasa nito
ang photo caption. New EVP. Melanie Gutierrez, 24, becomes the youngest EVP of the Don Pedro
Marquez Group of Companies
Napasuntok sa dingding na plywood ang lalake, sa tindi ng galit sa nabasa. Ang lalake ay walang
iba kundi si Enrico Soler!

NAPASUNTOK nga sa dingding ng kanyang junkshop si Enrico, sa tindi ng galit. Pak. Braaak.
Galit na galit siya sa nabasa sa pahayagan na si Melanie ay ginawa palang EVP, executive vice
president, ng Don Pedro Marquez Group of Companies.
At sino pa ba ang maglalagay kay Melanie sa napakataas na puwesto kung di ang mismong mayari, ang ama niyang don!
Hindi ngayon malaman ni Enrico kung kanino siya higit na nagagalit kay Don Pedro o kay
Melanie?
Sino ba ang nang-uto at sino ang nagpauto ? Inuto ba ni Melanie si Don Pedro na hirangin itong
EVP o si Don Pedro ang nanghikayat sa dalaga na tanggapin ang juicy post?
Whatever! Ang klaro ay sinagasaan nila no, inginudngod nila sa lupa ang aking katauhan! Kahit
pa ako illegal na anak ng don, ako pa rin dapat ang higit na pinahalagahan kaysa kay Melanie!
Blood is thicker than water dapat!
Sir Enrico, may customer po! tawag sa kanya ng tauhang teenager na bale assistant niya.
Nais niyang sigawan si Pol, ang teenager. Hindi ba nito alam na nais niyang magwala sa tindi ng
galit? Napakainit ng ulo niya.
Pero nanaig this time ang pagiging negosyante niya. Bawat parukyano buyer man o seller ng
junks and scraps ay mahalaga. Ang importante ay kumita ang business niya.
Sandali lang ka mo, Pol!

Pilit niyang isinasantabi muna ang tungkol kay Melanie at kay Don Pedro at sa EVP post. Inalis
ang kunot ng noo.
May code sila ni Pol. Kapag sinabin nitong may customer, ibig sabihin ay bigtime, hindi baryabarya. Posibleng buyer o kaya ay seller.
Ang mga iba pang maliliit nilang kliyente ay kabilang sa barya-barya brigade mga nagkakariton
ng scrap, mga naka-sidecar na mambubulok, mga de-sako na bata, matanda at iba pang
nabubuhay sa pamumulot ng basura na puwedeng i-recycle.
Si Pol din ang tagakilo at tagasalansan niya ng mga bakal, bote, plastic, papel at iba pa. Siya ang
tumatao sa kaha, ang nagbabayad sa mga nagbebenta ng kalakal na galing sa basura.
Hindi na inalam ni Enrico kung sino ang kostumer. Kahit marumi ang damit at maong pants,
nilabas niya ang bigtime client.
Anyway, mulang magbisnis siya ng junk, hindi na siya particular sa pagiging guwapo. What they
see is what they get.
Napaigtad pa siya nang makitang magandang babae pala ang customer mukhang mabango at
kaakit-akit.
Napalunok si Enrico. Bihira ang naliligaw na sexy sa kanyang marumi at walang ayos na mundo
ng junks.
KABANATA 51
MAGANDA at may service car ang babaing dumating sa junkshop ni Enrico, halatang hindi galing
sa tabi-tabi. Pero kahit na-impress si Enrico ay hindi naman nagtangkang itago ng binata ang
maruming kaanyuan.
Bilang working manager-owner ng kanyang junkshop ay normal na kay Enrico ang maruming
work clothes.
Yes, miss, what can I do for you? tanong ni Enrico, lumitaw ang nakagawiang Ingles noong siya
ay nasa high society pa; hindi pa naghihirap sa buhay.
Gusto kong pakyawin ang lahat mong aluminum scraps, mister, nakangiting sagot agad ng
babaing nasa early 20s.
Lahat? As in Everything?
Tama, lahat as in Lahat ng kaya mong isupply.
Napangiti si Enrico. Baka malula ka sa dami ng ipon kong aluminum, miss. Pang-commercial
quantity, may darating akong buyer sa susunod na linggo.
Sa akin mo na ibigay. Magiging regular mo akong mamamakyaw, mister. Assured ka ng regular
ding kita.
Tinitigan ni Enrico ang class na babae. Siguroy dapat muna kitang makilala, miss. Sino ba o
anong business ang nire-represent mo?
Ako si Monet Maniego, purchasing officer ng Agana Corporation.

Saglit na nag-isip si Enrico. Kayo yung bagong pasok sa cooking ware business, right? Mostly
aluminum products?
Tama ka diyan, mister
Enrico. Just call me Enrico, Monet.
Tinitigan siya ni Monet nang malagkit. Listen up, Enrico. Gusto kong i-close ang ating deal sa
lalong madaling panahon. Ano kaya kung magbihis ka at sumama sa akin sa isangcoffee
shop?
Napalunok si Enrico. Siya ang klase ng lalaking hindi tumatanggi sa magandang babae. Laluna at
class at halatang may magandang trabaho.
Monet, give me 10 minutes. Magsa-shower lang ako at magpapapogi!
Natawa ang dalaga. Okay. Hihintayin kita, Enrico. Huwag mong kalimutang mag-toothbrush at
mag-mouthwash, ha?
Pilya, sa loob-loob ni Enrico. May nabuhay na init sa kanyang pagkalalaki. Lagot ka sa akin
mamaya. Raging bull ako.
Habang nagsi-shower ay naalala ni Enrico ang kumpanyang nire-represent ni Monet. At least ay
hindi affiliated sa mga negosyo ng ama kong don. Pinakahuling gagawin ko ay mag-supply ng
aluminum scraps sa grupo nila ni Melanie!
Naalala rin niyang bigla si Melanie. Tingin niya sa dalagang ito ay taksil, mapagsamantala sa
yaman ng don. Sampid ka lang sa buhay ng aking ama. May araw ka rin, Melanie!

DALAWANG babae ang gumugulo ngayon sa isip at pansin ni Enrico. Ang isip niya ay nakatuon
kay Melaniegalit siya sa dalaga dahil sinamantala umano ang kagandahang-loob ni Don Pedro;
tinanggap o kinuha ang pagiging EVP ng Don Pedro Marquez Group of Companies. Hindi na ba
raw isinaalang-alang ni Melanie ang katotohanan na siya ang mas dapat nasa puwestong iyon?
Siya ang anak ng don; ang dalaga ay stepdaughter lamang.
Pero ang pansin naman ni Enrico ay nasa magandang babaing naghihintay sa kanya sa kanyang
junkshop; tanaw niya ito mula sa walang pintong banyo habang siya ay naliligo.
Nangyari tuloy na palipat-lipat ang isip at pansin niya kina Melanie at Monet. Pareho pa palang
nagsisimula sa letrang M ang ngalan ng dalawang magandang babae, napuna ni Enrico.
Hindi naman siya kita ni Monet habang naliligo dahil walang ilaw ang banyo at tiniyak niyang
hindi siya matatanaw ng dalaga.
Ang ganda talaga ng bago kong kliyente. Bigla tuloy sumigla ang aking pakiramdam kahit pa
galit na galit ako kina Don Pedro at Melanie. Nagsasalita sa sarili si Enrico.
Pagkatapos ko kay Monet ay haharapin kita, Melanie! Ano ang palagay mo sa akin, tanga?
Guwapung-guwapo na siya nang humarap kay Monet. Im here, bagong sepilyo at bagong
mumog!
Natawa ang dalagang makinis ang kutis at kamukha ni Valerie Concepcion. Sa service car ko
tayo sasakay, Enrico!

Ayaw mo sa kotse ko? Hayun. Itinuro niya ang lumang sasakyan na nasa labas ng junkshop.
Nasamid ang dalagang halatang sanay sa bagong service car. E, with all due respect, kuwan
mas masarap sumakay sa kotse ko, Enrico.
Tinawanan ng binata ang katotohanan. Natakot ka sa luma kong kotse? Tama, baka tayo
tumirik. Saka walang aircon, e. Poor boy pa ako.
Marami namang rags-to-riches, malay mo. Si Henry Sy ay dating mahirap. Ganon din si Don
Pedro Marquez de Golfo
Dont say bad words! sabi agad ni Enrico, umasim ang mukha. Hindi pala alam ni Monet na
siya ang nag-iisang nakatagong anak ni Don Pedro Marquez?
Hate mo si Henry Sy?
No, I idolize Henry Sy, Monet. That man is a genius. Ang inayawan ko ay si Don Pedro. Huwag
mo nang itanong kung bakit.
SI MONET ang nagda-drive ng bagong kotse. At ang dalaga ay nakapalda, kita ang maputing
bahagi ng hita.
Panay ang sulyap ni Enrico sa hita ni Monet, umaandar ang kapilyuhan sa isip. Ano kaya, hipuin
ko? Palagay koy game siya.
Umangat ang kanyang kamay, nais nang manghipo.
KABANATA 52
HANDA na ngang manghipo ng pilyong kamay ni Enrico. Ang hilig niya sa babae ay umiiral na
naman. Sa pagkakataong ito ay burado ang lahat ng iba pang bagay sa mundokasali na si
Melanie; ang tanging laman ng kanyang isip ay ang kaseksihan ng babaing nagda-drive ng
magandang kotse si Monet.
Abala sa pagda-drive si Monet, nakalilis nang hanggang kalahating hita ang suot na palda.
Kaykinis ng hita ng babaing ito, natiyak ni Enrico.
Pero nang ilang inches na lang ang layo ng kamay sa hita, saka naman nakapansin si Monet.
Ayy, ano yan?
Naudlot ang paghipo ng kamay, napahiya si Enrico pero patay-malisya. W-Wala, Monet. Kuwan
w-wala lang
Akina ang kamay mo, naughty boy, nakangiting sabi ni Monet, nakatutok sa daan ang mga
mata.
Kinuha ng kamay ni Monet ang kamay ni Enrico. Hindi nahulaan ng binata ang gagawin ng
dalaga. Nasurpresa pa nga si Enrico.
Akalain ba niyang ipapatong ni Monet sa mismong hita nito ang kanyang pilyong kamay?
Pisil-pisil ka lang diyan, huwag nang tataas at bawal pa, nakangiting sabi na naman ni Monet.
Tama ako. Playboy ka, mapaglaro.
Kasalanan ng magagandang babaing tulad mo, Monet. You are irresistible. Nanatili naman sa
puwesto ang kamay ni Enrico, papisil-pisil.
Do we have a deal?
What deal, Monet?

Na sa akin mo lang ipagbibili ang lahat mong aluminum scraps


Depende.
Enough. Stop it, Enrico. Ang paghipo ng binata sa hita niya ang ibig sabihin ni Monet.
Okay. No problem. Anyway the night is young.
Depende rin, lover boy. I know how to play my cards.
Nabitin ang binata, sa totoo lang.
SI MELANIE ay nagpapakatatag sa bagong puwesto, alam na napakalaking responsibilidad ang
nakaatang sa kanyang mga balikat.
Bilang EVP ay tungkulin niyang alamin ang lagay ng mga negosyo ng Don Pedro Group of
Companies. Nasa kamay niya kung uunlad o babagsak ang mga ito, base sa kanyang pagdadala;
sa kanyang corporate savvy.
Alam niyang maraming magtatawa kapag siya ay nabigo, pumalpak sa bagong puwesto. Wala
pala siyang iniwan sa newly proclaimed President and Vice-President ng bansa mangangapa
muna nang tamang pagpapatakbo sa lahat ng nasasakupan.
Ikaw ba ang unang magtatawa sa kabiguan ko, ha, Enrico? out of the blue ay naitanong niya sa
sarili, naalala ang binatang 7 times nang nakaangkin sa kanyang kapurihan.

BOSSING na bossing na ang dating ni Melanie bilang EVP. Siya ang may direct control sa lahat ng
business interests ng Don Pedro Marquez Group of Companies.
Most of the time ay kaharap niya ang kanyang lap top; o kaya ay ka-meeting ang mga managers
ng ibat iba nilang kumpanya.
Pero sa gitna ng mabigat na tungkulin ay sumasalit sa isip niya ang binatang nangakong hindi na
magpapakita sa kanya.
Nais niyang manghinayang sa pag-ibig na hindi nakuhang yumabong, mabuhay nang matatag.
Para itong isang buko ng bulaklak na hindi nakapamukadkad; nipped in the bud
Gustong isipin ni Melanie na nagkulang din siya sa pangangalaga sa anumang relasyong
namagitan sa kanila ni Enrico.
Bakit kasi nadaig siya ng suklam at galit sa binata dahil sa nangyari noon sa kanyang ina.
Kung tutuusin naman talaga ay hindi kasalanan ni Enrico na na-comatose noon ang kanyang
mommy; sabi nga ng binata collateral damage ang kanyang ina, nadamay lang sa gulo nito sa
amang nagtatago, ayaw kumilala sa illegitimate son.
Tatlong buwan na pala mulang mag-break up kami ni Enrico. Hindi na talaga nagparamdam
Nasaan na kaya siya?
SI ENRICO ay nasa loob ng sinehang walang katau-tao, kasama sa two-seater ang babaing
bagong dating sa buhay niya. Si Monet na maganda na nais pakyawin ang lahat na aluminum
scraps ng junkshop ng binata.

Handang magkaloob ang dalaga makuha lang ang deal kay Enrico. Posible rin namang na-attract
talaga sa kaguwapuhan ni Enrico ang babaing ito kaya bigay agad.
Sabihin pay hindi sila nanonood ng pelikula; abala sila sa kanikaniyang kahinaan sa tukso.
This time ay lalong hindi na maaalala ni Enrico si Melanie. Kaybango ng mga labi ni Monet,
masarap halikan.
You are a temptress, Monet, bulong ni Enrico habang yakap ang dalaga. And I cant resist
Huwag ka nang maingay, Enrico. Just do it, bulong ni Monet.
Mula sa sinehan ay nagtuloy sila sa kalapit na motel. Tinapos nila ang sinimulan; tuluyang
napasakop sa kasalanan.
NAGBIBIHIS na si Monet nang magtanong sa binatang nasa kama pa rin, nakatakip ng kumot ang
kasarian. Do we have a deal now, Enrico?
Tumango ang binata. Sure, babe. Ikaw na ang regular kong susuplayan ng aluminum scraps.
Magsyota na tayo? paniniyak ni Monet.
Nope. Tawagin na lang natin ang isat isa bilang comfort friend. Meaning lulunasan natin ang
ating pangangailangansa kama.
Pero may gumugulo sa isip ni Enrico. Melaniebakit ikaw pa rin ang nais kong makapiling?
Kinulam mo ba ako?
KABANATA 53
WHATS on your mind, lover boy? tanong kay Enrico ng magandang dalagang katatapos lang
makaniig, bihis na.
Wala. May na-miss lang akong bigla, walang buhay na tugon ng binata. Huwag mo nang
itanong kung sino. Its private.
Nagkibit-balikat si Monet. Baka akalain mo, ganito ako kadaling bumigay sa lahat ng lalaki. Sa
iyo ko lang nagawa ito, Enrico. At hindi dahil lang nais kong mai-close ang deal natin sa
aluminum scraps
Naintriga si Enrico. At ano pa ang ibang dahjilan?
Would you believe, natipuhan kita? I mean may kakaiba kang appeal, Enrico. Mahirap
ipaliwanag.
Naghikab si Enrico. Narinig na niya ang ganitong dayalog sa iba pang babaing nakaniig.
Huwag mo nang ipaliwanag, Monet. Go.
Pinaaalis mo na ako? Kasiy tapos na?
Gaya ng sabi ko, tayo ay magiging comfort friend ng isat isa. Tapos na ang pangangailangan
natin for today. Sayang ang panahon.
Puwede kitang ihatid. Alangan namang magtaksi ka from here. Dumating tayo rito na sakay ng
aking kotse, lets get out together na nakakotse rin.
SA DAAN habang pabalik na ang kotse ni Monet sa junkshop ni Enrico, nagkukuwento na ang
binata. There was this girlno, shes a ladyna bigla na lang nagkaroon ng kaugnayan sa
buhay ko

Go on, nakikinig ako, Enrico.


Itinuring ko siyang sex slave. Siya naman ay tumrato sa akin bilang hari, kanyang sinamba.
Ipinagkaloob niya sa akin ang kanyang pagkababae nang pitong ulit
Aba, malandipokpok?
Umiling agad ang binata. No, Monet. In fact virgin siya nang makuha ko. Nagkataong depressed
siya sa kanyang lovelife, actually loveless siya, hindi pa nagka-boyfriend. Tiyempong binola-bola
ko sa bar, hayun nagpaubaya sa akin
Past tense na ba siya? Ako ay present tense, Enrico.
Nasa corporate world siya, Monet. Napakataas ng puwesto sa kumpanya ng taong
kinasusuklaman ko. Break na kami, we had our final goodbye-sex . But I miss her, iba siya
Aray ko. Sino ba siya? Nakakaintriga naman
Isang babaing kinasusuklaman ko na ngayon, Monet. Kasiy kinamkam niya ang dapat sana ay
nasa akinMas pinahalagahan niya ang yaman ng aking ama kaysa sa damdamin ko
Sila na ng father mo? Ayy, kadiri!
Tumahimik na lang si Enrico. Naalala niya ang pagpisil sa pigi ni Melanie, noong huling araw ng
kanilang pagkikita. He wonders kung may iba nang pumipisil sa pigi ni Melanie ngayon.

O, SIGE na nga, kanya ang puso mo, Enrico. Pero sa akin na ang kuwan mo, ha? mahinahong
sabi ni Monet habang nagda-drive pa rin ng magandang kotse sakay ang binata.
Anong kuwan ko? tanong ni Enrico.
Ano pa e di yung buwanang papakyawin kong aluminum scraps sa junkshop mo! sagot ni
Monet sabay kurot sa hita ng binata.
Oo, sarado na ang usapan natin don.
Sinisiguro ko lang. Uso yata ang sulutan, no!
Hindi ako nagpapasulot.
Ayyy, ano ba yang pinag-uusapan natin sulutan! Napabungisngis ang dalagang supermoderna.
Natawa rin si Enrico.
Isang tanong na lang, lover boy, puwede ?
Shoot.
Sino ang mas maganda sa amin ng special girl mo?
Si Melanie ang tinutukoy ni Monet, naunawaan ni Enrico.
Natigilan ang binata. Paano ba niya sasagutin ang ganitong tanong? Paano ba niya idi-describe si
Melanie?
Mas maputi ba siya? Mas matangkad, mas malaki ang boobs? Walang balakang? Tell me naman,
Enrico.
Pareho kayong maganda in your own right, Monet.
Wow! At least ay nasa standard naman pala ako! Thank you!
Thank you rin
Saan?
F-For being so exciting in bed

Siya ba ay hindi?
Natigilan na naman si Enrico sa tanong. Masasabi ba niya sa kausap na wala ito sa kalingkingan
ng ligayang nadarama niya tuwing kapiling si Melanie? Na si Melanie ay kaya nang magdala sa
kanya sa 7th Heaven kahit pisil lang niya ito sa pigi?
Enrico, answer naman.
Kuwanequally exciting si Muntik nang mabanggit ng binata ang ngalan ni Melanie.
Sino? What is her name? Say it!
Umiling ang binata. Huwag na lang. nananahimik na yung tao. Magpapayaman ako saka ko sila
haharapin ng aking ama.
Naintriga lalo si Monet. Hayan ka na naman sa puzzle. Bakit nga napaugnay ang special girl mo
sa father mo? Shame and scandal in the family ba?
Iba ang sagot ni Enrico, puno ng hinanakit. Patutunayan ko sa kanilang dalawa na hindi ako born
loser! Lalo na sa dalagang dating sumasamba sa akin!
KABANATA 54
IWAS-PUSOY ka, ha, Enrico? Ayaw mong sabihin ang ngalan ng special girl mo, sa halip ang
sinabi mo ay linya yata sa pelikula tipong babangon akot dudurugin kita! Drama, lover boy!
naaaliw na sabi ni Monet, malapit na sila sa junkshop ni Enrico.
Ang sakto mong sinabi, Enrico, ay ganito Patutunayan ko sa kanilang dalawa na hindi ako born
loser! Laluna sa dalagang dating sumasamba sa akin! O, di ba heavy drama?
Monet, may mga bagay na hindi dapat pinakikialaman ng ibang tao. Ikaw ang ibang tao at hindi
ka dapat makialam sa aking private affairs. Nakakunot-noo na si Enrico, halatang he meant
what he said.
Natameme naman si Monet. Okay, sorry na. Narito na tayo sa kaharian mo.
Salamat sa paghahatid, Monet.
Goodbye, Your Highness, mahinahon nang sabi ni Monet, may halong biro na.
Napangiti na si Enrico. Sorry sa init ng ulo ko. Paminsan-minsan lang naman. But I really enjoyed
our
Our love-making? dugtong ni Monet, pilya ag ngiti.
Tumango ang makasalanang binata.
Magseselos sa akin ang iyong special girl.
Magseselos nga kaya si Melanie kapag nalamang pinalitan na niya ito sa kanyang puso?
Puso? tanong ni Enrico sa isip.
Itinuwid, sa isip din. Mali. Hindi sa puso, hanggang sa libido ko lang din siya.
Wala na nga kami, Monet. Hindi na siya magseselos.
Good. Solo pala kita. Pagbubutihin ko lalo, promise.
MABILIS na lumipas ang dalawang taon. Hindi na talaga nagpakita si Enrico kay Melanie. Lalong
hindi nagpakita sa amang si Don Pedro Marquez de Golfo.

