Vous êtes sur la page 1sur 2

Ang pangatlong hadith: hadith na iniulat ni anas ibn malik kalugdan nawa siya ni allah

:

" :






"

Ayon kaya anas ibn malik kalugdan nawa siya ni allah: sinabi ng propeta sumakanya nawa
ang kapayapaan: tatlong katangian na kapag napaloob sa isang tao ay kanyang makakamtan
o matitikman ang tamis ng tunay na pananampalataya
1- Ang mhalin nya si allah at ang propeta ng pagmamahal na walang katulad at walang
kapantay.
2- Ang mahalin nya ang kapatid niyang muslim ng walang dahilan maliban na lamang kay
allah.
3- Ang kamuhian niya ang pagbalik sa "kufr" lihis na landas o masasamang gawa tulad ng
pagpatay, tulad ng pagkamuhi nya na makapasok sa imperno.

Ano ang ibig-sabihin ng tamis ng pananampalataya?


Sagot: ang ibig-sabihin ng tamis ng pananampalataya, ay ang magampanan mo ang mga
ipinag utos ni allah at ang kanyang propeta, at maiwasan ang mga ipinagbawal at
makayanan ang mga pagsubok ni allah, ng buong pagmamahal at walang alinlangan.

*Ang tatlong katangian na nabanggit ay kasama sa mga pinaka matataas na antas ng


pananampalataya, at kung sino man ang makayanan niya ito kanyang makakamtan ang
tamis ng pananampalataya at patunay ito na kumpleto ang kanyang pananampalataya dahil
malalasahan natin ang tamis nito kung ang puso natin ay malinis at walang sakit, tulad ng
ating katawan nalalasahan lang natin ng mabuti ang mga pagkain kapag wala itong sakit, at
ganun din ang ating mga puso.

Sabi ng isa sa mga ulama: malalasahan ng katawan ang pagkain kapag walang sakit, at
ganun din ang puso matitikman nito ang IMAN kung malayo ito sa mga kasaalanan.

*Ang pamamahal kay allah ay nagsisimula kapag nakilala na natin siya, nalaman nating ang
kanyang mga ngalan at ang kanyang mga matataas na katangian, at nakita natin ang kanyang
mga nilikha, kaya naman nararapat saatin ang magsaliksik ng kaalaman upang makamtan
natin ang tamis ng IMAN.

*Ang pagmamahal sa propeta ay nagsisimula kapag nakilala na natin siya at ang kanyang
mensaheng dala at ang kanyang mga paghihrap sa pagpasan nito, at ang pagmamahal kay
allah ay hindi kumpleto kung wala ang pagmamahal sa propeta sabi ni allah:

]13:}[
{
Ayon sa malapit nitong kahulugan: sabihin mo sakanila o Muhammad na kung totoo ang
pagmamahal niyo kay allah ay sundin niyo ang mga utos ko at mamahalin kayo ni allah.
*ang ikalawang bahagi ng hadith, ang pagmamahal sa iyong kapatid na muslim ng walang
ibang dahilan maliban kay allah, ang pangalawang antas na ito ay mangyayari lamang kung
napaloob na sa iyong puso ang unang antas, na mamahalin mo ang iyong kapatid ng hindi
dahil sa dugo, salapi o posisyon o kung anumang dahilan maliban na lamang dahil sa siya ay
nanampalataya kay allah, ganun din ang galit at pagkamuhi sa isang tao na walang ibang
dahilan maliban kay allah
*halimbawa: nararapat na mahalin mo ang iyong kapatid na muslim kahit hindi mo siya
kalahi, o wala kang nakukuhang benipisyo sakanya o kahit galit ka pa sakanya dahil siya ay
iyong kapatid, ngunit kung mahal mo naman ang isang tao dahil kalahi mo o may nakukuha
kang benipisyo sakanya, sa oras na magkamali siya o mawala ang kanyang kayamanan o
kaya'y malaman mo na hindi mo pala siya kalahi, mawawala ang pagmamahal mo sakanya,
kaya nararapat na ang dahilan natin sa ating pagmamahal ay si allah lamang at wala ng iba.
*Ganun din ang galit: dapat na ang dahilan ng ating galit ay para kay allah, tulad ng
pagkamuhi sa mga hindi mananampalataya o sa taong nagkasala ng may katarungan,
kamumuhian natin siya dahil hindi siya nanampalataya o kamumuhian natin ang kasalanan
na kanyang nagawa, ngunit sa oras na siya ay nanampalataya o nagbalikloob kay allah
nararapat lamang na mahalin natin siya, hindi nating pwedeng kamuhian ang isang tao dahil
sa kanyang tribo o estado ng pamumuhay.
*pangatlong bahagi ng hadith: ang kamuhian ng isang muslim ang pagbalik sa KUFR o ang
paglabas sa ISLAM o ang kamuhian niya ang pagbalik sakanyang mga masasamang Gawain
(tulad ng pagpatay, zina) tulad ng pagkamuhi o pagkatakot niya na maipasok sa
laglalagablab na apoy ng imperno.
*Nararapaat na magpasalamat ang isang muslim sa pinakamalaking biyaya na ipinagkaloob
sakanya ni allah at ito ang ISLAM, paano na lamang kung hindi ibinigay sayo ito ni allah? Ang
tao ay mamumuhay sa mundo ng hindi niya nakakamtan ang tunay na kasiyahan at
kaligayahan, at pagdating sa kabilang araw siya ay mamumuhay sa kaparusahan ng
panghabang buhay, dahil kapag hindi nagpapasalamat ang isang tao, unti-unti niyang
makakalimutan ang biyaya ni allah at unti-unti niyang iiwanan ang ISLAM, mula sa pag iwan
ng mga sunnah, paggawa ng mga makhrooh, at hanggang sa paggawa na ng mga haram at
pag iwan ng wajib, hanggang dumating sa punto na kaya niya nang iwan ang islam.

Vous aimerez peut-être aussi