Vous êtes sur la page 1sur 2

Lunggati ng Damdamin

ni: Agatha Diane M. Honrade

O, sinta, aking damdamin,


Hindi mo ba papansinin?
Ikaw at ikaw lamang ang mahal ko,
Hindi pa ba malinaw sa iyo?
Ikaw ang aking ligaya at hinagpis,
Ang aking pait at tamis.
Ikaw ay pasakit at kaginhawaan,
Ang kabiguan at kawagian.
Ngunit ilang beses mo man akong mapaluha,
Ako may iyong saktan nang lubha,
Puso ko pa riy para sa iyo lamang,
Laging nag-iintay at nag-aabang.
Sanay lagi mo ring isagunita:
Saan ka man pumunta,
Dahil ikay ginigiliw kong tunay,

Akoy naririto, sa iyoy nagbabakay.