Pero tuloy ang pagkikita nina Monet at Enrico. Tuwing hahango ng bultuhang aluminum scraps
ang dalaga, once a month, ay nagkukulong din sila sa makasalanang silid, idinadaos ang init ng
mga katawan.
Wala pa rin ba ako diyan sapuso mo?
Monet, hindi nga ako marunong umibig. Hanggang below my waistline lang ang mga babaing
handang magkaloob.
Pero nai-in love na ako sa iyo, Enricopag-aralan mo na akong mahalin. Ill be a good wife,
promise.
Umiling ang binata. May dapat pa akong patunayan, Monet. Sa ngayon ay paahon na ako sa
hirap, tanaw ko na ang araw ng aking pakikipagtuos sa aking ama at sa dalagang nagtaksil sa
akin!
Naghikab si Monet. Boring, Enrico. Corny pa.

Boring and corny. Ito ang dalawang salitang ipinukol ni Monet kay Enrico matapos sabihin ng
binata na malapit na itong makipagtuos sa ama at sa dalagang taksil.
After 2 years ba naman na tayo ay magsyota, iyan pa rin ang laman ng utak mo? Ang
makaganti sa tatay mong ewan kung sino at sa ex-syota mo na nagtaksil kuno sa iyo? dagdag ni
Monet. Grow up, man!
Nilamigan ni Enrico ang ulo. Nasa isang silid sa junkshop sila, katatapos lang magtalik. Monet,
ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi kita syota at lalong hindi ko ex-syota ang nagtaksil
na dalaga?
Oo na, hindi tayo magsyota, magkabit lang.
Lovers ang politically correct term, Monet. Ewan ko kung ano ang saktong katumbas sa Tagalog.
Nakaka-turn off ang mga bulgar na salita.
Lovers daw, o! May lovers ba na hindi in love sa isat isa? E ako lang naman ang gagang in love
sa iyo, e. Ikaw, Enrico, nananatiling bingi ang puso. Puro ka lang paraos.
Namula ang mukha ng binatang may-ari ng junkshop. I said I dont want to hear those vulgar
terms.
Oo na. Puro ka langteka, paano mo ba sasabihin sa Ingles? Nag-isip si Monet. Alam ko na
You are only after your tasty feeling!
Ha-ha-ha-ha! Napahagalpak ng tawa ang binata. Kahit undergraduate sa college ay matalino
naman ito. Inglesero noong mayaman pa at mataas ang lifestyle.
Nagbihis na si Enrico. Ihinagis na rin kay Monet ang saplot nito. Meaning tapos na ang pagtatalik
nila for that day. Times up. Back to work na ako sa shop, Monet, sorry.
Ma-herpes ka sana, bulong ng dalagang 2 years nang nagbibigay; 2 years na ring
namamakyaw ng mga aluminum scraps kay Enrico.
Anong sabi mo?
Sabi ko, Your Highness, magkaroon ka sana ng printing press.
Wala akong hilig mag-imprenta. Gamay ko na itong junkshop business. Kaylaki na ng aking
iniunlad for the past 2 years.

Oo na, narinig ko na yang achievements mo, Enrico na ikaw ay may maganda-ganda nang
kotse, Kayo ng mommy mo ay sa maayos na apartment na nakatira. Ikaw ay walang malalaking
utang. Ikaw ay nagse-self study tungkol sa entreprenuership
Meron ka pang nalimutan, Monet. Ako ay nakapagpalaki na ng junkshop at mas marami na
akong malalaking kliyenteng sinusuplayan ng junks, buong pagmamalaki ni Enrico.
SA ISANG bahagi ng lunsod, si Melanie, ang dalagang matagumpay na EVP ng Don Pedro
Marquez Group of Companies, ay bigo pa rin sa pag-ibig. Sa bawat gabi ay tahimik na lumuluha.
Ikaw pa rin ang laman ng aking puso, Enrico Soler. Nasaan ka na?
KABANATA 55
BIGLANG tumawag kay Melanie ang inang si Candida mula sa Chicago.. Nasa world tour ito
kasama ang asawang si Don Pedro. Melanie, anak, kumusta ka na? Kami ng Tito Pete mo ay
enjoy na enjoy!
Thats nice to hear, Mommy.
Ako naman po ay okay. Im in control of everything, mahinahong sabi ni Melanie sa telepono.
Pero alam niyang hindi siya in control of everything sa buhay niya. She is hurting inside,
actually. Hindi niya kontrolado ang kanyang lovelife.
Loveless nga siya sa nagdaang dalawang taon. Mulang hindi na nagpakita si Enrico ay hindi na
siya natahimik, madalas na lumuluha sa gabi bago matulog.
Definitely ay wala na siyang ibang minahal kundi si Enrico pa rin.
Melanie, kakausapin ka ng Tito Pete mo. Business.
My big boss. Okay, Mom, put her on the line.
Hello, Melanie? narinig niya ang boses ng don. Ayoko ng may umuungos sa atin sa kitchen
wares manufacturing. May ipabibili ako sa iyong maliit na kumpanya. Bahala ka na.
Basta tiyakin mong pati mga key people ng kumpanyang ito ay mapupunta sa atin, para matiyak
na magpapatuloy ang paglago ng business na magiging atin na nga
Okay po, Tito Pete. Just give me the details thru my e-mail..
Huwag kalimutan ang pagtitipid. Maging matalino sa pakikipagnegosasyon, Melanie.
Aye, aye, Sir Pete! kumpiyansang sabi ni Melanie sa telepono. .
One more thing, Melanie. Kasama sa pagbili mo ang matitinong kliyente nila; gayundin ang
kanilang good supplier ng raw materials
Opo, Don Pedro. I must practice good business sense; hindi dapat mapunta sa kalaban ang mga
kliyente at supplier ng bibilhin nating kumpanya. No problem, sir.
By the waykuwanm-may balita ka na ba kay Hindi naman maituloy ng don ang nais
sabihin, halatang nag-alangan.
Balita kanino po, Tito Pete? kinakabahang tanong ng dalagang nasa Pilipinas. Parang nahulaan
ang nais malaman ng stepfather na don.
Gumaralgal ang tinig ni Don Pedro. Kay Enriconagparamdam na ba sa iyo?
Tanggi agad si Melanie, pinigil ang emosyon; inuna ang pride. Tito Pete, bakit naman po
magpaparamdam sa akin ang taong yon e wala na kaming ugnayan since 2 years ago.

Gaya po ng ipinagtapat ko na kay Mommy, sa break-up po namin ay nangako siyang hindi na


magpapakita, hindi na ako gagambalain
Nanlumo ang don na nasa New York. Hindi naman masabi na nami-miss niya ang sutil na anak sa
labas. Matigas na pala ang kanyang puso. Mas matigas pa sa kanyang ama
Katabi ng don si Candida; pinayapa siya ng ginang.

TITO PETE, gusto mo po bang ipahanap ko siang taong nais ninyong alamin ang kalagayan?
Hindi pa nagawang sabihin ni Melanie ang ngalan ni Enrico Soller.
Pero nakabawi na sa sarili si Don Pedro. Mahinahon nang sumagot sa telepono mula sa Estados
Unidos. No, iha. Kalimutan mo na ang aking emotional outburst tungkol sa arrogant bastard.
Arrogant bastard. Sumilid ito sa isipan ng dalaga. Lalong magagalit si Enrico kapag nalaman ang
tawag ng ama nitong don.
Atin-atin lang ang arrogant bastard, Melanie. Huwag mo nang paratingin sa kanya.
Okay po, Tito Pete.
Ganito yata kapag tumatanda ang taonagiging sentimental.
Walang makapang isagot si Melanie.
Nakaisip din naman after 2 seconds. Ganyan din po ang mommy ko, Tito Pete. Nagiging senti.
Laluna nung malaman ang naging relasyon namin ning arrogant bastard.
Kakausapin ka pala uli ng mommy mo, Melanie. Here.
Hi po uli, Mommy!
Anakakoy maligaya sa piling ng Tito Pete moe ikaw ba diyan? Halata sa tinig ni Candida
ang labis na concern sa nag-iisang anak. I meansa love-life mo?
Napalunok si Melanie, pinipigil ang luha. Hindi niya kayang ipagtapat sa ina na siya ay gabigabing lumuluha sa oras ng pagtulog sa pag-aalala at pananabik kay Enrico.
Melanak?
N-nalilibang naman po ako sa pagiging EVP, Mommy. I think Im married to my career
pagsisinungaling ng dalaga. Half-truth lang ang kanyang sinabi.
Kahit pa malaking hamon sa kanyang kakayahan ang maging EVP ng business interests ni Don
Pedro, her stepdad, hindi naman kumpleto ang kanyang kaligayahan dahil bigo nga siya sa pagibig.
Nag-final instructions sa kanya sa telepono si Don Pedro. O, ha, yung bilin ko dapat mabili natin
ang negosyo ng kalaban na kikita pa rin tayo at magiging matatag sa kitchen ware
manufacturing.
Opo, Tito Pete, Don Pedro, sir magalang na magalang na sagot ni Melanie sa Big Boss.
SA JUNKSHOP, makaraan ang halos isang buwan, may bagong balita si Monet kay Enrico. Sweet
babe, I have good news and I have bad news. The good news is that kasundung-kasundo ko ang
aking bagong amo na magandang babae

And the bad news, Monet? tanong ni Enrico.


The bad news, iba na ang may-ari ng kumpanya namin. Nabili na ng malaking kalaban,
seryosong sabi ni Monet.
KABANATA 56
SABI kay Enrico ni Monet, ang kumpanyang nirerepresent ng huli ay nabili ng malaking kalaban;
meaning ang pinapakyaw na aluminum scraps ni Monet sa junkshop ni Enrico ay mapupunta na
sa bagong may-ari.
Liwanagin mo nga, Monet. Ibig mo bang sabihin, kasama ka sa workforce ng bagong owner?
Oo, kaya nga iba na ang boss ko. Babaing maganda at mabait naman sa akin
Pero sabi moy kalaban sila? Hindi ma-gets ni Enrico.
Oo. Binili kami ng kalaban. Sila ang kakumpetensiya namin sa kitchen ware industry, Enrico.
Bale ang pinapakyaw mong scrap sa akin ngayon ay sa bagong owner na mapupunta, ha,
Monet?
Sakto. Wala na nga ang dati naming kumpanya. Mabuti na nga lang at hindi ako pinalitan sa
aking puwesto. Ako pa rin ang purchasing officerIntact ang aking suweldo plus privileges.
Pero sabi moy bad news
E di ba sabi mo ay ayaw mong mag-supply sa hindi mo type na kumpanya? Natatandaan kong
hanga ka kay Henry Sy pero suklam ka sa group of companies ni Don Pedro Marquez.
Natigilan si Enrico. Kinabahan. Ang bago mo bang kumpanya ay pag-aari ni Don Pedro?
Hindi makapagkaila si Monet. Exactly. Binili kami para wala na silang malakas na
kakumpetensiya.
Holy shit! At ako pa pala ang magsu-supply ngayon ng aluminum scraps sa mga taong ayaw
ko?
Hindi naman kasi nila alam na ayaw mo sa kanila, Enrico. Nang magpirmahan ng kontrata ng
bilihan, ang suppliers naming gaya mo ay faceless sa bagong owner. I mean they simply regard
your junkshop as a regular source
Malas lang nila, Monet. Hindi ako magbebenta ng scrap sa anumang kumpanya ni Don Pedro!
:Pero umaasa ang bago kong lady boss, Enricona kaya kong i-maintain ang lahat kong contact
na suppliers, laluna ng aluminum scraps mo may pag-aalalang sabi ni Monet. Lagot naman
ako, baka mapaalis sa trabaho kapag nag-back-out ka
Namula sa galit si Enrico. Kapag sinipa ka dahil sa napaka-unreasonable na dahilan,
magreklamo ka sa Labor! Huwag kang paapi sa mga walanghiyang tao, Monet!
Hindi walanghiya ang lady boss ko. Napakabait niya sa akin, Enrico. Walang kaalam-alam ang
binata, ang lady boss ni Monet ay walang iba kundi si Melanie!

MATUTULALA siguro si Enrico kapag nalamang si Melanie ang bagong lady boss ni Monet; na ang
kinamumuhiang dalagang EVP ng Don Pedro Marquez Group of Companies ang mismong tututok
sa bagong tatag na kumpanyang The Kitchenware.
Ngayon pa nga lang ay ayaw nang mag-supply ni Enrico ng aluminum scrap sa bagong
kumpanya dahil ito ay pag-aari ni Don Pedro; how much more kapag nalaman ng binata na si
Melanie ang direktang hahawak.
Enrico naman, please reconsider. Mahirap bumangga sa pader.
Matino ang Department of Labor and Employment, hindi ka madedehado, Monet.
Umiling ang dalagang dalawang taon nang karelasyon ni Enrico sa kama at sa trabaho. Siguro
ay magre-resign na lang ako. Gaya ng sabi ko, mabait ang aking lady boss. Ayoko siyang
banggain.
Mabait pala, e di walang problema. Sabihin mong biglang tinopak ang kausap mong junk dealer,
na ayaw nang magbenta sa inyo ng aluminum scrap. Ganong kadali, Monet.
Bumuntunghininga ang dalaga. Baka kapag nakita mo siya ay biglang magbago ang pasya mo.
She is irresistible, napakagaling kumausap ng tao.
The answer is still No. Hindi ako magbebenta ng aluminum sa inyo, Monet. End of discussion.
Period.
Kung gayoy period na rin sa kama, Enrico.
Period na rin sa comma? How is that? Nalito ang binata.
I said kama or bed, hindi comma na punctuation mark.
Kumunot ang noo ni Enrico. Ini-end mo ang ating pagiging comfort friends? Wala na tayongse-x?
Sakto. Not unless you change your mind na magsupply pa rin sa amin ng aluminum in big
quantity.
Nagmalaki si Monet, iniwan na ang binata sa harapan ng junkshop nito. Tinungo na niya ang
service car ng kumpanya.
Pero nagmatigas si Enrico. Ihinatid ng galit na tanaw si Monet.
WALANG kaalam-alam si Melanie na ang binatang labis na nami-miss at iniiyakan gabi-gabi ay
magbibigay sa kanya ng sakit ng ulo.
Ano uli ang sabi mo, Monet? Mawawalan na tayo ng good supplier ng used aluminum?
Y-yes po, Mam Melanie. Ayaw sa ating kumpanya.
Napakunot-noo ang dalaga. But why? Sino ba ang ayaw?
Ang supladong guwapong may-ari, mam. Tinopak.
Nakakainsulto siya. Handa naman tayong magbayad nang maayos. Wala siyang karapatang
basta umayaw.
Personal po kasing galit kay Don Pedro Marquez, mam.
Kinabahan si Melanie. Kilala ba niya ang sinasabi ni Monet na supladong guwapong may-ari?
KABANATA 57

MALAKAS ang kutob ni Melanie na kilala niya ang sinasabi ni Monet na supladong guwapong
may-ari ng junkshop na galit umano kay Don Pedro Marquez; na ayaw nang mag-supply ng used
aluminum sa kanilang bagong kumpanya ng kitchenware.
Matagal mo na ba siyang kakilala? tanong niya kay Monet.
Two years na po, Mam Melanie. Bago pa lang ho siya noon sa junkshop business. Ngayon hoy
malaki na ang junkshop at dumadami ang kliyente. May pinagsamahan na ho kami.
Anong may pinagsamahan? tanong ni Melanie sa magandang tauhan. Friends? More than
friends?
Nag-blush si Monet. Mam, syota ko po siya pero hindi niya alam.
Napakunot-noo si Melanie. Meaning syota mo siya pero hindi ka naman kanyang syota?
Tumango si Monet. Kasi mam, wala daw siyang panahon sa seryosong relasyon. Kinuha lang po
ako noon sa umpisa sa papisil-pisil sa hita, habang nagda-drive ako at katabi ko siya
Napalunok si Melanie, naalala ang lalaking pinayagan niyang pumisil-pisil sa kanyang pigi.
Ibinulong niya sa isip ang ngalan ng lalaking nagbibigay sa kanya ng luha gabi-gabi. Enrico,
where are you?
Siya ba ang nag-alok ng used aluminum sa dati mong kumpanya, Monet? I mean yung sabi
moy supladong guwapo?
Umiling si Monet. Actually, mamsinedyus ko siya kaya ko nakuha ang regular supply ng
aluminum scrap ng junkshop niya.
Si Melanie naman ang napailing. Imposibleng si Enrico Soler ang sinasabi ni Monet. Si Enrico ay
arrogant bastard na walang hilig magtrabaho. Sabi nga ni Don Pedro ay hindi niya matanggap na
ang anak sa labas ay iresponsable.
Ang ngalan nga po pala ng negosyo ng syota ko, mam E.S. Junkshop.
Napasinghap si Melanie. E.S. ang initial ni Enrico Soler.
Ay, ang galeng pong humalik at yumakap at iba pa, mam!
H-how old is he, sa tantiya mo, Monet. Hindi niya matatanggap na si Enrico Soler nga ang
kanilang pinag-uusapan. Magseselos siya sa tauhan.
Mam, mga kaedad po natin. Luma ang kotse nung makilala ko. Pero ngayon po ay medyo bagubago na ang sasakyan.
Naalala ni Melanie ang lumang kotse ni Enrico. Lumalakas na naman ang kanyang kutob.
Anong pangalan n-ng syota mo?
Enrico Soler po, mam.
Napaigtad si Melanie sa narinig, nanlamig ang mga palad. Oh my Good God!

NAYANIG yata pati kaluluwa ni Melanie nang malaman ang ngalan ng syota ni Monet. Si Enrico
Soler nga raw.

Sabihin pay nabigla nang husto si Melanie. Namutla at hindi makapagsalita; walang maisip
sabihin.
Mam Melanie, okay ka lang? Bakit ka po natulala yata? takang tanong ni Monet. Kilala nyo ba
ang dyowa ko?
Iling agad si Melanie. No! Hindi ko siya kilala! May iba akongnaalala. W-Walang kinalaman ang
sinabi mo
Pero galit pa rin ba kayo na hindi ko na siya nakuhang mag-supply ng aluminum junk?
Oo. At hindi ako basta papayag. Dapat ay professional siya sa mga kliyente, luma man o bago.
Hindi siya dapat namimili ng kliyente. Wala siyang iniwan sa restaurant business o iba pang
business na pampubliko dapat ay ina-accommodate ang sinumang nais bumili.
Sakto po, mam! Iyan din ang nais kong sabihin sa kanya, hindi ko lang po naalala.
Ako ang kakausap sa taong iyon, Monet. Ill give him a piece of my mind. Dapat siyang
matauhan.
Ayy, sige po! Abusadong arogante nga po siya kung minsan, e. Minsan naman ay napaka-goal
oriented and purpose driven!
Mukha ba namang maligaya?
P-Po? Si Enico po?
Nabigla lang si Melanie. Naku, hindi pala yon ang tanong ko. Nagkamali lang, Monet. Wala
akong pakialam sa Enricong yon.
Maligaya po ako sa kanya, mam. Kahit pa one-sided love affair.
Napabuntunghininga si Melanie. Hindi pa rin pala nagbabago ang binatang nais mahalin
hanggang sa huling pintig ng puso.
Kailan ka matututong magmahal, Enrico? Ang gusto moy ikaw lang ang mahalin sabi ni
Melanie sa isipan, sa sarili lamang.
Lolokohin ka lang niya, Monet.
Po?
I meanbase sa kuwento mo, parang nanlalamang lang siya sa iyo. Paano kungmagsawa
na?
May awa po si Lord.
DESIDIDO si Enrico na huwag talagang suplayan ng used aluminum ang kumpanyang nakabili sa
kumpanya nina Monet.
Hindi pa alam ng binata na si Melanie ang mismong boss ni Monet, na ang dalagang
kinasusuklaman ay makakakrus na naman niya ng landas.
Lalong hindi niya alam na sa dinami-dami ng junkshop sa Pinas ay ang junkshop pa niya ang
napatoka sa kumpanya ni Melanie. Pero nami-miss na niya si Melanie, aminin man niya o hindi.
KABANATA 58
NAKATULOG si Enrico sa tanggapan niya sa junkshop, siesta time kasi sa hapon. Nakataas pa ang
kanyang mga paa sa lumang mesa. Hindi niya alam ay naghihintay na ang dalawang batang
yagit na namulot ng kung anu-anong junks, magbebenta sa kanya.

