Vous êtes sur la page 1sur 1

Ayokong mang-iwan. Ayokong gawin sa iba ang ginawa sakin. Ayokong makasakit.

Ayokong maging dahilan ng


tuluyan mong pagkasawi. Ayokong kuhanin pabalik ang pagkatao ko na sya na lamang bumubuhay sayo. Ayokong
tanggalan ka ng kakampi sa mundong nagdala ng galit sa puso mo. Ayokong sumuko. Ayokong lumayo. Alam ko
na kailangan mo ako. Alam ko na kailangan mo ng tulong. Ayokong maging katulad ng mga tao na hindi tumugon
sa mga sigaw mo.
Ayokong maging dahilan ng iyong pagkasawi para lamang buhayin ang aking sarili.
Ayoko nang isipin kung alin ang totoo at hindi upang sa huli ay mapuno ang puso ko ng pagdududa.
Ayoko nang masaktan, pero pagod na ako.
Pagod na akong maniwala sa mga kasinungalingan na ginawa ko. Pagod na akong maramdaman ang pagkabiyak
ng puso ko sa bawat sandal na sinasabi ko na masaya tayo. Pagod na akong maghintay sa mga malalabong
pangako. Pagod na akong sambitin ang mga salitang walang kahulugan. Pagod na akong tumakbo palapit sayo,
upang sa huli ay patuloy mo pa ring lalayuan. Pagod na akong manglimos ng kasiyahan sa sarili kong buhay na
iyong ninakaw. Pagod na ako sa pagiging umaga mo kapag sumasapit ang gabi. Pagod na ako sa mga tanong mong
paulit-ulit, at pagsagot ko nang pilit. Pagod na akong ngumiti. Pagod na akong mamuhay sa mga pagkakamali
para lamang marating ang inaakala ko na tama. Pagod na akong magpanggap. Pagod na akong maging sayo.
Pagod na akong maging takbuhan ng iyak mo. Pagod na akong maging mundo mo. Pagod na ako sa tayo.
Gusto ko nang muling bumalik sa ako. Ako na ang pagkatao ay binuo malayo sayo. Gusto ko nang muling
pagbigyan na mahalin ang sarili ko. Gusto ko nang kunin pabalik ang puso ko na pilit mong ikinulong sa mga
pangako. Gusto ko nang muling makaramdam. Gusto ko nang makakita ng iba pang uri ng mundo. Gusto ko nang
kumawala sa mga mapanlinlang na tingin. Gusto ko nang magkaroon muli ng buhay. Isang lumang buhay na sa
pag-gising ay may liwanag, at payapang matutulog sa kadiliman. Gusto ko nang makapiling ang dating
kaligayahan. Isang kaligayahan na walang kaakibat na sakit at kasinungalingan. Gusto ko nang muling marinig
ang mga salitang tumatagos sa puso. Mga salitang walang pag-aalinlangan. Mga salitang totoo at may laman.

Gusto ko nang maging malaya.


Gusto ko nang iwan ka.
Ngunit muli, hindi ko pa rin kaya.
Pagod na pagod na ako pero mahal pa rin kita.

Vous aimerez peut-être aussi