Vous êtes sur la page 1sur 6

Department of Education

Region III
D I V I S I O N O F PAM PAN G A
City of San Fernando
Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan Grado 8

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang bago ang bilang
ng TITIK ng tamang sagot. (Gumamit ng MALALAKING TITIK)
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng wastong sagot.
KNOWLEDGE
______1. Isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig
a. Lokasyon
b. Lugar
c. Paggalaw
d. Rehiyon
______2. Ang kathang-guhit na matatagpuan sa globo na itinatalaga bilang zero degree longitude.
a. Ekwador
b. International Date Line
c. Prime Meridian
d. Tropic of Cancer
______3. Ito ang itinuturing na kaluluwa ng kultura
a. Relihiyon
b. Wika
c. Pangkat etniko
d. Lahi
______4. Ito ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato
a. Homo Erectus
b. Homo Habilis
c. Homo Sapien
d. Homo Sapien Sapien
______5. Ito ang panahon sa kasaysayan ng daigdig na itinuturing na pinakamaagang
panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit na kasangkapan at naging hudyat din ng
pagtatapos ng Panahong Pleistocene?
a. Paleolitiko
b. Mesolitiko
c. Neolitiko
d. Metal
______6. Panahon sa kasaysayan ng daigdig kung kailan naganap ang rebolusyon agrikultural
o sistematikong pagtatanim.
a. Paleolitiko
b. Mesolitiko
c. Neolitiko
d. Metal
______7. Ang kabihasnang nabuo sa pagitan ng dalawang ilog.
a. China
b. Egypt
c. Indus
d. Mesopotamia
______8.Ito ay tumutukoy sa isang pamayanan o paraan ng pamumuhay ng tao na kinakitaan
ng mataas na antas ng kalinangang kultural at maunlad na lipunang may organisadong
pamahalaan, ekonomiya, sining, at sistema ng pagsulat.
a. Barangay
b. Lungsod
c. Kabihasnan
d. Sibilisasyon

______9. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa


kaniyang asawa at kabilang sa Seven Wonders of the Ancient World?
a. Alexandria
b. Hanging Gardens
c. Pyramid
d. Ziggurat
______10. Ito ang sistema ng pagsulat ng Sumerian.
a. Hiroglipiko
b. Cuneiform
c. Pictograp
d. Calligraphy
______11. Ito ang pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Hindu.
a. Caste
b. Commune
c. Barangay
d. Etniko
______12. Sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na may pahintulot ang langit na
pamunuan ang China
a. Divine Right
b. Mandate of Heaven
c. Enlightened One
d. Son of God
______13. Ito ang pinakamalaking estruktura at libingan ng pinuno ng sinaunang Egypt.
a. Ziggurat
b. Pyramid
c. Stone Pillar
d. Hanging Garden
PROCESS

______1. Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Greenland?


a. Tropikal na klima
b. Mainit
c. Buong taon na nagyeyelo
d. May apat na klima
______2. Alin ang tamang pagkakasunud-sunod batay sa lawak.
A Asya
B- Hilagang Amerika
C-Timog Amerika
E Afrika
F Australia at Oceania G- Europe
a. ABCDEFG
b. AEBCDGF
c. . ADBCEFG

D- Antarktika

d. .ABDCFEG
______3. Ang Prime Meridian ay nasa Greenwich na nasa zero degree longitude. Ano
ang nasa 180 degrees longitude mula sa Prime Meridian pakanluran man o pasilangan.
a. Ekwador
b. International Date Line
c. Prime Meridian
d. Tropic of Cancer
______4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaiba ng mga relihiyon noon sa
mga pangunahing relihiyon sa kasalukuyan?
a. May sinasambang diyos ang kasalukuyang mga relihiyon
b. Walang pagkakaiba ang mga relihiyon noon at sa kasalukuyan
c. Walng sinusunod na mga tradisyon ang mga sinaunang relihiyon
d. Mas organisado ang mga doktrina o aral na malalaking relihiyon sa kasalukuyan
______5. Bakit napalitan ng agrikultura ang pangangaso bilang paraan ng pagkuha ng
pagkain ng mga tao noong panahong Neolitiko?
a. Mas mahirap ang pangangaso kaysa sa pagtatanim
b. Nagkaroon ng palagiang suplay ng pagkain ang mga tao
c. Naging kaunti ang mga hayop na ginawang pagkain ng mga tao
d. Mas nasiyahan ang mga tao na kumain ng mga prutas at gulay sa halip na karne ng mga
hayop.
______6. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa panahong Paleolitiko?
a. Unang gumamit ng apoy ang mga sinaunang tao
b. Pangangaso ang kanilang pangunahing paraan ng pagkuha ng pagkain
c. Nagsimulang makipagkalakalan ng mga produktong agricultural ang mga tao
d. Gumamit ng magagaspang na bato ang mga tao bilang kagamitan
______7. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng gamit
pag-unlad ng tao?
a. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko
b. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko
c. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan
d. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal
______8. Ito ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia,
Egypt, Indus, Tsino
a. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining
b. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog
c. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan
d. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan
______9. Ano ang pinakamalapit na kongklusyon sa pahayag na Karaniwang umunlad sa
mga lambak ilog ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig?
a. Nakasanayan ng mga sinaunang tao na manirahan malapit sa ilog
b. Malaki ang pakinabang ng ilog upang magkaroon ng maunlad na pamumuhay ang mga
sinaunang tao
c. Hindi lahat ng mga sinaunang kabihasnan ay umunlad sa mga lambak-ilog
d. Maraming dayuhan ang naghangad na sakupin at makontrol ang mga lupaing malapit sa
ilog
______10. Alin sa mga sumusunod ang pangkat ng tao na nanirahan sa Mesopotamia
a. Chou, Ming, Qing
b. Shang, Sui, Tang
c. Zheng, Confucius, Kublai Khan
d. Akkadian, Babylonian, Chaldean
______11. Alin sa sumusunod ang mga pamana ng kabihasnang Mesopotamia batay sa
politika
a. Kodigo ni Hammurabi, Patesi, Satrapy, Lungsod-estado
b. Gulong, Araro, Sandata, Sundial
c. Cuneiform, Stylus, Luwad, batong Behistun
d. Serbisyo sibil, Emperyo, dinastiya, mandate of heaven