An tagal namang matulog ni Manong, sabi ng yayat na batang babae na kutuhin ang buhok
dahil sa dumi.
Oo nga, e. bawal daw gisingin, sabi nung boy. Ano kaya, hagisan ko ng palaka? bulong ng
batang lalaki na nanlilimahid din, gaya ng batang babae na malnourished, kulang sa pagkain.
Napabungisngis ang batang babae. Sige, Boyong! Sa mukha ni Manong mo ihagis yung
palaka!
Sinong hahagisan ng palaka? pupungas-pungas na tanong ni Enrico, nagising na pala.
Salbahe kayo, ha!
Sir Manong, bakal po saka plastic tong dala namin!
Saka po konting karton ng gatas at sardinas, Manong!
Napabuntunghininga si Enrico nang mapagmasdan ang yayat at gutom na mga bata. Ito ang
kalaban niya bilang negosyante. Kapag mga bata nang gutom ay hindi niya maatim na baratin.
Ipinakilo niya sa assistant na si Pol ang dalang mga junks ng dalawang bata.
Ser Enric, 20 pesos pong lahat.
Sige, bayaran mo ng 40 pesos, Pol.
Po? Taka si Pol, sabihin pa.
Kuwarenta pesos nga, Pol. Saka pakibigyan mo ng pandesal at fresh milk. Marami sa ref.
Y-Yes, ser! Naawa sa mga yagit ang among binata, naunawaan ng alalay-assistant ni Enrico.
Natuwa naman ang dalawang bata. Bihira silang makatagpo ng grasya. Salamat po, bosing.
Anong pangalan nyo? tanong ni Enrico.
Siya po si Boyong . Ako naman si Candida.
Naalala ni Enrico ang nagmamay-ari rin ng ngalang Candida. Na-comatose ang mommy ni
Melanie. Dalawang taon na akong walang balita sa kanila ng Daddy ko. Most likely ay matagal
nang patay si Aling Candidaganon ang nako-coma
Nabigyan na ng pandesal at fresh milk ang dalawang batang yagit. Kumaway na ang mga ito kay
Enrico, kaygaganda ng ngiti.
Napailing na lang si Enrico. Kapag ganito nang ganito, hindi ako yayaman. Dapat maging suwitik
muna ako, magpayaman muna nang husto bago magkawanggawa
ISANG araw sa bilihan ng karpa sa roadside, malapit sa dagat, parang nakakita ng multo si Enrico
nang magtama ang tingin nila ng may-edad na babae. B-Buhay pa kayo, A-Aling Candida?

PARA ngang nakakita ng multo si Enrico nang makaharap sa bilihan ng karpa ang mommy ni
Melanie. N-Nabuhay kayo?
Dahil hindi ako namatay. Naligtasan ko ang gulo ninyo ng ama mo, walang ngiting sagot ni
Candida. Nakilala niya si Enrico. Ito ang lalaking nagpaluha at nang-alipin kay Melanie sa pagibig.
Napalunok si Enrico, walang maisalag. Nais niyang kumustahin sa ginang si Melanie.

Pero maging ito ay hindi naisatinig. Ang matalim na titig ng mommy ni Melanie ay hindi yata niya
kayang tagalan.
Bago pa man siya nakabawi ay may ibinigay na sa kanya ang legal na misis ng kanyang ama.
Dalawang malakas na sampal. Pak. Pak.
Napabiling ang mukha ni Enrico, namanhid ang kanyang pisngi. Naiskandalo ang tindera ng
karpa pati ilang mamimili.
Para iyan sa pambubusabos mo kay Melanie! Wala kang karapatang apihin ang anak ko! halos
sigaw na ni Candida, hawak sa isang kamay ang nakatuhog na dalawang karpa na bagong huli sa
dagat.
Namula sa pagkapahiya ang binata, parang itinulos sa kinatatayuan.
Matapos magbayad sa tindera ng karpa, salubong ang kilay na tinungo na ni Candida ang
kotseng naghihintay sa di-kalayuan.
May family driver si Candida, may edad nang lalake. Mahinahon na nitong pinatakbong palayo
ang sasakyan.
Naiwan si Enrico na nangingibabaw ang galit. Bakit maling-mali ang paghusga ng ginang sa
namagitan sa kanila ni Melanie?
Hindi naman menor de-edad si Melanie nang kanyang angkinin ito, di ba? At alam ba ni Aling
Candida na nagbigay naman si Melanie? Maling tawagin na binusabos niya si Melanie; hindi rin
totoo na inapi niya ito.
Hindi mo kasi alam na umibig sa akin nang husto ang iyong dalaga, Aling Candida! Mali kaaa!
malakas na sigaw ni Enrico sa direksiyong tinungo ng sasakyan ng ginang.
Napatanga lalo sa binata ang mga nasa bilihan ng karpa.
Walang pakialam na tinungo na rin ni Enrico ang sariling kotse, bitbit din ang biniling
nagkikislutan pang isda.
ANG HINDI alam ni Enrico, hindi doon nagtatapos ang drama sa kanyang buhay; sa araw ding ito
ay may isa pang matinding eksenang magaganap. Isa-dalawang kilometro na lang ang layo nina
Monet at Melanie sa kanyang junkshop.
Monet, okay ka lang? may pag-aalalang tanong ni Melanie sa tauhan na umanoy syota ni
Enrico.
Opo naman, mam! Kayo po, okay din?
Tumango si Melanie. Pero nagsisinungaling siya. Para nang magigiba ang dibdib niya sa kaba
habang palapit sa teritoryo ni Enrico.
KABANATA 59
LALONG parang tinambol ang dibdib ni Melanie nang matanaw na ang junkshop sa di-kalayuan,
200 meters away. Dama niyang iyon na nga ang kinaroroonan ni Enrico. Ang bagong daigdig nito
mula sa mansiyon, ngayoy nasa kilikili na nga ng lunsod.
Hayun na, mam! Ang makakausap ninyong guwapong may-ari at tagapamahala ay walang iba
kundi ang suplado kong syota! may pagmamalaking sabi ni Monet.

Walang kaalam-alam si Monet na sina Enrico at Melanie ay dating may relasyon. Malalim na
relasyong sangkot ang puso at kapurihan ng dalagang boss.
Malaki palang junkshop, ha, Monet?
Anim na buwan pa lang po nang mag-expand si Enrico, Mam Melanie. Binili niya ang katabing
lote at ginawang bahagi ng junkshop. Sa kanya po kumukuha ng used items for recycling ang
malalaking kumpanya Kita nila ang junkshop na nasa lugar ng mahihirap.
Kaya pala nagmalaki na sa atin? Maraming nakaabang na buyers?
Ganon nga po, mam. Pero as Ive said, galit kay Don Pedro kaya ayaw na tayong pagbilhan
Nabuhay ang inis ni Melanie kay Enrico. Hindi dapat isali ang personal reasons sa
pagnenegosyo, Monet.
Opo nga po, mam. E iba nga po si Enrico. Naku, kundi nga lang siya super humalik at yumakap
at iba pa, iniwan ko na siya!
Matagal nang karelasyon ni Enrico si Monet, naalala ni Melanie, Umantak muli ang kanyang puso.
Mabuti hindi ka n-nabubuntis
Ako po, mam? Naku, si Enrico po ang very strict sa pagpapa-pills sa akin. Hindi talaga puwede
na hindi ako iinom sa harap niya. Wala daw sa plano niya ang magkaanak sa labas
Bakit ayaw mong yayain ng kasal?
Mam Melanie, yung si Enrico ay very emphatic kami raw ay just comfort friends only.
Comfort friends?
Mam, di ba may comfort womenyung nagpapaginhawa sa mga sundalong hapones noong
WW2? Ganon lang daw kami ni Enrico sa isat isa comfort friends
Meaning you make love para lamang magparaos?
Tumango si Monet. Opo, wala pong commitment.
Biglang narealize ni Melanie, ganon din ang tingin sa kanya noon ni Enrico. Lalong nabuhay ang
galit niya sa anak ng kanyang stepfather.
Padabog na ihininto ni Melanie ang sasakyan sa harap mismo ng ES Junkshop. Screeechh.
Umalimbukay ang alikabok. Napatingin sa sasakyan si Enrico, nayabangan sa bagong dating.
Sino bang Pontio Pilato ito?

INIS na tinapunan ng tingin ni Enrico ang SUV na pabarumbadong pumarada, umalimbukay tuloy
ang alikabok.
Nang biglang bumukas ang dalawang pinto ng sasakyan, sa front, napatanga ang binata. Sa
passenger side ay si Monet ang nakita niya; sa drivers side ay ang babaing hindi na niya
inakalang makikita pa.

Holy shit, bakit sila magkasama? Ang sila ay sina Monet at Melanie. Sila na ba ang bagong
mag-amo?
Enrico! May kasama ako, she is my boss! Kakausapin ka raw! sigaw ni Monet habang hangos
na palapit na sa binata. Treat her nicely naman, please!
Para pa ring nakakita ng himala si Enrico. Si Melanie nga ba ang napakagandang babaing
kasunod ni Monet?
Nakilala ba siya nito? Bakit tingin niyay galit?
Kaytagal niyang hindi nakita si Melanie. Huling alaala niya ng kanilang huling pagkikita ay ang
pagpisil niya sa pigi nito, sa parking lot.
It was a tender gesture that still lingers in his mind. Hindi niya binastos ang dalaga, maingat at
suwabe ang ginawa niyang pagpisil, bilang huling souvenir.
Natatandaan pa kaya ito ni Melanie?
SI MELANIE, nang ilang dipa na lang ang layo kay Enrico ay parang hinaplos ang puso; nabura
ang galit sa kanyang mukha, maging sa kanyang dibdib.
Ang sumakop ay ang pananabik, pakiramdam niyay nais niyang yakapin at hagkan ang binata..
Akalain ba niya na magkikita pa sila nito? At sangkot pa ang isang mabait na dalagang kanyang
tauhan.
Gaya niyay mahal na mahal din ni Monet ang binatang nais niyang mahalin hanggang sa huling
pintig ng puso.
Ganito ba magbiro ang tadhana?
Mam, siya po ang may-ari, si Mr. Enrico Soler, pakilala agad ni Monet, Enrico, siya ang aking
mabait na boss na si Mam Melanie.
K-Kumusta ka, Mr. S-Soler? Pilit ang ngiti ni Melanie. Hindi ganito ang nais niyang gawin sa
pinakamamahal pa ring binata.
Si Enrico ay nailang, pero nagpatianod. Im g-good, Ms. Melanie.
Nag-handshake sila. Nagdaop ang mga palad.
It was magical. Nadama nilang pareho ang kakaibang sarap ng pakiramdam, na ang kadakilaan
ay sumakop na yata sa kanilang kaluluwa.
Ten seconds! Mam, bawiin mo na po ang kamay mo! Hoy, Enrico, tapos na ang handshake!
sabi agad ni Monet.
Saka lang parang natauhan ang dalawa. Nagkakahiyaang nagngitian.
Wala pa ring kaalam-alam si Monet na magkakilala ang dalawa at may malalim na ugnayan; na
nauna pa sa relasyon nila ni Enrico.
KABANATA 60
ENRICO, may sasabihin daw sa iyo si Mam Melanie. Huwag mo siyang pagsupladuhan, ha?
Please pabulong na sabi ni Monet sa binata; wala pa ring kaalam-alam na magkakilala at
dating may nakaraan ang amo at ang itinuturing na nobyo.

Tumango si Enrico. Inginuso ang kanyang mesa sa tabi ng malaking timbangan. Doon daw sila
mag-uusap ng amo ni Monet.
Mam Melanie, sige po, babantayan ko na lang muna ang sasakyan natin. Kapag po nambastos e
sumigaw lang kayo, akong bahala.
I think I can handle him, Monet. Huwag kang mag-alala.
Nauna sa munting tanggapan si Enrico. Ang mesa niya ay luma at maraming gasgas. Sa
junkshop ay hindi dapat ang mamahaling office desk.
Napansin agad ni Melanie ang hitsura ng lalaking ayaw pa ring itakwil ng puso. Ibang-iba ito sa
dating glamorosong binata na naka-BMW.
At ito ba aynamayat at umitim? Dahil sa sobrang trabaho at pagkabilad sa araw?
Please sit down, sabi nito sa kanya, hindi naman pasuplado pero pormal na pormal.
Naisip ni Melanie, pinuprotektahan nito ang damdamin ni Monet. Ayaw nitong maalarma ang
kasalukuyang karelasyon.
Si Monet ay nasa tabi ng SUV, more or less 30 feet ang layo.
Mr.Soler, b-business ang pakay ko.
Cut the shit, Melanie. Hindi tayo naririnig ni Monet. Mag-usap tayo nang totohanan.
N-namayat ka atumitim, Enrico
Naghirap ako, nagsisikap makabawiPart of the trade ang pagpayat at pag-itim. Hindi madaling
magpatakbo ng junk shop na nais kumita
Ngayon ko lang nalaman itong negosyo moI mean, kung di ko pa naging tauhan si Monet
Huwag kang magpapaniwala sa lahat ng sinasabi ni Monet. Baka eksaherado na.
Defensive ka ba, Enrico?
Napabuntunghininga ang binata. In fairness, kasundo ko naman si Monet. ButI dont love her.
Namula ang mukha ni Melanie. Bakit bumanggit ng love ang lalaking ito? Is he insinuating
something?
Ikaw namanlalong gumanda. Corporate boss na talaga ang dating mo, Melanie.
Lalong nag-blush si Melanie. Mabibilang sa daliri na siya ay napuri ni Enrico. Thanks.
May boyfriend ka na ba? nais itanong ni Enrico.
Nais ding magtanong ni Melanie. May puwang pa ba ako sa puso mo? Kaya mo na bang
magmahal?
Pero parehong umid ang kanilang dila.

PAREHO ngang naumid ang dila nina Melanie at Enrico, nasa isip lamang ang mga nais itanong
sa isat isatungkol sa pag-ibig.
Nananaig kasi ang pride ni Enrico. Ayaw aminin na may puwang sa puso niya ang dalagang
pitong beses nang naangkin 2 years ago; ang dalagang siya ang naka-devirginize.

Si Melanie naman ay pigil ang damdamin. Bukod sa ayaw mabigo sa binata ay isinasaalang-alang
din niya ang damdamin ni Monet; ang tauhan niyang naging pamalit ni Enrico sa sexual needs
nito.
May boyfriend ka na? nagawa ring itanong ni Enrico.
Tatlo, sagot agad ni Melanie, ewan kung bakit nagsinungaling.
Napakunot-noo si Enrico. Hindi maimagine na tatlong lalaki ang ipinalit sa kanya ng dalaga.
Ikaw? naitanong ni Melanie.
Wala akong boyfriend.
Nagpapatawa ka. Thats nice.
Kanina ko lang nalaman na buhay pa ang mommy mo, sa bilihan ng karpa, Melanie. Im so
gladnabawasan ang guilt ko.
Natigilan si Melanie. Nakumpirma ang hinala niyang sa nagdaang dalawang taon ay hindi
nakibalita sa kanilang buhay ang binata; tinutoo pala nito ang sabi na ito ay bibitiw na sa kanya
totally.
Walang makapang isagot ang dalaga.
Pero sinampal niya ako, twice
Ha? Mangha si Melanie. Wala siyang kaalam-alam; hindi man lang itinext ng mommy niya.
Para daw sa pang-aapi ko sa iyosa pambubusabos ko sa iyo
I dont know what to say, Enrico. Hindi ko naman sinabi kay Mommy na sampalin ka
Bygones. Kaya kong kalimutan. Anyway, may kasalanan din naman ako sa pagkakasakit niya
nang matagal
Mam Melanie, are you okay po ba? biglang sigaw ni Monet mula sa di-kalayuan. Tinitiyak na
hindi nababastos ni Enrico ang lady boss.
Y-yes, Im fine, Monet! sagot ni Melanie.
Im a busy man. Lets talk business, pasupladong sabi na ni Enrico, aywan kung bakit binuhay
ang galit sa dalaga.
Naalala na naman ba niya ang pag-assume ni Melanie sa puwesto ng EVP sa lahat ng business
interests ni Don Pedro?
Kailangan namin ang patuloy mong pagsu-supply ng used aluminum, Mr. Soler. Pinormalan na
rin ni Melanie ang binata.
The answer is NO, madiing sabi ni Enrico. Maghanap ka na lang ng ibang source.
But why? Namemersonal ka? Dahil galit ka sa amin ng iyong ama?
Naningkit sa poot ang mga mata ni Enrico.
KABANATA 61
HINDI dapat binabanggit sa harap ko ang ngalang kinasusuklaman ko, madiing sabi ni Enrico
kay Melanie.
Fine, Enrico! Just answer my question bakit ayaw mo nang mag-supply sa amin ng used
aluminum? Magaling naman kaming magbayad!
Basta ayoko nang mag-supply sa inyo, period!

Justify it, I need some explanation!


Napantastikuhan si Enrico. Explanation? Ako ang mag-e-explain sa iyo, Melanie? Ibig mo bang
sabihin ay hindi mo alam ang rason?
Hindi ako manghuhula.
Baloney! Alam na alam mo ang dahilan! sigaw na ni Enrico, napatangay sa galit.
Eeee! Enrico, huwag mong bastusin si Mam! Napatili-napatakbo sa junkshop si Monet. Hindi
nakaila sa kanya ang pagtatalo ng dalawa.
Mahirap kausap itong boss mo, Monet. Iuwi mo na.
Be professional, Mr. Soler! Hindi ka dapat namimili ng kliyente! Lalo na kung aregladong
magbayad!
Parang walang narinig ang binata. Nakatanaw sa mga bagong dating.
Natanaw din nina Melanie at Monet ang mga ito: mga batang yagit, babae at lalake, may mga
dalang sako ng junks.
Nais mahambal ni Melanie sa hitsura ng mga yayat at marurungis na bata; alam na pawang
malnourished ang mga ito.
Bossing, sumama sila! Magbebenta rin! sabi ng batang lalaki na kakilala na ni Enrico.
Boyong, nasaan si Candida? Hinanap ni Enrico ang batang babae na dating kasama ni Boyong.
Ser Boss, andito po ako! Gutom kami, ayaw mamigay ng plastic at bakal yung basurero!
Napapalunok si Melanie sa awa sa mga bata. Klarong napabayaan na ito ng mga magulang at ng
sosyedad.
Tinawag ni Enrico ang alalay. Pol! Bigyan mo muna sila ng gatas at pandesal! Ngayon na!
Opo, Sir Enrico! Dumadami ho sila!
Dumadami ang nagugutom, Pol! Huwag ka na bang magreklamo!
Bigla ay nais magsikip ng dibdib ni Melanie. Si Enrico nga ba ang magpapakain nang libre sa mga
batang ito?
Si Enrico na suplado at arrogant bastard?
Mam Melanie, mabait po sa mahihirap ang syota ko, bulong ni Monet. Pero sa inyo po, ewan
kung bakit masungit
T-tayo na sa van, Monet. Saka na lang tayo babalik
Kakausapin nyo pa uli?
I never say die, Monet. Laluna sa Enricong yan.

HINDI na rin po ako pinapansin, Mam Melanie. May sumpong ang syota ko, nagdaramdam na
sabi ni Monet, nakatingin kay Enrico.
Ang binata ay nakamasid sa mga batang yagit na nagkakainan na ng pandesal. Kanya-kanya na
rin ng baso ng gatas ang mga ito.

Si Pol na assistant ni Enrico ay napapailing sa kalagayan ng mga bata.. Sobra kasi ang gutom ng
mga ito, halos hindi na humihinga sa pagnguya ng pandesal at pag-inom ng gatas.
Nag-register naman sa diwa ni Melanie ang tagpong iyon. Hindi pa rin mapaniwalaan na ang
nagmagandang loob ay ang aroganteng anak sa labas ni Don Pedro.
Mam Melanie, gusto mo po ako na ang mag-drive? Nag-aalala si Monet sa lady boss. Alam na
upset ito, nabigo sa pakay kay Enrico.
Umiling si Melanie. No, kaya ko naman. Dati na bang ginagawa ni Enrico iyon?
Ang pambabastos sa kausap na babae, mam?
No, ang pagpapakain sa mga batang kalye
Bago lang, mam. Kuripot ho ang syota ko. Hindi lang talaga matiis ang mga gusgusing palaboy.
May saving grace din, ha?
Oho naman. Pati ho mga asong kalye, laluna kapag payat as in payatingtingtiyak na
pakakainin ni Enrico, mam.
Pati nga pusang ligaw sabi ni Melanie sa sarili, naalala ang kuting na dinala pa ni Enrico sa
kotse para pakainin sa bahay.
NAPILITANG magreport ni Melanie sa kanyang ina at sa stepfather. Weekend dinner iyon ng tatlo,
regular nilang ginagawa once a week bilang bonding time. Nasa loob sila ng fine-dining resto sa
Timog.
I saw him.
Sino, iha? tanong ng ina.
Somebody we know? Kyuryoso ding naghihintay ng sagot si Don Pedro Marquez de Golfo.
Mommy, ang lalaking sinampal ninyo sa bilihan ng karpa last Sunday, mahinahong sagot ng
dalaga.
H-ha? Nagkita kayo? Halatang nasurpresa si Candida.
Hey, mayroon ba akong hindi alam ha, Candid? biglang tanong ni Don Pedro, halatang
naguluhan.
Na-caught offguard ang ginang ng business tycoon. W-Wellnais ko lang naman sanang
protektahan ang damdamin mo, Pete.
Nanampal ng tao ang misis ko and I didnt know? Naghahanap ng paliwanag ang don. Sino ba
siya? Matanda, bata?
Nagkatinginan sina Candida at Melanie. Nais yatang magpasahan ng sisi sa pagtalakay sa maling
topic.
Napilitang magtapat ni Candida. Siya siEnrico, Pete.
Napalunok ang don. M-My long-lost son?

