Vous êtes sur la page 1sur 1

*San

Roque*
Aba matibay na moog
nang taong nagasasalot.
---Ampunin mo.
Araw na ipinanganak ka
Sa katawan moy nakita
Tandang isang krus na maganda,
Buhay mong banal na sadya.
Sa sikmuray isang krus
Ang ikinintal ng Diyos
---Ampunin mo.
Pagkawili mong mataman
Sa Reina nang kalangitan
Tanang adhika mong asal,
Siya ang tinutularan.
Bata ka pay naghahandog
Nang pagpapakarayukdok
---Ampunin mo.
Nang ikaw ay maulila
Binahagi mo pagdaka,
Yamang sa dukhang lahat na
Sa amat ina moy mana.
Alab ng sinta sa Diyos
Ang puso moy nalilipos.
---Ampunin mo.
Nagdamit kang peregrino
Aduapendentey tinungo
Dooy ang natagpuan mo
Namuksang salot sa tao.
Kusa kang nakipanggamot,
Nag-alaga sa may salot.
---Ampunin mo.
Ang salot sa iyong harap,
Napapawing agad-agad
Himalang itoy natatap
Sampong bagsik mo pang lahat.
Ang sa ngalan moy tumuos
Gumagaling na tibuhos.
---Ampunin mo.
Ang sambayanang Cocena
Gayon din ang taga-Roma
Sa iyoy kinamtan nila
Isang bayaning pagsinta
Ng hirap sa mga salot.
Paglipol doon ng salot
Libhang kakilikilabot.
---Ampunin mo.

Lalaki, babaet bata


Nagsisigaling na pawa
Ang Krus kung iyong itala
Sa damit nilay ilagda.
Anilay anghel kang lubos
Nag-aanyong taong busabos
---Ampunin mo.
Ibinuyo ka ng sinta
Na pasa-bayang Placencia,
Pinagaling ang lahat na,
At dooy nagkasakit ka.
Pinaalis kat ibinukod
Dahil sa sakit mong salot
---Ampunin mo.
Sa tahanan mong dampa,
Diyos, ikay kinalinga,
Gumaling ka alipala,
Himalang tantong mistula.
May aso na nagdudulot
Kanin mong ikabubusog.
---Ampunin mo.
Katawan mong natitigib
Ng madlang pagal at sakit
Ibinilanggo at piniit
Sa bintang at maling isip.
Limang taon mong sinayod,
Hirap na kalunos-lunos.
---Ampunin mo.
Ngunit ang Diyos na hari
Pakanang balabalki,
Pagsubok sa iyong budhi
Lakas namang di ugali.
Sa bilangguay ang bantayog
Namatay kang isang santos.
---Ampunin mo.
Nakita sa isang barlaya
Nalilimbag, natatala
Ngalan moy pag sinambitla
Ang salot matitimawa
Nang di kami mangasalot
Ngalan moy ibinabantog.
---Ampunin mo.
Aba matibay na moog
Ng taong nangangasalot.
---Ampunin mo.

Vous aimerez peut-être aussi