______12. Alin sa sumusunod ang mga pamana ng kabihasnang Tsino


a. Ziggurat, Code of Hammurabi, Pyramid
b. Epic of Gilgamesh, Great Wall, Hinduism
c. Hiroglipiko, mummification, pyramid
d. Great Wall, pulbura, chopsticks
_______13. Alin sa mga sumusunod ang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino
a. Chou, Ming, Qing
b. Shang, Sui, Tang
c. Zheng, Confucius, Kublai Khan
d. Confucianismo, Taoism, Legalism
_______14. Alin sa sumusunod ang mga pamana ng kabihasnang Egyptian
a. Feng shui, Ramayana, hiroglipiko
b. Ziggurat, Code of Hammurabi, Pyramid
c. Epic of Gilgamesh, Great Wall, Hinduism
d. Hiroglipiko, mummification, pyramid
______15. Alin sa mga sumusunod ang nanging paraon ng Egypt
a. Chou, Ming, Qing
b. Shang, Sui, Tang
c. Zheng, Confucius, Kublai Khan
d. Tutankhamen,Akhenaton, Rameses
_______16. Alin sa sumusunod ang mga bansa sa kalalukuyan na nabibilang sa Mesoamerika
a. Pakistan, Sri Lanka, India
b. El Salvador, Mexico, Guatemala
c. Brazil, Venezuela, Ecuador
d. California, San Jose, Los Angeles
_______17. Alin sa sumusunod ang imperyo sa Timog Asya
a. Chou, Ming, Tang
b. Maurya, Gupta, Mogul
c. Pakistan, Sri Lanka, India
d. Hindu Kush, Ganges, Indus
UNDERSTANDING
_______1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isang
tema ng pag-aaral ng heograpiya?
a. Ang Germany ay miyembro ng European Union
b. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano
c. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan
d. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel
at silangan ng West Philippine Sea
_______2. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lokasyon bilang isang
tema ng pag-aaral ng heograpiya?
a. Malaki ang suliranin ng China sa polusyong dulot ng mga pabrika
b. Ang New Zealand ay halimbawa ng isang kapuluan o arkipelago
c. Ang Cambodia ay kaanib ng Association of Southeast Asian Nations
d. Nasa silangan ng Pilipinas ang Pacific Ocean, nasa hilaga ang Bashi Channel,
nasa kanluran ang West Philippine Sea
Para sa bilang 3-5, punan ng wastong kathang-guhit na matatagpuan sa globo.