KABANATA 62
INULIT ni Don Pedro ang tanong sa asawang si Candida at sa stepdaughter na si Melanie. Si
Enrico ang pinag-uusapan natin?
Tumango ang mag-ina.
Nasampal mo siya, Candida?
Iginanti ko lang si Melanie, Pete. Kulang pa nga iyon sa laki ng kasalanan niya sa aking anak.
Napailing ang don, napabuntunghininga.. Do you agree, Melanie?
Tito Petesa mata ni Mommy, ako po ay binusabos ng inyong anak. Hindi po niya maiintindihan
na ako angnagpakatanga
Virgin ang anak ko ng pakialaman ng anak mo, Pete. At least ay dapat iginalang niya, hindi
basta iniwan left out in the cold, depensa ni Candida. And dont you forget, dahil sa anak mo
kaya ako naging comatose ng maraming linggo.
Candidaako ang nagkailang anak ko siya, hindi ko siya kinilala sa publiko. Kaya nagalit siya
Whatever. Ang klaro ngayon, Pete pareho tayong biased pagdating na sa ating mga anak-anak.
Paano nga ba tayo magkakaintindihan?
Tumahimik ang don. Itinuloy ang pagkain. Hindi nga naman dapat nagbabangay ang pamilya sa
harap ng grasya ng Panginoon
Kumain na rin nang matahimik ang mag-ina.
Nang tapos na sila ay saka nagpakahinahon sa pag-uusap, gaya ng mga edukadong tao.
Saan mo siya nakita, Candid?
Sa bilihan ng isda sa tabing dagat, Pete. Nabigla pa nga dahil buhay pa pala daw ako
Binastos ka?
Umiling ang ginang. No. Nasurpresa siya, actually. Ako namay nadala ng galit
Muling napabuntunghininga ang don. Kay Melanie nagtanong. And you, iha?
Tito Pete, may-ari pala si Enrico ng junkshop. Siya ang hands-on manager doon.
Mangha ang don. Ang aking anak na iresponsable, namamahala sa sariling junkshop?
Tumango ang dalaga. Siya ang main supplier ng used aluminum sa binili nating pabrika ng
kitchen ware, sir.
Ha? A-Akalain mo yon?
Pero galit siya sa atin, laluna sa inyo, Tito Pete. Definitely daw ay hindi na siya magsu-supply sa
atin ng used aluminum.
Nanlumo ang matanda. Todo pa rin ang galit niya sa akin?
Tumango ang dalaga. Obviously, sir. At apektado po ang bagong bili nating kitchen ware factory.
Main source nga natin ang junkshop ni Enrico.
Bumalatay sa mukha ng don ang hinanakit sa anak.

ANO ANG plano mong gawin, Melanie? Bale bina-blackmail pala tayo ni Enrico? Hindi siya
magsu-supply ng used aluminum dahil sa galit sa akin? Tama ba yon? mahabang dayalog ni
Don Pedro, kita sa mukha ang hinanakit sa long-lost son.
Sir, ako ho ay hindi marunong sumuko. I never say die. Babalikan ko ho si Enrico para kausapin,
papayagin na muli tayong suplayan
At kung magmatigas pa rin?
Bumuntunghininga muna ang dalaga saka sumagot. Ill cross the bridge when I get there.
Ang don naman ang napailing. Ako ang nagdurusa ngayondahil sa aking kapalaluan
Naawa sa asawa si Candida. Take it easy, Pete. Ganon naman talaga, hindi agad nakaka-realize
ng pagkakamali ang tao. Ang mahalaga ay tinatanggap mo na ang pagkukulang mo
Anak ko pa rin si Enrico, kahit pa siya naligaw ng landas, kahit pa lumaki siyang
iresponsable.hindi niya kasalanan na isinilang na illegitimate. Kasalanan namin ng nanay
niya
Hindi na basta nagseselos si Candida sa unang babae sa buhay ni Don Pedro. Where is she
now?
Sinong she, Candid?
The former senators wife. Your ex-lover. Enricos mom
Si Mrs. Soler po, Tito Pete. Kumusta na siya?
Nagkibit-balikat ang don. Wala akong balita. Kung di nga sa inyo ng iyong mommy ay hindi pa
ako makakabalita sa aking anak.
Hindi ko pala naitanong sa aking tauhan, na kasalukuyang girlfriend ni Enrico, kung nasaan na si
Mrs Soler. At kung sa mismong junkshop nakatira si Enrico Nagsisikap si Melanie na itago ang
hinanakit ng puso.
Hindi niya masabi sa dalawang kapamilya na inaasam pa rin niyang mahalin siya ni Enrico. Gaya
ng pagmamahal niya rito nang lihim.
Pero alam mo, Tito Pete, may namana siyang katangan mo.
Talaga? Ano? Nabuhay ang interes ng amang nakatago.
May puso po siyang maawain sa mahihirap. Nagpapakain siya ng mga batang yagit sa kanyang
junkshop. I saw it with my own eyes, walang prenong sabi ni Melanie. May nakahanda siyang
maraming pandesal at fresh milk para sa mga batang iyon.
May saving grace naman pala, Pete. Bless him.
Candidalam mo bang nasasabik akong kaming mag-amay magkabati na? Ganito yata ang
umiikli na ang kandila
Nangilabot si Candida. Pete, huwag kang magsalita nang ganyan. Marami pa tayong good plans
together.

Iba ang biglang sinabi ni Melanie. Mommy, dapat po bang ipaglaban ko ang aking pag-ibig
kahit may ibang dalagang masasaktan nang labis?
Si Monet ang dalagang masasaktan
KABANATA 63
SI ENRICO ba ang sangkot sa problema mo, Melanie? tanong ni Candida habang sakay na sila
ng kotse. Si Candida ang nagda-drive sa lumang sasakyan kasama si Don Pedro. Bahagi ng
security measures ng multi-milyonaryo ang pagiging low-key.
Napalunok si Melanie. Nabigla lang ba siya sa pagtatapat ng suliranin ng puso? Kailangan bang
aminin niya sa ina, sa presencia ng stepfather, ang pag-ibig na ayaw mamatay-matay kay
Enrico?
Hindi na ba niya ikakaila na hanggang sa huling pintig ng kanyang puso iibigin ang binatang
hindi naman marunong magmahal?
Melanie?
No, Mommyhuwag na po pala nating pag-usapan. Ima big girl now. Kaya ko ito.
Pero sasagutin ko na rin ang tanong mo, anak kung dapat mong ipaglaban ang pag-ibig kahit
may ibang babaing masasaktan.
Napabuntunghininga si Melanie. Mapipigil ba niya ang ina?
Nakita niyang nakikinig lamang si Don Pedro, her stepdad. Alam ba nitong ang anak na binata
ang sangkot?
Melanie, ang kasabihang all is fair in love totoo yon. Parehas ang bawat nagmamahal.
Therefore my answer is Yes. Ipaglaban mo.
Pero, Momlabis ding nagmamahal angang dalagang sinasabi ko. At nagbigay na siya nang
lahat-lahat, kasama na ang puso
Kung siya ang mamahalin ng mahal mo, then, tanggapin mo ang pagkataloleave them in
peace.
Ayaw pa nga hong magmahal ngng lalaking iyon. Ang kapakanan lamang ng sarili ang
concern
Bakit nagpapakatanga ang dalaga? Bakit nagbibigay gayung walang aasahang kapalit na mula
sa puso? biglang sabad ni Don Pedro sa usapan.
Tama ang Tito Pete mo, anak. Sa panahon ngayon, dapat nang manindigan ang mga babae.
Huwag bigay nang bigay ng sarili kung walang assurance ng tunay na pag-ibig mula sa
pinagbibigyan. Ano yon, kuntentong magingbed partner na lang?
Huwag kayong maniwala na dahil kakaunti ang babae kumpara sa dami ng lalake, konti na lang
ang pagpipilian ninyong husband material. Kapag matino ang dalaga, kapag morally upright
siya ang iibigin habambuhay ng lalaking matino rin, mahabang sabi ng don.

Kaso po ay hindi maturuan ang puso, Tito Pete. Kahit kaydaming kapintasan sa ugali ng lalaki,
iyon pa rin ang nais itibok ng puso
Oh, come on, iha, give me a break! Sa ganda mong iyan at talino, EVP ka pa ng mga kumpanya
ko, you are a prize catch!
Lihim na nais tumutol ni Melanie. Duda niya, kaya lalong ayaw siyang ibigin ni Enrico, dahil siya
ang ginawang EVP ng don sa halip na ang binata.

TAPOS na ang dinner nang humiwalay si Melanie sa ina at sa stepfather. Ang dalaga ay nagtuloy
sa parental house habang sina Candida at Don Pedro ay sa bahay sa Global City.
Mulang palayasin ni Melanie ang don sa bahay nilang mag-ina, noong comatose pa si Candida,
ay hindi na talaga pumayag si Don Pedro na makisuno sa orihinal na bahay ng asawa. Si Candida
ang isinama ng don sa bagong tahanan.
Tangay ni Melanie hanggang sa silid-tulugan ang problema sa pag-ibig. I can really sense it may
malalim na hinanakit si Emrico sa aking pagiging EVP ng business interests ng father niya.
Sino nga ba ako na stepdaughter lang kumpara sa kanya na tunay na anak kahit pa nga
illegitimate? Ako man ay tiyak na magdaramdam nang husto. No, baka naghabol pa ako sa
korte.
Naalala niya ang sinabi ni Enrico nang magkita sila sa junkshop after two years. Huwag daw
siyang magpapaniwala sa lahat ng sinasabi ni Monet tungkol sa kanila; na hindi raw nito iniibig si
Monet.
Di ba nga at nagtaka siya sa biglang pagbanggit ni Enrico nang tungkol sa pag-ibig?
Kung siya ay ilusyonada, iisipin agad niyang nagbibigay ng hint si Enrico na ang iniibig nito ay
posiblengsiya.
Pero kung susuriin nang husto, nakababahala na si Enrico at si Monet ay may malalim nang
ugnayan; halos dalawang taon na ang relasyon ng mga ito. Higit sa panahong sila pa ni Enrico
ang may wirdong pagkakaugnay.
Nais na namang magselos ng kanyang puso; naninibugho siya sa tauhang si Monet; ito ang
regular na companion ni Enrico sa kama.
Dapat nga ba niyang sundin ang payo ng ina na ipaglaban niya ang pag-ibig? Maaatim niyang
agawan si Monet?
At ano ba ang assurance niya na siya nga ang iniibig ni Enrico?
Paano kung nais lang niyang mulingmakaiskor?
Wala pa rin sa bokabularyo ang salitang pag-ibig?
Meanwhile ay namumrublema siya sa kanilang supply ng used aluminum. Kung paninindigan ni
Enrico ang bantang hindi na sila susuplayan, mapipilitan silang kumuha sa ibang source na tiyak
na halos doble ang presyo. This is bad business.

Tama yata ang sabi ni Don Pedro sila ay bina-blackmail ni Enrico. Pero kung blackmail ang laro ng
binata, ano naman kaya ang hinihinging kapalit? Wala itong binanggit; ang sabi lang ay ayaw
nang mag-supply.
HIMBING na si Candida. Si Don Pedro ang ayaw patulugin ng gabi; ginugulo ng kunsensiya.
Mamamatay ba akong hindi napatawad ni Enrico? Babaunin ko ba sa hukay ang kanyang
pagkasuklam sa akin?
Mag-uumaga na nang biglang may naisip na ideya ang don. Yes, why not? I can do it!
Makalalapit ako sa aking anak nang hindi niya namamalayan!
KABANATA 64
GINAWA ni Melanie ang next best thing para sa kanyang pag-ibig. Hindi pa niya kayang kalabanin
si Monet in the name of love, pero kaya niyang maging kaibigan ito.
Talaga, Mam Melanie? You want us to be friends kahit boss ko kayo? Kahit pa nga palpak ako as
far as Enrico Soler Junkshop is concerned? Hindi makapaniwala si Monet. Nasa exclusive
restaurant sila ng DPM Towers, ang latest building project ni Don Pedro Marquez.
Yes, Monet. Sa labas ng office hours, gaya ngayon, ay magtuturingan tayong good friends. You
know, women talk boys, fashion, food, love affairs
Naiilang pa rin si Monet. Ekuwan ho, mammay I ask na hindi kayo magagalit or mapipikon?
Nakakapikon or nakakagalit ba ang itatanong mo?
Depende po. Relative term. Posibleng oo, posibleng hindi.
Okay. What is it, friend?
H-Hindi naman po kayonaa-attract sa akin?
Excuse me?
I mean, hindi po naman kayotibo, T-bird, tomboy or lesbiana?
Natawa si Melanie. Ha-ha-ha-ha!
Hay, salamathindi kayo nagalit or napikon.
You are funny, Monet.
E ano nga po ang sagot, mam kayo ba ay nagkakagusto sa akin? Eipinagpapauna ko na po
ako ho e para sa lalake lamang. Kinikilabutan po ako just thinking na ako ay hahalikan sa lips ng
kapwa ko babae at ako po ay masusuka kapag ni-lovemaking ng aking kabaro
Lalong natawa si Melanie. Gagi, babaing-babae rin ako! From head to foot!
Wow! Then we must be friends, Mam Melanie!
Melanie lang kapag wala sa trabaho, Monet. Nagpingkian ng tikom na kamao ang dalawang
dalaga.
Walang kaalam-alam si Monet na may ulterior motive si Melanie. Na nais nitong malaman pa ang
detalye ng relasyon niya kay Enrico.
Hindi naman natapos ang oras ay para na silang dating magkaibigan. Really, Monet? Kaya
mo?
Oo nga, Melaniekaya kong magboyfriend noon nang tatlo! Sabay-sabay, Hindi
nagkabukuhan!
But that was during your college daysNgayong kayo na ni Enrcio Soler? Nananalakab na si
Melanie. Sina-size up ang karibal.

Ayy, stick to one ako kay Enrico, Mel! Super-satisfied naman kasi ako sa kanyang hugs and
kisses and others! Laluna yung and others! Ang galing-galing niya dun!
Nais na namang mamatay ni Melanie, sa selos.

MAMATAY-MATAY sa selos si Melanie pero hindi naman makapagpahalata kay Monet. Itinuturing
na siyang close friend nito gaya ng nais niyang mangyari.
Hindi alam ni Monet na kumukuha siya ng detalye sa love affair nito kay Enrico. Hindi naman
alam ni Melanie na siya ay labis na maaapektuhan ng mga kuwento ng tauhang dalaga.
Bale ba, Mel, bago ako dumating ay tinitiyak ni Enrico na bagong paligo siya! Ready for
battle! bulong ni Monet, napapahagikhik.
T-talaga? Kung puwede lang ay maging bingi na sa mga sandaling ito si Melanie. Gusto na
niyang takpan ang mga tenga.
At heto pa ang sikreto ng lover kong yonl sige, itanong mo
A-Ano?...
Mel, yung lokong si Enrico, bukod sa bagong paligo at naka-white pants na loose, walang brief!
OMG. OMG. OMG. Nakatatlong Oh My God sa sarili si Melanie. Bilang babae ay ayaw niya ng mga
bulgar na usapan. Lalo pa nga at involved si Enrico sa issue.
And there are more juicy details coming up, Melanie! Pero ubusin muna natin tong chibug.
Masarap, e.
Kahit paano ay nakahinga nang maluwag si Melanie. Mamaya na niya pagdudusahan ang mga
nakaseselos na closeness and secrets nina Monet at Enrico. Ang importante ay may respite sa
kuwentuhan, kahit paano.
Kayganang kumain ni Monet, napansin niya. Ganito naman ang babaing umiibig at pinapansin ng
iniibig, e. Ang nakikita lang ng ganitong babae ay ang pag-ibig sa lalaking pinakamamahal.
Mahal mo talaga? naitanong ni Melanie; nakabitiw, actually. Di ba nga dapat e may patlang
muna, wala munang usapan habang kumakain?
Huli na. Sumagot na si Monet sa kanyang tanong. Kung mahal ko talaga si Enrico, ha, Mel?
Napatango siya. II just want to know.
Oo naman. Oong-oo. 200 percent OO, sagot ni Monet, tiyak.
At dito lihim na nalungkot si Melanie. Paano ba niya aagawan ng kaligayahan ang tulad ni Monet
na sobra-sobrang magmahal sa lalaking nais niyang patuloy na mahalin?
SA MAALIKABOK na lugar ng junkshop ni Enrico, nang tanghaling iyon, isang magbabasurang
naka-tryke ang kaduda-duda ang kilos.
Halatang hindi ito sanay sa init ng araw, kahit pa nakasumbrerong balanggot at long-sleeves na
madumi at gulanit. Kakaunti pa ang napulot na basura nito na nasa sidecar, iilang boteng plastic
at bakal.
Kung lalapitan at sisinuhin, makikilalang ito ay walang iba kundi ang amang nais makita up-close
ang anak si Don Pedro!

KABANATA 65
HAYUN na nga ang ES Junkshop, tiyak na nandon ang anak ko! may pananabik na sabi sa sarili
ni Don Pedro habang pawisan na sa pagpedal sa tryke na pambasura.
Humigit-kumulang sa 50 meters ang layo niya sa junkshop ni Enrico.
Huminto siya at inayos ang disguise; nakabalatkayo ang matandang don para hindi makilala ng
anak.
May peluka siyang mahaba, lampas-batok, akala mo tunay na buhok. Naglagay din siya ng
pekeng bigote na ala-General Miguel Malvar makapal, mahaba, patulis-pataas sa magkabilang
dulo.
Sabihin pa, para magmukhang mambubulok, nagsuot siya ng gulanit na pants na maong at longsleeve shirt na luma at sadyang pinadumi.
Sa biglang tingin ay mukha talagang naghihirap ang don, kailangang maghanap-buhay kahit
matanda na.
May dalang salamin si Don Pedro. Kita niya ang pekeng anyo. Mahirap na makilala siya ni Enrico
kahit pa sakaling magkaharap sila nang di-sinasadya.
Pero habang nagpapahinga ang don sa ilalim ng punong-mangga at nakatanaw sa junkshop,
bigla siyang inabala ng isang lalake na may dalang makapal na libro, 40s, naka-all-white at
tipong wirdo.
Ikaw ang kailangan ko! biglang sabi nito kay Don Pedro.
Napatuwid ang don. Hindi sanay sa ganitong tao. Excuse me?
Alam mo ba kung bakit tayo narito sa mundo?
Napalunok si Don Pedro. Hindi pa niya matantiya kung ang kausap ay may sapak o wala.
Sumagot ka, hamak na nilalang! pangungulit ng lalaking nakaputi. Isipin mo at sabihin sa akin
ang sagot sa tanong kumbakit tayo nasa mundo? What is our purpose on earth?
Marunong mag-Ingles. Ito ba ay isang professor of Theology na nais mangaral nang direkta sa
tao?
I must admit I havent given much thought about it, my friend, mahinahong sagot ni Don
Pedro.
Napangiti sa kanya ang wirdong lalake. You speak well. Paano kang naging mambubulok, ha?
Paiwas ang sagot ng don. Its complicated. Huwag mo na lang alamin at mahirap paniwalaan.
Okay. Ibibigay ko sa iyo ang sagot. Actually, I was already in my 40s nang matuklasan ko ang
sagot kumbakit tayo narito sa mundo. Tayo ay nasa mundo para kapag namatay tayo tayo ay
magiging pataba! Fertilizer! Para sa mga tanim ng Diyos na Kataas-taasan!
Gustong bigwasan ni Don Pedro ang baliw na lalake. Imagine, ang purpose daw ng tao sa mundo
ay maging pataba sa lupa?
Mayamayay natanaw na ng don si Enrico.

