Vous êtes sur la page 1sur 3

SENIOR HIGH SCHOOL (Grade 11)

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


KOMUNIKASYON
Ito ay isang paraan ng paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng
magkakambal na proseso ng pagsasalita. pakikinig at pag-unawa. Walang magaganap na
komunikasyon kung walang nagsasaiita o kung may nagsasaiita man subalit walang nakikinig.
(Pagkalinawan et. al. 2004)
Ito ay isang prosesong dinamiko, tuluy-tuloy at nagbabago.
Ito ay pasalita at pasulat na pagpapahayag ng iniisip at nadarama sa isang paraang mabisa at kalugudlugod.
Ito ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng isang tao. Malaking panahon ang iniuukol ng tao sa
pakikipagtalastasan.
KAKAYAHAN SA PAGGAMIT NG MGA ESTRATEHIYANG PANGKOMUNIKASYON
1. Kakayahan sa paggamit ng mga berbal (pasalita)
2. Di-berbal (paralinguistics) na pamaraan
BERBAL NA ESTRATEHIYA
Paggamit ng Intonasyon
Paggamit ng Hinto
Paggamit ng Diin

DI BERBAL NA ESTRATEHIYA
Paggamit ng mga Galaw (Gestures)

BAKIT MAHALAGA ANG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON?


a. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyonal ng isang tao.
b. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe.
c. Pinanatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagdala at tagatanggap ng mensahe.
ANYO NG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
a. ORAS (CHRONEMICS)
Mahalaga ang oras. Ito ay isang bagay na kulang sa maraming tao. Ang paggamit ng
oras kung gayon ay maaaring kaakibatan ng mensahe.
b. ESPASYO (PROXEMICS)
Maaaring may kahulugan din ang espasyong inilalagay sa pagitan ng ating sarili at ng
ibang tao.
c. KATAWAN (KINESICS)
Maraming sinasabi ang katawan, minsan nga'y higit pa sa mga tunog na lumalabas sa
bibig. Kaya nga may tinatawag sa Ingles na body language.
d. PANDAMA (HAPTICS)
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng mensahe. Sa ating
Wika, may iba- iba tayong tawag sa paraan sa pagHawak sa ibang tao o bagay at bawat
paraan ay may kanya-kanyang kahulugan.
e. SIMBOLO (ICONICS)
Sa paligid ay maraming makikitang malaking simbolo o icons na may malinaw na
mensahe.
f. KULAY
Ang kulay ay maaari ring magpahiwatig ng damdarnin o oryentasyon.
g. PARALANGUAGE/VOCALICS
Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita. Ang salitang oo, halimbawa, ay
maaaring mangahulugan nang pagsuko, pagsang-ayon, galit, kawalan ng interes o
paghamon, depende kung paano iyon binigkas.

1 | Pahina

Wika at Kulturang Pilipino

Komunikasyon at Pananaliksik sa

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO


KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
-Ito ang tawag sa abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang
interaksiyong sosyal (Hymes 1972).
I.
II.
III.
IV.

Kakayahang Lingguwistiko/Istruktural/ Gramatikal


Kakayahang Sosyolingguwistiko
Kakayahang Pragmatiko
Kakayahang Diskorsal

I. KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
-Ito ay tumutukoy sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang
pangungusap.
-Ito ay isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa
kaniya ng kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika.(Noam Chomsky 1965).
LINGGUWISTIKONG PAGTATANGHAL (Linguistic Performance)
-Ito ay tumutukoy sa aplikasyon ng sistema ng kaalaman sa pagsusulat o pagsasalita.
-Ito ay maaaring kapalooban ng mga interperensiya o sagabal.
Halimbawa:
Ang pagkautal ng isang tagapagsalita habang nagbibigay ng talumpati. (Hindi ito masasabing
kawalan o kakulangan sa kakayahang lingguwistiko. Maaaring ito ay dulot ng kanyang kaba na
maituturing na sagabal sa kaniyang lingguwistikong pagtatanghal.)
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO SA WIKANG FILIPINO
Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod sa tuntunin ng balarilang Filipino.
A. Mga Salitang Pangnilalaman:
1. Mga Nominal
a. Pangngalan(Noun)
b. Panghalip(Pronoun)
2. Pandiwa (Verb)

3. Mga Panuring
a. Pang-uri (Adjective)
b. Pang-abay(Adverb)

- ito ay nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook,


katangian, pangyayari, atbp.
- ito ay pamalit o panghalili sa pangngalan.
- ito ay nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng
mga salita.

- ito ay nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at


panghalip.
- ito ay nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at
kapwa pang-abay.

B. Mga Salitang Pangkayarian:


1. Mga Pang-ugnay
a. Pangatnig (Preposition)
b. Pang-angkop (Ligature)
c. Pang-ukol (Conjunction)

- ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.


- ito ay katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
- ito ay nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita.

2. Mga Pananda
a. Pantukoy
b. Pangawing/Pangawil

- ito ay salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip.


- ito ay salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri.

C. Wastong Palabaybayan o Ortograpiya ng Wikang Filipino


2 | Pahina

Wika at Kulturang Pilipino

Komunikasyon at Pananaliksik sa

1. Pasalitang Pagbaybay
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog-Ingles ng mga titik
maliban sa (enye) na tunog Espanyol. Ibig sabihin, isa-isang binibigkas sa maayos na
pagkakasunod-sunod ang mga titik na bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, inisyal, akronim,
simbolong pang-agham atbp.

PANTIG

SALITA

Pasulat
it
pag
trans

Pasalita
/ay-ti/
/pi-ey-dyi/
/ti-ar-ey-en-es/

Pasulat
mahal
libro
Dagupan

Pasalita
/em-ey-eyts-ey-el/
/el-ay-bi-ar-o/
/kapital di-ey-dyi-yu-pi-ey-en/

Pasulat

Pasalita
/kapital ti-kapital si-kapital enkapital eyts-kapital es/
/kapital ey-kapital es-kapital ikapital ey-kapital en/
/kapital ti-kapital el-kapital i/

DCNHS
AKRONIM

ASEAN
TLE

KAKAYAHANG GRAMATIKAL
-Ito ay kakayahang umunawa at makabuo ng mga istruktura sa wika ayon sa mga tuntunin sa gramatika.
-Ito ay tumutukoy sa kahusayan sa talasalitaan
-Ito ay tumutukoy sa tamang pagbigkas
-Ito ay tumutukoy sa Pagbaybay
-Ito ay tumutukoy sa Pagbabantas
-Ito ang Pagbuo ng mga salita
-Ito ang Pagbuo ng mga pangungusap at talata
-Mahalaga ang mga mga kahusayang ito upang makapagpahayag nang tumpak
ISTRUKTURAL NA GRAMAR
-Ito ay isang paraan ng pag-aanalisa ng wikang pasulat at pasalita .
- Ibig sabihin...nakatuon ang pagsusuri sa mga elementong nakapaloob sa isang pangungusap. Gaya ng mga
sumusunod na elemento:
fonims
morfims
preys
klaws
part of speech
FERDINAND DE SAUSSURE
Ama ng Istruktural Gramar
Lumaganap noong 20th century (1930-1950)
individual units within spoken and written communication were largely arbitrary...

3 | Pahina

Wika at Kulturang Pilipino

Komunikasyon at Pananaliksik sa

Vous aimerez peut-être aussi