3. _______________
4. _______________
5. _______________

_______6. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng ibat ibang
relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang paniniwala?
a. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon
b. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon
c. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon
d. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon
_______7. Bakit mahalaga ang wika sa kultura ng tao?
a. Ito ang batayan ng mga relihiyon ng tao
b. Ito lamang ang batayan ng kultura ng tao
c. Ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan ng tao
d. Ito ang pinakamahalagang element ng kultura ng tao
_______8. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na
pinasimulan ng mga sinaunang tao noong panahong Neolitiko?
a. Agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay natin sa kasalukuyan
b. Walang pagbabago sa Sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo
ng sapat na pagkain
c. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na
magpaamo ng hayop
d. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng
pagkain ng mga tao sa kasalukuyan
_______9. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan
pa rin sa kasalukuyan?
a. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng kultura
b. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa
c. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan
d. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao
_______10. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na sitwasyong nagpapakita
ng kahalagahan ng metal sa mga tao sa kasalukuyan?
a. Malaki ang kinikita ng mga bansa sa pagbebenta ng mga metal
b. Lahat ng mga kagamitan ng mga tao sa kasalukuyan ay gawa sa mga metal
c. Ang mga metal ang naging dahilan para lumago ang sektor ng kalakalan
ng mga bansa
d. Ang mga metal ang ginagamit sa pagpapatayo ng mga imprastraktura tulad ng gusali
_______11. Ano ang isang patunay na magpapatuloy pa rin ang pag-unlad ng tao mula
noon hanggang ngayon batay sa aspetong pangkabuhayan?
a. Mula sa paggamit ng magagspang na bato, naging makabago ang mga
kasangkapan ng tao sa kasalukuyan
b. Mula sa pagiging nomadiko, nakapagtatag ang mga makabagong tao ng
mataas na antas ng kultura
c. Mula sa pagsasaka at pag-aalaga ng hayop, nakinabang ang mga sinaunang
tao dahil napabitu ang kanilang kabuhayan
d. Mula sa pangangaso at pangangalap ng pagkain sa limitadong lugar, naging
pandaigdigan ang transaksiyon sa pagkuha ng mga pangangailangan
at sa hanapbuhay
_______12. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang
heograpiya-kasaysayan?
a. Napaliligiran ang kabihasnanng Indus ng mga hanay na bundok,
disyerto at karagatan
b. Karaniwan sa mga umunlad na sinaunang kabihasnan sa daigdig ay
nanirahan sa matatabang lupaing mainam sa pagsasaka
c. May politeistang relihiyon ang mga sinaunang Sumerian at Egyptian
dahil sa kanilang pagsamba sa maraming diyos at diyosa
d. Nakipagkasundo si Ramses II ng Egypt sa pinuno ng mga Hittite na
nagbigay-daan sa pagkakaroon ng kauna-unahang nasususlat na
kasunduan sa daigdig.
_______13. Kung kabilang ka sa pangkat ng mga sinaunang nomadiko na nakarating sa Egypt, ano
ang magiging dahilan mo kung bakit nais mong manatili sa nasabing rehiyon?

a. Ang nagtataasang hanay ng mga bundik sa Egypt ang magliligtas


sa akin sa mababangis na hayop
b. Mas nanaisin kong manirahan sa rehiyong Mesopotamia o sa lambak-ilog ng
Indus dahil sa yamang-tubig na nagmumula sa mga ilog nito
c. Ang mga lupain sa tabi ng ilog nito ang mainam na lugar sa pagsasaka
dahil sa pagkakaroon ng tubig para sa mga pananim
d. Napaliligiran ng mga disyerto ang Egypt kung saan sumibol ang ibat ibang
uri ng halamang nagdudulot ng maunlad na kabuhayan
_______14. Ano ang mahalagang aral na iyong natutuhan sa pamumuhay ng mga
katutubo sa mga sinaunang kabihasnan sa Mesoamerica?
a. Matatagpuan ang mga sinaunang pamayanan ng Mesoamerica sa malaking
bahagi ng kasalukuyang Mexico
b. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga taga-Mesoamerica sa sistematikong
paraan ng pagsasaka at pakikipagkalakalan
c. Nararapat na makapamuhay ang tao ayon sa kaniyang kapaligiran at sa
kakayahan niyang alagaan at linangin ang taglay nitong yamang likas
d. Muling ibalik ang kadakilaan ng sinaunang kabihasnang Mesoamerica sa
pamamagitan ng muling pagtangkilik sa naging paraan ng kanilang pamumuhay
_______15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kabutihang dulot ng kontribusyon ng mga
sinaunang kabihasnan sa kasalukuyan?
a. Nagsilbing proteksyon ang Great Wall of China sa mga dayuhang nagnais na sakupin ang
Imperyong Tsino
b. Ang Cuneiform, ziggurat at Hanging Gardens of Babylon ay ilan sa mahahalagang pamana
ng kabihasnang Mesopotamia sa daigdig
c. Maraming tirahan at gusali ang may maayos na daluyan ng maruming tubig dahil sa
sistemang sewerage na nagmula sa kabihasnang Indus
d. Misteryoso pa rin sa mga kasalukuyang arkitekto at inhinyero kung paano naging matibay
ang pagkakagawa ng Great Pyramid sa Egypt
Para sa bilang 16-20,
Pagsulat ng sanaysay
Pumili ng isang kabihasnan sa ibaba at sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa katangiang pisikal
nito at ambag sa kabihasnan. Gamiting batayan ang rubrics sa ibaba
A. Kabihasnang Mesopotamia
B. Kabihasnang Tsina
C. Kabihasnang India
D. Kabihasnang Ehipto
E. Kabihasnang Mesoamerika
Rubrics sa pagsulat ng sanaysay
Lebel
Napakahusay

Mahusay

Katamtaman

Mahina

Mahinang mahina

Pamantayan
Tumpak at kumpleto ang
impormasyon tungkol sa
kabihasnan
May kaunting kulang sa
impormasyon tungkol sa
kabihasnan
Kulang sa impormasyon
tungkol sa kabihasnan

Puntos
5

Walang sapat na impormasyon


tungkol sa kabihasnan

Walang impormasyon tungkol


sa kabihasnan

Vous aimerez peut-être aussi