PARANG tinatambol ang dibdib ni Don Pedro habang nakatanaw sa tanging anak. Iyon na nga ba
si Enrico? Ang dating makinis na binata na sanay sa luho at rangyang buhay ay nasa initan at
naghahakot ng junks sa malaking timbangan?
Umitim si Enrico, napansin ng don. Sa tulong ng baon niyang binoculars na pangkarera ng
kabayo ay malinaw niyang nakikita ang anak sa labas.
May katulong itong binatilyo sa pagbubuhat ng mga junks mula sa looban ng shop. May
naghihintay na kostumer, tiyak ng don na isang mamamakyaw. Sa di-kalayuan sa entrance ng
junkshop ay nakahimpil ang trak na magkakarga ng mga used items mula kay Enrico.
Bilang amang nagsisisi sa nagawang pagkakaila kayEnrico sa publiko, sa loob ng mahabang
panahon, sa mga sandaling iyon ay nais na yatang takbuhin ng don ang anak para mayakap.
Hihingi siya ng tawad sa binatang ito. Lalamunin niya ang mga sinabi na si Enrico ay hopeless,
walang pag-asa sa buhay.
Mali siya. Si Enrico ay larawan na ng katatagan. Hindi na ito ang dating pabigat sa mundo na
walang alam kundi magpasarap sa buhay.
Babawiin na rin niya, no lalamunin ang sabi niyang si Enrico ay arrogant bastard. May arogante
ba namang bastardo na hayun at nagpapapawis para mabuhay?
Hindi pa nagsasawa sa paglargabista kay Enrico si Don Pedro nang may mahagip ang mga mata
niya.
Isang rekwang batangyagitpalapit kay Enrico Napansin agad ng don ang mga batang
marurungis at payat.
Nang makita ni Enrico ang mga bata ay kumaway ito, pinapunta ang mga bata sa isang bahagi
ng junkshop.
Kasunod ay nakita ni Don Pedro na ang binatilyong katulong ng binata ay nagtungo sa loob,
naiwan si Enrico sa malaking timbangan.
Mayamaya pay napatunayan ng don ang sinabi ni Melanie tungkol sa isa pang milagro ni Enrico
his saving grace daw.
Totoo nganagkakawanggawa si Enrico sa mga batang iyon! Nagbibigay siya ng pagkain at
gatas!
Overwhelmed sa tuwa ang don. Sa puso niya ay nais isigaw sa mundo ang pagmamalaki: Mga
kabayan, anak ko yan! Si Enrico Soler ay may maawaing puso sa mahihirap and he is my son!
Saka napansin ni Don Pedro, tulo na pala ang kanyang luha. Sa tindi ng kaligayahan.
Napatunayan niya kasing makatao na ang kaisa-isang anak; karapatdapat nang mahalin at
ipagmalaki.
Lumakas ang loob ni Don Pedro. Nagsimulang magpedal sa tryke na pambasura, palapit kay
Enrico.
KABANATA 66
HAYUN ang don, nakabalatkayo, paspas sa pagpedal sa tryke na pambasura, sabik na palapit sa
kinaroroonan ng kaisa-isang anak.

Si Don Pedro ay hihingi ng tawad kay Enrico. Handa na niyang ipagsigawan sa buong mundo na
si Enrico Soler ay kanyang anak! He is proud of his son!
Wala namang kaalam-alam si Enrico na sa araw na ito ay magkikita sila ng ama. Abala ang
binata sa pagtitimbang ng mga junks na pinapakyaw ng malaking kliyente.
Ang bahagi rin ng atensiyon ni Enrico ay nasa mga batang yagit na masayang kumakain ng
pandesal at umiinom ng gatas, mula sa kanyang kawanggawa.
Nasulyapan naman ng binata ang nagpepedal na lalaking sa porma ay mahihinuhang may-edad
na. Hindi niya nakikilala ito. Mahaba ang buhok, nakasumbrerong buri, kakaunti ang laman ng
tryke na pambasura.
Magbebenta ba ito ng kakarampot na junks? Tantiya niyay hindi pa aabot sa beinte pesos ang
kargada nito.
Maaawa na naman ba siya at dodoblehin ang bayad sa matanda?
Napailing siya. Sa negosyo ay dapat hindi kasali ang awa. Ano ba siya, nagtatrabaho sa init ng
araw, sa mabahong lugar, para malugi lamang?
Dapat siyang mag-charity kapag siya ay multi-milyonaryo na.
Gaya ng tatay kong super-dami na ng pera sabi niya sa sarili, sa isip lamang. Pero superkulang sa pagharap sa katotohananhindi matanggap na ako ay kanyang anak
Kung alam lang ni Enrico na ang matandang palapit ay ang ama at handa na siyang kilalanin sa
buong mundo!
NALUBAK ang tryke sa padausdos na daan, bumalentong.
Braangklang. Dagugdug. Kay-ingay ng tunog ng tryke na sumemplang. Si Don Pedro ay
tumilapon sa tambak ng buhangin, una ang dibdib, nakaplakda.
Nakita siya ni Enrico. Nakita niyang patakbo itong palapit.
Naunahan ng takot ang don, naduwag. Inayos agad ang balatkayo. Hindi pa pala siya handang
magpakilala kay Enrico.
Bago pa nakalapit ang anak ay naka-disguise nang muli ang don, medyo nakabawi na ng lakas.
Nasaktan ba kayo, tatang?
Tatang. Sumilid ito sa isip ng don. Tatang na pala siya? Mas gusto niyang tinatawag na Manong,
Kuyang, o kaya ay Tatay or Sir.
Iniiwas ng don ang mukha. Binago rin ang tinig, pinalaki. H-Hindi naman gaano, totoy
Totoy. Sumilid ito sa diwa ni Enrico. Mas gusto niyang tawaging Iho, Bro o kaya ay Young Man.
Inangat niya ang matanda, clueless sa identity ng ama.

INALALAYAN ni Enrico sa pagtayo ang hindi namumukhaang ama. Si Don Pedro ay iniiwas ang
mukha; hindi dapat makita ng anak ang kanyang mga mata.
Alam kasi ng don na ang mga mata ang give-away sa mga nagdi-disguise; anumang balatkayo
ay nabubuko dahil sa mga mata. Noong hindi pa sila nagkakalabuang mag-ama, sina Don Pedro
at Enrico ay nagkikita rin naman nang palihim.

Kahit paano ay nagkakausap sila; not necessarily nagkakasundo.


Kaya nyo na po bang magpedal, tatang? concerned na tanong ni Enrico sa inaakalang ibang
matanda. Naitayo na rin niya ang bumalentong na tryke na pambasura.
O-Oo, totoys-salamat sa iyo Muli ay iniba ni Don Pedro ang tinig. Iniiwas pa rin ang mga
mata.
Iyon pa naman ang ayaw na ayaw ni Enrico sa tao yung hindi makatingin nang diretso sa kapwa.
Mahiyain lang ba ito? O baka naman nagtatago sa batas kaya takot humarap sa tao?
Marami raw ganitong kaso na ang mga taong nasa lansangan, kasali na ang mga taong grasa o
street urchin, ay mga wanted persons pala; ginagawang kanlungan ang pagiging laman ng kalye.
Naunahan na talaga ng takot si Don Pedro; naduwag na baka i-reject siya ng anak na kaytagal
itinago, itinakwil sa mata ng publiko.
Ayaw kasi niyang ma-identify noon sa binatang walang narating; hindi tapos ng pag-aaral;
walang alam kundi magpasarap sa buhay.
Nagsimula na siyang pumedal; saka na lang siya muling maglalakas-loob na magpakumbaba kay
Enrico. Kumaway siya sa anak habang palayo.
Sandali! sabi ni Enrico. Ang paalis nang matanda ang pinahihinto.
Kinabahan si Don Pedro. Nakilala na ba siya, despite his disguise?
Bakit? tanong ng don pero hindi lumilingon, nakaupo pa rin sa bisikletang may sidecar, nasa
pedal ang mga paa.
Papakyawin ko na yang konti ninyong junks, tatang.
Lihim na nakahinga nang maluwag ang don. Buong akala ay nabuking na ng anak.
S-Salamat uli, ihoeste, totoy pala.
Naguluhan si Enrico sa tinig ng matanda. Bakit nag-iba yata? Bakit parang narinig na niya; tila
pamilyar?
Here, I purposely doubled the rate, sir. Binigyan ni Enrico ng kuwarenta pesos ang matanda
para sa kakarampot na junks na puwedeng i-recycle. Wala sa loob na napa-Ingles siya.
Kaso ay nawala rin sa loob ng don na papel mahirap siya, magbabasura. Sukat ba namang napaIngles din? You are making your parents proud, young man.
Nagkatinginan sila, parehong kinabahan.
KABANATA 67
Wala sa loob, parehong napa-Ingles sa pag-uusap si Enrico at si Don Pedro. Ang junkshop owner
na binata ay napatanga sa matandang magbabasura; ang huli na naka-disguise ay saka
naunawaan ang pagkakamali. Meron ba namang namumulot ng basura na mahusay magsalita
ng Ingles?
Who are you? kunot-noong tanong ni Enrico.
Hindi nasiraan ng loob si Don Pedro, sumalag agad. Binago muli ang boses. Isang matandang
nalugi nang husto, bumagsak ang kabuhayan.
Tiyak na may naipundar naman kayo, bakit hindi ninyo ibinenta?
Wala ngang nalabi. Ako nga ay napurdoy. Bagsak.

Bagsak as in You lost your shirt?


Tumango ang don. Minalas, e.
Bakit hindi kayo makatingin sa akin nang diretso, tatang?
M-May sore eyes ako, totoy. Matindi. Ayokong makahawa.
Parang biglang nangati ang mga mata ni Enrico. Na-psychologize siya ng umanoy sore eyes ng
matanda.
Nagpatuloy na sa pagpedal ang don, palayo. Kumaway muli pero hindi na nagdayalog, takot na
makilala na siya ng anak.
Naiwang nangangati pa rin ang mata ni Enrico. Iiling-iling na tinanaw na lang ang matanda.
Pagkatapos ay tinakbo na ang junkshop, naghilamos agad ng mga mata at mukha.
Boss Enrico, sino po yung tinulungan ninyo? Nakita pala sila ng binatilyong katulong.
Isang matandang mahusay mag-Ingles pero may sore eyes, Pol, sagot ni Enrico habang
nagpupunas na ng tuwalya. Kunin mo pala yung junks niya dun. Bayad na yon, naiwan ko.
SINA Melanie at Monet ay tuluyan nang naging magkaibigan. Hindi hadlang ang pagiging boss ni
Melanie at pagiging tauhan ni Monet.
Kakaunti na ang stocks nating aluminum, baka mabitin ang production, may pag-aalalang sabi
ni Melanie. Wala ba talaga tayong makuhanan na ibang source na hindi harang ang presyo?
Umiling si Monet. Special price kasi yung bigay sa akin ni Enrico non. Kasi nga raw ay hindi
kami pag-aari ni Don Pedro saka nagsisimula lang kamiSuper-galit nga kay Don Pedro
Nakasama pa pala ang pagbili namin sa kumpanya ninyo. Hindi ko naman alam kasi na si Enrico
Soler ang main supplier. Kasalanan ko rin, dapat sigurista ako, MonetNapatapat tayo sa
lalaking unreasonable.
May weakness si Enrico, Melanietiyak na magereconsider kapag binigay mo ang gusto. Kaya
lang, immoral makahulugang sabi ni Monet sa kaibigang amo.

IMMORAL? tanong ni Melanie kay Monet, inulit lang naman niya ang sabi ng tauhan-kaibigan na
si Enrico Soler ay may weakness na kung ibibigay ni Melanie ay malulutas ang problema nila.
Oo nga, Melanie, immoral as in Mahalay. Kuwan, kapalit ay makukuha natin tiyak ang aluminum
supply na kailangang-kailangan ng pabrika ni Don Pedro.
Napalunok si Melanie. Are you telling me na ang pinag-uusapan natin, na weakness ka mo ni
Enrico ay sex?
Sakto, Melanie. Napakahilig ng syota kong yon.
Ako angmagkakaloob sa kanya ng aking
Tumango si Monet. Oo nga, kahit pa masakit sa akin na may ibang makakasiping ang syota ko
payag na rin ako, malutas lang ang problema mo sa aluminum supply.

Napantastikuhan si Melanie. Babalik na naman siya sa pagpapa-slave kay Enrico sa sex para lang
makuha ang supply ng used aluminum?
Ang bagay na isinumpa na niyang hindi na ipagkakaloob kay Enrico her womanhood na pitong
beses niyang ipinaubaya sa binata bigla na namang ikokompromiso?
Dahil lang sa regular supply ng second-hand aluminum junks?
Hindi pa naman siya ganito kadesperate, alam ni Melanie.
Melanie, suggestion ko lang naman yonkung ayaw mo, well and good. At least ay hindi mo
ako sasaluhan sa akingman of my life, matapat na pahayag ni Monet sa kaibigang boss.
Isang tanong pa pala, friend wala bang sex appeal sa iyo ang syota ko? walang prenong sabi ni
Monet.
Napaigtad si Melanie sa tanong na iyon. Masasabi ba niya sa tauhan-kaibigan na pitong ulit
niyang kinamatayan ang sex appeal ni Enrico?
Naku, wala! Zero appeal siya sa akin, Monet! pagkakaila agad ni Melanie. Mamatay na ang
umamin.
Ganon? Pero akala ko pa naman ay nagka-crush ka?
Namula ka nung unang pagkikita ninyo sa junkshop, di ba? At ang syota ko namang mahilig ay
kaytagal na hinawakan ang iyong kamay!
Wala iyon, guniguni mo lang na akoy nag-blush. That Enrico Soler is not my type, Monet.
Natigilan si Monet. Nasisiguro mong hindi ka namantibo o lesbiana o t-bird, etsetera?
Sagot agad si Melanie. I told you babang-babae ako. Nagkataon lang na iba ang preference ko
sa guys.
NAGTAPAT kay Candida si Don Pedro; namangha ang ginang. Nagkaharap kayo face to face ni
Enrico pero hindi ka nakilala dahil nag-disguise ka, ha, Pete?
Oo nga. Sabi ko pay may sore eyes ako, kaya hindi makatingin nang diretso sa kanya. Naduwag
ako and I hate myself for that!
KABANATA 68
LALONG namangha si Candida nang malaman ang detalye ng ginawa ni Don Pedro para lang
makalapit sa anak na si Enrico.
Nagpedal ka ng tryke na may sidecar, Pete?
Oo, naka-disguise nga ako, mukhang pobre. Muntik na akong makilala ng anak ko, Candid.
Peronasiraan ka ng loob na magpakilala? Dahil baka ka isnabin ni Enrico? pagklaro ng
ginang.
Tumango ang don. Suplado nga iyon, super-galit sa akin. Hindi ako nakatitiyak na mapatawad
agad niya.
Umiral ang pride mo, Pete. Iyon ang totoo. Hindi pa rin matanggap ng sarili mo na ikaw ang
susuko sa iyong anak
Napabuntunghininga ang don. Parang ganon ngamamamatay yata akong napakataas ng
pride

Pero ang nakabibilib sa anak mo pumasok pala sa trabahong walang glamour at bilad sa araw.
Bukod sa madudungisan siya, dahil sabi moy siya mismo ang humaharap sa kliyente, iitim nga
siya at mawawalan ng class.
Ibinenta pala ang BMW, idinagdag sa ibinigay ko, para makabangonHindi na pala iresponsable
ang anak ko, Candid
Napabuntunghininga ang ginang na nanay ni Melanie. Nasampal ko siya dahil sa ginawa kay
Melanie. Pero he also deserves a pat at the back dahil kaya pala niyang bumaba sa lupa
Palagay mo, dapat ko na siyang lapitan bilang ako? Hindi na bilang nagpapanggap na mahirap
na namumulot ng basura?
Hinaplos ni Candida sa mukha ang asawang don. Pete, ang puso mo ang magdidikta sa iyo kung
ano ang dapat mong gawin bilang mabuting ama Follow your heart, darling.
AKALAIN bang ganon din ang payo ni Monet sa suliranin ng puso ni Melanie. Follow you heart,
kalimutan ang iba pa, Mel.
Umiling ang dalagang EVP ng Don Pedro Marquez Group of Companies kasali na ang
pinamamahalaang The Kitchen Ware Company. Minsan akong nagpakatanga sa pag-ibig, Monet.
Ayoko na
E sino nga ba ang lalaking labis mong minahal noon, ha, Mel? At bakit kayo hindi
nagkatuluyan?
Hindi masasabi ni Melanie ang masalimuot nilang relasyon ni Enrico. Na gaya ni Monet ay siya
ang labis na nagmahal sa binata, samantalang ito ay hindi naman nagpapahayag ng pag-ibig.
Umiling si Melanie. Akin na lang yon. Hindi ko ipinaaalam sa iba kung sino siya, Monet.
Hindi naman mas guwapo sa syota ko, ha, Mel? The most handsome si Enrico ko, promise.
Nakiayon na lang si Melanie.
Pero naglalaro sa isip niya ang immoral suggestion ni Monet na daanin niya sa ganda at pagkasexy si Enrico.

ANG gabing iyon, biglang may sumilid sa isip ni Enrico. Napabalikwas siya mula sa higaan.
Nasa bahay sila ng mommy niya; mas tamang sabihing nasa inuupahang apartment.
Holy cow! Gilalas si Enrico. Masyadong nakabibigla ang kanyang naisip. Napaglalangan ba ako
ng taong yon?
Ang amang si Don Pedro ang lumiligalig sa binata. Duda niyay pinagmukhang tanga siya nito.
Siya ba ang matandang namumulot ng basura na umanoy napurdoy sa negosyo?

Kaya ba hindi sanay sa tryke at marunong pang mag-ingles?


Kaya rin ba tabingi ang katwiran kumbakit namumulot ng basura? Hindi kasi kapanipaniwala ang
sabi nito na walang natira sa kabuhayan.
Ang negosyante ay nakagagawa ng paraan para makabangon kahit paano. Kung bumagsak ang
malaking negosyo, e di magsimula uli kahit maliit! Ganon yon, di ba?
Naalala niya ang pag-iwas nito na makipagtitigan sa kanya; umanoy may sore eyes at ayaw
makahawa.
Will he buy that? Paniniwalaan niya, tatanggaping katotohanan?
And the old mans voice, bakit paiba-iba ang tono? Na para bang kinukontrol nito?
Namula siya sa galit. Duda talaga niyay napaglaruan siya ng ama.
Pati ba ang pagtumbalelong ng tryke nitong de-padyak at may sidecar ng basura ay isang
palabas?
At siya namang nave at clueless ay sumaklolo agad nang makita itong napatilapon sa tambak
ng buhangin?
Putang am-. Malakas talaga ang kaba ni Enrico na ang ama ang nakaharap nang hindi niya
namalayan.
Salubong ang kanyang kilay nang madatnan ng ina sa salas. Enrico, anong problema mo?
Mommy, malakas ang duda ko na tinanga ako ning dati mong kabit. And I mean that man you
called my father.
Nagkainteres ang inang sosyal. Go on, nakikinig ako
Matindi ang kutob kong siya ang matandang nag-disguise na namumulot ng basura.
Sumemplang ang tryke niya at akong tanga ay lumapit at tinulungan siya
Hindi mo namukhaan?
Nag-disguise nga ho. Iniiwas ang mata dahil may sore eyes nga daw naniwala naman ako.
Nangati ang aking mata
SI MELANIE ay nasa harap ng salamin, panay ang sukat ng damit na sexy, aakitin si Enrico.
This time ay siya naman ang gagawin kong slave. Magmamakaawa siya sa akin na pagbigyan
ko
KABANATA 69
DESIDIDO nga si Melanie na kunin sa ibang paraan ang kailangang-kailangang aluminum supply
mula kay Enrico. Susundin niya ang tip ni Monet na kunin sa weakness ni Enrico ang deal.
Aakitin niya si Enrico pero this time ay hindi na siya magiging slave nito sa pag-ibig. Instead
babaligtarin niya ang dating sitwasyon. Siya ang mang-aalipin sa binata. Makukuha niya ang
aluminum deal at mapapaikot pa niya si Enrico.
Here she is, hindi magkandatuto sa pagsusukat ng mga seksing damit. She will play his game.
Napakahilig sa makamundong ligaya ang binatang nais pa rin niyang mahalin. Therefore ito
mismo ang gagawin niyang pain.

Beauty yata ako! Hindi ako matatanggihan ng Enricong yon! He used to adore my body!
Nakaharap siya sa tall mirror inside her room. Nakatatlong palit na siya ng damit na
nagpapatingkad sa kanyang sex appeal.
Hindi ako dapat ma-guilty. May purpose ang gagawin ko. Ayokong mabigo sa akin si Tito Pete.
Gusto kong magtagumpay ang The Kitchenware Company.
Napili niya ang bulaklaking chiffon dress na spaghetti strap at puwedeng i-windblown ang
maluwang na laylayan ng skirt.
Mahangin sa junkyard. Titiyempuhan niyang malakas ang hangin saka siya lalapit sa binata.
Nagpraktis pa siya sa harap ng salamin. Lakad na ala-fashion model; ngiting nakakaakit. Imbay
ng balakang na tila sunod sa tempo ng musika.
Hindi pa nagkasya, kumuha ng electric fan si Melanie at itinapat sa kanyang loose skirt. Sa
paglakad niya ay tinamaan ng malakas na hangin ng electric fan ang magaang-maluwang na
skirt ng damit niya.
Perfect! Kita ang nais niyang makita! Pero split second lang dahil ibinaba ko agad! She chose
red for her panties.
HINDI ipinaalam ni Melanie kay Monet ang plano. Walang babala siyang nagtungo sa junkshop ng
binatang galit kay Don Pedro.
Malakas ang hangin nang siya ay bumaba sa kanyang SUV. Anumang sandali ay inaasahan
niyang liliparin ang kanyang palda habang nakatingin si Enrico.
Pero halos sampung metro na lang siya sa binata ay saka naman ayaw humihip ang hangin!
Si Enrico ay kunot-noong nakatanaw sa kanya. Tila sinasabing narito ka na naman? Ayaw na
nga ba sa kanya ng lalaking ito?
Ayaw pa ring humihip ng malakas na hangin. Nanatiling nakatago ang kanyang red panties.
Gusto na yata niyang kusang ililis ang kanyang skirt. Pero alam niyang mapapansin ni Enrico ang
kanyang pagpipilit.
No way, basta siya ay lalapit sa binatang arogante at muling makikipag-usap. This time gagamit
na siya ng charm.
Nag-iisa ka, sinipa mo na ba si Monet? tanong ni Enrico.
Official business ang ipinunta ko rito, Mr. Soler. Walang kinalaman si Monet, matatag na sagot
ni Melanie.
M-Maganda ka ngayon. Sexybaka makalimot ako.

E-EXCUSE me? tarantang tanong ni Melanie kay Enrico. Hindi pa yata makapaniwala sa sabi ng
binata na siya ay labis na nakakaakit at baka ito ay makalimot.
Sabi ko, Melanieextra sexy ka, parang nais kong makalimot, nakangising ulit ni Enrico, may
malisyosong ngiti.
M-makalimot na paano? Na ikaw ay si Enrico Soler?
Makalimot sa kagandahang asalmapilitang angkinin
pagkababae

kang

muliI

mean

ang

iyong

Lihim na nagagalak si Melanie sa narinig. Patunay kasi ito na naakit na nga niyang muli ang
lalaking ito. Kahit hindi inilipad ng malakas na hangin ang maluwang na laylayan ng kanyang
dress; kahit pa hindi siya nakitaan nito ng red panties.
Nagtawa si Melanie, pauyam. Masaya ka. Inaakala mo pa ring ako ang dati mong alipin, ha?
Why not? Minsan na kitang naging sex slave, lady, bakit naman hindi mauulit? Ikaw pa rin ang
babaing uhaw sa mga bisig ko, dont lie.
Mr. Soler, naparito ako para isara na ang ating deal.
Deal? What deal?
Na kami na ang muli mong regular na susuplayan ng lahat mong used aluminum
Napatanga sa kanya si Enrico. Nananaginip ka ba? Wala tayong deal. I told you last time na
Never akong magsusuplay sa inyo ng aking aluminum. You are totally disoriented, Melanie. Nasa
influence ka ba ng hallucinating drugs?
Nagpakahinahon si Melanie. Hindi nalingid sa kanya ang pasulyap na hagod ng mga mata ni
Enrico sa kanyang upper torso.
Lalo naman niyang iniliyad ang mga dibdib; hangad niyang magdusa sa panggigigil ang lalaking
ito.
Tatanggi ka sa palay na premium brand? sabi niyang taas-noo, makahulugan ang ngiti.
What premium brand? Anong palay?
Palay na buhay at nagbibigay-sigla sa lalaking mahilig. Kung hindi mo pa rin nakuha ay bobo
ka.
Napalunok si Enrico. Bagong paligo pa naman siya. Y-You meanpayag kangmagkaloob?
If the deal is right, malay mo? halos bulong ni Melanie, sabay hatak-pataas sa kanyang loose
hemline
Sansaglit na nakita ng binata ang red panties.
Holy bastard shit! Sex nga ang pinag-uusapan natin! manghang sabi ng binatang may
junkshop. Ikaw ang palay na premium quality!
Ibalik mo ang aluminum supply namin and get a chance to take me into your room, Enrico
Soler! Deal or No Deal?
KABANATA 70
NAG-REPLAY sa utak ni Enrico ang sabi ni Melanie na ito ay posible niyang madala sa bedroom
kung siya, si Enrico, ay ibabalik ang regular supply ng used aluminum sa kumpanya ng dalaga.
Well, Enrico Soler Deal or No Deal? ulit ni Melanie.
Naalala ng binata ang panunukso kanina ni Melanie; nagpakita ito ng konting-konting bahagi ng
red panties, sa loob ng suot na dress!
Parang tinutukso ng sandamukal na demonyo si Enrico, bubug-bubog ang pawis sa pagnanasa.
Alam ba ng dalagang ito na he missed her so much sa nagdaang dalawang taon?
Na ang alindog ni Monet ay hindi makapapantay sa kariktan nito?

Tama ang sabi ni Melanie tungkol sa sarili na ito ay premium brand ng palay! Napakahirap
tanggihan ng manok!
P-paano naman ako makatitiyak na tutupad ka sa usapan?
Ang sabi ko ay magkakaroon ka pa lang ng chance to take me into your room, sakaling may
Deal na tayo. I didnt say iyon na nga ang mangyayari, pagklaro ng dalaga.
Holy bastard shit, pinahihirapan mo ako!
Dapat paghirapan ang bagay na katakam-takam, Mr. Soler!
Halimbawang its a Deal, whats next, Melanie? napapalunok na tanong ni Enrico, minsan pang
sinulyapan ang kabuuan ng dalaga.
You have to convince that youll be a good lover.
Saglit na nag-isip ang binatang may junkshop. One-sided namang masyado, parang wala akong
kapanapanalo.
Mr. Soler, ang umaayaw ay hindi nagwawagi; ang nagwawagi ay hindi umaayaw!
Manuel Uy, sweepstakes ticket dealer slogan, Circa 1950!
Wow! Alam mo pala? Akoy narinig ko lang sa mommy ko.
Mahilig sa radio commercial ang lola ko, sabi naman ni Enrico. But we are getting out of the
issue. How can I convince you that Ill be a good lover, Melanie?
Simple langideklara mong you are my slave, sabi ni Melanie, I mean, slave of love.
Napantastikuhan ang binata. Babaligtarin mo ang sitwasyon, ha, Melanie? Noon ay ikaw ang
aking sex slave! Ngayon ay ako ang gagawin mongalipin ng pag-ibig?
Deal or No Deal, Mr. Soler? matatag na tanong ng dalaga.
Deal! Sa inyo nang muli ang regular supply ng aluminum ko!
Bravo! Now profess your love for me, Enrico! Sambahin mo ako! Say it loud! sabi-utos ni
Melanie.
He smells her scent. Tupok na ng init ang kanyang pagkalalaki.
Larawan si Enrico ng mabangis na tigre na sa isang iglap ay naging maamong kuting.
Sinasamba kita, Melanie

SAY it again, Enrico! utos ni Melanie, nais malunod ang puso sa kaligayahan. Imagine
napasunod niya ang binatang arogante. Sinasamba daw siya! At sinabi ito ni Enrico habang
nakaluhod ang isang paa at hawak ang kamay niya!
Sinasamba kita, Melanieoh, jeez, I really do! I adore you no end!
Nais kiligin ang buong katauhan ni Melanie. Dapat ay nairekord niya sa celfone ang sinabi ni
Enrico. Kaso ay wala siyang load this very minute.

This is one great moment na sana ay documented. Pero hindi nga nakisama ang pagkakataon.
Mula sa pagsamba ay nais patunayan ni Enrico ang pagmamahal sa dalaga. Melanie, lets hug
and kiss. Im dying to make love to you
Pinamulahan ng mukha si Melanie, salag agad. Masaya ka! Sa akala mo, bibigay agad ako? Just
like that?
Pero may Deal na tayo. Kayo na uli ang regular kong susuplayan ng aluminum
Nagpapakahinahon ang binata. Alam na hindi dapat ma-upset sa kanya ang kanyang
sinasamba.
Pag-aaralan ko pa kung magiging karapat-dapat kang slave of love. Maghintay ka ng ilang
araw, matatag sa sabi ni Melanie.
Pero, my lovemamatay-matay na ako sa pananabik
Maligo ka, init lang yan.
Melanie naman
Enough, slave. Ayokong kinukulit mo ako. Pinandilatan ni Melanie si Enrico. Ang binata ay
napabuntunghininga.
Amazing! Sa isang kumpas nga ba ng kapalaran ay biglang nabago ang kalagayan nina Melanie
at Enrico?
Ang dating alipin ni Enrico ay siya nang naging reyna ng binata?
Maging si Enrico ay nais mapantastikuhan sa nangyari. Dahil lang ba sa labis niyang
paghahangad kay Melanie ay handa na niyang isuko ang pagkatao? Ang kanyang pride?
Pumayag nga ba siyang maging alipin sa pag-ibig? Baka mas tamang sabihing siya ay alipin ng
pagnanasa? Ng kamunduhan?
Pervert na ba siya? Nagpaseksi lang si Melanie ay nais nang mabaliw? Ibibigay ang lahat
maangkin lang muli ang dating nagpapaubayang dalaga?
Ipahahanda ko agad ang kontrata, Enrico. Legal ang gagawin nating usapan. Regular kaming
tatanggap ng used aluminum mula sa iyo. Assured ang pabrika namin ng supply.
Kahit walang kontrata ay paninindigan ko ang pangako sa iyo, Melanie. Trust me, okay?
Halika doon sa medyo tago, walang ngiting sabi ni Melanie.
Sabik namang sumunod ang binata kahit may tanong. Bakit?
Kiss my feet, Enrico. Ngayon na.
KABANATA 71
KISS my feet, slave! Inulit ni Melanie ang utos sa binatang baliw na baliw na sa kanya. Nakaupo
siya sa antigong upuan sa medyo tagong bahagi ng junkshop ni Enrico.
Si Enrico ay nginig pang hinawakan ang paa ni Melanie, buong pagsambang hinalikan ito.
Masuyong halik na puno ng init at pagmamahal. Nakapikit pa si Enrico sa kadakilaan ng mga
sandaling iyon.
Ah, this guy is really conquered, vanquished. Tuluyan nang nasakop ni Melanie ang puso ni
Enrico.
Alipin na nga niya ito sa pag-ibig.

Puwera na lang kung bigla itong matauhan, mauntog sa katotohanan na ito pala ay pinaglalaruan
na ni Malanie.
Dalawang paa ni Melanie ang halinhinang hinalikan ni Enrico nang buong init at pagmamahal.
Kilig na kilig na ang buong katauhan ng dalaga.
Ninanamnam ni Melanie ang tagumpay. Ang dati niyang Hari ay siya niya ngayong alipin; Siya na
ang Reyna nito.
Pero ang kilig ay nagdudulot din ng pagkabuhay ng pagnanasa. Dama ni Melanie na pati sa
kanyang pagkababae ay umaabot na ang masarap na pakiramdam. Nais niyang mapasinghap.
Ang pilyong kamay ni Enrico ay hinaplos ang kanyang binti, tuloy sa itaas ng tuhod.
Napaigtad ang dalaga. Sisigaw na ba siya? Tama na? Stop na? Enough na?
Wala namang lumabas sa kanyang bibig. Nayakap na siya ni Enrico kahit siya ay nakaupo.
Sumunod niyang namalayan ay nakayakap na rin siya sa kanyang slave, handa nang magbigay
ang mga labi.
He did kiss her. Nagsimula sa tender caress sa kanyang lower and upper lips. Nang tumagal ay
naging mainit na ang paglalapat ng mga labi.
Napapikit si Melanie. Nadinig niya ang mahinang ungol ng kasiyahan.
Siya na pala iyon. That faint moan comes from her.
Inaapuhap na ni Enrico ang strap ng kanyang b-r-a, may pagmamadali, dama ang
pangangailangan.
. Boss Enrico? Boss? Where are you? Biglang dumating ang katulong ni Enrico sa junkshopsi
Pol.
Natauhan si Melanie. Itinulak si Enrico. Enough!
Ay, may kasama ka pala, b-boss. Sorry, wrong entry napapakamot ng ulong sabi ng bata
pang katulong.
Lihim namang nagpasalamat si Melanie sa pagdating ni Pol. Muntik na talaga siyang nakuha na
naman ni Enrico.
Umalis agad siya, hindi na nagpaalam kay Enrico.

NAIS na yatang matunaw ni Melanie sa kahihiyan sa sarili. Imagine kung di pa dumating ang boy
ni Enrico ay natangay na sana siya ng kapusukan?
Muntik na namang nabaligtad ang kanilang kalagayan sa halip na si Enrico na ang kanyang alipin
at siya ang Reyna ay ang opposite ang magaganap? Si Enrico na naman ang magiging kanyang
Hari at siya ang alipin?
Napailing ang dalaga. Lalo niyang binilisan ang paglayo sa junkshop, pabalik sa kanyang SUV.
Melanie, sandali! tawag ng binata, sinundan siya.

Itinaas niya ang noo, saka pasupladang hinarap ang itinuturing na alipin. What is it?
My fatherhe tried to trick me.
Napaunat si Melanie. Ha? Paano?
Actually na-trick na niya ako. Nakaharap ko siya at nakaalis nang hindi ko nahalata. Nakadisguise ang stepfather mong takot sa katotohanan.
Halata sa tono ng binata ang pagkadismaya; walang taong nais matanga ng kapwa, laluna ng
kinasusuklamang ama.
Namangha si Melanie. Si Tito Pete, nakapunta rito?
Dinescribe ni Enrico ang balatkayo ng multi-milyonaryong ama.
Nakasumbrerong balanggot, nakasalamin pero ayaw tumingin sa akin dahil may sore yes daw
nakamaruming damit, sirang rubber shoes, nagpepedal ng tryke na may sidecar, pambasura
Hindi makapaniwala ang dalaga. And you were not able to recognize him? Your very own
father?
Meron siyang false mustache, nadulas lang mag-Inglesgaya ko. Nagkagulatan kami. Pero
ayaw nga niyang makipagtitigan, kaya nakalusot.
The eyes have it, makikilala ko siya kung di umiwas, Melanie.
But why? I mean bakit ka niya pupuntahan dito? Yun pala ay magtatago lang ng identity?
Nagkibit-balikat ang binata. Search me. Your guess is as good as mine. Akala ko ngay alam
mo
Napilitang magbida nang kaunti si Melanie. I was the one who told him about your current
situation. Nais sigurong patunayan ng sarili niyang mga mata
Nagngitngit si Enrico. Ngayon ba ay nagtatawa na naman siya sa akin? Minamaliit ang ginawa
ko?
Wala ako sa posisyong manghula ng motibo niya. Gusto mong tanungin ko?
No, huwag na huwag. Hindi ako intresado. Kulang pa ang pambayad ko sa perang ipinahiram
niya sa akin
Muling nagsuplada ang dalaga.
nakipagyakapan ako sa iyo, slave.

I must go now.

Kalimutan

mong nakipaghalikan

at

Hinabol na lang ng tanaw ni Enrico ang dalagang umaalipin sa kanya ang kagandahan.
KABANATA 72
PAKIRAMDAM ni Melanie ay may nabuksan na namang gripo ng pagnanasa sa kanyang katauhan.
Matindi ang epekto ng halikan at yakapan nila ni Enrico. Kaytagal na niyang nakontrol ang
'gripo', halos dalawang taon siyang nakatiis. Iyon naman pala ay muling mabubuksan sa loob
lamang ng ilang segundong paglalapat ng mga labi!
Siya pa naman ay nagdeklara nang Reyna ni Enrico. At ang binatang ito ay napapayag niyang
maging slave, alipin ng pagnanasa sa kanya.
Kundi pala siya mag-iingat nang husto ay mababaligtad ngang muli ang kanilang role,
naunawaan ni Melanie.

Pero paano ba ang pag-alipin sa lalaking ang hangad nga sa kanya ay ang kanyang pagkababae?
Hanggang kailan niya idedelay ang pagbibigay, ang pagpapaubaya sa makamundo nitong
paghahangad?
Siya ay handang muling ibigin si Enrico hanggang sa huling pintig ng kanyang puso. Lalo pa nga
at napatunayan na niyang si Enrico ay may kakayahan nang tumayo sa sariling paa; hindi na
aasa sa amang multi-milyonaryo.
Puwede ba silang maging mag-asawa ni Enrico kung siya lang ang umiibig at si Enrico ay
naghahangad lamang?
Madilim pa rin pala ang future nila ng binata, na-realize ni Melanie.
Nakarating na pala siya sa bagong tatag na pabrika ang The Kitchen Ware Company nang halos
hindi niya namalayan.
Sumalubong sa kanya ang kaibigan-tauhang si Monet. Melanie, I mean, Mam paubos na ho ang
stock natin ng raw material...siguro ay babrasuhin ko na si Enrico! I don't think makakaya n'yong
gawin ang payo ko. No offense meant...
Monet, relax ka lang...napapayag ko na si Enrico Soler. Pipirmahan na niya ang kontrata na tayo
ay muli niyang susuplayan ng used aluminum.
Ha? I mean--ho, mam? Talaga?
Biglang nataranta nang lihim si Melanie. Si Monet nga pala ang current girlfriend ni Enrico at ang
dalagang ito ay labis na umiibig kay Enrico. Masasabi ba niyang napapayag na niya ang binata
dahil 'inaswang' niya?
Iyon naman ang nangyari, inakit niya si Enrico, ginawang slave of love. No, mas tamang sabihing
slave of desire. Kung gayo'y inagaw niya ang atensiyon nito at pagnanasa kay Monet.
Masasabi nga ba niya kay Monet ang masakit na katotohanan? Na siya, in a way, ay nagtaksil sa
kaibigan-tauhan?
Kapwa babae pa naman sila ni Monet. Tapat itong naglilingkod sa kanya. Ngayon, sa ngalan ng
negosyo ay inagawan niya ito ng mahalagang bagay?
Mam Melanie, is something wrong? Hindi ba totoong napapayag n'yo na si Enrico? Nam-bluff
lang ba kayo?
Sa loob ng opisina ay pormal ang tawag ni Monet kay Melanie. Ang huli ay nag-iisip ng isasagot.
Nakaisip naman. Talagang napapayag ko si Enrico, Monet. Kuwan...mabait naman pala. Nakuha
ko sa debate.
Nakuha niya si Enrico sa pagpapakita niya rito ng kanyang red panties, sealed with a kiss and a
hug sumbat ng kunsensiya ni Melanie.

WOW naman, Mam Melanie, ang galing mo palang negotiator! Paano mo napa-oo sa deal ang
suplado kong siyota? Si Enrico ay hindi basta nagpapauto sa babae! mahabang dayalog ni
Monet sa kaibigan-boss.
Kailangang magsinungaling ni Melanie. Hindi niya kayang sabihin kay Monet ang katotohanan.
Itatago niya ang pang-aakit niya kay Enrico.

Hindi niya ipapaalam sa kaibigan-tauhan na ang itinuturing nitong boyfriend ay sansaglit na


pinakitaan niya ng panties. Na pinaasa niya itong madadala siya sa bedroom kung ito ay
makikipag-deal sa used aluminum.
Hindi rin niya sasabihing inutusan niya si Enrico na ideklara ang pagsamba sa kanya, na ginawa
naman ng binata.
Itatago niya ang kanilang mainit na halikan at yakapan, na muntik nang humantong sa bawal
kung hindi dumating ang boy nito.
Lalong hindi niya ipaaalam kay Monet na sila ni Enrico Soler ay may mainit na nakaraan; na siya
ay baliw na nagpaalipin kay Enrico, isinuko ang pagkababae nang pitong ulit bago natauhan.
Mam? Hello?
Ohkuwan, wala siguro akong sex appeal sa kanya, Monet. Kaya nakuha ko siya sa matalinong
pakiusap without any sex involved.
Hindi pa rin makapaniwala si Monet. Ang siyota kong super-hot, hindi man lang umiskor sa iyo,
Mam? Napakalakas ng sex appeal mo!
Gustong isigaw ni Melanie ang tagumpay sa binatang dating umalipin sa kanya. Nais niyang
ibulalas kay Monet na siya na ang Reyna ni Enrico Soler! The arrogant bastard is now her slave!
Dudang nakatingin sa kanya si Monet. May inedit ka ba, Mam Melanie? Sanitized version ba ang
ikinuwento mo sa akin?
Dinaan niya sa tawa si Monet. Loka, ikaw lang ang fantasy ni Enrico sa kasalukuyan. Talian mo
na para hindi magwala.
Hanggang puson lang ako ni Enrico, mam. Hindi marunong magmahal ang lalaking yon.
Natigilan si Melanie. Nais niyang segundahan ang sinabi ni Monet. Kilalang-kilala niya ang
binatang nasa kanilang pagitan ngayon. Hindi nga ito nagmahal kailanman. Ang nananaig dito
lagi, pagdating sa babae, ay ang pangangailangan ng pagkalalake.
And you still love him, Monet?
Tumango ang tauhan-kaibigan. Hibang ako sa pag-ibigwalang magagawa. Forever na ako kay
Enrico, kahit pa wala akong kasiguruhan.
Kung di pa nag-ring ang hotline ng opisina ay hindi pa sana matatapos ang usapan ng dalawang
dalaga. Mamaya na natin ituloy, Monet, after office hours.
SI ENRICO ay hindi rin makapaniwala. Paanong nangyari yon? Ako ay umiibig na kay Melanie!
Im madly in love with her! At nais ko siyang maging legal wife!
KABANATA 73
UMIIBIG na nang husto kay Melanie si Enrico. Hindi na lang ang katawan ng dalaga ang nais
niyang maangkin; gusto niya itong maging legal na asawa, alukin ng kasal sa simbahan.
Hindi niya pansin ang kanina pa nakatanga-naghihintay na mga batang yagit, nais magbenta ng
junks na nasa sako.
Tuloy ang takbo ng isip ng binatang trabahador ng sariling junkshop. Wala akong pakialam na
siya ay ginawang EVP ng tatay kong super-yaman. Kapag pumayag pakasal sa akin si Melanie ay
ako ang bubuhay sa kanya hindi ang pera ng aking ama!

Parang naulit ang eksena noon na may mga batang naghihintay kay Enrico. Ang kaibahan lang
noon, si Enrico ay natutulog.
Ngayoy gising ang binata pero lumilipad ang diwa sa babaing pinakamamahal. Sa simbahan sa
Intramuros kami pakakasal.
Doon na rin ang reception. Ipagagawa ko si Melanie ng wedding gown na likha ng sikat na
couturier! Aarkila ako ng Mercedes Benz para sa aming wedding car!
Kukunin ko si Vicki Belo bilang principal sponsor! Pati si Vice-President Binay at si Robert
Jaworski!
Si Sarah Geronimo ang wedding singer! Ipakakanta ko ang favorite songs ko-- Hawaiian
Wedding Song saka Baleleng!
Nagkakatinginan ang mga batang yagit. Hindi nila maintindihan kumbakit napapangiti sa sarili
ang guwapong lalake habang bubulung-bulong. Nalipasan kaya ito ng gutom?
Kinalabit na siya sa braso ng batang lalaki. Boss, eskyus pomagbebenta po kami
May pandesal pa po ba saka gatas? dagdag ng dalawang batang babae, mga payat din gaya
ng batang lalaki, mga gutom.
Naputol ang daloy ng isip ni Enrico pero hindi siya nainis. Awa ang muling nanaig sa kanya para
sa mga yagit ng lansangan.
Pol! Pandesal at gatas! Ngayon na! sigaw niya sa tauhang binatilyo. Tiyakin mong walang
langgam ang tinapay at hindi panis ang gatas!
Opo, Ser Enrico! Hoy, mga bata dito tayo! Dito!
DINNER time. Magkakasalo sina Don Pedro, Candida at Melanie. Exclusive section ng isang 5-star
restaurant.
Gusto ko lang ibalita, Tito Pete, Mommy, wala na akong problema sa murang supply ng used
aluminum. Nakipag-deal na sa akin si Enrico Soler.
Muntik masamid ang don; si Candida ay natigilan. Pareho sila ng naisip agad: Ano kaya ang
naging kapalit ng pagpayag ng arrogant bastard something indecent?
Pero naunahan sila ng kuwento ng dalaga. Tito Pete, buking ka na ni Enrico. Natiyak na niyang
ikaw ang old man na may sore eyes at nagpanggap na namumulot ng scrap.

NASAMID na nga si Don Pedro sa ibinalita ni Melanie.. Imagine, nabuking na raw siya ng anak na
si Enrico; alam na nitong siya ang matandang may 'sore eyes' kuno at nagkukunwaring
magbabasura. A-Are you sure, iha?
Tumango ang dalaga. Yes, Tito Pete. Iyon ang sabi sa akin ni Enrico. Akala pa nga ay alam ko. I
was actually surprised na you went into all that trouble, sir.
Napabuntunghininga ang amang nagtatago. Malamang na may kinalaman ang edad ko sa aking
mga ginagawa, Melanie, Candida. Nasa last leg na ako ng aking buhay... Nais kong mamatay na
tahimik, nasa ayos na ang lahat.

Kinilabutan si Candida. Pete naman, walang ganyanan. You are not that old. Kaedad lang tayo
nina Nora Aunor at Vilma Santos. Bata pa tayo sa Apo Hiking Society at sa The Beatles. Carlo
Caparas and GMA and Bill Clinton are even older than us.
Oo nga naman ho, Tito Pete. Besides makisig pa kayo and you don't look your age. Papasa pa
kayong late 40s, trust me, segunda ni Melanie sa sinabi ng ina.
Ngumiti ang don, napailing. Ewan ko ba...at my age parang kaytagal-tagal ko na sa mundo. Para
bang jurassic na ako...
Hindi ka pa mamamatay, not in a long time, Pete. Stop it. Iba na lang ang pag-usapan natin,
okay? sabi ni Candida, may halong pakiusap.
Pero gusto ko pa ring malaman ang saktong palagay ni Enrico, ganitong nabuking niyang ako
'yung matandang nagbalatkayong mahirap. Melanie, please elaborate. Galit na galit ba siya...?
Opo, Tito Pete. Kasi raw po ay natanga ninyo siya. Naghahanap po siya ng motibo. Ang naisip
niya pinagtatawanan ninyo ang kanyang sinapit. Lalong natanim daw sa inyo na siya ay born
loser.
Napailing ang don. Hindi totoo, iha. That is farthest from the truth. Hinahangaan ko na siya sa
kanyang pagsisikap. Suddenly ay naging responsible siya, hindi na ang iresponsable kong anak;
lalong hindi na ang 'arrogant bastard' na ikinhihiya ko noon.
Nagkatinginan sina Candida at Melanie. Mangha sila sa 'confession' ng don. Akalain ba nilang
may pusong mamon din pala ito sa anak na kaytagal kinamuhian?
Pete, ano pa ang hinihintay mo?
Ano'ng ibig mong sabihin, Candid?
Go to him! Tell him you are now proud of him!
Napalunok ang don. K-Kaya ba ng...aking pride?
Kasingtaas nga pala ng Mount Everest ang pride ng kanyang asawa, narealize ni Candida. Si
Melanie ay tahimik na nag-aanalisa.
Linsyak na pride 'yan, Pete. Dapat mo nang ibaba 'yan.
Pinipilit ko nga. Ako mismo ay nasusuklam sa kataasan ko. Alam kong this is no longer healthy,
Candid.
Wait, may nais pala akong itanong dito kay Melanie, biglang sabi ni Candida.
Kinabahan naman si Melanie. Halos alam niya ang uusisain ng ina.
On na naman ba kayo ni Enrico, ha, Melanie?
Tanggi agad si Melanie. Hindi po, Mommy. Girlfriend ni Enrico ang aking assistant na si Monet.
Wala akong planong makigulo sa kanilang love affair.
Pero mahal na mahal mo pa rin si Enrico?
Napalunok si Melanie. Masasabi ba niya sa ina na mamahalin niya si Enrico hanggang sa huling
pintig ng kanyang puso?
KABANATA 74
MELANIE, answer me, anak mahal mo pa rin ba si Enrico?
Paiwas ang sagot ng dalaga. I told you, Mommy, may girlfriend for 2 years now si Enrico.
Imposibleng makigulo ako.

Mali ang sagot mo, anak. Ang tanong ko kung mahal mo pa rin si Enrico despite all his faults
and shortcomings?
Napatingin kay Don Pedro si Melanie. Kaya ba niyang sabihin sa harap ng ama ni Enrico at sa
mommy niya ang tunay na laman ng kanyang dibdib? Na mamahalin nga niya si Enrico
hanggang sa huling pintig ng kanyang puso?
Kahit pa hindi sila magkatuluyan nito?
Iha, hindi ako dapat makaimpluwensiya sa anumang sagot mo. Tatay lang ako ni Enrico. Feel
free to voice your feelings.
P-pribado ko na po iyon, Tito Pete, Mommy. Ako na lang po ang dapat makaalam sa damdamin
ko pagdating sa pag-ibig.
Nagkatinginan ang stepdad at ang mommy.
Very well, anak, hari ka ng iyong kalooban. Ikaw naman ang magpapasya talaga. Its your life
and happiness, anyway.
Pero nais ko lang ipaunawa na malaki na ang ipinagbago ni Enrico Soler when it comes to
character. Hindi na siya ang dating mayabang na mayaman na laging lulan ng kanyang BMW,
walang alam, walang pakialam sa takbo ng mundo.
Si Enrico Soler po, Tito Pete, Mommy, ay nagtitiyagang mabilad sa init ng araw, hindi alintana
kung siya ba ay iitimmaitim na siya, actually.
Sunog sa arawSi Enrico po ay 100 percent nang responsible, nagsisikap bumangon sa
kahirapan, matulungin sa mahihirap laluna sa mga batang yagit. Pati nga mga asong gala ay
pinakakain niya
Whoa, iha! Ako kanina ay umamin na na Im proud of my son! Sabi nga ng mommy mo, nitong
si Candid, ay oras na para ibaba ko ang aking pride; to be at peace with my only son!
Anak, nakita na namin ni Pete ang point mo. Karapatdapat nang mahalin ang lalaking dating
nang-api sa iyo sa pag-ibig
May hanging question pa kami ng mommy mo, iha ano ang hininging kapalit ni Enrico para
mapapayag mo sa aluminum deal? kyuryosong tanong ni Don Pedro. I know my sonhindi
basta nagpapauto yon. Laluna at alam kong nagalit siya dahil ikaw ang ginawa kong EVP ko itsapuwera siya kahit anak ko siya
Anakconcerned lang naman kami ni Tito Petebaka naman ikaw ang nasa losing end, ang
agrabyado
Maniniwala po ba kayo na biglang nabago ang sitwasyon? Ako na po ang kanyang Reyna.
Dineklara niyang sinasamba niya ako at siya ay aking alipin!
Mangha sina Candida at Don Pedro sa sabi ni Melanie.

HINDI makapaniwala sina Don Pedro at Candida sa ihinayag ni Melanie kaugnay si Enrico.

Itinuturing ka nang Reyna ni Enrico, anak? Hindi ka na niya busabos sa pag-ibig? Inulit ni
Candida ang sabi ni Melanie.
Atsinabi pang ikaw ay kanyang sinasamba,
napapantastikuhan sa turn of events. My son?

iha?

paniniguro

din

ni

Don

Pedro,

May pagmamalaking tumango si Melanie. Opo. Literally ay sinusunod niya ang utos ko
Pero hindi sasabihin ni Melanie na kapag yakap na siya at hinahagkan ni Enrico ay siya na naman
ang nais maging alipin ng binata.
Amazing! komento ni Don Pedro. Puwede palang paamuin ng babae ang anak ko!
Itoy tagumpay ng kababaihan, Melanie. Mabibilang sa daliri ang mga ganitong pangyayari
tungkol sa pag-ibig!
Nag-blush si Melanie. H-Hindi ko naman po sinabing kaugnay ito sa pag-ibig, Mommy. What I
said is that there is a reversal of fortune, sort of.
Muling nagkatinginan sina Don Pedro at Candida. Nababasa nila ang damdamin ni Melanie.
The lady is definitely in love!
Gayunmay may duda bilang ina si Candida. What if the guy is just out to fool Melanie again?
Paano kung pinadadama lang ang kanyang dalaga para paghigantihan? Imposibleng hindi
nagtanim ng galit kay Melanie si Enrico sa pagkakahirang ng dalaga bilang EVP ng lahat ng
business concerns ni Don Pedro.
Paano kung si Melanie na naman ang maisahan ni Enrico? Paano kung sa susunod na
pagkakataon ay iwan nang luhaan at buntis si Melanie?
Melanie, anakhuwag basta magtitiwala. May history na siya ng panglalamang sa iyo, baka
nalimutan mo?
Napaigtad si Don Pedro sa sabi ni Candida. Bilang ama ni Enrico ay nasaktan ang don, siyempre.
Candida naman, anak ko yung pinipintasan mo
Pete, nagpapaalala lang ako sa aking dalaga. Vulnerable si Melanie sa pag-ibig. Kapag umibig
itoy todo-todo, bigay lahat. Hindi na nakapag-iisip. Paano kung mabuntis, yun pala ay iiwan lang
sa kangkungan kakawawaain lang pala?
You are prejudging my son, Candid. Posible rin kasing talagang sinasamba na niya si Melanie.
Which means Enrico loves your daughter very much, mahabang salag ng don, halatang
napipikon.
Huwag po tayong mauna sa pangyayari. Kasinglabo po ng Ilog-Pasig na kami ay
magkakatuluyan ni Enrico Soler. Inuuto ko lang po siya bilang ganti sa pang-aapi niya sa akin
noon.
Lalong napakunot-noo ang don. Hindi matanggap na tatangahin lang ni Melanie si Enrico.
KABANATA 75
SUMAMA lalo ang loob ni Don Pedro sa pahayag ni Melanie tatangahin lang daw ng dalaga ang
pagkahaling dito ngayon ni Enrico.
Bilang ama ni Enrico ay masakit ito sa kalooban ng don.

Lalo pa nga at nauna rito, sinabi naman ni Candida na hindi dapat magpatangay kay Enrico si
Melanie, dahil baka gagantihan lang ito ng binata bubuntisin na at iiwanang luhaan.
Kung gayoy kontra pala sa kanyang binata ang kanyang misis at ang stepdaughter niya? Wala
na palang tiwala kay Enrico ang mag-inang itinuturing na niyang kapamilya at kapuso?
This is so unfair. You two are hurting me so much. You are both insensitive. Hindi nyo na
inalagata na ako ang ama ng lalaking pinipintasan at minamaliit ninyo?
Parehong napaigtad sina Candida at Melanie. Saka na-realize na nakasakit nga pala sila ng
damdamin.
Pete, w-wala namang personalanmay history of bad behavior si Enrico Si Melanie ang
napingasan noon nang husto
Tito Pete, k-kuwan poExaggerated ang sabi ko natatangahin si Enrico. What I actually mean
po ayidededma ko ang panunuyo niya, bawi agad ni Melanie sa stepdad at boss sa corporate
world.
Pete, iba ka naman sa anak mo. I respect you so much. Napakabait mong tao
Tito Pete, actually ay ikaw ang naging hamon para maging responsible sa buhay si Enrico
Gusto niyang makaabot sa standard mo
Umiling ang don. Dont patronize me, guys. Marami rin akong mantsa. Anak ko sa labas si
Enrico, baka nalimutan ninyo?
Pete, basta huwag ka na bang magtampo sa aming mag-inaSeparate entity si Enrico sa iyo.
Nakikiusap si Candida.
Bumuntunghininga si Don Pedro. Bakit nga ba ako nasasaktan e may basis naman kayo? Hindi
nga pala santo ang anak ko
HINDI nga santo sa kabaitan si Enrico. Sa harap ng tukso ay kaydaling bumigay. Monet
huwag Uhaw ako ngayon, tiyak na maaagrabyado ka na naman
Si Monet ay dumalaw kay Enrico sa bahay nito; tiniyempuhan na wala doon ang mommy ng
binata.
At matinding manukso ang dalaga. Naghubad ng damit parang stripteaser. Unti-unting
nagtanggal ng mga saplot.
Si Enrico na ilang araw nang nag-a-abstain sa sex dahil gustong maging loyal kay Melanie ay
para nang gutom na marino, nais silain ang unang babaing maghahandog ng glorya.
Ihinagis ni Monet sa harap ni Enrico ang huling pang-ibabang saplot her string bikini! Talop na
talop na ang pilya!
Come to me, lover boy! Lundagin mo, baby

MONET halos bulong ni Enrico sa hubot hubad nang dalaga. Paano ba niya iiwasan ang
maganda at seksing babae na laging handang magbigay sa kanyang pangangailangan bilang
lalake?

Lalo pa nga at ngayoy uhaw na toro ang katulad ni Enrico. Naghahanap ng maiinumang batis.
Si Monet ang batis na may malinaw na tubig. Tinabihan na niya ang dalagang walang saplot
kahit kapiraso.
This is wrong, ikaw ang talo
Umiling si Monet. Ako ay tea cup na handang sumahod, Enrico. Ikaw ang tea kettle na
magsasalin. Sa ating dalawa ay ikaw ang mababawasan. Kung gayoy ikaw angmanghihina
pagkatapos; ako ay mapupuno, sisigla.
Sisigla rin ako kahit mababawasan, nakangiting bulong ni Enrico, tuluyan nang hinaplos ang
mga dapat haplusin; hinawakan ang nais hawakan.
Napaigtad si Monet. Napapikit at napaungol.
Saglit pa ay nasa mainit na silang bahagi ng romansa. Nais sumalit ang babaing tunay na mahal
ni Enrico.
P-pasensiya na, my love. Dala lang ito ng pangangailangan
Buong akala naman ni Monet ay siya ang tinutukoy na my love ni Enrico, lalo pa tuloy naging
mainit at mapagbigay. Panay ang bulong sa binatang katalik. Just do it, lover boy.
Init lang ito, my love. Ang tunay na pag-ibig ko ay sa iyo lamang parang baliw na bulong ng
binata, palapit na sa point of no return.
Naguluhan na si Monet, nagduda. A-Ako ba ang kinakausap mo?
Ungol ang naging tugon ni Enrico. Ilang saglit pa ay tahimik na siya, nakaraos na.
Hindi rin nagtagal at naginhawahan na rin si Monet; pinaalpas na ang pagnanasa sa lalaking
minamahal kahit hindi nagmamahal.
Saka lamang nakapagtanong si Monet. Nakahimlay na sila sa kama, magkatabing nakahiga.
Sino ang kinakausap mo kanina, Enrico? Im sure hindi ako
Nagsikap umiwas ng binata. Importante pa ba yon?
Bumuntunghinga ang dalaga. I think Yes, mahalaga iyon, Enrico. Masyado na akong nag-i-invest
ng pagmamahal. Ngayoy naging creative pa ako. I did a striptease for you
Tinakpan ni Enrico ang nakabuyangyang pa ring kabuuan ni Monet. Wala na siyang ganang
uminom sa batis; mamaya siguro uli.
Sino siya? tanong ng dalaga.
Isang babaing hindi ko inakalang seseryosohin ko. Ngayon lang ako nagkaganito sa opposite
sex. Totoo pala angpag-ibig, matapat na sabi ni Enrico.
Hindi mo ako nagawang mahalin; iyon naman pala ay iibig ka sa iba?
Pinilit kong kamuhian siya. Noong araw ay kinawawa ko siya, ginawang alipin. Pero nakialam
ang langit, umiibig na ako nang totohanan sa kanya, Monet.
Tahimik nang lumuluha si Monet. Putang amang babaing \yon! Ano bang meron siya na wala
ako? Mas malaki ba ang kuwan? Mas masabaw?
Tinakpan ni Enrico ang bulgar na bibig ni Monet.
KABANATA 76
SAGUTIN mo naman ako, Enricosino ang babaing minamahal mo? Makukuntento ako kung
mas higit nga siya sa akin luhaang sabi ni Monet, hinahagod sa dibdib ang katabing binata.

Nasa kama pa rin sila pero tapos na sa lovemaking. Payapa na ang libido ng binata; si Monet ay
pusong sugatan ang pinaiiral.
Monet, hindi mo na nga kailangang makilala pa siya. Mahinahong inalis ng binata ang kamay
ng dalaga. Palapit na kasi sa delikadong bahagi ng kanyang pagkalalake.
Kailan ba matututunan ng babaing ito ang salitang let go? Dapat na talaga itong lumayo sa
kanya; huwag nang manukso.
Ano ka ba naman? Ako na nga ang talunan. At least ay entitled akong makilala kung sino ang
nakatalo sa akin. Maa-assess ko kung siya ay mas maganda, mas malakas ang sex appeal
Ayaw paawat ni Monet. Mas well-endowed ba ang kanyang kuwan? Mas masarap amuyin
ang?
Bakit kailangang maging bulgar ang bibig mo, Monet? galit na sabi ng binata. Ganitong
nakaraos na siya ay galit siya sa babaing bastos ang bibig.
Tseh! Para kang santo after sex, promise! Hindi bagay sa iyong maging banal, Enrico!
Darating na ang mommy ko. You better go, Monet. Mataray ang nanay ko, trust me.
Nagpapakahinahon pa rin ang binata.
Mabuti nga sigurong magkaharap kami ng mommy mo, Enrico! Para isusumbong ko ang pangaapi mo sa akin! Bilang dalaga ay hindi mo dapat sinasamantala ang katawan ko!
Nais sigawan ni Enrico ang lover for 2 years. Bakit naman ngayon lang nito naisip na ito ang
agrabyado sa ganitong laro sa kama?
Delayed reaction ito; noon pa dapat nakapag-isip na one-sided ang relasyon nila. Kailanman ay
hindi niya binanggit dito ang salitang pag-ibig. Ang nasasambit niya every time they make love
ay Oh, Monetthis is heavennakakabaliw ka
Hindi niya kailanman pinaasa ang babaing ito.
BLAG. Tunog ito ng pintong biglang bumukas.
Pinto ng kinaroroonan nilang silid. Dumating na palang bigla ang mommy ni Enrico. Naningkit
ang mga mata nito sa galit.
Hinayupak! Ginagawa ninyong motel tong bahay ko? Napakabababoy ninyo! mataray na sigaw
ni Mrs. Soler, ang misis ng yumaong dating senador; ang ex-lover ni Don Pedro na ama ni Enrico.
Nagpakatatag si Monet. Bago siya sisihin ay ang anak muna nito ang dapat dikdikin ng ginang.
Sinong babae yan? Teenager pa yata, baka masabit ka, Enrico!
Nais pumalakpak ng tenga ni Monet. Imagine napagkamalan siyang teenager? Bigla ay naging
magaan ang dugo niya sa ginang na nakabusangol.
Mommy, hindi na siya menor de edad. She is mycasual girlfrienda bed partner if you may
Her name is Monet and shes 24.
Baka may Aids yan!
Dumilim ang mukha ni Monet. Galit na siya sa ginang.

NAPIKON si Monet sa mommy ni Enrico. Sinabihan ba naman siyang baka may Aids! Sobra
naman ho kayo. Hindi po ako promiscuous. Si Enrico lang po ang pinakukwan ko.
Yacky! Ang bulgar mong magdayalog! paigtad na sabi ni Mrs. Soler. Wala kang finesse.
Relative term, madam. Wala pong bastos sa pinakukwan. Ang salitang-ugat po ay
kwan.Puwedeng magpapakwan, nagpapakwan,o kaya ay papakwanin. Kayo po ang may
masamang isip. Ayaw patalo ni Monet sa matronang sosyal.
Si Enrico na ang namagitan. Mommy, huwag mo namang awayin si Monet. Anyway, shes
leaving now. Ihahatid ko na.
Pero, Enrico, magsusumbong pa ako.
Pinandilatan siya ng binata. Makuha ka sa tingin, Monet. Saka na tayo mag-usap. Naha-high
blood sa iyo ang mommy ko.
Sabihin mo nga muna kung sino ang babaing handa mong seryosohin!
Inilabas na ni Enrico ang dalaga. Hinabol sila ng tanaw ng matrona.
NANG mga sandaling iyon, si Melanie ay puno na naman ng agam-agam. Tatlong araw na
kaming hindi nagkikita ni Enrico.
Hanggang ngayon ba ay sumasamba pa rin siya sa akin? Hindi kaya nauntog na siya, natauhan?
Baka hindi na niya ako ituturing na Reyna? Baka sasabihan pa akong gaga. Hirap ang kalooban
ni Melanie.
But she must see him. Dala na niya ang kontrata sa tuluy-tuloy na supply ng used aluminum
mula sa junkshop ni Enrico. Bahala na.
Nasa labas na ng bahay sina Monet at Enrico. Luhaang kinukulit ni Monet ang itinuturing na
boyfriend. Sa akin ka maraming atraso. Ako ang dapat pakasalan mo, Enrico.
Muling napabuntunghininga ang binata. Monet, kung puwede nga lang ba na dalawa kayong
pakasalan koafter all, hindi ka naman masamang babae in the real sense of the word. Bulgar
ka nga lang at todo kung magbigay.
Natitiyak kong hindi ako lang ang tanga at gaga sa pag-ibig, Enrico. Ang alam koy ganito rin
ang boss kong si Melanie.
Napaigtad ang binata. May magic sa kanya ang ngalan ng babaing sinasamba at nais pakasalan.
Teka, naalala ko, bakit nga pala bigla ka daw pumayag na makipag-deal kay Mam Melanie?
Totoo bang nakuha ka sa debate? Pumayag ka nga ba nang walang kapalit nasexual favor?
Saglit na nag-isip ng safe na sagot ang binata. Kung iyon ang sabi niya, tama yon.
Really? Ikaw na walang patawad sa magaganda, hindi umiskor kay Mam Melanie?Hindi talaga
makapaniwala si Monet.
Monet, you really must leave now. Marami akong dapat asikasuhin.
Isusumbong kita sa Gabriela! Nang-aapi ka ng kababaihan!
WALA na si Monet nang dumating naman si Melanie. Ang binata ay nasa banyo at nagsi-shower,
Ang mommy ni Enrico ang nakaharap ni Melanie.

Dito ka ba makikipagtalik rin sa anak ko, ha?Sharp si Melanie, nakuha agad ang meaning ng
makikipagtalik rin.
KABANATA 77
UULITIN ko ang sabi ko, Melanie. I want you to be my wife. Will you marry me? may pakiusap
na sabi ni Enrico.
Napaluha na sa galak ang dalaga pero hindi mawala ang sundot ng kunsensiya. Paano si
Monet?
Hindi siya menor-de-edad. Dapat siyang makaunawa sa atin
Ganoon ba kadali ang mag-iwan ng dalagang dalawang taon mong naging companion sa
kama?
It takes two to tango, Melanie. Tinitiyak kong hindi ko naipangako sa kanya ang aking puso
Nasilip ng dalaga ang paghihirap din ng kalooban ng binata.
She loves you very much. Kapangapangarapan niyang ikaw ang mapangasawa. Nag-invest siya
sa iyo ng panahon, pagmamahal atkatawan
Marry me and everything will be settled. Kung mahal niya ako ay makakaunawa siya.
You are too cruel, alam mo ba yon, Enrico?
Ang alam ko lang ay ikaw ang tunay kong mahal. Ikaw ang magiging misis ko hanggang
wakas
Kumawala sa pagkakayakap ng binata si Melanie. Settle your issue with Monet. At gusto kong
ako ay kaharap.
Saglit lang nag-isip si Enrico. Masusunod, my Queen.
Kung Queen mo ako, ikaw ba ay ano ko?
Im your slave, Melanie.
Tinakpan ng dalaga ang bibig ni Enrico. Umiling. No more slave. Tayo ay magkaranggo na sa
ngalan ng pag-ibig. Im your Queen but youll be my King.
Nabuhayan ng loob ang binata. Tinatanggap mo na ang proposal kong pakasal tayo?
Hindi pa.
Hindi pa? Pero sabi moy King and Queen na tayo ng isat isa. Ang Hari at Reyna ay dapat lang
maging mag-asawa, Melanie, sabi ni Enrico. Naguguluhan naman ako
Dapat munang lutasin ang lahat ng hadlangimpediments.
But do you love me na, ha, Melanie?
Tumango ang dalaga. Noon pa mang una mo akong naangkin, Enrico. At hindi na nagbago ang
damdamin ko sa iyo. Minahal kita kasama na ang lahat mong faults.
Si Enrico naman ang nalunod sa galak. Lahat ng hadlang ay aayusin ko, trust me.
Kasama mo ako sa paghaharap ninyo ni Monet, huwag mong kalimutan, paalala ni Melanie.
Haharap ka rin ba sa kumprontasyon namin ng tatay ko?
Napaigtad si Melanie. Naalala si Don Pedro. Sino ba sa mag-ama ang magbababa ng pride?

OH MY GULAY, nalimutan kong may issue pa rin pala kayo ni Don Pedro. Nakahanda ka nang
harapin siya, Enrico? tanong ni Melanie sa binatang kaylapit-lapit na niyang mapangasawa.
Tiyak ang sagot ni Enrico. Kahit ayaw na ayaw kong makipagkasundo sa kanya, Ill do it for
you.
Kinapitan niya sa kamay ang future husband. The old man misses you a lot, Enrico. Iyon ang
dahilan kaya nagawa niyang maging ridiculousnagpanggap na magbabasura para lang makalapit
sa iyo sa junkshop.
Yeah, sana nga ay ganon. Sana nga ay na-realize niyang hindi siya dapat nagtakwil ng anak
Hindi ka naman itinakwil, sinustentuhan niya kayo ng mommy moayaw nga lang ihantad ka sa
publikodahil nga wala sa legal ang relasyon nila ng mommy mo. Be understanding naman,
Enrico.
Inuunawa ko na nga pati ang pagtatalaga niya sa iyo bilang EVP, Melanie. Ano nga ba ang
karapatan kong humawak ng kanyang mga negosyo e wala akong tinapos na kurso
Pero nagsisikap ka na, Enrico. Look at your junkshop nowlumalago na, dahil tinututukan mo
and you are working hard
Dont patronize me. Napakarami kong faults, laluna sa babae
UNA nilang itinakda ang pakikipag-usap kay Monet. Sa isang simpleng coffee shop sa Timog
Avenue, ganap na alas-otso ng gabi.
M-magkasama kayo ng syota ko, Melanie? kinakabahang sabi ni Monet. K-kayo na ba? Ikaw
ang babaing nais seryosohin n-nitong si Enrico? The girl that hell marry?
Katahimikan ang naging tugon nina Melanie at Enrico. Mayamaya ay sabay halos na tumango.
Nakagat ni Monet ang mga labi. Kaysakit-sakit ng dating sa kanya ng balitang iyon. Hindi na pala
niya syota si Enrico.
Inaswang mo ako, Melanie? Inahas mo ang lalaking mahal na mahal ko? The love of my life?
Si Enrico ang sumagot. Noon pa kami nagkakilala ni Melanie, noong akoy iresponsableng
mayaman.
Nagkarelasyon kami pero hindi nag-prosper. But all the while, hindi pala namatay ang naitanim
nang pag-ibig sa aming mga puso
Ang iba pang babae sa aking buhay, kabilang ka na, ay hindi nakarating sa akingdibdib.
Hanggang sa ibaba lang ng aking baywang
Nagdagdag si Melanie. Kasumpa-sumpa na hindi ka sineryoso ng lalaking ito, Monet. Pero lalong
unfair sa iyo kung magpapatuloy ang relasyong ikaw ang talo
Let go, Monet. Palayain mo na kami. Idadasal ko kay Lord na bigyan ka ng lalaking tunay na
magmamahal sa iyo.
Pinilit ngumiti ni Monet. Hindi ko na pala malalabhan ang briefs niyang pula at dilaw. Baduy ang
lalaking ito, Melanie.
KABANATA 78

IBIG bang sabihin, Melanie, ngayong hayagan na kayong may relasyon ni Enricopati sa
trabaho ay tanggal na rin ako? may hinanakit na tanong ni Monet sa kaibigan-boss sa The
Kitchen Ware Company.
Iling agad si Melanie. Walang kinalaman ang trabaho mo sa suliranin ng puso, Monet. Mananatili
ka sa puwesto, I assure you that.
Nakahinga nang maluwag ang dalagang nabigo sa pag-ibig. Salamat naman. I really need my
job. Umaasa sa akin ang nanay kong maysakit, gayundin ang maliliit kong kapatid na nagsisipagaral pa.
Si Enrico ay hindi makatingin sa dalagang ginawang laruan sa nagdaang dalawang taon.
Enrico, puwede bang humiling bago mo ako tuluyang itapon?
Napatingin kay Melanie si Enrico; inaarok ang kalooban ng babaing pakakasalan. Tumango
naman si Melanie.
Okay, Monetwhat is it?
Huling pagtatalik, bago tayo tuluyang magkahiwalay, Enrico
Parehong napantastikuhan sina Melanie at Enrico sa nais ng dalaga. Imagine humihingi si Monet
ng last breakup sex!
Napalunok si Enrico. Si Melanie ay nais yatang mawindang ang isipan. Bakit naman napakawirdo
ng hiling ni Monet?
Pati ba huling hiling ng puso kong bigo ay hindi pagbibigyan? tanong ni Monet sa kanila.
Napapailing si Enrico, naaawa kay Monet, nais itong pagbigyan; pero paano ang moral side ng
issue? Siyempre ay labag ito sa prinsipyo ni Melanie. Makasalanan ang bawal na pagtatalik.
Muling napatingin kay Melanie ang binata, nagtatanong ang mga mata. Tatanggi ba siya o
papayag sa baliw na kahilingan ni Monet?
Matapos ang buntunghininga ay tumango si Melanie. Payag itong magtalik ang dalawa.
Pagbigyan mo na, Enrico. Huling hiling.
K-Kailan ba, Monet?
Ngayon na, Enrico. Habang fresh pa ako, bagong ligo.
Perosaan? Sila ay nasa loob ng coffee shop.
Nagpaalam si Enrico kay Melanie. Sandali lang kami, sa pinakamalapit na motel. Please wait for
me.
Tutuloy na ako sa bahay, Enrico. Take your time. Paligayahin mo si Monet for the last time.
T-Thanks for being so understanding, Melanie, buong pakumbabang sabi ni Monet.
Tinanaw pa ni Melanie ang palayo nang pareha. Aywan kung katanggap-tanggap ito sa kanyang
puso. Payag nga ba siyang i-share ang lalaking pakakasalan sa ibang babae?
Labag sa utos ng Diyos ang gagawin ninyobut I dont have the heart to turn down Monets last
wish.

USO ba sa mga naghihiwalay ang tinatawag na break up sex o huling pagtatalik? Ang ginawa ni
Enrico sa kanilang paghihiwalay noon ni Melanie ay hiniling naman ni Monet kay Enrico.
Nais ni Monet na magkaroon sila ng huling pagtatalik ni Enrico, ganitong hayagan nang
nakipagbalikan ang binata kay Melanie.
What is ridiculous, pumayag si Melanie sa immoral na gagawin ng dalawa. Nabaliw na ba ang
mundo? Kinalimutan na ang moralidad?
Kinukunsensiya si Melanie. Bakit ako pumayag? Kailan ba naging tama ang mali? Dapat ay
nanindigan ako na huwag ipahiram sa ibang babae ang lalaking aking pakakasalan!
Paano kung maisip ni Enrico na siya, si Melanie, ay immoral? Ibig bang sabihin, kahit kasal na sila
ay hindi tututol si Melanie na mag-sideline sa ibang babae si Enrico?
Kapag ganitoy babasbasan pa kaya ng Diyos ang kanilang pagsasama? Hindi kaya magkamalasmalas sila sa buhay?
Tinanaw niya ang tinungong direksiyon ng kotse ni Enrico. Sa pinakamalapit na motel daw
tutuloy ang dalawa. Dapat niyang pigilan; dapat niyang igiit ang tama!
Mabilis niyang tinungo ang kanyang service car, pinasibad agad iyon.
Bruuummm. Kaydaming nilusutan ng kanyang kotse. Kung makikita siya ng motorcycle cop ay
tiyak na hahabulin siya for speeding.
Susundan niya sina Monet at Enrico. Babawiin niya ang kanyang permiso habang may oras pa.
SINA Monet at Enrico ay nasa loob na ng motel. Malabo nang makita pa ni Melanie ang kanilang
sasakyan na nasa loob na ng saradong garahe.
Monet, baka tamaan tayo ng kidlat, tepok agad tayo tuluy-tuloy sa impiyerno Kahit
magkasiping na sa kama ay nais tumutol ni Enrico.
Walang ulan at kidlat, Enrico. Lets just do it for the last time. Babaunin ko habambuhay ang
alaalang ito ng huli nating
Tinakpan na ng bibig ni Enrico ang mga labi ni Monet; naputol ang iba pang sasabihin ng dalaga.
Kumawala ang dalaga. Wait, mag-shower tayo nang sabay, dali!
Nagpatangay si Enrico. S-sige.
Dito na nakialam ang langit. May sabon sa baldosa, natapakan ni Enrico. Nadulas ang binata,
kaysama ng bagsak. Aaaahhh!
Napuruhan ang backbone ni Enrico, hindi na makatayo; namilipit sa sakit. Nagtitili-nagsisigaw na
si Monet sa takot. Eeeeeee! Saklolooo!
SA LABAS ng Motel De Amor, nakita pa ni Melanie ang nagmamadaling pagpasok ng
ambulansiya sa compound ng makasalanang pook. Wala siyang kaalam-alam na kritikal si Enrico
at isusugod sa ospital.
Nag-text sa kanya si Monet. Nakarma kami. Fifty-fifty si Enrico sa ospital, nadulas sa sabon sa
banyo sa motel.

KABANATA 79
NAIS nang magpanic ni Melanie habang patungo sa ospital na kinaroroonan ni Enrico. Hindi niya
matanggap na fifty-fifty ang buhay ng binatang pinakamamahal; na ito ay nadulas sa banyo sa
motel habang gumagawa ng kasalanan sa piling ni Monet.
Nagawa pa naman niyang tawagan sa cellphone ang ama ni Enrico. Yes, Tito Pete, sa Asian
Global Hospital po. Papunta na ako doon
Luhaan si Melanie, nais sisihin ang sarili sa pagpayag na si Enrico ay pagbigyan ang immoral na
nais ni Monet. Hindi sa ganitong sitwasyon ka dapat mamatay, mahalNapakagaganda na ng
ating mga pangarapwe are getting married, payag na ako
SA OSPITAL nagkita sina Monet at Melanie. Nagyakap ang magkaibigan-magkaribal kay Enrico.
Kung alam ko lang na ngayon pa siya madudulas sa sabon, Melanielintek na sabon yon
Monet, dapat tayong magdasal sa kapilya ng ospital. And please, maging taimtim tayo sa
paghingi ng awa kay Lord.
Oo naman, Melanie, lahat ng kasalanan ko, ibubulatlat ko kay Lord. Hihingi talaga ako ng awa at
tawad. Baka magmomongha na ako, no more sex, makaligtas lang si Enrico luhaang sabi ni
Monet.
Dumating si Don Pedro, kasama si Candida. Nasaan na ang anak ko, Melanie? Ano ang
lagay?
Nasa Operating Room si Enrico at nag-a-undergo ng maselang operasyon; tatagal daw ng anim
na oras. Gaya nina Melanie at Monet, halos mawindang ang puso ng don sa pag-aalala.
Sama-sama silang nagtungo sa chapel ng ospital. Bobombahin nila ng panalangin ang Langit
para sa kaligtasan ni Enrico.
Lahat yata ng dapat ikumpisal ng don ay naibulalas niya sa Maykapal. Pinagsisisihan ko po ang
aking mga kasalanan. Laluna na po yung pagpatol ko noon sa asawa ni Senador SolerPatawad
din po sa lahat ng katusuhan ko sa negosyo, yung mga below the belt na tirada ko sa aking mga
kakumpetensiya
Si Melanie ay taimtim ang panalangin. Kung hindi man po kami magkakatuluyan ni Enrico sa
altar, at least po ay buhayin ninyo siya. Payag na po akong ipagkaloob siya sa ibang babae
huwag Nyo lang po muna siyang kunin, Lord. He is too young to die
Si Monet: Lord, hindi na po ako makikipag-sex nang bawal. Mag-aasawa na lang po ako ng
foreigner para may sexual release ako at kapanatagan ng buhay. Huwag Mo pong kunin si Enrico,
please
Nagdarasal din si Candida. Thy will be done, oh Lord
TAPOS na ang operasyon. Lumabas mula sa OR ang doktor. Pagod na pagod ito sa tagal ng
operasyon. Kayo ba ang kaanak ni Enrico Soler?
Hindi na yata humihinga sina Melanie, hinihintay ang sasabihin ng siruhano. Hindi nila mabasa sa
mukha nito ang nangyari.

ANO ANG nangyari, doc? Tell us! halos histerikal na sabi ni Don Pedro sa surgeon. Pagod ang
huli, hindi mababasa sa mukha ang resulta ng operasyon kay Enrico.
Iginala nito ang mga mata sa iba pang nagmamahal sa pasyente.

You must be his girlfriend, miss, right? Si Melanie ang natuunan ng pansin. Hindi agad
nakasagot ang dalaga.
Oris it you? tanong din nito kay Monet; ang huli ay luhaang gaya ni Melanie. Dalawa ang
girlfriend ng pasyente?
Doc, ano ang nangyari sa anak ko? giit ni Don Pedro, mataas na ang tinig. Bakit paliguyligoy?
Ibinulong sa kanila ng siruhano, wala pa ring mababakas sa mukha, nanatiling poker-faced.
Sabay-sabay na napaigtad sina Melanie, Monet, Don Pedro at Candida sa sabi nito. Hindi sila
makapaniwala.
Sabay-sabay ding napabulalas ng iyak. Labis na nagpapasalamat sa Diyos. Nagyakap sina
Melanie at Monet sa tuwa; gayundin sina Don Pedro at Candida.
BUHAY nga si Enrico. Sa recovery room na nakausap ng mga nagmamahal. Nauna si Don Pedro.
Anak, mapapatawad mo pa ba ako? I will publicly acknowledge you paglabas na paglabas mo
rito. Magpapa-press con ako! Magpapamisa! Magpapa-party!
Ginagap ni Enrico ang kamay ng ama. Pinisil iyon. Napatawad na ng binata ang lahat nang
kasalanan at pagkukulang nito.
Maging si Candida ay humingi ng tawad sa pasyente. Sorry sa pagsampal ko. Dala lang ng galit
ng isang ina
Anak ko yan! Enrico, oh my God! Salamat at buhay ka! Mommy ito ni Enrico, ang ex-lover ni
Don Pedro.
Pinisil din ni Enrico ang kamay ng ina. Si Don Pedro ay tahimik.
Bygones, Pedro. Matatanda na tayo, patawaran na lang, okay?
Okay, salamat sa pagpapalaki sa anak ko! Nakipagkamay pa si Don Pedro sa ina ni Enrico.
Si Monet ay humalik sa kamay ng binatang itinuring na syota sa nagdaang dalawang taon. Hindi
na tayo puwede, kayo na ni Melanie ang dapat magkatuluyan. Ill be fine, trust me.
Pinisil ni Enrico ang kamay ng ex-lover. Godspeed, Monet.
PINAKAHULING naging bisita ni Enrico ang pinakaespesyal na tao para sa kanya. My Queen,
mapapatawad mo pa ba ako? Muntik na akong namatay dahil sa lib--
Tinakpan ni Melanie ang bibig ng binata. Luhaang hinaplos ang buhok nito.Iibigin kita, Enrico
hanggang sa huling pintig ng puso ko
Pinisil ni Enrico sa bawal na bahagi ang dalagang pakakasalan. Namula, napangiti si Melanie.

THE END.....
KABANATA 80

Vous aimerez peut-être aussi